Professional Documents
Culture Documents
3rd Quarter Grade 5 Pe Learning Activity Sheets Week 1 2 Final
3rd Quarter Grade 5 Pe Learning Activity Sheets Week 1 2 Final
Department of Education
Regional Office III 5
Guided Learning Activity Sheet
Physical Education 5
Quarter 3 – Week No. 1 - 2
Kahalagahan ng Physical
Fitness sa Pagsasayaw
at
Mga Benepisyo ng Pagsasayaw
MAPEH (Physical Education) – Ikalimang na Baitang
Learning Activity Sheet
Ikatlong Markahan – Week 1-2
Kahalagahan ng Physical Fitness sa Pagsasayaw
At Mga Benepisyo ng Pagsasayaw
Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon
ng karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito
ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay
ang pagtakda ng kaukulang bayad.
Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand
name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito
ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang
makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at
mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay
kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.
Mga Tagaguhit:
Tagalapat: BENGEN Q. RAMIREZ
Layout Evaluator: SALVADOR P. ISIP, EPS I MAPEH
Cover Designer: ROSAURO M. PEREZ, EdD EPS I MAPEH
PAUL MARION R. VALLENTOS T1
Office Address :
Telefax :
E-mail Address :
Aralin Kahalagahan ng
1 Physical Fitness sa
Pagsasayaw
I. Alamin
4
II. Balikan
Panuto: Gumuhit ng masayang mukha (☺) kung ang mga nasa ibaba ay nagpapakita ng
layuning pangkalusugan at kakayahang pangkatawan. Malungkot na mukha () naman kung
hindi.
_____ 1. Manatiling malusog at malakas
_____ 3. Magpalakas
_____ 9. Pagsasayaw
III. Suriin
Ang pagsasayaw ay isang epektibong ehersisyo. Nakatutulong itong mapabuti ang mga
sangkap ng kaangkupang may kinalaman sa kalusugan o mga health-related fitness
components. Nililinang din ng pagsasayaw ang mga mahahalagang kakayahan tulad ng
balanse at koordinasyon ng katawan.
Matatandaan ang limang health-related fitness components. Ito ang mga sumusunod:
1. Cardiovascular endurance o ang abilidad ng puso at baga na magtulungan upang
makapaghatid ng oxygen sa iba’t ibang bahagi ng katawan habang nag-eehersisyo.
2. Muscular strength o lakas ng muscle ay ang abilidad ng muscle na mabuhat ang
mga mabibigat na bagay o makapagpalabas ng malakas na puwersa.
3. Muscular endurance o tibay ng muscle ay ang abilidad ng muscle na magawa nang
paulit-ulit ang mga galaw nang hindi napapagod.
4. Flexibility o ang abilidad na magamit ang iyong mga kasukasuan (joints) sa
paggalaw at pag-abot ng mga bagay nang malaya sa pamamagitan ng pag-unat ng
kalamnan at kasu-kasuan.
5. Body composition o ang dami ng taba kumpara sa iyong lean mass.
5
Sa kabilang banda, mayroon namang anim na skill-related components gaya ng bilis,
balanse, koordinasyon, liksi, alerto, at lakas. Ang components na ito ay nagagamit hindi lang
sa paglahok sa mga isport, kundi maging sa mga pang-araw-araw na gawain.
Kailangan mo ring pag-isipan ang oras na iyong igugugol at ang hirap na iyong
dadanasin sa mga aktibidad na ito. Kung gagawin nang tama, ang mga pisikal na aktibidad ay
makatutulong magpaganda ng iyong buhay.
IV. Isagawa
Gawain 1
Panuto: Tunghayan ang mga nakatalang gawaing pisikal sa bahay, sa paaralan o sa labas ng
tahanan. Tukuyin kung gaano kadalas itong ginagawa sa pamamagitan ng paglalagay ng
karampatang iskor.
4 = palagi
3 = madalas
2 = madalang
1 = paminsan-minsan
Isulat din kung anong sangkap ng fitness ang nalilinang at napapaunlad nito.
