Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 6

Paaralan Bulihan Integrated Baitang Baitang 12

National High School


Guro Niezel M. Buso Asignatur Filipino sa Piling
TALA SA a Larangan
PAGTUTURO Petsa Ika-26 at 27 ng Oktubre Markahan Unang Markahan
Oras 9:30 – 11:30 AM Bilang ng 1
1:00 – 3:00 PM Araw

I.LAYUNIN Sa araling ito ang mga mag-aaral ay inaasahang:


 Nakakasusulat nang maayos na akademikong sulatin
 Natitiyak ang angkop na proseso ng pagsulat ng piling
 Pamantayang Pangnilalaman sulating akademiko
 Nagagamit ang angkop na format at teknik ng
pagsulat ng akademikong sulatin
 Nakasusulat ng 3-5 na sulatin mula sa nakalistang
 Pamantayan sa Pagganap anyo na nakabatay sa pananaliksik
 Nakagagawa ng palitang pagkikritik (dalawahan o
pangkatan) ng mga sulatin
 Pinakamahalagang Kasanayan
sa Pagkatuto (MELC)
(Kung mayroon, isulat ang  Nakakasusulat nang maayos na akademikong sulatin
pinakamahalagang kasanayan sa
pagkatuto o MELC)
 Natutukoy ang katangian ng buod
 Pagpapaganang Kasanayan  Naihahambing ang buod, synopsis, at abstrak
(Kung mayroon,isulat ang
pagpapaganang kasanayan)  Nasusunod ang proseso ng pagbubuod
 Nakapag-bubuod ng isang akademikong sulatin
 Sinopsis, Buod at Abstrak
II. NILALAMAN  Proseso ng Pagsulat ng Buod
 Pagsulat ng Buod
III. KAGAMITAN PAMPAGTUTURO
A. Mga Sanggunian
MELC Filipino sa Piling Larangan Grade 11/12, Unang
a. Mga Pahina sa Gabay ng Guro
Markahan Q1. PIVOT BOW SHS Applied Subjects
b. Mga Pahina sa Kagamitang
Pangmag-aaral
c. Mga Pahina sa Teksbuk
d. Karagdagang Kagamitan mula
sa Portal ng Learning Resource
Google Meet, Pear Deck, Mga larawan, Slide Presentation,
B. Listahan ng mga Kagamitang
Pormat ng Plano at Posisyong Papel
Panturo para sa mga Gawain sa
Pagpapaunlad at Pakikipagpalihan
IV. PAMAMARAAN
A. Panimula Panimulang Gawain:
 Panalangin
 Pagsagot ng mga mag-aaral sa link ng Attendance
 Mga tagubilin ng guro
 Pagpapahayag ng layunin
SURIIN
I. Piliin ang pinakaangkop na buod ng bawat pahayag.
1. Isa sa karaniwang gawain sa makabagong panahon ay
ang paglalakbay sa ibang bansa gamit ang malaking
mechanical device: may dalawang pakpak, buntot at apat
na engines – ang eroplano.
 Ngayon, nauuso ang paglalakbay sa ibang lugar.
 Sa panahon ngayon, nagiging sikat ang
paglalakabay gamit ang eroplano.

2. Ang pagdami ng tao, pangangailangan sa pagkain,


idagdag pa ang pagtaas ng paggamit ng fossil fuels,
polusyon mula sa mga sasakyan at pabrika ay lumilikha ng
matinding problema sa pagtaas ng temperatura ng ating
mundo.
 Ang pamumuhay sa ika-21 siglo ay nagdudulot ng
paglala ng global warming.
 Nagbubunga ng polusyon ang pagdami ng tao at
pangangailangan ng mga ito. Ang polusyon na ito
ang lumilikha paglala ng ng global warming.

II. Tukuyin ang pangunahing paksa ng bawat pahayag sa


ibaba.
3. Ang mga propesor na matagal nang nagtatrabaho sa
isang unibersidad ay mga dalubhasa na sa kanilang mga
laranagan at marahil nakapagsulat na ng maraming
pananaliksik at aklat.

4. Kakaiba at mapanganib ang impeksyon dulot ng COVID-


19 sa buong mundo na nagdudulot ng pagkakasakit at
pagkamatay ng mga tao sa lahat ng bansa. Itinuring na
itong pandemic ng WHO. Dahil hanggang ngayon ay wala
pa ring lunas para sa virus na ito, nahihirapan na ang
sistemang pangkalusugan ng mga bansa upang mailigtas
ang mga naaapektuhan.
Ang COVID-19 ay nagdulot ng krisis pangkalusugan sa
buong mundo.

