Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 4

Ang batas militar ay kakaibang

kapangyarihan ng estado na karaniwang


ipinatutupad nang panandalian ng isang
pamahalaan kapag hindi na nito maayos
magampananan ang pamamahala gamit ang
sibilyan nitong kapangyarihan (e.g.
pagpapanatili ng kaayusan at katiwasayan, o
magbigay ng mga pangunahing serbisyo). Sa
isang ganap na batas militar, ang
pinakamataas na opisyal ng militar ang
namumuno, o naitatalaga bilang
tagapamahala o puno ng pamahalaan,
kasabay ng pagbuwag o pagtanggal ng lahat
ng kapangyarihan ng mga sangay ng
pamahalaan
mula tagapagpaganap, tagapagbatas,
hanggang panghukuman.[1]
Maaaring ipatupad ng pamahalaan ang batas
militar upang manaig ang kanilang
kapangyarihan sa sambayanan. Ang ilang
insidente ng pagpapatupad ng batas militar
ay nangyayari matapos ang
isang kudeta (gaya ng sa Thailand noong
2006 at 2014); kapag may banta ng
malawakang protesta laban sa pamahalaan
(Tsina sa Tiananmen Square noong 1989);
upang supilin ang oposisyong politikal
(Poland noong 1981); sugpuin ang
napipintong pag-aalsa (Canada, October
Crisis noong 1970). Nagdedeklara rin ng
batas militar tuwing may matinding sakuna;
ngunit, ang ilang bansa ay gumagamit ng
ibang legal na konstruksiyon, gaya ng estado ng kagipitan.
Nagpapatupad din ng batas militar tuwing may mga hidwaan gaya ng pananakop,
kung saan ang kawalan ng pamahalaang sibilyan ay nagdudulot ng pagkabalisa ng
populasyon. Ang ilang halimbawa ng ganitong pamamahalang militar ay noong
rekonstruksiyon pagkatapos ng Ikalawang Digmaang
Pandaigdig sa Alemanya at Hapon, pati na rin noong rekonstruksiyon sa timog
Estados Unidos pagkatapos ng Digmaang Sibil Amerikano.
Malimit na may kaakibat na pagpapatupad ng curfew, pagsuspindi ng batas
sibil, karapatang sibil, habeas corpus, at pagsasailalim o pagpapalawig ng hukumang
militar o katarungang militar sa mga sibilyan. Ang mga sibilyang hindi tatalima sa
batas militar ay maaaring litisin sa isang hukumang militar.
PROGRAMA AT PATAKARAN

Marami pa ring kababalaghan at katanungan ang bumabalot sa pagdedeklara ng Martial


Law ni dating Pangulong Ferdinand Marcos. Halina‟t siyasatin natin kung ano ba ang
nangyari sa Pilipinas sa ilalim ng Batas Militar.
Ika-21 ng Setyembre 1972 – idineklara ni Marcos ang Proclamation No. 1081 o ang Batas
Militar (Martial Law sa Ingles). Ngunit isinapubliko ito at napanood ang pagdedeklara
dalawang araw matapos ito pagtibayin. Matapos ipinalabas ang proklamasyon, agad na
ipinaaresto ang mga katunggali ni Ferdie sa pulitika, at mga demonstrador. Ipinasara ang
mga istasyon ng telebisyon, radyo at palimbagan ng mga dyaryo. Hinigpit ang seguridad at
nagpatupad ng curfew sa buong kapuluan.
Idineklara ang Martial Law dahil sa assassination plot laban kay dating Defense
Secretary/Minister at ngayo‟y Senate President Juan Ponce Enrile, paglakas ng pwersa ng
mga komunistang grupo at patuloy na kaguluhan sanhi ng mga demonstrasyon laban sa
pamahalaan at ang pagpapasabog sa Plaza Miranda. Hangad ng Martial Law

“Iligtas ang Republika”


