Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 6

Para Kay Brad” ni Carl Jayson Brazal

 
Saktong alas onse ng umaga tinawag ko ang kapatid ko. “ Kendeng ka nanaman nang kendeng
dyan ! Bilisan mo! Tara may mahalaga akong kwento  sayo.Ehem !Makinig kanga. Alam mo sa
totoo lang, sa bawat oras na iniisip ko ang unang tagpong yun nako-cornihan talaga ako eh.Ang
nangyari kasi parang palabas sa telenobela ang tagpo. Ganito kasi yun, gabi na noon ng may
dumating sa bahay namin sa kasagsagan pa ng malakas na ulan.May kumatok sa pinto ng bahay
namin habang naghahanda na kami sa pagtulog. “Tao po,tao po!” Galing yun sa tinig ng isang
babaeng may pagkabasag na ang boses at parang may halong pagmamakaawa ang tono.Syempre
nagtaka kami kung sino yun.Disoras na ng gabi eh,Tumayo si Mama at binuksan ang pinto.Nang
nakita ni mama yung babae na may kargang bata sa di ko malamang dahilan pinapasok niya agad
yung babaeng yun. Kahit anim na taon pa lang ako noon malinaw na agad sa akin kung ano yung
nakikita ko pero nakikita ko nga kaso di ko naman ma-gets kung ano ba ang pakay nung babaeng
yun sa ganoon kagabing oras. Nag-usap sila nila mama, sumama na rin si Papa sa pag-
uusap.Ako? Hindi nila ako pinayagan lumapit.Usapan daw kasi ng matatanda bawal yun sa bata
kaya ako katulad ng laging ginagawa ng bata naglaro na lang ng paborito kong laruan na kabibili
lang sa McDo.Ilang sandali pa ang lumipas nagulat ako ng biglang tumakbo yung babae kaso di
na niya kasama yung bata.Nasa isip ko noon baka inaway nila mama yun.Hawak na ni mama
yung bata habang si Papa naman pinapatahan yung batang yun. Dahil gusto kong malaman kung
ano nangyari lumapit ako sa kanila tapos nagtanong.Ang binigay lang nila sa akin isang ngiti
tapos sinabing Tan-tan daw pangalan niya, may makakalaro na ako tapos ang sabi ulit ni Papa
“Tara matulog na tayo” na suot pa rin yung ngiting yun.Gusto ko sanang itanong bakit iniwan
yung batang yun?Bakit umiiyak yung babae?Tatabi bas a amin yung batang yun? Pero napaisip
din ako baka naman iniwan lang kasi may bibilhin lang yung nanay niya kaso bakit sa amin?
Bakit kailangan umiyak? Bakit kelangan magtanong ako sa sarili ko ng ganito karami? Hay naku
ewan ko! Gusto ko hanapin lahat ng sagot kaso lang ayaw akong kausapin nila Mama. Paghihirit
naman ako ang sasabihin lang ni Papa lagi sa akin “Tulog na Caloy” , parang galit na eh, kaya
tumahimik na ako at sumunod sa utos. Matutulog ako noon ng maraming tanong na dala dala sa
isipan.
       Lumipas ang maraming araw at buwan di na bumalik ang nanay nung batang si Tan-Tan,
kahit inisip ko lang na bumili lang talaga siya saglit. Tapos yung batang iniwanm, pinagtakhan
ko kung bakit naging aligaga sia Mama sa pag-aalaga sa kanya.Binibilhan siya nila ng mga
damit, gatas,  at diaper, tapos sa amin pa lagi natutulog.Bakit kaya ayaw nilang puntahan yung
babae para maisauli na yung bata? Mula ng dumating sa amin yung batang iyon nabawasan na
yung oras nila sa akin.Paunti-unti, habang nagpapatuloy ang pagdaan ng panahon, dumadagdag
ng dumadagdag ang sakit na nararamdaman ko.Hindi na kasi ako ang pokus ng atensyon sa amin
dahil nakuha na nung batang yun.Tama ka sa iniisip mo Brad nagseselos na talaga ako kay Tan-
Tan. Tumagal pa ng tumagal ang pagdaan ng panahon sa wakas na-gets ko din kung ano ba
talaga si Tan-Tan sa amin.Inamon na siya nila Mama’t Papa. Dala na nga na selos ko, hindi ko
pinapansin ang batang yun.Minsan pag di nakatingin sila Mama kinukurot at pinapalo ko
siya.Pag-umiyak na, bilang palusot sasabihin ko “Tama na Tan , Wag ka na iyak”, ang akal tuloy
nila kasundo ko siya,  Tsk. Akala lang nila yun !