5. Ang mga pormal na pagsusulit na sumusukat sa


kaalaman ng mag-aaral na isinasagawa taon-taon ay
nagiging sanhi ng stress sa maraming mag-aaral.
Ang mga pagsusulit ay nagdududlot ng stress sa mga mag-
aaral.
B. Pagpapaunlad
SUBUKIN
Pagtalakay ng guro sa pagkakaiba ng buod, abstrak at
synopsis.

Batay sa mga binasang teksto (Takdang Aralin Linggo 3),


tutukuyin ng mga mag-aaral kung alin sa mga iyon ang
buod, synopsis at abstrak.

TUKLASIN
Pagtalakay ng Guro

ABSTRAK
• Buod ng natapos na pananaliksik, disertasyon
upang mabilis na matukoy ang layunin ng pag-aaral
• Binubuo ng:
• Problema
• Layunin ng pananaliksik
• Metodolohiya
• Resulta
• Konklusyon
• Rekomendasyon (opsyonal)

HALIMBAWA

Sa pag-uso ng mga Korean media tulad ng Kdrama at K-Pop


hindi lamang sa bansa ngunit sa buong mundo, natuon ang atensyon
ng mga mananaliksik na gumawa ng pag-aaral tungkol dito. Ang
pag-aaral na ito na pinamagatang “KukoWiPi: Epekto ng Kulturang
Koreano sa Wika at Pananalitang mga Mag-aaral ng Junior High
School sa Far Eastern College-Silang S.Y. 2017-2018” ay may
layuning malaman ang epekto ng kulturang Koreano sa wika at
pananalita ng mga mag-aaral. [problema at layunin]
Ang mga mananaliksik ay gumamit ng sarbey upang mangalap
ng numerikong datos na gagamitin upang masagot ang mga
suliranin. Ang pag-aaral na ito ay sumasaklaw lamang sa mga mag-
aaral ng Junior High school sa paaralang Far Eastern College- Silang
S.Y 2017-2018. [metodo]

Ayon sa datos na nakalap sa animnapung (60) tagatugon, may


tatlong pinakamadalas gamitin na ekspresyon ng Korea, napag-
alaman din na may pangkalahatang epekto ang paggamit ng mga
salitang Korean sa pakikipagtalastasan, at huli ay may isa hanggang
anim na ekspresyong Koreano ang alam ng mga tagatugon. [resulta
at konklusyon]
Ang rekomendasyon ng mga mananaliksik ay dapat malaman
ng mga estudyante ang mga salik na nakakaapekto sa pagkatuto ng
dayuhang salita at maging maalam ang mga magulang sa bagong
wika na ito. Para sa departamento ng edukasyon, gumawa ng 3 Far
Eastern College – Silang, Inc. Metrogate Silang Estates – Silang
Cavite Senior High School istratehiya upang mapanatili pa rin ang
kulturang Pilipino at gamiting mabuti ang dayuhang wika na
makakatulong sa pag-unlad ng bansa. [rekomendasyon]

BUOD
• Tala ng indibidwal, sa sarili niyang pananalita ukol
sa narinig, napanood, nabasang artikulo, balita, aklat,
panayam, isyu, usap-usapan at iba pa.

Katangian ng Buod
 Maikli ngunit malaman
 Nagtataglay ng obhetibong balangkas ng orihinal
na teksto
 Hindi nagbibigay ng sariling ideya at kritisismo

Pagbubuod ng Sanaysay
• Pangunahing ideya
• Paksang pangungusap
• Paksang pangungusap
• Paksang pangungusap
• Konklusyon
Pagbubuod ng Kuwento
• Simula – tagpuan
• Gitna – Tauhan, problema at ilang pangyayari
• Wakas – Kinalabasan/ solusyon

Proseso ng Pagbubuod
1. Basahin ang buong teksto/akda.
Unawain hanggang makuha ang buong kaisipan o
pasang diwa.
2. Suriin at hanapin ang pangunahin at
pantulong na ideya.
3. Habang nagbabasa, magtala o
magbalangkas.
4. Ihanay ang mga ideya batay sa
nabalangkas na ideya.
5. Bigyan ng koneksyon ang bawat ideya na nakabatay
sa binasang teksto.
6. Basahin ang buod na naisulat at suriin. Tignan kung
mas mapapaikli pa ito.

Ilang Paalala sa Pagbubuod


• Ilahad ang pinakamahalagang ideya/paksa ng
sanaysay.
• Ilahad ang mga argumento.
• Tumutok sa lohikal o kronolohikal na daloy.
• Huwag nang maglagay ng detalye, halimbawa o
ebidensya.
• Makakatulong ang mga transisyon o pang-ugnay.
• Huwag maglagay ng opinyon.
• Gumamit ng ikatlong panauhan.

