Professional Documents
Culture Documents
Modyul 3
Modyul 3
Layunin
Panimula
Kung dapat isaalang-alang sa pagsulat ng isang makabuluhang sulatin ang wastong pagsisimula,
nararapat ding pagtutunan ng pansin ang maayos na pagwawakas, Mawawalan ng saysay ang
kagandahan ng komposisyon kung ang sumulat nito ay nakalimot sa katangian ng isang maayos na
pagwawakas. Ang maayos na pagwawakas ay lumalagom sa mga kaisipang inilahad ng komposisyon.
1. Tuwirang Sinasabi
- Ang tuwirang pahayag ay tumutukoy sa istilo ng pagsulat kung saan isinusulat ang eksaktong
sinabi ng ispiker Ginagamitan ito ng panipi .
Halimbawa:
“The Us Presidential election teaches us to become more aggressive and make an intensive
drive to continue with our efforts to modernize the country’s electoral system, “ ani Rosales na
nagsabing susuruin ang kamara de Reperesentantes ang anumang butas upang ipatupad ang
batas modernisasyon.
2. Panlahat sa Pahayag
- Nagtataglay ng kahalagahang unibersal na maaaring hanguin sa mga salawikain, sa mga
kawikaan. at mga pamilyar at pang araw-araw na makatotohanang kaalaman ng lahat na
nagtataglay ng diwa o aral.
Halimbawa:
…Kung ano ang bawal, iyon ang masarap.Subalit ang masarap ay pumapalit din kalaunan, wika
nga.
3. Pagbubuod
- Ito ay ang pagkuha ng pinakamahalagang detalye sa ginawang sanaysay,
Halimbawa:
Marami pang humihingi ng hustisya Walang nakaaalam kung kalian nila iyon makakamtan.
4. Pagpapahiwatig ng Aksyon
Halimbawa:
….. Kung hindi na madadagdagan ang papulasyon, maaaring wala nang gaanong magugutom. Kung
ganoon, dapat na magkaroon nang masidhing kampanya ang pamahalaan para mapigil ang pagdami
ng mga tao.
5. Pagtatanong
- Winawakasan ang sanaysay sa pamamagitan ng retorikal na tanong
Halimbawa:
6. Pagsisipi
- Kumukopya ito ng isang linya o mahigit pa sa isang akda, patula man o tuluyan,na angkop sa
tinatalakay na paksa,
Halimbawa:
Isang magalang na manunulat ang nagsabi: “Pagkatiwalaan ang kapwa mo at sila’y magiging
matapat sa’yo. Puruhin mo sila at sila ay magiging kapuri-puri.”
Pagsasanay
Panuto: Gumawa ng balangkas ng isang di- pormal na sulatin. Gamitin batayan ang mga gabay
na katanungan sa pagsulat at mga hakbang sa gagawing pagsulat.
Pamantayan:
Kabuuan 25 puntos
Abstraksyon
Ang wakas ay dapat na maikili dahil kung ito’y pahahabain, di na ito mabisa at di kasiya-
siya. Ito ang pangkahalahatang palagay o pasya tungkol sa paksa batay sa mga katibayan at mga
katwirang iniisa-isa sa gitnang bahagi. Kailangang mang-iwan ito ng kakintalan o bisang
pangmatagalan sa mga mambabasa.
Ebalwasyon
4. Ito ay tumutukoy sa istilo ng pagsulat kung saan isinusulat ang eksaktong sinabi ng ispiker.
Ginagamitan ito ng panipi.
a.panlahat na pahayag b. pagsisipi c. pagtatanong d.tuwirang sinasabi