Gawaing Pisikal Gaano kadalas Sangkap ng Fitness na
nalilinang / napauunlad
1. paggamit ng hagdan sa
pag-akyat at pagbaba ng
bahay/gusali/mall
2. paglalakad patungo at
pabalik sa paaralan/
simbahan/parke
6
3. pakikipaglaro ng batuhang
bola/patintero
4. pag-igib ng tubig/pagbuhat
ng mabigat
5. pagtayo nang matagal
habang nag-aabang ng
sasakyan
6. pakikipaglaro ng patintero/
tumbang preso
7. pakikipaglaro ng habulan
8. pagligpit ng gamit/laruan
9. pag-eehersisyo
10. pagsasayaw
11. Iba pa (Isulat dito ang
wala sa talaan.)
Kabuuang Puntos
Ilan ang natamo mong puntos sa gawaing ito? Alam mo ba na may kahulugan ang
puntos na iyong natamo sa pagsagot sa unang gawain? Tunghayan ang kahulugan ng iyong
puntos.
45 pataas - Pinakamataas na antas ng gawaing pisikal
33-44 - Mataas na antas ng gawaing pisikal
21-32 - Patungo sa mataas na antas ng gawaing pisikal
11-20 - Nagsisimula pa lamang sa gawaing pisikal
10 pababa - Inactive. Maaaring mauwi sa sedentary lifestyle
Gawain 2
Panuto: Alamin ang pagsulong ng iyong mga layuning pangkalusugan at kakayahang
pangkatawan. Gawin muli ang mga fitness test at itala ang mga resulta sa sariling scorecard.
7
C. STRENGTH
1. Push up 2. Basic Plank
Number of Push ups Time
D. FLEXIBILITY
1. Zipper Test 2. Sit and Reach
Overlap/Gap (centimeters) Score (centimeters)
Right Left First Try Second Try Best Score
V. Tayahin
Panuto: Piliin ang titik ng tamang sagot. Isulat ang sagot sa iyong sagutang papel.
1. Ano ang nagpapalusog sa isang tao?
a. Pagsasagawa ng mga pisikal na aktibidad
b. Paggamit ng gadgets ng madalas
c. Panonood ng telebisyon
d. Pag-upo ng higit pa sa 30 minuto
2. Gaano dapat kadalas kang lumalahok sa mga pisikal na aktibidad?
a. Minsan sa isang linggo c. Palagian
b. Paminsan-minsan d. Hindi kailanman
8
3. Ano ang mga panganib na maaaring maidulot ng paglahok sa mga pisikal na gawain
kung hindi susunod sa mga patakaran?
a. Maaaring masaktan at masugatan
b. Magiging ligtas
c. Matiwasay na makakapaglaro
d. Walang mangyayaring masama
4. Sa paglahok sa mga pisikal na aktibidad, madidiskubre mo ang iyong mga kahinaan.
Ang mga sumusunod ay maaari mong gawin upang mapabuti ang iyong sarili, maliban
sa isa. Ano ito?
a. manatiling malusog at malakas
b. sumunod sa mga patakaran
c. makilahok sa mga training ng isport
d. pag-upo at paghiga maghapon
5. Paano mo makukumbinsi ang iyong mga minamahal sa buhay na pagtuunan ng pansin
at panahon ang pisikal na kaangkupan?
a. Yayain silang sumayaw
b. Magkaroon ng aktibong lifestyle
c. Pagsali sa mga isport
d. Lahat ng nabanggit ay tama
10.
9. ☺
8. ☺
7. ☺
6.
5. ☺
4. 5. D
4. D
3. ☺ 3. A
2. 2. C
1. ☺ 1. A
BALIKAN TAYAHIN
VII. Sanggunian
1. https://www.facebook.com/wh6productions/photos/ang-tinikling-bamboo-dance-ay-ang-
pambansang-sayaw-ng-pilipinasang-sayaw-na-ito-/2026292527388993/
2. https://www.deped.gov.ph/wp-content/uploads/2019/12/DO_s2019_034.pdf
I. Alamin
Ang sayaw ay isang ritmong paggalaw ng katawan sa saliw ng musika. Ito rin
ay isang epektibong paraan upang malikhaing maipakita, maipahatid, at
maiparamdam ang emosyon, damdamin, at kaisipan. Napararating din ng sayaw ang
isang makabuluhang mensahe.
