Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

E.S.P: Strive pa more!

Cherry Ann V. Ida

Nakuha ng ilang mag-aaral sa Cupang National High School Baitang 10 ang mababang grado sa ESP
para sa Unang Markahan

Ayong kay Bb. Princess Diane C. Infantado guro sa ESP 10, 40℅ sa hinahawakan niyang seksiyon ang
nakakuha ng mataas na grado na 89, 70% naman ang nakakuha ng ng gradong 78-79 at 30% para sa
mga estudyanteng nakakuha ng 80 hanggang 88.

Dagdag pa niya, iresponsable, walang goal sa pag-aaral at kulang sa inspirasiyon ang mga mag-aaral
kaya naging ganoon na lamang ang nakuhang grado ng bata.

"Kulang ang Attendance, kulang ang pinapasang activity at mababa anh score sa exam." wika niya.
Sa kaniyang paglalahat, maayos naman ang naging pagtatanghal ng bawat mag-aaral sa oras ng
kaniyang klase.

Sa panig naman ni Mrs. Lorlyn S. Merciales punong tagapayo ng 10 - Juan, wala siyang nakikitang
rason kung bakit ganoon ang grado ng mga bata. Masipag naman ang mga ito ngunit hindi niya lubos
maisip ang dahilan ng pagbaba ng grado ng kaniyang mga estudyante.

Dagdag pa niya kung ano ang binigay na grado ng bawat guro iyon ang kaniyang ilalagay.

Para sa guro, bata ang nagkulang sa pagpupuna ng kaniyang grado, hindi rin 'updated' ang mga
ito,bunga nito ang mababang gradong natamo ng ilang mga mag-aaral.

Sabi ni Mrs. Merciales, "Talk to your subject teachers." kung kulang man ang pinasa ng estudyante
magtanong sa guro upang mabigyan ng agarang aksiyon.

"Strive pa more, study hard at work hard!" payo ng guro. Upang makuha ang inaasam na grado ng
bawat mag-aaral maging masipag, palatanong at makipag-usap sa guro upang mabantayan ang
grado ng estudyante.

Ika nga ng mga guro, mag-aaral ang gumagawa ng kaniyang grado at sila naman ang tagahusga ng
pagtatanghal ng bawat mag-aaral.

You might also like