       Hindi nagtagal ay lumaki na nga si Tan-Tan. Hindi pinapaalam sa kanya na ampon lang siya
sa pamiya. Tinuring nila siya na tunay nna anak. Ako? Hindi syempre. Asa siya ! Dito na rin
nagsimula ang panahon na lagi ko na siyang inaaway. Isa nga sa mga away namin, nasuntok ko
siya ng malakas sa tagiliran sa sobrang inis ko sa kanya. Nung kinakausap ako ng pribado ni
Mama,isinigaw ko talaga sa harap niya “ Ampon lang naman siya di ba? Paalisin..” hindi ko pa
natatapos yung sasabihin ko nasampal ako ni Mama ng malakas.Tinitigan niya ako ng masama
na parang nagsasabi na manahimik ako at sobrang galit na galit talaga siya sa akin. Pinarusahan
ako ni Mama sa nangyari, pinaharap niya ako sa pader ng maghapon at di pinakain. Doon din sa
mga oras na yun lalo na akong nagalit sa ampon na yun.Lalo pang nadagdagan ang galit na
nararamdam ko para sa kaniya. Kung di dahil sa kanya di mababawasan ang atensyon sa akin,
ako dapat ang bida sa paningin nila Mama’t Papa at syempre di dapat ako nasa kalagayan na yun
dahil sa kanya. Kapag nakikita na kaming magkalapit ay pinaglalayo na agad kami kasi mas
sobra pa kami sa aso’t pusa sa pag-aaway (kahit na ako lang tlaga ang nang-aaway). Ganoon na
lang ang laging sitwasyon, kapag naiiwan kami ay di na mawawala ang pag-aaway sa amin
dalawa. Isang beses, mukhang nasobrahan na ang ampon. Kumuha siya ng kutsilyo at ang titig
ay parang papatayin na talaga ako. Natakot ako sa kaniya kaya nagmadali akong tumakbo
palabas ng bahay para tawagin si Mama. Pumasok agad siya at kinuha ang kutsilyo kay Tan-Tan.
Parehas kami nun napalo ng Mama namen, ay mali Mama ko lang pala! May panibago nanaman
akong naisip nung mga oras na yun.Kung nakayanan niya akong tutukan ng kutsilyo kahit bata
pa kame , hindi na ko magtataka kung sa hinaharap siya ang makakapatay sa akin.
      Dagdag pa sa kinainis ko sa kaniya. Nungnapapansin ko,habang lumalaki parang may mali
kay Tan-Tan. Nabwisit ako lalo sa kanya ng napatunayan ko nga talaga na BAKLA siya ! !
Ayaw ko pa naman sa mga bakla. Para kasing may kung anong pwersa sa akin ang naglalayo sa
kanila. Kung ano pa ang ayaw ko ay yun pa talaga ang lapit noon kay Tan-Tan. Nakatadhana na
nga siguro ang magalit ako ng sobra sa ampon na iyon. Lalo akong nabubwisit kapag nakikita ko
siya. ‘Di ko talaga sita tanggap! Nariyan ba naming sabihin kanila Mama na “Katawan ko lang
ang lalaki pero ang puso ko babaeng babae!” Nakakainis ‘di ba? Ang bata-bata pa ganito na agad
ang pumapasok sa isipan niya. Kung naroon lang talaga ako siguro nasapak ko nanaman siya.
Pero sumagi rin sa isip ko nab aka sila Mama at Papa rin ang may kasalanan dahil tanggap na
tanggap talaga siya at tuwang tuwa pa sa kalagayan niyang ganoon. Sa pamilya tuloy namin ako
lang talaga ang may ayaw sa kanya.Ewan ko ba?! Bahala nga sila!