PAGYAMANIN
Pagsasanay
Ibuod ang sumusunod na talata.

1. Ayon kay William Sumner, ang mga ethnocentric na


indibidwal ay ginagawang sentro ng kanilang
kaisipan ang sariling kultura at hindi pagkilala at
pagtanggap sa iba pang kultura na mayroon ang
ibang pangkat. At ito ay nagbubunga ng
pagkakahiwahiwalay ng mga pangkat etniko na
ipinagmamalaki ang sari-sariling kultura at
pagkakakilanlan. Sa pagkakaroon ng maraming
wika at dayalekto sa Pilipinas hindi maiiwasan ang
pagkakaroon ng ethnocentrism na sumasagka sa
kolektibismo ng isang bansa. Isang katangian ng
wika ay ang pagiging pantay-pantay.

2. Ngunit ang tema ng komedya sa Pilipinas ay


nagbago mula sa nakakatuwa hanggang sa
nakakatawa. Ang mundo ng komedya sa bansa ay
bumababa na umaabot na sa pagkakaroon ng
pambabastos at pagbababa ng moralidad ng isang
tao na sila ay nagiging kakatwa na imbis na
nakakatuwa. Maraming komedyante ang
gumagamit ng mga offensive humor na
nakapagpapababa ng katauhan ng isang
personalidad. Katulad na lamang ng tema ng pag-
ibig na napalitan na ng kahulugan ng teen lust at
forbidden desire dulot ng mga ilang pelikula at
teleserye na ipinalalabas ng midya. Sa kasalukuyan,
ang komedya sa Pilipinas ay hindi na tungkol sa
pagtawa kasama ang ibang tao kundi pagtawanan
ang ibang tao.

3. Ang pagiging masayahin ng mga Pilipino sa kabila


ng mga trahedya sa buhay ay hindi dapat bunga ng
nakatatawang dahilan bagkus dapat tuwa na
nagdudulot ng tunay na kaligayahan. Hindi dapat
gawing katatawanan o pagtawanan ang isang
indibidwal dahil sa kanyang hitsura, pananamit,
pananalita at gawi dahil sila ay isang indibidwal na
may pinahahalagahang buhay, pagkatao, at
dignidad. Ang pagpapatawa ay hindi lamang upang
makapagpasaya ng tao kundi pagsasaalang – alang
din ng respeto sa lahat.

C. Pakikipagpalihan ISAGAWA

Magpapakita ang guro ng isang maling buod ng tekstong


nabasa. Susuriin ito ng mga mag-aaral.
LINANGIN

Pangkatang Gawain

Batay sa mga pagsusuri sa maling buod, buuo ang mag-


aaral ng isang panibago at maayos na buod ng tekstong
binasa. Ibabahagi ito sa klase.

IANGKOP

Hayaan ang bawat mag-aaral na magbigay ng pidbak,


puna, komento sa buod ng ibang pangkat. Paghahambing
sa gawa ng bawat pangkat.

D. Paglalapat ISAISIP
Tama o Mali. Tukuyin kung ang bawat pahayag ay
tama o mali ukol sa ating napag-aralan. Kung Mali,
palitan ang salitang nagpamali.

1. Gumamit ng unang panauhan sa pagsulat ng buod.


2. Sa pagbubuod, mahalagang matukoy ang pangunahin at
di pangunahing kaisipan sa teksto.
3. Isaalang-alang ang iyong sariling opinyon sa pagsulat ng
buod.
4. Ang pagbubuod ay maaaring lohikal at kronolohikal.
5. Sa pagsulat ng Abstrak, hindi na kinakailangang isama
ang rekomendasyon.
TAYAHIN
1. Pumili ng isang sanaysay na babasahin. Ibuod ito sa
pamamagitan ng proseso na tinalakay sa klase.
 Ang Kalagayan ng Sining at Kultura sa
Panahon ng Globalisasyon ni Jenifer Padilla
 Kulturang Popular ng Korapsyon Bilang
Panlipunan at Pang-ara-araw na Mobilidad ni
Rolando Tolentino
2. Ipasa ang pagsusuri sa sanaysay at ang buod na
nabuo.

IV. PAGNINILAY Kahalagahan ng Pagbubuod


Sa pamamagitan ng Dugtungang-Salaysay, bubuo ang
bawat pangkat ng kahalagahan ng pagbubuod sa mga mag-
aaral.

Inihanda ni: Binigyang-Pansin ni:

NIEZEL M. BUSO ANGELINA R. VARGAS


Guro sa Filipino sa Piling Larangan Ulongguro IV sa Filipino

You might also like