Layong iligtas ang republika mula sa mga masasamang elemento katulad ng mga
komunista sa pamamagitan ng pagdedeklara ng Batas Militar. Imbes na humina at
mawala ang mga komunista, lalong lumakas at dumami ang kanilang mga miyembro,
nag-alab sila laban sa rehimeng Marcos. Mas tumindi ang giyera sa pagitan ng gobyerno
at mga komunista kaya maraming inosente ang namatay sa salpukan ng dalawa. Ang mga
mamamahayag ay napagbintangan na sila‟y kasapi ng mga grupong Communist Party of
the Philippines at New People’s Army kaya marami ang kaso ng extrajudicial killings sa
panahon ng panunungkulan ni Macoy. Maski mga ordinaryong tao ay pinagbintangan
kaya ang iba sa kanila‟y sinaktan, pinatay at ipinahiya sa harap ng mga mamamayang
takot at mabilis maniwala sa mga sabi ng gobyerno.

Bagong Lipunan
Hangad ni Marcos na baguhin ang lipunan sa pamamagitan ng Batas Militar. Nabago nga
niya ang lipunan dahil takot na ang mga Pilipino sa kanya. Malaki ang ipinagbago ng
kalagayang pangkalusugan at pangkalinisan – nawala ang mga basura sa daan at ang
paligid ng mga tahanan ay naging malinis at napanatiling malinis ng mga tao na
rin. Nabawasan ang mga pasugalang ipinagbabawal lalo na sa pangunahing lungsod
ng Maynila. Nagkaroon ng kapayapaan at katahimikan sa mga pook ng paaralan na dati-
rati‟y may ligalig at karahasan.
Napapaloob ang mga programa ng reporma ng pamahalaan sa salitang “PLEDGES” na ang
ibig sabihin ay: P-eace and Order (Kapayapaan at Kaayusan); Land Reform (Reporma sa
Lupa); Economic Development (Kaunlaran sa Kabuhayan);D development of moral
valuesGovernment Reforms (Mga Pagbabago sa Pamahalaan); Educational Reforms (Mga
Pagbabago sa Sistema ng Edukasyon); Social Services (Serbisyong Panlipunan).
Itinuturing na maganda ang programa ngunit ang mga repormang naipangako ay
hanggang sa papel lamang. Kung mayroon mang pagbabago at nangyari lamang sa mga
unang taon ng Bagong Lipunan.
Ang kanyang „Bagong Lipunan‟ ay nabalot ng mga pangamba at takot dahil sa isang utos
niya lang, dapat sumunod at maniwala ang lahat o ipapapatay sila. Hatid niya ang bagong
Pilipinas na puno ng kaharasan at patayan.
EPEKTO SA PAGKABANSA

Marami ngang nagawa, mas marami pa ang ninakaw sa kaban ng bayan


Oo‟t marami nga siyang nagawa sa kanyang 21 taon na panunungkulan. Nandyan
ang San Juanico Bridge, Cultural Center of the Philippines, Lung Center at Heart
Center, ang mga programang Green Revolution, reporma sa Lupa, North Luzon at
South Luzon Expressway at iba pa. Sabi ng ilan, mas mura ang mga bilihin noon kesa
bago pa at pagkatapos ni Marcos ngunit hindi nila alam na binabantaan ng
pamahalaan ang mga nagtitinda na panatilihin sa mababang presyo ang mga bilihin
upang mas maging epektibo ang “Bagong Lipunan”. Ngunit sa mga iba niyang
proyekto ay sukdulan ang paglabas ng pera mula sa kaban ng bayan upang ibigay sa
kanyang mga kaibigan at kamag-anak. Naging kontrolado ng kanyang pamilya ang
ekonomiya kaya noong pinatalsik siya, pinabagsak nila ng husto ang ekonomiya ng
bansa.

