Professional Documents
Culture Documents
4th Week - Mga Gawaing Pansibika
4th Week - Mga Gawaing Pansibika
Ang pag-unlad ng isang bansa ay hindi kayang sarilihin ng mga opisyal ng pamahalaan
lamang. Nagangailangan ito ng tulong at pakikiisa mula sa mga
mamamayan dahil sila rin naman ang makikinabang sa bunga ng pag- unlad na ito.
Ano ang nais ipakahulugan ng pakikilahok sa mga gawaing pansibiko?
May iba’t ibang anyo ang pakikilahok sa mga gawaing pansibiko. Mula sa pagiging volunteer
sa isang programa ng pamayanan nang mag-isa o pagsali ng isang buong samahan sa proseso ng
halalan, lahat ay nagbubunga ng positibong pagbabago para sa pamayanan.
Kasama rin sa pakikilahok sa mga gawaing pansibiko ang pagiging responsable ng isang
tao sa mga sumusunod:
1.Pagsali sa Organisasyon
Malaki ang naitutulong ng mga organisasyon o samahan upang mahikayat ang mga
mamamayan sa mga gawaing pansibiko sa pamamagitan ng pagsali sa kanilang mga proyekto at
gawain, pag- unawa sa kanilang layunin at pakikiisa sa ibang kasapi upang matamo ang kanilang
mga mithiin. Nakakatulong din ang mga samahang ito upang maipakita ang lakas at kahinaan
ng isang kasapi at naghahain ng mga alternatibong solusyon sa pagtugon sa mga kahinaan.
2. Pagboboluntaryo
Nakakatulong din ang pagboboluntaryo o kusang- loob na pagsali sa mga gawaing
pansibiko. Aktuwal na nakikita ng mamamayan ang pamayanan, nasusuri ang mga problemang
kinakaharap nito at nakatutulong sa paghahanap ng kalutasan sa nasabing mga suliranin.
Ang pagboboluntaryo ay nakaukit na sa mga mayamang kasaysayan at makulay na
kultura ng mga Pilipino. Bawat pang-etnolingwistiko o rehiyon ay may sariling katawagan
ito- bayanihan, damayan, kawanggawa, pahinungod o bahaginan. Nagbibigay daan ito ng
pagkakaroon ng tiwala at pagkakaisa ng mga mamamayan na kailangan sa pagbuo ng isang
matatag na lipunang Pilipino.
Halimbawa:
Noong 2009, pinangaralan ng CNN kabilang Hero of the Year si Efren Peǹaflorida
Jr. dahil sa pagtitiyaga niyang turuan ang mga kabataang kapos sa kabuhayan sa Cavite gamit
ang kaniyang kariton. Dahil sa gawaing ito, nabaling ang atensiyon ng mga nasabing kabataan sa
edukasyon at naiwasan ang mga bisyo.
Nakilala rin sa buong daigdig ang Gawad Kalinga, isang samahang itinatag ni Tony
Meloto noong 1995 na naglalayong makapagtayo ng 700,000 kabahayan para sa 7,000
pamayanan. Pinangunahan ng proyektong ito ang pagtatayo ng matitibay ngunit murang pabahay
para sa mahihirap na pamilyang Pilipino at mga nawalan ng tahanan dahil sa mga sakuna at
kalamidad.
KARAGDAGANG KAALAMAN:
Sa inilabas na ulat ng National Statistical Coordinating Board (NSCB) sa kanilang ika-11
Pambansang Pagtitipon para sa estadistika, ipinapakita kung gaano kalaki ang ambag ng mga
gawaing naghihikaya’t ng bolunterismo sa ating lipunan. Narito ang mahalagang bahagi ng
kanilang ulat:
Sa taong 2000, ang mga mamamayang nagboluntaryo sa iba’t ibang gawaing pansibiko ay
nakapaglaan ng humigit kumulang sa 312. 3 milyong oras para sa gawaing ito.
Sa taong 2009, ang kabuuang halaga na inabot ng paglahok sa boluntaryong gawain
ay 44.5 bilyong piso, mas mataas nang doble sa 20.1 bilyong piso noong 2000.
Mula taong 2000-2009, ang halaga ng paglahok sa mga boluntaryong gawain ay kapantay
ng
0.6 na bahagdan ng GDP ng bansa.
