Professional Documents
Culture Documents
AP 8 LAS Quarter 2 MELC 2
AP 8 LAS Quarter 2 MELC 2
Araling Panlipunan
Gawaing Pagkatuto
Ikalawang Markahan – MELC 2
Naipapaliwanag ang Kontribusyon ng
Kabihasnang Romano
1
Araling Panlipunan 8
Gawaing Pagkatuto
Unang Edisyon, 2020
Inilimbag sa Pilipinas
Ng Kagawaran ng Edukasyon,
Rehiyon 6 – Kanlurang Visayas
Duran St., Iloilo City
Ever Ciudadano
2
Pambungad na Mensahe
MABUHAY!
3
Ikalawang Markahan – MELC 2
Araling Panlipunan 8
GAWAING PAGKATUTO
Kabihasnan ng Sinaunang Roma
I. Kasanayang Pampagkatuto at Koda
Naipapaliwanag ang kontribusyon ng Kabihasnang Romano. (AP8DKT-IIc-3)
4
II. Panimula (Susing Konsepto)
Ang Roman Republic
Sang-ayon sa tradisyon, pinaalis ng mga Roman ang punong Etruscan at nag
nagtayo ng Republika, isang pamahalaang walang hari.
Noong 509 BCE, namuno si Lucius Janius Brutus at nagtagumapay sa pagtataboy
sa mga Etruscan. Pakatapos maitaboy ang huling haring Etruscan na si Tarquinius
Superbus, itinatag ni Lucius Janus Brutus ang isang Republika (509-31 BCE).
Sa halip na pumili ng hari, naghalal ang mga Romano ng dalawang konsul na may
kapangyarihang pigilin ang pasya ng isa. Dahil sa pagkakahati ng kapangyarihan ng
mga konsul, humina ang sangay tagapagpaganap. Sa oras ng kagipitan, kinakailangang
pumili ng diktador na manunungkulan sa loob lamang ng anim na buwan. Nagtatamasa
ang diktador ng higit na kapangyarihan kaysa sa mga konsul.
Republika lamang sa pangalan ang pamahalaan dahil laan lamang ito sa mga
maharlika o patrician. Pawang mga patrician ang dalawang konsul, ang diktador at lahat
ng kasapi ng senado. Mga kapos sa kabuhayan ang mga plebeian at Kasapi ng
Assembly na binubuo ng mandirigmang mamamayan. Walang kapangyarihan ang mga
plebeian at hindi rin makapag-aasawa ng patrician.
Noong 494 BCE nasimulang maghimagsik ang mga plebeian upang makamit ang
pantay na karapatan. Nagmartsa sila sa buong Rome at lumikas sa kalapit na lugar na
tianguriang Banal na Bundok. Doon sila balak magtayo ng sariling lungsod. Nangamba
ang mga opisyal sa maaring idulot ng pag-aalsa ng mga plebeian kung kaya’t
nagsagawa sila ng pagbabago.
Itinatag ang Asamblea na binubuo ng mga kasaping tinatawag na tribune o
mahistrado na maaring gumawa ng batas upang mapangalagaan ang mga karaniwang
mamamayan. Noong 451 BCE naisulat ang Kodigo ng mga Batas ng Republika na
tinatawag na Twelve Tables ang kakauna-unahang nasusulat na batas sa Rome at
naging ugat ng Batas Roman. Halos nagkaroon ng pantay na karapatan ang mga
plebeian at patrician.
Lumaganap ang kapangyarihan ng Roma sa buong Italy pagkatapos ng sunod-
sunod na Digmaan noong 490 BCE at sinunod ang lungsod-estado ng Greece sa timog.
Nagwagi ang Greece dahil tinulungan si Haring Pyrrhus ng Epirus ng kanyang pinsang
si Alexander the Great dahil din sa paggamit ng mga elepanteng kinakatakutan ng mga
mandirigmang Roman.
Pagkatapos na manaig sa Ikalawang Digmaang Punic, ang hukbo ng Rome ay
pumunta sa Silangan. Tinalo ng Rome ang Macedonia at noong 146 BCE, naging isang
lalawigan ang Roma. Sa taon ding ito, sinunod ng Rome ang Corinth at inilagay ang iba
pang lungsod-estado sa ilalim ng pangangasiwa nito.
Mula 133 BCE nasimulang mapasakamay ng Rome ang marami pang lupain.
Pagsapit ng 100 BCE lahat ng lupain sa baybayin ng Mediterranean Sea ay nasakop ng
5
Rome. Dahil dito, hindi kataka-takang tawagin ng mga taga-Roma ang Mediterranean
Sea bilang Mare Nostrum o Aming Dagat.