Pagbabago sa Pamahalaan at Saligang Batas


Nagkaroon ng malaking pagbabago sa pamahalaan mula nang ipahayag ang Martial
Law. Ang Kongresyo na siyang gumagawa at bumabalangkas ng mga batas ay
binuwag. Naalisan ng tungkulin ang mga senador at kinatawan. Sa ilalim ng Batas
Militar, nagkaroon ang Pangulo ng kapangyarihang lehislatibo. Gumawa siya ng mga
Kautusang Pampanguluhan (presidential decree), Kautusang Pangkalahatan (General
Order) at Liham Pagpapatupad (Letter of Instruction). Ang mga ito ang mangangasiwa
sa Pamahalaan at lahat ng mga sibilyang kapangyarihan. Ang Kautusang
Pampanguluhan ay may bisa at lakas tulad ng mga batas na ipinapalabas ng dating
Kongreso.
Agad na ipinabuwag ang Saligang Batas ng 1935 at dagliang gumawa ng
Kumbensyong Konstitusyonal na siyang gagawa ng bagong saligang batas. Ilan sa
mga delegado sa kumbensyon ay sina dating Pangulong Carlos P. Garcia at Diosdado
Macapagal, ang ilang mga kasapi ay mula sa pampublikong sektor at simbahang
Katolika. Kaya nang naiharap at naipasa kay Marcos ang saligang batas, naging
magulo ang pamahalaan. Matapos maipasailalim sa bagong konstitusyon ang bansa,
naging dalawa ang tungkulin ni Marcos, ang maging Pangulo at Punong Ministro, ang
Kongreso‟y napalitan ng Batasang Pambansa.
Sa ilalim ng Batas Militar, ang Pilipinas ay para bang nakasakay sa isang roller
coaster, dahil sa magulong sistema ng pamahalaan at lipunan. Maraming inosente
ang namatay dahil sa mga maling bintang at ang ating ipinagmamalaking sandatahan
ay naging death machine ni Marcos laban sa mga katunggali niya. Ang kanyang mga
sinabi sa kanyang inagurasyon noong 1965, mga proyekto niyang nakatulong sa
nakararami ay nabahiran na ng dungis dahil sa kanyang pagdedeklara ng
Proklamasyon Blg. 1081.
Inihatid niya ang Pilipinas sa daang bagsak ang ekonomiya, hati ang pananaw ng
buong populasyon at mga giyera dahil sa iba‟t-ibang paniniwala. Nawalan ng pag-asa
ang mga Pilipinong biktima ng Martial Law upang makabangon.
Ngunit sa matuwid na daan, ang bawat isa ay dapat maniwalang may pag-asa pa,
dahil tayo rin ang uukit ng maganda at bagong bukas. Tayo rin ang maghahatid sa
ating mga sarili sa matiwasay na bansa, tungo sa kaunlaran. Huwag na natin
sayangin ang panahon at ituwid natin ang kamalian, baguhin ang sistema at pag-
isahin ang hangarin nating bagong Pilipinas.
EPEKTO NG BATAS MILITAR SA POLLITIKA, KABUHAYAN AT
PAMUMUHAY NG PILIPINO

Ang mga taon ng maling pangangasiwa sa ekonomiya, talamak na korupsiyon at pababago-