Bukod dito, marami pang magagandang dulot ang pagsasayaw para sa isang
indibidwal. Nariyan ang mga benepisyo sa kalusugan at magagandang asal at
pakikipagkapwa na tinuturo nito.
Sa araling ito, iisa-isahin ang mga mabubuti at magagandang naidudulot ng
pagsasayaw. Kabilang dito ang mga nabanggit na benepisyong pangkalusugan at
mahahalagang aral sa tamang pag-uugali at pakikitungo sa iba.
Mahalagang bahagi rin ng araling ito ang pagtalakay sa mga panuntunang
pangkaligtasan na dapat tandaan at sundin. Ang mga ito ay mahalaga upang
makaiwas sa pananakit ng katawan at aksidente.
1. Assesses regularly participation in physical activities based on the This competency is already PE5PF-IIIb-
Philippines physical activity pyramid embedded in other LCs. h-18
This competency is already PE5RD-IIIb-
2. Observes safety precautions
embedded in other LCs. h-3
PE5RD-IIIc-
3. Executes the different skills involved in the dance Week 1 to 8
h-4
This competency is already PE5PF-IIIb-
4. Recognizes the value of participation in physical activities embedded in other LCs. h-19
10
II. Balikan
Panuto: Isulat ang TAMA kung ang sumusunod ay mabuting dulot ng pagsasayaw at isulat
naman ang HINDI kung hindi mabuting dulot ng pagsasayaw. Gawin ito sa iyong sagutang
papel.
III. Suriin
MABUTING DULOT NG SAYAW
• Cardiovascular endurance
• Pagpapabuti ng stamina
• Pagpapanatili ng tamang timbang
Ang sayaw ay hindi lang nagbibigay benepisyong pangkalusugan. Nagtuturo rin ito ng
tamang asal at pakikisama sa kapwa. Ang pagsasayaw ay kadalasang ginagawa kasama ng
isang kapareha o isang pangkat. Sa gayon, matututunan mo ang mga magagandang asal
tulad ng teamwork, kooperasyon, at respeto sa ibang tao. Magkakaroon ka rin ng
pagpapahalaga sa pinapakitang sipag at tiyaga ng iyong kapareha o kapangkat.
Naisasabuhay din ng mga mananayaw ang mga asal tulad ng disiplina at sakripisyo.
Gaya ng mga atleta, ang mga propesiyonal na mananayaw ay kailangang mag-ensayo nang
ilang oras bawat araw upang maging magaling sa kanilang kasanayan. May mga bagay silang
pinagpapaliban para mas matutukan ang kanilang pagsasayaw.
11
MANATILING LIGTAS
Gaya ng iba pang pisikal na aktibidad, kailangang sundin ang mga panuntunang
pangkaligtasan habang sumasayaw upang maiwasan ang aksidente.
Tandaan ang sumusunod:
1. Suotin ang tamang kasuotan gaya ng jogging pants, leggings, jazz pants, at komportableng
shirt upang makagalaw nang malaya.
2. Siguraduhing may suot na tamang sapatos gaya ng rubber shoes o dancing shoes. May
ilang sayaw na tinatanghal nang walang sapin sa paa. Tiyaking walang kalat ang sahig.
3. Magsimula sa isang warm up at stretching excerscies. Nakatutulong itong ihanda ang iyong
katawan at muscle para sa aktibidad. Huwag kalimutang gawin ang cool down exercise
pagkatapos ng aktibidad upang ma-relax at makalma ang iyong katawan.
4. Siguraduhing ang lugar ng pagtatanghal ay malawak at walang nakasasagabal na bagay
na maaaring magdulot ng pahamak sa mga mananayaw.
IV. Isagawa
Gawain 1:
Panuto: Gawin ang sumusunod na mga ehersisyo. Maaaring i-video ang iyong ginawa.
Gawain 2:
Panuto: Pumili ng isang masiglang tugtugin. Lumikha ng isang sayaw sa pamamagitan ng
paggalaw ng iyong katawan. Ipakita ang iyong likhang-sayaw sa pamamagitan ng pag-record
ng video.
Gawain 3:
Panuto: Suriin ang iyong pagtatanghal ng nilikhang sayaw. Lagyan ng tsek (✓) ang hanay na
angkop na naglalarawan sa iyong naging pagtatanghal.