Kabihasnang Roman
Batas
6
Inhenyeriya
Ipinakita ng mga Roman ang kanilang galling sa inhenyeriya. Nagtayo sila ng mga
daan at tulay upang pag-ugnayin ang buong imperyo kabilang ang malalayong lugar.
Marami sa mga daan na ginawa nila noon ay ginagamit pa hanggang ngayon.
Isang halimbawa ang Appian Way na nag-uugnay sa Rome at Timog Italy. Gumawa rin
sila ng mga aqueduct upang dalhin ang tubig sa lungsod.
Arkitektura
Ang mga Roman ang tumuklas ng semento. marunong na rin silang gumamit ng
stucco, isang plaster na pampahid at pantakip sa labas ng pader. Umaangkat sila ng
marmol mula sa Greece. Ang arch na natutuhan ng mga Roman mula sa mga Etruscan
ay ginagamit sa mga temple, aqueduct, at iba pang mga gusali. Ang gusali na ipinakilala
ng mga Roman ay ang basilica, isang bulwagan ng nagsisilbing korte at pinagpupulungan
ng Assembly. Mayroon din silang pampublikong paliguan at pamilihan at nagsisilbing
tagpuan para sa mga negosyo at pag-uusap. Ito ay nasa forum ng sentro ng lungsod.
May iba pang gusaling pinatatayo sa na hanggang ngayon ay makikita pa rin sa
Rome. Halimbawa ay ang Coliseum na isang ampitheater para sa mga labanan ng mga
gladiator.
7
Pananamit
Dalawa ang kasuotan ng mga
lalaking Roman. Ang tunic ay
kasuotang pambahay na hanggang
tuhod. Ang toga ay isinusuot sa babaw
ng tunic kung sila ay lumalabas ng
bahay. Ang mga babaeng Roman ay
dalawa rin ang kasuotan. Ang stola ay
kasuotang pambahay at palla ay
isinusuot sa ibabaw ng stola.
Panitikan
8
_______ 3. Nananaig ang Rome sa Dimaang Punic laban sa Carthage at maging
makapangyarihan sa rehiyon ng Mediterranean at silangang Europe.
_______ 4. Naghalal ang mga Roman ng dalawang konsul na may Kapangyarihan
katulad ng hari at manunungkulan sa loob ng isang taon.
_______ 5. Naisulat ang Twelve Tables bilang kodigo ng mga batas ng Republika
kung saan nakatala ang mga patakarang ipinatupad ng estado.
Gawain 2: Loop-a-word
Panuto: Sagutin ang mga tanong. Hanapin sa loob ng puzzle ang
kontribusyon ng Kabihasnang Roman na makikita sa ibaba at bilugan
ito .
1. Ito ay batas para sa lahat ng mamamayang Roman.
2. Isinusuot ito sa ibabaw ng tunic kapag lumalabas ang mga lalaking
Roman.
3. Ginagamit na disenyo sa mga templo, aqueduct at mga gusali.
4. Manunulat at orator.
5. Isang ampitheater para sa mga labanang gladiator at pagtitipon.
6. Libangan ng mga Roman
7. Natuklasan ng mga Roman na ginagamit sa pagpapatayo ng mga gusali
8. Nag-uunay sa Rome at Timog Italy
9. Bulwagan na nagsisislbing korte at pinagpupulungan ng Assembly
10. Ginawa upang dalhin ang tubig sa lungsod.
B W R G K Y A R C H B M V N L P
S F H J N A Q U E D U C T P M C
C B T W E L V E T A B L E S X Q
Z C B M Q F C O L I S E U M Q S
T R Q W G L A D I A T O R A M X
N Y U X T G T O G A P L X V B Z
B C V L M C I C E R O S C W C X
N P C L S E M E N T O F N K L C
P L B M C A P P I A N W A Y X L
M N E C X B A S I L I C A M T Y
9
Gawain 3: Ipaliwanag Mo
Twelve Tables
Appian Way
Coliseum
Aqueduct
Toga
Pamprosesong Tanong:
10
V. Repleksyon:
_________________________________________________________
_________________________________________________________
_________________________________________________________
11
12
Gawain 3
Repleksiyon
Ang mga sagot ay
maaring magkaiba Gawain 2
Ang mga sagot ay
1. Twelve Table maaring magkaiba
2. Toga
3. Arc
4. Cicero
5. Coliseum
6. Gladiator
7. Semento
8. Apian Way
9. Basilica
Gawain 1
10. Aqueduct
1. 2
2. 4
3. 1
4. 5
5. 3
VI. Susi sa Pagwawasto