       Naiinis talaga ako sa kanya dahil hindi rin siya ganoon katalino. Mas mahusay sigurong
tawagin siyang “bobo” para wala na talagang pagbabalat kayo! Lagi siyang lowest section, tapos
palagi rin may bagsak na marka. Isang beses nga bumalik pa nga siya ng isang taon sa Grade 3
eh.Pahirap talaga yung ampon na iyon. Nagmamakahirap sila Mama at Papa pagkatapos ay
ganoon ang isusukli niya? Nabubwisit ako dahil wala talaga akong makitang tama sa lahat ng
ginagawa niya! Kaasar! Ang gusto ko na sa mga panahong ‘yun makapagtapos, magtrabaho at
lumayo sa bwisit na ‘yon!
        Bakit pa kasi siya dumating dumating sa amin? Bakit inagaw niya lahat ng atensyon na
dapat sa akin lang? Bakit pa namin siya inampon? Lahat ng tanong na iyon bumaliktad ngayong
kasalukuyan. Apat na buwan ng nakararaan ng madiagnose akong may “Leukemia”. Sa
kasamaang palad ang sinabe ng doctor malala na raw ako. Kaya pala hirap na hirap na ko nitong
mga nagdaang araw at mga buwan. Minsan, kaunting sagi lang sa akin nagkakapasa agad ako.
Kaya rin pala pag-inuubo ako minsan may nasasamang dugo, ganoon din kapag nagsusuklay
laging maraming nalalagas. Lahat ng sintomas na iyon ‘di ko inintindi kasi akala ko wala lang,
akala ko normal lang. Simula noong malaman malaman ko na may sakit ako ay parang gumuho
na ang mundo ko. Lahat ng pangarap ko nawala na parang bula. Hindi ko matanggap ang
nangyari sa akin. Bakit ako? Bakit ‘di na lang kay Tan-Tan? Yun lang yung paulit-ulit na tanong
sa isipan ko noong sandaling iyon. Sobrang lungkot ko noon. Gusto ko lang lagi umiyak at mag-
isa. Bigla akong nilapitan ni Ampon. Nagulat ako ng bigla niya akong niyakap pero bigla ko rin
siyang tinulak sabay sabing “Malas kang Ampon ka! Sayo dapat nangyari ‘to eh! Sa sobrang
galit ko nasabi ko ang sikretong itinago namin ng labing limang taon. Ngunit mas nagulat ako ng
imbis na magalit siya sa akin  ay bigla siyang ngumiti kasabay ng pagtulo ng luha niya sabay
yakap ulit sa akin ng amhigpit. Tinanong ko siya kung bakit , ang sagot niya lang “ Kasi kuya
kita, kasi mahal kita. Hindi man ako ganun  katikas na lalaki na gusto mo, pipilitin ko naman na
maging Brother sayo, kaya brad na lang ang itawag mo sa akin para kahit papaano mabawasan
naman ang sakit, galit at problemang iisipin mo.Para kahit papano rin matulungan kita kahit sa
pinakamaliit na paraan.” Hindi ko alam  kung ano ang isasagot ko at kung ano ang
nararamdaman ko ko noong mga oras na iyon.Sobrang sakit! Mas masakit pa sa pinagdaraanan
ko ngayong nalaman ko na may malala na akong sakit.Bakit ganito pa rin siya sa kabila ng mga
nagawa ko sa kaniya? Kung tutuusin naging impyerno ang buhay niya dahil sa pagiging kapatid
ko sa kanya. Naging demonyo ako dahil sa kakulangan at kaibahan niya.Naging demonyo ako
dahil sa selos na naramdaman ko. Naging demonyo ako dahil lagi kong iniisip na ampon lang
siya.Pero bakit ganito siya ngayon? Bakit ang tingin ko para siyang anghel na binaba ditto ng
langit para suportahan ako sa mga nangyayari sa akin. ‘Di pa rin ako sigurado sa pinapakita niya
kaya pilit kong iniisip na nagpapanggap lang siya pero di talaga kaya ikulbli ng nararamdaman
ko ngayon na hindi eh, mabait siya, mahal niya ko sa kabila ng mga kademonyohan na nagawa
ko sa kanya.Ang sama-sama ko ! Naisip ko tuloy ulit ang nasabi ko dati, malas ba talaga siya?
