Rivera, Julia - Position Paper

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

“Pagbabago, Para kanino?

“Change is coming” iyan ang ilan sa mga pangako na ibinitaw ni Pangulong Duterte
simula ng siya’y inuloklok sa piyesto mula pa noong taong 2016. Ngayun, 6 na taon mula nang
siya’y naging presidente, madaming pagbabago sa bansa ang naganap, ang oplan kontra sa
droga, na naglalayong sugpuin at ibaba ang kaso ng mga taong gumagamit ng naturang
ipinagbabawal na gamut, ang build build build project nito na layuning magbigay oportunidad sa
mga manggagawang Pilipino at iba pang proyektong sinasabing maka-masa at para sa Pilipino.
Ngayung pandemya, higit na nasusubok ang kakaayahan ng president para sa ikakabuti ng bansa,
ngunit pano nga ba masasabing tagumpay ang naturang ‘pagbabago’ kung ang mga naturang
proyekto ay higit na kabaliktaran ng inilulunsad nito?

Naging maingay sa social media ang pagtututol sa pagsasatupad sa batas hingil sa


malawakang jeepney phaseout ng bansa. Ang Public Utility vehicle modernization program o
PUVMP ay isang patakaran kung saan nais palitan ang mga tradisyunal na jeep ng mga
“modernized jeep” na inilunsad ng Department of Transportation ng Pilipinas noong 2017 at
inaasahang maipapatupad ngayun Marso 31, 2021. Nais ipasatupad ang batas sapagkat
pinapaliwalaang luma, hindi ligtas at hindi maganda sa kalikasan ang mga nakagisnan na jeepney
sa bansa. Sa pagpapatupad ng gobyerno sa phaseout, pinipilit na pumasok ang mga operator at
drayber sa kooperatiba upang makabili ng modernized jeepney nag nagkakahalagang 1.3 to 2.4
milyon kada unit, at mga korporasyon ang mangangasiwa sa pamamasada ng mga sasakyan at
ang mga sasakyan ay mapupunta sa pangalan ng korporasyon. Ang jeepney ay isa sa mituturing
na ‘trademark’ ng pagka-Pilipino, di lamang iyan kundi nagging pangunahing linya din ito ng
transportansyon ng mga ordinaryong mamamayanang Pilipino. Kung ating eestimahin, asa
pitong taon lamang ang itatagal ng modernisadong jeep kumpara sa traditional na jeep,
garantisadong mas matibay at kayang tumagal ng ilang dekada ang mga nakagisnan nating jeep,
bukod pa diyan, malilimitahan lamang ang mga maaring mamasada, magkakaroon ng iba’t ibang
pamantayan, kagaya ng edad, bago tuluyang pumasada dahil hawak ng mga korporasyon ang
prangkisa ng mga sinasabing modernisadong jeep. Kung tuluyan ngang maipapatupad ang
naturang batas, tinatayang 500,000 mga jeepney drayber, 300, 000 na mga operator at 2 milyon
na pamilya ang mahihirapan at mawawalan ng hanapbuhay, mas lalo papano pa kaya’t asa gitna
tayo ng pandemya? Dadagdag lang ang mga drayber sa milyon-milyon na manggagawang
kontraktwal, walang benepisyo at mababa ang sahod. Lubos din na masasadlak sa kahirapan ang
mga drayber na hindi pumasa sa napakataas na pamantayan ng kwalipikasyon at kota sa pagkuha
ng nasabing unit. Imbis na mga Pilipino ang makinabang sa mga naturang programa na inilalaan
sana sa sinasabing “pagbabago” ng gobyerno, mga malalaking dayuhang monopolyong
korporasyon na nagmamanupaktura ng mga malalaking sasakyan ang higit na tunay na
makikinabang, mga bangko at iba pang pinansyal na institusyon na handang magpautang na may
malaking interes at mga malalaking burgesya kumprador tulad ng Ayala na kikita sa gagamiting
beep cards. Ngayun, kung ating susuriin pa lamang, tunay nga bang para sa makamasang
Pilipino ang pagbabago o para sa mga taong may kakayahan lamang na makipagsabayan sa
pagbabagong ito? Naniniwala ako na ang programang ito ng administrasyon ay anti-poor at anti-
people. Bakit? Lalo lamang magigipit ang mga jeepney driver, kung nanaisin nilang
makipagsabayan sa modernisasyong ito, mapipilitang umutang ang mga driver sa mga bangko,
papaano pa kaya ang mga driver na sapat lamang ang kinikitaupang matustusan ang kanilang
pangangailangan sa isang araw, magiging isang pasakit lamang ito sa mga driver, operator at
malawak na hanay na lubusang umaasa ditto. Isa itong mapanlinlang na iskema ng pamahalaan
sa ngalan ng modernisasyon na mas magpapabaon lamang sa mga drayber at operator sa utang,
pangalawa, mapipilitang magtaas ng pamasahe ang mga jeepeney driver upang mabayaran at
mabawi ang naturang inutang para makabili ng modernized jeep, ang mga ordinaryong
mamayanan ay mas lalong maghihirap sa pagcocommute, at pangatlo, masyadong idealistic sa
panahon ngayun ang naturang programa, hindi napapanahon at naayon dahil imbis na ituon ng
gobyerno ang pansin sa pagsugpo ng pandemya, baluktot ang prayoridad ng administrasyon at
mas lalo lamang pinapahirapan ang mgaordinaryong Pilipino.

Oo’t laha’t tayo ay nagnanais ng pagbabago at modernisadong pamumuhay, tiyak rin na


ninanais din ng ating mga jeepney drivers ang pagbabago, ngunit kung pagbabago ang nais dapat
ang pagbabagong ito ay para sa lahat at hindi lamang para sa mga may kakayahan, kung tunay
ngang para sa Pilipino ito, dapat lamang na ang mga programa at batas na inilulunsad ay higit na
para sa ikakaunlad at ikakabuti ng bansa, hindi para sa benepisyo ng mga naglalakihang
korporasyon at ganid na mga politiko.

You might also like