Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

Andro Sareño

Ang Layag

Pagsulat ng balita

Cupang NHS

Teatro, nauwi sa meet and greet

Matapos madismaya ng mga mag-aaral ng Cupang National High School (CNHS), liban sa
meet and greet sa mga aktor sinigurado na lamang ng Officer in Charge na maayos sila nakauwi kahit
hindi na sila nakanood ng Teatro sa Assumption Antipolo, Setyembre 01.
Mahigit kumulang 100 na estudyante ng CNHS nanghinayang dahil hindi sila nakanood sa
teatrong Uyayi ng Ulan ang pamagat na binibidahan ni Migs Cuaderno.
Dahil na rin layo, traffic, kakulangan sa jeep at sa maulang panahon kaya't hindi na nakaabot
ang tatlong huling jeep sa Assumption sa tamang oras.
Ayon kay Shaira Mosquite, isa sa mga mag aaral na hindi nakanood, " Pagod, frustration,
galit, awa sa sarili tapos ang mahal pa ng bayad! Expected ko na makakanood lahat tapos hindi pala".
Dahil din sa hindi inaasahang bilang ng mga estudyante na sana'y 200 ang minimum at 300
ang maximum lang, humigit kumulang 700 na mag-aaral na ang dumalo.
"Nagsabay kase ang Contest ng Interpretative Dance sa SM Masinag at ang teatro kaya
nahati ang oras ng mga teachers kaya nagkulang kami sa paghahanda at pag-ta-tally", paliwanag ng
Officer in Charge (OIC) na si Gng. Melba Atayde.
Para matanggal ang inis ng mga Grade-10 students na nahuli sa teatro, sila naman ang pina-
prayoridad sa mga drivers pauwi sa Cupang.
Nilinaw din ng OIC na kahit nadelayed aay walang namang nadisgrasya at maayos naman na
nakauwi ang lahat.
" Sa mga hindi nakapanood ibabalik na lamang sa kanila ang amount ng ticket na kanilang
binayaran at kung okay sa magulang o sa mga estudyante ay ililipat na lang sa Sine ang bayad this
coming September sa SM Masinag", paglalahad pa ng OIC.
Humingi na lamang ng pasensya ang mga guro sa aberyang nangyari at nangakong di na
mauulit iyon.

You might also like