Professional Documents
Culture Documents
AP 8 Las Quarter 2 Melc 3
AP 8 Las Quarter 2 Melc 3
Araling Panlipunan
Gawaing Pagkatuto
Ikalawang Markahan – MELC 3
Ang Pag-usbong at Pag-unlad ng mga Klasikong Kabihasnan
sa Africa – Ghana, Songhai, Mali, atbp.,
America – Aztec, Maya, Olmec, Inca, atbp.,
Mga Pulo sa Pacific - Nazca
1
Araling Panlipunan 8
Gawaing Pagkatuto
Unang Edisyon, 2020
Inilimbag sa Pilipinas
Ng Kagawaran ng Edukasyon,
Rehiyon 6 – Kanlurang Visayas
Duran St., Iloilo City
2
Pambungad na Mensahe
MABUHAY!
3
Ikalawang Markahan – MELC 3
Araling Panlipunan 8
GAWAING PAGKATUTO
Unang Araw
Mahalaga ang papel ng heograpiya kung bakit ang Africa ang huling pinasok
at huling nahati-hati ng mga Kanluraning bansa. Tinawag ito ng mga Kanluranin na
dark continent dahil hindi nila ito nagalugad kaagad. Nanatiling limitado ang kaalaman
ng mga bansang Kanluranin tungkol sa kontinenteng ito hanggang noong ika-19 na
siglo.
4
Ang disyerto ng Sahara na malaki pa sa Europe ay hindi natitirhan maliban sa
mga oasis nito. Ang oasis ay lugar sa disyerto kung saan may matabang lupa at tubig
na kayang bumuhay ng halaman at hayop. Tanging sa oasis lamang may mga maliliit
na pamayanan sa Sahara. Hiwa-hiwalay at kalat-kalat ang mga kultura at kabihasnang
sumibol at namayani sa malawak na kontinente ng Africa.
5
Si Sundiata Keita, isang Muslim na Afrikan ang nagtatag
ng imperyong Mali na nagtataglay ng titulong “mansa” na
ang ibig sabihin ay emperador.
Ang Imperyong Mali ay yumaman sa pamamagitan ng
kalakalan.
Ang pinakatanyag na emperador ng Mali ay si Mansa
Musa. Sa kanyang pamumuno naabot ng Mali ang rurok
ng kapangyarihan.
Namuno si Mansa Musa noong 1312, higit pa niyang
pinalawak ang teritoryo ng imperyo. Nagpatayo siya ng
mga mosque o pookdasalan ng mga Muslim sa mga
lungsod ng imperyo.
Sa panahon ng paghahari ni Mansa Musa, ang Gao,
Timbuktu, at Djenne ay naging sentro ng karunungan at
pananampalataya.
Ginawa niyang kabisera ng imperyo ang Niani na naging
sentro ng pag-aaral.
Iginuhit ang unang mapa ng Aprika noong 1375 at
ipinakikita rito na nakaluklok sa trono si Mansa Musa na
may titulong” Panginoon ng mga Negro (Lord of the
Negroes)
6
Ang Kalakalang Trans-Sahara
M R Y N G S N H
C R H E
3. Uri ng kagubatan kung saan sagana ang ulan at ang mga puno na malalaki,
matataas, at may mayayabong na dahon.
A N F O S T
O I
I E R N G G N
7
Gawain 2: Salitang Palaisipan
Panuto: Suriin ang mga sumusunod na pangungusap kung ito ay TAMA o MALI.
Isulat ang T kung ang pangungusap ay TAMA at palitan naman ang may
salungguhit na salita kung ito ay MALI. Isulat ang sagot sa patlang.
_______1. Si Mansa Musa ay isa mga naging pinuno ng Imperyong Mali, siya ay
nagpatayo ng mga mosque o pook dasalan ng mga Muslim sa mga
lungsod ng imperyo.
_______5. Si Sunni Ali ay ang unang hari ng Imperyong Songhai at ang ika-15 pinuno
ng dinastiyang Sonni.
Ikalawang Araw
Malawak ang naging impluwensiya ng mga Maya, Aztec, at Inca kung kaya’t
itinuturing ang mga ito na Kabihasnang Klasikal sa America.
8
Mga Natatanging Katangian
9
Ang mga Olmec ay kilala din sa paglililok ng mga anyong
ulo mula sa mga bato. Nakagawa ng mga templo na hugis
piramide sa ibabaw ng mga umbok ng lupa.
10
Nakilala sa Mesoamerica ang kabihasnang Maya at Aztec. Naging maunlad din
ang Kabihasnang Inca sa Timog America. Katulad ng kabihasnang Greece at Rome
ang pagiging maunlad at makapangyarihan ay nagtulak sa mga kabihasnan sa
Mesoamerica at Timog America na manakop ng lupain at magtayo ng imperyo.
Malawak ang naging impluwensiya ng mga Maya, Aztec at Inca kung kaya’t itinuturing
ang mga ito na Kabihasnang Klasikal sa America.
Panuto: Unawain at sagutin ang mga tanong. Isulat ang letra ng tamang sagot sa
sagutang papel o kuwaderno.