Hindi, hinding hindi! Kung tutuusin ako ang malas dahil kung hindi dahil sa akin hindi nagugulo
ang maayos na pamilya naming, hindi sana nagkakaroon ng alitan.Ako ang tanga dahil
nagpabulag ako sa galit na naramdaman ko.Binigyan ako ng kapatid pero puro masasama ang
naidulot ko sa kanya buong buhay niyang kasama ako.Di ko nga napansin na mas siya ang
umaalala at nagmamahal kanila Mama kaysa sa akin na tunay nilang anak. Siya ang mas
gumagawa ng karamihan sa gawaing bahay,siya arin ang nagpapasaya sa kanila sa tuwing pagod
sila sa trabaho. Lahat yun di ko napansin dahil sa pagkabulag ko sa selos at galit!Ang sama-sama
ko talaga!
       Mas malaking dagok pa ang napagdaanan naming sa di inaasahang pangyayari 1 buwan pa
lang ang nakakaraan. Saktongsahod noon ni Papa, nagmamadali na siya sa pagbili ng mga gamot
ko ng mabangga siya ng rumaragasang jeep.’Di na kinayanan  ni Papa ang nangyari kaya mas
nauna pa siya sa akin kahit na ayaw ko.Isang lingo matapos noon di na rin kinaya ni Mama ang
mga nangyari dahil sa gulo ng nararamdaman, ng depresyon, ng pagod at ng lungkot sa
pagkawala ni Papa. Laking gulat namin ng makita siya ni Tan-Tan  na nakahandusay sa C.R
habang may hawak na isang bote ng panlinis ng pilak.Sabi ko na nga talaga eh, ako talaga ang
malas sa pamilya naming.Ako ang dahilan kung bakiut nawasak ng tuluyan ang pamiya namin!
Sino na ngayon ang lalapitan ko?Wala na si Mama at Papa para tulungan akong palakasin ang
loob ko. Pero naalala ko na hindi pala, nawala nga sila Mama at Papa pero may kapatid pa kong
kahit papaano ay makakapitan. Nasaan na nga pala ang kapatid kong ‘yun? Ni hindi ko alam
kung saan siya kumukuha ng pambili ng gamot ko eh. Gusto ko na lumabas ng hospital para di
na mahirapan ang kapatid  ko!Hayaan ko na lang na mamatay na ako kaysa sumunod din siya
kanila Mama dahil sa sobrang pagod at depresyon.
      Isang umaga lumapit sa akin ang kapatid ko habang umiiyak. Pagkalapit niya katulad ng dati
niyakap niya ulit ako sabay sabing “Brad sorry, pinuntahan ko na lahat ng kakilala ko, lahat ng
kamag-anakan naten na makakatulong sa atin dito,sa mga foundations na pwedeng tumulong sa
atin sa bayarin at gastusin mo pero Brad wala na talaga eh.Wala na akong mahanapan. Wala ng
sagot sa mgakamag-anak natin ngayon.Wala na rin perang maibigay yung mga kaibigan kong
beki.Yung mgafoundations naman, di na rin kaya makapagbigay ng sapat na pera para sa atin,
marami kasing mga papeles na hindi ko alam kung paano magkakaroon. Brad ginawa ko na lahat
ng kaya ko pero parang di na sumasang-ayon sa akin angpagkakataon eh.” Bigla ulit siyang
tumayo at aktong lalabas ulit pero hinawakan ko siya. “Brad may kakilala pa kong mga beki sa
ibang parlor kaya baka makatulong din sila.Basta Brad maghahanap ako ng paraan kaya bitiwan
mo na ko!” Sinagot ko siya, ang sabi ko “Brad!” sa kauna-unahang pagkakataon natawag ko siya
ng ganoon. Nakita ko ulit ang mga pawis sa mata ng kapatid ko, napangangiti tuloy ako.Sigurado
masayang masaya ‘to ngayon. Tinuloy ko ang sinasabe ko “Brad tama na, di ko na rin kakayanin
eh. Masyado na tayong maraming utang na sigurado mahihirapan kang bawiin. Kitang kita ko
Brad sobrang napapagod ka na kaya tama na. Brad naalala mo ba, malapit na birthday ko di ba?
