Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 241

KONTEKSTUWALISADONG

BANGHAY-ARALIN
SA FILIPINO, BAITANG 6
(KWARTER 1)
TALAAN NG MGA KASAPI SA PAGBUO NG BANGHAY- ARALIN
A. Mga Manunulat:

Lerma L. Aviso, MT-1, Sorsogon Pilot ES


Marivic Q. Belgica, MT-1, Sorsogon Pilot ES
Ma. Edna V. Elpos, MT-2, Sorsogon East Central School
Janine D. Medallada, T3, Sorsogon East Central School
Elsa D. Lanuza, T3, Sorsogon East Central School
Lendy D. Bautista, T-1, Sorsogon East Central School
Rubie J. Borromeo, T-1, Balogo ES
Judy Ann E. Dolot, T-3, Sugod ES
Lerelyn D. Delima, T-1, San Isidro ES
Maria Francia J. Dichoso, T-3, Pangpang ES
Ana M. Doctor, T-3, Del Rosario ES

B. Nag-edit

Miguel S. Pelecia, T-1, Sorsogon National HS


Catherine L. Licup, T-1, Sorsogon National HS
Elena D. Tatel, MT-1, Sorsogon National HS
Alma F. Bungcag, MT-2, Sorsogon National HS
Amelita D. Espedido, T-3, Sorsogon National HS
Beverley P. Babagay, EPS, SDO, Sorsogon City

C. Nag-disenyo/Nag-guhit

Miguel S. Pelecia, T-1, Sorsogon National HS

D. Nagpakitang-turo

Teresita Y. Arahan, T-1, Sorsogon Pilot ES


Beata I. Bonos, T-1, Pangpang ES
Judy Ann E. Dolot, T-3, Sugod ES
Marivic Q. Belgica, MT-1, Sorsogon Pilot ES
Lendy D. Bautista, T-1, Sorsogon East Central School
Lerma L. Aviso, MT-1, Sorsogon Pilot ES

E. Nagsuri

Lorena M. Lagonoy, T-3, Sorsogon Pilot ES


Marites R. Pertiz, MT-1, Sorsogon Pilot ES
Richelda D. Dolot, T-3, Sugod ES
Alma F. Bungcag, MT-2, Sorsogon National HS
Elena D. Tatel, MT-1, Sorsogon National HS
Maria Francia J. Dichoso, T-3, Pangpang ES
NILALAMAN

KWARTER 1
Linggo/Araw Paksa Pahina

I. Linggo 1
Araw 1 Pagsagot sa mga Tanong Tungkol sa
Napakinggang Pabula…………………..………….1 – 6
Araw 2 Paggamit ng Wastong mga Pangngalan
sa Pakikipag-usap sa Iba’t Ibang Sitwasyon…... 7 – 12
Araw 3 Pag-uugnay ng Binasa sa Sariling Karanasan…13 - 17
Araw 4 Pagsipi ng Isang Talata Mula sa Huwaran……. 18 - 24
Araw 5 Pagmamalaki sa Sariling Wika sa Pamamagitan
ng Paggamit Nito…………………………………..25 – 28

II. Linggo 2
Araw 1 Pagsagot sa mga Tanong Tungkol sa
Napakinggang Kuwento…………………………… 29 - 32.
Araw 2 Pagbibigay ng Panuto na May Higit sa Limang
Hakbang…………………………………………….…33 - 36
Araw 3 Paggamit ng Wastong Pangngalan sa Pakikipag-
Usap sa Iba’t Ibang Sitwasyon………………….…..37 - 40
Araw 4 Pagsunod-sunod sa mga Pangyayari sa Kuwento
sa Tulong ng Nakalarawang Balangkas………….…41 - 45
Araw 5 Paggamit ng Pangkalahatang Sanggunian
(Paggamit ng Diksyunaryo)……………………..……46 – 49
III. Linggo 3
Araw 1 Pagbigay-kahulugan sa Kilos ng mga Tauhan sa
Napakinggang Pabula………………………………...50 - 53
Araw 2 Paggamit ng Pangngalan at Panghalip sa
Iba’t Ibang Sitwasyon……………………………….…54 - 58
Araw 3 Pagsagot sa mga Tanong sa Tekstong
Pang-impormasyon……………………………….……59 - 63
Araw 4 Paggamit ng mga Bagong Salitang Natutuhan
sa Pagsulat ng Sariling Komposisyon………….…...64 - 67
Araw 5 Paggamit ng Dewey Classification System…….…...68 – 71

IV. Linggo 4
Araw 1 Paghihinuha sa Kinalabasan ng Kuwento…….……..72 - 77
Araw 2 Paggamit ng Pangngalan sa Pakikipag-usap
sa Iba’t Ibang Sitwasyon………………………………..78 - 81
Araw 3 Paggamit ng Panghalip sa Iba’t Ibang
Sitwasyon…………………………………….…………...82 - 87
Araw 4 Pagbibigay-kahulugan sa mga Pamilyar
at di-pamilyar na Salita………………………….………..88 - 91
Araw 5 Paggamit ng Pangkalahatang Sanggunian
( diksyunaryo, ensayklopidya, atlas)……………...…….92 - 95

V. Linggo 5
Araw 1 Pagbbigay ng Hinuha sa Kalalabasan ng mga
Pangyayari sa Alamat na Napakinggan……………...…96 - 98
Araw 2 Paggamit ng Iba’t Ibang Uri ng Panghalip sa
Iba’t Ibang Sitwasyon………………………………..….99 -102
Araw 3 Pagbibigay-kahulugan sa Pamilyar at Di-kilalang
Salita sa Pamamagitan ng Sitwasyong
Pinaggagamitan………………………………………...103 - 106
Araw 4 Pagsagot sa mga Tanong Tungkol sa Tekstong
Pang-impormasyon……………………………………..…107 - 109
Araw 5 Pagpuno nang Wasto sa Kard na Pang-aklatan……..…110 - 113

V1 Linggo 6
Araw 1 Pagsalaysay Muli sa Napakinggang Teksto……………..114 - 117
Araw 2 Paggamit ng Iba’t Ibang Uri ng Panghalip sa
Iba’t Ibang Sitwasyon……………………………………..118 - 121
Araw 3 Pagbibigay-kahulugan sa Pamilyar at Di-kilalang Salita
Sa Pamamagitan ng Pag-uugnay sa Ibang Aralin
Pagsagot sa mga Tanong na Bakit at Paano sa Kuwento.122 - 125

Araw 4 Pagsulat ng Talatang Nagpapaliwanag………………......126 - 129


Araw 5 Pagsuri sa mga Kaisipan at Pagpapahalagang
Nakapaloob sa Napanood na Maikling Pelikula…………130 - 132

VII. Linggo 7
Araw 1 Pagsagot sa mga Tanong Tungkol sa Napakinggang
Usapan……………………………………………………….133 - 138
Araw 2 Paggamit ng Panghalip Panaklaw sa Iba’t Ibang
Sitwasyon…………………………………………………….139 - 143
Araw 3 Paggamit ng Panghalip Panaklaw
Pagbibigay ng Sariling Solusyon sa Isang Suliraning
Naobserbahan………………………………………………...144 - 148
Araw 4 Pagbibigay ng Angkop na Pamagat sa Binasang Talata…..149 - 153
Araw 5 Paggamit ng Card Catalog at Call Number sa Pagpili
ng Aklat……………………………………………… ………154 - 158

VIII. Linggo 8
Araw 1 Pagsunod sa Panuto………………………………………..159 - 162
Araw 2 Pagbabahagi ng Isang Pangyayaring Nasaksihan……..…163 - 165
Araw 3 Paggamit ng Kayarian o Kaanyuan ng Pangngalan
Sa Pakikipag-usap sa Iba’t Ibang Sitwasyon……………..166 - 170
Araw 4 Pagsalaysay nang may Wastong Pagkasunod- sunod
Ang mga Pangyayari sa Nabasang Tekstong Pang-
Impormasyon…………………………………………….…... 171 - 175
Araw 5 Pagsulat ng Talatang Nagsasalaysay……………………….176 - 179
IX. Linggo 9
Araw 1 Pagbigay ng Kahulugan ng Pahayag ng Tauhan
sa Napakinggang Usapan………………………….…….. 180 - 183
Araw 2 Paggamit ng Pangngalan at Panghalip sa Pakikipag-
Usap sa Iba’t Ibang Sitwasyon (Kayarian ng Pangnga-
lan: Payak, Maylapi at Panghalip Pananong)… ………184 - 188
Araw 3 Pagbibigay ng Kahulugan ng Pamilyar at Di- Pamilyar
na Salita sa Pamamagitan ng Gamit sa Pangungusap…..189 - 193
Araw 4 Paggamit ng Dating Kaalaman sa Pagbibigay ng
Wakas ng Nabasang Teksto……………………… …….194 - 197
Araw 5 Paggamit ng Wika Bilang Tugon sa Sariling
Pangangailangan at Sitwasyon……………………………… 198 - 201
X. Linggo 10
Araw 1 Pagbibigay – kahulugan ng Sawikain/Matatalinghagang
Salita na Napakinggan…………………………… ...……..202 - 205
Araw 2 Pagpapahayag ng Sariling Opinyon o Reaksiyon sa
Napakinggang Balita, Isyu, o Usapan………………………206 - 208
Araw 3 Pagbibigay-Kahulugan ng Pamilyar at Di-Kilalang salita
sa Pamamagitan ng pormal na Depinisyon……………….209 - 212
Araw 4 Pagsulat ng Liham Pangkaibigan……………………….…..213 - 216
Araw 5 Pagsagot ng mga Tanong Tungkol sa Kuwento at
Larawang Napanood…………………………………...…...217 - 222
MASUSING Paaralan Baitang 6
BANGHAY- Guro Asignatura Filipino
ARALIN Petsa at Markahan F6Q1W1D1
Oras

I. LAYUNIN
A. Pamantayang Naipamamalas ang kakayahan sa mapanuring
Pangnilalaman pakikinig at pag-unawa sa napakinggan
Nasasaulo ang isang tula/awit na napakinggan at
B. Pamantayan sa
naisadula ang isang isyu o paksa mula sa tekstong
Pagganap
napakinggan
Nasasagot ang mga tanong tungkol sa napakinggang
C. Mga Kasanayang
Pampagkatuto/Layunin pabula (F6PN-Ia-g-3.1)

II. PAKSA
Pagsagot sa mga Tanong Tungkol sa Napakinggang Pabula
III. MGA KAGAMITAN

A. Sanggunian: K to 12 Gabay Pangkurikulum Batayang Aklat sa Yamang


Filipino 6, pp.344-346 The Philippine Journal of Education,
Volume LXXIX, No.3, August, 2000, p.116
B. Iba pang Kagamitang Pampagtuturo : Larawan, laptop projector, metacards

IV. PAMAMARAAN
A. Balik-aral at/o Panimula

Nakarinig o nakabasa na ba kayo ng mga pabula?


(Maaaring maglahad ang mag-aaral ng alam na pabula at pahapyaw na pag-
usapan ito. Iugnay ito sa inaasahang awput/gawain batay sa nakatakdang
layunin.)
B. Pagganyak
Magpakita ng larawan ng kapaligiran.

1
Tanong:
Ano -anong mga hayop ang makikita ninyo sa larawan?
Ilarawan ito.
(Iugnay ito sa babasahing pabulang “Ang Agila at ang Salagubang.”)
Pangganyak na tanong:
Bakit kaya nagalit si Salagubang sa hari ng mga ibon?

C. Paglalahad ng Aralin

Paglinang ng Talasalitaan
Buoin ang katuturan ng mga pangungusap gamit ang wastong salita.
Piliin ang sagot sa loob ng kahon.
dagitin dakot-dakot kapalaluan
lungga
mabanaagan nangangallit napakaliksi
nilulubayan
pagala-gala nagkukubli

1. Maingat ng umikot ang agila, sinikap niyang _____ ang pinagkukublihan


ng kuneho.
2. Takot ang maliit na hayop sa agila, mabangis ang mga tingin nito at
matalim ang mga kuko. Nagtatago sila upang hindo _____ nito.
3. Hindi maabutan ni Agila si Kuneho, mabilis ito at _____.Gutom na si
Agila,_____ na ang kanyang mga tingin.
4. Hindi na _____ ni Agila si kuneho kahit umiwas at nagtago pa ito.

Pagbibigay ng pamantayan sa pakikinig ng pabula


Pagbasa nang malakas sa pabulang “Ang Agila at ang Salagubang.”

D. Pagtalakay sa Aralin

Pasagutan ang mga tanong mula sa pabulang narinig.(Ang Agila at ang


Salagubang)
1. Sino ang humahabol kay kuneho?
2. Bakit hinahabol ang kuneho?
3. Paano ipinakita ni Sallagubang ang pagmamahal sa kaibigan?
4. Tama ba ang ginawa ni Saalagubang sa mga itlog ni Agila/
Bakit?.
5. Kung ikaw si Salagubang, paano mo tutulungan ang inyong
kaibigan sa oras ng kagipitan?
6.

E. Paglalahat
Bakit mahalagang pag-aralan ang mga pabula?

2
F. Paglalapat
Pangkatang Gawain
Pakinggang mabuti ang babasahing pabula.Pagkatapos sagutin ang mga
sumusunod na tanong:

Unang Pangkat
Ang Mayabang na Gansa
Ni A.V Torres
Sabkuran nina Mang Isko, nakatira ang maraming hayop. Alaga sila ni Mang Isko.
Nakatira sa bakuran ang baka, kabayo, kalabaw, bibe, pato,manok, aso, pusa, pabo at
gansa.
Isa sa mga hayop sa bakuran ni Mang Isko ang kinaiinisan ng ibang mga hayop.
Iyon ang gansa. Mangyari, mayabang ang gansa. Ipinagyayabang nila sa lahat ang
kaniyang anyo. Sabi niya sa ibang hayop, siya ang pinakamaganda sa kanilang lahat.
“Ang yabang naman ng gansa!” sabi ni bibe.
“Totoo nga, masyadong mayabang ang gansa,” sabi ng manok.
“Mapagmalaki!” ayon naman sa baka.
Ang ibang hayop ay nagsasabi ring mayabang ang gansa.
Lahat ng bagay na tungkol sa kaniya ay ipinagyayabang ng gansa.
Ipinagmamalaki niya ang makislap, maputing balahibo. Ipinagmamalaki niya ang
mamulang-mulang paa.

Ipinagyayabang din ng gansa ang paraan niya ng paggalaw. Maging ang kaniyang
paglakad ay ipinagmamalaki ng gansa. At kahit ang kaniyang matinis na paghuni ay
ipinagmamalaki ng gansa.

1. Sino ang mayabang na hayop sa bakuran ni Mang Isko?


2. Ano ang kanyang mga ipinagmamayabang?
3. Bakit siya kinaiinisan ng ibang mga hayop?
Ikalawang Pangkat:

“ Dapat ng matigil ang kayabangan ng gansa!” sabi ng baka.


“Oo nga,”sagot ng kabayo. “Ako nga’y naiinis na sa kayabangan niyan.”
“Paano ang gagawin natin?” tanong ng pato.
“Sino ang makatutulong sa atin?” tanong ng pusa.
“Sino ang makagagawa ng paraan upang matapos na ang kayabangan ng
gansa?” tanong ng aso.
Noon nagsalita ang kalabaw. “ Mga kasama, kung papayag kayo, susubukin kong
baguhin ang ugali ng gansa,”aniya.” May naiisip akong paraan.”
“Naku, sige nga!”sabi ng mga hayop.”Pagbaguhin mo nga ang gansa sa ugali
niyang mapagmalaki.”
Kinabukasan, maagang gumising ang kalabaw. Pinuntahan niya ang
gansa.”Magandang umaga sa iyo, Kalabaw,”sagot ng gansa.”Ano ba ang ipaglilingkod
ko saiyo ?”
“Alam mo, Gansa, mamamasyal ako ngayong umaga. Maaari mo ba akong
samahan?” sabi ng kalabaw.
3
Tatanggi sana ang gansa. Mangyari, ayaw niyang sumama sa kalabaw dahil
pangit ito. Gusto niyang kasama’y magagandang hayop din.
“Alam mo kasi Gansa, hindi ako masigla sa pamamasyal. Lagi na lang may
pumapansin sa kapangitan ko at nasisira ang aking araw,”sabi ng kalabaw. “Ngunit,
iniisip ko , kung kasama kita’y tiyak ko sa ganda mo matututok ang pansin ng
makakakita sa atin at wala nang pupuna sa kapangitan ko. Masisiyahan ako sa
pamamasyal.”
Lihim na natuwa ang gansaa sa narinig sa kalabaw. Kaya, pumayag na siyang
sumama sa kalabaw sa pamamasyal.”Pagkakataon ko na ito upang hanggaan ng
maraming hayop ang aking kagandahan!” sabi ng gansa sa sarili.

Sagutin ang sumusunod na tanong:


1. Sino ang nagtangkang bumago sa ugali ng gansa?
2. Ano ang naisip ni Kalabaw upang mabago ang pag-uugali ni Gansa?
3. Paano napapayag ni Kalabaw na sumama sa kanya si Gansa?

Ikatlong Pangkat
Sa pamamasyal ng kalabaw at ng gansa, nangyari ang kanilang inaasahan. Ang
ganda ng gansa ang napansin. Hindi na napuna ang kapangitan ng kalabaw. Malayo
na ang nararating ng dalawang hayop.
“Alam mo, Gansa, hindi ikaw lang ang magandang gansa…” sabi ng kalabaw.
“May nakita akong isa pang magandang gansang tulad mo,” sabi ng kalabaw.” Ang
tingin ko nga tila higit pa siyang maganda kaysa sa iyo.”
“ Hindi! Hindi totoo yan!”
“Hindi kita lolokohin, Gansa. Wala akong dahilan para lokohin ka.”
“ Kung hindi mo ako niloloko, isama mo ako sa magandang gansang sinasabi mo.
Gusto iyong makita.”
“Tayo!” sabi g kalabaw.
Isinama ng kalabaw ang gansa sa tabi ng isang balon. “Hayan, diyan nakatira ang
gansang sinasabi ko sa iyo,” aniya.”Dumunghal ka riyan at makikita mo iyon!”
Dumunghal nga ang gansa sa balon. At, ano ang nakita niya? Naroon nga ang isang
kaygandang gansa!
“Hindi ba maganda ang gansang iyan?” tanong ng kalabaw.
Nagpupuyos ang galit ng gansa.” Hindi! Hindi maaari ito!” sabi. “Isa man sa aming
dalawa ang dapat kilalaning maganda. At ako iyon.”
“Ano ang gagawin mo?”
“Papapangitin ko siya!” sigaw ng gansa. At tinalon niya ang gansang nasa loob ng
balon.
Nang bumagsak ang gansa sa tubig ng balon, tiningnan siya ng kalabaw.
“Gansa, napakatanga mo. Ang gansang nakita mo sa loob ng balon ay repleksyon mo
sa tubig”
“Ha?”
“Totoo iyon. At ginawa ko sa iyo ang ganoong lalang upang papagbaguhin ka,” sabi ng
kalabaw.
“Ano ang ibig mong sabihin?”
4
“Kung hindi kita tutulungan, o, kung walang tutulongna ibang hayop sa iyo, hindi ka na
makaalis diyan sa loob ng balon,” sabi ng kalabaw.” Ngunit bago kita tulungan
umahon, kailangang ipangako mo muna sa akin ang isang bagay.”
“Ano iyon?”
“Mangako kang titigilan mo na ang pagmamalaki sa ibang katangian mo.”
“Nasisiyahan akong ipagmalaki ang kagandahan ko…’
“Nakaiinis iyon para sa ibang hayop.”
“Wala akong pakialam sa ibang hayop.”
“Ganoon ba?” sabi ng kalabaw.” kung ganoon, laban man sa loob ko, iiwan na kita
riyan sa loob ng balon. Mapipiit ka na diyan.”
Tumalikod na ang kalabaw.
“Huwag! Huwag mo akong iwan dito,” sigaw ng gansa. “Mamamatay ako rito.”
“ Nangangako ka bang hindi mo na ipagyayabang sa ibang hayop ang kagandahan
mo?”
“Oo! Nangangako ako…”
Iniahon ng kalabaw ang gansa mula sa balon.
“Gansa, alam mo, hindi mo man ipagyabang ang ganda mo’y nakikita iyon ng ibang
hayop.”
“Totoo ba ang sinabi mo?”
“Oo” sagot ng kalabaw.” Kaya walang dahilan para ipagyabang mo pa ang iyong
ganda.”

“Tatandaan ko iyan,” sabi ng gansa.

Sagutin ang mga sumusunod na tanong:


1. Ano ang nakita ng gansa nang dumungaw siya sa balon?
2. Ano ang natutunan ni Gansa mula sa kalabaw?
3. Sa palagay ninyo, nagbago kaya si Gansa? Bakit?

G. Pagtataya

Pakinggang mabuti ang isang pabula na babasahin ng guro.Sagutin ang mga


sumusunod na tanong. ( pabula: Ang Sinungaling na Lobo)
1. Ano ang nangyari sa lobo?
2. Sino ang tumulong sa kanya?
3.Bakit nagalit ang Ibon sa lobo?
4.Paano tinulungan ni Candy si Lou?
5.Sino ang nais mong tularan sa dalawa? Bakit?

H. Karagdagang Gawain at/o Pagpapahusay


Takdang Aralin
Magsaliksik ng isang pabula. Isulat sa isang malinis na papel ang aral na
napulot ninyo dito.

5
V. MGA TALA
VI. PAGNINILAY
A. Bilang ng mag-aaral na nagtamo
ng 80% sa pagtataya
B. Bilang ng mag-aaral na
nangangailangan ng mga
gawaing pagpapahusay
(remedial)
C. Nakatulong ba ang
pagpapahusay (remedial)?
Bilang ng mag-aaral na
naunawaan ang aralin
D. Bilang ng mag-aaral na patuloy
na nangangailangan ng
pagpapahusay (remediation)
E. Alin sa aking pagtuturo ang nag
ing epektibo? Bakit?
F. Ano-ano ang aking naging
suliranin na maaaring malutas sa
tulong ng aking punongguro Bat
superbisor?
G. Anong mga inobasyon o
lokalisasyon sa mga kagamitan
ang ginamit /natuklasan ko na
nais kong ibahagi sa ibang guro?

6
MASUSING Paaralan Baitang 6
BANGHAY- Guro Asignatura Filipino
ARALIN Petsa at Markahan F6Q1W1D2
Oras

I. LAYUNIN

Naipamamalas ang kakayahan at tatas sa


A.Pamantayang
pagsasalita at pagpapahayag ng sariling ideya,
Pangnilalaman
kaisipan, karanasan at damdamin
B. Pamantayan sa Pagganap Nakasasali sa isang usapan tungkol sa isyu
Nagagamit nang wasto ang mga pangngalan
C. Mga Kasanayang sa pakikipag-usap sa iba’t ibang sitwasyon
Pampagkatuto/Layunin (F6WG-Ia-d-2)

II. PAKSA

Paggamit nang Wastong mga Pangngalan sa Pakikipag-usap


sa Iba’t Ibang Sitwasyon.

III. MGA KAGAMITAN


C. Sanggunian: K to 12 GabayPangkurikulum Yamang Filipino 6
Landas sa Wika, pp.31,52-54

D. Iba pang KagamitangPampagtuturo: manila paper, pentel pen, larawan,


laptop, Projector
IV. PAMAMARAAN
I. Balik-aral at/o Panimula
Dyad: Magsalaysay ng pabulang nasaliksik.Pagkatapos, magkaroon ng
pahapyaw na pagpapahalaga sa pabula at iugnay ito sa inaasahang pagganap o
awtput batay sa nakatakdang layunin.

J. Pagganyak
Magpakita ng larawan ng kapaligiran.

7
Bumuo ng mga pangungusap na maglalarawan sa mga ngalan ng hayop at
pook na makikita sa larawan.
(Ipasuri ang mga binuong pangungusap ayon sa bahagi ng pananalitang ginamit
dito.)

K. Paglalahad ng Aralin
Ipabasa ang isang talata sa mga bata.
Ang mga Pilipino ay likas namalikhain at masining. Nakikilala sa buong
mundo ang mga produkto sa Pilipinas. Nariyan ang mga barong, bestida, mantel,
telang pinya, sinamay at jusina may pinong-pinong bordang kamay mula sa
Batangas at Bulacan. Kay ganda rin ng mga telang hinahabi sa hand loom o
habihan ng mga kababaihan sa Ilocos, Baguio, Benguet at Ifugao. Sa Laguna
naman nagmumula ang magagandang nililok na mga kagamitan at mga
pandekorasyon. Kay gaganda ng muwebles din ang nanggagaling sa Pampanga.
Ang Leyte at Samar ay may magagandang banig na tikug. At higit sa lahat ay ang
makukulay na dyip na likha rito sa Pilipinas. Ang lahat ng ito at iba pang likhang-
sining ay maipagmamalaki ng sinumang mga Pilipino.

L. Pagtalakay sa Aralin

Gumawa ng isang talahanayan.Ipatala ang mga sagot mula sa sumusunod


na tanong:
1. Sino ang kilala sa pagiging malikhain at masining?
2. Ano-anong mga bagay na yari dito sa Pilipinas ang nabanggit sa
talata?
3. Saan-saang lalawigan matatagpuan ang mga ito?
4. Ano ang mga dapat nating gawin sa mga produktong yari dito sa
ating bansa?
TAO HAYOP BAGAY LUGAR

Anong bahagi ng pananalita ang tumutukoy sa ngalan ng tao, hayop, bagay, pook
at pangyayari?

8
Pag-aralan ang sumusumod:

PAMBALANA PANTANGI

bayani Jose Rizal

guro Bb. Angeles

lalawigan Sorsogon

lapis Monggol

aso Tagpi

(Magbibigay input ang guro tungkol sa Dalawang Uri ng Pangngalang


Pambalana.)
1. Kongkreto o tahas - ay ngalan ng isang tao, lugar, bagay, gawa o
pangyayari na nakikita.
Hal. aklat, guro, paaralan
2. Di-kongreto o Basal - ay ngalan ng isang tao, lugar, bagay, gawa o
pangyayari na di-nakikita.
Hal. Kasayahan, kagitingan, kawalang-malay

Pagsasanay

Pangkatang Gawain
Bumuo ng diyalogo o usapan batay sa sitwasyon gamit ang iba’tibang uri ng
pangngalan.
PANGKAT I. Pangungumusta ng mag-asawa sa kanilang mga anak tungkol sa
kanilang pag-aaral.
PANGKAT II. Pagpapaplano ng magkakaibigan tungkol sa proyektong kanilang
gagawin sa asignaturang TLE.
PANGKAT III. Pagtanong ng isang matandang babae sa direksyon patungo sa
simbahan.
PANGKAT IV. Paghihikayat ng mga kawaning DOH tungkol sa kahalagahan ng
pagbabakuna ng mga bata upang maiwasan ang tigdas.

M. Paglalahat
Ano ang kahalagahan ng paggamit ng mga pangngalan sa pakikipag-usap?

9
N. Paglalapat
Magkaroon ng usapan na nagpapakita ng wastong gamit ng mga pangngalan.
(Dyad : Sitwasyon: Mga nasaksihan/ginawa bago pumasok sa
paaralan)

O. Pagtataya

Hatiin ang klase sa limang pangkat. Gamitin nang wasto ang pangngalan
sa pagbuo ng isang usapan. Pagkatapos ng inilaang oras ay ipapakita ng bawat
pangkat ang kanilang natapos na gawain.

Unang Pangkat : Pagtatagpo ng magpinsan


Ikalawang Pangkat : Pag-chat ng magkaibigan
Ikatlong Pangkat : Pagdalo sa parti
Ikaapatna Pangkat : Pagsali sa paligsahan
Ikalimang Pangkat : Pagbili sa tindahan

RUBRIK SA PAGMAMARKA
PAMAN- NAPAKA- MAHUSAY DI MAY MAG-
TAYAN HUSAY (4) GAANON MALAKIN ENSAYO
(5) G G KAKU- PA
MAHUSAY LANGAN (1)
(3) (2)
Pagtatala- Ang Ang Ang ibang Paulit-ulit at Ang
kay sa paksa pagtatalakay pagtatalakay punto sa walang pagtatalakay
ng paksa ay sa paksa ay pagtatalakay pagkakaisaa na isinagawa
nagtataglay maayos at ng paksa ay ng punto na ay
ng lohikal, organisado. hindi malinaw ginamit sa napakalayos
malinaw at at hindi pagtatalakay. a paksa.
organisado. organisado.

Wastong Nagamit Nagamit Hindi Mali ang Walang


gamit ng nang ang gaanong gamit ng ginamit na
Pangngala wasto ang pangngala nagamit mga pangngala
n pangngala n ngunit ang pangngala n sa
n sa may pangngala n. usapan.
usapan. kulang. n.

10
Kaangku- Sapat, Sapat at Angkop Ang mga Walang
pan ng wasto, wasto ang ang inihandang kaangkupa
ideyang kongkreto ginamit salitang impormasy n ang
ginamit. at naimporma ginamit on ay hindi ideyang
makabuluh syon ngunit sapat. ginamit sa
an ang maliban sa hindi sapat paksa.
mga kaunting ang
impormasy kalituhan. impormasy
on. on.
Wastong Tama ang May May Mali ang Walang
paggamit gamit ng kauntingka pagkakam gamit ng kaalaman
ng gramatika maliansap alisagrama gramatika sa
gramatika at aggamitng tika. at gumamit paggamit
madaling gramatika. ng ng
maintindih impormal gramatika.
an ang na salita.
mga
pangungu-
sap.
KABUO-
ANG
PUNTOS
P. Karagdagang Gawain at/o Pagpapahusay

TakdangAralin
Sumulat ng isang karanasan gamit ang mga pangngalang natutuhan.

V. MGA TALA
VI. PAGNINILAY
H. Bilang ng mag-aaral na nagtamong 80% sa
pagtataya
I. Bilang ng mag-aaral na nangangailangan ng
mga gawaing pagpapahusay(remedial)
J. Nakatulong ba ang pagpapahusay(remedial)?
Bilang ng mag-aaral na naunawaan ang aralin
K. Bilang ng mag-aaral na patuloy na
nangangailangan ng pagpapahusay
(remediation)
L. Alin sa aking pagtuturo ang nagging epektibo?
Bakit?
M. Ano-ano ang aking nagging suliranin na
maaaring malutas sa tulong ng aking
punongguro at superbisor?
11
N. Anong mga inobasyon o lokalisasyon sa mga
kagamitan ang ginamit /natuklasan ko na nais
kong ibahagi sa ibang guro?

12
MASUSING Paaralan Baitang 6
BANGHAY- Guro Asignatura Filipino
ARALIN Petsa at Markahan F6Q1W1D3
Oras

I. LAYUNIN
Naisasagawa ang mapanuring
pagbasasa iba’t ibang uri ng teksto
A.Pamantayang Pangnilalaman
at napalalawak ang talasalitaan
Nakabubuo ng sariling diksyunaryo
ng mga bagong salita mula sa mga
binasa; naisasadula ang mga
B.Pamantayan sa Pagganap
maaaring mangyari sa nabasang
teksto
Naiuugnay ang binasa sa sariling
C. Mga Kasanayang
karanasan
Pampagkatuto/Layunin ( F6PB-Ia-1)

II. PAKSA

Pag-uugnay ng Binasa sa Sariling Karanasan


III. MGA KAGAMITAN
E. Sanggunian:
K12- GabayPangkurikulum p. 118
Yamang Pilipino VI , p. 3-6
Wikang Filipino 6,Batayang
Aklat sa Pagbasa, p.62

F. Iba pang Kagamitang Pampagtuturo :


Larawan, tsart ng mahahalagang konsepto,
power point presentation

IV. PAMAMARAAN
Q. Balik-aral
Balikan ang takdang-aralin tungkol sa pagsulat ng isang karanasan
gamit ang mga pangngalan. Pabigyang-halaga ito at iugnay sa
inaasahang pagganap/awtput batay sa nakatakdang layunin.
R. Pagganyak
Magpakita ng larawan tungkol sa paghahanda sa bagyo.

Ano ang ipinahihiwatig ng larawan?


13
Ano-anong paghahanda ang inyong ginagawa tuwing may
paparating na bagyo?
Bakit kailangang paghandaan ang bagyo o anumang kalamidad?
(Iugnay ito sa akdang babasahin.)
Pangganyak na tanong:
Bakit kaya nagmadali si Mang Juan na ayusin ang kanilang
bahay?

S. Paglalahad ng Aralin

1. Paglinang sa Talasalitaan
Ibigay ang kasingkahulugan ng mga salitang may
salungguhit. Isulat
ang letra ng tamang sagot sa patlang.

a. Pagbili at pagbenta ng produkto c. pahayagan


b. Nakabihis na d. pinagmasdan

______ 1. Buy and sell ang pinagkakakitaan ni Mang Juan.


______2. Tuwing umaga ay kinaugalian na niyang magbasa
ng dyaryo.
______3.Tinunghayan niya ang pahayagang nabili.
______4. Gumayak kaagad si Aling Sepa upang mamalengke.

Pagbibigay ng pamantayan sa pagbasa nang tahimik.


Pagbasa sa akda
Basahin nang tahimik ang maikling kuwento sa ibaba.
Nakagawian na ni Mang Juan na magbasa ng pahayagan pagkagising sa
umaga kasabay ang pag-aalmusal. Buy and sell kasi ang pinagkakakitaan
niya at madalas ay sa mga pahayagan siya nakakakuha ng impormasyon
tungkol sa kung ano ang maaari niyang pagkakakitaan.
Isang umaga, pagkamulat na pagkamulat ng mga mata, kinuha
kaagad ni Mang Juan ang nakitang dyaryo sa isang tabi. Nagulat ito
nang Makita ang puno ng balita na nagbababala sa mga tao na
maghanda at mag-ingat sa pagdating ng isang malakas na bagyo.
Tinunghayan niya ang detalye ng kasunod nito at napag-alamang
darating ang bagyo sa ganap na alas-onse ng tanghali na ng araw
ding iyon.

14
Walang inaksaya ng panahon si Mang Juan. Kumuha kaagad
siya ng martilyo, pako at iba pang kagamitan at nagtungo sa likod
bahay upang tukuran ang bahay nilang gigiray-giray. Alam niyang
kapag dumating ang bagyong sinasabi ay baka matangay ang
kanilang bahay. Kaya’t pukpok dito at pukpok doon ang ginawa niya.
Nakalikha siya ng ingay nasiyang gumising sa kanyang asawang si
Aling Marta.
Nang malaman ng asawa na mayroong higanteng bagyong
darating, dali-dali itong gumayak patungong palengke. Pati ang
dalawang anak nakagigising lang ay kinatulong din ni Mang Juan
sa pagsusuhay ng bahay.
Patungo na sa palengke si Aling Marta nang makasalubong
niya ang isang kapitbahay na pinamalitaan niya tungkol sa malakas
na bagyong darating. Takang-taka ang kapitbahay dahil sa wala
naman itong nabasang ganoong balita sa pahayagan. Kinuha ni Aling
Marta ang pahayagang may balita tungkol sa darating na bagyo at
ipinabasa sa kapitbahay. Malakas natawa ang tinanggap niya mula sa
kapitbahay matapos nitong mabasa ang balita.
“Naku, Mare! E, noong isang taon pa ang balitang ito, a!”
Tiningnan ni Aling Marta ang petsa sa pahayagan at napakamot ng
ulo. Bumalik ito sa bahay upang sabihin kay Mang Juan na nakaraan
na ang bagyong kanilang pinaghahandaan.

T. Pagtalakay sa Aralin

1. Pag-usapan ang binasang kuwento.


2. Pag-ugnayin ang binasa sa sariling karanasan.
Ipasagot ang sumusunod na tanong:

1. Nagkaroon kana ba ng karanasan na katulad kay Mang


Juan?
Paano mo ito maiuugnay sa kuwento?
2. Kung ikaw si Mang Juan, tutularan mo ba ang
paghahandang
kaniyang ginawa? Bakit?
3. Bakit kailangan nating paghandaan ang bagyo?
4. Paano ninyo paghahandaan ang bagyo?

15
U. Paglalahat
Bakit higit nating napahahalagahan ang mga kuwentong ating
nababasa/naririnig na may kaugnayan sa ating karanasan?

V. Paglalapat
Basahin ang maikling salaysay at iugnay ito sa sariling
karanasan. (Ilahad sa klase.)
Araw ng Lunes, maaga akong gumising dahil ayaw na ayaw
kong mahuli sa pagpasok sa klase. Matapos mag-almusal, naligo at
nagbihis agad ako.inayos ang mga gamit, nagpaalam sa magulang
at tuloy lumabas ng gate para mag-abang ng traysikel. Nang
makasakay na at makarating sa may gate ng paaralan, biglang
nagulat ako nang Makitang wala ang aking ID samantalang saklay
ko na yon.Tanging ang strap lamang ng ID ang naiwan.”Paano ako
nito makapapasok?”Magsisimula na ang flag raising,” takot at pag-
aalalang sambit ko. Sa paaralan namin,” No ID no entry.” Buti na
lamang papasok rin ang guro kaibigan ni Mommy at nakilala ako,
tinulungan niya akong kausapin ang guard. Laking pasasalamat ko
sa kanya.

(Maaaring gumamit ang guro ng rubrik sa pagmamarka ng


pasalitang gawain.

W. Pagtataya
Batay sa mga pabulang inyong nabasa, pumili ng isa na may
kaugnayan sa inyong karanasan. Isulat sa kalahating papel ang
kaugnayan nito sa sarili ninyong karanasan.

X. Karagdagang Gawain at/o Pagpapahusay

Takdang Aralin
Sumipi ng maikling salaysay na may kaugnayan sa sariling
karanasan.Isulat ito sa kuwaderno..

V. MGA TALA
VI. PAGNINILAY
O. Bilang ng mag-aaral na nagtamo ng
80% sa pagtataya
P. Bilang ng mag-aaral na na
ngangailangan ng mga gawaing
pagpapahusay(remedial)

16
Q. Nakatulong ba ang
pagpapahusay(remedial)?Bilang ng mag-
aaral nanaunawaan ang aralin
R. Bilang ng mag-aaral na patuloy
nanangangailangan ng pagpapahusay
(remediation)
S. Alin sa aking pagtuturo ang naging
epektibo? Bakit?
T. Ano-ano ang aking naging suliranin na
maaaring malutas sa tulong ng aking
punongguro at superbisor?
U. Anong mga inobasyon o lokalisasyon
sa mga kagamitanang ginamit /natuklasan ko
na nais kong ibahagi sa ibang guro?

17
Paaralan Baitang 6
Guro Asignatura Filipino
MASUSING Petsa at Markahan F6Q1W4D4
BANGHAY- Oras
ARALIN

I. LAYUNIN
A. Pamantayang Napauunlad ang kasanayan sa pagsulat
Pangnilalaman ng iba’t ibang uri ng sulatin
B. Pamantayan sa
Nakasusulat ng rekasyon sa isang isyu
Pagganap
Nasisipi ang isang talata mula sa
C. Mga Kasanayang
Pampagkatuto/Layunin huwaran.(F6PU-Iac.2)

II. PAKSA

Pagsipi ng Isang Talata mula sa Huwaran


III. MGA KAGAMITAN
G. Sanggunian: K to 12- Gabay Pangkurikulum p. 118 Wikang Filipino
6, p.119
Landas sa Pagbasa, p. 28-29
H. Iba pang Kagamitang Pampagtuturo : Powerpoint Presentation,
laptop, projector
IV. PAMAMARAAN
Y. Balik-aral
Balikan ang siniping pabula ng mga mag-aaral na may kaugnayan sa
sariling karanasan.Ipalahad at pabigyang-halaga ang aral nito. Iugnay ito sa
kasalukuyang inaasahang pagganap/awtput nila(mag-aaral) batay sa
layunin.

Z. Pagganyak
Ipabasa at ipasuri ang sumusunod:
1. Si aida ay Batang mabait.
2. masayang usap ang aking Kaibigang si noel,
3. “siya ang Nanalo ng Patimpalak,“Wika ni marie

Tanong:
Tama ba ang pagkasulat ng pangungusap?
Malinaw ba ang diwa ng pangungusap?

18
(Tumawag ng mag-aaral at ipasulat ang wastong pangungusap.)

AA. Paglalahad ng Aralin


Ilahad ang araling kaugnay ng gawain sa pagganyak. (
Maglahad ang guro ng talatang di- maayos na naisulat at ipasuri ang
pagkakabuo nito.).

BB. Pagtalakay sa Aralin

Pag-usapan ang mga dapat tandaan sa pagsulat ng talata.

1.Gawain ng Buong Klase


Ipasulat sa mga mag-aaral ang natapos na talata sa malinis na
papel.

Sipiin nang mabuti ang talata mula sa huwaran.

Tatlo ang pangunahing pinagmumulan ng polusyon sa hangin sa lahat


ng lugar. An pagsunog ng langis o gasolina; ang paggawa o pagyari ng mga
hilaw na ,ateryales; at ang pagmimina ang mga pinagmumulan ng polusyon
sa hangin na karaniwang nasa syudad na kinaroroonan ng sari-saring
industriya at maraming sasakyan. Ang bilang o taya tungkol dito ay maaaring
mababa sapagkat walang makuhang datos sa mga ginagawang pagtatapon
ng solidong dumi, sa pagsunog ng kahuyan at sa lupang sakahan, at sa
paggamit ng kahoy na panggatong, mga gawaing halos bumubuo sa mga
pinagmumulan ng polusyon sa lalawigan.

Tanong:
1. Ano ang paksa ng talata?

2. Bilang mag-aaral, paano ka makakatulong upang mabawasan ang


polusyon sa hangin?

2.Gawain ng Pangkat
Hatiin ang klase sa apat. Bigyan ang bawat grupo ng manila paper at pentel
pen. Ipasipi sa kanila nang wasto ang mga talata. Ipagawa ito sa loob ng
limang minuto.

UNANG PANGKAT :

19
Sa Antipolo, Rizal ang patron ay ang Mahal na Birhen ng Kapayapaan
at Mabuting Paglalakbay ( Nuestra Señora dela Paz y Buenviaje ). Dito ang
pagdiriwang ng pista ay sa buong buwan ng Mayo, bukod pa sa ika-8 ng
Disyembre. Ito’y dinarayo ng maraming taong nais humiling ng biyaya sa
patron ng bayan.
IKALAWANG PANGKAT
Sa bayan ng Bocaue sa Bulacan, ipinagdiriwang taon-taon ang
kapistahan ng patrong San Martin, pati na rin ang higit na masiglang
kapistahan ng Mahal na Krus. Mayroon ditong Pagoda sa Wawa o prusisyon
sa Ilog. Iniikutan ng maraming taong lulan ng maliliit na bangka ang Mahal
na Krus na nasa napakagarang pagoda. Ito’y ipinuprusisyon sa kahabaan ng
Ilog Bocaue hanggang s Wawa, kung saan sinasabng nakuha ng mga
mangingisda ang Mahal na Krus.
IKATLONG PANGKAT
Sa Pakil, Laguna, ang patrona ay ang Mahal na Birhen de los
Dolores. Idinaraos ang kapistahan nito tuwing Oktubre 20 sa pamamagitan
ng Turumba. Masayang-masaya ang mga tao sa prusisyon habang
nagsasayaw at nagsisiawit nang paulit-ulit ng “ Turumba! Turumba!” o “ Sa
Birhen! Sa Birhen!” na kanilang tugon sa dalit na sinambit ng namumuno sa
dasal. Walang tigil na indak at awitan ang kanilang ginagawa bilang parangal,
pasasalamat at pagsamo sa Mahal na Birhen de los Dolores.
IKAAPAT NA PANGKAT
Ang Moriones sa Marinduque ay isang uri ng paggunitang
pagsasadula sa karanasan ni Longhino, ang matapang na paganong kawal
na umulos ng sibat sa tagiliran ng Panginoong Hesukristo na namatay na
nakabayubay sa krus. Tumilamsik ang dugo mula sa tagiliran n Kristo at ito
ang mahimalang nagbigay-liwanag sa mata, isipan at pagkatao ni Longhito,
kaya’t siya ay nagbagong loob. Nagalit ang mga Hudyong kawal sa kaniya;
tinugis siya ng mga ito at pinugutan ng ulo.
 Pag-uulat ng bawat pangkatang gawain

 Tungkol saan ang mga talatang inyong isinulat?


 Bakit kailangan natin itong ipagdiwang?

20
RUBRIK SA PANGKATANG GAWAIN

NAPAKAHUSAY MAHUSAY KATAMTAMAN KAILANGAN


PANG
MAGSANAY
Nasisipi nang Nasisipi nang Marami sa mga Hindi naisulat
buong husay ang maayos ang ilang pangungusap nang wasto ang
talata mula sa pangungusap ang hindi naisulat talata.
huwaran. mula sa huwaran. nang maayos.

Wasto ang mga May kaunting May ilang Mali ang


pagbabaybay, pagkakamali sa pagkakamali sa pagbaybay,
paggamit ng mga pagkakabaybay, pagbaybay, paggamit ng mga
bantas at paggamit ng mga paggamit ng mga bantas at
malaking titik. bantas at bantas at malalaking titik.
malalaking titik. malaking titik.
Napakalinis at Malinis at Hindi gaanong Magulo ang
maayos ang maayos ang malinis ang pagkakasulat.
pagkakasulat ng pagkakasulat. pagkakasulat.
talata.

Natapos ang Natapos ang Natapos ang Hindi natapos


gawain sa gawain subalit gawain subalit ang gawain.
itinakdang oras. lumagpas ng lagpas sa
ilang minuto sa itinakdang oras.
itinakdang oras.

Nakasunod sa May ilang bahagi Hindi gaanong Hindi nakasunod


tiyak na pormat na hindi nasunod. nakasunod sa sa tiyak na
ng pagsulat ng tiyak na pormat pormat.
talata. ng pagsulat.

Lahat ng kasapi Lahat ng kasapi May ibang Hindi


ng pangkat ay ay kasapi na hindi nagtulungan ang
nakipagtulungan nakipagtulungan nakipagtulungan bawat kasapi at
at tahimik na ngunit medyo at magulo hindi natapos sa
natapos ang magulo na habang takdang oras ang
gawain sa tinapos ang gumagawa ng ibinigay na
takdang oras. gawain. ibinigay na gawain.
gawain.
CC. Paglalahat
Paano isinusulat nang maayos ang talata?

21
DD. Paglalapat

Sipiin nang maayos ang sumusunod na talata .


Sa South Dakota, U.S.A., makikita ang apat na mukha na inukit sa
bundok na bahagi ng Black Hills. Ang mukha ay may taas na 60
talampakan at ang mga mata nito ay halos sinlaki ng bola ng basketball.
Kung titingalain mo ang kinalalagyan ng mga mukha, ang mga ito ay tila
buhay na nakatitig sa iyo.Alam mo ba kung kanino ang mga mukhang ito?
Inukit na anyo ito ng apat na dakilang pangulo ng Amerika: sina George
Washington, Thomas Jefferson, Theodore Roosevelt at Abraham
Lincoln.Tinatawag na Mount Rushmore National Memorial ang lugar na ito.

1. Tungkol saan ang talata?

2. Bakit kaya itinayo ang mga mukhang binanggit sa talata?

EE. Pagtataya

Sipiin ang talata mula sa huwarang inilahad ng guro.


