Week 5 - Third Quarter g8

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

Gawain sa Pagkatuto Bilang 7.

Basahin at unawaing mabuti ang mensahe ng


maikling kuwento tungkol sa Dalawang Anak. Pagkatapos ay sagutin ang mga
sumunod na tanong sa ibaba sa iyong sagutang papel. Ito ay hango mula sa
Bibliya sa aklat ni Mateo 21:28-30. Maaari mo ring itong mapanood sa
sumunod na link http://www.youtube.com/watch?v=gqFnsP2ikvE.
28 Ngunit ano sa palagay ninyo? May isang tao na may dalawang anak na
lalaki. Lumapit siya sa una at sinabi: Anak, pumunta ka ngayon sa ubasan at
gumawa ka roon. 29 Sumagot siya: Ayaw ko. Ngunit nagsisi siya at pumunta rin
pagkatapos. 30 Lumapit siya sa pangalawang anak at gayundin ang sinabi.
Sumagot siya: Pupunta ako. Ngunit hindi siya pumunta.
1. Ano, sa palagay mo, ang nakapagpabago sa isip ng unang anak na humindi
nang una at pagkatapos ay sumunod at pumunta rin sa ubasan?
2. Ano, sa palagay mo, ang maaaring naging dahilan ng di pagpunta ng
ikalawang anak, kahit na sumagot siya na pupunta siya noong una?
3. Sino sa dalawang anak ang nagpakita ng tunay na pagsunod sa kanilang
ama? Ipaliwanag.
4. Ano ang maaaring maging bunga ng di pagsunod ng anak sa kaniyang ama?
5. Ano ang mahalagang mensahe ng kuwento?

Gawain sa Pagkatuto Bilang 8: Basahin ang isang sulat ng magulang sa


kanyang anak. Sagutin ang mga sumusunod na tanong.

Mahal kong Anak,


Sa aking pagtanda unawain mo sana ako at pagpasensyahan. Kapag
kalabuan ng aking mata ay nakakabasag ako ng pinggan o nakakatapon ng sabaw
sa ating hapag kainan wag mo sana akong kagagalitan. Maramdamin ang isang
matanda at kinaaawaan ko ang aking sarili tuwing sinisigawan mo ako.

Kapag mahina ang tainga ko at hindi ko maintindihan ang sinasabi mo wag


mo sana akong sasabihan ng bingi. Paki ulit nalang anak ang sinabi mo o kaya'y
paki sulat nalang. Pasensya kana anak talagang matanda na ako.

Kapag mahina ang tuhod ko pagtyagaan mo sana akong tumayo katulad ng


pag alalay ko sayo noong nag aaral ka pa lamang lumakad.
Pag pasensyahan mo sana ako kong ako ma'y nagiging makulit at paulit ulit
na parang sirang plaka. Basta pakinggan mo nalang ako anak. Wag mo sana
akong pagtawanan o pagsawaang pakinggan. Natatandaan mo pa ba anak noong
bata ka pa kapag gusto mo ng lobo paulit ulit mo yong sasabihin. Maghapon kang
mangungulit hanggat hindi mo nakukuha ang gusto mo pinag tyagaan ko ang
iyong kakulitan..
Pagpasensyahan mo na din ang aking amoy.. amoy matanda.. amoy lupa..
Wag mo sana akong piliting maligo mahina na ang katawan ko madaling
magkasakit kapag nalalamigan. Wag mo sana akong pandirihan. Natatandaan mo
pa ba noong bata kapa pinapagtyagaan kitang habolin sa ilalim ng kama kapag
ayaw mong maligo.
Pagpasensyahan mo sana kong madalas akoy masungit dala na marahil ito
ng aking katandaan. Pag tanda mo maiintindihan mo rin ako anak.

Kapag may kaunti kang panahon mag kwentohan naman tayo kahit saglit
lang..inip na inip na ako sa bahay maghapong mag isa walang kausap.. Alam kong
busy ka sa trabaho subalit nais kong malaman mo na sabik na sabik na akong
maka kwentohan ka kahit na alam kong hindi ka interesado sa mga kwento ko ..
Natatandaan mo pa ba anak noong bata kapa pinag tyagaan kong pakinggan at
intindihin ang mga pa utal utal mong kwento tungkol sa mga kalaruan mo.

At kapag dumating ang sandali na akoy magkasakit at maratay sa banig ng


karamdaman wag mo sana akong pag sawaang alagaan. Pagpasensyahan mo na
sana kong ako may maihi o madumi sa higaan. Pagtyagaan mo sana akong
alagaan sa mga huling sandali ng aking buhay.. Total hindi na ako magtatagal
anak.

Kapag dumating ang sandali ng aking pag panaw hawakan mo sana ang
aking kamay at bigyan mo ako ng lakas ng loob na harapin ang kamatayan.

At wag kang mag alala anak.. Kapag kaharap ko na ang Diyos na lumikha..
ibubulong ko sa kanya na pagpalain ka dahil naging mapag mahal ka sa iyong
Ama at Ina..
Nagmamahal,
Nanay at Tatay
Mga Gabay na Tanong sa Pagninilay:
1. Ano ang iyong naramdaman matapos mong basahin ang sulat? Ipaliwanag.
_______________________________________________________________
2. Ano-ano ang iyong reyalisasyon?_______________________________________
3. Ano ang iyong gagawin upang maisabuhay mo nang may katarungan at
pagmamahal ang paggalang at pagsunod sa iyong mga magulang,
nakakatanda at may awtoridad?
_________________________________________________________
4. Bilang pagtugon sa sulat, gumawa ng liham para sa iyong mga magulang, o
lolo at lola o iba pang malapit na kamag-anak, na naglalahad ng iyong
gagawing pagsusumikap na maisabuhay ang mga birtud ng paggalang at
pagsunod.________________________________________________

You might also like