Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 5

MGA TAUHAN SA EL FILI

 Simoun
- Si Simoun ay si Crisostomo Ibarra na nakukunwaring mayamang mag-aalahas
- Ang mayamang magaalahas na nakasalaming may kulay na umano’y tagapayo ng
Kapitan General ngunit siya ay si Juan Crisostomo Ibarra na nagbalik upang maghiganti
sa kanyang mga kaaway.
- Isang napakayamang mag-aalahas at kaibigang matalik at tagapayo ni Kapitan-Heneral
 Kapitan- Heneral
- Hinirang siya ng Espanya bilang pinakamataas na pinuno ng pamahalaan. Larawan siya
ng pinunong pabigla-bigla at makapritsong humatol. Salungat siya lagi sa pasiya ng
Mataas na Kawani
 Mataas na Kawani
- Ang Mataas na Kawani ay kapanalig ng mga Indio
- Siya ay isang Espanyol at mataas na kawani ng pamahalaan na kagalang-galang; may
panonondigan; at may kapanagutan. Lagi siyang salungat kapag hindi pinag-iisipan at di
Mabuti o di masusing pinag-aralan ang panukala ng mga opisyal at kawani
 Padre Florentino
- Si Padre Florentino ang amain ni Isagani
- Isang Mabuti at kagalang-galang na paring Pilipino. Pinilit lamang siya ng inang maging
linngkod ng Diyos dahil sa kanyang panata. Siya ang kumupkop sa pamangking si Isagani
nang maulila ito sa magulang
 Padre Bernardo Salvi
- Si Padre Salvi ay isang Pransiskano na may pagtingin kay Maria Clara
- Dating kura ng bayan ng San Diego.
- Pinakikinggan at iginagalang ng iba pa niyang kasamahang prayle. Siya ay mapag-isip.
Umibig siya ng lubos kay Maria Clara at nagging kompesor ng dalagang ito at ni Kapitan
Tiago
 Padre Hernando Sibyla
- Si Padre Sibyla ang Dominikanong vice-rector ng Unibersidad ng Sto. Tomas
- Isang matikas at matalinong paring Dominiko. Salungat siya sa pagpasa ng panukala
upang makapag-aral at matuto ng wikang Kastila ang mga mag-aaral
 Padre Irene
- Si Padre Irene ang nag-udyok kay Kapitan Tiago upang malulong sa apyan
- Ang kaanib ng mga kabataan sa pagtatatag ng Akademya ng Wikang Kastila
- Isang paring Kanonigo na minamaliit at di gaanong iginagalang ni Padre Camorra. Siya
ang nilapitan ng mga mag-aaral upang mamagitan at maipasa ang panukalang
magkaroon ng Akademya sa pagtuturi ng wikang Kastila ang mga estudyante. Naging
tagaganap siya sa huling habiliin ng kaibigang si Kapitan Tiago
 Padre Fernandez
- Si Padre Fernandez ay isang Dominikanong propesor
- Ang paring Dominikong may malayang paninindigan
- Isang paring Dominikano na bukas ang isip sa pagbabago lalo na sa edukasyon ng mga
mag-aaral. Sang-ayon siya sa adhikain ng mga makagabong mag-aaral sa pag-aaral ng
wikang Kastila. Hindi siya nalulugod sa tiwaling Gawain ng mga pinuno at kawani ng
pamahalaan at ng mga kapwa niya prayle
 Padre Camorra
- Si Padre Camorra ang kura ng Tiyani na may pagnanasa kay Juli
- Ang mukhang artilyerong pari.
- Isang batang paring Pransiskano na mahilig makipag-tungayaw kay Ben Zayb sa kung
ano-anong bagay na maibigan. Siya ang kura ng Tiani. Wala siyang galang sa kababaihan
lalo na sa magandang dilag
 Padre Millon
- Isang paring Dominiko na propesor sa Pisika sa Kemika. Mabuti siyang pilosopo at
bantog siya sa husay sa pakikipagtalo subalit hindi niya lubusang maiparanas o maituro
nang mahusay ang aralin sa mga mag-aaral. Makikita sa kanya ang maling Sistema ng
edukasyon sa bansa
 Kabesang Tales (Telesfore Juan De Dios)
- Si Kabesang Tales ay ama nina Juli at Carolino. Siya ay isang magsasaka na nagging
tulisan
- Ang naghahangad ng karapatan sa pagmamayari ng lupang sinasaka na inaangkin ng
mga prayle.