12
Kailangan
Katamtamang
Napakahusay Mahusay pang
husay
Pamantayan magsanay
2. Naipakita sa
pagtatanghal ang
kaalaman sa tamang
pagtugon sa ritmo.
3. Naigalaw nang
mahusay ang katawan.
4. Nagpakita ang
mananayaw ng isang
madamdamin at
banayad na
pagtatanghal.
V. Tayahin
Panuto: Piliin ang titik ng tamang sagot. Isulat ang sagot sa iyong sagutang papel.
13
Rubrics para sa Gawain 2
COMPONENT 1 2 3 4 MARKA
Nangangailang Kasiya-siya Mahusay Napakahusay
an pa ng tulong
Pormasyon Hindi malinaw Ang mag-aaral Nag-posisyon Malinaw na
ang posisyon sa ay ang mag- ipinakita ng
pagbuo ng nangangailang aaral para sa mag-aaral ang
sayaw. an ng ilang sayaw na tamang pagbuo
tulong mula sa may kaunting ng sayaw at
guro habang tulong mula tumutulong sa
nasa posisyon. sa guro. iba na may
paminsan-
minsang
pahiwatig
lamang mula sa
guro.
Pagkakasuno Tila nawala ang Nakasunod Nakasunod Ang mag-aaral
d-sunod ng mag-aaral o ang mag-aaral ang mag- ay malinaw na
mga Hakbang nagpakita ng sa ilang bahagi aaral sa nagpakita ng
maling mga ng sayaw na karamihan ng wastong
hakbang sa may madalas pagkakasuno pagkakasunud-
pagsayaw. na mga d-sunod ng sunod ng
pahiwatig mula sayaw na sayaw.
sa guro. may ilang
gabay na
tulong mula
sa iba.
Tiyempo Ang mga Hindi pare- Naipakita ang Malinaw na
paggalaw at ang pareho ang tiyempo nang pinanatili ng
tugtog ng tiyempo ng madalas at mag-aaral ang
musika ay wala mag-aaral at kayang tiyempo sa
sa tiyempo o nagbabago- panatilihin ito kanyang sayaw
hindi bago ito sa sayaw. nang tuloy-
naipagsabay. paminsan- tuloy.
minsan.
Istilo Nagpakita ang Ang mag-aaral Ang mag- Ang mag-aaral
mag-aaral ng ay umuusad aaral ay ay patuloy na
isang halo ng patungo sa paminsan- nagpapakita ng
mga istilo na pagpapakita ng minsang mga paggalaw
hindi kaugnay mga "istilong" nagpakita ng na
ng pag-unlad o paggalaw na mga "istilong" "pangkakanyah
tema na tiyak sa katangian ng paggalaw na an" na naaayon
sayaw. sayaw. naaayon sa sa sayaw.
sayaw.
Ugali sa Nagpakita ng Ang mag-aaral Sumayaw na Ang mag-aaral
Pagsasayaw kaunti o walang ay lumalahok may ay lubos na
sigasig para sa sa sayaw positibong lumahok sa
sayaw. Hindi ngunit madalas pag-uugali. sayaw.
nakatuon at na paalala ay Minsan Palaging
hindi sumunod kinakailangan kailangan nakatuon at
14
sa tagubilin, at upang ang paalala nasa gawain.
madalas ay mapanatili ang upang Sa katunayan,
magulo. kanilang mapanatili hinihimok ang
pagtuon sa ang kanilang iba na manatili
sayaw. pagtuon sa sa gawain.
sayaw.
Nasunod
nang maayos
ang tagubilin.
Komento: Kabuuang Marka:
10. MALI
9. TAMA
8. MALI
7. TAMA
6. TAMA
5. TAMA 5. B
4. TAMA 4. C
3. MALI 3. A
2. TAMA 2. D
1. TAMA 1. A
BALIKAN TAYAHIN
VII. Sangunian
1. https://www.facebook.com/wh6productions/photos/a.1615556171795966/20304387803
07701/
2. https://www.youtube.com/watch?v=c4DAnQ6DtF8
3. https://www.youtube.com/watch?v=uIoXKLlmYNs
4. https://www.youtube.com/watch?v=0Qq5fWuZ8h0
5. https://www.youtube.com/watch?v=lsWQ0XpiNkE
15