Bayang Kinagisnan

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

Bayang kinagisnan, ng kalimutan

- Junico Sta.Maria

"Nang hihinayang kami sa pinambayad namin para sa rites ng lupa namin nalulungkot ako dahil
pundar pa ito ng anak ko mula sa Quatar tapos bigla-bigla lang mawawala." - Gng Marites

Bakas sa mga mata ng isang ginang ang pangungulila sa panibagong problema ng kanilang
haharaping panibagong hamon sa buhay, ngunit nang umaga ding iyon ay may usaping umalingaw-
ngaw na naging sanhi upang mag bago ang lahat dahil ito'y isang usapin na talagang pumukaw-
pansin at nasabi ko nalang "ano nanaman ito? problema nanaman ba?"; Ang Townhouse Project.

Nagulat ang lahat ng malaman nila ang tungkol dito, kaya gaya ng dati kaugnay ng proyektong ito ay
ang pagpapagiba ng ilang bahay malapit sa naturang proyekto.

Mula sa kalsada ng Dimson ay 3't kalahating metro ang hinihinging sukat ng kabilang pangkat
nagigibain para sa mga residente ng Dimson. Para naman sa mga bahay na masasagasaan ay 20,000
piso ang ipinagkaloob sa kanila.

Sa hindi kalayuan isang mag-aaral na mula sa mataas na paaralang nasyunal ng Cupang (CNHS) ang
aming natunton, siya ay naninirahan sa kabilang kanto ng Dimson at ngayon ay ika-9 na baitang na.

Si Jimuel Abad ng 9-MakaDiyos, na mula sa Purok 2 Zone 8 ang aking nakausap-"Dekada na ang
lumipas simula ng manirahan kami dito, at nalungkot ako dahil malapit ang bahay namin sa gigibain
buti nalang ay may bukod-tanging papeles kami na panghahawakan upang matutulan namin ang
paggiba sa bahay namin."

Nito lang ika-15 ng Abril,2018 ay sinimulan na nga ang paggiba ng ilan sa mga bahay sa Dimson, ang
ilan sa mga nauna ng giniba ay ang mga bahay na walang sapat na papel na magpapatunay na kanila
ang lupang iyon. Lumipas ang isa, dalawa, dalawang buwan at sumapit ang ika-12 ng Hunyo, 2018
alinsabay ng araw ng kalayaan ay pansamantalang nahinto ang Townhouse Project, na dahil narin sa
pinakitang papel ng mga magulang ni Jimuel.

Lumipas ang maraming araw at mga buwan ay nagpasukan na naman, natapos ang unang markahan
at isa si Jimuel sa 53 mag-aaral ng 9-Makadiyos ang nagkamit ng karangalan.

Patunay lamang ito na sa bawat paggising niya sa umaga at pagtanaw sa panigong problema ay may
tamis na sa kaniya’y naka antabay. Hindi siya sumuko, samakatuwid ay kaniyang ipinagpatuloy ang
pagtupad sa kaniyang mga pangarap.

You might also like