1. Ang pinuno ng Inca na namatay sa isang epidemya noong 1525 at nag dulot ng
tunggalian sa kaniyang mga anak na sina Atahuallpa at Huascar.
A. Mansa Musa C. Tupac Amaru
B. Huayna Capac D. Hernando Cortes
5. Itinatag na pamayanan ng mga Aztec noong 1325 na may maliit na isla sa gitna ng
lawa ng Texcoco.
A. Uaxactun C. El Mirador
B. Tenochtitlan D. Valley of Mexico
11
Gawain 4: Tukoy - Tema
5. Dito makikita ang Pyramid of Kulkulan kung saan ito ay isang patunay ng mataas
na kaalaman ng mga Mayan.
Ikatlong Araw
3. MGA KABIHASNAN SA MGA PULO SA PACIFIC
12
Ito ay matatagpuan sa gitna at timog na bahagi ng Pacific
Ocean na nasa silangan ng Melanesia at Micronesia. Ang
Polynesia ay higit na malaki kaysa pinagsamang lupain ng
Melanasia at Micronesia.
Ang Polynesia ay binubuo ng New Zealand, Easter Island,
Hawaii, Tuvalu, Wallis at Futuna, Tonga, Tokelau, Samoa,
American Samoa, Niue, Cook Islands, French Polynesia,
Austral Islands, Society Islands, Tuamotu, Marquesas, at
Pitcairn.
Ang sentro ng pamayanan ay ang tohua na kadalasang nasa
POLYNESIA
gilid ng mga bundok. Ito ay tanghalan ng mga ritwal at
‘’maraming isla”
pagpupulong. Nakapaligid sa tohua ang tirahan ng mga pari at
mga banal na estruktura.
Ang pangunahing kabuhayan ng mga Polynesian ay
pagsasaka at pangingisda. Sa pangingisda naman nakakuha
ng tuna, hipon, octopus, at iba pa.
Sa larangan ng pananampalataya, naniniwala sila sa banal na
kapangyarihan o mana. Ang katagang mana ay
nangangahulugang “bisa” o “lakas.” Sa mga sinaunang
Polynesian, ang mana ay maaaring nasa gusali, bato, bangka,
at iba pang bagay.
13
Bismarck Archipelago, Papua New Guinea, Solomon Islands,
Vanuatu (dating New Hebrides), New Caledonia, at Fiji Islands.
Sa maraming grupong Papuan, ang kultura ay hinubog ng
mga alituntunin ng mga mandirigma tulad ng katapangan,
karahasan, paghihiganti, at karangalan.
Taro at yam ang pangunahing sinasaka sa Melanesia.
Nagtatanim din dito ng pandan at sago palm na pinagkukunan
ng sago. Pangingisda, pag-aalaga ng baboy, at pangangaso
ng mga marsupial at ibon ang iba pang kabuhayan dito.
Karaniwang produktong kinakalakal ng mga Melanesian ay
mga palayok, kahoy, yam, baboy, asin, apog, gayundin ang
mga gawa nilang bangko.
Naniniwala rin sa animismo ang mga sinaunang Melanesian.
Ipinababatid ng diyos ng kalikasan ang mga kaganapan tulad
ng tagumpay sa labanan, sakuna, kamatayan, o pag-unlad ng
kabuhayan.
May sariling katangian at kakayahan ang mga isla sa Pacific. Nakabatay ang
kanilang pamumuhay sa pakikipagkalakalan sa iba’t ibang isla at kontinente. Bagama’t
hindi ito kasing-unlad, kasing-tanyag at kasingyaman ng mga kabihasnan at imperyo
sa America at Africa, nakaimpluwensiya rin ito sa mga mamamayang naninirahan sa
mga isla sa Pacific at sa mga karatig bansa nito sa Timog-Silangang Asya sa
kasalukuyan.
Panuto: Iugnay ang sagot sa Hanay B sa mga katanungan sa Hanay A. Piliin ang
titik ng tamang sagot at isalat sa patlang bago ang bilang.
Hanay A Hanay B
14
_______4. Ang sentro ng pamayanan at kadalasang D. Micronesia
nasa gilid ng bundok.
Website
https://www.academia.edu/38432561/Araling_panlipunan_grade_8_module_whole
https://en.wikipedia.org/wiki/File:Pacific_Culture_Areas.jpg
https://tl.wikipedia.org/wiki/Mesoamerika
https://tl.wikipedia.org/wiki/Olmek
Aklat
Araling Panlipunan
Modyul para sa Mag-aaral
Kasaysayan ng Daigdig Unang Edisyon 2014 Muling inilimbag 2016 pp181-223
IV. Repleksiyon
15
16
Gawain 1: Gawain 2:
1. Songhai 1. T
2. Carthage 2. T
3. Rainforest 3. Sudan
4. Oasis 4. Islam
5. Ghana 5. T
Gawain 3: Gawain 4: Gawain 5:
1. A 1. KA 1. D
2. C 2. KM 2. E
3. B 3. KI 3. C
4. A 4. KA 4. B
5. B 5. KM 5. A
V. Susi ng Pagwawasto sa mga tanong