May kani-kanyang paraan ang mga magulang sa paghubog at
pagpapalaki ng kanilang mga anak. May mag magulang na mapaglayaw at
sinusunod ang kapritso ng mga anak. May mga maunawain at inuunawa
ang mga problema ng mga anak. Mayroon namang ubod ng higpit
dumisiplina sa mga anak
Tanong:
1. Ano ang pinag-uusapan sa talata?

2. Paano kayo makatutulong upang dumami pa ang iba’t ibang uri ng


hayop sa bansa.

RUBRIK SA PAGMAMARKA
NAPAKAHUSAY MAHUSAY KATAMTAMAN KAILANGAN
PANG
MAGSANAY
Nasisipi nang Nasisipi nang Marami sa mga Hindi naisulat
buong husay ang maayos ang ilang pangungusap ang nang wasto ang
talata mula sa pangungusap hindi naisulat talata.
huwaran. mula sa huwaran. nang maayos.

22
Wasto ang mga May kaunting May ilang Mali ang
pagbabaybay, pagkakamali sa pagkakamali sa pagbaybay,
paggamit ng mga pagkakabaybay, pagbaybay, paggamit ng mga
bantas at paggamit ng mga paggamit ng mga bantas at
malaking titik. bantas at bantas at malalaking titik.
malalaking titik. malaking titik.
Napakalinis at Malinis at maayos Hindi gaanong Magulo ang
maayos ang ang pagkakasulat. malinis ang pagkakasulat.
pagkakasulat ng pagkakasulat.
talata.
Natapos ang Natapos ang Natapos ang Hindi natapos ang
gawain sa gawain subalit gawain subalit gawain.
itinakdang oras. lumagpas ng ilang lagpas sa
minuto sa itinakdang oras.
itinakdang oras.

Nakasunod sa May ilang bahagi Hindi gaanong Hindi nakasunod


tiyak na pormat na hindi nasunod. nakasunod sa sa tiyak na
ng pagsulat ng tiyak na pormat pormat.
talata. ng pagsulat.

FF.Karagdagang Gawain at/o Pagpapahusay

Takdang Aralin
Sumipi ng isang kuwento. Sundin ang mga pamantayan sa
pagsulat.

V. MGA TALA
VI. PAGNINILAY
V. Bilang ng mag-aaral na nagtamo
ng 80% sa pagtataya
W. Bilang ng mag-aaral na
nangangailangan ng mga
gawaing pagpapahusay
(remedial)
X. Nakatulong ba ang
pagpapahusay (remedial)?
Bilang ng mag-aaral na
naunawaan ang aralin
Y. Bilang ng mag-aaral na patuloy
na nangangailangan ng
pagpapahusay (remediation)
Z. Alin sa aking pagtuturo ang nag
ing epektibo? Bakit?
23
AA. Ano-ano ang aking naging
suliranin na maaaring malutas sa
tulong ng aking punongguro Bat
superbisor?
BB. Anong mga inobasyon o
lokalisasyon sa mga kagamitan
ang ginamit /natuklasan ko na
nais kong ibahagi sa ibang guro?

24
MASUSING Paaralan Baitang 6
BANGHAY- Guro Asignatura Filipino
ARALIN Petsa at Oras Markahan F6Q1W1D5

I. LAYUNIN
Naipamamalas ang pagpapahalaga at kasanayan
A.Pamantayang
sa paggamit ng wika sa komunikasyon at pagbasa
Pangnilalaman
ng iba’t ibang uri ng panitikan
Naisasagawa ang pagsali sa mga usapan
B.Pamantayan sa
at talakayan, pagkukuwento, pagtula, pagsulat ng
Pagganap
sariling tula at kuwento
Naipagmamalaki ang sariling wika sa pamamagitan
C. Mga Kasanayang ng paggamit nito.( F6-PL-Oa-j-1)
Pampagkatuto/Layunin

II. PAKSA
Pagmamalaki ng sariling wika sa pamamagitan ng paggamit nito.

III. MGA KAGAMITAN


I. Sanggunian:
K12- Gabay Pangkurikulum p. 118
J. Iba pang KagamitangPampagtuturo :
manila paper, coupon bond, pangkulay,
papel, ballpen, pentel pen, Powerpoint
presentation, laptop, projector

IV. PAMAMARAAN
GG. Balik-aral at/o Panimula
Pahalagahan ang takdang-aralin tungkol sa siniping maikling kuwento.
Ipasalaysay ito sa sariling pananalita sa harap ng klase. Iugnay ang paggamit
ng wika sa pagsasalaysay sa inaasahang pagganap/awtput batay sa layunin.

HH. Pagganyak
Ipakita ang larawan ni Manuel L. Quezon.
Kilala ba ninyo siya? Ano ang kanyang naipamana sa ating mga
Pilipino?

II. PaglalahadngAralin

Paano ninyo maipagmamalaki ang wikang Filipino?

25
Hayaan ang mga mag-aaral na magbahagi ng kanilang ideya tungkol
sa pagmamalaki at pagpapahalaga sa wikang Filipino.

JJ. Pagtalakay sa Aralin

(Pag-usapan ang kahalagahan ng gamit ng wika sa pasulat at pasalitang


mga gawain.)

1. Gawain ng Buong klase

Gumuhit ang isang traffic lights.Sa unang bilog isulat ang inyong mga
ginawa upang maipakita ang pagmamalaki sa wikang Filipino.Sa ikalawang
bilog, isulat ang mga bagay na hindi mo pa nagagawa upang ipakita ang
pagmamalaki sa wikang Filipino.
Sa ikatlong bilog, isulat ang mga bagay na iyong ipagpapatuloy na magpapakita
ng pagmamalakisawikang Filipino.
1. Gawain ng Grupo

Pangkat I- Gumawa ng isang rap tungkol sa pangangalaga ng kapaligiran gamit


ang wikang Filipino.
Pangkat II- Gumawa ng tula tungkol sa Wikang Filipino
Pangkat III- Gumawa ng isang slogan tungkol sa pagpapahalaga sa Wikang
Filipino.
Pangkat IV- Gumawa ng isang hugot lines na magpapakita ng pagmamalaki sa
wikang Filipino.

26
RUBRIK SA PAGMAMARKARUBRIK SA PAGMAMARKA
PAMAN- NAPAKA- MAHUSAY DI MAY MAG-
TAYAN HUSAY (4) GAANONG MALAKIN ENSAYO
(5) MAHUSAY G KAKU- PA
(3) LANGAN (1)
(2)
Pagtatala-Ang Angpagtat Angibangpu Paulit-ulit Angpagtatal
kay sa pagtatalak alakaysapa ntosapagtata at akaynaisina
paksa ay ng ksa ay lakayngpaks walangpa gawa ay
paksa ay maayos at a ay gkakaisaa napakalayo
nagtatagla organisado hindimalinaw ngpunton sapaksa.
y ng . at aginamits
lohikal, hindiorganis apagtatala
malinaw at ado. kay.
organisado
Wastongga Nagamit Nagamit Hindi Mali ang Walang
mit ng nang ang gaanong gamit ng ginamit na
Pangngala wasto ang pangngala nagamit mga pangngalan
n pangngala n ngunit ang pangngala sa usapan.
n sa may pangngalan. n.
usapan. kulang.
Kaangku- Sapat, Sapat at Angkop ang Ang mga Walang
pan ng wasto, wasto ang salitang inihandang kaangkupan
ideya ng kongkreto at ginamit na ginamit ngunit impormasy ang ideya ng
ginamit. makabuluha impormasyo hindi sapat on ay hindi ginamitsapak
n ang mga n maliban ang sapat. sa.
impormasyo sa kaunting impormasyon.
n. kalituhan.
Wastongpa Tama ang May May Mali ang Walang
ggamitng gamit ng kaunting pagkakamali gamit ng kaalamansa
gramatika gramatika kamalian sa gramatika paggamitng
at sa gramatika. at gramatika.
madaling paggamit gumamit
maintindih ng ng
an ang gramatika. impormal
mga na salita.
pangungus
ap.
KABUUANG
PUNTOS

27
KK. Paglalahat
Paano maipapakita ang pagmamalaki sa wikang Filipino?

LL. Paglalapat
Sumulat ng isang panata kung paano mo maipagmamalaki ang wikang
Filipino

MM. Pagtataya
Ang inihandang panata sa bahaging paglalapat ay magsisilbing batayan
ng pagtataya.
(Maaaring gumamit ang guro ng rubric sa pagmamarka.)
NN. Karagdagang Gawain at/o Pagpapahusay
Sumulat ng isang talata tungkol sa kasalukuyang pangyayari/Gawain
sainyong paaralan. Isulat ito sa Inyong kuwaderno.
V. MGA TALA
VI. PAGNINILAY
CC. Bilang ng mag-aaral na nagtamong 80% sa
pagtataya
DD. Bilang ng mag-aaral na nangangailangan
ng mga gawaing pagpapahusay(remedial)
EE.Nakatulong ba ang pagpapahusay(remedial)?
Bilang ng mag-aaral na naunawaan ang aralin
FF. Bilang ng mag-aaral na patuloy
nanangangailangan ng pagpapahusay
(remediation)
GG. Alin sa aking pagtuturo ang nagging
epektibo? Bakit?
HH. Ano-ano ang aking nagging suliranin na
maaaring malutas sa tulong ng aking punongguro
at superbisor?
II. Anong mga inobasyon o lokalisasyon sa mga
kagamitan ang ginamit /natuklasan ko na nais kong
ibahagi sa ibang guro?

28
MASUSING Paaralan Baitang 6
BANGHAY- Guro Asignatura Filipino
ARALIN Petsa at Markahan F6Q1W2D1
Oras

I. LAYUNIN
A. Pamantayang Naipamamalas ang kakayahan sa mapanuring
Pangnilalaman pakikinig at pag-unawa sa napakinggan
Nasasaulo ang isang tula/awit na napakinggan
B. Pamantayan sa
at naisasadula ang isang isyu o paksa mula sa
Pagganap
tekstong napakinggan
C. Mga Kasanayang Nasasagot ang mga tanong tungkol sa
napakinggang kuwento (F6PN-Ia-g-3.1)
Pampagkatuto/Layunin
II. PAKSA

Pagsagot sa mga Tanong Tungkol sa Napakinggang Kuwento

III. MGA KAGAMITAN


K. Sanggunian:
K to12-Gabay Pangkurikulum p 119
Wikang Filipino 6, Batayang Aklat sa Pagbasa, p. 121-
123
L. Iba pang Kagamitang Pampagtuturo:
Recorder, laptop, projector

IV. PAMAMARAAN
OO. Balik-aral
Ilahad sa klase ang naisulat na takdang-aralin tungkol sa mga
pangyayaring naganap sa inyong paaralan. Magkaroon ng pahapyaw na
talakayan sa inilahad at iugnay ito sa inaasahang pagganap/awtput ng mga
mag-aaral sa pagtalakay ng aralin.

PP. Pagganyak

Magpakita ng larawan ng pagtanggap ng isang gantimpala. (Ipasuri


ang nasa larawan)
Kailan ba tayo nakakukuha ng gantimpala?
(Iugnay ito sa babasahin akda.)

29
Pangganyak na tanong:
Bakit kaya magkaiba ang gantimpalang natanggap ng magkapatid?

QQ. Paglalahad ng Aralin

A. Paglinang ng talasalitaan
Basahin ang sumusunod na pangungusap. Ibigay ang wastong
kasingkahulugan ng mga salitang may salungguhit.

1. Yumao ang kaniyang lolo kahapon dahil sa sakit nito sa bato.


2. Mabilis na inalalayan ni Lorna ang matandang tatawid sa kalsada.
3. Kaibig-ibig ang maamong mukha ng dalaga.
4. Nanggilalas sila nang makita ang bagong dating na bisita.
5. Mistulang katulong ang turing nila sa kanilang ina.

A. Pagbibigay ng pamantayan sa pakikinig ng kuwento.


B. Iparinig sa mga mag-aaral ang kuwento tungkol sa “Ang Gantimpala”
(Maaaring nakarekord ang kuwento.)

RR. Pagtalakay sa Aralin


Talakayin ang pinakinggang kuwentong “Ang Gantimpala” sa
pamamagitan ng pagsagot sa mga tanong.

1. Sino- sino ang mga tauhan sa kuwento? Ilarawan ang bawat isa.
2. Anong gantimpala ang nakuha ni Marie?
3. Bakit siya binigyan ng gantimpala?
4. Sa inyong palagay karapat -dapat ba si Fanchon sa kanyang sinapit?
Bakit?
5. Sino ang nais ninyong tularan sa magkapatid? Bakit?

SS. Paglalahat
Bakit mahalagang makinig sa mga kuwento?

TT.Paglalapat

Pangkatang Gawain
Pakinggan ang kuwentong “ Bidasari.” Pagkatapos hatiin ang klase
sa apat na pangkat at ipasagot ang mga tanong.

30
Pangkat I
1. Sino ang pangunahing tauhan sa kuwento?
2. Ano ang nangyari sa kanya nang siya ay sanggol pa lamang?
3. Bakit siya pinahirapan ng sultana?
4. Paano siya nakalaya sa kalupitan ng sultana?
5. Isadula ang bahaging ito.
PANGKAT II
1. Sino- sino ang mga tauhan sa kuwento? Ilarawan ang bawat isa.
2. Ano ang kaugnayan ng gintong isda sa buhay ni Bidasari?
3. Bakit naiwan ng sultana ng Kembayat ang kanyang sanggol?
4. Paano nagkakilala sina Bidasari at ang tunay niyang ama at
ina?
5. Isadula ang bahaging ito.
PANGKAT III
1. Sino ang tunay na magulang ni Bidasari?
2. Bakit hiniwalayan ng sultan si Lila Sari?
3. Paano napunta sa kamay ng sultana ang gintong isda?
4. Tama ba ang ginawa ni Lila Sari kay Bidasari? Bakit?
5. Isadula ang bahaging ito.
PANGKAT IV
1. Sino sa mga tauhan ang inyong nagustuhan? Bakit?
2. Ano ang ibinigay ni Bidasari sa sultana bilang kapalit ng
kanyang kalayaan?
3. Paano pinalaki ng mga kinikilalang mga magulang si Bidasari?
4. Kung ikaw si Sultan Mongindra, ano ang gagawin mo kay Lila
Sari?
(Maaaring gumamit ang guro ng rubrik sa pagmamarka ng
pangkatang gawain.)

UU. Pagtataya
Pakinggan ang kuwentong “Naiiba ang Kuya Ko”( mula sa Wikang
Filipino 6,Batayang aklat sa Pagbasa) at sagutin ang sumusunod na
tanong.
(Maaaring baguhin/palitan ang kuwento.) Isulat sa kalahating papel
ang sagot.
1. Sino ang may kapansanan?
2. Ano ang ginagawa ng magulang ni Dennis para gumaling siya?
3. Bakit ipinalagay ni Dennis na isa siyang parusa sa pamilya?
4. Paano pinalakas ni Bong ang kalooban ng kaniyang kuya?
5. Ikaw, paano mo ipinakikita ang pagmamahal mo sa iyong kapatid?

31
VV. Karagdagang Gawain at/o Pagpapahusay
Sumipi ng isang resipe tungkol sa pagluluto ng puto, hinagom, ibos, o
iba pang kakanin.

V. MGA TALA
VI. PAGNINILAY
JJ. Bilang ng mag-aaral na
nagtamo ng 80% sa
pagtataya
KK. Bilang ng mag-aaral na
nangangailangan ng mga
gawaing pagpapahusay
(remedial)
LL. Nakatulong ba ang
pagpapahusay (remedial)?
Bilang ng mag-aaral na
naunawaan ang aralin.
MM. Bilang ng mag-aaral na
patuloy na nangangailangan
ng pagpapahusay
(remediation)
NN. Alin sa aking pagtuturo ang
naging epektibo? Bakit?
OO. Ano-ano ang aking naging
suliranin na maaaring
malutas sa tulong ng aking
punongguro at superbisor?
PP. Anong mga inobasyon o
lokalisasyon sa mga
kagamitan ang ginamit
/natuklasan ko na nais kong
ibahagi sa ibang guro?

32
MASUSING Paaralan Baitang 6
BANGHAY- Guro Asignatura Filipino
ARALIN Petsa at Markahan F6Q1W2D2
Oras

I. LAYUNIN
Naipamamalas ang kakayahan at tatas sa
A. Pamantayang pagsasalita at pagpapahayag ng
Pangnilalaman sariling ideya, kaisipan, karanasan at
damdamin
B. Pamantayan sa Pagganap Nakasasali sa isang usapan tungkol sa isyu
Nakapagbibigay ng panuto na may higit sa
C. MgaKasanayang
Pampagkatuto/Layunin limang hakbang (F6PS-Ib-8 )

II. PAKSA

Pagbibigay ng Panuto na may Higit sa Limang Hakbang

III. MGA KAGAMITAN


M. Sanggunian:
K12-Gabay Pangkurikulum, p. 119 Wikang Filipino 6
N. Iba pang Kagamitang Pampagtuturo:
Manila paper, Pentel pen, larawan

IV. PAMAMARAAN
WW. Balik-aral at/o Panimula

Ipalahad sa klase ang nasiping resipe tungkol sa pagluluto ng isang uri ng


kakanin. Magkaroon ng maikling pagbigay-halaga dito at iugnay ito sa inaasahang
pagganap/awtput batay sa layunin.

XX. Pagganyak
Tanong:
Ano ang alam ninyong gawing laruang yari sa papel?
(Hayaan ang mga mag-aaral na magbahagi ng kanilang mga ideya.)
(Iugnay ito sa araling tatalakayin.)

YY. Paglalahad ng Aralin


Ipabasa ang sumusunod na panuto sa pagkuha ng pagsusulit.
1. Ihanda ang inyong lapis, ballpen, at papel.
2. Umupo nang maayos.

33
3. Makinig sa sasabihin ng guro.
4. Basahin at unawaing mabuti ang panuto.
5. Sagutin nang tahimik ang pagsusulit.
6. Kung may hindi naintindihang tanong, tanungin ang guro.
7. Rebisahin ang mga naging kasagutan.
8. Ipasa ang sagutang papel sa takdang oras.
(Pag-usapan at talakayin ang panuto.)

ZZ.Pagtalakay sa Aralin
Ipaliwanag at talakayin ang pagbuo ng mga hakbang sa paggawa ng isang
bagay/pangyayari.

1. Gawain ng Buong Klase


Pakuhanin ang mga batang malinis na papel.Habang gumagawa ng
bangk,ang papel bubuo/magbibigay sila ng panuto sa paggawa nito. Hayaan ang
mga bata na ipakita ang kanilang mga nagawa.

Nasunod ba ninyo ang panutong ibinigay ninyo? Bakit?


Ano ang dapat gawin upang masunod nang wasto ang panutong ibinigay?

2. Pangkatang Gawain

Bawat pangkat ay gagawa ng panuto na may limang hakbang tungkol sa paggawa


ng isang laruang yari sa papel. Ilahad sa klase ang mga panutong inihanda.

RUBRIK SA PAGMAMARKA

PAMANTAYAN NAPAKA- MAHUSAY KATAM- NANGANGA-


HUSAY TAMAN ILANGAN PA
4 3 2 NG
KASANAYAN
1

Nilalaman Napakahusay Mahusay ang May Maligoy at


ng pagkakabuo kahusayan nakakalito
pagkakabuo ng mga ang ang mga
ng panuto. panuto. pagkakabu- panuto.
o ng
panuto.

34
Organisasyon May mahusay May Hindi Malabo ang
na organisasyon gaanong organisas-
organisasyon . malinaw yon kung
at pokus ng Ang mayroon
paksa. organisas- man.
yon.
Paglalahad Angkop ang Karamihan Hindi Hindi
mga salita at sa mga salita gaanong gumagamit
pangungusap at Angkop ng tiyak na
sa paksa at pangungusap Ang salitang
mambabasa. ay angkop sa mga angkop sa
paksa at salita at mga
mambabasa. pangungu- pangungu-
sap sa sap, paksa
paksa at at
mambaba- mambabasa
sa.
Pagtatalakay Masusi ang May ilang Hindi Hindi
pagtatalakay tiyak na gaanong natalakay
sa mga pagtatalakay natalakay nang
hakbang ng ng mga ang mga maayos ang
gawain. hakbang ng hakbang ng mga
gawain. gawain. hakbang.

AAA. Paglalahat
Ano ang mga dapat tandaan sa pagbibigay ng mga hakbang ng isang gawain?

BBB. Paglalapat

Dyads
Maghanda ng panuto na may limang hakbang na nais ipagawa sa kamag-aral.
Pagkatapos ng inilaang oras ay makipagpalitan sa ibang magkapares upang
isagawa ang panuto.

35
CCC. Pagtataya

Magbigay ng panuto o mga hakbang sa paggamit ng inyong silid-aklatan o


sa pagbili sa kantina.

RUBRIK SA PAGMAMARKA
PAMANTAYAN PUNTOS

1. Malinaw ang pagkakabuo ng panuto. 7

2. Gumamit ng mga simpleng salita sa pagbibigay 5


ng panuto.
3. Wastong mekaniks sa pagsulat. 5

4. May wastong pagkakasunod-sunod 3

DDD. Karagdagang Gawain at/o Pagpapahusay

Takdang Aralin
Maghanda ng panuto kung paano makapupunta sa inyong bahay mula sa
inyong paaralan. Isulat ito sa kuwaderno.

V. MGA TALA
VI. PAGNINILAY
QQ. Bilang ng mag-aaral na nagtamong 80% sa
pagtataya
RR. Bilang ng mag-aaral na nangangailangan ng
mga gawaing pagpapahusay(remedial)
SS. Nakatulong ba ang pagpapahusay(remedial)?
Bilang ng mag-aaral nanaunawaan ang aralin
TT.Bilang ng mag-aaral na patuloy na nangangailangan
ng pagpapahusay (remediation)
UU. Alin sa aking pagtuturo ang naging epektibo?
Bakit?
VV. Ano-ano ang aking nagging suliranin na
maaaring malutas sa tulong ng aking punongguro at
superbisor?
WW. Anong mga inobasyon o lokalisasyon sa mga
kagamitan ang ginamit /natuklasan ko na nais kong
ibahagi sa ibang guro?

36
MASUSING Paaralan Baitang 6
BANGHAY- Guro Asignatura Filipino
Petsa at Oras Markahan F6Q1W2D3
ARALIN

I. LAYUNIN
Naipamamalas ang kakayahan at
A. Pamantayang tatas sa pagsasalita at pagpapahayag
Pangnilalaman ng sariling ideya, kaisipan, karanasan
at damdamin
Nakasasali sa isang usapan tungkol
B. Pamantayan sa Pagganap
sa isyu
Nagagamit nang wasto ang mga
C. Mga Kasanayang pangngalan sa pakikipag-usap sa iba’t
Pampagkatuto/Layunin ibang sitwasyon (F6PN-Ia-d-2 )

II. PAKSA

Paggamit ng Wastong Pangngalan sa Pakikipag-usap sa Iba’t Ibang


Sitwasyon

III. MGA KAGAMITAN


O. Sanggunian: K to 12-Gabay Pangkurikulum, p.119
Yamang Filipino VI
Landas sa Wika 6, p. 59-60

P. Iba pang Kagamitang Pampagtuturo: Larawan, tsart ng


mahahalagang
konsepto, laptop, projector

IV. PAMAMARAAN
EEE. Balik-aral at/o Panimula

Balikan ang takdang-aralin tungkol sa binuong panuto kung paano


makapupunta sa kanilang bahay mula sa paaralan. Ipasulat ito sa pisara.
Iugnay ang mga pangungusap sa pisara sa inaasahang pagganap/awtput ng
mag-aaral batay sa nakatakdang layunin.

37
FFF. Pagganyak
Tanong:
Ano-ano ang makukuha natin sa ating karagatan?
Ano ang maaaring mangyari kung mapabayaan natin ang ating
karagatan?
(Iugnay ito sa babasahing anunsiyo o patalastas.)

GGG. Paglalahad ng Aralin

Ipabasa ang isang anunsyo o patalastas sa pamayanan o


paaralan.

Mag-ingat sa pagkain ng tahong. May babala na naman tungkol sa red


tide na ipinatutupad sa mga baybayin ng Manila Bay, Cavite at Bataan.
Lahat ng mamamayan ay pinagbabawalang bumuli at kumain ng tahong,
talaba at iba pang lamang- dagat na hinuhuli sa mga baybaying ito.

Ipinababatid sa lahat ng mag-aaral sa ika anim na baitang na ang


timpalak-awitan ay gaganapin sa susunod na Lunes sa awditoryum ng
paaralan. May awdisyon para sa mga sasali sa Huwebes sa silid bilang
201.

HHH. Pagtalakay sa Aralin


Tungkol saan ang mga patalastas na inyong binasa?

Ipabasa ang sumusunod:


Tahong baybayin lamang-dagat
Talaba mamamayan timpalak-awitan
Baitang mag-aaral silid-aralan
Tanong:
1. Ano-ano ang napansin mo sa pagkakabuo ng mga salita?
2. Ano ang tawag sa mga salitang ito?
3. Ano ang anyo ng mga pangngalan sa unang hanay? Sa
ikalawang hanay? Sa ikatlong hanay?
(Ilahad at talakayin ang kayarian o kaanyuan ng Pangngalan.)

1. Payak - ito ay binubuo ng salitang-ugat lamang. Hindi ito ginagamitan


ng panlapi.
Hal. Bata sakit buhay

38
2. Maylapi- ito ay binubuo ng salitang-ugat at panlapi na maaaring
matagpuan sa unahan, gitna, o hulihan.
Hal. Dalagita katandaan kalooban

3. Inuulit- ito ay binubuo sa pamamagitan ng pag-uulit ng unang


dalawang pantig ng salitang-ugat o ng buong salitang-ugat na
maaaring mayroon o walang dagdag na panlapi.
Hal. Bahay-bahayan sabi-sabi bali-balita

4. Tambalan- ang pangngalang binubuo ng pagsasama ng dalawang


magkaibang salita.

Dalawang Uri ngTambalan


a. Tambalang Ganap- kapag pinagsama ang dalawang salita at nagbago
ang kahulugan ng bagong salita.
Hal. Kisap-mata bato-balani anak-pawis
b. Tambalang di-ganap – hindi nabago ang kahulugan ng salitang
pinagsama.
Hal. Bahay-ampunan silid-aralan punong-guro

Gawain 1:
Gamitin sa usapan ang sumusunod na pangngalan.
(Ipatukoy ang uri nito.)
(Sitwasyon: pamamasyal, araw ng pasukan, paggawa ng proyekto,
at
iba pa.)

1. halamanan
2. baybayin
3. barong-tagalog
4. bali-balita
5. Sabado
6. basura
7. silid-aralan
8. guro
9. matanda
10. mag-aaral

39
III. Paglalahat
Ano ang kahalagahan ng mga pangngalan sa pakikipag-usap?

JJJ. Paglalapat
Gamitin ang mga uri ng pangngalang natutuhan sa pakikipag-usap sa
kaklase.
Dyad: Sitwasyon: paboritong artista/basketbolista, hinahangaang
kaklase/guro, kaibigan sa FB, at iba pa.
(Maaaring gumamit ang guro ng rubric sa pagmamarka ng gawain.)

KKK. Pagtataya
Ang gawain sa paglalapat ay magsisilbing batayan ng pagmamarka
sa pagtataya.

LLL. Karagdagang Gawain at/o Pagpapahusay

Sumipi ng isang maikling kuwento. Salungguhitan ang mga


pangngalan.

V. MGA TALA
VI. PAGNINILAY
XX. Bilang ng mag-aaral na nagtamong
80% sa pagtataya
YY. Bilang ng mag-aaral na
nangangailangan ng mga gawaing
pagpapahusay(remedial)
ZZ.Nakatulong ba ang pagpapahusay(remedial)?
Bilang ng mag-aaral na naunawaan ang aralin
AAA. Bilang ng mag-aaral na patuloy
nanangangailangan ng pagpapahusay
(remediation)
BBB. Alin sa aking pagtuturo ang nagging
epektibo? Bakit?
CCC. Ano-ano ang aking nagging suliranin
na maaaring malutas sa tulong ng aking
punongguro at superbisor?
DDD. Anong mga inobasyon o lokalisasyon
sa mga kagamitan ang ginamit /natuklasan ko
na nais kong ibahagi sa ibang guro?

40
MASUSING Paaralan Baitang 6
BANGHAY- Guro Asignatura Filipino
Petsa at Markahan F6Q1W2D4
ARALIN Oras

I. LAYUNIN
Naisasagawa ang mapanuring pagbasa
A. Pamantayang Pangnilalaman sa iba’t ibang uri ng teksto at napalalawak
ang talasalitaan
Nakabubuo ng sariling diksyunaryo ng
mga bagong salita mula sa mga binasa;
B. Pamantayan sa Pagganap
naisasadula ang mga maaaring mangyari
sa nabasang teksto
Napagsunod-sunod ang mga pangyayari
C. Mga Kasanayang sa kuwento sa tulong ng nakalarawang
Pampagkatuto/Layunin balangkas ( F6PB-Ib-5.4)

II. PAKSA
Pagsunod-sunod sa mga Pangyayari sa Kuwento sa tulong ng
nakalarawang balangkas.

III. MGA KAGAMITAN


Q. Sanggunian:
K to 12-Gabay Pangkurikulom,
Yamang Filipino VI p. 21-23

R. Iba pang Kagamitang Pampagtuturo: laptop, projector, Manila paper,


pentel pen

IV. PAMAMARAAN
MMM. Balik-aral at/o Panimula
Iwasto ang naging takdang-aralin tungkol sa ginamit na pangngalan sa maikling
kuwento. Sabihin at iugnay ng guro ang inaasahang pagganap/awtput ng mag-aaral
tungkol sa pagsunod-sunod ng mga pangyayari sa kuwento.

41
NNN. Pagganyak
Ipabasa ang isang kasabihan:
“Matibay ang walis kung ito’y nakabigkis.”

Ano ang pagkaunawa ninyo sa kasabihang ito? (Hayaang


magpaliwanag ang mag-aaral.)
(Iugnay ito sa babasahing kuwento tungkol sa “Ang Kuwento ni Lolo
Juan.)

Tanong: Paano kaya napabago ni Lolo Juan ang pag-uugali ng kaniyang mga
apo?

OOO. Paglalahad ng Aralin

Paglinang ng Talasalitaan
Panuto: Pagtambalin ang Hanay A at Hanay B.

A. B.
1. Poultry farm a. pampitpit/pampino
2. Tumana b. tipak
3. Pandulos c. manokan
4. Tingkal d. tagalinis
5. Hardinero e. taniman

Pagbibigay ng pamantayan sa pagbasa nang tahimik.


Ipabasa ang kuwentong “Ang Kuwento ni Lolo Juan”.

PPP. Pagtalakay sa Aralin

Pag-usapan ang tekstong binasa.


Punan ang story frame ng tamang pagkasunod-sunod ng mga pangyayari
mula sa kuwentong nabasa.

UNANG PANGA- WAKAS


SULIRANIN
NANGYARI LAWANG
SA PANGYA-
KUWENTO YARI

42
Mga gabay na tanong:
1. Ilarawan si Lolo Juan.
2. Ano ang ugali ng kaniyang mga apo?
3. Bakit hindi nagkakasundo ang kaniyang mga apo?
4. Paano nagkasundo ang mga apo ni Lolo Juan?
(Magbigay ng input ang guro tungkol sa mga bahaging story frame/ sa
pagsunod-sunod ng mga pangyayari sa kuwento.)

QQQ. Paglalahat

Ano ang mga dapat tandaan upang mapagsunod-sunod ang mga pangyayari sa
kuwento?

RRR. Paglalapat

Basahin ang isang maikling kuwento tungkol kay Nestor. Sagutin ang mga
tanong sa ibinigay na balangkas upang maipakita ang pagkasunod-sunod ng mga
pangyayari sa binasa. (Maaaring palitan/baguhin ng guro ang kuwento.)

Ano ang unang Ano ang


nangyari sa sumunod na
kuwento? nangyari?

Ano ang naging Ano ang suliranin?


katapusan ng
kuwento?

43
RUBRIK SA PAGMAMARKA
5 3 1

Buong linaw at tumpak Hindi gaanong malinaw Hindi malinaw at tumpak


ang pagkasunod-sunod at tumpak ang ang pagkasunod-sunod
ng mga pangyayari. pagkasunod-sunod ng ng mga pangyayari.
mga pangyayari.
Magkakaugnay ang mga Hindi masyadong Hindi magkakaugnay
pangungusap na ginamit magkakaugnay ang mga ang mga pangungusap
at malinis ang pangungusap na ginamit na ginamit at hindi
pagkakasulat. at ang pagkakasulat ay malinis ang
hindi gaanong malinis. pagkakasulat.

Wasto ang May kaunting mali sa Mali ang pagkakabaybay


pagkakabaybay ng mga pagbabaybay ng mga ng mga salita, gamit ng
salita, gamit ng salita, gamit ng gramatika at mga
gramatika at mga gramatika at mga bantas.
bantas. bantas.

SSS. Pagtataya

Basahin ang kuwento tungkol sa “Ang Alamat ng Makahiya”. Pagsunod-


sunurin ang mga pangyayari.Batay sa balangkas sa ibaba.(Maaaring palitan ito ng
guro ng iba pang alamat.)

UNANG SULIRANIN WAKAS


PANGA-
NANGYARI LAWANG
SA
PANGYA-
KUWENTO
YARI

TTT. Karagdagang Gawain at/o Pagpapahusay

Magdala ng diksyunaryong Filipino.

44
V. MGA TALA
VI. PAGNINILAY
EEE. Bilang ng mag-aaral na
nagtamong 80% sa pagtataya
FFF. Bilang ng mag-aaral na
nangangailangan ng mga gawaing
pagpapahusay(remedial)
GGG. Nakatulong ba ang
pagpapahusay(remedial)?
Bilang ng mag-aaral na
naunawaan ang aralin
HHH. Bilang ng mag-aaral na
patuloy na nangangailangan ng
pagpapahusay (remediation)
III. Alin sa aking pagtuturo ang
nagging epektibo? Bakit?
JJJ. Ano-ano ang aking nagging
suliranin na maaaring malutas sa
tulong ng aking punongguro at
superbisor?
KKK. Anong mga inobasyon o
lokalisasyon sa mga kagamitan
ang ginamit /natuklasan ko na nais
kong ibahagi sa ibang guro?

45
MASUSING Paaralan Baitang 6
BANGHAY- Guro Asignatura Filipino
Petsa at Oras Markahan F6Q1W2D5
ARALIN

I. LAYUNIN
Naipamamalas ang iba’t ibang kasanayan
A. PamantayangPangnilalaman
upang maunawaan ang iba’t ibang teksto
Nagagamit ang nakalimbag at di
B. PamantayansaPagganap nakalimbag na mga kagamitan sa
pagsasaliksik
Nagagamit ang pangkalahatang
C. MgaKasanayang
Pampagkatuto/Layunin sanggunian ( F6PB-Ib-5.4)

II. PAKSA

Paggamit ng Pangkalahatang Sanggunian


(Paggamit ng Diksyunaryo)

III. MGA KAGAMITAN


S. Sanggunian: K12-Gabay Pangkurikulum p. 119
Yamang Filipino VI, p. 9-10
T. Iba pang Kagamitang Pampagtuturo : diksyunaryo, manila paper,
pentel pen, laptop, projector
IV. PAMAMARAAN
UUU. Balik-aral at/o Panimula
Ngayong araw, matututuhan ninyo ang wastong paggamit ng diksyunaryo bilang
sanggunian kaya ilabas ang inyong dalang diksyunaryo. Dito sa paaralan, saan
madalas matagpuan ito?

VVV. Pagganyak

Ipakita ang larawan ng isang silid-aklatan.

Hayaang magbahagi ang mag-aaral ng karanasan tungkol sa paggamit ng


silid-aklatan.

46
WWW. Paglalahad ng Aralin

Ano-anong sanggunian sa silid-aklatan ang maaari mong mapagkunan ng


mga sumusunod:
 Kahulugan, wastong bigkas, at pagdadaglat ng bagong salita?
 Kasingkahulugan ng mga salita?

Ilahad ang sumusunod:


PANGKALAHATANG SANGGUNIAN
1. Diksyunaryo – aklat na naglalaman ng mga piling salitang may isang
wika na nakaayos nang paalpabeto at may kaukulang paliwanag o
kahulugan, talatinigan.
2. Ensayklopedya - aklat o kalipunan ng mga aklat na nagbibigay ng
kaalaman sa lahat ng sangay ng karunungan, kung saan ang mga
lathalain ay iniayos nang paalpabeto.
3. Atlas – Kalipunan ng mga mapang nasaayos sa isang aklat.
(Belvez Paz M. Landas sa Pagbasa p. 78-79)

XXX. Pagtalakay sa Aralin

Maliban sa kahulugan/depinisyon ng salita, ano pa ang kaalamang ibinibigay sa


atin ng diksyunaryo?

Gawain 1:
Kunin ang dalang diksyunaryo, hanapin ang kahulugan ng sumusunod:
1..matatas
2. hapay
3. ligalig
4. panggigipuspos
5. pangimbulo

Gawain 2
Hatiin sa tatlong pangkat ang klase. Ipagawa ang sumusunod:

PANGKAT 1- Ibigay ang kahulugan ng mga salita gamit ang diksyunaryo.

PANGKAT 2- Itala kung anong bahagi ng pananalita ang mga salitang binigyan
ng kahulugan.

47
PANGKAT 3 – Kopyahin sa diksyunaryo ang pangungusap na ginamitan ng
iba-ibang kahulugan ng salita.

YYY. Paglalahat
Bakit mahalagang matutuhan ang wastong paggamit ng diksyunaryo?

ZZZ. Paglalapat

Basahin ang talata. Hanapin sa diksyunaryo ang kahulugan, bahagi ng


pananalita at gamit sa pangungusap ng mga salitang may salungguhit.

Ang buhay ay isang tanghalan at tayo ang mga artista rito. Bawat isa sa atin
ay may papel na dapat gampanan. Ito ay hindi natin maaaring tanggihan o takasan.
Madalas na may minimithi tayong bagay o gawain ngunit balintuna ang nangyayari
o nakakamtan natin. Kung minsan, naduduwag tayong humarap sa mga pagsubok
na bigay ng Maykapal, subalit dapat tayong magkaroon ng lakas ng loob at
magtiwala sa sariling kakayahan. Harapin ang problema at huwag itong talikuran.
Magsumikap ka at ikaw ay magtatagumpay.

SALITA KAHULUGAN BAHAGI NG GAMIT NG SALITA SA


PANANALITA PANGUNGUSAP

1. tanghalan
2. gampanan
3. minimithi
4. balintuna
5. pagsubok
AAAA. Pagtataya
Hanapin sa diksyunaryo ang kahulugan, bahagi ng pananalita at gamit sa
pangungusap ng mga sumusunod na salita.

1.pagdarahop=_______________,_____________,_____________________
2.panibugho= _______________,_____________,______________________
3.pagdalamhati=_____________,_____________,______________________
4.maalab=__________________._____________,______________________
5.masigasig=_______________,_____________,_______________________

BBBB. Karagdagang Gawain at/o Pagpapahusay

48
Ano ang tinatawag na alamat? Isulat sa kuwaderno ang alamat na nabasa.

V. MGA TALA
VI. PAGNINILAY
LLL. Bilang ng mag-aaral na nagtamong 80% sa
pagtataya
MMM. Bilang ng mag-aaral na nangangailangan ng
mga gawaing pagpapahusay(remedial)
NNN. Nakatulong ba ang
pagpapahusay(remedial)?
Bilang ng mag-aaral na naunawaan ang aralin
OOO. Bilang ng mag-aaral na patuloy na
nangangailangan ng pagpapahusay (remediation)
PPP. Alin sa aking pagtuturo ang naging
epektibo? Bakit?
QQQ. Ano-ano ang aking naging suliranin
namaaaring malutas sa tulong ng aking
punongguro at superbisor?
RRR. Anong mga inobasyon o lokalisasyon sa
mga kagamitan ang ginamit /natuklasan ko na nais
kong ibahagi sa ibang guro?

49
MASUSING Paaralan Baitang 6
BANGHAY- Guro Asignatura Filipino
ARALIN Petsa at Markahan F6Q1W3D1
Oras

I. LAYUNIN
A. Pamantayang Naipamamalas ang kakayahan sa mapanuring
Pangnilalaman pakikinig at pag-unawa sa napakinggan
B. Pamantayan sa Naisasagawa ang pagsali sa mga usapan at
Pagganap talakayan
C. Mga Kasanayang Nabibigyang kahulugan ang kilos ng mga tauhan
Pampagkatuto sa napakinggang pabula (F6PN – IC – 19)
II. PAKSA

Pagbigay-kahulugan sa Kilos ng mga Tauhan sa Napakinggang Pabula


III. MGA KAGAMITAN
U. Sanggunian: Landas sa Pagbasa p. 80-86The Philippine Journal of
Education Vol. LXX, NO. 10, March 1992, p. 448
The Modern Teacher Vol. XLII, NO. 6 p.260
V. Iba pang kagamitang pampagtuturo:Meta Cards/Plaskard, PowerPoint
IV. PAMAMARAAN
CCCC. Balik-aral at/o Panimula
Makinig at makilahok upang maibigay ang kahulugan ng kilos ng mga tauhan
sa napakinggang pabula.
DDDD. Pagganyak
Paano paghahatian ang mga bagay na pag-aari ng magkaibigan?
EEEE. Paglalahad ng Aralin
A.
1. Pag-alis ng sagabal :
Ibigay ang kahulugan ng salitang sinalungguhitan.
a) Matuling tumakbo ang usa.
b) Magandang ideya ang inilahad ni Ana.
c) Kailangan bungkalin ang lupa bago taniman.
d) Malalago ang dahon ng malunggay namin sa bakuran.
e) Napuna ni Gina na butas ang damit ng katabi niya.

2. Pangganyak na Tanong:
Anong paraan ang ginawa nina Usa at Kambing upang mahati nang
tama ang bunga/ ani ng kanilang pananim?

50
B. (Babasahin ng guro ang pabulang Ang Natatanging Hatian ni Ma. Corazon R.
Reyes, The Modern Teacher Vol XLII No. 6 p. 260)
Ibigay ang pamantayan sa pakikinig.

FFFF. Pagtalakay sa Aralin

1.Pang-unawa na tanong:
a) Anong paraan ang ginawa nina Usa at Kambing upang mahati nang tama
ang bunga/ ani ng kanilang pananim?
b) Ano-anong katangian ang makapaglalarawan kay Kambing, Usa, at
Kuwago?
c) Kung ikaw si Kambing, susundin mo rin ba ang utos ni Usa? Bakit?
d) Tama ba ang naging desisyon ni Kuwago sa paghahati nina Kambing at
Usa? Ipaliwanag.

(Ang guro ay magbibigay ng input sa pagbigay-kahulugan sa kilos ng mga


tauhan sa isang akda.)

2. Tukuyin ang kahulugan ng ikinilos o sinabi ng tauhan mula sa binasang


pabula.Isulat ang titikng angkop na sagot.
a) “Kaibigang Kambing,” ang tawag ng Usa. “may naisip akong mabuting
paraan upang magkaroon tayo ng mas maraming gulay,” ang sabi ng
Usa.
a. natutuwa b. nagulat c. nanghihikayat

b) “Kinukuha mo yata ang lahat ng malalaking kamote para sa iyo


lamang,” ang puna ng Kambing.
a. nagagalit b. natutuwa c. nagugulat

c) Nagpatuloy sa pagtatalo ang dalawa hanggang magising ang


natutulog na Kuwago sa itaas ng isang puno. “Huwag kayong
masyadong maingay natutulog ako.”
a. natutuwa b. nakiki-usap c. nagagalit

d) “Paano magkakaroon nang wastong hatian?” ang tanong ni Kambing


kay Kuwago.
a. nasisiyahan b. nagtataka c. napahiya

GGGG. Paglalahat
Paano matutukoy ang kahulugan ng kilos ng mga tauhan sa isang akda?
HHHH. Paglalapat

Babasahin ng guro ang pabula. (Ang Unggoy at ang Buwaya,The Phil.


Journal of Education Vol, XLII no. 10, March 1992,p.448).
Pabigyang kahulugan ang kilos o sinabi ng tauhan.
51
Pagbibigay kahulugan sa kilos ng mga tauhan.
Piliin sa hanay B ang kahulugan ng kilos ng mga tauhan batay sa mga
pahayag na nasa Hanay A.

A B
_____1. Paano si Unggoy tutungo sa kabilang a. nagugutom
ilog na hindi siya marunong lumangoy?
_____2. Tumulo na lamang ang laway ni b. nagyayabang
Unggoy sa pangangasim sa mga
hinog na bunga ng kanyang
natatanaw sa kabilang ilog.
_____3. “Mas marami kaming mga Buwaya c. pang-uuto
kaysa sa inyo,” tugon ni Buwaya.
_____4. “Sige nga, papilahin mo silang lahat d. galit
patungo doon sa kabilang pampang
nang mabilang ko kung ilan kayong
nagsisilitaw ngayon.”
_____5. Halos umusok ang ilong ng Buwaya e. pagkadismaya
sa silakbo dahil naisahan siya ni
Unggoy na tuso.

IIII. Pagtataya

Panuto: Ibigay ang kahulugan ng kilos ng mga tauhan sa sumusunod na mga


pahayag (hango sa kuwentong Oo Nga’t Pagong , Landas sa Pagbasa, p.80-86)

1. "Aha! Nahuli rin kita! Hindi ka na makaliligtas sa akin ngayon," ang sabi
ni Matsing sabay sunggab sa nagulat na pagong. Itinanim at nabuhay
bahagi ng saging na iniwanan ni Matsing kay Pagong.
2. "Hindi nga ba ikaw iyong damuhong pagong na iyon? tanong ni Matsing
na pinakasipat-sipat ang hawak na pagong.Samantalang namatay ang
tanim ni Unggoy.
3. “Ako po ang dahilan? Bakit po?" tanong ni Pagong.
4. "Makati rin ang mga mata ko. At sa ayaw mo't sa gusto kukuha ako
nito," ani Matsing at namitas agad ng maraming pulang sili
5. "Opo! Pero sekreto po namin iyan. Huwag na po ninyong sasabihin
kahit kanino. Iyan po ang pampapula ng mga pisngi ng nanay ko,"
paliwanag ni Pagong.

JJJJ. Karagdagang Gawain at/o Pagpapahusay


Sumipi ng pabula, tukuyin ang kilos ng mga tauhan at bilugan ang mga
pangngalang ginamit sa akda.
V. MGA TALA
VI. PAGNINILAY

52
SSS. Bilang ng mag-aaral na
nagtamo ng 80% sa pagtataya
TTT. Bilang ng mag-aaral na
nangangailangan ng mga gawaing
pagpapahusay (remedial)
UUU. Nakatulong ba ang
pagpapahusay (remedial)?
Bilang ng mag-aaral na naunawaan
ang aralin
VVV. Bilang ng mag-aaral na
patuloy na nangangailangan ng
pagpapahusay (remediation)
WWW. Alin sa aking pagtuturo ang
nag ing epektibo? Bakit?
XXX. Ano-ano ang aking naging
suliranin na maaaring malutas sa
tulong ng aking punongguro at
superbisor?
YYY. Anong mga inobasyon o
lokalisasyon sa mga kagamitan ang
ginamit /natuklasan ko na nais kong
ibahagi sa ibang guro?