- Ang napakasipag na magsasaka na dating kasama sa mayayamang may lupain. Umunlad
siya dahil mahusay niyang ginamit ang kinitang pera
 Juli / Juliana
- Si Juli ay anak ni Kabesang Tales at katipan ni Basilio
- Ang pinakamagandang dalaga sa Tiani. Larawan siya ng Pilipinang madasalin, matiisin,
masunuri, at madiskarte sa buhay para makatulong sa pamilya. Tunay siyang
mapagmahal sa pamilya. Tapat sa katipang si Basilio
 Tandang Selo/ Tata Selo
- Si Tandang Selo ay ama ni Kabesang Tales
- Nabaril ng kanyang sariling apo
- Ang kumalinga sa batang si Basilio sa gubat nang tumakas siya mula sa mga guwardiya
sibil sa Noli. Siya ang maunawaing tatay ni Kabesang Tales
 Carolino / Tano
- Si Carolino ay anak ni Kabesang Talez at kapatid ni Juli. Isa siyang guwardiya sibil
- Anak ni Kabesang Tales na tahimik at kusang-loob na sumunod sa kagustuhan ng amang
siya’y magsundalo. Nawala nanag matagal na panahon
 Basilio
- Si Basilio ay anak ni Sisa na isang estudyante ng medisina. Kasintahan ni Juli
- Nalampasan niya ang mga hilahil ng buhay dahil nagpaalipin siya kay Kapitan Tiago.
Nagpunyagi siya sa pag-aaral. Nilunok niya ang pangmamaliit sa kanya ng kapwa mag-
aaral at ng mga guwo dahil sa kanyang ano at kalagayan sa buhay.
 Isagani
- Si Isagani ay estudyanteng makata. Kasintaan niya si Paulita
- Siya ay pamangkin ni Padre Florentino at kasintahan ni Paulita Gomez. Maliban pa rito si
Isagani ay isa sa mga estudyanteng sumuporta sa hangaring magkaroon ng sariling
akademya para sa wikang kastila ang Pilipinas.
- Isang malalim na makata. Mahusay siyang makipagtalo. Matapang siya sa pagpapahayag
ng kanyang pinaniniwalaan kaninuman
 Macaraig/ Makaraig
- Si Macaraig ay mayamang estudyanteng sumusuporta sa pagtatag ng Akademiya ng
Wikang Kastila
- Ang mayamang mag-aaral na masigasig na nakikipaglaban para sa pagtatatag ng
Akademya ng wikang Kastila ngunit biglang nawala sa oras ng kagipitan.
- Isangg mag-aaral sa abogasya na nangungiuna sa panawagang pagbubukas ng
Akademya sa pagtuturo ng Kastila
 Placido Penitente
- Si Placido Penitente ay probinsyanong estudyante na nag-aaral sa Maynila
- Ang mag-aaral na nawalan ng ganang mag-aral sanhi ng suliraning pampaaralan.
- Mahinahon at mapagtimpi ang kahulugan ng kanyang pangalan na pilit niyang
pinaninindigan kahit pa lubhang kinaiinisan din niya ang pangalang ito. Kapag siya ay
napuno, parang bulkann siyang sumasabig at walang kinatatakutan
 Pecson
- Si Pecson ay kabilang sa mga estudyanteng nagsusulong para sa Akademya ng Wikang
Kastila
- Mapanuring mag-aaral at masigasig siyang makipagtalo upang mailabas ang matalinong
kaisipan at kasagutan sa iba’t ibang usapin
 Juanito Pelaez
- Si Juanito Pelaez ay estudyanteng kabilang sa kilalang angkang may dugong Kastila. Nais
niyang mapangasawa si Paulita Gomez
- Isang mayamang mag-aaral na tamad at lakwatsero. Laging inaabuso at tinatakot si
Placido. May kapansanang pisikal subalit hindi niya naipakitang sagabal ito sa kanyang
pagkatao
 Sandoval
- Si Sandoval ay estudyanteng Kastila na kapanalig ng mga mag-aaral sa usapin ng
Akademya ng Wikang Kastila
- Ang kawaning Kastila na sang-ayon o panig sa ipinaglalaban ng mga mag-aaral
- Isang tunay na Espanyol na lubos na kaisa sa adhikain ng mga estudyanteng Pilipino.
