Esp Ptask Grade 9

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 4

MGA PROYEKTO SA EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO 9

PTASK #1

Panukala sa Pangulo
Panuto:
1. Kung mabibigyan ka ng pagkakataong magpaabot ng iyong panukala sa Pangulo ng bansa para sa
kabutihan ng mga kabataan batay sa Likas na Batas Moral, ano ang ipapanukala mo? Pangatwiranan.
Gawin ito at i- post sa ating facebook group.
Note: (sa mga walang facebook o internet gawin ito at gayahin ang format na nasa ibaba, ilagay ito sa
bondpaper)

2. Gabay mo ang pormat sa ibaba.


PTASK #2

Taos Pusong Panayam


Panuto:
1. Magsasagawa ng panayam sa isang miyembro ng pamilya o sa isang kapitbahay na manggagawa.
2. Pillin mong kapanayamin ang isang nakikita mo na taos puso sa kaniyang paggawa lalo na para sa mga
taong nangangailangan (marginalized) o mahihirap. Maaaring siya ay magmula sa iba’t ibang karera,
trabaho o negosyo sa track na akademik, teknikal-bokasyonal, sining at disenyo at isports.
3. Tandaan ang mga patakaran na ipinaiiral ng pamahalaan ngayong panahon ng Bagong Normal sa
gagawing panayam.
4. Batiin ang kapanayamin (Halimbawa: “Maayong buntag, Manang Lydia.”)
5. Gamitin ang sumusunod na tanong sa panayam:
a. Ano po ang iyong trabaho?
b. Ano po ang motibasyon mo o nagtutulak sa iyo na piliin ang trabaho o negosyong ito?
c. Ano po ba ang iyong layunin sa paggawa?
d. Ano-ano po ang mga hamon na pinagdaanan mo sa paggawa: ang mga problema o balakid na
iyong nalampasan o kinakaharap?
e. Ano po ang kabutihang naidulot ng iyong taos pusong paggawa para sa mga nangangailangan
(marginalized) o mahihirap na iyong pinaglilingkuran?
6. Gumawa ng sariling pormat na susulatan sa resulta ng iyong panayam.
7. I-document ang panayam at kumuha ng mga larawan, ilagay ito sa bondpaper.
PTASK #3
Panawagan para sa ka-baranggay

Panuto: Ang tunay na diwa ng pakikilahok at bolunterismo ay hindi minsan lamang. Ito ay patuloy na
proseso na dapat isagawa.
1. Magtala sa Facebook ng dalawang gawain ng kinabibilangang barangay na kailangang tugunan ng mga
ka-baranggay.
2. Maghanap ng mga volunteer na ka-baranggay para rito gamit ang Facebook.
3. I-post sa ating Facebook Page ang iyong paanyaya o panawagan ng mga volunteer para
makatulong sa gawain ng baranggay. Gumawa ng (1-2 Minuto) Bidyu/Video ng iyong sarili na
nanghihikayat ng mga ka-baranggay na makilahok sa mga Gawain ng inyong barangay.
PTASK #4
Pagtutuwid ng aking mga Kilos
Panuto: Bilang isang responsableng mag-aaral dapat kong ituwid ang aking mga maling kilos. Sagutin
ang mga hinihingi sa ibaba. Isulat sa malinis na bondpaper ang iyong mga kasagutan. Gayahin ang
format na nasa ibaba.

Prepared by:
NELSSEN CARL M. BALLESTEROS
ESP Teacher

You might also like