53
MASUSING Paaralan Baitang 6
BANGHAY- Guro Asignatura Filipino
ARALIN Petsa at Markahan F6Q1W3D2
Oras

I. LAYUNIN
Naipamamalas ang kakayahan at tatas sa
A. Pamantayang
pagsasalita at pagpapahayag ng sariling
Pangnilalaman
ideya, kaisipan, karanasan at damdamin
B. Pamantayansa
Nakasasali sa isang usapan tungkol sa isyu
Pagganap
Nagagamit nang wasto ang mga pangngalan
C. MgaKasanayang at panghalip sa pakikipag-usap sa iba’t ibang
Pampagkatuto/Layunin sitwasyon
(F6WG – Ia – d – 2)
II. PAKSA

Paggamit ng Pangngalan at Panghalip sa Iba’t Ibang Sitwasyon


(Pagkilala ng Pangngalan at Panghalip)
III. MGA KAGAMITAN
A. Sanggunian:
K to 12 GabayPangkurikulum sa Filipino 6, p. 119
B. Iba pang kagamitang pampagtuturo:
Manila Paper, Pentel Pen, Laptop, at projector
IV. PAMAMARAAN
A. Balik-aral at/o Panimula

(Magpabasa ng nasiping pabula.)


Ano-ano ang mga pangngalang ginamit sa akda?
Ano ang pagkakaiba ng pangngalan sa panghalip?
B. Pagganyak

Anong bahagi ng pananalita ang karaniwang ginagamit bilang simuno o


paksa ng pangungusap?

Pangganyak na Tanong: Sino kaya ang hinihintay ng mga bata sa akdang


ating babasahin?

54
C. Paglalahad ng Aralin

Sa mga aralin natin sa araw-araw hindi lamang aklat ang kailangan


nating pagbatayan o pagkunan ng mga datos, may pagkakataon na sa mga
kinauukulan tayo kumukuha ng mga datos na sasagot sa ating mga
katanungan.

Ibigay ang mga pamantayan sa pagbasa.

Pagbasa sa usapan. (Puwedeng hatiin ang klase sa pito (7) o


tumawag ng pitong mag-aaral.)

Sino Kaya?

Sa loob ng bulwagan ay nag-uusap ang mga mag-


aaral habang naghihintay sa kanilang guro sa Araling
Panlipunan. Sabik silang malaman kung sino ang
inimbitahang panauhin upang magbigay ng paliwanag sa
paksa ng kanilang pinag-aralan.

Ashley: Hindi ba’t ang aralin natin ngayon ay tungkol sa


magagandang tanawin sa lalawigan ng Sorsogon?

Prince: Oo, kaya maaaring isang empleyado ng DENR


ang panauhin natin ngayon.

Iannah: Hindi kaya si Engr. Ana Cruz?

Chamhae: Kung isang empleyado sa DENR ang ating


panauhin, siguraduhing kumpletong detalye ng mga
magagandang tanawin sa Sorsogon ang ibabahagi niya
saatin.

Francis: Itatanong ko sa kaniya kung paano


napapangalagaan ang mga magagandang tanawin o
pook-pasyalan.

Juris: Isang empleyado sa DENR ang inimbitahan ni Bb.


Santos. Nakita ko silang kausap ng punong-guro.

Alexandra: Maghanda na tayo. Narito na sila.

55
D. Pagtalakay sa Aralin
Pagsagot sa mga tanong
a. Sino ang hinihintay ng mga bata?
b. Ano ang kanilang pinag-uusapan?
c. Bakit kaya empleyado mula sa DENR ang inimbatahan ng kanilang
guro?
d. Tungkol saan ang paksang tatalakayin ng kanilang panauhin?

e. Dapat bang talakayin ng panauhin nila kung paano pangalagaan


ang magagandang tanawing ito?

Kilalanin ang mga pangngalan at panghalip sa mga pangungusap batay


sa binasangteksto.
a. Ano-ano ang mga salitang sinalungguhitan at ikinahon sa usapan?
(Ipatala sa pisara ang mga ito batay sa sumusunod na hanay.)
A
B
(Mga salitang may
(Mga salitang nakakahon)
salungguhit)

b. Ano ang pagkakaiba ng mga salita sa hanay A at hanay B?


(Pagbibigay ng input tungkol sa pangngalan at panghalip.)
Ang pangngalan ay bahagi ng pananalita na tumutukoy sa ngalan
ng tao, bagay, pook at pangyayari. Ito ay maaaring pangngalang
pambalana gaya ng guro, aklat at paaralan at bandila. At pangngalan
pantangi gaya ng Sorsogon, Engr.Ana Cruz.

Ang panghalip ay bahagi ng pananalita na inihahalili sa


pangngalan. Gaya ng: Ako, Ikaw, Siya, Sila, Tayo, Kami, Atin, Inyo at iba
pa.

E. Paglalahat

Paano nakikilala ang mga pangngalan at panghalip sa pangungusap?

F. Paglalapat

Pangkatang Gawain:

56
Pangkatin sa tatlo ang mga mag-aaral. Sumulat ng maikling usapan
gamit ang pangngalan at panghalip batay sa sumusunod na mga
sitwasyon:

Pangkat 1: Paghahanda sa nalalapit na Pista sa kanilang lugar.

Pangkat 2: Patimpalak sa pagsulat ng tula sa pagdiriwang ng Buwan


ng Wika.

Pangkat 3: Mga gawaing nakalaan sa pagdiriwang ng Buwan ng


Nutrisyon

Rubrik sa Pagmamarka:
Laang Aking
Mga Pamantayan
Puntos Puntos
Nagagamit nang wasto ang
pangngalan at panghalip sa 5
usapan.
Nailalahad nang malinaw at
5
maayos ang mensahe sa usapan.
Nakalalahok ang lahat ng kasapi
ng pangkat sa paglalahad ng 5
usapan
Handa, disiplinado at maayos ang
pangkat bago, habang at 5
pagkatapos ng pagtatanghal
KABUOANG PUNTOS 20
5 - Napakahusay 2 -Di-Gaanong Mahusay
4 – Katamtaman 1 - Sadyang Di Mahusay
3 - Mahusay (Walang Naipakita)

G. Pagtataya
Gamitin ang pangngalan at panghalip sa pagbuo ng isang maikling usapan
batay sa sumusunod na sitwasyon. Salungguhitan ang ginamit na mga
pangngalan at bilugan ang ginamit na mga panghalip.

a. Mababa ang nakuhang marka ng kaibigan mo sa paunang


pagsusulit sa asignaturang Filipino.
57
b. Nanalo ka bilang Pangulo ng Kapisanan ng mga Mag-aaral sa
Filipino (KAMAFIL).

H. Karagdagang Gawain at/o Pagpapahusay

Sumulat o sumipi ng isang talata tungkol sa pag-iimbak ng pagkain.


Salungguhitan ang mga pangngalan at bilugan naman ang mga panghalip.

V. MGA TALA
VI. PAGNINILAY
A. Bilang ng mag-aaral na
nagtamo ng 80% sa
pagtataya
B. Bilang ng mag-aaral na
nangangailangan ng mga
gawaing
pagpapahusay(remedial)
C. Nakatulong ba ang
pagpapahusay(remedial)?
Bilang ng mag-aaral na
naunawaan ang aralin
D. Bilang ng mag-aaral na
patuloy na
nangangailangan ng
pagpapahusay
(remediation)
E. Alin sa aking pagtuturo ang
nagging epektibo? Bakit?
F. Ano-ano ang aking
nagging suliranin na
maaaring malutas sa
tulong ng aking
punongguro at superbisor?
G. Anong mga inobasyon o
lokalisasyon sa mga
kagamitan ang ginamit
/natuklasan ko na nais
kong ibahagi sa ibang
guro?

58
MASUSING Paaralan Baitang 6
BANGHAY- Guro Asignatura Filipino
ARALIN Petsa at Oras Markahan F6Q1W3D3

I. LAYUNIN
Naisasagawa ang mapanuring pagbasa
A. Pamantayang Pangnilalaman sa iba’t ibang uri ng teksto at
napalalawak ang talasalitaan
Naisasagawa ang pagsali sa mga usapan
B. Pamantayan sa Pagganap
at talakayan
Nasasagot ang mga tanong sa tekstong
C. MgaKasanayang
pang-impormasyon
Pampagkatuto/Layunin
(F6PB - Ic - c.3.2.1)
II. PAKSA

Pagsagot sa mga Tanong sa Tekstong Pang-Impormasyon


III. MGA KAGAMITAN

A. Sanggunian: K to 12 Gabay Pangkurikulum sa Filipino 6


B. Iba pang kagamitang pampagtuturo:
Laptop at projector, meta cards, tsart

IV. PAMAMARAAN
A. Balik-aral at/o Panimula

(Pumili ng isang mag-aaral na magbabahagi ng kaniyang sinulat o


sinipi na talata tungkol sa pag-iimbak ng pagkain)

Itanong kung ano ang ginamit na mga pangngalan at panghalip sa sinulat


na talata.
B. Pagganyak

Ipakita at ipasuri ang larawan ng isang pinausukang isda.

59
Ano ang nakikita niyo sa larawan?
Natikman niyo na ba ito?
Paano kaya ito ginagawa?

C. Paglalahad ng Aralin

Ipabasa ang tekstong “Pagpapausok ng Isda” (projector o tsart)

Pagpapausok ng Isda
Ang pagpapausok o pagtitinapa ay isang pamamaraan upang
mapreserba ang isda sa pamamagitan ng usok. Ang
pagpapausok ng isda ay karaniwang ginagawa para magkaroon
ito ng katangi-tanging lasa. Ito ay sa pamamagitan lamang ng
proseso sa pagpapausok, maaaring sa pamamagitan ng usok na
mula sa kusot. Ang paggawa ng tinapa ay magandang gawing
negosyo.

Maaari ka ring gumawa ng iba't ibang klase ng pinausukang isda.


Maging malikhain lamang upang makagawa ng iyong sariling
bersyon ng tinapa.

Mga Kailangan:

1. 1 kilongTamban o Galunggong (ang ibang altrenatibo ay


Tilapia, Bangus at Sinilyasi)
2. Asin
3. Tasa o cup
4. Steamer
5. Brine Solution (10 cups ng tubig: 1 cup ng asin)
6. Malaking Kawali o Wok
60
7. Screen
8. Smoke Drum with Kusot

Pamamaraan sa Pagawa ng Tinapa:

1. Linisan ang isda. Tanggalin ang hasang, bituka at iba pang


lamang loob. Pagkatapos ay hugasan ng tubig.

2. Ilagay ito sa brine solution (10 tasa ng tubig: 1 tasa ng


asin). Ibabad ng 30 minuto. Pagkalipas ng 15 minuto,
baliktarin ito.

3. Hanguin sa brine solution at isalansan sa steamer.

4. Pausukan sa kumukulong tubig ng 15 minuto. Takpan ito.

5. Pagkatapos pausukan, ilipat sa screen para patuyuin.


Ibilad ng mga 5 hanggang 10 minuto.

6. Pagkatapos patuyuin, ilagay na sa smoke drum na may


kusot. Takpan ang smoke drum at pausukan ng mga 25
hanggang 30 minuto.

7. Ito na ang Tinapa. Pwede itong tumagal ng hanggang


isang linggo kung nasa refrigerator.

Tunay na papasa sa panlasang pinoy ang tinapa. Masarap ito


kung ipiprito at may sawsawan na toyo at kalamansi na may
halong kamatis.

D. Pagtalakay sa Aralin

Tanong:
1. Ano-ano ang kailangan sa paggawa ng pinausukang isda?
2. Bakit kaya tinapa ang tawag dito?
3. Paano makatutulong ang pagtitinapa sa pag-unlad ng
kabuhayan?
4. Maituturing bang tekstong pang-impormasyon ang binasang
akda?

61
E. Paglalahat

Ano ang dapat tandaan upang masagot ang mga tanong sa tekstong
Impormatibo?

F. Paglalapat

A. Pangkatang Gawain:
Sagutin ang mga tanong batay sa tekstong inilaan sa bawat pangkat.

PangkatI :Teksto tungkol sa Pag-aasin


Tanong:
1. Bakit pag-aasin ang tawag sa paraan ng pag-iimbak na ito?
2. Ano–ano ang mga hakbang sa pag-aasin?

Pangkat II: Teksto tungkol sa Patintero


Tanong:
1. Ano ang Patintero?
2. Paano ito nilalaro?

G. Pagtataya

Basahin ang sumusunod na teksto at sagutan ang kasunod natanong.

Luksong Lubid: Larong Pinoy

Isang larong kilala ng mga bata ang luksong lubid. Karaniwang


nilalaro ito ng mga bata sa lalawigan. Kahit ang mga bata sa lungsod ay
kilalang-kilala ang larong ito. Basta may angkop na lugar na mapaglalaruan
matitiyak mong dito maglalaro ang mga bata.
Isang dahilan kung bakit gusto ito ng mga bata ay dahil sa madali
lamang ang panuto. Isa-isa ang paglukso at matitigil lamang siya kapag
natapakan niya ang lubid. Kailangang matibay ang lubid na gagamitin para
hindi malagot, kahit matapakan. Ang sunod sa kaniyaang lulukso naman.
Makasasali sa luksong lubid ang mga lalaki at babae. Sa simula ng laro ay
nagpapalabunutan sila upang malaman ang sunod-sunod na lulukso.
Magkakasundo sila kung paano malalaman ang panalo.
Karaniwang ang maunang makarating ng isandaang bilang ang
panalo. Ang nanalo ang pinakamahusay sa paglukso.

62
Mga Tanong:
1. Bakit kaya gusto ng mga bata ang larong luksong lubid?
2. Bakit sinasabing isa sa pinakamatandang laro sa Pilipinas ang
luksong lubid?
3. Sa palagay mo, kilala kaya ng mga batang lungsod ang larong
luksong lubid? Bakit?
4. Paano mo pahahalagahan ang larong luksong lubid sa panahon
ngayon?

H. Karagdagang Gawain at/o Pagpapahusay

Kapanayamin ang iyong tatay o nanay tungkol sa kanilang pangarap


noong sila ay bata pa. Itala sa kwaderno ang mga impormasyong nakalap.
V. MGA TALA
VI. PAGNINILAY
A. Bilang ng mag-aaral na nagtamo ng 80% sa pagtataya
B. Bilang ng mag-aaral na nangangailangan ng mga gawaing
pagpapahusay(remedial)
C. Nakatulong ba ang pagpapahusay(remedial)?
Bilang ng mag-aaral na naunawaan ang aralin
D. Bilang ng mag-aaral na patuloy na nangangailangan ng
pagpapahusay (remediation)
E. Alin sa aking pagtuturo ang naging epektibo? Bakit?
F. Ano-ano ang aking naging suliranin na maaaring malutas sa
tulong ng aking punongguro at superbisor?
G. Anong mga inobasyon o lokalisasyon sa mga kagamitan ang
ginamit /natuklasan ko na nais kong ibahagi sa ibang guro?

63
MASUSING Paaralan Baitang 6
BANGHAY- Guro Asignatura Filipino
ARALIN Petsa at Markahan F6Q1W3D4
Oras

I. LAYUNIN
A. Pamantayang Napauunlad ang kasanayan sa pagsulat ng iba’t
Pangnilalaman ibang uri ng sulatin
B. Pamantayan sa
Nakasusulat ng sariling komposisyon
Pagganap
Nagagamit ang mga bagong salitang natutuhan sa
C. Mga Kasanayang
pagsulat ng sariling komposisyon
Pampagkatuto/Layunin
(F6PT – Ic – 8)
II. PAKSA
Paggamit ng mga bagong salitang natutuhan sa Pagsulat ng Sariling
Komposisyon
III. MGA KAGAMITAN
A. Sanggunian: K to 12 Gabay Pangkurikulum sa Filipino 6,
Hiyas sa Pagbasa 6, pp. 47-49
B. Iba pang kagamitang pampagtuturo: Meta cards, tsart, Manila Paper,
Projector at Laptop

IV. PAMAMARAAN
A. Balik-aral at/o Panimula

Tumawag ng isang mag-aaral na magbabahagi ng kanyang nakalap na


impormasyon batay sa ginawang panayam sa kanyang nanay o tatay
tungkol sa mga pangarap nila nang sila’y bata pa.

B. Pagganyak

Ano ang pangarap mo noong maliit ka pa?


(magkakaroon ng pagbabahagi ng kanilang mga pangarap)

Pangganyak na tanong:
Bakit kaya pinangarap ni Mos na maging doktor sa kanyang paglaki?
C. Paglalahad ng Aralin
1. Paglinang ng Talasalitaan
Nasa ibaba ang talaan ng mga salitang ginamit sa kuwento at ang
kahulugan nito. Magbigay ng iba pang salita o pariralang
maiuugnay dito.

64
a. flight doktor - doktor na nadestino sa eroplano,
gumagamot ng mga nasugatan kapag may aksidente o
biglang pagkakasakit o panganganak sa eroplano.
b. military doktor - doktor na nakadestino sa airforce o sa
army.
c. Inuman Settlement - barangay na nasa kabundukan ng
Bulacan na kinaroroonan ng mga Dumagat.
d. Helikopter – sasakyang panghimpapawid
e. rural doktor - manggagamot sa mga bayan at barangay.

2. Ipabasa ang kuwentong “Nais Kong Maging Doktor”(mula sa Hiyas sa


Pagbasa 6, p.47-49)
Ibigay ang pamantayan sa pagbasa.

D. Pagtalakay sa Aralin

1. Pagtalakay sa binasang kuwento batay sa sumusunod na mga tanong:


1. Tungkol saan ang binasa?
2. Bakit nasabi ni Mos na bata pa siya ay hilig na niyang maging
doktor?
3. Paano siya nagkahilig maging flight doktor?
4. Ano ang dakilang misyon ng isang manggagamot?
5. Bakit mahalaga sa isang tao ang may pangarap?
6. Pabigyang-pansin ang pagkakabuo o pagkakasulat ng
komposisyon.
(Ang guro ay magbibigay ng input sa pagsulat ng komposisyon.)

2. Maglahad ng mga bagong salitang natutuhan mula sa binasa.


(mga maaaring sagot)
Tonsil – bahagi ng lalamuan na nasa magkabilang gilid
Nutrition Center – sentro sa wastong nutrisyon o pagkain
Reseta – tala ng gamot at paraan ng pagpapainom nito na
angkop sa sakit na ineksamin ng doctor
Fog – ulap sa mababang lugar
Destino – pook na pinaghahanapbuhayan

3. Pangkatang Gawain:
Pumili ng salita /mga salita mula sa mga bagong salitang
natutuhan at gamitin ang mga ito sa pagsulat ng isang
maikling sulatin o komposisyon batay sa napagkaisahang
paksa.

65
Pamantayan sa Pagsulat
1. Dapat may kaalaman ka sa paksang susulatin mo.
2. Dapat alam mo kung paano ilalahad ang mga ideyang
nais mong ilagay sa sulatin o talata. Ito ay tinatawag na
organisasyon.
3. Nagiging maganda at kaakit-akit sa babasa kung ang
sulatin ay may magandang simula at wakas.
4. Dapat may kaisahan ang mga ideyang inilahad mo mula
sa simula hanggang hulihan nito.

4. Pagbabahagi ng nabuong komposisyon at pagproseso ng guro.

E. Paglalahat

Ano – ano ang dapat tandaan sa pagsulat ng komposisyon?


Bakit mahalaga ang mayamang talasalitaan sa pagsulat?

F. Paglalapat
Pangkatang Gawain:

Sumulat ng isang sulatin /komposisyon na may pamagat na “Ang Aking


Bakasyon”.

Rubrik sa Pagmamarka

Nakuhang
Mga Pamantayan Puntos
Puntos
Nakapanghihikayat at maliwanag
Nakapanghihika-
na nailahad ang sariling 5
yat na Mensahe
paninindigan
Nakapagbigay ng mga datos o
Batayang impormasyong ginamit na
5
Impormasyon batayan ng inilahad na
paninindigan
Naisulat ang komposisyon/sulatin
nang maayos ang daloy ng
Organisasyon kaisipan at pagkakaugnay ng 5
mga pangungusap
KABUOANG PUNTOS: 15
5 - Napakahusay 3 - Katamtaman 1 - Sadyang Di Mahusay
4 - Mahusay 2 - Di Gaanong Mahusay

66
G. Pagtataya

Sumulat ng sariling komposisyon na gumagamit ng mga natutuhang salita


gaya ng:
Flight doctor, military doctor, helicopter,destino, fog, reseta, at iba pa

(Gumamit ng rubrik sa pagmamarka.)

H. Karagdagang Gawain at/o Pagpapahusay


Magbasa ng anumang teksto sa silid-aklatan ng inyong paaralan. Isulat sa
kuwaderno ang mga bagong salitang mababasa at ibigay ang kahulugan.

V. MGA TALA
VI. PAGNINILAY
A. Bilang ng mag-aaral na
nagtamo ng 80% sa pagtataya
B. Bilang ng mag-aaral na
nangangailangan ng mga
gawaing pagpapahusay
(remedial)
C. Nakatulong ba ang
pagpapahusay (remedial)?
Bilang ng mag-aaral na
naunawaan ang aralin
D. Bilang ng mag-aaral na
patuloy na nangangailangan
ng pagpapahusay
(remediation)
E. Alin sa aking pagtuturo ang
nag ing epektibo? Bakit?
F. Ano-ano ang aking naging
suliranin na maaaring malutas
sa tulong ng aking
punongguro at superbisor?
G. Anong mga inobasyon o
lokalisasyon sa mga
kagamitan ang ginamit
/natuklasan ko na nais kong
ibahagi sa ibang guro?

67
Paaralan Baitang 6
Guro Asignatura Filipino
MASUSING Petsa at Oras Markahan F6Q1W3D5
BANGHAY-
ARALIN

I. LAYUNIN
A.Pamantayang Naipamamalas ang iba’t ibang kasanayan
Pangnilalaman upang maunawaa nang iba’t ibang teksto
B. Pamantayan sa Nagagamit ang nakalimbag at di-nakalimbag
Pagganap na kagamitan sa pagsasaliksik
C. MgaKasanayang Nagagamit ang Dewey Classification System
Pampagkatuto/Layunin (F6EP - Ic - 9.3)
II. PAKSA

Paggamit ng Dewey Classification System

III. MGA KAGAMITAN


A. Sanggunian:
www.google.com

B. Iba pang kagamitangpampagtuturo:


Mga Tala mula sa Google,
laptop at projector, Manila Paper

IV. PAMAMARAAN
A. Balik-aral at/o Panimula

Magpabahagi ng mga bagong salita ng nakuha mula sa binasang


teksto sa silid-aklatan.

B. Pagganyak
1. Sino sa inyo ang nakapunta sa silid-aklatan?
( magkakaroon ng maikling pagbabahagi ng mga sagot)
C. PaglalahadngAralin
1. Ano-ano ang mga dapat gawin kung may hahanapin kayong aklat
sa silid-aklatan?
2. Para madaling mahanap ang aklat, anong bahagi ng kard katalog
ang gagamitin mo?
(Ilalahad ng guro ang paksang-aralin.)

68
D. Pagtalakay sa Aralin

Dewey Classification System


Ang bawat aklatan ay may tala ang sinusunod upang madali ng mahanap
o makita ang mga aklat na nais basahin o gamitin. Ito ay ang Klasipikasyong
Dewey Decimal.

Ito ay nagsimula sa sikat na Amerikanong librarian na si G. Melvil Dewey.

000 – 099 General Works Encyclopedia


100 – 199 Pilosopiya MgaIniisipng Tao
200 – 299 Relihiyon Relihiyon, Metolohiya
300 – 399 AghamPanlipunan Gobyerno, Hanapbuhay
400 – 499 Language Diksyunaryo at iba pa
500 – 599 Pure Science Mathematics,Astronomy,
Nature
600 – 699 Applied Science Airplanes,Cars,
Homemaking, Teknolohiya
700 – 799 Fine Arts and Recreation ArtPhotography,Music
Sports
800 – 899 Literatura Tula, Dula, Iba pang
anyong Literatura
900 – 999 History Paglalakbay, Kasaysayan

Uri ng Kard Katalog

1. Kard ng Paksa
- ang dapat hanapin kung ang malinaw pa lamang sa
mananaliksik ay ang kaniyang paksang tatalakayin
Halimbawa:

69
2. Kard ng Awtor
- ang kailangang tingnan kung ang mananaliksik ay may
naiisip na agad na awtor na awtoridad sa kanyang paksa.
Halimbawa:

3. Kard ng Pamagat
- ang pinakalapitin ng mga manananaliksik na hindi pa tukoy
ang paksa o awtor na gusto nilang saliksikin, kung kaya
parang naghahanap pa silang kanilang paksa sa mga librong
pamilyar na sa iba.
Halimbawa:

1. Pangkatin ang mag-aaral. Ipatalakay sa pangkat kung paano ginagamit


ang DCS. Matapos ang inilaang oras, tawagin ang bawat pangkat
upang ibahagi ang kanilang natapos na gawain.

2. Saan ginagamit ang DCS? Paano ito ginagamit?

3. Magpatala ng mga aklat na makukuha sa bawat kategorya sa DCS


(Dewey Classification System).
E. Paglalahat

Paano ginagamit ang DCS (Dewey Classification System)?

70
F. Paglalapat
Punan ang talahanayan batay sa hinihinging impormasyon gamit ang
Dewey Clasiffication System.

Teksto Bilang Kategorya


1. Kayarian ng Pangngalan
2. Ang Mahiwagang Singsing
3. Addition of Integers
4. Mga Naging Pangulo ng
Pilipinas
5. Maglalatik Dance

G. Pagtataya
Gamit ang DCS, magbigay ng isang halimbawang teksto /aklat sa bawat
klasipikasyon.
(Maaaring dyad o pangkatan)

H. Karagdagang Gawain at/o Pagpapahusay


Pumunta sa silid-aklatan at italaang DCS ng mga sanggunian sa:
1. Filipino 6
2. Araling Panlipunan 6

V. MGA TALA
VI. PAGNINILAY
A. Bilang ng mag-aaral na nagtamong 80% sa
pagtataya
B. Bilang ng mag-aaral na nangangailangan ng mga
gawaing pagpapahusay (remedial)
C. Nakatulong ba ang pagpapahusay
(remedial)?
Bilang ng mag-aaral na naunawaan ang aralin
D. Bilang ng mag-aaral na patuloy na
nangangailangan ng pagpapahusay (remediation)
E. Alin sa aking pagtuturo ang nagging epektibo?
Bakit?
F. Ano-ano ang aking nagging suliranin na maaaring
malutas sa tulong ng aking punongguro at
superbisor?
G. Anong mga inobasyon o lokalisasyon sa mga
kagamitan ang ginamit /natuklasan ko na nais kong
ibahagi sa ibang guro?

71
MASUSING Paaralan Baitang 6
BANGHAY- Guro Asignatura Filipino
Petsa at Markahan F6Q1W4D1
ARALIN Oras

I. LAYUNIN
Naipamamalas ang kakayahan sa
A. Pamantayang Pangnilalaman mapanuring pakikinig at pag-unawa sa
napakinggan
B. Pamantayan sa Pagganap Nakasasali sa isang usapan tungkol sa isyu
Nakapagbibigay ng hinuha sa kalalabasan
C. Mga Kasanayang
ng mga pangyayari sa kuwentong
Pampagkatuto/Layunin
napakinggan (F6PN - Id - c 12)
II. PAKSA

Paghihinuha sa Kinalabasan ng Kuwento


III. MGA KAGAMITAN
A. Sanggunian: K to 12 Gabay Pangkurikulum Filipino 6, Landas sa Pagbasa 6
pp. 134-147

B. Iba pang kagamitang pampagtuturo:


Manila Paper, Pentel Pen, Power Point at Projector

IV. PAMAMARAAN
A. Balik-aral at/o Panimula
(Magbibigay ng panimulang sasabihin sa mga mag-aaral ang guro.)
Ang inaasahang gawain sa araw na ito ay ang paghihinuha sa kalalabasan
ng kuwento.

B. Pagganyak

Sino sa inyo ang lumaki sa piling ng mga lolo at lola?


Paano mo sila napasasaya?

Pangganyak na Tanong: Paano napasaya si Lolo Juan ng kaniyang mga apo?

C. Paglalahad ng Aralin
1. Pag-alis ng sagabal:
Ibigay ang kahulugan ng salitang sinalungguhitan. Pagkatapos gamitin
sa pangungusap:

a. Narinig ni Lolo Juan ang pagtuturu-turuan ng mga bata sa mga


gawain sa poultry. (pagsisihan, pagtutulong-tulungan, pag-aaral)

72
b. Abala ang isipan nina Bryan sa mga binabalak nilang gawin
kinabukasan. (nahihibang, gumugunita, nag-iisip)

c. Kapag napabayaan pa, babagsak na ang negosyo nila at wala na


silang hanapbuhay. (mawawasak, madudurog, malulugi)

d. Sadyang nakikiisa ang lahat sa mga gawain sa hardin.


(tumutulong, nagpapabaya, naninisi)

e. Masaya na ang pananim sa hardin makalipas lamang ang ilang


araw. Ang mga halaman ay (nagtatawanan, nananariwa,
nagsasayawan)

2. Pagtatakda ng pamantayan sa pakikinig ng teksto


3. Pakikinig sa kuwentong babasahin ng guro

D. Pagtalakay sa Aralin

Pagsagot sa mga Tanong:

a. Paano napasaya si Lolo Juan ng kanyang mga apo?


b. Paano nag-uusap ang mga apo ni Lolo Juan sa unang
bahagi ng kuwento?
c. Ano sa palagay mo ang gagawin ng mga apo ni Lolo Juan
sa poultry farm kinabukasan?
d. Nag-uusap nga kaya ang araro at asarol sa kuwento ni Lolo
Juan? Ano sa palagay mo?
e. Mahal ba ni Lolo Juan ang mga apo niya? Patunayan ang
iyong sagot.
f. Bakit kailangan lumikha si Lolo Juan ng kuwento para sa
mga apo?

Pagbibigay ng input ng guro sa paksang-aralin.


(Maaaring ilahad sa pamamagitan ng PowerPoint o nakasulat sa Manila Paper.)

Nasagot ninyo ang mga katanungan dahil nahinuha ninyo ang pangyayari sa
pinakinggang kuwento.
Pagbibigay Hinuha sa Pangyayari
Makapagbibigay ng hinuha ang isang mambabasa sa paggamit ng
dati niyang kaalaman at sa mga pahayag o nangyari sa pangungusap.
Makatutulong din kung magiging mapanuri siya.

Halimbawa:

Pangyayari: Pagkapanalo ni Catriona Gray sa Miss Universe 2018.


Hinuha: Nabigyan niya ng kasiyahan ang buong sambayanang Pilipino.

E. Paglalahat
1. Ano ang paghihinuha?
73
2. Paano ka makapagbibigay ng hinuha sa kalalabasan ng mga pangyayari?
F. Paglalapat
A.
(Ilahad gamit ang PowerPoint o Manila Paper)
Panuto: Basahin ang bawat kalagayan at piliin ang maaaring mangyari.
Bilugan ang titik ng tamang sagot.

1. Kapag ang tao’y mahilig sa pagbabasa


a. masisiraan siya ng bait
b. mahina siya sa pag-unawa
c. hindi siya mahusay sa pagsusulat
d. may malawak siyang kaalaman

2. Kapag ang mag-aaral ay masipag at matiyaga


a. hindi na dapat turuan ng guro
b. ang guro ay masisiyahan
c. hindi na nangangailangan ng tulong
d. maaari nang hindi pumasok

3. Kapag ang isang guro ay masipag magturo


a. walang malalagpak na mag-aaral
b. maiinis ang mga bata sa kanya
c. maraming matututuhan ang mga bata
d. Wala na siyang panahong magpahinga

4. Kapag ang kapitbahay ninyo ay tsismosa


a. magiging kaibigan ng kanyang kapitbahay
b. walang pakialaman ang magkapitbahay
c. lahat ng isyu sa paligid ay alam
d. maraming kaaway sa barangay

5. Kapag ang mamamayan ay nagkakaisa at nagmamahalan


a. matagal matapos ang anumang proyekto
b. magiging madali at matagumpay ang anumang gawain
c. kanya-kanya sa anumang gawain
d. walang natatapos na proyekto
B:
Panuto: Hanapin at isulat ang titik ng pahayag sa Hanay B na nagsasaad
ng maaaring kalabasan ng mga pangyayaring nakasaad sa Hanay A.

A B
1. Kapag hindi tumigil ng pag-
a. Maiiwasan ang patayan at
ulan sa loob ng dalawang
digmaan
linggo

74
2. Kung susunding lahat ng
b. Lahat ng mga bagay na
mga magulang ang nanaisin
may buhay ay mamamatay
ng kanilang mga anak
3. Kapag biglang nawala ang c. Magsisikip ang daigdig sa
tubig dito sa mundo dami ng naninirahan
4. Kung lahat lamang ng mga d. Magiging mariwasa ang
tao ay pulos may salapi kanilang bayan
5. Kapag nagtinginan na
parang tunay na e. Ito ay hindi na
magkakapatid ang lahat ng mapaaandar
tao
6. Kung ang lahat ng nilalang
f. Malimit itong hihiramin ng
sa mundo ay walang
mga bata sa aklatan
kamatayan
7. Kapag naubusan ng g. Malamang bumaha nang
gasolina ang isang sasakyan malaki
8. Kapag masisipag ang lahat
h. Siya ay kagigiliwan ng
ng mamamayan sa isang
kanyang guro
bansa
9. Kapag nakaaaliw ang i. Wala nang magiging
nilalaman ng isang aklat manggagawa
10. Kung mabait at masipag
j. Sila ay lalaking malaki ang
mag-aral ang isang mag-
loob
aaral

G. Pagtataya
Panuto: Basahin ang bawat talataan. Ibigay ang maaaring kalabasan ng mga
pangyayari. Isulat
ang titik ng napiling sagot.

1. Matalinong bata si Raul. Siya ang nangunguna sa klase subalit ang hindi niya
matutuhan ay ang pagdating sa takdang-oras. Isang araw, mayroon silang
pagsusulit sa paaralan. Nag-aaral siyang mabuti. Kinabukasan, tinanghali siya
ng gising kaya nahuli siya sa pagpasok. Nang umuwi si Raul matapos ang
pagsusulit, mukha siyang malungkot na malungkot.
Ano sa palagay ninyo ang nangyari?
a. Maaaring sumakit ang ulo ni Raul
b. Maaaring may nawala si Raul
c. Maaaring pinagalitan ng guro si Raul
d. Maaaring hindi natapos ni Raul ang pagsusulit

2. Iniwan ni Aling Puring na nag-iisa sa bahay ang kanyang bunsong anak.


Naisipan ng batang maglaro ng lutu-lutuan. Kinuha niya ang posporo at
sinindihan ang kanilang kalan. Biglang sumiklab ang apoy.
Ano ang maaaring mangyari?
a. Nasunog ang bahay nina Aling Puring.
b. Nakapaglaro ng lutu-lutuan ang bata.
75
c. Umiyak ang bunsong anak ni Aling Puring.
d. May mga bisitang dumating sa kanilang bahay.

3. Isang araw, naisipang ayusin ni Flora ang kanilang altar. Hinugasan niya ang
plorerang mahal na mahal ng kaniyang ina, pinunasan at nilagyan niya ito ng
magagandang bulaklak. Ilalagay na lamang niya ito sa altar nang dumating
ang rumaragasang pusang hinahabol ng aso. Lumundag ang pusa sa kamay
niyang may hawak ng plorera. Nabitawan niya at nabasag ang plorera.
Ano kaya ang gagawin ni Flora?
a. Magwawalang bahala
b. Itatapon ng plorera
c. Magsasabi ng totoo sa kanyang ina
d. Ilalagay sa altar ang basag na plorera

4. Kaisa-isang anak ni Aling Perla si Ramil. Si Ramil ay laging malungkot,


masakitin at mahinang kumain. Isang araw, pinayuhan si Aling Perla ng
kanyang kaibigan na pabayaan niyang maglaro ang anak sa labas ng bahay
upang makalanghap ng sariwang hangin at mainitan ng araw. Pinakain din
siya ng mga gulay at bungang-kahoy at pinainom ng sariwang gatas. Sa
palagay ninyo, pagkatapos payuhan ng isang kaibigan ang kaniyang ina, ano
ang mangyayari kay Ramil?
a. Siya ay lalong pumayat.
b. Siya’y naging masaya at malusog.
c. Lalo siyang naging masakitin.
d. Lalo siyang ikinulong ng ina.

5. Malakas ang buhos ng ulan. Baha na sa mga daan. Inggit na inggit si Roberto
sa mga batang nagtatampisaw subalit kagagaling lamang niya sa sakit.
Dumaan ng kanyang mga kaibigan.
Ano kaya ang ginawa ni Roberto?
a. Hindi sumama si Roberto sa mga kaibigan.
b. Sumama siya agad sa mga kaibigan.
c. Nagalit si Roberto sa mga kaibigan.
d. Nagtulog-tulugan na lamang si Roberto.

H. Karagdagang Gawain at/o Pagpapahusay

Ibigay ang kalalabasan ng sumusunod na pangyayari at salungguhitan ang


mga pangngalang ginamit.
Naiwanan mong nakabukas ang gripo sa inyong banyo at pumasok ka na sa
paaralan.

V. MGA TALA
VI. PAGNINILAY
A. Bilang ng mag-aaral na nagtamo ng 80%
sa pagtataya

76
B. Bilang ng mag-aaral na nangangailangan
ng mga gawaing pagpapahusay (remedial)
C. Nakatulong ba ang pagpapahusay
(remedial)?
Bilang ng mag-aaral na naunawaan ang
aralin
D. Bilang ng mag-aaral na patuloy na
nangangailangan ng pagpapahusay
(remediation)
E. Alin sa aking pagtuturo ang nag ing
epektibo? Bakit?
F. Ano-ano ang aking naging suliranin na
maaaring malutas sa tulong ng aking
punongguro Bat superbisor?
G. Anong mga inobasyon o lokalisasyon sa
mga kagamitan ang ginamit /natuklasan ko
na nais kong ibahagi sa ibang guro?

77
MASUSING Paaralan Baitang 6
BANGHAY- Guro Asignatura Filipino
ARALIN Petsa at Oras Markahan F6Q1W4D2

I. LAYUNIN
Naipamamalas ang kakayahan at tatas sa
A.Pamantayang
pagsasalita at pagpapahayag ng sariling ideya,
Pangnilalaman
kaisipan, karanasan at damdamin
B. Pamantayan sa
Nakasasali sa isang usapan tungkol sa isyu
Pagganap
Nagagamit nang wasto ang mga pangngalan sa
C. Mga Kasanayang
pakikipag-usap sa iba’t ibang sitwasyon
Pampagkatuto/Layunin
(F6WG-Ia-d-2)
II. PAKSA

Paggamit ng Pangngalan sa Pakikipag-usap sa iba’t ibang Sitwasyon


III. MGA KAGAMITAN
A. Sanggunian: K to 12 Gabay Pangkurikulum, Landas sa Wika pp. 31 – 32
B.Iba pang kagamitang pampagtuturo: Meta card, Manila Paper, Pentel Pen,
Laptop at PowerPoint
IV. PAMAMARAAN
A. Balik-aral at/o Panimula

Ano ang dapat nating tandaan sa paghihinuha sa kinalabasan ng kwento?


(Tumawag ng isang mag-aaral na magbabasa ng paghihinuha batay
sa sitwasyong ibinigay bilang takdang-aralin.)
Itanong kung may mga nagamit na pangngalan sa kanilang mga
sagot.

B. Pagganyak
Pag-usapan ang mga bagay o produkto na makikita sa bansa.
Ipasuri ang larawan sa p. 51 ng aralin.
Ano-ano ang mga bagay na gawang Pilipino? Isulat sa pisara ang mga
salita o pangngalan na ibinigay.

C. Paglalahad ng Aralin

Maraming likhang-sining at mga produkto ang makikita sa ating bansa.


Bunga ito ng pagiging malikhain ng mga Pilipino.
Ano-anong mga bagay o produkto ang nasa larawan?

78
Basahin ang talata.

Ang mga Pilipino ay likas na malikhain at masining. Nakikilala sa


buong mundo ang mga produkto ng Pilipinas. Nariyan ang mga barong,
bestida, mantel, telang pinya, sinamay, at jusina may pinong-pinong bordang
kamay mula sa Batangas at Bulacan. Kay gandarin ng mga telang hinahabi
sa hand loom o habihan ng mga kababaihan sa Ilocos, Baguio, Benguet, at
Ifuguo. Sa Laguna naman nagmumula ang magagandang nililok na mga
kagamitan at mga pandekorasyon. Kaygagandang muwebles din ang
nanggagaling sa Pampanga. Ang Leyte at Samar ay may magagandang banig
na tikug. At higit sa lahat ay ang makukulay na dyip nalikha rito sa Pilipinas.
Ang lahat ng ito at iba pang likhang-sining ay maipagmamalaki ng sinumang
Pilipino.

o Ano-anong mga bagay na yari dito sa Pilipinas ang nabanggit sa


talata?
o Saan-saang mga lalawigan matatagpuan ang mga ito?

o Ano ang katangian ng mga yaring-kamay na ito?

o Marami pang produktong Pilipino ang kilala sa daigdig. Magbigay ng


ilang nalalaman mo.

D. Pagtalakay sa Aralin

Basahin ang mga salita at uriin kung ngalan ng tao, bagay, pook,
o pangyayari.

Halimbawa:
tao – Pilipino
bagay – sinamay
pook – Pilipinas
pangyayari – Pasko

Ang mga salitang pantawag sa tao, bagay, pook, o pangyayari ay mga


pangngalan.May pangngalan para sa karaniwang tao, bagay, pook
o pangyayari. Ito ay pangngalang pambalana. May pangngalan
para sa tanging tao, bagay, pook, o pangyayari. Ito ay
pangngalang pantangi.

79
Halimbawa:
Pangngalang Pambalana

banig guro
dyip bayani
damit palaro
tela anihan
tahanan kapatid

Pangngalang Pantangi

Dr. Valdez Luneta


Andres Bonifacio Cavite
Binibining Angeles Bulacan
Mang Pedro Mindanao

Sa anong letra nagsisimula ang mga pangngalang pantangi? Ang mga


pangngalang pambalana? May partikular bang tao, bagay, pook o
pangyayaring tinutukoy ang pangngalang pambalana?

E. Paglalahat
Tandaan:
Ang pangngalan ay bahagi ng pananalita na tumutukoy sa tao, bagay,
pook, o pangyayari. Ito ay maaaring pangngalang pambalana gayang
guro, aklat, paaralan at bandila. Maaari
Itong pangngalang pantangi gaya ng Dr. Jose Rizal, Pangulong Quezon,
Bulacan, Florante at Laura at Pilipinas. Nagsisimula ang pangngalang
pantangi sa malaking letra.

F. Paglalapat
GAWAIN A:
Basahin ang sumusunod na mga pangungusap. Piliin ang mga
pangngalang pambalana at pangngalang pantangi. Itala ang mga ito sa
dalawang hanay sa iyong sagutang papel.

1. Si Dr. Jose Rizal, ang ating pambansang bayani ay siyang sumulat


ng Noli Me Tangere at El Flilibusterismo.
2. Ang makatang si Francisco Balagtas na mula sa Panginay,
Balagtas, Bulacan ay siyang sumulat ng Florante at Laura.
3. Si Andres Bonifacio na nagtatag ng Katipunan ay kinilala bilang
“Amang Rebolusyon” sa Pilipinas. Siya ay isinilang sa Tondo,
Maynila noong ika-30 ng Nobyembre, 1863.

80
4. Naging mga pangulo ng ating bansa sina Ramon Magsaysay,
Corazon Aquino, Fidel Ramos, at iba pa.
5. Maituturing ding bayani ng bansa ang mabubuting guro,
magsasaka, mangingisda, manggagawa, kawani, at sinumang
ulirang mamamayan.

GAWAIN B:
Pangkatang Gawain. Hatiin sa limang pangkat ang klase at magpatala ng
tiglilimang halimbawa ng mga bagay, tao, hayop, pook, o pangyayaring
nakita sa sumusunod na mga lugar:

Unang Pangkat: sa daan


Ikalawang Pangkat: sa palengke
Ikatlong Pangkat: sa simbahan
Ikaapat na Pangkat: sa probinsya
Ikalimang Pangkat: sa parke o plasa

Pag-uulat ng bawat pangkat

G. Pagtataya
Gamitin ang pangngalan sa pagbuo ng isang maikling dayalogo /usapan
batay sa alinman sa mga sumusunod:
1. Pamamasyal ng magkaibigan sa isang parke
2. Pag-uusap ng dalawang magkapatid tungkol sa kanilang mga
pangarap.
H. Karagdagang Gawain at/o Pagpapahusay
Iulat sa klase ang mga kaugaliang Pilipino na alam mo o naranasan mo.
Gamitin ang mga pangngalan sa paglalahad.
V. MGA TALA
VI. PAGNINILAY
A. Bilang ng mag-aaral na nagtamong 80% sa pagtataya
B. Bilang ng mag-aaral na nangangailangan ng mga
gawaing pagpapahusay(remedial)
C. Nakatulong ba ang pagpapahusay(remedial)?
Bilang ng mag-aaral na naunawaan ang aralin?
D. Bilang ng mag-aaral na patuloy na nangangailangan
ng pagpapahusay (remediation)
E. Alin sa aking pagtuturo ang nagging epektibo? Bakit?
F. Ano-ano ang aking nagging suliranin na maaaring
malutas sa tulong ng aking punongguro at
superbisor?
G. Anong mga inobasyon o lokalisasyon sa mga
kagamitan ang ginamit /natuklasan ko na nais kong
ibahagi sa ibang guro?

81
MASUSING Paaralan Baitang 6
BANGHAY- Guro Asignatura Filipino
ARALIN Petsa at Oras Markahan F6Q1W4D3

I. LAYUNIN
Naipamamalas ang kakayahan at tatas
sa pagsasalita at pagpapahayag ng
A. Pamantayang Pangnilalaman
sariling ideya, kaisipan, karanasan at
damdamin
Nakasasali sa isang usapan tungkol sa
B. Pamantayan sa Pagganap
isyu
Nagagamit nang wasto ang panghalip sa
C. MgaKasanayang
pakikipag-usap sa iba’t ibang sitwasyon
Pampagkatuto/Layunin
(F6WG – Ia – d2 – 2)
II. PAKSA

Paggamit ng Panghalip sa Iba’t Ibang Sitwasyon


III. MGA KAGAMITAN
A. Sanggunian: Landas sa Wika pp. 73

B. Iba pang kagamitang pampagtuturo: Meta card, Manila Paper, Pentel Pen,
Laptop at PowerPoint

IV. PAMAMARAAN
A. Balik-aral at/o Panimula

Ano ang pangngalan? Magbigay ng halimbawa

B. Pagganyak

Unawain at pag-isipan ang usapan ng mag-amang Gabriel at Annika.

82
Ikaw ay lagi kong naiisip,
anak. Malungkot ako noon pero tinitiis
ko dahlia alam kong naghihintay ka.

Lahat po kami rito ay


naghihintay saiyo, Dad. Ang saya-
saya po namin at nandito na kayo.

1. Saan galing ang ama ni Annika?


2. Anong sakripisyo ang ginawa ng kaniyang ama para sa
kaniya?
3. Bilang anak ng isang OFW, paano mo matutumbasan
ang sakripisyong ginagawa nila para saiyo?

C. Paglalahad ng Aralin

Suriin ang mga salitang may salungguhit. Ano ang tinutukoy ng mga salitang ito?
(Ilahad ang paksang-aralin)

D. Pagtalakay sa Aralin

Ipaliwanag ang uring mga panghalip.