Mahili makipagdebate ng kahit anong paksa upang siya ay mahangaan
 Tadeo
- Si Tadeo ay kabilang sa mga estudyanteng nagsususlong para sa Akademya ng Wikang
Kastila
- Siya ay mag-aaral na lubhang tamad at lagging nagsasakit-sakitan tuwing makakakita ng
propesor
 Paulita Gomez
- Si Paulita Gomez ay kasintahan ni Isagani
- Isang masayahin at napakagandang dalagang hinahangaan ng karamihan sa mga lalaki.
Larawan siya ng dalagang lagging maayos at maalaga sa sarili
 Donya Victorina/ Donya Victoria De Espadaña
- Si Donya Victorina ay Pilipinang nagpapanggap na Europea. Tiyahin siya ni Paulita
- Ang mapagpanggap na isang Europea ngunit isa namang Pilipina; tiyahin ni Paulita.
- Larawan ng isang Pilipinang walang pagpapahalaga sa kanyang lahi
 Ben-Zayb
- Si Ben-Zayb ay isang manunulat sa pahayagan
- Isang mamahayag na hindi totoo sa kanyang salita at mahilig magsulat ng sariling
bersyon ng mga pangayayari o balita.
- Ang mamamahayag na malayang mag-isip, at minsa ay kakatwa ang paksang nais niyang
isulat magkaroon lamang ng ilalathala. Siya ang utak na lumalabas na magaganda at
mabubuting balita tungkol sa Kapitan Heneral at sa iba pang matataas na opisyal upang
mapalapit siya sa mga ito
 Don Custodio/ Don Custodio De Salazar Y Sanchez De Monteredondo
- Si Don Custodio ang tagapagpasya sa usaping Akademya ng Wikang Kastila
- Kilala sa tawag na Buena Tinta. Nasa kamay niya ang desisyon sa pagtatag ng akademya
ng wikang Kastila.
- Nakapag-asawa ng maganda at mayamang mestiza. Umangat ang kanyang posisyon
hanggang naging opisyal na tagapayo ng Kapitan Heneal dahil sa likas niyang talino
 Ginoong Pasta
- Si Ginoong Pasta ang tagapayo ng mga prayle sa mga suliraning legal
- Ang tagapayo ng mga prayle sa mga suliraning legal.
- Naging alila ng mga prayle habang nag-aaral bago siya nagging pinakatanyag na
abogadong Pilipino. Dati siyang kaklase ni Padre Florentino

 Pepay
- Ang mananayaw na sinasabing matalik na kaibigan daw ni Don Custodio.
- Isang kaakit-akit na mananayaw. Siya ay maputi at kaiba ang kulay sa karaniwang
Pilipina. Mahilig siyang humingi ng mga pabor kay Don Custodio na nahihibang sa
kanyang alindog
 Mr. Leeds
- Si Mr. Leeds ang misteryosong Amerikanong nagtatanghal sa perya
 Quiroga
- Si Quiroga ay isang negosyanteng Tsino
- Isang mangangalakal na Intsik na nais magkaroon ng konsulado sa Pilipinas
 Kapitan Basilio
- Si Kapitan Basilio ay isa sa mga kapitan ng San Diego
 Kabesang Andang
- Si Kabesang Andang ang ina ni Placido
 Hermana Bali
- Si Hermana Bali ang naghimok kay Juli upang humingi ng tulong kay Padre Camorra
 Hermana Penchang
- Si Hermana Penchang ang mayaman at madasaling amo ni Juli
 Imuthis
- Ang mahiwagang ulo sa palabas ni Ginoong Leeds
 Camaroncocido
- Isang espanyol na ikinahihiya ng kanyang mga kalahi dahil sa kanyang panlabas na anyo
 Tiyo Kiko
- Matalik na kaibigan ni Camaroncocido.
 Gertrude
- ang-aawit sa palabas.
 Paciano Gomez
- Kapatid ni Paulita.
 Don Tiburcio
- Asawa ni Donya Victorina.

You might also like