You are on page 1of 3

Universidad de Manila

Lungsod ng Maynila, Pilipinas

FILIPINO SA IBA’T IBANG DISIPLINA

KABANATA II

MGA KAUGNAY NA LITERATURA AT PAG-AARAL

Layunin

 Nagkakaroon ng mas malalim na kaalaman sa mga kaugnay na literatura


at pag-aaral
 Nakapaghahanap ng mga kaugnay na literatura at pag-aaral ng paksang
kasalukuyang ginagawan ng pag-aaral
 Naitatala ang kaugnayan ng mga ito sa pag-aaral na isinasagawa
 Nakabubuo ng ikalawang kabanata gamit ang mga nasiping literatura at
pag-aaral

Ang kabanatang ito ay isang pormal na pangangalap ng propesyunal na


literatura na may kaugnyan sa pag-aaral na isinasagawa. Ito ay binubuo ng lokal
na literatura, banyaga o internasyunal na literatura, lokal na pag-aaral, at banyaga
o internasyunal na pag-aaral. Kasama sa proseso ng paggawa ng kabanatang ito
ay ang pagpunta ng mga mananaliksik sa mga silid-aklatan upang maghanap ng
datos na ilalagay rito. Maaari rin namang mangalap ng mga literatura at pag-aaral
sa iba’t ibang websites sa internet ngunit kinakailangang siguraduhing may
kredibilidad ito at hindi pawang mga opinyon lang.

Ang kabanatang ito ay isang mahabang proseso at hindi dapat madaliin.


Ang pagrerebyu ng kaugnay na literatura at pag-aaral ang magbibigay sa mga

1
mananaliksik ng mas malalim na kaalaman patungkol sa kanilang pag-aaral na
isinasagawa. Hindi maaaring kopyahin lamang ang mga nakatala sa libro at pag-
aaral o i-copy-paste lamang ang mga ito dahil kinakailangan itong masusing
rebyuhin bago isulat. Ang mga nakuhang kaugnay na literatura at pag-aaral ay
gagamitin upang mapatunayan ang mga natuklasang datos sa kabanata apat.

Ang mga sumusunod ang maaring paghanguan ng mga kaugnay na


literatura.

1. Jornal
2. Pahayagan
3. Aklat
4. Jaryo
5. Artikulo

Ang mga sumusunod ang maaring paghanguan ng mga kaugnay na pag-


aaral.

1. Koleksyon ng mga Pananaliksik


2. Tesis
3. Abstrak
4. Disertasyon
5. Pamanahong Papel

Tandaan: Dapat na hindi kalimutan ang pananangguni (citation) sa bawat


kaugnay na literatura o pag-aaral na itatala sa iyong pag-aaral. Kung online
naman ito nakuha, hindi sapat na url lamang ang itala sa talawakas

2
3

You might also like