Uri ngPanghalip
Ang panghalip ay salita o katagang panghalili sa pangngalan.
Ito ay may apat na uri.
1. Panao - panghalili sa ngalan ng tao
Halimbawa:
Kami ay nagmamahal sa kalikasan.
ako, kami, ikaw, kayo sila, nila, kanila, tayo

83
2. Pamatlig- ginagamit sa pagtuturo ng pangngalan
Halimbawa:

Ito ang tahanan ng mga taong mapagmahal sa kalikasan


o Pronominal
• ito, nito, dito/rito
• iyan, niyan, diyan/riyan
• iyon, noon, doon/roon

o Panawag-pansin
• eto o heto
• ayan o hayan
• ayun o hayun

o Patulad
• ganito-(gayanito-ganito)
• ganiyan o ganyan--(gaya niyan-ganiyan o ganyan)
• ganoon/gayon-(gaya noon--ganoon, gaya niyon--
gayon)

3. Panaklaw - sumasaklaw sa kaisahan, dami, o kalahatang


tinutukoy
Halimbawa:
Nag-aalala ang tanan sa mga pagmimina sa bansa.
balana, tanan, madla, lahat, anuman, kailanman

4. Pananong - panghalili sa ngalan ng tao, bagay, at iba pang


ginagamit sa pagtatanong. Kaganapang pansimuno ang gamit
ng mga ito.
Halimbawa:
Sino ang mangangalaga sa paraisong bigay ng May-
kapal?

Isahan Maramihan Kinatawan


sino sino-sino tao
kanino kani-kanino tao
ano ano-ano bagay, hayop, o lugar
alin alin-alin bagay, hayop, o lugar

E. Paglalahat
Bakit mahalagang malaman natin ang wastong gamit ng panghalip?

84
F. Paglalapat
A. Punan ng angkop na panghalip ang bawat patlang upang mabuo ang
usapan.

Nilo: Naku! Narinig mo na ba ang usap-usapan sa plasa?


Mario: Alin? Iyon bang sabi ____(1)____ aswang daw na
gumagala rito sa ___(2)___?
Nilo: ___(3)___ ba ay naniniwala rin sa aswang?
Mario: Para sa ___(4)___, hindi totoo iyo. Baka kathang-isip
lamang ng mga taong nais manggulo.
Nilo: Maniniwala lamang ___(5)___ kapag nakita ___(6)___ na
talaga ito.
Mario: Halika na. Pumunta na ___(7)___ sa kabilang barangay.
Manood ___(8)___ ng basketball tournament doon.
Nilo: Gabi na. Hindi ___(9)___ ba natatakot?
Mario: Akala ___(10)___ ba hindi ___(11)___ naniniwala sa
aswang. Bakit natatakot ___(12)___?
Nilo: E, kung mayroon nga? He, he, he!

Suriin ang panghalip na ginamit sa pangungusp. Sabihin kung ito ay


panghalip na panao, pamatlig pananong o panaklaw.

________1. Ako ay nag-iisip nang mabuti kung ang mga legal na


nagmimina ay totoo sa kanilang pangako sa tao at sa
kalikasan.
________2. Ano ang nakukuha ng mga tao sa ating mga
kabundukan?
________3. Hayun ang mga nakakalbong gubat.
________4. Sino-sino ang nakikinabang sa mga minahan?
________5. Kanino inilaan ang mga kapakinabangan nito?
________6. Ang mangyayari sa katubigan at kabundukan natin ay
ganito.
________7. Nananawagan kami na itigil na ang ilegal na minahan
dito sa amin.
________8. Ang balana ay natatakot sa masamang epektong ilegal
na pagmimina.
________9. Tayo ay dapat magkaisa upang mapigilan ang pagkasira
ng ating kabundukan.
________10. Sang-ayon ka ba sa pagmimina?

85
G. Pagtataya

Pangkatang Gawain

Bumuo ng usapan na ginagamitan ng panghalip batay sa sumusunod na


mga sitwasyon.

Pangkat 1: Pamamasyal sa isang parke

Pangkat 2: Mga taong sama-samang kumakampi sa kabutihan para sa


kalikasan

Pangkat 3: Nag-uusisa tungkol sa mangyayari kapag lahat ay


nagsasama-sama para sa Kaligtasan ng mga kagubatan.

Pangkat 4: Pag-uusap ng magkapatid sa kanilang mga pangarap

Pangkat 5: Magkakaibigang nag-uusap tungkol sa gagawin nilang


proyekto sa asignaturang Filipino.

Pamantayan o Rubrik sa Pagmamarka:

Pamantayan 5 4 3 2 1
1. Ang usapan ay gumamit nang wastong
panghalip
2. Ito ay ipinahayag sa maliwanag at
banayad na paraan para matiyak na
bawat impormasyon ay mauunawaan
ng mga nanonood.
3. Maayos at disiplinado ang pangkat

4. Natapos sa tamang oras na inilaan


KabuoangPuntos:
5 - Napakahusay 3 - Katamtaman 1 – Sadyang Di Mahusay
4 - Mahusay 2 – Di-GaanongMahusay

H. Karagdagang Gawain at/o Pagpapahusay


Sumipi ng isang talata mula sa anumang babasahin. Salungguhitan ang mga
panghalip na ginamit at itala ang di pamilyar na mga salita.
Maaaring magpadala ng diksyunaryo.

86
V. MGA TALA
VI. PAGNINILAY
A. Bilang ng mag-aaral na nagtamong 80% sa pagtataya
B. Bilang ng mag-aaral na nangangailangan ng mga
gawaing pagpapahusay(remedial)
C. Nakatulong ba ang pagpapahusay(remedial)?
Bilang ng mag-aaral na naunawa ang aralin.
D. Bilang ng mag-aaral na patuloy na nangangailangan
ng pagpapahusay (remediation)
E. Alin sa aking pagtuturo ang nagging epektibo? Bakit?
F. Ano-ano ang aking naging suliranin na maaaring
malutas sa tulong ng aking punongguro at superbisor?
G. Anong mga inobasyon o lokalisasyon sa mga
kagamitan ang ginamit /natuklasan ko na nais kong
ibahagi sa ibang guro?

87
MASUSING Paaralan Baitang 6
BANGHAY- Guro Asignatura Filipino
Petsa at Oras Markahan F6Q1W4D4
ARALIN

I. LAYUNIN
Naisasagawa ang mapanuring pagbasa sa
A. PamantayangPangnilalaman iba’t ibang uri ng teksto at napalalawak ang
talasalitaan
B. Pamantayan sa Pagganap Nakasasali sa isang usapan tungkol sa isyu
Nabibigayang kahulugan ang pamilyar at di
C. MgaKasanayang
kilalang salita sa pamamagitan ng gamit sa
Pampagkatuto/Layunin
pangungusap. (F6PB - Id - 20)
II. PAKSA
Pagbibigay Kahulugan sa mga pamilyar at di pamilyar na salita sa pamamagitan
gamit sa pangungusap.
III. MGA KAGAMITAN

A. Sanggunian:K to 12 Gabay Pangkurikulum, Hiyas sa Pagbasa pp. 96-99

B. Iba pang kagamitang pampagtuturo:Tsart, Meta Cards, PowerPoint

IV. PAMAMARAAN
A. Balik-aral at/o Panimula

Balikan ang siniping talata. Ipabigay ang mga panghalip na ginamit at mga salitang
di pamilyar.

B. Pagganyak

Nakakita na ba kayo ng ibon?


Kung papipiliin kayo ng isang ibong aalagaan, anong ibon ang gusto mo? Bakit?

Pangganyak na Tanong:Ano kaya ang naitutulong ng mga ibon sa kalikasan?

C. Paglalahad ng Aralin

Tukuyin ang kasingkahulugan ng mga salitang may salungguhit. Piliin ang


titik ng tamang sagot.
1. Namumugad sa punong Mangga ang ibong Maya.
a. dumapo b. nangingitlog c. natutulog

2. Iniwan ng inahing ibon ang inakay kaya nagtatalak ito.


a. umaawit b. naglulundag c. nag-iingay

88
3. Umiindayog ang dahon sa hihip ng hangin.
a. nagliliparan b. nag-aawitan c. nagsasayaw

1. Pag-alis ng Sagabal
Ibigay ang kahulugan ng sumusunod na mga salita at gamitin sa pangungusap:

bagting na umiindayog
namumukod
manunggab
nagtatalak
namumugad

2. Pamantayan sa pagbasa nang malakas

3. Ipabasa ang tulang, “Ang Daigdig ng mga Ibon” ( sumangguni sa kalakip


na tula)
D. Pagtalakay sa Aralin

89
Pagsagot sa mgaTanong sa Pang-Unawa:
1. Ano kaya ang naitutulong ng mga ibon sa kalikasan?
2. Saan inihambing ng makata ang mga ibong lumilipad?
3. Paano tinatawag ng mga lalaking ibon ang pansin ng mga ibong babae?
4. Patunayang himala at Malaya ang daigdig ng mga ibon.
5. Paano nakatutulong ang mga ibon sa mga magsasaka

Gawain:
Isulat ang mga pamilyar at di pamilyar na mga salita na ginamit sa tula at ibigay ang
kahulugan ng mga ito. Sundin ang sumusunod na talahanayan.

Mga Salita Kahulugan


A.Pamilyar
1.
2.
3.
4.
5.
B.Di pamilyar
1.
2.
3.
4.
5.

Pag-uulat ng pangkatang gawain at pagproseso ng mga sagot.

E. aglalahat
Paano maibibigay ang kahulugan ng pamilyar at di kilalang salita?

F. Paglalapat

GAWAIN
Kumuha ng kapareha at hanapin sa loob ng kahon sa ibaba ang kahulugan
ng salitang may salungguhit.
1. Kahit galit ang nanay ko, malumanay pa rin siya kung magsalita.

2. Dapat bigyang-pitagan ang mga kaugalian ng ibang bansa.


90
3. Magbuhat nang malaman ko na siya pala ay magnanakaw, namuhi
na ako sa kanya.

4. Nagapi ng mga sundalo ang mga kaaway.

natalo igalang mahinahon asar mataray

G. Pagtataya
Ibigay ang kahulugan ng mga sinalungguhitang di pamilyar na mga salita o parirala
sa sumusunod na mga pangungusap. Bilugan ang letra ng tamang sagot.

1. Ang mag-anak na Cruz ay nabiktima ng mga mandarambong kahapon.


a. mamamatay-tao c. mandirigma
b. manloloob d. nagulo

2. Napaalis ng mga sundalo ang mga terorista.


a. nagulo c. naitaboy
b. napasama d. napatay

3. Makukulay ang mga banderitas na inilagay sa mga bintana.


a. mga parol c. ginugupit-gupit na papel
b. mga pananim d. mga bandila

4. Masama ang tawag sa uwak na kilalang mangungulimbat sa lahat ng ibon.


a. mangungubat c. mandirigma
b. mamamatay-tao d. manloloob

5. Namatay ang kanyang alagang aso.


a. nawala c. naglaho
b. walang buhay d. nanakaw
H. Karagdagang Gawain at/o Pagpapahusay

Magbasa o makinig ng balita at magtala ng (10) pamilyar at (10) di pamilyar na


salita.

91
(Ibigay ang mga kahulugan gamit ang diksiyunaryo.)

V. MGA TALA
VI. PAGNINILAY
H. Bilang ng mag-aaral na nagtamong 80% sa
pagtataya
I. Bilang ng mag-aaral na nangangailang ang mga
gawaing pagpapahusay(remedial)
J. Nakatulong ba ang pagpapahusay(remedial)?
Bilang ng mag-aaral na naunawaanangaralin.
K. Bilang ng mag-aaral na patuloy na nangangailangan
ng pagpapahusay (remediation)
L. Alin sa aking pagtuturo ang nagging epektibo? Bakit?
M. Ano-ano ang aking nagging suliranin na maaaring
malutas sa tulong ng aking punongguro at
superbisor?
N. Anong mga inobasyon o lokalisasyon sa mga
kagamitan ang ginamit /natuklasan ko na nais kong
ibahagi sa ibang guro?

92
MASUSING Paaralan Baitang 6
BANGHAY- Guro Asignatura Filipino
Petsa at Oras Markahan F6Q1W4D5
ARALIN

I. LAYUNIN
A. Pamantayang Naipamamalas ang iba’t ibang kasanayan upang
Pangnilalaman maunawaan ang iba’t ibang teksto
B. Pamantayan sa Nagagamit ang mga nakalimbag at di-nakalimbag na
Pagganap mga kagamitan sa pagsasaliksik
C. Mga Kasanayang Nagagamit ang Pangkalahatang Sanggunian
Pampagkatuto/Layunin (F6EP – Ib– f – 6)
II. PAKSA
Paggamit ng Pangkalahatang Sanggunian (diksiyonaryo, ensayklopidya,
atlas)
III. MGA KAGAMITAN

A. Sanggunian: Gabay Pangkurikulum sa Filipino 6,


Landas sa Pagbasa pp.186-190
B. Iba pang kagamitang pampagtuturo: Tsart, diksyunaryo, laptop at projector

IV. PAMAMARAAN
A. Balik-aral at/o Panimula
Tumawag ng ilang mag-aaral na magbibigay ng mga salitang naitala mula sa
balitang nabasa o napakinggan at ipabigay ang kahulugan nito gamit ang diksiyonaryo.

B. Pagganyak
( Itanong kung ano-anong mga sangguniang aklat ang madalas gamitin sa
kanilang pag- aaral)

Pangganyak na Tanong:
Ano-ano ang tawag sa Diyos ng ating mga ninuno?
(Iugnay ito sa babasahing akda.)

C. Paglalahad ng Aralin

Pag-alis ng Sagabal:
Ibigay ang kahulugan ng sumusunod na mga salita:
a. diyos-diyosan
b. Kristiyanismo
c. Dakilang Lumikha
d. Bathala
e. Salinlahi

93
Pagbibigay ng Pamantayan sa Pagbasa

Tumawag ng ilang bata at ipabasa nang pabigkas ang seleksiyon habang ang
iba ay nagbabasa nang tahimik.

Pagbasa ng seleksiyon “Ang Diyos ng mga Ninuno” (Sumangguni sa kalakip na kuwento)


.
D. Pagtalakay sa Aralin

Pagsagot sa mga tanong:


1. Ano-ano ang tawag sa diyos ng ating mga ninuno?
2. Anong relihiyon ang ipinakilala sa Pilipinas ng mga Espanyol?
3. Maraming tawag ang mga ninuno natin sa sinasamba nilang Dakilang Lumikha. Sa
palagay mo ba ay magkakaiba o iisa lamang ang Dakilang Lumikhang sinasamba
nila? Ipaliwanag ang sagot.
4. Lahat ba ng mga salita sa seleksyon ay madaling maintindihan?
Ano-anong sanggunian ang maaari mo pang gamitin sa pagkalap ng mga
impormasyon?

Paggamit ng mga Pangkalahatang Sanggunian

Ang mga pangkalahatang sanggunian ay naglalahad ng mga paksa


ayon sa gamit.

1. Diksyunaryo - Ito ay isang aklat na naglalaman ng mga piniling salita ng isang


wika o ng isang natatanging uri ng mga salita na karaniwang inaayos nang
paabakada. Ito ay may kasamang paliwanag ng mga kahulugan, wastong
bigkas, bahagi ng pananalita at kung minsan ay kasalungat na kahulugan ng
mga salita.

2. Ensayklopidya - Ito ay kalipunan ng mga aklat na nagbibigay ng panlahat na


kaalaman, kabatiran o impormasyon tungkol sa lahat ng sangay ng
karunungan na ang mga lathalain ay inayos sa mga letra ng alpabeto.

3. Almanak - Ito ay aklat na nagtataglay ng kalendaryo ng mga araw, buwan at


petsa na naglalaman ng iba't ibang kaalaman ukol sa kasaysayan,
katotohanan hinggil sa pamahalaan, pangyayaring pampalakasan, pag-unlad
ng medisina at marami pang iba.

4. Atlas - Ito ay kalipunan ng mga mapang nasa ayos ng isang aklat.

E. Paglalahat

Bakit mahalagang matutuhan ang wastong paggamit ng mga


pangkalahatang sanggunian?

94
F. Paglalapat
1. Alin sa mga pangkalahatang sanggunian ang gagamitin mo kung nais mong
malaman ang sumusunod na mga kabatiran?

1. Kahulugan ng isang salita


2. Natatanging tradisyon ng isang bansa
3. Wastong bigkas ng salita
4. Mapa ng Asya-Pasipiko
5. Naglalaman ng iba’t ibang kaalaman ukol sa kasaysayan at
iba pa.

G. Pagtataya

Gamitin ang angkop na sanggunian sa paghahanap ng sumusunod na mga


impormasyon. Isulat sa patlang ang tamang sagot.

________1. kasalungat ng magiting


________2. uri ng mga paruparo
________3. mga pangyayari noong Pebrero 1986
________4. pamahalaan at relihiyon ng bansang Hapon
________5. mga paligsahang pinagwagihan ni Rafael “Paeng” Nepomuceno
________6. wastong bigkas ng salitang mahistrado
________7. mga estado ng Estados Unidos
________8. mga impormasyon ukol kayJose Abad Santos
________9. kahulugan ng salitang bisyo

H. Karagdagang Gawain at/o Pagpapahusay

Tukuyin ang angkop na sanggunian upang maibigay ang wastong impormasyon sa


sumusunod na mga paksa.

1. Kahulugan at wastong bigkas ng mga salita


2. Impormasyon tungkol sa lahat ng sangay ng karunungan
3. Naglalaman ng iba’t ibang kaalaman hinggil sa pamahalaan, pag-unlad ng
medisina, atbp.
4. Kalipunan ng mga mapa.

V. MGA TALA
VI. PAGNINILAY
A. Bilang ng mag-aaral na
nagtamo ng 80% sa
pagtataya
B. Bilang ng mag-aaral na
nangangailangan ng mga

95
gawaing pagpapahusay
(remedial)
C. Nakatulong ba ang
pagpapahusay (remedial)?
Bilang ng mag-aaral na
naunawaan ang aralin
D. Bilang ng mag-aaral na
patuloy na
nangangailangan ng
pagpapahusay
(remediation)
E. Alin sa aking pagtuturo ang
nag ing epektibo? Bakit?
F. Ano-ano ang aking naging
suliranin na maaaring
malutas sa tulong ng aking
punongguro at superbisor?
G. Anong mga inobasyon o
lokalisasyon sa mga
kagamitan ang ginamit
/natuklasan ko na nais kong
ibahagi sa ibang guro?

96
MASUSING Paaralan Baitang 6
BANGHAY- Guro Asignatura Filipino
Petsa at Markahan F6Q1W5D1
ARALIN Oras

I. LAYUNIN
Naipamamalas ang kakayahan sa
A. Pamantayang
mapanuring pakikinig at pag-unawa sa
Pangnilalaman
napakinggan
Nasasaulo ang isang tula/awit na
napakinggan at naisasadula ang isang isyu o
B. Pamantayan sa Pagganap
paksa mula sa tekstong napakinggan

Nakapagbibigay ng hinuha sa kalalabasan ng


C. MgaKasanayang mga pangyayari sa alamat na napakinggan
Pampagkatuto/Layunin ( F6PN-Id-e12)

II. PAKSA

Pagbibigay ng Hinuha sa Kalalabasan ng mga Pangyayari sa Alamat na


Napakinggan

III. MGA KAGAMITAN

Sanggunian: K to 12 Gabay Pangkurikulum


Hiyas sa Wika 6 p. 225-227
The Modern Teacher Vol. XLI No. 10, March 1993 p. 438
The Modern Teacher Vol. LXXIV No. 5, October 1995 p. 213
Iba pang kagamitang pampagtuturo : Sipi ng mga alamat, kagamitang
pampagtuturo, panulat, papel, laptop, speaker at projector

IV. PAMAMARAAN
KKKK. Balik-aral at/o Panimula

Isang alamat ang inyong mapapakinggan...

Inaasahang pagkatapos ng araling ito, kayo ay makapagbibigay ng hinuha


sa kalalabasan ng mga pangyayari mula sa mapapakinggang alamat.

97
LLLL. Pagganyak
May alam ka bang alamat?
Sino ang makapagbabahagi ng isang nabasang alamat?

Pangganyak na tanong: Ano kaya ang kinahinatnan ng mga pangyayari


sa alamat?
( Maaaring pahulaan ang kinahinatnan ng alamat)

MMMM. Paglalahad ng Aralin


Ang mga Pilipino ay mayaman sa mga alamat o kuwento tungkol
sa pinagmulan ng mga bagay-bagay...

Paglinang ng talasalitaan:
Ibigay ang kahulugan ng mga salitang sinalungguhitan sa sumusunod
na mga pangungusap.
1.Naghanda ang mga tao sa unos na paparating.
2. Nagulantang ang mga tao sa malakas na pagsabog.
3. Inaninaw ni ate sa dilim ng silid ang kanyang bag na pamasok.
Ibigay ang pamantayan sa pakikinig

Iparinig ang alamat na Nawala sa Unos


( Maaaring basahin ng guro o “recorded” )

NNNN. Pagtalakay sa Aralin


Pagsagot sa mga tanong:
1. Ano kaya ang kinahinatnan ng mga pangyayari sa alamat?
(Balikan ang ibinigay na hula ng mga mag-aaral)
2. Kung ikaw si Aling Lita, gagawin mo rin kaya ang kanyang ginawa?
Bakit?
3. Anong pagpapahalaga ang ipinakita ni Aling Lita?

(Magbibigay ng input ang guro tungkol sa pagbibigay ng hinuha


sa kalalabasan ng mga pangyayari sa isang akda)

Pangkatang Gawain
Pangkat 1 – Isalaysay ang unang bahagi ng alamat
Pangkat 2 – Isalaysay ang gitnang bahagi ng alamat
Pangkat 3 - Isalaysay ang wakas/kinahinatnan ng pangyayari.

OOOO. Paglalahat
Paano mo mahihinuha ang maaaring kalalabasan ng mga pangyayari
sa isang akda?

98
PPPP. Paglalapat
Ibigay ang hinuha sa kalalabasan ng mga pangyayari sa alamat na
iparirinig ng guro na may pamagat na “Torong Ginto”
( Hatiin sa dalawang bahagi ang akda. Iparinig muna ang unang bahagi
nito at pabigyan ng hinuha ang maaaring kahihinatnan ng mga
pangyayari.)

Tanong;
Ano ang nangyari sa Torong Ginto at prinsesa?
Kung sakaling magpakitang muli ang Torong Ginto, ano kaya ang
magiging hatid nito sa mga tao?

QQQQ. Pagtataya
Magbigay ng hinuha sa kalalabasan ng mga pangyayari sa
napakinggang alamat. (Ipagpapatuloy ang pakikinig sa ikalawang bahagi
ng alamat.)

Mga tanong:
1. Ano kaya ang gagawin ng Raha’t Lakan upang hindi na
magpakita ang Torong Ginto?
2. Ano kaya ang mangyayari sa binata?

RRRR. Karagdagang Gawain at/o Pagpapahusay


Magbasa ng isang alamat at itala ang mga panghalip na ginamit dito.
V. MGA TALA
VI. PAGNINILAY
ZZZ. Bilang ng mag-aaral na nagtamong 80% sa
pagtataya
AAAA. Bilang ng mag-aaral na nangangailangan
ng mga gawaing pagpapahusay(remedial)
BBBB. Nakatulong ba ang
pagpapahusay(remedial)?
Bilang ng mag-aaral na naunawaan ang aralin
CCCC. Bilang ng mag-aaral na patuloy na
nangangailangan ng pagpapahusay (remediation)
DDDD. Alin sa aking pagtuturo ang nagging
epektibo?Bakit?
EEEE. Ano-ano ang aking nagging suliranin na
maaaring malutas sa tulong ng aking punongguro
at superbisor?
FFFF. Anong mga inobasyon o lokalisasyon sa
mga kagamitan ang ginamit /natuklasan ko na
nais kong ibahagi sa ibang guro?

99
MASUSING Paaralan Baitang 6
BANGHAY- Guro Asignatura Filipino
ARALIN Petsa at Oras Markahan F6Q1W5D2

I. LAYUNIN
Naipamamalas ang kakayahan at tatas sa
pagsasalita at pagpapahayag ng sariling
A. Pamantayang Pangnilalaman
ideya, kaisipan, karanasan at damdamin

Nakasasali sa isang usapan tungkol sa isyu


B. Pamantayan sa Pagganap
Nagagamit ang iba’t ibang uring panghalip
C. Mga Kasanayang
sa iba’t ibang sitwasyon (F6WG-Ie-g3)
Pampagkatuto/Layunin

II. PAKSA

Paggamit ng iba’t ibang uring Panghalip


III. MGA KAGAMITAN

A. Sanggunian: Landas sa Wika 6 p. 70-8, Hiyas sa Wika 6 p. 54,66


B. Iba pang kagamitang pampagtuturo: strip ng kartolina, papel, laptop,
projector

IV. PAMAMARAAN
SSSS. Balik-aral at/o Panimula
Sino ang nakabasa ng isang alamat?

(Tumawag ng mag-aaral na maaaring magbahagi ng kanyang binasang alamat


at ipatukoy ang mga panghalip na ginamit dito.)

TTTT. Pagganyak
1. Hatiin ang buong klase sa sampung (10) grupo. Bawat grupo ay bibigyan ng strip
ng kartolina. Ang unang limang grupo ay hawak ang mga uri ng panghalip at ang
sumunod na limang grupo ay hawak ang kahulugan ng mga ito. Hahanapin ng
bawat grupo ang katumbas ng hawak nilang strip ng kartolina.
2. Ipaskil sa pisara at ipasuri ang kanilang nabuo.

3. Iproseso ng guro ang kinalabasan ng gawain.

100
UUUU. Paglalahad ng Aralin

Ngayong araw ay pag-aaralan natin ang iba’t ibang uri ng panghalip at


gagamitin natin ang mga ito sa iba’t ibang sitwasyon.
(Sa bahaging ito, ipabasa o basahin muna ang kalakip na salaysay.)

Tanong:
1. Ano ang tinutukoy sa salaysay?
2. Saan ito matatagpuan?
3. May ginamit bang mga panghalip sa salaysay?
4. Ano-ano ang mga ito?

VVVV. Pagtalakay sa Aralin

Talakayin ang iba’t ibang uri ng panghalip.

A. Gawain:
(Hatiin sa limang pangkat ang klase)

Panuto: Basahin ang sumusunod na sitwasyon. Gamitin ang iba’t ibang uri ng
panghalip sa pagsagot sa mga tanong.

Pangkat 1 – Dumating ang tatay ni Emdee galing opisina. Maraming


dalang pasalubong na pagkain. Binuksan ni Emdee sa
harap ng kaniyang mga kalaro ang maraming masapan de
pili at kendi na gawa sa pili. Ano ang dapat niyang gawin?
(dayalogo)

Pangkat 2 – Hindi ka isinama ng iyong mga magulang sa kanilang


pamamasyal sa SM Legazpi City. Ano ang inyong
mararamdaman? (usapan)

Pangkat 3 - Nagbakasyon kang tatlong linggo sa iyong kamag-anak


sa Naga City, Camarines Sur. Sa iyong pag-uwi, naisip
mo ang iyong mga magulang at mgakapatid na daratnan sa
bahay. Ano ang iyong gagawin? (pagsulat ng isang talata)

Pangkat 4 – Namasyal sa Mall ang iyong nakatatandang kapatid


Kasama ang iyong pinsan at dumating sila na wala ni isa
mang pasalubong sa iyo. Dapat ka bang magalit sa kanila?
Bigyang katwiran ang iyong pahayag. (text message)

101
B. Presentasyon ng bawat Pangkat.

Rubrik sa Pagmamarka

Deskripsiyon Puntos Nakuhang


Puntos
Nailahad nang maayos ang katwiran sa 5
ibinigay na sitwasyon
Nagamit nang wasto ang mga panghalip 5
Ang lahat ng kasapi ay nakapag-ambag ng 3
kanilang ideya at katwiran
Malinaw at maayos ang naging 2
presentasyon
Kabuuan 15

C. Pagproseso ng guro sa kinalabasan ng pangkatang gawain


WWWW. Paglalahat
Paano nagiging mahalaga ang mga panghalip sa pakikipag-usap?
XXXX. Paglalapat

Sagutin ang tanong sa ibaba batay sa sitwasyong inilahad.Gumamit ng


iba’t ibang Panghalip sa paglalahad ng sagot.

Sitwasyon:
Isa sa iyong kamag-aral ay magdiriwang ng kaniyang kaarawan at
inimbitahan kayong lahat na magkakaklase subalit na taon ito sa araw
kung saan itatanghal sa inyong paaralan ang buhay ng isang bayani sa
inyong lugar na gagampanan ng mga guro at mag-aaral sa ikaanim na
baitang. Ano ang iyong gagawin?

YYYY. Pagtataya

Gamitin ang iba’t ibang uri ng panghalip sa pagsagot sa sumusunod na


sitwasyon.

Sitwasyon:
1. Sumama ka sa iyong kamag-aral sa paglalaro sa World of Fun sa
isang mall sa halip na umuwi nang maaga pagkagaling sa paaralan.
Ginabi ka ng uwi ng bahay at nadatnan mo na nagpapahinga na ang

102
iyong ama at ina. Tinanong ka kung saan galing. Ano ang gagawin
mo?

2. Bumibili ka ng pagkain sa isang convenient store. Nang magbabayad


ka na, may nakita kang dalawampung piso sa ibabang estante ng mga
inumin. May nakatayong guwardiya sa pintuan sa di kalayuan. Ano
ang gagawin mo?

ZZZZ. Karagdagang Gawain at/o Pagpapahusay

Basahin nang mabuti ang sumusunod na sitwasyon at sagutin ang tanong


gamit ang iba’t ibang panghalip. Itala ang ilang mga salitang di-pamilyar .

Umalis ang iyong Nanay patungo ng palengke pagkatapos


maglaba. Nagbilin siya bago umalis na isampay sa sampayan sa likod ng
bahay ang mga damit na kanyang nilabhan.Ngunit ilang segundo lang
mula nang umalis ang iyong ina ay dumating ang pinsan mo at
nagpapatulong sa kanyang proyekto tungkol sa mgaIdiomatic
Expression. Ano ang gagawin mo?

(Maaaring magpadala ang guro ng diksiyunaryo para sa susunod na


talakayan.)
V. MGA TALA
VI. PAGNINILAY
GGGG. Bilang ng mag-aaral na nagtamong 80% sa
pagtataya.
HHHH. Bilang ng mag-aaral na nangangailangan ng
mga gawaing pagpapahusay(remedial)
IIII. Nakatulong ba ang pagpapahusay
(remedial)?
Bilang ng mag-aaral na naunawaan ang aralin
JJJJ. Bilang ng mag-aaral na patuloy na
nangangailangan ng pagpapahusay (remediation)
KKKK. Alin sa aking pagtuturo ang naging
epektibo?Bakit?
LLLL. Ano-ano ang aking nagging suliranin na
maaaring malutas sa tulong ng aking Punongguro at
superbisor?
MMMM. Anong mga inobasyon o lokalisasyon sa mga
kagamitan ang ginamit /natuklasan ko na nais kong
ibahagi sa ibang guro?

103
MASUSING Paaralan Baitang 6
BANGHAY- Guro Asignatura Filipino
ARALIN Petsa at Oras Markahan F6Q1W5D3

I. LAYUNIN
Naisasagawa ang mapanuring pagbasa sa
A. Pamantayang Pangnilalaman iba’t ibang uri ng teksto at napalalawak
ang talasalitaan
Nakabubuo ng sariling diksyunaryo ng mga
bagong salita mula sa mga binasa;
B. Pamantayan sa Pagganap
naisasadula ang mga maaaring
mangyari sa nabasang teksto
Naibibigay ang kahulugan ng pamilyar at di-
C. Mga Kasanayang
kilalang salita sa pamamagitan ng
Pampagkatuto/Layunin
sitwasyong pinaggamitan (F6PT-Ie-1.8)
II. PAKSA

Pagbibigay Kahulugan sa Pamilyar at Di kilalang Salita sa Pamamagitan ng


Sitwasyong Pinaggamitan
III. MGA KAGAMITAN
A.Sanggunian: K to 12 Gabay Pangkurikulum Landas sa Pagbasa 6, Aralin 5
p.24-25
B. Iba pang kagamitang Pampagtuturo: Sipi ng iba’t ibang sitwasyon, sipi ng
tekstong “Pista sa Aming Bayan”, panulat,
papel, diksyunaryo
IV. PAMAMARAAN
AAAAA. Balik-aral at/o Panimula
Tumawag ng ilang mag-aaral upang basahin ang sagot sa ibinigay na
karagdagang pagsasanay. Pagkatapos ipabigay ang salitang di gaanong
pamilyar sa kanila mula sa sitwasyong ibinigay ng guro.
BBBBB. Pagganyak
1. Gawain: Ano-anong mga sitwasyon ang makikita tuwing may pista sa inyong
bayan?

Pistasa
Bayan

104
2. Batay sa inyong mga sagot, alin sa mga ito ang ginagawa rin ng inyong pamilya?

Pangganyak na Tanong: Bakit kaya ipinagdiriwang ang pistang bayan sa ating


bansa?

CCCCC. Paglalahad ng Aralin

Paglinang ng Talasalitaan:
Tukuyin sa loob ng kahon ang kahulugan ng sinalungguhitang
di-pamilyar na mga salita sa sumusunod na mga sitwasyon:

1. Hindi magkamayaw sa ingay ng pagbabatian at pagbabalitaan ng mga


balikbayan at mga panauhin mula sa ibang bayan.
2. Umaambag din sa sigla at saya ang malakas na bunghalit ng
mga tugtugin sa mga perya at pondahan at maging sa mga tahanan.
3. Nagpapagaraan sa ganda at kulay ang mga arko at banderitas sa
kalye.
4. Malalaking talyasing pagkain ang nakasalang sa kalan sa mga kusina
at sa mga bakuran.
5. Makukulay na banderitas ang nasa kalye kung araw ng pista.

a. nagpapagalingan b. ginupit-gupit na papel panggayak


c. magkarinigan at magkaunawaan d. kawa
e. malakas f. kawali

Pagbibigay ng Pamantayan sa Pagbasa

Pagbasa ng tekstong, “Pista sa Aming Bayan”. (Sumangguni sa kalakip na teksto)

DDDDD. Pagtalakay sa Aralin

Pagsagot sa sumusunod na mga tanong batay sa binasang teksto.

105
1.Bakit kaya ipinagdiriwang ang pistang bayan?

2. Paano ipinagdiriwang ang pistang bayan batay sa sanaysay?

3. Sang-ayon ka ba na ipagpatuloy ang tradisyon ng


pagdiriwang ng pistang bayan?

Pangkatang Gawain

Gawain: Ibigay ang kahulugan ng mga sinalungguhitang pamilyar at di kilalang


mga salita na ginamit sa sumusunod na mga sitwasyon. Gamitin ang
diksiyunaryo.

Pangkat 1 –Abala ang bawat tahanan sa paghahanda ng mga


pagkaing ihahain sa mesa para sa mga bisita na darating.
Pangkat 2 – Masayang naghahanda ang mga tao bilang pasasalamat
sa Poong Maykapal dahil sa kaloob Niyang biyaya sa tao.
Pangkat 3 - Ang pista ng bayan ay ipinagdiriwang bilang paggunita sa
kaarawan ng patron ngbayan.
Pangkat 4 – Iilang pamilya na lamang ang nagdaraos ng pista na may
marangyang handaan sa hirap ng buhay.
Pangkat 5 – Sa ngayon, mangilan-ngilan na lamang ang pamilyang
naghahanda tuwing may pista.

Pag-uulat ng bawat pangkat at pagproseso ng guro sa mga kasagutan.

EEEEE. Paglalahat

Paano ninyo matutukoy ang kahulugan ng mga salitang pamilyar at


di-pamilyar sa isang sitwasyon?
FFFFF. Paglalapat
Basahin ang sumusunod na maikling teksto at ibigay ang kahulugan ng mga
salitang may salungguhit.

106
Isang araw, mabilis na pumanhik ng bahay si Nikko galing sa paglalaro ng
basketbol. Dumiretso siya sa kaniyang kuwarto at dahan- dahan niyang ipininid
ang pinto saka humikbi. Hindi niya namalayang naroon sa sala ang ina at ito ay
tumungo sa kaniyang kuwarto upang magtanong kung ano ang nangyari?

GGGGG. Pagtataya

Panuto: Basahin nang mabuti ang teksto tungkol kay Dalisay. Piliin sa loob ng
kahon ang kahulugan ng mga salitang pamilyar at di kilalang mga salita
sa pamamagitan ng sitwasyong pinaggamitan nito.
Si G. Dalisay ay (1) mapaglingap sa kaniyang mga kabarangay.
Tuwing umuuwi galing ibang bansa hindi niya (2) nakaliligtaang mamahagi
ng mga pagkain at damit lalo na sa mga (3) kapuspalad. Ayon kay G.
Dalisay, ginagawa niya ito dahil minsan ay galing din siya sa isang (4)payak
na pamilya na nagsumikap na mapaunlad at maiangat ang buhay. Kaya
naman taos sa puso ang kanyang paglingap sa mga kagaya niya noon.
Tunay nakarapat-dapat na (5) pamarisan ang kagaya ni G. Dalisay na
marunong lumingon sa pinanggalingan

. Pagpipilian:
nakalimutan gayahin simple mahirap mapagmahal

HHHHH. Karagdagang Gawain at/o Pagpapahusay

Magbasa ng isang maikling teksto mula sa isa sa mga sangguniang aklat sa


Filipino at sagutin ang sumusunod na mga tanong:
1. Ano-anong mga di-pamilyar na salita ang ginamit dito?
(Ibigay ang kahulugan ng mga ito)
2. Ano-anong mga impormasyon ang nakuha mo mula sa binasang teksto?

V. MGA TALA
VI. PAGNINILAY
NNNN. Bilang ng mag-aaral na
nagtamong 80% sa pagtataya
OOOO. Bilang ng mag-aaral na
nangangailangan ng mga
gawaing
pagpapahusay(remedial)
PPPP. Nakatulong ba ang
pagpapahusay(remedial)?
Bilang ng mag-aaral na
naunawaan ang aralin

107
QQQQ. Bilang ng mag-aaral na
patuloy na nangangailangan ng
pagpapahusay (remediation)
RRRR. Alin sa aking pagtuturo
ang nagging epektibo?Bakit?
SSSS. Ano-ano ang aking nagging
suliranin na maaaring malutas
sa tulong ng aking punongguro
at superbisor?
TTTT. Anong mga inobasyon o
lokalisasyon sa mga kagamitan
ang ginamit /natuklasan ko na
nais kong ibahagi sa ibang
guro?

108
MASUSING Paaralan Baitang 6
BANGHAY- Guro Asignatura Filipino
Petsa at Markahan F6Q1W5D4
ARALIN Oras

I. LAYUNIN
Naisasagawa ang mapanuring pagbasa sa iba’t
ibang uri ng teksto at napalalawak ang
A. Pamantayang Pangnilalaman
talasalitaan

Nakabubuo ng sariling diksyunaryo ng mga


bagong salita mula sa mga binasa; naisasadula
B. Pamantayan sa Pagganap
ang mga maaaring mangyari sa nabasang teksto

Nasasagot ang mga tanong tungkol sa


C. Mga Kasanayang tekstong pang-impormasyon
Pampagkatuto/Layunin (F6PB-Ic-e-3.1.2)

II. PAKSA
Pagsagot sa mga Tanong Tungkol sa Tekstong Pang-impormasyon.

III. MGA KAGAMITAN


A. Sanggunian: K to 12 Gabay Pangkurikulum
The Philippine Journal of Education Vol LXXVII #2,
July 1998 p. 64,93 Hiyas sa Wika 6 p. 23-24,
Landas sa Pagbasa 6 p. 145 LRMDS Sorsogon City
Division Local Heritage Matrix p. 24-2
B. Iba pang kagamitang pampagtuturo : sipi ng teksto, laptop at
projector

IV. PAMAMARAAN
IIIII. Balik-aral at/o Panimula

Ipabahagi ang sagot ng mga mag-aaral sa sumusunod na mga tanong batay


sa kanilang nabasang teksto.
3. Ano-anong mga di-pamilyar na salita ang ginamit dito?
(Ibigay ang kahulugan ng mga ito)
4. Ano-anong mga impormasyon ang nakuha mo mula sa binasang
teksto?
JJJJJ. Pagganyak
Anong kaugaliang Pilipino ang nagpapakita ng pananampalataya ng
Kristiyano? Kung ang mga Kristiyano ay may Semana Santa o Mahal na Araw,
mayroon din kaya ang mga Muslim?

109
(Magkakaroon ng palitan ng mga kuro-kuro.)

Pangganyak na Tanong:
Ano ang Ramadan?
KKKKK. Paglalahad ng Aralin
Paglalahad ng tekstong babasahin
Pagbibigay ng pamantayan sa pabigkas na pagbasa
Pagbasa ng teksto (Maaaring ipabasa sa isang mag-aaral
o guro ang magbabasa)
(Sumangguni sa kalakip na teksto)
LLLLL. Pagtalakay sa Aralin
Pagsagot sa sumusunod na mga tanong:

1. Ano ang Ramadan?


2. Kailan ito ipinagdiriwang?
3. Paano ipinagdiriwang ng mga Muslim ang Ramadan?
4. Ano ang ginagawa nila sa panahon ng Ramadan?
5. Anong uri ng teksto ang inyong binasa?

Pagbibigay ng input ng guro sa tekstong pang-impormasyon

Pangkatang Gawain:

Ang bawat pangkat ay bibigyan ng maikling tekstong pang-


impormasyon na nakasulat sa metacard. Basahin at sagutin ang mga tanong
kaugnay nito. (Kalakip ang gawain)

Pag-uulat ng bawat pangkat at pagproseso ng guro.

MMMMM. Paglalahat

Ano ang tekstong pang-impormasyon?


Paano mo maibibigay ang wastong impormasyon batay sa binasang teksto?

NNNNN. Paglalapat

Basahin at unawain ang tekstong “Pinakamahabang Pader sa Buong Mundo” at


sagutin ang sumusunod na mga tanong.

Tanong:
1. Saan matatagpuan ang pinakamahabang pader sa buong mundo?
2. Sino ang nagtayo nito?
3. Kailan ito itinayo?
4. Ilan ang haba ng pader?
5. Bakit kaya itinayo ang pader na ito?
110
OOOOO. Pagtataya
Panuto: Basahin nang mabuti ang tekstong Pili Festival at sagutin ang
sumusunod na mga tanong.
Tanong:
1. Anong festival ang ipinagdiriwang sa Lungsod ng Sorsogon?
2. Kailan at bakit ito ipinagdiriwang?
3. Paano pinatitingkad ang selebrasyon?
4. Anong mga produkto ang maaaring magawa mula sa bungang pili?

PPPPP. Karagdagang Gawain at/o Pagpapahusay

Pamagat ng teksto Mga impormasyong nakuha

Magbasa ng anumang teksto sa inyong silid-aklatan at itala ang mga impormasyong


makukuha mula rito.

V. MGA TALA
VI. PAGNINILAY
UUUU. Bilang ng mag-aaral na nagtamong 80% sa
pagtataya
VVVV. Bilang ng mag-aaral na nangangailangan
ng mga gawaing pagpapahusay(remedial)
WWWW. Nakatulong ba ang
pagpapahusay(remedial)?
Bilang ng mag-aaral na naunawaan ang aralin
XXXX. Bilang ng mag-aaral na patuloy na
nangangailangan ng pagpapahusay (remediation)
YYYY. Alin sa aking pagtuturo ang naging
epektibo? Bakit?
ZZZZ. Ano-ano ang aking naging suliranin na
maaaring malutas sa tulong ng aking punongguro
at superbisor?
AAAAA. Anong mga inobasyon o lokalisasyon sa
mga kagamitanang ginamit /natuklasan ko na nais
kong ibahagi sa ibang guro?

111
MASUSING Paaralan Baitang 6
BANGHAY- Guro Asignatura Filipino
Petsa at Markahan F6Q1W5D5
ARALIN Oras

I. LAYUNIN
Naipamamalas ang iba’t ibang kasanayan
A. Pamantayang
upang maunawaan ang iba’t ibang teksto
Pangnilalaman
Nagagamit ang nakalimbag at di nakalimbag na
B. Pamantayan sa
mga kagamitan sa pagsasaliksik
Pagganap
C. Mga Kasanayang
Napupunan nang wasto ang kard na pang-
aklatan(F6L-IIf-j-5)
Pampagkatuto/Layunin
II. PAKSA

Pagpuno nang Wasto sa Kard na Pang-aklatan


III. MGA KAGAMITAN

W. Sanggunian: The Modern Teacher Vol.XLV, No.6 p. 228


X. Iba pang kagamitang pampagtuturo: Kard na pang-aklatan,
index card, Manila paper, panulat

IV. PAMAMARAAN
QQQQQ. Balik-aral at/o Panimula
Pagtawag ng ilang mag-aaral na magbabahagi ng mga nakalap na
impormasyon sa tekstong binasa sa kanilang silid-aklatan.
RRRRR. Pagganyak
Ipasuri ang larawan ng isang silid-aklatan.

112
Tanong:
Ano ang mga makikita sa larawan?
Sa ating paaralan, saan natin matatagpuan ang mga bagay na ito?
Nagkaroon na ba kayo ng pagkakataong makahiram ng mga aklat
sa silid-aklatan ?
SSSSS. PaglalahadngAralin

(Paglalahad ng guro ng paksang aralin)

...Sinasabing ang silid-aklatan ay “ang memorya ng sangkatauhan”.


Mamamangha ang sinuman sapagkat dito ay nakaimbak ang
napakaraming kaalaman. Ngayong araw ang aralin ay may kaugnayan
sa silid-aklatan. Isa sa mahahalagang bagay na dapat meron ang
sinumang gagamit ng silid-aklatan ay ang kard na ito.

(Maaaring magpakita ng isang larawan o halimbawa ng kard na pang-


aklatan.)

TTTTT. Pagtalakay sa Aralin

Talakayin ang kard pang-aklatan at ang mga hinihinging datos o


impormasyon dito.Ito ay naglalaman ng personal na impormasyon ng
isang taong gagamit ng silid-aklatan. Kailangang tamang impormasyon
lamang ang ilalagay ng isang nagpupuno ng kard.

Pangkatang Gawain
Pangkatin sa apat ang klase. Bigyan ng tig-iisang kard ang bawat
pangkat at punuan ng wastong impormasyon ang bawat patlang dito batay
sa aklat na ibibigay ng guro.
Pag-uulat ng bawat pangkat at pagproseso ng guro.

UUUUU. Paglalahat
Ano-anong mga datos ang kailangan sa pagpuno ng kard na pang-aklatan?

VVVVV. Paglalapat
Punuan nang wastong impormasyon ang sumusunod na kard
batay sa kanilang sangguniang aklat sa Filipino.

Kard ngTagahiram

Pangalan: __________________________________________
Baitang/Seksiyon: ____________________________________
Kasarian:___________________________________________
Tirahan:____________________________________________
113
Pangalan ngIna: _____________________________
Pangalan ng Ama: _____________________________
Pamagat ng babasahin:_________________________
May-akda: ___________________________
Petsa ng Paghiram: _________________
Petsa ng Pagsauli__________________

WWWWW. Pagtataya
Panuto: Punuan nang wasto at tama ang hinihinging
impormasyon sa kard na pang-aklatan. ( Maaaring magpakita ng isa
pang aklat ang guro / sangguniang aklat.)