Pagbigayan  mo na ko! Gusto ko ng lumabas dito, gusto ko ng tumambay ulit sa bahay natin,
ayaw ko na sa mga in-iinjection sa akin eh.Basta Brad ako ang kuya mo kaya kailangan sundin
mo ko.Ayaw ko ng makitang mapagod  ka pa.” Ang sabe niya sa akin, “Hindi kuya ,kailangan
mabuhay ka pa, kailangan mong makuha ang pinapangarap mo! Sa atin dalawa ikaw lang ang
may kakayahan nun! Lumaban ..” Hindi ko na siya pinatapos sa pagkakataong yun. Hinawakan
ko ng madiin ang kamay niya at tinitigan ng masama sabay sabing “Brad sabe sa akin ng doktor
may taning na ang buhay ko ! Ang bagal daw kasi ng pagresponde natin kaya ang sakit ko mas
lalo pang lumala ! Naiintindihan mo ba yun Brad? Mamamatay na ko kaya tama na !”  Sa
pagakakataong yun bumuhos na ang iyak ng kapatid ko sa akin.Humihiling siya na sabihin kong
biro lang ng lahat ng yun. Sabi niya pa na samahan ko pa siya dahil ako pa daw ang magtuturo sa
kanya ng dapat niyang malaman dahil ayaw na niyang matawag ng bobo ng iba. Ang sabi ko na
lang sa kaniya “Brad di mo ba napapansin na napakasipag mo? Na sobrang masikap mo? Brad
yun lang ang susi sa pag-aaral kaya alam kong kakayanin mo at malayo ang mararating mo kaysa
sa inaakala mo. Brad  tandaan mo to huh! Mahal na mahal kita at sobra swerte ko at nagkaroon
ako ng kapartid na kagaya mo”.
       Matapos ko magkwento kinausap ko muli ang kapatid ko“ Ano Brad masaya ba o malungkot
ang buhay ko?” .Ang sabe niya“Sa tingin ko Brad kulang”. Ang tanong ko naman “Huh bakit?”.
“Kasi di ka man lang nagka-junakis kahit isa man lang. Kung mangyayari yun aalagaan ko siya
ng buong husay ko, papasalihin ko siya sa mga Beauty  Contest” sabi niya.”Loko ka talaga, lalo
mo papadaliin yung buhay ko eh. O siya bumili ka ng makakain para sa tanghalian.”
        Lumabas na nga yung kapatid ko para bumili. Pagkalabas niya kinuha ko yung papel at
ballpen na malapit sa akin atsaka may  pinilit sinulat . Iba na yung pakiramdam ko habang
nagkukwento kanina pa. Buti di nalalaman ni Tan-Tan kahit na pahina na ng pahina yung boses
ko habang nagkukwento.Sana di ko na pinalabas yung mokong na yun.Gusto ko lang siya
makausap para magpaalam kung sakaling totoo nga yung kutob kong baka ilang sandali lang
magpaalam  na ko sa pahirap na mundong ito.Pinilit ko pang makabuo ng mga letra at salita pero
parang hinahabol na ko ni kamatayan para sunduin eh. Unti-unti di na ko makahinga. Mukhang
nahuli na ko ni kamatayan huh, saktong sa leeg pa niya ko nahawakan para di na talaga
makahinga.Di ko talaga alam  isusulat ko pero buti  nakaisip ako ng magpapangiti sa kapatid ko
at magtatanda sa kaniya bilang isang mahigpit na kuya sa kaniya.Hanggang sa huling sandali
itinaas baba ko yung ballpen na hawak ko para makabuo ng salita pero wala na kong magawa
eh.Hatak hatak na ko ni kamatayan sa sandaling yun.Brad sorry kung di ko na matatapos huh, si
pareng kamatayan mukhang may pupuntahan kaya kinukuha na ko.Brad sorry talaga.Basahin mo
na lang yung nasa sulat ko…
        “WAG KANG MAGBOBOYFRIEND NG DI PINAPAKILALA SA AKIN HUH!
TATADYAKAN KITA!!   

You might also like