Ayon sa ulat ang pagtaas ng antas ng kusang- loob na pakikilahok ng mga mamamayan, gaano
man kaliit ay may malaking naitutulong sa pag- angat ng ekonomiya ng bansa. Ang pagsaalang-
alang ng kontribusyon ng bolunterismo ay malaking tulong din sa paggawa ng mga polisiya ng
pamahalaan patungkol sa pagsugpo sa kahirapan at pagpapatibay ng lakas paggawa sa bansa.
KARAGDAGANG KAALAMAN:
Universal Declaration of Human Rights
Article 21
1. Everyone has the right to take part in the government of his country, directly or through
freely chosen representatives.
2. Everyone has the right of equal access to public service in his country.
3. The will of the people shall be the basis of the authority of government; this will shall be
expressed in periodic and genuine elections which shall be by universal and equal suffrage and
shall be held by secret vote or by equivalent free voting procedures.
International Covenant on Civil and Political Rights
Article 25
Every citizen shall have the right and the opportunity, without any of the distinctions mentioned in
article 2 and without unreasonable restrictions:
1. To take part in the conduct of public affairs, directly or through freely chosen
representatives;
2. To vote and to be elected at genuine periodic elections which shall be by universal and
equal suffrage and shall be held by secret ballot, guaranteeing the free expression of the will of the
electors;
3. To have access, on general terms of equality, to public service in his country.
Philippine Constitution
Article 5
Section 1. Suffrage may be exercised by all citizens of the Philippines not otherwise disqualified by
law, who are at least eighteen years of age, and who shall have resided in the Philippines for at
least one year, and in the place wherein they propose to vote, for at least six months immediately
preceding the election. No literacy, property, or other substantive requirement shall be imposed on
the exercise of suffrage.
Section 2. The Congress shall provide a system for securing the secrecy and sanctity of the ballot
as well as a system for absentee voting by qualified Filipinos abroad.
The Congress shall also design a procedure for the disabled and the illiterates to vote without the
assistance of other persons. Until then, they shall be allowed to vote under existing laws and such
rules as the Commission on Elections may promulgate to protect the secrecy of the ballot.
Ipinapakita sa mga artikulong ito ang pagsuporta ng iba’t ibang samahan at ng mismong
Saligang Batas ng Pilipinas sa pagtataguyod ng halalan bilang isang epektibong anyo ng pakikilahok
sa mga gawaing pansibiko.
KARAGDAGANG KAALAMAN:
Ang Balangkas o Framework ng Aktibong Pagkamamamayan.
Ang Balangkas o Framework ng Aktibong Pagkamamayan ay ang estraktura kung
paano maisasagawa ang mga tungkulin at responsibilidad sa paglahok sa mga boluntaryong
gawain sa paaralan, komunidad at organisasyon. Ito ay batayang ideya ng civic engagement at
civil participation. Isang paraan ng pag-unawa sa kung paano isasagawa ang sistema ng sektor
na lalahukan- sino ang mga kasama, sino ang gumagawa ng desisyon, sino ang may hawak ng
kapangyarihan na makaaapekto sa sektor. Sa ganitong paraan, magiging malinaw ang papel na
gagampanan at gawain. Mas mapapahalagahan ang mga karapatan at tungkulin ng
mamamayan.
Bunsod ng pandemya naging isang malaking hamon ang pag-access sa libreng edukasyon kaya
naman naglunsad ang Sangguniang Kabataan ng Barangay Dila mula sa Bay, Laguna ng isang
proyekto na tutulong sa mga kabataan upang maibsan ang kanilang nararanasang hirap at
masubukan mapunan ang kakulangan sa mga kasangkapan o resources na kailangan para sa
new normal na pag-aaral.
Ito ang “Project Karungunan - sa gitna ng COVID-19 Pandemic” isang proyektong magsisilbing
daan upang mabigyan ng pag-asa ang mga mag-aaral na nais maipagpatuloy ang kanilang pag-
aaral at pagkatuto sa kabila ng kinakaharap na pandemya.
Ayon kay Sangguniang Kabataan Chairperson Roy Padrid, layunin ng ‘Project Karunungan’ na
bigyang diin sa publiko na ang edukasyon ay isang karapatan na marapat lamang na matamasa
ng bawat isa sa atin at hindi isang pribilehiyo na hindi dapat maranasan o makamit ng sinuman.
PAGNILAYAN:
Bakit mahalaga ang pagiging isang aktibong mamamayan sa pagpapa-unlad ng bansa?