Paaralang Sentral ng Silangang Sorsogon


Kard sa Aklatan
Pangalan:
_______________________________________________
Baitang/Seksiyon:
_________________________________________
Gurong Tagapayo:
________________________________________
CP#
____________________________________________________

Pamagat ng May-akda Petsa ng Petsa ng


babasahin Paghiram Pagsauli

XXXXX. Karagdagang Gawain at/o Pagpapahusay


Maaaring...

• papuntahin sa silid-aklatan ang mag-aaral upang humiram ng


aklat gamit ang kard.
• Magtanong tungkol sa susunod na aralin para sa ika-6 na
linggo.(Pagsasalaysay muli sa napakinggang teksto)

114
V. MGA TALA
VI. PAGNINILAY
BBBBB. Bilang ng mag-aaral na nagtamong 80% sa
pagtataya
CCCCC. Bilang ng mag-aaral na nangangailangan ng
mga gawaing pagpapahusay(remedial)
DDDDD. Nakatulong ba ang
pagpapahusay(remedial)?
Bilang ng mag-aaral na naunawaan ang aralin
EEEEE. Bilang ng mag-aaral na patuloy na
nangangailangan ng pagpapahusay (remediation)
FFFFF. Alin sa aking pagtuturo ang naging
epektibo? Bakit?
GGGGG. Ano-ano ang aking nagging suliranin na
maaaring malutas sa tulong ng aking punongguro at
superbisor?
HHHHH. Anong mga inobasyon o lokalisasyon sa
mga kagamitan ang ginamit /natuklasan ko na nais
kong ibahagi sa ibang guro?

115
6-MASUSING Paaralan Baitang 6
BANGHAY- Guro Asignatura Filipino
ARALIN Petsa at Markahan F6Q1W6D1
Oras

I. LAYUNIN
Naipaamamalas ang kakayahan at
tatas sa pagsasalita at pagpapahayag
A. Pamantayang Pangnilalaman
ng sariling ideya, kaisipan, karanasan
at damdamin
B. Pamantayan sa Pagganap Nakasasali sa usapan tungkol sa isyu
C. Mga Kasanayang Naisasalaysay muli ang napakinggang
Pampagkatuto/Layunin teksto F6PS-If-6.1 (Pagsasalita)
II. PAKSA

Pagsalaysay Muli sa Napakinggang Teksto


III. MGA KAGAMITAN
A. Sanggunian: K to 12 Gabay Pangkurikulum
Landas sa Wika 6 p. 41
Philippine Journal of Education Vol. LXIX #6,
November 1990 p.257
B. Iba pang kagamitang pampagtuturo:
manila paper, panulat, krayola, lapis, sipi ng teksto

IV. PAMAMARAAN
YYYYY. Balik-aral at/o Panimula
(Ngayong araw, ang inaasahang pagganap/awtput ng mga mag-aaral ay
ang pagsalaysay muli sa mapapakinggang kuwento.)

ZZZZZ. Pagganyak
A. Pagganyak (Magkaroon ng isang pagsasanay sa pagsunod sa panuto)

Gawain: Magandang araw mga bata! Bigyan ng panutong susundin


ang mga bata.
1. Maupo nang maayos.
2. Ilabas ang bond paper at lapis.
3. Sa loob ng isang minuto, iguhit ang iyong konsepto tungkol sa
“Kayamanan”

* Ipalahad ang kanilang iginuhit at ipaliwanag.


AAAAAA. Paglalahad ng Aralin
116
* Ilahad ang layunin at aralin para sa araw na ito.
* Bago makinig
Pangganyak na tanong:
Ano kaya ang kayamanang iniwan ng matanda sa kaniyang anak?

* Pamantayan sa pakikinig

* Habang nakikinig

Pakinggan nang mabuti ang kuwentong “Ang Nakatagong Kayamanan”


pagkatapos ay isalaysay itong muli ayon sa sariling pangungusap at
pagkakaunawa.

BBBBBB. Pagtalakay sa Aralin

A. 1. Ano ang pamagat ng kuwento?


2. Sino ang mga tauhan sa kuwentong narinig?
3. Bakit ipinatawag ng matanda ang kaniyang mga anak?
4. Paano nila nalaman ang tinutukoy na kayamanan ng
matanda?
5. Sakaling kayo ay iwanan ng kayamanan, anong uri ng
kayamanan ang gusto ninyong matanggap? Ipaliwanag ang
sagot.

B. Pangkatang Gawain
Panuto: Batay sa napakinggang kuwento, gawin ng bawat pangkat
ang sumusunod:

Pangkat 1 – isadula ang kuwento


Pangkat 2 – isalaysay ang kuwento sa paraang masining
Pangkat 3 - iguhit ang simula, gitna at wakas ng kuwento

Simula Gitna Wakas


Rubrik sa Pagmamarka ng Poster
Pamantayan Puntos Nakuhang
Puntos
Wasto at maayos na naipakita ang pangyayari 5
sa kuwento
Malinis at tama ang pagkasunod-sunod ng 4
mga detalye sa kuwento
117
Malinaw at kaaya-aya ang pagkagawa ng 3
poster
Lahat ay nakibahagi sa gawain 3
KABUOAN 15

Rubrik sa Pagmamarka sa Pagsasadula


Pamantayan Puntos Nakuhang
Puntos
Naisadula nang maayos ang pangyayari 5
Naipakita ang ekspresyon at katauhan ng 4
mga tauhan sa kuwento
Maayos at malikhain ang pagtatanghal 3
Lahat ng mga kasapi ay naging bahagi 3
ng pagsasadula
KABUOAN 15

Rubrik sa Pagmamarka sa Pagsasalaysay

Pamantayan Puntos Nakuhang


Puntos
Naisalaysay nangg maayos ang 5
pagkasunod-sunod ng kuwento
Malinaw at nakahihikayat ng mga 4
tagapakinig
Wasto at tama ang ekspresiyon ng mukha 3
sa pagsasalaysay

Lahat ng mga kasapi ay naging bahagi ng 3


pagsasadula
KABUOAN 15

CCCCCC. Paglalahat
Paano maisasalaysay na muli ang isang kuwentong narinig?
DDDDDD. Paglalapat

Makinig nang mabuti sa babasahin ng guro at isalaysay itong muli.


“Ang Hangin at Ang Araw “
(Maaaring gumamit ng rubrik ang guro sa pagmamarka ng pasalitang gawain.)

118
EEEEEE. Pagtataya
Isalaysay muli ang tekstong babasahin ng guro. “Ang Gintong Aklat”
Maaaring 3-5 mag-aaral ang magsasalaysay muli.
(Maaaring gumamit ng rubrik ang guro sa pagmamarka ng pagtataya.)

FFFFFF. Karagdagang Gawain at/o Pagpapahusay


Magbasa ng isang alamat at ikuwento sa harap ng klase bukas.

V. MGA TALA
VI. PAGNINILAY
IIIII. Bilang ng mag-aaral na nagtamong 80%
sa pagtataya
JJJJJ. Bilang ng mag-aaral na nangangailangan
ng mga gawaing pagpapahusay (remedial)
KKKKK. Nakatulong ba ang
pagpapahusay(remedial)?
Bilang ng mag-aaral na naunawaan ang aralin
LLLLL. Bilang ng mag-aaral na patuloy na
nangangailangan ng pagpapahusay
(remediation)
MMMMM. Alin sa aking pagtuturo ang naging
epektibo? Bakit?
NNNNN. Ano-ano ang aking naging suliranin na
maaaring malutas sa tulong ng aking
punongguro at superbisor?
OOOOO. Anong mga inobasyon o lokalisasyon sa
mga kagamitan ang ginamit /natuklasan ko na
nais kong ibahagi sa ibang guro?

119
MASUSING Paaralan Baitang 6
BANGHAY- Guro Asignatura Filipino
Petsa at Markahan F6Q1W6D2
ARALIN Oras

I. LAYUNIN
Naipamamalas ang kakayahan at tatas sa
A. Pamantayang Pangnilalaman pagsasalita at pagpapahayag ng sariling
ideya, kaisipan, karanasan at damdamin
Nakasasali sa isang usapan tungkol sa
B. Pamantayan sa Pagganap
isyu
Nagagamit ang iba’t ibang uri ng
C. Mga Kasanayang
panghalip sa iba’t ibang sitwasyon
Pampagkatuto/Layunin
F6WG-Ie-g.3 (Pagsasalita)
II. PAKSA

Paggamit ng Iba’t ibang Uri ng Panghalip sa Iba’t ibang Sitwasyon


III. MGA KAGAMITAN
Y. Sanggunian: K to 12 Gabay Pangkurikulum
Landas sa Wika 6, p.87
B. Iba pang kagamitangpampagtuturo: panulat, papel
Sipi ng iba’t ibang uri ng panghalip
IV. PAMAMARAAN
GGGGGG. Balik-aral at/o Panimula
Ipasalaysay muli ang binasang alamat bilang takdang-aralin kahapon.
Magkaroon ng pahapyaw na pagpapahalaga sa gawaing ito at iugnay ito sa
inaasahang pagganap/awtput tungkol sa paggamit ng iba’t ibang uri ng panghalip
sa iba’t ibang sitwasyon.

HHHHHH. Pagganyak
(Magpakita ng cellphone o anumang bagay.)
Itanong: Mayroon ba kayo nito?
Ilan ang inyong cellphone?
Paano at saan ba ninyo ginagamit ito?
(Iugnay ang mga sagot ng mag-aaral sa tatalakaying paksa.)
IIIIII. Paglalahad ng Aralin

* Ilahad ang isang usapan at ipasuri ang mga salitang may


salungguhit.
Ipabasa ang usapan.

120
JJJJJJ. Pagtalakay sa Aralin

Tanong:
1. Ano ang ipinapahayag ng bawat tauhan?
2. Ano ang mga salitang ginamit sa pagpapahayag ng kanilang
damdamin?
3. Pansinin ang mga salitang may salungguhit,
Ano ang pinatutungkulan nito?
Ano ang tawag natin sa mga salitang ito?

(Magbibigay ang guro ng input tungkol sa panghalip na patulad at panaklaw.)

121
Gawain 1
Sabihin: Narito ang ilang mga pangungusap. Suriin ang mga
salitang may salungguhit sa bawat pangungusap kung ito’y panghalip na
patulad o panaklaw.

A. 1. “Ganito po ang ating napagkasunduan,”


ang wika ng nanay ni Allan.
2. Ganyan ang nangyari kay Elsa.
3. Gusto mo bang maging ganoon?

B. 1. Lahat ay ibinibigay ko sa iyo.


2. Pulos hindi nagsisipag-aral ang mga ito.
3. Sinuman ang nagyaya sa iyo, hindi ka dapat sumama.
4. Marami ang napapahamak sa pagsama sa barkada.

Gawain 2 (Pangkatan)

A. Basahin ang sumusunod na sitwasyon at pagkatapos ay gamitin


ang panghalip na patulad at panaklaw sa pangungusap.

Pangkat 1 – Pinagawa kayo ng proyekto na gawa sa patapong


bagay. Nagustuhan ito ng iyong guro at nais magpaturo saiyo.
Ipinakita mo naman kung paano ito gawin.
Pangkat 2 – Alam mong ayaw ng inyong guro ng maingay sa loob
ng silid. Ang iyong mga kaklase ay nagkukuwentuhan ng
malakas at nagtatawanan pa. Nakita mong paparating na
ang inyong guro. Ano ang gagawin mo?
Pangkat 3 - Naglalakad kayo ng iyong ama sa daan nang may
nakita kang bisekleta sa may tindahan na kahawig ng gusto mong
ipabili.Itinuro mo ito sa kaniya upang makita at mahikayat
na bilhan ka.
Pangkat 4 – Puring-puri ni Gng. Ataylar ang batang si Zoe sa
pagiging magalang at masipag. Nais niyang tularan ito ng ilang
mag-aaral.

Gawain 3 (Isahan)

May ipinagawang proyekto ang inyong guro na gawa sa


patapong bagay alam mo kung gaano kahirap ang paggawa nito.
Alam mong ilan sa iyong kakaklaseng lalaki ay nakikialam sa gamit.
Ano ang sasabihin mo sa kanila?

KKKKKK. Paglalahat
Bakit mahalagang matutuhan ang wastong paggamit ng mga panghalip na
patulad at panaklaw?

122
LLLLLL. Paglalapat
Bumuo ng isang usapan batay sa sumusunod na sitwasyon gamit ang mga
panghalip na natutuhan.

Sitwasyon:
Nagtungo sa isang mall ang mag-inang Gng. Tin at Xiana.
May nakitang bag si Xiana tulad nang nakita niya sa TV. Gustong-
gusto niya ito kaya kinuha niya ang bag at ipinakita sa ina. Ano ang
sasabihin niya sa ina?

MMMMMM. Pagtataya

Gamitin ang panghalip na patulad at panaklaw sa pahayag sa


pagsagot sa sumusunod na sitwasyon. Isulat ito sa kalahating papel.

1. May ipinagagawang gawaing upuan ang inyong guro. Napansin


mong nawawala ang bolpen na may cartoon character na bigay ng
iyong kapatid. Sa kalapit na upuan, nakita mong may hawak na
kaparehong bolpen mo ang isang kaklase. Ano ang sasabhin mo?

2. Magkakaroon kayo ng pagsusulit sa AP. Ang katabi mo ay walang


dalang panulat. Hihiram niya sa iyo subalit tanging ang hawak mong
panulat ang meron ka.

3. Isang matalik mong kaibigan at kababata ang maninirahan na sa


ibang bansa. Pinuntahan ka niya at binigyan ng bagay na
magpapaalala sa inyong pagkakaibigan. Dahil alam mong matagal
siya roon, ano ang sasabihin mo sa kanya?

4. Inutusan ka ng iyong magulang na bisitahin ang inyong tanim na


kamatis dahil noong nakaraang araw nakita niyang may bunga ito at
ngayon ay maaaring hinog na ang bunga. Pag-uwi mo ng bahay ay
tinanong ka kung ilan ang hinog. Ano ang sasabihin mo?

5. Oras na ng klase, nagtaka ang inyong guro kung bakit kakaunti


kayo sa klase. Alam mo kung nasaan sila. Paano mo ito sasabihin?

NNNNNN. Karagdagang Gawain at/o Pagpapahusay


Sumulat ng isang talata tungkol sa pagbabakasyon mo sa isang kamag-
anak. Gumamit ng panghalip na patulad at panaklaw.
V. MGA TALA
VI. PAGNINILAY
PPPPP. Bilang ng mag-aaral na nagtamo ng 80%
sa pagtataya
123
QQQQQ. Bilang ng mag-aaral na nangangailangan
ng mga gawaing pagpapahusay(remedial)
RRRRR. Nakatulong ba ang
pagpapahusay(remedial)?
Bilang ng mag-aaral na naunawaan ang aralin
SSSSS. Bilang ng mag-aaral na patuloy na
nangangailangan ng pagpapahusay
(remediation)
TTTTT. Alin sa aking pagtuturo ang nagging
epektibo? Bakit?
UUUUU. Ano-ano ang aking nagging suliranin na
maaaring malutas sa tulong ng aking
punongguro at superbisor?
VVVVV. Anong mga inobasyon o lokalisasyon sa
mga kagamitanang ginamit /natuklasan ko na
nais kong ibahagi sa ibang guro?

Paglalahad ng Awtput (Pangkatang Gawain)

Rubrik sa Paglalahad ng Katwiran sa ibinigay na Sitwasyon


Deskripsiyon Puntos Nakuhang
Puntos
Nailahad nang maayos ang katwiran sa 5
ibinigay na sitwasyon
Sapat at wasto ang panghalip na ginamit 5
Ang lahat ng kasapi ay nakapag-ambag ng 3
kanilang ideya at katwiran
Malinaw at maayos ang naging presentasyon 2
Kabuoan 10

124
MASUSING Paaralan Baitang 6
BANGHAY- Guro Asignatura Filipino
ARALIN Petsa at Markahan F6Q1W6D3
Oras

I. LAYUNIN
A. Pamantayang Naisasagawa ang mapanuring pagbasa sa iba’t
Pangnilalaman ibang uri ng teksto at napalalawak ang talasalitaan

Nakabubuo ng sariling diksyunaryo ng mga


B. Pamantayan sa
bagong salita mula sa mga binasa; naisasadula
Pagganap
ang mga maaaring mangyari sa nabasang teksto

1. Naibibigay ang kahulugan ng pamilyar at di


kilalang salita sa pamamagitan ng pag-uugnay sa
C. MgaKasanayang
ibang aralin F6PT-If-1.16 (Pagbasa)
Pampagkatuto/Layunin
2. Nasasagot ang mga tanong na bakit at paano sa
kuwento F6PB-If-3.2.1 (Pagbasa)

II. PAKSA

Pagbibigay-Kahulugan sa Pamilyar at Di-kilalang Salita sa Pamamagitan


ng Pag-uugnay sa Ibang Aralin.
Pagsagot sa mga Tanong na Bakit at Paano sa Kuwento.

III. MGA KAGAMITAN


A. Sanggunian: K to 12 Gabay Pangkurikulum
Landas sa Pagbasa 6, p. 51, 139-141
Hiyas sa Wika 6, p. 3
B. Iba pang kagamitang pampagtuturo: Sipi ng iba’t ibang sitwasyon,
panulat, papel, ICT, laptop

IV. PAMAMARAAN
OOOOOO. Balik-aral at/o Panimula
Balikan ang takdang-aralin tungkol sa pagsulat ng isang talatang
nagsasalaysay ng pagbabakasyon ng mag-aaral gamit ang mga panghalip
na napag-aralan. Ipalahad ito sa klase at iugnay ang inaasahang
pagganap/awtput tungkol sa pagsagot sa mga tanong na bakit at paano sa
kuwentong nabasa at pagbigay-kahulugan sa mga pamilyar at di-pamilyar
na salita.

125
PPPPPP. Pagganyak

Tanong:
1. Paano ninyo pinangangalagaan ang inyong
lugar/pamayanan?

2. Bakit dapat nating panatilihin ang magandang kapaligiran?


Iugnay ito sa babasahing akdang “Macli-ing Dulag:
Tagapagtanggol ng Kapaligiran”

QQQQQQ. Paglalahad ng Aralin


Pag-alis ng Sagabal
Ibigay ang kahulugan ng mga di-pamilyar at pamilyar na salita sa
pamamagitan ng pag-uugnay sa ibang aralin.

1. Kabundukan ng Cordillera
2. Elektrisidad
3. Kapitan Del Baryo
4. Tribu
5. Gobyerno
6. Kapayapaan
7. Pagbabago
8. Saplad
9. Lupain
10. pakikipaglaban

Pagbasa sa akda
(Basahin nang mabuti at unawain ang teksto.)

RRRRRR. Pagtalakay sa Aralin


Sagutin ang sumusunod na katanungan.

1. Paano nagsimula ang problema ng mga Kalinga ukol sa


kanilang lupain?
2. Bakit tinutulan ni Macli-ing Dulag ang balak na pagtatayo
ng saplad?
3. Bakit hindi tinanggap ni Macli-ing ang panunuhol sa
kanya?
4. Paano pinatunayan ni Macli-ing ang pagiging matatag na
pinuno?
5. Bakit matatawag na bayani ng mga Kalinga si Macli-ing?

Pagsasanay: Basahin ang kalakip na talataan at sagutin ang


kasunod na mga tanong.
126
SSSSSS. Paglalahat
Bakit mahalagang matutuhan ang pagsagot sa tanong na
Paano at Bakit?
TTTTTT. Paglalapat

Basahin at unawain ang tekstong “Araw ng Kalayaan” at pagkatapos


ay sagutin ang mga tanong.

1. Bakit ipinagdiriwang ang Araw ng Kalayaan?


2. Paano nakamit ang minimithing kalayaan?
3. Ibigay ang kahulugan ng salitang kalayaan sa pamamagitan
ng pag-uugnay nito sa ibang aralin. (AP, ESP)

UUUUUU. Pagtataya
Panuto: Basahin nang mabuti ang talata at pagkatapos ay sagutin
ang katanungan.

1. Ang harana ay isang matandang kaugaliang Pilipino. Natutuhan


ito noong panahon ng Kastila. Sa harana, inaawitan nang
malambing sa hatinggabi ng mga binata ang mga dalagang
naiibigan o nais nilang maging kaibigan. Umaawit nang
malambing ang mga naghaharana sa saliw ng gitara.
Paano ginagawa ang harana?

2. Laganap saan mang panig ng bansa ang harana noon.


Ito ay dahil sa lubhang matahimik ang bawat baryo at walang
masasamang loob kaya matapang maglakad ang mga kalalakihan
kahit gabi na. Wala ring gaanong libangan ang mga binata noon
maliban sa bugtungan at kuwentuhan.
Bakit laganap ang harana noong unang panahon?

3. Sa kasalukuyan, unti-unting nawawala ang harana


nagsusulputan na kasi ang mga gadgets, iba’t ibang uri ng medya
at naimpluwensiyahan na ng kulturang kanluranin na siyang
pinagkakaabalahan ng mga kabataan, binata man o dalaga.
Bakit unti-unting nawawala ang harana?

4. Ang harana ay dapat na mapanatili dahil bukod sa masaya, natu-


tuto pang kumanta at tumugtog ang mga kabataan. Nailalayo rin sila
sa masasamang gawain o bisyo. Kailangang buhayin at mapanatili
ng bawat kabataan at ng mga pamayanan ang harana sa
pamamagitan ng mga patimpalak sa mga pagdiriwang o pista
upang mapanatili natin ang kulturang ito na pamana ng ating mga
ninuno.
127
Paano mapananatili ang harana sa kasalukuyan?

5. Isa pa sa kaugaliang magandang panatilihin ay ang damdaming


mapagkalinga at mapagmahal sa kapwa at kabarangay. Sa mga
barangay ay karaniwang makikita pagbibigayan ng ano mang iniluto
o inihandang masarap na pagkain at ang pagtutulungan sa mga
gawain.
Paano ipinakikita ng mga tao sa nayon ang pagmamahal?

VVVVVV. Karagdagang Gawain at/o Pagpapahusay

Sumulat ng talatang nagpapaliwanag tungkol sa kaugalian sa inyong lugar.


Isulat ito sa isang papel.

V. MGA TALA
VI. PAGNINILAY
WWWWW. Bilang ng mag-aaral na
nagtamong 80% sa pagtataya
XXXXX. Bilang ng mag-aaral na
nangangailangan ng mga gawaing
pagpapahusay (remedial)
YYYYY. Nakatulong ba ang pagpapahusay
(remedial)?
Bilang ng mag-aaral na naunawaan ang
aralin
ZZZZZ. Bilang ng mag-aaral na patuloy na
nangangailangan ng pagpapahusay
(remediation)
AAAAAA. Alin sa aking pagtuturo ang naging
epektibo? Bakit?
BBBBBB. Ano-ano ang aking naging suliranin na
maaaring malutas sa tulong ng aking
punongguro at superbisor?
CCCCCC. Anong mga inobasyon o
lokalisasyon sa mga kagamitan ang ginamit
/natuklasan ko na nais kong ibahagi sa ibang
guro?

128
MASUSING Paaralan Baitang 6
BANGHAY- Guro Asignatura Filipino
Petsa at Markahan F6Q1W6D4
ARALIN Oras

I. LAYUNIN
Naipamamalas ang kakayahan sa
A. Pamantayang
mapanuring pakikinig at pag-unawa sa
Pangnilalaman
napakinggan
Nasasaulo ang isang tula/awit na
B. Pamantayan sa
napakinggan at naisadula ang isang isyu
Pagganap
o paksa mula sa tekstong napakinggan
Nakasusulat ng talatang nagpapaliwanag
C. Mga Kasanayang
Pampagkatuto/Layunin F6PU-If-2.1

II. PAKSA
Pagsulat ng Talatang Nagpapaliwanag
III. MGA KAGAMITAN
Sanggunian:
K to 12 Gabay Pangkurikulum
Landas sa Wika 6 p. 37

Iba pang kagamitang pampagtuturo:


panulat, balagkas, sulatang papel, laptop, projector
Sipi ng talatang nagpapaliwanag

IV. PAMAMARAAN
WWWWWW. Balik-aral at/o Panimula
Balikan ang takdang-aralin tungkol sa sinulat na talatang nagpapaliwanag
sa kaugaliang namamayani sa kanilang lugar. Magkaroon ng paglalahad
nito sa klase at iugnay ito sa inaasahang pagganap/awtput batay sa
nakatakdang layunin.

XXXXXX. Pagganyak
Ipabasa ang sitwasyon:
Isa kang mag-aaral na nais sumali sa science camp na
gaganapin sa Baguio City sa susunod na buwan, alam mong hikahos lamang kayo
pero gusto mo talagang sumali dahil sa mga kaalamang makukuha mo, paano mo
ipaliliwanag ito sa mga magulang mo?
(Magkaroon ng pagpapaliwanag ang mag-aaral at iugnay ng guro iyon sa
aralin.)
May diyamanteng kislap.
129
YYYYYY. Paglalahad ng Aralin
Basahin ang talatang nagpapaliwanag.

Ang agham at teknolohiya ay pag-aaral tungkol sa isang tiyak na


mapaglikhang karunungan ng tao. Ngunit paano ito makatutulong sa
pag-unlad ng Pilipinas? Sinasabi natin na ang agham ay bahagi ng
pangkalahatang karunungan upang magsanay sa sining ng pag-iisip.
Ang pag-iisip ng tungkol sa isang paksa ay nakakabit sa paggamit
ng mga salita. Ang iniisip ay nagkakaroon ng katiyakan hanggang sa
ang binibigkas na mga salita ay ginagamit sa pagpapahayag. Dahil
sa pumapasok na kaisipan, nagkakaroon tayo ng tiyak na
pagpapakahulugan. Nagagamit natin ito sa pag-alam ng mga bagay-
bagay tungkol sa teknolohiya. Isinasagawa natin ang pagbubuo ng
ideya, pagsusuri, pag-eekperimento, at pagbibigay ng kongklusyon.
Nakatutulong ang agham lalo na sa larangan ng medisina at
imbensyon. Nakatutulong naman ang teknolohiya sa pagsulong ng
elektrisidad, transportasyon, at makinarya.

ZZZZZZ. Pagtalakay sa Aralin


Tanong:
1.Tungkol saan ang binasa?
2. Paano nakatutulong sa pag-unlad ng bansa ang agham
at teknolohiya?
3. Suriin ang pagkakabuo ng talata, Paano ito nabuo?
(Magbigay ng input ang guro tungkol sa mga bahagi ng talata,
at sa mga dapat tandaan sa pagsulat ng talatang nagpapaliwanag.)

(Ilahad ang bahagi ng talata)


1. Panimulang pangungusap o talata -humihikayat sa bumabasa
upang magtanong. Nagsasaad ng paksa at layunin.

2. Gitnang pangungusap o talata – nagsasaad ng mga


pangungusap na sumusunod o may kaugnayan sa unang
talata.

3. Pangwakas na pangungusap o talata – nagsasaad


o nagbibigay ng huling detalye o buod ng talata na naglalahad
ng palagay sa iyong paksa.

(Magpabasa ng isang halimbawa ng talatang nagpapaliwanag tungkol sa


malnutrisyon).
* Pagkatapos bumasa sagutan ang balangkas.

130
I.
• Kahulugan ng malnutrisyon

II
• Sanhi ng malnutrisyon

III
• Epekto

IV
• Pag-iwas sa malnutrisyon

Pagsasanay (Pangkatang Gawain)

Pangkatin ang klase sa apat. Bigyan ng paksa ang bawat pangkat


na maaari nilang gawan ng paliwanag. Hayaan ang pangkat na pumili ng
paksa mula sa iyong ibinigay.

A. Walang hintong pagtaas ng gasolina


B. Pagbaba ng edad sa pagpapanagot sa batas
C. Pagtayo ng mga subdibisyon sa mga lupang taniman
D. Pagkawala ng Disiplina

(Sundin ang mga bahagi ng pagsulat ng talata)


Rubrik sa Pagsulat ng Talata

Pamantayan 5 4 3 2 1

Anyo
• Pagsunod sa uri at anyo ng pinasusulat

Balarila
• Wastong gamit ng wika/salita
• Baybay, bantas, istruktura ng mga
pangungusap

Hikayat
• Paraan ng pagtalakay sa paksa
• Lohikal na pagkakaayos/daloy ng mga
ideya

Nilalaman
• Lawak at lalim ng pagtalakay sa paksa

Kabuoan
5 – Pinakamahusay 2 – Mapaghuhusay pa
4 – Mahusay 1 – Nangangailangan pa ng mga
3 – Katanggap-tanggap pantulong na pagsasanay
AAAAAAA. Paglalahat
Paano isinusulat ang isang talata nagpapaliwanag?
131
BBBBBBB. Paglalapat
Sumulat ng isang talatang nagpapaliwanag batay sa isa sa
sumusunod na paksa:
A. “Kabataan ngayon, Lulong sa Gadget”
B. “Edukasyon, pababa nang pababa ang Kalidad”
C. “ Bully, sa Paaralan, Dumarami”
CCCCCCC. Pagtataya
Gawing pagtataya ang ibinigay na paglalapat.
(Maaaring gumamit ng rubrik ang guro sa pagmamarka ng pasulat na
gawain.)

DDDDDDD. Karagdagang Gawain at/o Pagpapahusay


Sumulat ng talatang nagpapaliwanag tungkol sa patuloy na pag-init ng
mundo o “global warming.” Isulat ito sa isang papel.

V. MGA TALA
VI. PAGNINILAY
DDDDDD. Bilang ng mag-aaral na
nagtamo ng 80% sa pagtataya
EEEEEE. Bilang ng mag-aaral na
nangangailangan ng mga gawaing
pagpapahusay (remedial)
FFFFFF. Nakatulong ba ang pagpapahusay
(remedial)?
Bilang ng mag-aaral na naunawaan ang
aralin
GGGGGG. Bilang ng mag-aaral na
patuloy na nangangailangan ng
pagpapahusay (remediation)
HHHHHH. Alin sa aking pagtuturo ang
naging epektibo? Bakit?
IIIIII. Ano-ano ang aking naging
suliranin na maaaring malutas sa tulong
ng aking punongguro at superbisor?
JJJJJJ. Anong mga inobasyon o
lokalisasyon sa mga kagamitan ang
ginamit /natuklasan ko na nais kong
ibahagi sa ibang guro?

132
MASUSING Paaralan Baitang 6
BANGHAY- Guro Asignatura Filipino
ARALIN Petsa at Markahan F6Q1W6D5
Oras

I. LAYUNIN
Naipamamalas ang kakayahan sa
A. Pamantayang Pangnilalaman mapanuring panonood ng iba’t ibang
uri ng media
Nakagagawa ng isang blog entry
B. Pamantayan sa Pagganap
tungkol sa napanood
Nasusuri ang mga kaisipan at
C. Mga Kasanayang pagpapahalagang nakapaloob sa
Pampagkatuto/Layunin napanood na maikling pelikula
F6PD-If-10 (Panonood)
II. PAKSA

Pagsusuri sa mga Kaisipan at Pagpapahalagang Nakapaloob sa Napanood na


Maikling Pelikula.

III. MGA KAGAMITAN

A. Sanggunian: https://www.youtube.com/watch?v=zXOH1TL-Qhs,
B. Iba pang kagamitang pampagtuturo: panulat, papel

IV. PAMAMARAAN
EEEEEEE. Balik-aral at/o Panimula
Ngayong araw, inaasahang makapagsusuri kayo ng mga kaisipan at
pagpapahalagang nakapaloob sa mapapanood na maikling pelikula.

FFFFFFF. Pagganyak

(Magpakita ng ilang video clip na may pagpapahalaga sa kapwa.)

Sabihin: Suriin ang bawat video clip.


Tanong: Anong mahalagang kaisipan ang nakapaloob dito.

GGGGGGG. Paglalahad ng Aralin


* Ngayong araw ay manonood kayo ng isang maikling pelikula
(Maaaring magdownload ng maikling pelikula ang guro)
* Bago manood

133
Sabihin: Suriin ang mga kaisipan at pagpapahalagang nakapaloob
sa pinanood
* Habang nakikinig

HHHHHHH. Pagtalakay sa Aralin

* Pamantayan sa panonood
* Habang nanonood (Ginabayang Panonood)
Ibigay ang mga katanungan:
Tanong:
1. Sino-sino ang tauhan sa pelikula?
2. Saan ang tagpuan?
3. Ano ang paksa ng pelikula?
4. Ano ang diwang ipinapahayag ng may-akda?
5. Anong pagpapahalaga ang nais iparating ng pelikula?

* Pagkatapos Manood
Pagtalakay sa mga detalye at pagsagot sa mga tanong.

Pagsasanay (Pangkatang Gawain)

Pangkat 1 – Ibigay ang katangian ng tauhan


Pangkat 2 – Ilarawan ang tagpuan
Pangkat 3 - Ilahad ang diwa o kaisipang ipinababatid.

IIIIIII. Paglalahat
Anong pagpapahalaga ang inyong napulot sa pelikulang napanood?

JJJJJJJ. Paglalapat

(Magpakita ng iba pang maikling video clip. Ipasuri ang kaisipan at


pagpapahalagang nais ipaabot nito.)

KKKKKKK. Pagtataya

(Magpakita ng isang maikling Dokumentaryong pelikula.)

Sagutin ang sumusunod.

1. Ano ang kaisipang nakapaloob sa pelikula?


2. Ipaliwanag ang pagpapahalagang nais ipabatid ng pelikula.

LLLLLLL. Karagdagang Gawain at/o Pagpapahusay

134
Manood ng isang dokumentaryo sa telebisyon. Suriin ang kaisipan at
pagpapahalagang nakapaloob dito at iulat sa klase.

V. MGA TALA
VI. PAGNINILAY
KKKKKK. Bilang ng mag-aaral na nagtamong 80%
sa pagtataya
LLLLLL. Bilang ng mag-aaral na nangangailangan
ng mga gawaing pagpapahusay(remedial)
MMMMMM. Nakatulong ba ang
pagpapahusay(remedial)?
Bilang ng mag-aaral na naunawaan ang aralin
NNNNNN. Bilang ng mag-aaral na patuloy na
nangangailangan ng pagpapahusay
(remediation)
OOOOOO. Alin sa aking pagtuturo ang naging
epektibo? Bakit?
PPPPPP. Ano-ano ang aking naging suliranin na
maaaring malutas sa tulong ng aking
punongguro at superbisor?
QQQQQQ. Anong mga inobasyon o
lokalisasyon sa mga kagamitan ang ginamit
/natuklasan ko na nais kong ibahagi sa ibang
guro?

135
MASUSING Paaralan Baitang 6
BANGHAY- Guro Asignatura Filipino
ARALIN Petsa at Oras Markahan F6Q1W7D1

I. LAYUNIN
A. Pamantayang Naipamamalas ang kakayahan sa mapanuring
Pangnilalaman pakikinig at pag-unawa sa napakinggan
Nasasaulo ang isang tula/awit na napakinggan at
B. Pamantayan sa
naisasadula ang isang isyu o paksa mula sa tekstong
Pagganap
napakinggan
C. Mga Kasanayang Nasasagot ang mga tanong tungkol sa napakinggang
Pampagkatuto/Layunin usapan (F6PN-Ia-g-3.1)
II. PAKSA
Pagsagot sa mga Tanong Tungkol sa Napakinggang Usapan
III. MGA KAGAMITAN
A. Sanggunian: K to 12 Gabay Pangkurikulum sa Filipino VI, p. 120
Landas sa Wika 6 pp. 33, 40, 93 ,132
B. Iba pang kagamitang pampagtuturo: larawan ng nag-uusap,
sipi ng dayalogo, activity sheets o gawaing papel
IV. PAMAMARAAN
MMMMMMM. Balik-aral at/o Panimula

Tungkol saan ang tinalakay natin kahapon?

NNNNNNN. Pagganyak
Ipasuri sa mga mag-aaral ang video (Sunday pinasa: Ang Alamat ng Pista)
Itanong:
Ano ang pinag-uusapan sa video?
(Magkaroon ng malayang talakayan tungkol sa napanood na video at
iugnay ito sa bagong aralin.)

OOOOOOO. Paglalahad ng Aralin

Alamin natin ngayon sa pamamagitan ng pakikinig sa usapan ang


mahahalagang impormasyon na may kaugnayan sa pista.
(Pumili ng tatlong bata at ipabasa / isatao ang usapan. )

PPPPPPP. Pagtalakay sa Aralin

136
Itanong:
1. Ano ang paksa ng pag-uusap ng mag-iina?
2. Kailangan bang maghanda kapag pista? Bakit?
3. Anong magandang asal ang dapat nating matutuhan kapag pista? Isa-
isahin.
4. Ano ang mensaheng nais iparating ng usapan?

(Magbigay ng input ang guro tungkol sa mga dapat tandaan upang masagot
nang wasto ang mga tanong batay sa usapan.)

Pangkatang Gawain:

Pangkatin ang mga mag-aaral sa dalawa(depende sa bilang ng mag-aaral).


Maghanda ang guro ng diyalogo o usapan. Ibigay ito sa bawat grupo. May ilang mag-
aaral na magbabasa ng usapan at ang iba naman ay magtatanong at sasagot. Bago
simulan ang gawain, ipabasa sa mga mag-aaral ang mga dapat nilang gawin at ang
rubriks na pagbabatayan ng kanilang puntos (kung maari ay isangkot ang mga mag-
aaral sa pagbuo nito).

Rubrik Para sa Pagmamarka:


KRAYTERYA BAHAGDAN
10%
Husay ng Pagganap
(Makatotohanan at kapani-paniwala ang pagkaganap
ng mga tauhan mula sa pananalita,galaw, at
ekspresyon
ng mga mukha)
Partisipasyon/Kooperasyon ng Grupo 5%
Pagsagot ng Tama sa mga Tanong 10%
KABUOAN 25%

Unang Grupo
(Nag-uusap ang mag-anak na Santos.)

137
G. Santos : Magpupulong ang mga kalalakihan sa ating barangay mamayang
gabi.
Alberto: Bakit po, Tatay? Pag – uusapan po ba ninyo ang palaro na gagawin
sa susunod na linggo?
G. Santos: Kasama iyan sa aming pag – uusapan ngunit may mas mahalaga
kaming tatalakayin.
Gng. Santos : Tungkol saan naman ito? At bakit sa gabi pa kayo magpupulong?
G. Santos: Nababahala na ang ating punong barangay sa mga nangyayari sa
ating paligid.
Maraming naninira sa ating mga kagamitan at halaman sa plasa at
maging sa bakuran.
Nawawala rin ang mga alagang aso at manok ng iba nating
kapitbahay.
Alberto: Dati po naman ay tahimik dito sa ating lugar.
Gng. Santos : Nawawala na ang paggalang ng mga tao sa mga bagay na pag-aari
ng ibang tao.Maging ang mga gamit – gobyerno ay sinisiranila tulad
ng mga poste ng ilaw, mga basurahan, at mga bakod.
G. Santos: Naninira ang ilang tao sa halip na tumulong sa kapwa at sa bayan.
Alberto: Paano po kaya makatutulong kaming mga kabataan sa problemang
ito?
G. Santos: Sumama kayo sa miting mamayang gabi. Sabihin ninyo ang mga
bagay na maitutulong ninyo sa ating punong – barangay.

Ikalawang Grupo

Sa paaralan, kausap ni Nestor ang mga kamag-aral. Pinag-uusapan nila


ang narinig na impormasyon sa radio.

Nestor: Narinig ba ninyo ang impormasyong ibinigay sa radio kanina?


Kakaiba pala ang laro ng mga bata sa Mindanao.
Lito: Oo nga. Mayroon pa silang laro na pana-pana. Ito ay laro sa pagtudla.
Ginagamit nila ang pana sa pagtudla sa itinakdang pain tulad ng
isda,prutas, o bagay.
Mario: Naiiba ang mga laro nila dahil kailangan ang paggamit ng lakas,
konsentrasyon,
at tiyaga.
Nestor: Kailangan din na marunong kang lumangoy at pumana.
Lito: Nakapagdaragdag sa ating kaalaman ang mga impormasyong ating
napakikinggan. Tayo ay nagkakaroon ng kamalayan sa ginagawa ng
kapwa natin sa ibang panig ng bansa.

138
QQQQQQQ. Paglalahat

Ano-ano ang mga dapat tandaan upang masagot nang wasto ang mga
tanong sa isang dayalogo/usapan?

RRRRRRR. Paglalapat
Basahin ang dayalogo. Sagutin ang mga tanong.
Linda: Ano namang lugar dito sa atin ang gusto mong puntahan?
Alex: Gusto kong marating ang hagdan-hagdang pataniman ng palay ng mga
Igorot.
Linda: Nakarating na ako roon. Alam mo bang masisipag ang Igorot? Maghapon
sila sa pagtatrabaho sa hagdan-hagdang palayan. Maitim na tuloy ang kulay
ng balat nila.
Alex: Talaga bang matataas ang palayan doon?
Linda: Aba,oo. Mahirap puntahan iyon. Ngunit kapag naroon ka na, parang malapit
na malapit na sa iyo ang langit. Sariwang-sariwa rin ang hangin doon.
Mabango ang simoy ng palayan. Malinis din ang tubig sa mga batis at ilog.
Alex: Sana makapunta ako roon ngayong bakasyon.

Mga tanong:

1. Sino-sino ang mga nag-uusap sa binasa?


2. Ano ang kanilang pinag-uusapan?
3. Saan gustong pumunta ni Alex?
4. Sino ang gumawa ng hagdan-hagdang palayan?
5. Bakit nasabi ni Linda na masisipag ang mga Igorot ?
6. Talaga bang matataas ang palayan doon?
7. Batay sa binasa masasabi mo bang magandang puntahan ang hagdan-
hagdang palayan? Patunayan.

SSSSSSS. Pagtataya

Babasahin ng guro ang usapan habang nakikinig ang mga mag-aaral.


Pasasagutan ang mga sumusunod na tanong pagkatapos.

Linda: Hindi ka nakarating sa birthday ko kahapon. Nalimutan mo ba ang imbitasyon


ko?

Nora: Naku, Mahabang paliwanag iyan. Paalis na ako para pumunta sa inyo nang
dumating ang mga pinsan ko na galing sa probinsiya. Hindi na ako nakaalis
dahil kailangan ko silang asikasuhin. Ngayon lamang kami nagkita – kita.
Pasensiya ka na. Nalimutan ko ring tawagan ka para ipaalam ang nangyari.
Linda: Sige, naintindihan ko naman ang paliwanag mo. Teka, ano ba iyang
139
sinasabi mong pupuntahan nating pagdiriwang sa probinsiya ninyo? Turumba
ba iyon?
Nora: A, oo, ginaganap ito sa amin sa Pakil, Laguna. Ito ay idinaraos sa loob ng
pitong araw na pagnonobena bilang pag-alala sa pitong dalamhati ng Mahal
na Birhen ang imahen ng Birhen ng Turumba. Pagkatapos ay may ginaganap
na prusisyon.
Dito, naiiba ang ginagawa ng mga tao sa prusisyon. Lahat ay sumasayaw,
umaawit, pumapalakpak, nagtatapikan,at sumisigaw sa tuwa habang inaawit
ang “Awit sa Turumba.” Ang mga may kapansanan at maysakit ang
sumasama sa Turumba. Naniniwala silang gagaling sa pagsama sa prusisyon.
Linda:Isama mo naman ako sa inyong probinsiya. Gusto kong makita ang Turumba.

Mga Tanong:

1. Bakit hindi nakarating si Nora sa kaarawan ni Linda?


2. Saan ginaganap ang pagdiriwang ng Turumba ?
3. Ano ang ginagawa ng mga tao sa prusisyon?
4. Sino pa ang ibang sumasama sa prusisyon? Bakit?
5. Gusto rin ba ni Linda makapunta sa Laguna? Bakit?

TTTTTTT. Karagdagang Gawain at/o Pagpapahusay

(Maghahanda ang guro ng isang usapan o diyalogo tungkol sa isang partikular


na sitwasyong nangyayari sa palengke.Magbigay ng mga tanong na dapat sagutan
ng mga mag-aaral.)

V. MGA TALA
VI. PAGNINILAY
RRRRRR. Bilang ng mag-
aaral na nagtamo ng 80% sa
pagtataya
SSSSSS. Bilang ng mag-aaral na
nangangailangan ng mga
gawaing pagpapahusay
(remedial)
TTTTTT. Nakatulong ba ang
pagpapahusay (remedial)?
Bilang ng mag-aaral na
naunawaan ang aralin
UUUUUU. Bilang ng mag-
aaral na patuloy na
nangangailangan ng
pagpapahusay (remediation)

140
VVVVVV. Alin sa aking pagtuturo
ang naging epektibo? Bakit?
WWWWWW. Ano-ano ang aking
naging suliranin na maaaring
malutas sa tulong ng aking
punongguro at superbisor?
XXXXXX. Anong mga inobasyon o
lokalisasyon sa mga kagamitan
ang ginamit /natuklasan ko na
nais kong ibahagi sa ibang
guro?

141
MASUSING Paaralan Baitang 6
BANGHAY- Guro Asignatura Filipino
ARALIN Petsa at Oras Markahan F6Q1W7D2

I. LAYUNIN
Naipamamalas ang kakayahan at tatas sa
A. Pamantayang
pagsasalita at pagpapahayag ng sariling ideya,
Pangnilalaman
kaisipan, karanasan at damdamin
B. Pamantayan sa Pagganap Nakasasali sa isang usapan tungkol sa isyu
Nagagamit ang panghalip panaklaw sa
C. Mga Kasanayang pagbibigay ng solusyon sa isang suliraning
Pampagkatuto/Layunin naobserbahan (F6PS-Ig-9 , F6WG-Ie-g-3)

II. PAKSA
Paggamit ng Panghalip Panaklaw
Pagbibigay ng Sariling Solusyon sa Isang Suliraning Naobserbahan

III. MGA KAGAMITAN


Z. Sanggunian: K to 12 Gabay Pangkurikulum sa Filipino VI, p. 120
Pagsulong sa Pagbasa 6 pah.61-65
AA. Iba pang Sanggunian : LRMDS Portal
BB. Kagamitan: sipi ng kuwento at puzzle
IV. PAMAMARAAN
A. Balik-aral at/o Panimula
(Pagwawasto sa ibinigay na takdang-aralin.)
Sumulat ng limang sitwasyon tungkol sa mga suliraning naoobserbahan sa
inyong barangay. Gamitin ang mga panghalip na panaklaw.
(Iuugnay ito sa bagong aralin.)
B. Pagganyak

Itanong: Mahalaga ba ang ating kalikasan? Bakit?


Gawain: Pagbuo ng Puzzle (Ang guro ay maghahanda ng bubuuing puzzle
tungkol sa mga suliraning pangkapaligiran)
Buuin ang puzzle pagkatapos sagutin ang mga tanong.
1. Ano ang larawang nabuo?
2. Anong suliranin ang ipinapakita nito?
3. Bakit kailangang bigyang pansin ang ganitong mga problema?