bagong kondisyon sa politika noong rehime ni Ferdinand Marcos mula 1965 hanggang 1986
ang nag-ambag sa bumagal na pag-unlad ng ekonomiya ng Pilipinas.[6] Sa ilalim ni Ferdinand
Marcos nang ang ekonomiya ng Pilipinas ay kauna-unahang nakaranas ng negatibong pag-
unlad mula 1984.[7] Ang implasyon ay nasa 65%.[7]
Ang opisyal na palitan ng piso-dolyar noong 1965 ay 3.90 piso kada dolyar[8] ngunit bumagsak
sa 19.030 kada dolyar noong 1985[8] at 20.53 piso kada dolyar nang mapatalsik si Marcos
noong 1986.[8][7] Ayon sa ilang sanggunian, ang taunang paglago ng GDP ng Pilipinas mula
1976 hanggang 1986 sa ilalim ng pamumuno ni Marcos ay 1.8% lamang.[9] Ang ekonomiya ng
Pilipinas ay nasadlak sa krisis pang-ekonomiya noong mga 1970 dahil sa sinasabing paggastos
ni Marcos ng mga pondong pampamahalaan sa kanyang muling pagtakbo bilang
Pangulo.[10] Dahil hindi mabayaran ng administrasyon ni Marcos ang utang pandayuhan ng
bansa, siya ay nakipag-ayos na pabagsakin ang halaga ng piso sa ₱6.40 kada US dolyar.
Noong mga 1970, ang pangkalahatang pagtaas sa mundo ng mga presyo ng hilaw na materyal
ay nakatulong sa ekonomiya. Napanatili ng pagmamanupaktura ang 6 porsiyentong rate ng
paglago noong mga huling 1960 ngunit mababa sa ekonomiya sa kabuuan. Ang pagluluwas ng
mga produkto ay lumago rin. Ang pampublikong sektor ay gumampan ng mas malaking papel
sa ekonomiya noong mga 1970 dahil sa paggastos ng pamahalaan sa GNP ng mga 40
porsiyento. Upang suportahan ang ekonomiya, si Marcos ay mabigat na umutang sa
dayuhan.[10] Nang maging Pangulo si Marcos noong 1965, ang utang na pandayuhan ng
Pilipinas ay mababa sa dalawang bilyong dolyar. Nang mapatalsik si Marcos noong Pebrero
1986, ang utang na pandayuhan ng Pilipinas ay umabot ng 28 bilyong dolyar. Sa
kasalukuyan, ang pamahalaan ng Pilipinas ay nagbabayad pa rin ng interes sa mga utang
pandayuhan ng bansa na natamo noong panahon ng administrasyong Marcos hanggang sa
2025.[11] Ayon sa mga ulat, ang 33% ng mga utang pandayuhan na katumbas ng 8 bilyong
dolyar ay napunta sa bulsa ni Marcos at kanyang mga crony.[12] Sa pagpapatupad ng Bagong
Lipunan, kinumpiska ni Marcos ang mga negosyo ng "oligarkiyang Tsino at Espanyol" ngunit
ang mga ito ay napunta naman sa mga kasapi ng pamilya Marcos at mga malapit na kaibigan
na naging ang bagong oligarkiya. [13][14] Sa ilalim ng Martial Law, ginawang pambansa o pag-
aari ng pamahalaan ni Marcos ang mga pribadong malalaking korporasyon gaya
ng PLDT, PAL(Philippine Airlines), Meralco, Fortune Tobacco, San Miguel Corporation at iba pa
na naging mga pag-aari ng pamilyang Marcos.[14][15] Sinasabing ang PAL o Philippine Airlines ay
ginawang virtual private commuter line para kay Imelda Marcos at mga kaibigan niya para sa
kanilang mga pagshoshopping sa New York at Europa.[16] Itinatag ni Marcos at kanyang mga
crony ang "kapitalismong crony" at mga monopolyo sa mga mahahalagang industriya gaya ng
buko, tabako, saging, pagmamanupaktura, asukal at iba pa. Sinasabing ang pagtatag ni
Marcos ng mga monopolyo ang malalang nagpalumpo ng ekonomiya ng Pilipinas.[10] Ang mga
magsasaka ng asukal at buko ay napilitan lamang magbenta ng kanilang mga produkto sa
mga monopolyong itinatag ni Marcos sa mas mababang presyo kesa sa presyong pandaigdigan.
Ang mga opiser ng militar ay inilagay ni Marcos sa lupon ng mga korporasyon at inutos niyang
kontrolin ng militar ang lahat ng mga pampublikong utilidad at media.[14] Sa pagdedeklara ni
Marcos ng Martial Law noong 1972, nangako siya ng reporma sa lupain ngunit nang
mapatalsik siya sa pagkapangulo noong Pebrero 1986, ang 50,000 hanggang 70,000 hektarya
lamang ng lupain ang naipamahagi sa mga maliliit na magsasaka mula sa 10.3 milyong
hektarya ng pribadong lupain at mula sa 17 milyong hektarya ng lupaing pampubliko.Noong
1975, ang 57% ng mga pamilyang Pilipino ay iniulat na mahirap.[12] Noong 1985, ang 60% ng
populasyon ng Pilipinas nasa ilalim ng linya ng kahirapan.[

You might also like