142
C. Paglalahad ng Aralin
Sabihin:Ang aralin ngayon ay tungkol sa Paggamit ng Panghalip Panaklaw sa
Pagbibigay ng Sariling Solusyon sa Isang Suliraning Naobserbahan.
MGA BIKTIMA
Isang araw ay mabilis na pumagaspas si Hangin. Napadaan siya kay Gubat.
Hangin: Aba, Gubat! Bakit tila nalulungkot ka at walang sigla ang iyong mga
dahon?
Gubat : Mabuti’t napansin mo. Tumingin ka sa paligid. Noon ang mga puno
ko’y siksikan kaya halos wala kang madaanan. Tingnan mo ngayon at
ibang-iba na ang paligid.
Hangin : Oo, nga kakaunti na sila. Wala na ang matatandang puno. Pinutol na
nilang lahat. Ilang kabataang puno na lamang ang natira, kaya pala
malungkot ka at walang sigla.
Gubat : Tumingin ka sa dako roon, ngayo’y puro bahay at gusali na ang
nakatayo at sa kabila nama’y sinusunog ng mga kaingero ang mga
puno.
Hangin : Dapat na kayong mag-alsa. Magsalita na kayo! Balang araw tuluyang
makakalbo ang mga kagubatan. Wala nang pagkukunan ng mga puno.
Gubat : Hindi lamang iyon, napipinsala na rin sila dahil sa malaking baha. Wala
na ang mga ugat ng punong sisipsip ng tubig-ulan.
Hangin : Hay! Tao nga naman. Hindi nila nalalaman ang pagkawasak ng
kanilang kinabukasan.
( At dumako si Hangin sa may ilog. Nakita niyang umiiyak ang
karugtong nitong sapa. Nakinig si Hangin sa usapan ng dalawa)

Sapa : Hu! Hu! Hu! Ang labo-labo na ng tubig ko. Dati’y napakalinaw.
Ilog : Huwag kang umiyak. Pareho lang tayo. Tingnan mo ako, katulad mo,
halos hindi rin ako makagalaw dahil punung- puno ako ng basura; bulok
na bagay, dumi ng hayop at iba pang basura.
Sapa : Bakit ginagawa ito ng tao sa atin? Mabait naman tayo sa kanila!
Binibigyan natin sila ng malinis na tubig at laman-tubig.
Ilog : Wala silang puso at hindi sila marunong mangalaga sa atin!
Hangin : Haaay! (nasabi ni Hangin sa sarili) Kaawa-awang sapa at ilog.Tulad din
ng gubat na nagdurusa. Pareho silang napipinsala ng tao.
(Nagpatuloy si Hangin sa pamamasyal. Napadaan ito sa lungsod.
Maraming gusali, tao at sasakyan siyang nakita.)

Hangin : Aba, tila nangangapal ang aking katawan. Naku! Ang mga usok ng
sasakyan at pabrika, napakakapal tila dumidikit sa aking balat. Bakit kaya ako
ganito? Matingnan nga kung sino ang nasa loob ng sasakyan! (Tiningnan niya
ang loob ng sasakyan)

143
Hangin : Naku! Naninigarilyo pala ang karamihang pasahero na nasa sasakyan.
Ang drayber namang ito ay walang malasakit sa kalusugan ng iba. Maitim na usok
ang lumalabas sa tambutso ng sasakyan. (Luminga-linga si Hangin) Hayun at may
ilang mga taong nagsisilab ng goma at plastic. Ang baho!!! Ay! Tao - kasama na
rin ako nina Gubat, Sapa at Ilog ---- mga biktima ng kapabayaan ng tao.
D. Pagtalakay sa Aralin

Sagutin ang sumusunod na katanungan.


1. Sino ang unang nadaanan ni Hangin sa kanyang pamamasyal?
2. Ano ang ikinalulungkot ni Gubat?
3. Sino ang sumunod na nadaanan ni Hangin?
Bakit umiyak sina Sapa at Ilog?
4. Ano ang natuklasan ni Hangin sa lungsod?
5. Bukod kina Gubat, Sapa, Ilog at Hangin,
sino pa ang alam ninyong sumisisi sa tao?Patunayan.
6. Ano ang mga suliraning naobserbahan ni hangin
sa kanyang paglilibot? Bigyan ito ng solusyon.
7. Ano-ano ang mga panghalip panaklaw na ginamit sa usapan? Isa-isahin.

( Babalikan ng guro ang kanyang tinalakay tungkol sa panghalip panaklaw at


magbibigay din siya ng input tungkol sa pagbibigay solusyon sa mga suliraning
naobserbahan.)

Pangkatang Gawain: (Bigyan ng larawan ang bawat grupo.)


Pag-aralan ang larawan.Punuan ng angkop na sagot ang tsart gamit ang panghalip
panaklaw. Iulat ang ginawa.

Suliraning Naobserbahan Sariling Solusyon


1.
2.

144
E. Paglalahat
Sa iyong maliit na paraan,paano mo binigyang solusyon ang mga suliraning
naobserbahan?
Ano ang mahalagang gamit ng panghalip panaklaw sa pagbibigay solusyon sa
suliraning naobserbahan?

F. Paglalapat
Maglista ng dalawang suliranin na naoobserbahan mo sainyong bahay. Bigyan
ito ngkaukulang solusyon gamit ang panghalip panaklaw.
(Pagkatapos ng itinakdang oras ay tatawag ang guro ng ilang mag-aaral na
magbabahagi ng kanilang kasagutan.)
G. Pagtataya
Pangkatang-gawain:
Gumawa ng maikling talumpati na nagpapakita ng solusyon ukol sa sumusunod na
isyu sa inyong komunidad.Gamitin ang panghalip panaklaw sa isusulat na talumpati.
Maghanda sa isang pagtatanghal ng inyong mga talumpati. May ibibigay na rubrik
para sa pagmamarka ng inyong pagtatanghal.

Pangkat 1. Ang polusyon dulot ng mga pabrika ay malaking pinsala rin. Ang mga
usok nito ay may carbon monoxide, sulfur dioxide na kapag sumama sa water vapor
ay magiging sulfuric acid. Kapag umulan, ang sulfuric acid ay magiging acid rain na
pumapatay sa kagubatan at ilog.

Pangkat 2. Ang pagkabutas ng Ozone Layer ay nakababahala dahil sa


nakapaglalagos na ang matinding sikat ng araw sa ating daigdig. Nakararamdam na
tayo ng labis na init. Ito rin ay maaaring magdulot ng kanser sa balat at iba pang
sakit at pagkasira ng kabuhayan.

Pangkat 3. Maraming ilog at sapa ang tila wala nang silbi dahil wala nang isda at iba
pang laman-tubig ang nabubuhay rito. Patuloy silang nauubos dahil sa dumi at
basurang itinatapon sa ating katubigan.

RUBRIKS: (Maaaring bumuo ng sariling rubriks.)

PAMANTAYAN PUNTOS
Kalinawan at kawastuan ng 10
solusyong ibinigay.
Kawastuan ng gamit ng panghalip 10
panaklaw.
Kahusayan sa pagbabahagi ng 5
awtput.
KABUOAN 25

145
H. Karagdagang Gawain at/o Pagpapahusay

Gumawa ng isang ulat tungkol sa mga suliranin naoobserbahan sa inyong


barangay. Banggitin ang nagawang solusyon ng barangay ukol dito. Lagyan ito ng
pamagat.

V. MGA TALA
VI. PAGNINILAY
YYYYYY. Bilang ng mag-aaral na
nagtamo ng 80% sa pagtataya
ZZZZZZ. Bilang ng mag-aaral na
nangangailangan ng mga gawaing
pagpapahusay (remedial)
AAAAAAA. Nakatulong ba ang
pagpapahusay (remedial)?
Bilang ng mag-aaral na naunawaan
ang aralin
BBBBBBB. Bilang ng mag-aaral
na patuloy na nangangailangan ng
pagpapahusay (remediation)
CCCCCCC. Alin sa aking pagtuturo
ang nag ing epektibo? Bakit?
DDDDDDD. Ano-ano ang aking
naging suliranin na maaaring
malutas sa tulong ng aking
punongguro Bat superbisor?
EEEEEEE. Anong mga inobasyon
o lokalisasyon sa mga kagamitan
ang ginamit /natuklasan ko na nais
kong ibahagi sa ibang guro?

146
MASUSING Paaralan Baitang 6
BANGHAY- Guro Asignatura Filipino
ARALIN Petsa at Markahan F6Q1W7D3
Oras

I. LAYUNIN
Naipamamalas ang kakayahan at tatas sa
A. Pamantayang
pagsasalita at pagpapahayag ng sariling ideya,
Pangnilalaman
kaisipan, karanasan at damdamin
B. Pamantayan sa
Nakasasali sa isang usapan tungkol sa isyu
Pagganap
Nagagamit ang panghalip panaklaw sa iba’t
C. Mga Kasanayang
ibang sitwasyon F6WG-Ie-g-3
Pampagkatuto/Layunin

II. PAKSA
Paggamit ng Panghalip Panaklaw sa Iba’t Ibang Sitwasyon

III. MGA KAGAMITAN


A. Sanggunian: K to 12 Gabay Pangkurikulum sa Filipino VI, p. 120
Landas sa Wika 6 pahina 88-89
Hiyas sa Wika 6 pp.66-69
B. Iba pang kagamitang pampagtuturo :
Larawan, balita,editoryal, usapan , sanaysay
IV. PAMAMARAAN
A. Balik-aral at/o Panimula
(Babalikan sa klase ang usapan o dIyalogo tungkol sa isang partikular na
sitwasyong nangyayari sa palengke. Iwawasto ang mga kasagutang
ibinigay ng mga mag-aaral.)

B. Pagganyak
(Magpapakita ang guro ng larawan. )
Sabihin: Suriin ang larawan. Bumuo ng pangungusap tungkol dito. Ipasulat ito
sa pisara.)
Batay sa mga pangungusap na nabuo iuugnay ito sa aralin.
C. Paglalahad ng Aralin

147
Pag aralan natin ngayon ang gamit ng panghalip panaklaw sa iba’t ibang
sitwasyon.
Basahin ang editoryal.

Editoryal:
Kursong Matematika sa telebisyon at ang mga benepisyo sa edukasyon
Ang ideya ng Senate Committee na itampok ang kursong matematika sa
telebisyon upang linangin at paunlarin ang abilidad ng mga kabataan ay kapuri-
puri.
Ang proyektong CONSTEL (Continuing Studies in Education via Television)
Math ay pangungunahan ng Foundation for Upgrading the Standards of
Education (FUSE), isang non-stock, non-profit organization na binubuo ng mga
personalidad sa sektor ng gobyerno, pangangalakal at edukasyon upang
maiangat ang mga mag-aaral na Pilipino.
Ang matematika ay kinukunsiderang ikalawang universal language sa
komunikasyon. Ito ang syensya ng bilang, ang kanilang operasyon, interaksyon,
kompigurasyon at sukat.

Ito ang payak na kaalaman na lumalagpas ng panahon, kultura, kredo, espasyo


at trabaho.
Ang proposisyong itampok ang math telecourses ay kapansin-pansin sa
nakaraang International Math Evaluation kung saan nalaman na ang abilidad ng
mga Pilipino sa matematika ay hindi kompetitibo sa iba pang bansa sa Asya.
Ang gamit ng telebisyon bilang alternatibong paraan ng pagtuturo ay nagbibigay
ng inobasyon sa kasalukuyang panahon. Ang telebisyon ay naestabilisa nang
maigi ng ating pang-araw-araw na buhay. Lahat ng klase ng tao ay nakatitiyak
na may bahagi ng kanilang edukasyon na napulot sa telebisyon. Unti-unti ay
nababago na ang pananaw ng mga magulang at guro tungkol sa telebisyon.
Bukod sa pagbibigay ng kasiyahan, ito ay kinilala nang isang mahalagang
bahagi ng edukasyon sa pagbibigay ng maraming oportunidad sa pag-aaral.
Gayundin, ang telecourses na nasa porma ng modules ay maaaring duplikahin
at gawing videotapes para sa diseminasyon sa liblib na lugar.
Sa paglulunsad ng Math bilang bagong telecourses mula sa dating
telecourses noong Hunyo 1995 – Science Made Easy, Chemistry in Action at
Physics in Everyday Life --- inaasahang ang antas ng kaalaman sa matematika
at kumpyansa ng Pilipino ay tataas.

D. Pagtalakay sa Aralin

148
Sagutin ang mga tanong:
1. Ano ang ikinikonsiderang ikalawang universal language ng komunikasyon?
Bakit?
2. Anong kabutihan ang idinudulot ng telebisyon?
3. Kani-kaninong proyekto ang CONSTEL Math?
4. Bakit hindi kompetitibo ang abilidad ng mga Pilipino sa Matematika kaysa
sa ibang bansa sa Asya?
5. Paano nagiging mapaminsala ang telebisyon lalong-lalo na sa mga bata?

Basahin ang sumusunod na pangungusap na hinango sa editoryal.


1. Ang proposisyong itampok ang math telecourses ay kapansin-pansin sa
nakaraang International Math Evaluation kung saan nalaman na ang
abilidad ng Pilipino sa Matematika ay hindi kompetitibo sa iba pang bansa
sa Asya.
2. Lahat ng klase ng tao ay nakatitiyak na may bahagi ng kanilang edukasyon
na napulot sa telebisyon.
(Tatalakayin ng guro sa klase ang panghalip panaklaw gamit ang mga
pangungusap na kinuha sa editorial.)

Gawain I: (Pangkatan) Malaya ang guro na pumiIi ng larawan para sa bawat


grupo.)
Pag-aralan ang mga larawan. Picture Power. Bumuo ng mga pangungusap
gamit ang panghalip panaklaw. Maghanda para sa pag-uulat.

149
Gawain II:
Gawin Mo: Bumuo ng dalawang pangungusap sa bawat larawan gamit ang
panghalip panaklaw.

E. Paglalahat
Ano ang gamit ng mga panghalip na panaklaw sa iba’t ibang sitwasyon?

F. Paglalapat
Bumuo ng maikling balita tungkol sa naranasang lindol gamit ang panghalip
panaklaw.
(Malayang bumuo ng rubrik ang guro para sa pagmamarka ng ginawa ng
mga mag-aaral.

G. Pagtataya
Magpakita ng larawan tungkol sa isang sitwasyon. (Malaya ang guro na
pumili ng larawan.)Ipasuri ito sa mga mag-aaral. Bumuo ng limang
pangungusap gamit ang panghalip panaklaw. Malaya ang guro sa
paggawa ng rubrik na gagamitin sa pagmamarka.

H. Karagdagang Gawain at/o Pagpapahusay

Sumulat ng maikling talata tungkol sa awiting inyong nagustuhan.


Gamitin ang mga panghalip na panaklaw. Bigyan ito ng pamagat.

V. MGA TALA
VI. PAGNINILAY
I. Bilang ng mag-aaral na
nagtamo ng 80% sa pagtataya
J. Bilang ng mag-aaral na
nangangailangan ng mga
gawaing pagpapahusay
(remedial)

150
K. Nakatulong ba ang
pagpapahusay (remedial)?
Bilang ng mag-aaral na
naunawaan ang aralin
L. Bilang ng mag-aaral na
patuloy na nangangailangan
ng pagpapahusay
(remediation)
M. Alin sa aking pagtuturo ang
nag ing epektibo? Bakit?
N. Ano-ano ang aking naging
suliranin na maaaring malutas
sa tulong ng aking
punongguro at superbisor?
O. Anong mga inobasyon o
lokalisasyon sa mga
kagamitan ang ginamit
/natuklasan ko na nais kong
ibahagi sa ibang guro?

151
MASUSING Paaralan Baitang 6
BANGHAY- Guro Asignatura Filipino
ARALIN Petsa at Markahan F6Q1W7D4
Oras

I. LAYUNIN
A. Pamantayang Naisasagawa ang mapanuring pagbasa sa iba’t
Pangnilalaman ibang uri ng teksto at napalalawak ang talasalitaan
Nakabubuo ng sariling diksyunaryo ng mga bagong
B. Pamantayan sa
salita mula sa mga binasa; naisasadula ang mga
Pagganap
maaaring mangyari sa nabasang teksto
Nakapagbibigay ng angkop na pamagat sa
C. Mga Kasanayang
binasang talata (F6PB-Ig-8)
Pampagkatuto/Layunin

II. PAKSA

Pagbibigay ng Angkop na Pamagat sa Binasang Talata


III. MGA KAGAMITAN
A. Sanggunian: K to 12 Gabay Pangkurikulum sa Filipino VI, p. 120
Landas sa Wika 6 pahina 33, 40, 93
B. Iba pang kagamitang pampagtuturo:
larawan ng nag-uusap, sipi ng diyalogo,
activity sheets o gawaing papel
IV. PAMAMARAAN
A. Balik-aral at/o Panimula
Pag-aralan ang larawan
Ano ang nakikita mo sa larawan? Bumuo ng mga pangungusap gamit ang
panghalip panaklaw. Bigyan din ng pamagat ang larawang ito.

152
B. Pagganyak
Paano mo tinatanggap ang dumarating na panauhin sa inyong bahay?
(Magkaroon ng malayang talakayan tungkol sa sagot ng mga mag-aaral at
iugnay ito sa aralin.)
C. Paglalahad ng Aralin
Pag-aralan natin ngayon ang tungkol sa pagbigay ng angkop na pamagat sa
binasang talata.
Basahin ang talata.
Isa sa mga katangiang maipagmamalaki nating mga Pilipino ay ang
mabuti nating pagtanggap sa mga panauhin. Kapag ang isang
pamilya ay may inaasahang panauhin, bawat isa ay abala sa
paghahanda. Sila’y naglilinis at nag-aayos ng kabahayan. Nagluluto
ang pamilya ng masarap na pagkain at naghahanda ng maraming
prutas at inumin. Pinagkakaabalahan din nila kung ano ang
maipauuwing pasalubong ng panauhin.

D. Pagtalakay sa Aralin

1. Ano ang paksang diwa ng talata?


2. Paano ipinapakita ng mga Pilipino ang maayos na pagtanggap sa mga
panauhin?
3. Ano ang pamagat na maaari mong ibigay?
4. Paano ang pagbibigay ng angkop na pamagat sa binasang talata?
Sa pagbibigay ng pamagat ng isang talata, alamin mo muna ang
paksang-diwa o paksang pangungusap. Ang mga ito ay nagbibigay ng
ideya sa pagpili ng pamagat. Ang pangunahing diwa ang pinakabuod ng
mga pangyayari sa talata o kuwento. Ang paksang pangungusap ang
pinagtutuunan ng mga detalye upang mabuo ang pangunahing diwa ng
talata o kuwento. Ginagamit ang malaking titik sa mahahalagang salita sa
pamagat ng talata o kuwento. Ang unang salita sa pamagat ay sinimulan
din sa malaking titik.

(Magbibigay pa ang guro ng iba pang karagdagang gawain.)


Gawain I.
Narito ang isa pang talata. Basahin at isulat ang paksang pangungusap. Ito ay
maaaring matagpuan sa una, sa gitna, o sa hulihang pangungusap.
Hindi na mabilang ang mga kababayan nating nanguna sa larangan ng pag- awit ,
pagpipinta at pag-ukit. Hinahangaan ng mga dayuhan ang mga produkto nating
gawang kamay na tulad ng binurdahan at nililok.Tunay na ang mga Pilipino ay
malikhain sa iba’t ibang larangan.

153
Ano ang paksang pangungusap? _______________
Piliin ang angkop na pamagat .
a. Tradisyon ng mga Pilipino b. Kapistahan ng mga Pilipino
c. Ang Bayanihan d. Mga Kapistahan sa lalawigan

Gawain II:

Basahin pa ang kasunod na talata.Piliin sa ibaba ang angkop sa pamagat ng


talata.

Ang pamilyang Pilipino ay isang napakahalagang institusyon. Sa gitna ng


maraming suliranin,dapat umiral ang pagmamahalan, pagkakaisa at pagtutulungan
upang lalong tumibay ang pagsasamahan ng isa’t isa. Ano mang problema ang
dumating, kailangang mapanatiling buo at matatag ang pamilya. Bukod ditto,
biyaya ng Diyos ang ating pamilya kaya’t patuloy mong ingatan.

a. Ang Pamilyang Pilipino b. Ang Pamilya


c. Ang Problema sa Pamilya d. Biyaya ng Diyos ang Pamilya

E. Paglalahat
Paano ang pagbibigay ng angkop na pamagat sa binasang talata?

F. Paglalapat

A. Piliin ang angkop na pamagat sa mga pagpipilian na kasunod ng bawat talata.(


Maaaring walang pagpipilian,hayaan ang mga bata na mag-isip)

1. Ang niyog (cocos nucifera) ay may karaniwang taas na 6 na metro o higit pa.
Natatangi sa lahat ng puno ang niyog sapagkat bawat bahagi nito ay maaari ring
sangkap sa paggawa ng sabon, shampoo, at iba pa.

a. ang niyog b. Ang mga Gamit ng Niyog c. Ang Niyog d. ang mga gamit ng Niyog

2. Ang Kawanihan ng Rentas Internas (Bureau of Internal Revenue) ay ang


sangay ng pamahalaan na namamahala sa pangongolekta ng buwis ng mga
mamamayang may hanapbuhay. Bawat manggagawang Pilipino ay may tungkuling
magbayad ng kaukulang buwis. Ang buwis na ibinabayad ang siyang ginagamit na
pondo ng pamahalaan sa pagpapaganda at pagpapaunlad ng ating bansa.

a. Ang kawanihan ng Rentas Internas b. Ang Kawanihan ng Rentas Internas


c. Ang kawanihan ng internas rentas d. ang kawanihan ng internas rentas

154
G. Pagtataya

Bigyan ng angkop na pamagat ang bawat talata. Isulat ito sa sagutang papel.

1. Si Lapu-lapu ang unang bayaning Pilipino.Nang matuklasan ni Magellan ang


Pilipinas, gusto niyang kilalanin ng mga katutubo ang hari ng Espanya. Tinutulan
ito ni Lapu-lapu at naganap ang digmaan sa pagitan ng mga Kastila at katutubo
kung saan tinalo ni Lapu-lapu si Magellan at naging sanhi ng pagkasawi nito sa
laban.

2. Si Melchora Aquino ay ipinanganak noong ika-6 ng Enero, 1821.Ang kanyang


mga magulang ay sina Juan Aquino at Valentina Aquino. Noong kabataan niya
ay madalas siyang maimbitahan sa kanilang parokya upang umawit lalung-lalo
na sa mga araw ng pabasa.Hinirang rin siyang Reyna Elena ng
Santakrusan.Kahit na walumpu’t tatlong taong-gulang na si Tandang Sora, ito ay
hindi naging hadlang sa kaniyang paglilingkod sa bayan.Lihim niyang tinulungan
ang mga katipunerong maysakit at nagugutom.

3. Isa sa mga naging mahalagang personalidad sa People Power ay si Hilario G.


Davide Jr. Siya ang punong-hukom ng Kataas-taasang Hukuman ng Pilipinas. Siya
rin ang nagtalaga kay dating Pangalawang Pangulo Gloria Macapagal-Arroyo bilang
bagong Pangulo ng bansa. Nakamit rin niya ang Ramon Magsaysay Award para sa
paglilingkod sa pamahalaan noong 2002, dahil sa kanyang mahusay na serbisyo.

4. Napakahalaga ng bitamina A sa ating katawan. Ito ang tumutulong upang lalong


luminaw ang ating mata. Ang kakulangan sa bitaminang ito ay maaaring magdulot
ng paglabo ng paningin. Ang mga pagkain na mayaman sa bitamina A ay atay
(manok o baka) itlog, gatas, keso, mga luntian at dilaw na gulay at prutas.

5. Ang kapistahan ng Our Lady of Peñafrancia ay ginaganap sa Naga City sa Bicol


tuwing ikatlong Sabado ng buwan ng Setyembre. Pero ngayon ay ginaganap na rin
ito sa buwan ng Mayo para sa mga hindi nakakadalo sa Setyembre. Bago ang
mismong araw ng kapistahan, may siyam na araw na novena sa Birhen. Sa
ikasiyam na araw, ibinabalik sa dambana ang imahen at idinadaan ito sa Ilog Naga
sa paraang prusisyon ng mga Bangka.

H. Karagdagang Gawain at/o Pagpapahusay

Bigyan ng angkop na pamagat ang talata.


1. Ang Bulkan Mayon ay isang aktibong bulkan sa lalawigan ng Albay, sa pulo
ng Luzon sa Pilipinas. Bantog ang bulkan dahil sa halos "perpektong hugis
apa" nito. Ang Mayon ang naging hilagang hangganan ng Lungsod ng
Legazpi, ang pinakamataong lungsod sa despacito Kabikulan. Unang
inihayag bilang isang pambansang liwasan at isang nakaprotektang lupain ng
bansa noong 20 Hulyo 1938.
155
1. Ang angkop na pamagat ng talata ay ____________________

2. Si Pablo Planas ay isang dating tsuper at mekaniko. Siya ang


nakaimbento ng Khaos Super Turbo Charger (KSTC) na isang tipid-gas na
gamit para sa mga de-gasolinang sasakyan. Hindi siya nasilaw sa multi-
milyong pisong alok ng bansang Amerika para lamang ibenta ang kanyang
imbensyon. Ito ang nagpapatunay ng kanyang hangaring makatulong sa
ating bayan.
Ang angkop na pamagat ng talata ay ___________________

V. MGA TALA
VI. PAGNINILAY
I. Bilang ng mag-aaral na
nagtamo ng 80% sa pagtataya
J. Bilang ng mag-aaral na
nangangailangan ng mga
gawaing pagpapahusay
(remedial)
K. Nakatulong ba ang
pagpapahusay (remedial)?
Bilang ng mag-aaral na
naunawaan ang aralin
L. Bilang ng mag-aaral na
patuloy na nangangailangan
ng pagpapahusay
(remediation)
M. Alin sa aking pagtuturo ang
nag ing epektibo? Bakit?
N. Ano-ano ang aking naging
suliranin na maaaring malutas
sa tulong ng aking
punongguro Bat superbisor?
O. Anong mga inobasyon o
lokalisasyon sa mga
kagamitan ang ginamit
/natuklasan ko na nais kong
ibahagi sa ibang guro?

156
MASUSING Paaralan Baitang 6
BANGHAY- Guro Asignatura Filipino
ARALIN Petsa at Markahan F6Q1W7D5
Oras

I. LAYUNIN
A. Pamantayang Naipamamalas ang iba’t ibang kasanayan upang
Pangnilalaman maunawaan ang iba’t ibang teksto
B. Pamantayan sa Nagagamit ang nakalimbag at di-nakalimbag na
Pagganap mga kagamitan sa pagsasaliksik
C. Mga Kasanayang 1. Nagagamit ang call number sa pagpili ng aklat na
Pampagkatuto/Layunin nais basahin (F6EP –Ig – 9.4)
2. Nagagamit ang card catalog sa pagtukoy ng
aklat na gagamitin sa pagsasaliksik tungkol sa
isang paksa (F6EP – Ih – 9.1)

II. PAKSA

Paggamit ng Card Catalog at Call Number sa Pagpili ng Aklat


III. MGA KAGAMITAN
A. Sanggunian: K to 12 Gabay Pangkurikulum sa Filipino VI, p. 120
Landas sa Pagbasa 6 pahina 90 – 92
B. Iba pang kagamitang pampagtuturo: halimbawa ng card catalog, plaskard,
indeks kard, aklat sa Filipino

IV. PAMAMARAAN
A. Balik-aral at/o Panimula
Paano mo binibigyan ng angkop na pamagat ang binasang talata? Iugnay ito sa
bagong aralin.

B. Pagganyak
Nakapunta ka na ba sa isang silid-aklatan? Ano ang mga makikita mo sa loob
nito? (Maaaring magpakita ang guro ng larawan ng silid-aklatan.)
C. Paglalahad ng Aralin

Pag-aaralan natin ngayon ang paggamit ng card catalog at call number sa


pagtukoy at pagpili ng aklat na gagamitin sa pagsasaliksik.
Ipasuri ang halimbawa ng card catalog.
422
Ang Guro at ang Sining ng Pagtuturo
Paz M.Belvez
Quezon City: DANE Publishing House, Inc.,
1997
157
D. Pagtalakay sa Aralin
A. Itanong:
1. Ano-ano ang mga impormasyong nakapaloob sa kard?
2. Saan ito makikita?
3. Ano ang tawag sa kard na ito?
4. Saan ginagamit ang kard katalog?
(Magbibigay pa ng karagdagang impormasyon ang guro tungkol sa kard katalog
tulad ng mga uri ng katalog at call number)
KARD KATALOG –Mahalagang tulong ang kard katalog sa mga nais
magbasa o magsaliksik sa aklatan dahil pinadadali nito ang paghahanap ng
kailangang aklat o babasahin. Ang kard katalog ay naglalaman ng mga detalye
tulad ng pamagat ng akda, pangalan ng awtor o may – akda, lugar ng
pinaglimbagan, ang naglimbag ,at petsa ng pagkakalimbag. Nakatala rin sa kard
katalog ang Call Number o Accession Number ng aklat o babasahin.
Mga uri ng Kard Katalog:
1. Kard ng Pamagat (Title Card )
Binibigyang – diin nito ang pamagat ng akda. Mababasa sa unang linya ang
pamagat ng aklat.
Sa ilalim nito ay ang pangalan ng awtor o may-akda at ang detalye ng paglilimbag.
422
Ang Guro at ang Sining ng Pagtuturo
Paz M.Belvez
Quezon City: DANE Publishing House, Inc.,
1997

2. Kard ng Paksa ( Subject Card )

Ang paksa naman ang binibigyang – diin sa kard ng paksa. Sa kard katalog na
ito, ang paksa o nilalaman ng aklat ang nasa unahan, kasunod ang pangalan ng
awtor, pamagat ng aklat, at detalye ng paglilimbag.
422
Pagtuturo ,Istratehiya
Paz M. Belvez,Ang Guro at ang Sining ng
Pagtuturo
Quezon City : DANE Publishing House,
Inc.,1997
158
3. Kard ng Awtor o May – akda ( Author Card )
Sa kard katalog na ito, nasa unang linya ang pangalan ng awtor,
kasunod dito ang pamagat ng aklat at ang detalye ng paglilimbag.

422
Belvez, Paz M.

Ang Guro at ang Sining ng Pagtuturo .

Quezon City : DANE Publishing House,

Inc.,1997

B. Pagsasanay
Gawain I: (Gumamit ng “concept map” sa pagsasanay. )
Ipabasa ang nilalaman ng bawat kard at tumawag ng mag-aaral para ipaskil ito sa
tamang uri ng kard katalog.

Binibigyang – diin nito ang


pamagat ng akda. Mababasa sa
li t

Ang paksa naman ang


KARD
binibigyang – diin sa kard ng
KATALOG paksa. Sa kard katalog na ito,
ang paksa o nilalaman ng aklat
ang nasa unahan, kasunod ang

Sa kard katalog na ito, nasa


unang linya ang pangalan ng
awtor, kasunod dito ang pamagat

( Iwawasto at ipoproseso ng guro ang sagot ng mga mag-aaral.)

Gawin II:Pagsubok sa paggamit ng call number at kard katalog.

Bigyan sila ng paksa na dapat isaliksik at itanong kung anong kard


katalog ang dapat gamitin.
(Ihahanda ng guro ng talaan ng mga paksa at mga halimbawa ng kard catalog)
159
E.Paglalahat
Bakit mahalagang matutuhan ang paggamit ng kard katalog?
F. Paglalapat
Sabihin kung anong uri ng kard katalog ang gagamitin sa paghanap ng mga
sumusunod na paksa. (Maaaring palitan ng guro ang mga paksa)
1. Genoveva Edrosa-Matute
2. Katon, sa Bahay Mo
3. Mga Piling Tulang Pampaaralan at Pambata Tungkol sa Iba’t Ibang
Okasyon at Pagdiriwang
4. Landas sa Pagbasa VI
5. Ang Musikang Pinoy Noon at Ngayon

G. Pagtataya
Tukuyin at isulat kung kard ng pamagat , kard ng paksa , kard ng awtor o may
- akda ang gagamitin sa paghahanap ng sumusunod. Isulat ang sagot sa
sagutang papel.
1. Nicanor Abelardo: The Man and the Artist
2. Iba’t Ibang Katutubong Instrumentong Pangmusika
3. Katutubong Awit
4. Kasaysayan ng Musikang Pilipino
5. Ati-Atihan, Moriones
H. Karagdagang Gawain at/o Pagpapahusay
Bumisita sa isang aklatan. Gamit ang kard katalog, itala ang mga aklat na
maaaring maging sanggunian sa pagsasaliksik ng isa sa mga sumusunod.
1. Musikang Pilipino
2. Musikerong Pilipino
3. Awiting – bayan ng Pilipinas
4. Katutubong instrumentong pangmusika
5.

V. MGA TALA
VI. PAGNINILAY
I. Bilang ng mag-aaral na nagtamo ng
80% sa pagtataya
J. Bilang ng mag-aaral na
nangangailangan ng mga gawaing
pagpapahusay (remedial)
K. Nakatulong ba ang pagpapahusay
(remedial)?
160
Bilang ng mag-aaral na naunawaan
ang aralin
L. Bilang ng mag-aaral na patuloy na
nangangailangan ng pagpapahusay
(remediation)
M. Alin sa aking pagtuturo ang nag ing
epektibo? Bakit?
N. Ano-ano ang aking naging suliranin
na maaaring malutas sa tulong ng
aking punongguro Bat superbisor?
O. Anong mga inobasyon o lokalisasyon
sa mga kagamitan ang ginamit
/natuklasan ko na nais kong ibahagi
sa ibang guro?

161
MASUSING Paaralan Baitang 6
BANGHAY- Guro Asignatura Filipino
ARALIN Petsa at Markahan F6Q1W8D1
Oras

I. LAYUNIN
A. Pamantayang Naipamamalas ang kakayahan sa mapanuring
Pangnilalaman pakikinig at pag-unawa sa napakinggan
Nasasaulo ang isang tula/awit na napakinggan at
B. Pamantayan sa
naisasadula ang isang isyu o paksa mula sa
Pagganap
tekstong napakinggan
C. Mga Kasanayang
Nakasusunod sa panuto F6PN-h-1.1
Pampagkatuto/Layunin
II. PAKSA

Pagsunod sa Panuto
III. MGA KAGAMITAN
A. Sanggunian: K to 12 Gabay Pangkurikulum sa Filipino VI, p. 120
Landas sa Wika 6 pah.120-122,124-129
B. Iba pang kagamitang pampagtuturo :tsart, mga panuto, video clips,
speaker,
projector, laptop
IV. PAMAMARAAN
A. Balik-aral at/o Panimula
(Pagwawasto sa ibinigay na takdang-aralin)
Bumisita sa isang aklatan. Gamit ang kard katalog, itala ang
mga aklat
na maaaring maging sanggunian sa pagsasaliksik ng isa sa
mga
sumusunod:

1. Musikang Pilipino
2. Musikerong Pilipino
3. Awiting – bayan ng Pilipinas
4. Katutubong instrumentong pangmusika

(Bigyang-pansin kung ilan ang nakasagot nang wasto sa takdang-aralin at


ilan naman ang hindi. Itanong sa mga mag-aaral kung bakit hindi nila
nasagot nang wasto ang takdang-aralin… Iugnay ito sa aralin tungkol sa
pagsunod sa panuto.)

B. Pagganyak
162
Magpakita ng video tungkol sa paggawa ng bracelet mula sa mga
patapong bagay.
Ano ang unang hakbang sa paggawa,pangalawa,pangatlo,panghuli?
(Ang guro na ang bahalang maghanap ng video clip.Malaya rin ang
gurong
palitan ang video clip)
C. Paglalahad ng Aralin

Pag-aaralan natin ngayon ang tungkol sa pagsunod sa panuto.

Ano ang panuto? Gaano kaya kahalaga ang pagsunod sa panuto?

D. Pagtalakay sa Aralin

Panuto¬ay mga tagubilin sa pagsasagawa ng iniutos na gawain.


¬Maaaring pabigkas o nakasulat ang mga panuto. ¬Makatutulong sa
maayos, mabilis, at wastong pagsasagawa ng gawain ang pagsunod sa
ibinigay na panuto. ¬Ginagamit din ang mga salita tulad ng: sa kanan, sa
kaliwa, sa itaas, o sa ibaba sa pagbibigay ng panuto. Halimbawa ilagay ang
kanang kamay sa kaliwang bahagi ng dibdib habang inaawit ang “Lupang
Hinirang.”

Ang pagsunod sa panuto ay tanda ng paggalang at pagkamasunurin.


Ugaliing magbasa, makinig, umunawa at sumunod sa mga hakbang na
dapat sundin. Pagsikapang makasunod sa tiyak, tama at malinaw na
panuto upang lubos na matuto. Ang hindi pagsunod ay maaaring
magbunga ng pagkakamali at kaguluhan.

DAPAT TANDAAN SA PAGSUNOD SA PANUTO


1. Unawaing mabuti ang isinasaad na panuto. Kung nakasulat ,
basahing mabuti o unawain. Kung pasalita, pakinggang mabuti ang
nagbibigay panuto.
2. Kung mahaba ang panuto, itala ang mahahalagang detalye.
3. Kung hindi nalinawan, magalang na ipaulit ang panutong hindi
naunawaan.

PAGSASANAY:
Gawain I:
Ang guro ay magbibigay ng panuto na susundin ng mag-aaral. Ipahanda ang
mga kagamitan na kakailanganin.
1. Gumuhit ng malaking puso sa pulang kartolina.
2. Gupitin ito at idikit sa bond paper.
3. Gamit ang marker isulat sa loob ng puso ang pangalan mo.

163
4. Sa ibaba ng hugis puso isulat naman ang pangalan ng iyong
kaibigan.
5. Ilarawan ang sarili at ang kaibigan.
(Iwawasto at ipoproseso ng guro ang gawain)

Gawin II: Gawin ang pinagagawa sa bawat bilang.


1. Gumuhit ng isang malaking bilog. Gumuhit ng maliit na bilog sa
kaliwa ng malaking bilog.
Isulat sa maliit na bilog ang edad ng tatay mo.
2. Gumawa ng isang kahon. Gumuhit ng limang bituin sa loob nito.
Kulayan ito ng dilaw.
3. Isulat ang iyong pangalan. Salungguhitan ang iyong unang pangalan
at bilugan ang huling pangalan.
4. Ikaw ba ay lalaki o babae? Kung lalaki ka, kahunan ang bola, kung
ikaw ay babae. Lagyan ng tsek ang manika.
E. Paglalahat

Ano ang maaaring bunga ng hindi pagsunod sa panuto? Kapag


nasunod mo naman, ano ang dulot nito?

F. Paglalapat

Hatiin sa apat na pangkat ang klase. Bawat pangkat ay bibigyan ng


Gawain na lilinang sa kakayahan sa pagsunod sa panuto. (Ang guro ang
maghahanda ng panuto na dapat sundin ng bawat pangkat.

Iskor Kard:
PAMANTAYAN BAHAGDAN
Kawastuan ng awtput 10%
Kooperasyon/Partisipasyon ng bawat 10%
kasapi sa pangkat
KABUOAN 20%

G. Pagtataya

Panuto: Basahing mabuti ang bawat panuto. Sundin ang hinihingi nito.
1.Isulat ang pangalan ng iyong paaralan sa loob ng kahon. Bilugan ang
lahat ng patinig na letra.

164
2.Kulayan ng pula ang ikalawang kahon. Isulat ang unang titik ng iyong
pangalan sa ikalimang kahon. Bilugan ang huling kahon.

3.Gumuhit ng apat na bulaklak sa loob ng plorera. Isulat ang iyong palayaw


sa ilalim ng plorera.

4.Salungguhitan ang numero ng iyong baitang (grade). Ikahon ang numero


ng iyong edad (age).

1 2 3 4 5 6 7 8 9 10 11 12 13 14 15

5.Gumuhit ng anim na bilog. Kulayan ang pinakaunang bilog ng berde at


ang panghuling bilog ng asul.

H. Karagdagang Gawain at/o Pagpapahusay

Magsaliksik sa youtube ng iba pang paraan ng pagreresiklo ng


plastik. Sundin kung paano ito isasagawa at ibahagi ang natutuhan
sa mga kaklase.

V. MGA TALA
VI. PAGNINILAY
FFFFFFF. Bilang ng
mag-aaral na nagtamo ng
80% sa pagtataya
GGGGGGG. Bilang ng
mag-aaral na
nangangailangan ng mga
gawaing pagpapahusay
(remedial)
HHHHHHH. Nakatulong
ba ang pagpapahusay
(remedial)?
Bilang ng mag-aaral na
naunawaan ang aralin
IIIIIII. Bilang ng mag-
aaral na patuloy na
nangangailangan ng
pagpapahusay
(remediation)
JJJJJJJ. Alin sa aking
pagtuturo ang nag ing
epektibo? Bakit?
165
KKKKKKK. Ano-ano
ang aking naging
suliranin na maaaring
malutas sa tulong ng
aking punongguro at
superbisor?
LLLLLLL. Anong mga
inobasyon o lokalisasyon
sa mga kagamitan ang
ginamit /natuklasan ko na
nais kong ibahagi sa
ibang guro?

166
Paaralan Baitang 6
Guro Asignatura Filipino
MASUSING Petsa at Markahan F6Q1W8D2
BANGHAY- Oras
ARALIN

I. LAYUNIN
Naipamamalas ang kakayahan at tatas sa
A. Pamantayang
pagsasalita at pagpapahayag ng sariling ideya,
Pangnilalaman
kaisipan, karanasan at damdamin
B. Pamantayan sa
Nakasasali sa isang usapan tungkol sa isyu
Pagganap
Naibabahagi ang isang pangyayaring
C. Mga Kasanayang
nasaksihan
( F6PS-Ih-3.1)
Pampagkatuto/Layunin
II. PAKSA
Pagbabahagi ng Isang Pangyayaring Nasaksihan
III. MGA KAGAMITAN
A. Sanggunian: K to 12 Gabay Pangkurikulum sa Filipino VI, p. 120
Wikang Filipino 6 p. 173
B. Iba pang kagamitang pampagtuturo : larawan, tsart, video, larawang
puzzle,
manila paper, pentel pen

IV. PAMAMARAAN
A. Balik-aral at/o Panimula
Bibigyan ng pansin ang takdang-aralin tungkol sa pagreresiklo.
Tatawag ang guro ng ilang mag-aaral na magbabahagi nito sa klase.
B. Pagganyak

167
Magpakita ng larawan at magtanong.(Maaaring magpanood
ang guro ng video ng isang pangyayari tungkol sa mga kalamidad na
nararanasan tulad ng lindol, bagyo o baha)

Anong pangyayari ang nakikita sa larawan? Bakit kaya isinasagawa


ang ganitong gawain sa paaralan?
(Tanggapin ang ano mang impormasyong ibabahagi ng mga mag-
aaral)
C. Paglalahad ng Aralin
Ngayon, ating pag-aralang ibahagi ang mga pangyayaring ating
nasaksihan. Magpakita ng video tungkol sa Brigada Eskwela. (
Ang guro ay malayang pumili ng video na ipakita na may
magandang aral.)

D. Pagtalakay sa Aralin

(Pag-usapan sa klase ang mga pangyayaring nakita sa video.)


Itanong:
1. Paano mo maibabahagi sa ibang tao ang pangyayaring iyong
nasaksihan?
(Magkakaroon ng malayang talakayan tungkol dito)
Gawain:
1. Paggawa ng Puzzle (Ang guro ang maghahanda ng 4 na puzzle)
Hatiin sa apat ang klase. Bigyan ng tig-iisang puzzle na bubuuin sa
loob ng 5 minuto.
Pakatapos ng itinakdang oras, magpapalitan ang bawat grupo ng nabuong
puzzle.
Bibigyan ang bawat grupo ng manila paper na pagsusulatan ng
mga
impormasyon/pangyayaring nasaksihan sa puzzle. Pipili ang
bawat
pangkat ng mag-uulat sa mga pangyayaring naitala nila sa
manila paper.

(Ipoproseso ang ulat ng bawat pangkat.)

168
E. Paglalahat

Kung nasaksihan mo ang isang pangyayari paano mo ito


maibabahagi?

F. Paglalapat

Gawain: Pagbabahagi ng isang pangyayaring nasaksihan.

(Hahatiin sa 3 pangkat ang klase at bibigyan ng sitwasyon na


maaaring ibahagi sa klase)
A. Pangkat I – Pambubully
B. Pangkat II – Isang mag-aaral na tinulungan ang kanyang
kaklase nang ito ay madapa.
C. Pangkat III – Isang mag-aaral na nagbahagi ng kanyang
baon sa kanyang kaklase
(Maaaring palitan ng guro ang mga halimbawang
sitwasyon)

G. Pagtataya
Magpakita ang guro ng isang video clip tungkol sa isang pangyayari sa
paaralan o sa pamayanan,pagkatapos, ipabahaging muli sa mag-aaral ang
nasaksihan.. (Maaaring bumuo ang guro ng sariling rubrik/ Iskor kard
para sa pagmamaka.)

H. Karagdagang Gawain at/o Pagpapahusay


Gumawa ng maikling talata ukol sa isang pangyayaring iyong
nasaksihan. Ibahagi ito sa buong klase.
V. MGA TALA
VI. PAGNINILAY
I. Bilang ng mag-aaral na nagtamo
ng 80% sa pagtataya
J. Bilang ng mag-aaral na
nangangailangan ng mga
gawaing pagpapahusay
(remedial)
K. Nakatulong ba ang
pagpapahusay (remedial)?
Bilang ng mag-aaral na
naunawaan ang aralin
L. Bilang ng mag-aaral na patuloy
na nangangailangan ng
pagpapahusay (remediation)

169
M. Alin sa aking pagtuturo ang
naging epektibo? Bakit?
N. Ano-ano ang aking naging
suliranin na maaaring malutas sa
tulong ng aking punongguro at
superbisor?
O. Anong mga inobasyon o
lokalisasyon sa mga kagamitan
ang ginamit /natuklasan ko na
nais kong ibahagi sa ibang guro?

170
Paaralan Baitang 6
Guro Asignatura Filipino
MASUSING Petsa at Oras Markahan F6Q1W8D3
BANGHAY-
ARALIN

I. LAYUNIN
Naipamamalas ang kakayahan at tatas sa
A. Pamantayang
pagsasalita at pagpapahayag ng sariling
Pangnilalaman
ideya, kaisipan, karanasan at damdamin
B. Pamantayan sa
Nakasasali sa isang usapan tungkol sa isyu
Pagganap
Nagagamit ang pangngalan ayon sa
kayarian sa pakikipag-usap sa iba’t ibang
C. Mga Kasanayang
sitwasyon
Pampagkatuto/Layunin
(F6WG-Ih-j-12 )

II. PAKSA
Paggamit ng Kayarian o Kaanyuan ng Pangngalan sa Pakikipag-
usap sa Iba’t Ibang Sitwasyon

III. MGA KAGAMITAN


A. Sanggunian:K to 12 Gabay Pangkurikulum sa Filipino VI, p. 120
Landas sa Wika 6 pah.6, Wikang Filipino 6 p. 173
B. Iba pang kagamitang pampagtuturo :larawan, tsart, papel, masking
tape,pentel pen,gunting

IV. PAMAMARAAN
A. Balik-aral at/o Panimula

Ipabasa ang ilang natapos na gawain sa mga mag-aaral.

B. Pagganyak
Ipasuri ang nasa larawan. Bigyan ng papel ang bawat mag-aaral.
Itanong: Ano ang nakikita ninyo sa larawan?
Isulat ito sa papel at idikit sa pisara.(Wall Post Strategy)
Ipabasa ang mga salitang nakadikit sa pisara.

171
Ano ang tawag natin sa mga salitang ito? Magkakaugnay ba ang mga
ito?
C. Paglalahad ng Aralin
Ang ating tatalakayin ngayong araw ay tungkol sa kayarian ng
pangngalan.
Pag-aralan ang mga pangungusap. Ibigay ang hinihingi.
1. Ang mga produkto ng ating bansa ay hinahangaan.
2. Ang tindahan sa kanto ay nasunog.
3. Mabait ang aking kapitbahay.
4. Para siyang tau-tauhan lamang.

D. Pagtalakay sa Aralin
• Suriin ang mga salitang may salungguhit.
• May napansin ka bang pagkakaiba ng mga salitang ito ayon sa
kayarian o pagkakabuo? Ano-ano ang pagkakaibang ito?
• Ano ang tawag sa pangngalang nasa bilang 1? bilang 2? bilang 3?
bilang 4?
• Talakayin ang pangngalan at kayarian nito.

Ang pangngalan ay salita o bahagi ng pangungusap na tumutukoy sa


ngalan ng tao, bagay, pook, hayop, at pangyayari. Maaari din na ipakilala
ng pangngalan ang isang kaisipan o konsepto.

Mga kayarian ng pangngalan


1. Payak – mga pangngalang binubuo ng salitang-ugat lamang. Wala
itong kasamang panlapi o katambal na salita, at hindi rin inuulit ang
kabuuan o bahagi nito.
Halimbawa:
proyekto, produkto, bansa, probinsya, biyahe, talumpati, watawat,
ligalig
2. Maylapi- pangngalang binubuo ng salitang-ugat na may panlapi sa
unahan, gitna, hulihan o magkabila

Halimbawa:
172
pamahalaan, magsasaka, mangingisda, pagkain, sinigang, inihaw,
tindahan, palakasan

3. Inuulit – mga pangngalang ang kabuuan o bahagi ay inuulit.

May dalawang uri ng pag-uulit.

a. Pag-uulit na di-ganap o pag-uulit na parsyal – bahagi lamang


ng salitang-ugat ang inuulit
Halimbawa:
Sali-salita, tau-tauhan, bali-balita
b. Pag-uulit na ganap – pag-uulit ng buong pangngalan
Halimbawa:
bayan-bayan, buhay-buhay, bagay-bagay

4) Tambalan – pangngalang binubuo ng dalawang salitang


magkaiba na
pinagsasama upang maging isa.
Halimbawa: kisap-mata, bahay-kubo, bantay-salakay, bukas-palad
May dalawang uri ng tambalang pangngalan.
a. Malatambalan o tambalang di-ganap nananatili ang
kahulugan ng mga salitang pinagtatambal
Halimbawa:
taumbayan, alay-kapwa
b. Tambalang ganap –nawawala ang kahulugan ng dalawang
salitang pinagtatambal at nakabubuo ng bagong
kahulugan
Halimbawa:
kapitbahay, bahaghari
Gawain : Pagbuo ng usapan batay sa sitwasyon gamit ang mga kayarian
ng pangngalan.
1. Pumili ng kapareha. Bumuo ng usapan batay sa alinman sa mga
ibinigay na sitwasyon. Gamitin ang iba’t ibang kayarian ng
pangngalan sa bubuuing usapan. Salungguhitan ang mga ito at
uriin. (Think-Pair-Share) ( Diad / Triad)
a. Nagbakasyon ang mag-anak sa Tagaytay
b. Tulong-tulong sa paghahanda ang mag-anak para sa kaarawan
ng ama o sino mang miyembro ng pamilya
c. Mahabang pila sa kantina

ISKOR KARD:
PAMANTAYAN BAHAGDAN
Pagbigkas 10%
May Angkop na Diin at Damdamin 10%
Gumamit ng mga Pangngalan sa Usapan 15%
KABUOAN 25%
173
2. Tatawag ang guro ng 2 – 3 magkapareha na magbabahagi ng
awtput.

3. Paglalahat
Ano ang pangngalan?
Bakit mahalagang matutuhan ang wastong gamit sa pakikipag-usap?
4. Paglalapat
Pag-aralan ang larawan. Mag-isip ng pangngalang payak,maylapi,inuulitat
tambalan.Gamitin ito sa usapan.

5. Pagtataya

Igawa ng usapan ang nasa larawan.Gamitin ang mga pangngalan


ayon sa kayarian. Salungguhitan ang mga ito at uriin.

174
6. Karagdagang Gawain at/o Pagpapahusay
Isulat ang buod ng alamat ng pinya sa kuwaderno. Gamitin ang
angkop na kayarian ng pangngalan sa pagsulat ng buod.

V. MGA TALA
VI. PAGNINILAY
A. Bilang ng mag-aaral na nagtamo
ng 80% sa pagtataya
B. Bilang ng mag-aaral na
nangangailangan ng mga
gawaing pagpapahusay
(remedial)
C. Nakatulong ba ang
pagpapahusay (remedial)?
Bilang ng mag-aaral na
naunawaan ang aralin
D. Bilang ng mag-aaral na patuloy
na nangangailangan ng
pagpapahusay (remediation)
E. Alin sa aking pagtuturo ang nag
ing epektibo? Bakit?
F. Ano-ano ang aking naging
suliranin na maaaring malutas
sa tulong ng aking punongguro
at superbisor?
G. Anong mga inobasyon o
lokalisasyon sa mga kagamitan
ang ginamit /natuklasan ko na
nais kong ibahagi sa ibang
guro?

175
Paaralan Baitang 6
Guro Asignatura Filipino
MASUSING Petsa at Oras Markahan F6Q1W8D4
BANGHAY-
ARALIN

I. LAYUNIN
Naisasagawa ang mapanuring pagbasa sa
A. Pamantayang
iba’t ibang uri ng teksto at napalalawak ang
Pangnilalaman
talasalitaan
Nakabubuo ng sariling diksyunaryo ng mga
B. Pamantayan sa bagong salita mula sa mga binasa;
Pagganap naisasadula ang mga maaaring mangyari sa
nabasang teksto
Naisasalaysay nang may wastong
pagkakasunod-sunod ang mga pangyayari
C. Mga Kasanayang
sa nabasang tekstong pang –impormasyon
Pampagkatuto/Layunin
(F6PB-Ih-5)

II. PAKSA
Pagsalaysay nang may Wastong Pagkasunod-sunod ang mga
Pangyayari sa Nabasang Tekstong Pang -Impormasyon.
III. MGA KAGAMITAN
A. Sanggunian: K to 12 Gabay Pangkurikulum sa Filipino VI, p. 120
Landas sa Pagbasa 6,Hiyas sa Pagbasa 6, LRMDS
Portal
B. Iba pang kagamitang pampagtuturo :Larawan, tsart

IV. PAMAMARAAN
A. Balik-aral at/o Panimula
Iwawasto ang takdang-aralin sa pamamagitan ng pagpapabasa sa
ilang buod. Bibigyang-pansin ng guro ang mga ginamit na kayarian
ng pangngalan.
B. Pagganyak
Pamilyar ba kayo kay Paruparo? Kay Tipaklong?
May alam ba kayo sa kuwento nina paruparo at tipaklong?
C. Paglalahad ng Aralin
Pag-aaralan natin ngayon ang tungkol sa :
Pagsasalaysay nang may wastong pagkasunod-sunod ng mga
pangyayari sa nabasang tekstong pang -impormasyon.

176
D. Pagtalakay sa Aralin
1. Paglinang ng Talasalitaan: Ipabasa ang mga salita sa hanay A.
Bigyan ng maliit na papel ang mga mag- aaral. Hayaan silang
mag-isip ng kahulugan nito. Ipadikit ito sa pisara.
(Wall Post Strategy)
A B.
1. nakakubli a.
2. halimuyak b.
3. natatangay c.
4. nagsasayawan ang mga puno d.
Dugtungang Pagbasa ng isang kuwento.
Ang Tipaklong at ang Paruparo

Ang katapatan ng isang kaibigan ay masusukat sa panahon ng


pangangailangan.

Kaylakas ng ulan! Kaylakas din ng hangin! May bagyo nang umagang iyon.
Nagsasayawan ang mga puno maging ang mga halaman at bulaklak.
“Ginaw na ginaw na ako,” ang sabi ni Tipaklong kay Paruparo. “Nakalabas
pa kasi ako sa aking pinagtataguang kahoy”. “Tiyak na giginawin ka rin kahit
nakatago ka na sa kahoy. Wala namang tumatakip sa katawan mo, a. Bakit
sisisihin mo ang paglabas mo sa iyong pinagtataguan?” ang tanong ng
kanyang kaibigang Paruparo.

“Hindi nga ako mababasa kung ako ay nakakubli,” ang malumanay na sagot
ni Tipaklong.

“Hindi mo naman makikita ang ganda ng paligid kung hindi ka lumabas sa


pinagtaguan mo. Ang lamig ng hangin ay hindi mo madarama. Hindi mo
maaamoy ang halimuyak ng mga nababasang bulaklak. Ang dulas ng mga
dahon at halaman ay hindi mo mahahawakan,” ang sagot ni Paruparo.

“Oo nga, ano?” ang sagot ni Tipaklong na may pagsang-ayon. “Higit kang
mapalad kaysa sa akin kaibigang Tipaklong,” ang sabi ni Paruparo. “Bakit
mo naman nasabi iyan?” ang tanong ni Tipaklong.

177
“Ang katawan mo ay mahaba. Matibay pa. Bakit giniginaw ka pa?
Samantalang ako, ang nipis-nipis ng aking katawan. Kapag nagpatuloy ang
paghihip ng malakas na hangin at pagbagsak ng malalaking tipak ng ulan,
ang pakpak ko ay matatangay,” ang sabi ni Paruparo.

“Makukulay ang mga pakpak mo ngunit may kanipisan. Hindi ba’t takot ang
ulan sa nakasisilaw mong kulay? Huwag kang mag-alala. Ang mga pakpak
mo ay hindi liliparin ng hangin,” ang sabi ni Tipaklong. “Saka, e ano kung
liparin ang mga pakpak mo? Ang mahalaga’y buhay ka.”

“Kung wala na akong ganda, aanhin ko pa ang buhay? Paano na ako


makalalapit kay bulaklak kung wala na akong mga pakpak?” ang malungkot
na tanong ni Paruparo.

“Kung sabagay, tama ang sinasabi mo, kaibigang Paruparo. Ako man ay
natatakot na kapag hindi tumigil ang bagyo, dahil sa sobrang ginaw
mababali ang aking mga paa na kahit anong pagpigil ay ayaw huminto sa
panginginig,” ang sabi ni Tipaklong.

“Upang makaiwas tayo sa bagyong ito, ano kaya ang mabuti nating gawin
para maligtas ang ating buhay?” ang tanong ni Paruparo. “Alam ko na, may
paraan akong naisip”, ang sabi ni Tipaklong. “Paano?” ang tanong ni
Paruparo. “Sa ilalim ka ng mga bulaklak magtago,” ang mungkahi ni
Tipaklong. “At ikaw naman, paano ka?” ang tanong ni Paruparo.

“Habang nakakapit ako at nagtatago sa sanga ng puno ay babantayan ko


ang bulaklak na pagtataguan mo para hindi malaglag,” ang sagot ni
Tipaklong.
At sabay na kumapit sa bulaklak ang magkaibigang si Paruparo at si
Tipaklong.

Ngayon ay unawain mo at sagutin ang mga sumusunod na katanungan.

1. Kailan mo masasabing may bagyong darating?


2. Ano ang maaaring nangyari kung nagkubli na lamang si Tipaklong?
3. Kung makapal ang katawan ng paruparo, ano kaya ang maaaring
mangyari?
4. Bakit nakatulong sa paruparo ang makulay nitong pakpak?
5. Ano ang sinabi ni Tipaklong upang lumakas ang loob ni Paruparo?
6. Ano ang ikinatatakot ng dalawa kaugnay ng sama ng panahon?
7. Patunayang pinahahalagahan ni Paruparo ang ganda ng
kalikasan.Pangangalaga sa Kalikasan
8. Paano pinatunayan ng magkaibigan ang pagmamahal nila sa isa’t isa?

178
Gawain I:
Balikan mo ang mga pangyayari sa kuwento. Subukin mong pagsunud-
sunurin ang mga ito sa pamamagitan ng paglalagay ng bilang 1-6 sa
patlang. Sipiin at sagutin ito sa iyong sagutang papel.
____ Patuloy na pag-ihip ng malakas na hangin.
____Sabay na lumapit sa bulaklak ang magkaibigang paruparo at
tipaklong.
____May bagyo nang umagang iyon. Malakas ang ulan at hangin. Ang
mga puno maging ang mga halaman at bulaklak ay nagsasayawan.
____ Nagtago sa ilalim bulaklak ang paruparo at binantayan siya ni
Tipaklong.
____ Lumabas si Tipaklong sa pinagtataguang kahoy.
____Nadarama ang lamig ng hangin, naaamoy ang halimuyak ng mga
nababasang bulaklak.
Nahawakan ang dulas ng mga dahon at halaman.
(Magbibigay ng input ang guro tungkol sa mga dapat isaisip sa
pagsusunod- sunod ng mga pangyayari.)

Gawain II: (Babasahin ng guro ang kwento sa mga mag-aaral ipabubuod ito
sa pamamagitan ng pagtatala sa mga mahahalagang pangyayari ayon sa
pagkakasunod-sunod)

‘Bordi’ Geocadin Kidney, Bago na

Tagumpay ang isinasagawang operasyon ng mga dalubhasang


doktor sa National Kidney Institute kay Bryan “Bordi” Geocadin, ang 12
anyos na batang nagkaroon ng di-pangkaraniwang sakit sa bato. Ayon kay
NKI Executive Director Filoteo Alano, ang matagumpay na operasyon kay
Bordi ay bunga na rin ng ipinamalas na determinasyon ng bata na
malagpasan ang kanyang karamdaman. “Humanga kami sa kanyang
ipinakitang lakas ng loob sa halos limang oras na operasyon upang palitan
ang kanyang bato na may misteryosong depekto ,” sabi pa ni Alano.
Sinabi naman ni Dr. Enrique Una, kabilang sa walo kataong
dalubhasang doktor na umopera kay Bordi, bagaman hindi magkatugma ang
ipinalit na bato sa katawan ng bata, tiniyak nila na ang batong nanggaling sa
ama nitong si Brydon ay “aayon” sa sistema ng katawan ni Bordi.
“Malaki ang aming paniniwala na pagkatapos ng dalawang linggong
obserbasyon, ang bagong bato sa katawan ni Bordi ay sasang-ayon sa
kanyang katawan,” wika ni Dr. Una. Sa ngayon, ang bata ay nasa recovery
room na ng ospital at umaasa sa kanyang tuluyang paggaling. Umaasa rin
si Bordi na paggaling niya ay makalaro ang kanyang paboritong child actor
na si Vandolph, ang anak ng pamosong komedyanteng si Dolphy at aktres
na si Alma Moreno. “Sana, dumalaw rito si Vandolph para kami ay
makapaglaro at makapagkuwentuhan at pagkatapos ay magkasalo kaming
kakain ng alimango, sugpo at bagoong,” pabulong na hiling ni Bordi sa
kanyang tiyahing si Honey Geocadin Vidal. Samantala, taos-pusong
179
pinasalamatan ni Bordi at ng buong pamilya Geocadin ang mga taong
nagmamalasakit sa bata para malagpasan nito ang krisis na naganap sa
kanyang buhay.
Jane Eleda - Mahla
(Halaw sa DepEd LRMDS)
E. Paglalahat
Bakit mahalagang matutuhan ang wastong pagsasalaysay ng mga
pangyayari sa binasang teksto?

F. Paglalapat
Ipasalaysay nang may wastong pagkasunod-sunod ang kuwento ni
Pagong at Matsing.
G. Pagtataya
Magbigay ng pagtataya tungkol sa pagsusunod-sunod ng mga
pangyayari sa kwento. (Malaya ang gurong pumili ng kwentong
ipabubuod)
H. Karagdagang Gawain at/o Pagpapahusay
Isalaysay ng may wastong pagkasunod-sunod ang kuwento ni
Langgam at
Tipaklong
V. MGA TALA
VI. PAGNINILAY
I. Bilang ng mag-aaral na nagtamo ng
80% sa pagtataya
J. Bilang ng mag-aaral na
nangangailangan ng mga gawaing
pagpapahusay (remedial)
K. Nakatulong ba ang pagpapahusay
(remedial)?
Bilang ng mag-aaral na naunawaan
ang aralin
L. Bilang ng mag-aaral na patuloy na
nangangailangan ng pagpapahusay
(remediation)
M. Alin sa aking pagtuturo ang nag ing
epektibo? Bakit?
N. Ano-ano ang aking naging suliranin
na maaaring malutas sa tulong ng
aking punongguro at superbisor?
O. Anong mga inobasyon o lokalisasyon
sa mga kagamitan ang ginamit
/natuklasan ko na nais kong ibahagi
sa ibang guro?

180
Paaralan Baitang 6
Guro Asignatura Filipino
MASUSING Petsa at Markahan F6Q1W8D5
BANGHAY- Oras
ARALIN

I. LAYUNIN
A. Pamantayang Napauunlad ang kasanayan sa pagsulat ng iba’t
Pangnilalaman ibang uri ng sulatin
B. Pamantayan sa
Nakasusulat ng reaksyon sa isang isyu
Pagganap
C. Mga Kasanayang Nakasusulat ng talatang nagsasalaysay
(F6PU-Ih-2.1 )
Pampagkatuto/Layunin
II. PAKSA
Pagsulat ng Talatang Nagsasalaysay
III. MGA KAGAMITAN
A. Sanggunian: K to 12 Gabay Pangkurikulum sa Filipino VI, p.120
Landas sa Pagbasa 6,Hiyas sa Pagbasa 6
B. Iba pang kagamitang pampagtuturo: tsart, plaskard, halimbawa ng
talatang
nagsasalaysay
IV. PAMAMARAAN
A. Balik-aral at/o Panimula
Ipasasalaysay ng guro sa 1-2 mag-aaral ang buod ng
kwentong “Si Langgam at Tipaklong” (Pagpapahalaga sa isinalaysay
na pabula)

B. Pagganyak

Suriin ang talata. Anong uri ito ng talata?

Sagana sa likas na yaman ang ating bansa. Mabibilang mo rito ang


mayamang kagubatan na katatagpuan ng iba’t ibang uri ng punongkahoy,
ibon at hayop. Subalit ang mga ipinagmamalaki nating mga likas na
yamang ito’y unti-unti nang naglalaho. Sa kasalukuyan, patuloy pa ring
pinuputol ang mga puno sa ating mga kabundukan. Bunga ng pagkawala
ng mga puno, nawawala na rin ang mga ibon at mga hayop na naninirahan
dito. Wala na ang mga ugat ng mga punungkahoy na sumisipsip ng tubig
kaya’t madalas ang pagbaha.

1. Sino kaya ang maaaring sisihin sa mga pangyayaring ito?


181
2. Bilang mamamayang Pilipino, paano natin maililigtas ang ating
kagubatan at kapaligiran na patuloy na pagsira ng ibang kababayan
natin?

C. Paglalahad ng Aralin
Pag-aaralan natin ngayon ang pagsulat ng talatang nagsasalaysay.
Halimbawa ng talatang pasalaysay:
Si Manuel L. Quezon

Si Manuel L. Quezon ang unang Pangulo ng Komonwelt ng Pilipinas.


Siya rin ang kinikilang “Ama ng Wikang Pambansa,” dahil siya ang
nagsikap para magkaroon tayo ng isang Wikang Pambansa. Mahalaga ang
pagkakaroon ng isang wikang pambansa para sa pagkakaunawaan at
pagkakaisa ng mga Pilipino.
Siya’y naging kawal noong panahon ng himagsikan. Siya’y kilala sa
pagiging matapang na pinuno. Nang maging mapayapa na ang panahon,
siya ay naging ulirang lider. Sa pakikipagtalo sa mg dayuhan ay ipinamalas
niya ang kanyang talino at tapang.
Siya ay isinilang sa bayan ng Baler. Isa siya sa nagsikap na
makamtan natin ang kalayaang ngayon ay ating tinatamasa. Siya ang
nagbigay ng katarungang panlipunan sa mga Pilipino. Siya ay namatay sa
Saranak Lake sa Estados Unidos sa sakit na tisis. Isa siyang huwaran at
dakilang lider ng mga Pilipino. Kung siya man ay namatay, ang kanya
namang mga ginawa at alaala ay hindi kailanman malilimutan ng mga
Pilipino.

D. Pagtalakay sa Aralin
Pagtalakay sa Lunsarang Talata.
1.Anong uri ito ng talata?
Ang talatang nagsasalaysay o nagkukuwento ay nagtataglay ng
kaisahang diwa. Ang bawat pangungusap ay tumutulong sa pagbuo ng
isang kaisipang inilahad. Ang lahat ng pangungusap na ginamit ay
nagbibigay ng isang malinaw na kahulugang napapaloob sa talata.

Mga Dapat Tandaan sa Pagsulat ng Talatang Nagsasalaysay:


1. Sa pagsulat ng talatang nagsasalaysay kailangan nagtataglay ng
mga elemento ng tauhan, tagpuan at banghay.
2. Nagtataglay din ito ng tiyak na panimula, katawan at konklusyon.
3. Ang talata ay pinalulugitan, mga isang dali mula sa gilid.
4. Ang unang pangungusap ay nagtataglay ng pinakabuod ng buong
talata.

182
5. Ang unang pangungusap ang siyang pinanununtunan
ng ibang mga pangungusap sa talata.
6. Ang unang pangungusap at huling pangungusap ay tinatawag
na paksang pangungusap at nagtataglay ng kabuuang talata.
Ang diwang tinataglay ng pangungusap ay kailangang
magpatuloy mula sa unahan hanggang sa huling
pangungusap.
Iba pang kaalaman sa pagsulat ng talatang nagsasalaysay:
Mabubuo ang talatang pasalaysay kung…
1. Gumagamit ng mga halimbawa,
Ito ay paraang ginagamit upang makabuo ng isang
talata. Ang pagbanggit sa mga halimbawa o ilang mga
pangyayari ay nakapagpapalinaw sa diwa ng binabanggit
ng paksa ng pangungusap ay isang mabisang paraan.
2. Pagbibigay ng mga kinakailangang bagay-bagay,
Ito ay isang pangkaraniwang paraan sa pagbuo ng talata.
3. Magkaroon ng paghahambing,
Ito ay mabisang paraan sa pagbuo ng talata upang lalong
maging kasiya-siya at malinaw ang mga talata.
4. Pagsama-samahin ang iba’t-ibang paraan,
Ang pagsasama-sama ng iba’t-ibang paraan ay
lalong nagbibigay linaw sa talatang gagawin.

Sa pagsulat ng talatang nagsasalaysay kailangang nagtataglay ito


ng mga elemento ng tauhan, tagpuan at banghay.

1. Nagtataglay din ito ng tiyak na panimula,


katawan at konklusyon.
2. Gumagamit din ng wastong
pagkakasunod-sunod, angkop na salita,
mga parirala upang mapanatili ang
kalinawan at maayos na pagkakasunod-
sunod.
3. Gumamit ng mga paglalarawan o
pakikipag-usap upang maging kaaya-
aya ang pagsasalaysay kung
kinakailangan.
Gawain I:
Sumulat ng isang talatang pasalaysay tungkol sa buhay ni Dr. Jose
P. Rizal. Pagkatapos nilang sumulat ng talatang nagsasalaysay, tumawag
ng isang bata at ipasulat ang kaniyang gawa sa pisara.

E. Paglalahat

183
Paano masasabing ang talata ay nagsasalaysay?

F. Paglalapat
Sumulat ng isang talatang nagsasalaysay tungkol sa iyong
karanasan sa pamamasyal sa lugar na paborito mong puntahan. Gawin ito
sa inyong kwaderno
(Magpapabasa ang guro ng ilang natapos na talatang
nagsasalaysay)
G. Pagtataya

Kumuha ng kalahating papel at sumulat ng talatang nagsasalaysay ng


isang pangyayari tungkol sa iyong kaarawan. Ipabasa ang iskor kard na
gagamitin sa pagmamarka ng sinulat.
Iskor Kard:
PAMANTAYAN PUNTOS
Walang mali sa pagbabaybay,naisulat ng malinis at 5
maayos. Naiugnay sa paksa.
May kaunting mali. 4
Maraming mali na nagawa at hindi nababasa 2
H. Karagdagang Gawain at/o Pagpapahusay

Sumulat ng talatang nagsasalaysay tungkol sa pagdiriwang ng pista


sa inyong barangay.

V. MGA TALA
VI. PAGNINILAY
A. Bilang ng mag-aaral na nagtamo ng
80% sa pagtataya
B. Bilang ng mag-aaral na
nangangailangan ng mga gawaing
pagpapahusay (remedial)
C. Nakatulong ba ang pagpapahusay
(remedial)?
Bilang ng mag-aaral na naunawaan
ang aralin
D. Bilang ng mag-aaral na patuloy na
nangangailangan ng pagpapahusay
(remediation)
E. Alin sa aking pagtuturo ang naging
epektibo? Bakit?
F. Ano-ano ang aking naging suliranin
na maaaring malutas sa tulong ng
aking punongguro Bat superbisor?
184
G. Anong mga inobasyon o
lokalisasyon sa mga kagamitan ang
ginamit /natuklasan ko na nais kong
ibahagi sa ibang guro?

185
MASUSING Paaralan Baitang 6
BANGHAY- Guro Asignatura Filipino
ARALIN Petsa at Markahan F6Q1W9D1
Oras

I. LAYUNIN
Naipamamalas ang kakayahan sa
A. mapanuring pakikinig at pag-unawa sa
mantayangPangnilalaman napakinggan

Nasasaulo ang isangtula/awit na


B. PamantayansaPagganap napakinggan at naisasadula ang isang isyu
a mula sa tekstong napakinggan

Naibibigay ang kahulugan ng pahayag


C. MgaKasanayang
ng tauhan sa napakinggang usapan
Pampagkatuto/Layunin
(F6PN – Ii – 19)
II. PAKSA

Pagbigay ng Kahulugan ng Pahayag ng Tauhan sa Napakinggang U sapan.


III. MGA KAGAMITAN
CC. Sanggunian: k – 12 GabayPangkurikulum
Teksto: Ang Kuwento ni Lolo
(Landas sa Pagbasa VI pp. 134 – 138)
DD. Iba pang kagamitang pampagtuturo: Laptop / Projector, tsart,
Kartolina
IV. PAMAMARAAN
UUUUUUU. Balik-aral at/o Panimula

Inaasahang pagkatapos ng araling ito mabibigyang kahulugan ang


pananalita ng tauhan sa napakinggang usapan.

VVVVVVV. Pagganyak
Ano ang ibig sabihin ng kasabihang “Matibay ang walis kung ito’y
abigkis?”

(Ang mag-aaral ay magbibigay ng kaniya - kaniyang opinyon tungkol sa


kasabihang ibinigay.)
(Iugnay ang mga kasagutan ng mag-aaral sa babasahing kuwentong
tungkol sa magkakapatid na hindi nagkakasundo.)
(Babasahin ng guro ang kuwento)

186
WWWWWWW. Paglalahad ng Aralin
1. Pag-alis ng sagabal:
Piliin sa loob ng panaklong ang angkop na kasingkahulugan ng
salitang may salungguhit.

1. Pabulyaw na kinausap ni Bryan si Christian.


(pabulong, pasigaw, pasaring)
2. Malungkot na nagmasid si lolo sa kanyang paligid.
(tumingin, umalis, nanatili)
3.Tanging mga kagamitan lamang ang nagkakarinigan sa kanilang
pag-
uusap.
(nakakakita, nakakaalam, nakarinig)
4. Dali – daling kinuha ang araro upang bungkalin ang lupa.
(tibagin, hukayin, tabunan)
5. Ang lupain ay muling naging sagana sa mga bulaklak.
(marami, kulang, kaunti)

XXXXXXX. Pagtalakay sa Aralin

Bago Bumasa :
Pamantayan sa malakas na Pagbasa

Habang Bumabasa :
(Tahimik na nakikinig sa gurong nagbabasa ng kuwento.)

Pagkatapos Bumasa :
(Pagbibigay ng mga katanungan kaugnay sa napakinggang
kuwento.)

a. Tungkol saan ang ikinuwento ni Lolo Juan?


b. Ano ang pinag-uusapan ng mga kagamitan ng magsasaka?
c. Bakit nalulungkot si Lolo Juan?
d. Paano nagwakas ang kuwento ni Lolo Juan?
e. Pagkatapos marinig ang kuwento, ano kaya ang gagawin ng mga
apo ni Lolo Juan? Bakit?
f. Kung ikaw si Lolo Juan, paano mo matutulungang magbago ang
iyong mga apo?

(Pangkatang Gawain)

Pangkat 1: Gamit ang “Graphic Organizer” paghambingin


ang pagkakatulad at pagkakaiba ng mga tauhan sa kuwento ni Lolo Juan
tungkol sa kaniyang apat na apo at sa magsasaka.

187
PAGKAKAIBA
(magsasaka) PAGKAKAIBA
PAGKAKATULAD (apat na apo )

Pangkat II: Ibigay ang kahulugan ng mga pahayag ng tauhan sa kuwento.

Pahayagang mga tauhan sa kuwento Kahulugan


1. “Lolo, may sakit po ba kayo?”
2. “Bakit nagkaganito ito?”
3. “Alam mo, Araro, dapat sana ay nilalim – laliman mo ang
pagbungkal mo sa lupa,”
4. “Hindi na nga kung hindi. Eh, mayroon din namang iba
riyan na hindi tumutulong sa atin, ah”
5. “Naku! Walang mangyayari sa ating pagtuturu – turuan,
mabuti’y kumilos tayong lahat.”
(Maaaring gumamit ang guro ng rubrik/ iskor kard sa pagmamarka ng
Pangkatang Gawain.)

YYYYYYY. Paglalahat
Bakit mahalaga ang pag-alam sa kahulugan ng pahayag ng tauhan?
ZZZZZZZ. Paglalapat

Panuto: Pakinggan ang mga sumusunod na pahayag , ibigay ang angkop


na damdamin at kahulugan ng bawat pahayag ng tauhan.

Mga Pahayag Pagpipilian ng Sagot


____ 1. “Kaunti na lang na panahon at malapit
ko ng matapos ang aking pag-aaral.” a. natatakot
____2. “Paano ko ba malalampasan ang lahat
ng pagsubok na darating sa aking buhay?” b. masaya
____3. “Walang mapagsidlan ang aking kasiyahan
ngayong tapos na ako sa aking pag-aaral. c.
panghihinayang
____4. “Sayang! Hindi ako ang nanalo sa patimpalak.” d. pag-aalala
____5. “Gabi na pala tiyak kanina pa galit na
naghihintay siIa sa akin.” e. agam-agam
f. kagalakan

188
AAAAAAAA. Pagtataya
Panuto: Pakinggan ang babasahing usapan. Ibigay ang kahulugan ng mga
pahayag ng tauhan.

(1.) “Malapit na ang kaarawan ni nanay, kailangang matapos ko na ang


sorpresa ko sa kaniya”, pag-aalala sambit ni Annie. Sikretong kinausap niya
ang kaniyang mga kapatid. (2.) “Amy,Abby at Ariel, Ano kaya ang
magandang sorpresang ibibigay natin sa kaarawan ni inay? tanong ni
Annie. (3.) “Ano kaya ate kung ipagluto natin ng masasarap na pagkain si
inay” wika ni Amy. (4.) Mabuti pa ibili natin ng magandang damit si inay
“sambit ni Ariel. (5.) Tama! Itatago muna natin para hindi makita ni Inay,
nakatawang sambit ni Abby.

BBBBBBBB. Karagdagang Gawain at/o Pagpapahusay

Sumipi ng isang maikling usapan at tukuyin ang mga kahulugan ng


pahayag ng tauhan. Isulat ito sa inyong kuwaderno.

V. MGA TALA
VI. PAGNINILAY
MMMMMMM. Bilang ng mag-aaral na nagtamo

80% sapagtataya
NNNNNNN. Bilang ng mag-aaral na
gangailangan ng mga
gawaing pagpapahusay(remedial)
OOOOOOO. Nakatulong ba ang
papahusay(remedial)?
Bilang ng mag-aaral na naunawaan ang aralin
PPPPPPP. Bilang ng mag-aaral na patuloy na
nangangailangan ng pagpapahusay
(remediation)
QQQQQQQ. Alin sa aking pagtuturo ang naging
ktibo?
Bakit?
RRRRRRR. Ano-ano ang aking naging suliranin na
maaaring malutas sa tulong ng aking
punongguro at superbisor?
SSSSSSS. Anong mga inobasyon o lokalisasyon sa
mga kagamitan ang ginamit /natuklasan ko na
nais kong ibahagi sa ibang guro?

189
Paaralan Baitang 6
Guro Asignatura Filipino
MASUSING Petsa at Markahan F6Q1W9D2
BANGHAY- Oras
ARALIN

I. LAYUNIN
Naipamamalas ang kakayahan at tatas sa
A. Pamantayang Pangnilalaman pagsasalita at pagpapahayag ng sariling
ideya, kaisipan , karanasan at damdamin
B. Pamantayan sa Pagganap Nakasasali sa isang usapan tungkol sa isyu
Nagagamit ang pangngalan at
panghalip sa pakikipag – usap sa iba’t
C. Mga Kasanayang
Pampagkatuto/Layunin ibang sitwasyon ( F6WG – Ih – j – 12
)

II. PAKSA

Paggamit ng Pangngalan at Panghalip sa Pakikipag – usap sa


Iba’t ibang Sitwasyon
( Kayarian ng Pangngalan : Payak , Maylapi at Panghalip : Pananong )
III. MGA KAGAMITAN
EE.Sanggunian: K to 12 Gabay Pangkurikulum
Teksto: Ang Tagapagpakilala ng Islam sa Mindanao
Hiyas sa Wika VI, pp. 28 – 30.
Makabagong Balarilang Filipino Binagong Edisyon 2003
FF. Iba pang kagamitang pampagtuturo: Laptop, Projector, Metacard

IV. PAMAMARAAN
CCCCCCCC. Balik-aral at/o Panimula

(Iwawasto at pahahalagahan ng guro ang ginawang gawaing-bahay ng


mga mag-aaral tungkol sa pagsipi ng isang maikling usapan at pagtukoy ng
mga kahulugan ng pahayag ng tauhan. Iugnay ito sa bagong aralin ukol sa
paggamit ng pangngalan at panghalip sa pakikipag – usap sa iba’t ibang
sitwasyon.)

DDDDDDDD. Pagganyak
Tanong:

a. Ano ang nalalaman ninyo tungkol sa Mindanao? (Magkaroon ng


maikling talakayan.)

190
b. (Batay sa maikling talakayan, iuugnay ang kuwentong babasahin
tungkol sa “Ang Tagapagpakilala ng Islam sa Mindanao”)

EEEEEEEE. Paglalahad ng Aralin


1. Pag-alis ng sagabal:

Hanapin ang tamang kahulugan ng mga salitang nasa hanay A sa


Hanay B.

HANAY A HANAY B
1. Islam a. umaalis
2. Maharlika b. pinuno
3. Lumilikas c. relihiyon
4. Pananampalataya d. paniniwala
5. Datu e. kaunlaran
f. mayamang angkan

FFFFFFFF. Pagtalakay sa Aralin

Sagutin ang mga sumusunod na katanungan :

1.Sino ang kinikilalang tagapagpakilala ng Islam sa Mindanao?


2. Saang bansa sila nanggaling?
3. Bakit naging matagumpay siya sa pagpapalaganap ng Islam?
4. Paano lumawak ang kanyang lahi?
5. Ano-ano ang mga katangian ni Sharif Kabungsuwan na dapat
nating
tularan?

Suriin ang mga sumusunod na salitang may salungguhit at ang nasa


loob ng bilog :

1. Si Sharif Mohammed Kabungsuwan ang kinikilalang


tagapagkilala ng Islam sa Mindanao.

Sino ang kinikilalang tagapagkilala ng Islam sa


Mindanao?

2. Sina Sharif Ali Zaimulakidim at Sharif Mohammed


Kabungsuwan ay nagmula sa Maharlikang angkan.
191
Saan nagmula ang angkan ni Sharif
Mohammed?

Tanong:
Ano ang tawag sa mga salitang may salungguhit?
Ano ang tawag sa mga salitang may bilog?

(Magbibigay ang guro ng input tungkol sa paggamit ng


pangngalan,
(Payak at Maylapi) at panghalip (Pananong) sa iba’t ibang
sitwasyon.)

Gawain I:
Panuto: Punan ang bawat patlang ng angkop na panghalip upang
mabuo ang diyalogo.

Unang araw ng pasukan, habang abala ang lahat ng mag-aaral sa


paghahanap ng kanilang silid- aralan, napansin ni Ana ang batang babaeng
nag-iisa, nilapitan niya ito upang kausapin.

Ana : Hello ! kumusta ka? Ako nga pala si Ana.


ikaw , _______ pangngalan mo ?
Karen : Ako nga pala si Karen. Bagong lipat lang ako dito sa
paaralan ninyo,_____ kaya dito ang silid – aralan ko?
Ana : Gusto mo samahan kita maghanap ng iyong silid –
aralan ?
Karen : Naku salamat Ana , hindi ko talaga alam ang aking
silid – aralan ______ kaya ang aking guro?
Ana : Walang anuman Karen , Hindi ko alam kong
sino ang guro mo. Tatlong seksyon kasi tayo sa bawat
baitang.
Karen : ______ kaya kaming magkakaklase ?
at ______ kaya ang magiging matalik
kong kaibigan?
Ana : Hindi ko alam, pero isa ako sa magiging matalik mong
kaibigan.

Bakit Saan Ano Ilan Kailan Paano Sino

192
Gawain II :
( Pangkatang Gawain )
Bawat pangkat ay gagawa ng maikling usapan gamit ang
pangngalan at panghalip batay sa sumusunod na tagpuan.
Unang Pangkat : Simbahan
Ikalawang Pangkat : Paaralan
Ikatlong Pangkat : Tahanan
Ikaapat na Pangkat : Palengke

GGGGGGGG. Paglalahat
Bakit mahalagang malaman ang wastong paggamit ng pangngalan
at panghalip sa pakikipag-usap ?
HHHHHHHH. Paglalapat

( Pagsasanay ):

Panuto : Gamitin ang angkop na panghalip upang mabuo ang


usapan at tukuyin ang kayarian ng pangngalan. Piliin ang wastong sagot
sa loob ng kahon.

NILO : Naku! Narinig mo na ba ang usap-usapan sa plasa?


MARIO:_____? Iyon bang sabi nilang may aswang daw na
gumagala rito sa atin?
NILO : Ikaw ba ay naniniwala rin sa aswang ?
MARIO: Para sa akin, hindi totoo iyon.
Baka kathang - isip lamang ng mga taong nais
manggulo.
_____ sa palagay mo?
NILO : Maniniwala lamang ako kapag nakita ko na talaga ito.
MARIO: Halika na. Pumunta na tayo sa kabilang barangay.
NIL : ________ ang gagawin natin doon?
MARIO : Manood tayo ng basketball tournament doon.
NILO : Gabi na. Hindi ka ba natatakot ?
MARIO: Akala ko ba hindi ka naniniwala sa aswang.
______
natatakot ka ?
NILO: Eh , kung mayroon nga ? He , he , he !

Panghalip: Pangngalan :
Ano Saan Kailan Bakit Ilan Paano Payak Maylapi

193
IIIIIIII. Pagtataya

Panuto : Gamitin ang angkop na panghalip sa pakikipag – usap batay


sa sitwasyong pagkikita ng dalawang magkaibigan.

(Sitwasyon) : Sa Luneta Park, nagkitang muli ang matalik na


magkaibigan…..
Edna : Leny ikaw ba yan ? kumusta ? matagal din tayong hindi
nagkita.
Leny : Edna! Kumusta? Ok lang ako. IKaw ______ ka namalagi
nang matagal ?

Edna : Sa Bulacan, Doon ako lumipat ng pag-aaral.


Leny : _____ ka ba sa Bulacan?
Edna : Sa Marilao Bulacan ako nag-aaral, Ikaw ______ kurso ba
ang kinuha mo ?
Leny : Education, gusto ko kasing magturo. _____ ka nga ba
lumipat sa Bulacan ?
Edna : Doon kasi nagtatrabaho ang aking mga magulang
kaya kinuha nila ako kay lola.
Leny : Ah ganoon ba , _____ kasama ngayon ng lola mo?
Edna : Ang aking mga pinsan.

Saan Ano Kailan Bakit Paano Sino Ilan Alin

JJJJJJJJ. Karagdagang Gawain at/o Pagpapahusay


( Sumulat ng maikling usapan tungkol sa pamamasyal ninyo sa isang natatanging
tanawin sa inyong lugar. Salungguhitan ang ginamit na mga panghalip at bilugan
ang mga pangngalan. Isulat ito sa inyong kuwaderno. )
V. MGA TALA
VI. PAGNINILAY
TTTTTTT. Bilang ng mag-aaral na
nagtamo ng 80% sa pagtataya
UUUUUUU. Bilang ng mag-aaral na
nangangailangan ng mga gawaing
pagpapahusay(remedial)

194
VVVVVVV. Nakatulong ba ang
pagpapahusay (remedial)?
Bilang ng mag-aaral na naunawaan
ang aralin
WWWWWWW. Bilang ng mag-aaral na
patuloy na nangangailangan ng
pagpapahusay (remediation)
XXXXXXX. Alin sa aking pagtuturo
ang naging epektibo? Bakit?
YYYYYYY. Ano-ano ang aking
naging suliranin na maaaring malutas
sa tulong ng aking punongguro at
superbisor?
ZZZZZZZ. Anong mga inobasyon o
lokalisasyon sa mga kagamitan ang
ginamit /natuklasan ko na nais kong
ibahagi sa ibang guro?

195
MASUSING Paaralan Baitang 6
BANGHAY- Guro Asignatura Filipino
ARALIN Petsa at Oras Markahan F6Q1W9D3

I. LAYUNIN
Naisasagawa ang mapanuring pagbasa sa iba’t
A.Pamantayang
ibang uri ng teksto at napalalawak ang
Pangnilalaman
talasalitaan
Nakabubuo ng sariling diksyunaryo ng mga
bagong salita mula sa mga binasa; naisasadula
B. Pamantayan sa Pagganap
ang mga maaaring mangyari sa nabasang
teksto
Naibibigay ang kahulugan ng pamilyar at di
C. MgaKasanayang – kilalang salita sa pamamagitan ng gamit
Pampagkatuto/Layunin sa pangungusap (F6PT – Ii – 1.14)

II. PAKSA

Pagbibigay ng Kahulugan ng Pamilyar at Di – pamilyar na Salita


sa Pamamagitan ng Gamit sa Pangungusap
III. MGA KAGAMITAN

GG. Sanggunian: K to 12 Gabay Pangkurikulum,


Landas sa Pagbasa VI pp. 51 - 55
HH. Iba pang kagamitang pampagtuturo: Laptop, Projector, tsart,
metacards , larawan

IV. PAMAMARAAN
KKKKKKKK. Balik-aral at/o Panimula

(Babalikan at iwawasto ang mga naisulat na maikling usapan tungkol


sa pamamasyal ng mga mag-aaral sa isang natatanging tanawin sa
kanilang lugar gamit ang mga panghalip at pangngalan. Iugnay ito sa
paksang tatalakayin tungkol sa pagbibigay ng kahulugan sa pamilyar at di-
pamilyar na salita sa pamamagitan sa paggamit sa pangungusap.)

LLLLLLLL. Pagganyak
(Magpakita ng larawan ng Sarimanok)
Tanong:
1. Ano ang nakikita ninyo sa larawan?
2. Anong tawag natin dito?
3. Saan kaya ito nagmula?
(Iugnay ang mga sagot ng mag-aaral sa babasahing kuwentong may
pamagat na “Sarimanok”.)
196
MMMMMMMM. Paglalahad ng Aralin
Pag – alis ng sagabal:
Paglarong Puzzle. Hanapin at bilugan ang salitang makikita at mabubuo mula
sa puzzle. Ibigay ang kahulugan nito.

P I G I N G P A L A T
0 A A T A S O W S R A
M A N L I L I L O K N
A T M A N M W S A Y D
Y L I T P A N N M V A
G N H K P A A M F D N
N S E K R T N A K I G
A N A M L B E A M I O
R N M U I T N P G L K
A D S A R I M A N O K
M A T I W A S A Y G M

NNNNNNNN. Pagtalakay sa Aralin


Pagbasa ng kuwento:
(Pagbibigay ng mga pamantayan sa tahimik na pagbasa.)

A. Sagutin ang mga tanong:


1. Sino si Sari?
2. Bakit napamahal sa lahat si Sari?
3. Paano mo mailalarawan si Sari?
4. Ano ang pakay ng mahiwagang tandang na dumating sa piging?
5. Kung ikaw ang tatay ni Sari, paano mo ipagtatanggol ang iyong
anak
sa kumuha nito?

B. Gawain 1:

Balikan ang mga salitang inyong nakalap sa Puzzle.


Ihanay ang mga ito kung pamilyar at di – pamilyar at ibigay ang kahulugan
ayon sa pagkagamit sa pangungusap.
197
Pangungusap Salita Pamilyar Di – Kahulugan
Pamilyar
1. Nagkaroon ng 1. piging
piging sa palasyo,
dumating ang
nawawalang
prinsipe.
2. Isang 2. marangya
marangyang
kasalan ang
naganap sa
pamilyang Santos
at Cruz.
3. Ang sarimanok 3.sarimanok
ang sumasagisag
sa
Kulturang
Marinduque.
4. Nagalit ang 4. sultan
sultan nang
suwayin ang
Kaniyang
kagustuhan.
5.Siya ay tanyag 5. manlililok
na manlililok.

Gawain 2:
Piliin at ibigay ang kahulugan ng mga salitang nasa loob ng kahon.

1. Ang mga hari at reyna ay nabibilang sa mga taong dugong-bughaw


a. dugong - banyaga
b. dugong - bayani
c. dugong - matapang
d. dugong - maharlika

2. Ang manok na tumangay kay Sari ay hindi na nakita pang muli.


a. kumuha c. nanligaw
b. humanga d. humanap

3. Sumapit ang ikalabing walong kaarawan ni Sari


kaya
ipinaghanda siya ng kanyang ama.

198
a. lumapit c. dumating
b. natapos d. nakasabay

malawak
4. Sa nilang lupain ay may pananim na
palay at
mga gulay.
a. malalim c. malayo
b. maluwang d. may lawa

5. Ang watawat, punong Narra, Sampaguita, barong-tagalog


at baro’t saya ay ilan lamang sa pambansang sagisag ng ating
bansa.
.
a. simbolo c. tanawin
b. produkto d. kagamitan

OOOOOOOO. Paglalahat
Paano maibibigay ang tamang kahulugan ng pamilyar at di – pamilyar na
salita?

PPPPPPPP. Paglalapat
Ibigay ang wastong kahulugan ng mga salitang pamilyar at di –
pamilyar na salita batay sa gamit nito sa pangungusap.

1. Ang paborito kong mang-aawit ay magaling umawit habang sumasayaw.


2. Tunay na makikislap ang mga bituin sa kalangitan.
3. Napakapalad ng mga taong nanalo sa lotto.
4. Ang matalik kong kaibigan ay may busilak na puso.
5. Maitim ang buto ng mga taong walanghumpay sa paggawa ng krimen.

QQQQQQQQ. Pagtataya

Panuto: Ibigay ang kahulugan ng may salungguhit na salitang pamilyar at


di- pamilyar batay sa gamit nito sa pangungusap.

1. Mabilis ang kunehong tumakbo kaysa sa pagong.


2. Ipinakita ni Gng. Reyes ang kaniyang kabutihang loob sa mahihirap.
3. Si Lermaang tanging tagapagmana ng namatay niyanga mang si G.
Cruz.
4. Ang haligi ng bahay ang naghahanap-buhay para sa kanyang pamilya.
5. Nakapagdudulot ng kahirapan sa tao ang kanyang kamangmangan.
199
RRRRRRRR. Karagdagang Gawain at/o Pagpapahusay

Sumipi ng isang maikling kuwento . Salungguhitan ang mga salitang


pamilyar at di – pamilyar at ibigay ang kahulugan nito.

V. MGA TALA
VI. PAGNINILAY
AAAAAAAA. Bilang ng mag-aaral na nagtamong
80% sa pagtataya
BBBBBBBB. Bilang ng mag-aaral na
nangangailangan ng mga gawaing
pagpapahusay(remedial)
CCCCCCCC. Nakatulong ba ang
pagpapahusay(remedial)?
Bilang ng mag-aaral nanaunawaan ang aralin.
DDDDDDDD. Bilang ng mag-aaral na patuloy na
nangangailangan ng pagpapahusay (remediation)
EEEEEEEE. Alin sa aking pagtuturo ang nagging
epektibo? Bakit?
FFFFFFFF. Ano-ano ang aking nagging suliranin
na maaaring malutas sa tulong ng aking punongguro
at superbisor?
GGGGGGGG. Anong mga inobasyon o lokalisasyon
sa mga kagamitan ang ginamit /natuklasan ko na
nais kong ibahagi sa ibangguro?

200
Paaralan Baitang 6
Guro Asignatura Filipino
Petsa at Markahan F6Q1W9D4
MASUSING Oras
BANGHAY-
ARALIN

I. LAYUNIN
Naisasagawa ang mapanuring pagbasa sa iba’t
A. Pamantayang
ibang uri ng teksto at napalalawak ang
Pangnilalaman
talasalitaan
Nakabubuo ng sariling diksyunaryo ng mga
B. Pamantayan sa bagong salita mula sa mga binasa; naisasadula
Pagganap ang mga maaaring mangyari sa nabasang
teksto
Nagagamit ang dating kaalaman sa
C. Mga Kasanayang
pagbibigay ng wakas ng nabasang teksto
Pampagkatuto/Layunin
( F6PB – Ii – 14 )
II. PAKSA
Paggamit ng Dating Kaalaman sa Pagbibigay ng Wakas ng
Nabasang Teksto

III. MGA KAGAMITAN


II. Sanggunian: K – 12 Gabay Pangkurikulum,
Landas sa Wika VI pp. 90 – 91,
Landas sa Pagbasa VI pp. 148 – 150.
JJ. Iba pang kagamitang pampagtuturo : Laptop, projector , awit ,
kuwento
IV. PAMAMARAAN
SSSSSSSS. Balik-aral at/o Panimula
(Balikan ang siniping isang maikling kuwento at iwasto ang mga
sinalungguhitang mga salitang pamilyar at di – pamilyar at ang kahulugan
nito. Iugnay ito sa paksang tatalakayin tungkol sa pagbibigay wakas ng
nabasang kuwento.)

TTTTTTTT. Pagganyak
Pag –awit ng awitin tungkol sa kapaligiran (Powerpoint
Presentation)

Tanong:
1. Ano ang sinasabi sa awitin?

201
2. Paano inilarawan ang kapaligiran?
3. Bakit nasira ang kapaligiran?
4. Sino ang salarin at dapat sisihin sa patuloy na
pagkasira ng kapaligiran?

5. Ano ang dapat nating gawin sa kasalukuyan upang mabago


ang ating kapaligiran?

(Iugnay ito sa babasahing kuwentong tungkol sa “Hagupit ng


Kalikasan”)
UUUUUUUU. Paglalahad ng Aralin

Pag – alis ng sagabal :

Panuto : Ibigay ang kahulugan ng mga sumusunod na salitang may


salungguhit ayon sa gamit nito sa pangungusap.

1. Ang hagupit ng kalikasan ay sanhi ng pang-aabuso rito.


2. Siya ay nagkaroon ng malubhang karamdaman .
3. Gabundok na basura ang nakukuha sa dagat.
4. Walang habas ng pagtapon ng basura sa mga anyong tubig.
5. Iba’t ibang uri ng sakit ang dumadapo sa mga tao.

VVVVVVVV. Pagtalakay sa Aralin


( Pagbasa ng kuwentong Hagupit ng Kalikasan )
Tanong :
1. Sino ang tauhan sa kuwento ?
2. Saan siya nakatira ?
3. Ano ang kanilang ikinabubuhay ?
4. Bakit nagkasakit ang tauhan sa kuwento ?
5. Paano mo pangangalagaan ang mga anyong tubig ?
6. Kung ikaw ang may akda, Paano mo wawakasan ang kuwento?

( Pangkatang Gawain )
Bawat pangkat ay gagawa ng tatlong maaaring kalabasan/
wakas
batay sa tekstong babasahin.
Pangkat 1 : Kapaligiran
Sa bayan ng Mariveles lahat ng mga tao ay
walang disiplina sa pagtatapon ng kanya-
kaniyang mga basura. Hindi alintana sa kanila
ang
202
amoy ng mga basurang kanilang tinatapon
sa
kahit saang lugar. Isang araw maraming
nagkasakit sa mga mamamayang naninirahan
sa
bayan ng Mariveles.

Pangkat 2 : Karagatan
Si Mang Kanor ay isang mangingisda,
ito
lamang ang tanging kanyang hanapbuhay
sapagkat sila ay nakatira malapit sa dagat.
Minsan lamang sa isang araw siya
nakahuhuli
ng maraming isda, kung kaya’t ang kanyang
kinikita ay hindi sapat sa pangangailangan ng
kanyang pamilya. Isang araw bumili si Mang
Kanor ng lambat na maliliit ang
butas at mga pulbura.

WWWWWWWW. Paglalahat
Paano mabibigyan ng angkop na iba pang pagwawakas ang
tekstong binasa?
XXXXXXXX. Paglalapat
Basahin ang maikling sitwasyon at gawan ito ng sariling
wakas.

Sa bayan ng San Nicolas makikita ang


berdeng kulay ng kabundukan. Hindi
nagtagal ang
berdeng kulay nito ay napalitan ng
tsokolateng
kulay.Marami ang mga katanungang alam
naman
ang natatanging kasagutan…… ang kawalan
ng
pagpapahalaga sa kabundukan. Isang araw,
nagkaroon ng malakas na bagyo at
maraming
kabahayan at kabuhayan ang nasalanta ng
203
bagyo.Marami din ang taong nasaktan.

YYYYYYYY. Pagtataya

Panuto: Basahin ang maikling sitwasyon. Magbigay ng maaaring


kalabasan o wakas batay sa sitwasyong binigay.

Isang magtotroso si Mang Pedring, wala siyang ibang alam na


hanapbuhay kundi ang magputol ng mga punongkahoy sa kagubatan.
Isang araw dumating ang napakalakas na bagyo. Nagulantang ang buong
pamayanan. Hindi magkamayaw ang mga tao dahil sa pagbuhos ng
malakas na ulan na naging sanhi ng napakalalim na baha. Halos bubong
na lamang ang makikita sa mga kabahayan. Si Mang Pedring ay makikitang
naguguluhan at balisang- balisa.

ZZZZZZZZ. Karagdagang Gawain at/o Pagpapahusay


Bumuo ng isang reaksiyon o opinyon sa dapat mong gawin
upang maiwasan ang isinasaad sa sitwasyon sa ibaba. Isulat ito sa
kuwaderno.

Natutuyo na rin ang mga sapa at itlog. Malimit ang pagbaha.


Kulang na tayo sa mga pagkain tulad ng mga prutas at gulay.
Mahina na rin ang aning nakukuha sa ating mga palayan dahil sa
matagal na tag- init at kasalatan sa patubig. Dahil dito, umaangkat
na tayo ng bigas.

V. MGA TALA
VI. PAGNINILAY
HHHHHHHH. Bilang ng mag-
aaral na nagtamo ng 80% sa
pagtataya
IIIIIIII. Bilang ng mag-aaral na
nangangailangan ng mga
gawaing pagpapahusay(remedial)
JJJJJJJJ. Nakatulong ba ang
pagpapahusay (remedial)?
Bilang ng mag-aaral na
naunawaan ang aralin
KKKKKKKK. Bilang ng mag-
aaral na patuloy na
nangangailangan ng
pagpapahusay (remediation)

204
LLLLLLLL. Alin sa aking pagtuturo
ang naging epektibo? Bakit?
MMMMMMMM. Ano-ano ang aking
naging suliranin na maaaring
malutas sa tulong ng aking
punongguro at superbisor?
NNNNNNNN. Anong mga
inobasyon o lokalisasyon sa mga
kagamitan ang ginamit
/natuklasan ko na nais kong
ibahagi sa ibang guro?

205
MASUSING Paaralan Baitang 6
BANGHAY- Guro Asignatura Filipino
ARALIN Petsa at Oras Markahan F6Q1W9D5

I. LAYUNIN
Naipamamalas ang pagpapahalaga at
kasanayan sa paggamit ng wika sa
A. Pamantayang Pangnilalaman
komunikasyon at pagbasa ng iba’t ibang uri
ng panitikan.
Naisasagawa ang pagsali sa mga usapan at
B. Pamantayan sa Pagganap talakayan, pagkukuwento, pagtula , pagsulat
ng sariling tula at kuwento.
Nagagamit ang wika bilang tugon sa
C. Mga Kasanayang sariling pangangailangan at sitwasyon.
Pampagkatuto/Layunin ( F6PL – Oa – j – 2 )

II. PAKSA

Paggamit ng Wika Bilang Tugon sa Sariling


Pangangailangan at Sitwasyon

III. MGA KAGAMITAN


KK.Sanggunian: k – 12 Gabay Pangkurikulum
Teksto : Larawan
Kagamitan : Hiyas sa Wika VI
Landas sa Wika at Pagbasa VI
LL. Iba pang kagamitang pampagtuturo :
Laptop , Projector , Larawan

IV. PAMAMARAAN
AAAAAAAAA. Balik-aral at/o Panimula

( Balikan ang nakaraang gawain at magkaroon ng maikling


pagpapahalaga sa nabuong reaksiyon o opinyon ng mga mag-aaral sa
dapat gawin upang maiwasan ang masamang pangyayari sa inilahad na
sitwasyon. Iugnay ito sa araling tatalakayin tungkol sa paggamit ng wika
bilang tugon sa sariling pangangailangan at sitwasyon.)

206
BBBBBBBBB. Pagganyak
Pagsuri sa nasa larawan :

Tanong :
1. Ano ang nakikita ninyo sa larawan ?
2. Ano ang kanilang ginagawa?
3. Saan sila naglilinis ?
4. Paano sila naglilinis ?
5. Bakit sila kailangang maglinis ?

CCCCCCCCC. Paglalahad ng Aralin


Batay sa mga sitwasyon, gamitin ang wika sa pagbuo ng opinyon
o pagtugon .
1. Pagdaan ng kotse sa ilalim ng punong niyog nalaglag
ang
mga bungang magugulang na.
2. Hindi tumitingin sa tawiran si Pedro. May dala siyang
tungkod.
3. Bumabagyo at malakas ang alon nang sila’y tumawid
sa
isla. Maliit lang ang bangkang kanilang sinasakyan.
DDDDDDDDD. Pagtalakay sa Aralin

Panuto : Gamitin ang wika sa pagbuo ng opinyon o tugon batay sa


sumusunod na sitwasyon.

1. Si Ronalyn ay lumaki sa marangyang buhay, laki sa


kanyang
yaya o tagapag-alaga, kaya naman wala siyang
disiplina sa
pagtatapon ng mga basura. Ano kaya ang kahihinatnan
ng
mga pangyayari ?

207
2. Araw – araw ay masipag magwalis si Aling Mameng sa
kanyang bakuran at pagkatapos nito , ito ay kanyang
sinusunog. Ano kaya ang maaaring mangyari sa ating
kapaligiran ?

( Magbibigay ang guro ng input tungkol sa gamit ng wika bilang tugon


sa
sariling pangangailangan at sitwasyon. )

Gawain :

Gamitin ang wika sa pagtugon sa sitwasyon.


Pangkat I : Pakikipanayam
Isa kang punong barangay sa inyong lugar paano mo
mapapanatili ang katahimikan at kaayusan ng inyong
lugar ?
Pangkat II : Pagbabalita
Ukol sa isinasagawang mga gawaing pangkabataan
tulad ng pa LIGA sa inyong lugar upang maiwasan
ang
masasamang bisyo.
Pangkat III : Pagdebate
Epekto ng patuloy na paggamit ng mga makabagong
elektronikong kagamitan tulad ng cellphone ,
Ipad at iba pa.
( Ang guro ay maaaring gumawa ng sariling rubrik sa pagmamarka
ng
pangkatang gawain )

EEEEEEEEE. Paglalahat
Paano magagamit ang wika sa pagtugon sa sariling
pangangailangan at sitwasyon ?
FFFFFFFFF. Paglalapat
Sumulat ng opinyon ukol sa sumusunod na sitwasyon.
Ang pinapangarap at gustong makamit ng mga magulang mo para
sayo ay taliwas sa mga kagustuhan at pinapangarap mo.
GGGGGGGGG. Pagtataya

Gamitin ang wika sa pagbuo ng maikling talata ukol sa opinyon sa


nakikitang sitwasyon sa larawan.

208
(Maaaring gumamit ang guro ng rubrik sa pagmamarka ng pagtataya.)

HHHHHHHHH. Karagdagang Gawain at/o Pagpapahusay


Gumawa ng maikling reaksiyon o opinyon ukol sa sumusunod :
“ Kung ano ang itinanim , siya ang aanihin “ Isulat ito sa kuwaderno.

V. MGA TALA
VI. PAGNINILAY
OOOOOOOO. Bilang ng mag-aaral na
nagtamo ng 80% sa pagtataya
PPPPPPPP. Bilang ng mag-aaral na
nangangailangan ng mga gawaing
pagpapahusay(remedial)
QQQQQQQQ. Nakatulong ba ang
pagpapahusay (remedial)?
Bilang ng mag-aaral na naunawaan
ang aralin
RRRRRRRR. Bilang ng mag-aaral na
patuloy na nangangailangan ng
pagpapahusay (remediation)
SSSSSSSS. Alin sa aking pagtuturo
ang naging epektibo? Bakit?
TTTTTTTT. Ano-ano ang aking
naging suliranin na maaaring malutas
sa tulong ng aking punongguro at
superbisor?
209
UUUUUUUU. Anong mga inobasyon
o lokalisasyon sa mga kagamitan ang
ginamit /natuklasan ko na nais kong
ibahagi sa ibang guro?

210
MASUSING Paaralan Baitang 6
BANGHAY- Guro Asignatura Filipino
ARALIN Petsa at Markahan F6Q1W10D1
Oras

I. LAYUNIN
Naipamamalas ang kakayahan sa
A. Pamantayang
mapanuring pakikinig at pag-unawa sa
Pangnilalaman
napakinggan
Nasasaulo ang isang tula/awit na
B. Pamantayan sa napakinggan at naisasadula ang isang
Pagganap isyu o paksa mula sa tekstong
napakinggan
Nabibigyang kahulugan ang sawikain /
C. Mga Kasanayang
matatalinghagang salita na napakinggan
Pampagkatuto/Layunin
(F6PN – Ij – 28 )
II. PAKSA

Pagbibigay ng Kahulugan ng Sawikain / Matatalinghagang Salita na


Napakinggan

III. MGA KAGAMITAN


MM. Sanggunian: k – 12 Gabay Pangkurikulum
Teksto: Ang Ibong Adarna (Kuwento )
Kagamitan: Landas sa Pagbasa VI pp. 122 – 128.
NN. Iba pang kagamitang pampagtuturo:
Laptop, Projector, Larawan , Metacards

IV. PAMAMARAAN
IIIIIIIII. Balik-aral at/o Panimula
(Balikan at magkaroon ng maikling takayan tungkol sa ginawang
maikling reaksiyon o opinyon tungkol sa “ Kung ano ang itinanim , siya
ang aanihin “ . Iugnay ito sa bagong araling tatalakayin tungkol sa
pagbibigay ng kahulugan ng sawikain / matatalinghagang salita na
napakinggan.
JJJJJJJJJ. Pagganyak
(Magpakita ng larawan ng Ibong Adarna )

Tanong:

211
1. Ano-ano ang mga katangiang hinahangaan ninyo sa
isang
ibon?
2. Kilala ba ninyo kung anong uri ng ibon ang nakikita
ninyo sa larawang ito?

3. Anong naiibang katangian mayroon ang ibong ito na


wala sa ibang ibon?

(Iugnay ang mga sagot ng mag-aaral sa babasahing kuwentong may


pamagat na “Ibong Adarna”.)

KKKKKKKKK. Paglalahad ng Aralin

Pag – alis ng sagabal:


Panuto: Hanapin sa Hanay B ang kahulugan ng mga salitang
nakasulat sa Hanay A.

HANAY A HANAY B
___1. maharlika a. solusyon
___2. lunas b. maawa
___3. kataksilan c. mabuti
___4. madurog ang puso d. traydor
___5. maitim ang budhi e. dugong – bughaw
f. masama

LLLLLLLLL. Pagtalakay sa Aralin

Pagbasa ng kuwento:
(Pagbibigay ng mga pamantayan sa pakikinig ng kuwentong
babasahin
ng guro.)

Tanong:
1. Sino – sino ang mga tauhan sa kuwento?
2. Ano ang nangyari kina Don Pedro at Don Diego sa kanilang
paghahanap
sa ibong Adarna?
3. Sino sa magkakapatid ang nais mong tularan? Bakit?
4. Batay sa mga salitang binigyan ng kahulugan, anong uri kaya ng
salita ang
mga ito?
212
(Magbibigay ang guro ng input tungkol sa pagbibigay ng kahulugan
ng
sawikain / matatalinghagang salita na napakinggan.)

Gawain I:
Ibigay ang angkop na kahulugan ng mga sawikaing may salungguhit.
1. Ang mga taong may ginintuang pusoay laging
kinalulugdan ng
lahat.
2. Bahag ang buntot ng batang iyan kaya umiiwas sa gulo.
3. Kayod kalabaw ang kanyang mga magulang upang
makatapos
siya ng pag-aaral.
4. Ikrus sa noo ang mga pangaral ng ating mga magulang.
5. Siya ay may mabait na anghel ng tahanan .

Gawain II: Babasahin ng guro ang mga sumusunod na talata. Itatala at


ibibigay ng mag-aaral ang kahulugan ng mga sawikaing napakinggan.

(A.) Si Cathy ay isang mag-aaral na palaging nagsusunog


ng kilay. Mula Lunes hanggang Biyernes maaga siyang pumapasok sa
paaralan at hindi nakaliligtaang gawin ang kanyang mga takdang-aralin at
proyekto. Siya rin ay bukas-palad sa mga kaklase kaya’t ang kanyang guro
ay palaging may pampataba ng puso na sinasabi sa kanya. Lagi niyang
isinasaisip na ang panahon ay ginto at tinatanaw niya mabulaklak na
kinabukasan.

(B.) Ang pamamasyal namin sa magagandang tanawin sa


Lungsod ng Sorsogon ay kasiya – siya. Narating amin ang Rizal Beach na
may kulay-bulak na buhangin at may mala kristal na tubig. Napakasarap
lumangoy sa Beach na ito. Habang patuloy ang sinasakyan namin
papuntang Bulusan Lake lumilipad ang aking diwa at labis na kagalakan sa
makikita roon. Ang Lake pala na ito ay malapit sa nakabibighani ngunit
nagdudulot ng kapinsalaan kapag nagagalit itong Bulkang Bulusan. Ang
mga punong nakapalibot sa lawa ay tila kasukalan na hindi pa naabot ng
tao.

213
MMMMMMMMM. Paglalahat

Paano maibibigay ang tamang kahulugan ng sawikain/


matatalinghagang salita na napakinggan ?
NNNNNNNNN. Paglalapat

Panuto: Ibigay ang kahulugan ng sawikaing ginamit sa pangungusap.


(Babasahin ng guro ang mga sawikaing ginamit sa
pangungusap.)

1. Ang matalik kong kaibigan ay ipinanganak na may gintong


kutsara.
2. Laging nagbibilang ng poste ang aking kuya.
3. Ang anak-pawis ay nagsusumikap upang magtagumpay sa
buhay.
4. Walang nagnanais sa mga mag-aaral ang makakuha ng
kalabasa sa
pagtatapos.
5. Kinakailangang huwag tayong maniwala sa mga balitang
kutsero na
naririnig natin sa mga pagupitan.

OOOOOOOOO. Pagtataya
Panuto : Ibigay ang kahulugan ng sawikaing ginamit sa pangungusap.
(Babasahin ng guro ang mga sawikaing ginamit sa
pangungusap.)

1. Ang aming kapitbahay ay may pusong mamon.


2. Magdilan-anghel sana ang kanyang sinabi.
3. Ang batang iyon ay balat-sibuyas kaya palagi siyang tinutukso.
4. Si Aling Inday ay nagmumurang kamyas.
5. Siya ay may makapal na bulsa subalit napakaboksingero.
PPPPPPPPP. Karagdagang Gawain at/o Pagpapahusay
Makinig ng balita at ibuod ito. Isulat sa kuwaderno.
V. MGA TALA
VI. PAGNINILAY

VVVVVVVV. Bilang ng mag-


aaral na nagtamo ng 80% sa
pagtataya
WWWWWWWW. Bilang ng
mag-aaral na nangangailangan

214
ng mga gawaing
pagpapahusay(remedial)
XXXXXXXX. Nakatulong ba ang
pagpapahusay (remedial)?
Bilang ng mag-aaral na
naunawaan ang aralin
YYYYYYYY. Bilang ng mag-
aaral na patuloy na
nangangailangan ng
pagpapahusay (remediation)
ZZZZZZZZ. Alin sa aking
pagtuturo ang naging epektibo?
Bakit?
AAAAAAAAA. Ano-ano ang aking
naging suliranin na maaaring
malutas sa tulong ng aking
punongguro Bat superbisor?
BBBBBBBBB. Anong mga
inobasyon o lokalisasyon sa mga
kagamitan ang ginamit
/natuklasan ko na nais kong
ibahagi sa ibang guro?

215
MASUSING Paaralan Baitang 6
BANGHAY- Guro Asignatura Filipino
ARALIN Petsa at Oras Markahan F6Q1W10D2

I. LAYUNIN
Naipamamalas ang kakayahan at tatas sa
A. Pamantayang
pagsasalita at pagpapahayag ng sariling
Pangnilalaman
ideya, kaisipan , karanasan at damdamin
B. Pamantayan sa
Nakasasali sa isang usapan tungkol sa isyu
Pagganap
Naipapahayag ang sariling opinyon o
C. Mga Kasanayang reaksiyon sa isang napakinggang balita ,
isyu o usapan (F6PS – Ij – 1)
Pampagkatuto/Layunin

II. PAKSA
Pagpapahayag ng Sariling Opinyon o Reaksiyon sa isang
Napakinggan balita , isyu o usapan.
III. MGA KAGAMITAN
OO. Sanggunian: K – 12 Gabay Pangkurikulum
Teksto: Iba’t ibang Uri ng Balita, isyu, usapan
Hiyas sa Wika VI pp. 46 – 47.
Landas sa Wika VI pp. 6 – 7.
B. Iba pang kagamitang pampagtuturo:
Laptop, Projector, Larawan, Metacards
IV. PAMAMARAAN
QQQQQQQQQ. Balik-aral at/o Panimula

Balikan at magkaroon ng maikling talakayan tungkol sa


napakinggang
balita at iugnay ito sa tatalakaying paksa.
RRRRRRRRR. Pagganyak

1. Ano ba ang kadalasang mga sakit na nararanasan ng mga tao sa


inyong pamayanan?
2. Bakit kaya nagkakaroon ng ganitong sakit?
(Iugnay ang tekstong babasahin tungkol sa “Oplan : Alis
Disease”)
SSSSSSSSS. Paglalahad ng Aralin

216
Pagsasanay: Hanapin sa Hanay B ang kahulugan ng mga
salitang
nakasulat sa Hanay A.

HANAY A HANAY B
1. karamdamang kritikal a. malala
2. prayoridad b. bigyang
halaga
3. ikubli c.
pagpapaalam
4. inilunsad d. malubha
5. talamak e. itinayo
f. itago
(Pagbasa ng tekstong “Oplan : Alis Disease”)

TTTTTTTTT. Pagtalakay sa Aralin

217
Tanong:
1. Sino ang naglunsad ng Oplan : Alis – Disease ?
2. Para kanina lamang ang mga nasabing programang inilunsad
ni Dr.
Juan Flavier?
3. Anong uri ng mga sakit o karamdaman ang nabanggit sa balita
?
4. Paano maiiwasan ang ganitong sakit o karamdaman ?
5. Kung ikaw si Dr. Juan Flavier gagawin mo rin ba ang kaniyang
ginawa? Bakit ?
( Ipahayag ang sariling opinyon o reaksiyon. )

( Magbibigay ang guro ng input tungkol sa mga panandang maaaring


gamitin sa pagbibigay ng sariling opinyon o reaksiyon. )

( Pangkatang Gawain )
Magbigay ng sariling opinyon o reaksiyon tungkol sa sumusunod na
isyu / balitang.
ISYU / BALITA OPINYON / REAKSYON
1. Paggamit ng iba’t ibang
gadget
2. Pagnanakaw ng mga
Bata
3. Mga batang naaabuso
(Maaaring palitan / baguhin
ang isyu o balita.)

UUUUUUUUU. Paglalahat
Paano naipahahayag ang sariling opinyon o reaksiyon sa
napakinggang balita, isyu o usapan?

VVVVVVVVV. Paglalapat
Basahin ang balita o isyu at pagkatapos ibigay ang sariling opinyon
o
reaksiyon.
Isyu 1 : Paghugas ng kamay bago at pagkatapos kumain.
Isyu 2 : Pagkakaroon ng mababang marka sa bawat
asignatura.
Isyu 3 : Panunukso sa kaklase
Isyu 4 : Pagliban sa klase
Isyu 5 : Palaging huli sa pagpasok sa paaralan
WWWWWWWWW. Karagdagang Gawain at/o Pagpapahusay
218
Basahin ang tulang “Sulong Kabataang Pilipino” at ibigay ang
depinisyon ng sumsunod na salita .
1. bagong panahon
2. maayang bukas
3. layong dakila
4. ibandila
5. gintong kapalaran
V. MGA TALA
VI. PAGNINILAY
CCCCCCCCC. Bilang ng mag-
aaral na nagtamo ng 80% sa
pagtataya
DDDDDDDDD. Bilang ng mag-
aaral na nangangailangan ng
mga gawaing
pagpapahusay(remedial)
EEEEEEEEE. Nakatulong ba
ang pagpapahusay
(remedial)?
Bilang ng mag-aaral na
naunawaan ang aralin
FFFFFFFFF. Bilang ng mag-
aaral na patuloy na
nangangailangan ng
pagpapahusay (remediation)
GGGGGGGGG. Alin sa aking
pagtuturo ang naging
epektibo? Bakit?
HHHHHHHHH. Ano-ano ang
aking naging suliranin na
maaaring malutas sa tulong
ng aking punongguro at
superbisor?
IIIIIIIII. Anong mga inobasyon
o lokalisasyon sa mga
kagamitan ang ginamit
/natuklasan ko na nais kong
ibahagi sa ibang guro?

219
MASUSING Paaralan Baitang 6
BANGHAY- Guro Asignatura Filipino
ARALIN Petsa at Oras Markahan F6Q1W10D3

I. LAYUNIN
A. Pamantayang Naisasagawa ang mapanuring pagbasa sa iba’t ibang uri
Pangnilalaman ng teksto at napalalawak ang talasalitaan
Nakabubuo ng sariling diksyunaryo ng mga bagong salita
B. Pamantayan sa
mula sa mga binasa; naisasadula ang mga maaaring
Pagganap
mangyari sa nabasang teksto
Naibibigay ang kahulugan ng pamilyar at di –
C. Mga kilalang salita sa pamamagitan ng pormal na
Kasanayang depinisyon (F6PT – Ij – 10 )
Nababago ang dating kaalaman batay sa
Pampagkatuto/Layunin natuklasan sa teksto (F6PB – Ij – 15)

II. PAKSA

Pagbibigay ng Kahulugan ng Pamilyar at Di-kilalang salita sa


Pamamagitan ng Pormal na Depinisyon
Pagbabago ng dating kaalaman batay sa natuklasan sa teksto
III. MGA KAGAMITAN
PP. Sanggunian: K – 12 Gabay Pangkurikulum
Teksto : Sulong , Kabataang Pilipino ! ( Tula )
Batayang Aklat : Landas sa Pagbasa VI pp. 219 – 221.
Yaman ng Pamana ika at Pagbasa 6 p.67
k – 12 Komunikasyon 6 pp. 52 – 53
Filipino Punla 6 pp. 180 - 181
B.Iba pang kagamitang pampagtuturo : Laptop , Projector , Tsart

IV. PAMAMARAAN
XXXXXXXXX. Balik-aral at/o Panimula
( Babalikan ang naging takdang aralin tungkol sa tulang “ Sulong
Kabataang Pilipino” iwawasto ang mga ibinigay na depinisyon sa
mga salita, iuugnay ito sa tatalakaying paksa. )
YYYYYYYYY. Pagganyak
Ipahayag ang ibig ipahiwatig ng “Ang Kabataan ang Pag –Asa ng
Bayan” at ang pamagat ng akdang babasahin Sulong, Kabataang Pilipino!

1. Sino kaya ang pinatutungkulan dito?

220
ZZZZZZZZZ. Paglalahad ng Aralin
Pag – alis ng sagabal :
(Iba pang salitang bibigyan ng kahulugan.)

1. ikarangal - Ang gawa ng ating mga bayani ay nararapat nating


ikarangal.
2. musmos - Ang pagdidisiplina ay nagsisimula sa musmos na
gulang.
3. tuklasin - Nararapat lamang na tuklasin natin ang mga
kayamanang mayroon ang Pilipinas.

( Pamantayan sa Pagbasa )
( Pagbasa ng Tula )

AAAAAAAAAA. Pagtalakay sa Aralin

Tanong:
1. Para kanino ipinatutungkol ang tula?
2. Ayon sa tula, paano dapat harapin ang ating buhay
3. Ano raw ang dapat pangarapin ng isang batang tulad mo?
4. Ano – anong gabay sa pag-unlad ang binanggit sa tula?
5. Ikaw, naniniwala ka rin bang isa ka sa Kabataang Pag-asa
ng Bayan? Bakit?
6. Pansinin ang mga salitang binigyan ng kahulugan. Anong uri
ng mga salita ito?

(Magbibigay ang guro ng input tungkol sa pagbibigay kahulugan sa


pamilyar at di – pamilyar na salita sa pamamagitan ng pormal na
depinisyon.)

( Pangkatang Gawain )
Basahin ang tula at ibigay ang kahulugan ng pamilyar at
di – pamilyar na salitang may salungguhit sa pamamagitan ng
pormal
na depinisyon.

Handog sa mga Bagong Bayani


Pangkat I. Sa panahong ang bansa ay lugmok sa hirap
Krisis sa ekonomiya, lagi na’y hinaharap
Saan man bumaling, kalutasan di maapuhap
Itaguyod ang pamilya , tanging pinapangarap.

221
Pangkat II. Iiwan ang bayan, sa pamilya’y lalayo
Sa kanluran , sa halaga paroroon at hahayo
Hahanapin ang kapalaran saan mang lupalop
Magpupunyagi ballot man ng takot at siphayo.

Pangkat III. Titiisin ang lungkot , sisikilin ang lumbay


Hinahanap – hanap mga mahal sa buhay
Kumita lang ng dolyar at makapagpadala
At sa bayang liyag makapaghatid ng pagpapala

(Ipaliwanag din ang kaisipan ng bawat saknong. )

BBBBBBBBBB. Paglalahat
Bakit mahalaga ang pagbibigay ng kahulugan ng mga salitang
pamilyar at di –pamilyar na salita sa pamamgitan ng pormal na
depinisyon ?
CCCCCCCCCC. Paglalapat
Basahin ang tungkol sa Mentor Program : Marami ang
Nakikinabang at ibigay ang kahulugan ng mga sumusunod na pamilyar at
di – pamilyar na salita :
1. Mentor Program
2. One – on – one tutorials
3. Extension Program
4. Remedial classes
5. Computer software

DDDDDDDDDD. Pagtataya

Panuto : Ibigay ang kahulugan ng pamilyar at di – pamilyar na salita


sa pamamagitan ng depinisyon.
1. Mapanganib ang Global warming .
2. May paglawak ng disyerto.
3. Nararanasan natin ang heat stress.
4. Nagpapraktis ako ng composting.
5. Kaunting fossil fuels ang sinusunog.

EEEEEEEEEE. Karagdagang Gawain at/o Pagpapahusay

Sumulat ng isang liham pangkaibigan.

222
V. MGA TALA
VI. PAGNINILAY
JJJJJJJJJ. Bilang ng mag-aaral na
nagtamo ng 80% sa pagtataya
KKKKKKKKK. Bilang ng mag-
aaral na nangangailangan ng
mga gawaing
pagpapahusay(remedial)
LLLLLLLLL. Nakatulong ba
ang pagpapahusay (remedial)?
Bilang ng mag-aaral na
naunawaan ang aralin
MMMMMMMMM. Bilang ng mag-
aaral na patuloy na
nangangailangan ng
pagpapahusay (remediation)
NNNNNNNNN. Alin sa aking
pagtuturo ang naging epektibo?
Bakit?
OOOOOOOOO. Ano-ano ang
aking naging suliranin na
maaaring malutas sa tulong ng
aking punongguro at
superbisor?
PPPPPPPPP. Anong mga
inobasyon o lokalisasyon sa
mga kagamitan ang ginamit
/natuklasan ko na nais kong
ibahagi sa ibang guro?

223
MASUSING Paaralan Baitang 6
BANGHAY- Guro Asignatura Filipino
ARALIN Petsa at Oras Markahan F6Q1W10D4

I. LAYUNIN
A. Pamantayang Napauunlad ang kasanayan sa pagsulat ng
Pangnilalaman iba’t ibang uri ng sulatin
B. Pamantayan sa
Nakasusulat ng reaksyon sa isang isyu
Pagganap
C. Mga Kasanayang Nakasusulat ng liham pangkaibigan
Pampagkatuto/Layunin ( F6PU – Ij – 2.3 )
II. PAKSA
Pagsulat ng Liham Pangkaibigan .
III. MGA KAGAMITAN
QQ. Sanggunian: K – 12 Gabay Pangkurikulum
Teksto : Pagsulat ng Liham
Batayang aklat : Landas sa Wika VI pp. 200 – 204.
RR. Iba pang kagamitang pampagtuturo :
Laptop , Projector , Tsart , Metacard
IV. PAMAMARAAN
FFFFFFFFFF. Balik-aral at/o Panimula

Balikan ang ginawang liham pangkaibigan at magkaroon ng maikling


talakayan tungkol dito.
GGGGGGGGGG. Pagganyak
Tanong :
1. Nakatanggap na ba kayo ng isang liham ?
2. Ano ang nilalaman ng liham?
3. Kanino at Sino ang nagbigay ng liham ?

( Malayang magpapahayag ng kasagutan ang mag – aaral sa


bawat katanungang ibibigay ng guro at iuugnay ito sa babasahing liham.
)
HHHHHHHHHH.Paglalahad ng Aralin
( Pagbasa ng liham )
285 Kalye Perez
Malibay , Lunsod ng
Pasay
Ika – 20 ng Marso ,
2011

224
Mahal kong kaibigan ,

Nais kong anyayahan kita sa darating na Linggo para sa aking


kaarawan. Magkakaroon ng kaunting salo – salo sa aming tahanan. Pupunta
rin ang ating mga kaklase upang magkita-kita tayo at makalahok din sa
munting parlor game na ihahanda ng aking mga kapatid. Maaari ring isama
mo ang iyong mga kapatid para mag-enjoy din sila.
Inaasahan ko na makararating kayo sa ganap na alas-dos ng
hapon sa Linggo sa amin. Salamat!

Ang iyong kaibigan,


Rodel
IIIIIIIIII. Pagtalakay sa Aralin
Tanong:
1. Para kanino ang liham ?
2. Kanino galing ang liham ?
3. Tungkol saan ang liham ?
4. Anong uri ito ng liham ?
5. Paano nabuo ang liham ?

( Ang guro ay magbibigay ng input tungkol sa bahagi at uri ng liham


pangkaibigan)

BAHAGI NGLIHAM

PAMUHATAN
BATING PANIMULA

KATAWAN NG
LIHAM
BATING
PANGWAKAS

LAGDA

225
URI NG LIHAM PANGKAIBIGAN

PANGUNGUMUSTA

PAKIKIRAMAY PASASALAMAT

LIHAM PANGKAIBIGAN

PAANYAYA
PAGHINGI NG PAYO

PAGBATI

(Pangkatang Gawain)

Hahatiin sa apat na pangkat ang buong klase. Bawat


pangkat ay gagawa ng isang halimbawa ng liham pangkaibigan gamit
ang limang bahagi nito. Sa paglalahad ng liham na ginawa ng bawat
pangkat , sagutin ang mga sumusunod na katanungan :

1. Sino ang sumulat ?


2. Saan ginawa ang sulat ?
3. Bakit sumulat ?
4. Paano ito naisulat ?

(Maaaring gumamit ang guro ng rubrik sa pagmamarka ng


pangkatang
gawain.)

JJJJJJJJJJ. Paglalahat

Bakit mahalagang malaman natin ang tamang pagsulat ng


liham ?

226
KKKKKKKKKK.Paglalapat
Umisip ng isang taong nais mong pasalamatan , Sino siya ? Ano ang
nagawa niyang kabutihan sayo ? Bakit at paano siya nais pasalamatan ?
Isulat nang maayos sa isang buong papel.

LLLLLLLLLL. Pagtataya
Ang pasulat na gawain sa bahaging paglalapat ang magiging
gawaing mamarkahan para sa pagtataya. ( Maaaring gumamit ang guro
ng rubrik sa pagmamarka. )
MMMMMMMMMM. Karagdagang Gawain at/o Pagpapahusay
Magsalaysay ng isang pangyayari tungkol sa pagdiriwang ng Pista sa
inyong lugar. Isulat ito sa inyong kuwaderno.
V. MGA TALA
VI. PAGNINILAY
QQQQQQQQQ. Bilang ng mag-
aaral na nagtamo ng 80% sa
pagtataya
RRRRRRRRR. Bilang ng mag-
aaral na nangangailangan ng
mga gawaing
pagpapahusay(remedial)
SSSSSSSSS. Nakatulong ba
ang pagpapahusay (remedial)?
Bilang ng mag-aaral na
naunawaan ang aralin
TTTTTTTTT. Bilang ng mag-
aaral na patuloy na
nangangailangan ng
pagpapahusay (remediation)
UUUUUUUUU. Alin sa aking
pagtuturo ang naging epektibo?
Bakit?
VVVVVVVVV. Ano-ano ang
aking naging suliranin na
maaaring malutas sa tulong ng
aking punongguro at
superbisor?
WWWWWWWWW. Anong mga
inobasyon o lokalisasyon sa
mga kagamitan ang ginamit
/natuklasan ko na nais kong
ibahagi sa ibang guro?

227
MASUSING Paaralan Baitang 6
BANGHAY- Guro Asignatura Filipino
ARALIN Petsa at Markahan F6Q1W10D5
Oras

I. LAYUNIN
Naipamamalas ang kakayahan sa
A. Pamantayang Pangnilalaman mapanuring panonood ng iba’t ibang uri ng
media
Nakagagawa ng isang blog entry tungkol
B. Pamantayan sa Pagganap
sa napanood
Nasasagot ang mga tanong tungkol
C. Mga Kasanayang sa kuwento at larawang napanood
Pampagkatuto/Layunin ( F6PD – Ij – 20 )

II. PAKSA

Pagsagot ng mga Tanong Tungkol sa Kuwento at Larawang


Napanood.
III. MGA KAGAMITAN
A. Saggunian: K – 12 Gabay Pangkurikulum
Teksto : Lathalain at Larawan
Kagamitan : Landas sa Wika at Pagbasa VI
Yaman ng Pamana wika at Pagbasa 6 p. 184.
B. Iba pang kagamitang pampagtuturo :
Laptop , Projector , Tsart , Metacard
IV. PAMAMARAAN
NNNNNNNNNN. Balik-aral at/o Panimula
Balikan ang naging takdang aralin tungkol sa mga pangyayari sa
pagdiriwang ng Pista sa inyong lugar at magkaroon ng maikling
talakayan.Iugnay ito sa tatalakaying aralin tungkol sa pagsagot ng
mga tanong tungkol sa kuwento at larawang napanood.
OOOOOOOOOO. Pagganyak
Ipasuri ang nasa larawan.

228
Tanong:
1. Ano ang nakikita ninyo sa larawan? Ilarawan ito.
2. Ano ang mga pangyayaring isinasaad sa larawan?
(Bawat mag-aaral ay malayang magbigay ng kaniya – kaniyang ideya /
sagot sa mga katanungan. Iuugnay ito sa babasahing akdang tungkol sa
“Ang Pagtatala ng Ating mga Ninuno”.)

PPPPPPPPPP. Paglalahad ng Aralin

Pag – alis ng sagabal:

Isulat ang MK sa patlang kung magkasingkahulugan ang mga


salitang may salungguhit sa bawat pangungusap;MS kung magkasalungat.

_____ 1. May organisado at maayos na sistema ng pagtatala ng ating


mga ninuno.
_____ 2. Ang ilan nating mga ninuno ay gumuhit at sumulat ng mga
pangyayaring maging sa haligi at dingding ng kanilang mga bahay.
_____ 3. Mayaman at maunlad ang ating katutubong kultura.
_____ 4. Maaaring iniisip ng ilan ng walang nakasulat na sistema ng
pagtatala ngunit mayroong na mga pangyayaring nakatala sa kasaysayan
ng ating mga ninuno.
_____ 5. Dapat nating ipagmalaki at pahalagahan ang ating kultura bilang
mga Pilipino.

(Pagbasa ng akda o seleksiyon )

QQQQQQQQQQ. Pagtalakay sa Aralin

Tanong:
1. Ano ang nais ipahiwatig sa atin ng kuwento?
2. Ano – ano ang mga pamamaraang ginamit ng ating mga
ninuno
sa pagtatala ng mga pangyayari?
3. Ano ang mga halimbawa at patunay na may naitalang iniwan
sa atin ang ating mga ninuno?
4. Paano natin mapahahalagahan ang katutubong kulturang
ipinamana sa atin?
Gawain I:
Ilarawan ang sistema ng pagtatala noon at ngayon gamit ang
graphic organizer batay sa kuwento.

229
NOON PAGKAKATULAD NGAYON

(Maaaring gumamit ng rubrik ang guro sa pagmamarka ng gawain)

Gawain II :

Suriin ang nasa larawan.


Tanong:
1. Tungkol saan ang larawan?
2. Ano ang maaaring mangyari kung patuloy nating puputulin
ang punongkahoy?
3. Upang maiwasan natin ang patuloy na pagbaha at
pagkaubos ng ating mga punongkahoy, ano ang dapat
nating gawin?
4. Bakit kinakailangang panatilihin at pahalagahan ang mga
230
punongkahoy?
RRRRRRRRRR. Paglalahat
Bakit mahalagang masuri ang mga nakikitang larawan at
nababasang mga kuwento ?
SSSSSSSSSS. Paglalapat
Basahin at unawain ang sumusunod na lathalain. Sagutin ang mga
tanong sa ibaba.

Noong unang panahon , ang ating mga ninuno ay nakararating sa


malalayong lugar sa pamamagitan ng paglalakad. Ngunit nang dumating sa
kanilang buhay ang iba’t ibang sasakyang de – gulong tulad ng karwahe ,
kotse , trak , dyip at kalesa, nabawasan o nahinto ang paglalakad.
Magbalik sana ang gawaing paglalakad upang hindi tayo matrapik sa
daan. Wala pang polusyong dala ng umuusok na mga sasakyan. Ligtas din
tayo sa nakabibinging ingay at busina ng mga sasakyan at sa kaskaserong
mga tsuper ng dyip at bus. Kung magbabalik tayo sa paglalakad ,
makapag-eehersisyo tayo at makatitipid pa sa pamasahe.

Tanong :
1. Ano ang nais ipahiwatig sa atin ng maikling lathalain ?
2. Paano inilarawan ang pamumuhay noon ng ating mga ninuno ?
3. Mula sa lathalain, bakit ninanais na muling ibalik ang kinagisnan o
kinagawian noon?
4. Kung ikaw ang papipiliin, aling panahon ang pipiliin mo ? Bakit ?
5. Ano magandang naidudulot ng paglalakad ?
TTTTTTTTTT. Pagtataya

Panuto : Basahin at unawain ang sumusunod na akda. Sagutin ang


mga tanong sa ibaba at isulat ito sa kalahating papel .

231
Makisakay o Magpasakay

Makisakay o magpasakay , iyan ang payo ng Metro Manila


Development Authority ( MMDA ) para sa ating lahat. Ito ay pinagmumulan
ng mabuting pagsasamahan at pagkakaibigan. Ito’y nakapagtitipid pa sa
gasolinang ngayon ay tumataas na ang halaga. Mahigit sa kalahati ng 250,
000 sasakyan sa Maynila ay nagbibiyahe araw – araw; kung minsan ang
sakay lamang ay isa o dalawa. Ang ganito ng gawain ay aksaya sa gasolina
at nagdudulot pa ng trapik sa daan. Kung maraming tao ang sasakay sa
iilang sasakyan, ang konsumong gasolina ay kakaunti. Magiging maayos
din ang trapiko at mababawasan ang polusyon at sakuna sa daan. Kaya
magpasakay tayo at makisakay.

Tanong :
1. Tungkol saan ang binasang akda?
2. Ano ang ibig ipahiwatig ng MMDA sa kasabihang
magpasakay o makisakay ?
3. Sino ang binibigyang-halaga sa binasang akda ?
4. Bakit nagkakaroon ng mahabang trapik sa daan?
5. Paano makatitipid ng gasolina ang mga may sariling
sasakyan ?

UUUUUUUUUU. Karagdagang Gawain at/o Pagpapahusay


Pag-aralan ang lahat ng araling tinalakay at maghanda para sa mahabang
pagsusulit.

V. MGA TALA
VI. PAGNINILAY
XXXXXXXXX. Bilang ng mag-
aaral na nagtamo ng 80% sa
pagtataya
YYYYYYYYY. Bilang ng mag-
aaral na nangangailangan ng
mga gawaing
pagpapahusay(remedial)
ZZZZZZZZZ. Nakatulong ba
ang pagpapahusay
(remedial)?
Bilang ng mag-aaral na
naunawaan ang aralin
232
AAAAAAAAAA. Bilang ng mag-
aaral na patuloy na
nangangailangan ng
pagpapahusay (remediation)
BBBBBBBBBB. Alin sa aking
pagtuturo ang naging
epektibo? Bakit?
CCCCCCCCCC. Ano-ano ang
aking naging suliranin na
maaaring malutas sa tulong
ng aking punongguro at
superbisor?
DDDDDDDDDD. Anong mga
inobasyon o lokalisasyon sa
mga kagamitan ang ginamit
/natuklasan ko na nais kong
ibahagi sa ibang guro?

233

You might also like