Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

Joshua R.

Canja
NR-32
Prof. Siegrid Sereñas Cajuelan
Sitwasyon 1

 Sa aking palagay kung bakit hindi nagtugma ang layuning pangkomunikasyon ng


naghatid ng mensahe sa tumanggap ng mensahe, dahil ito sa ingay sa paligid ng
tumanggap ng mensahe, sapagkat nung tumawag ang asawa ni Mario na si Jovid, si
Mario ay kasalukuyang nakasakay sa tricycle at ito ang naging dahilan kaya marahil tila
hindi naintindihan ni Mario ang mensahe na nais iparating. At si Jovid naman na
naghatid ng mensahe ay hindi naging sensitibo sa paligid ng tumatanggap ng mensahe,
kaya’t hindi naunawaan ni Mario ang mensahe na nais iparating ni Jovid

 Kung babaguhin ko ang naging daloy ng komunikasyon sa sitwasyon na aking nabasa,


ang magiging bagong daloy nito ay, “sakay ng tricycle si mario ng biglang nag ring ang
kanyang telepono dahil tumatawag ang kanyang asawa na si Jovid. Nang sinagot ni
mario ang telepono agad namang narinig ni Jovid na nmaingay ang paligid ni Mario at
rinig na rinig ni Jovid ang ingay ng tricycle, kaya’t agad niyang sinabi na mamaya na
lamang siya tatawag. Ibinaba na ni Jovid ang telepono at nag intay ng ilaang minuto
para muling tumawag kay Mario. Makalipas ang ilang minuto ay naisipan na ni Jovid na
tawagan si Mario. Naglalakad si Mario ng biglang nag ring muli ang kanyang telepono
dahil tumatawag ang kanyang asawa na si Jovid. Ipinaalala ni Jovid sa kanyang asawa na
kailangan nitong bumili ng XXL na diaper para sa kanilang anak na si Jewel. Ang kanilang
mga anak na sina Juris at Jodie ay humiling rin ng pasalubong na chocolate milk sa
kanilang ama, “sige magtutungo na lamang ako mamaya sa convinient store upang
bumili ng pasalubong at diaper” tugon ni Mario. Bago umuwing kanilang bahay, si Mario
ay nagtungo siya sa convenient store para bumili ng XXL na diaper at pasalubong na
chocolate milk para sa kanilang mga anak.

Sitwasyon 2

Talakayin ang naging prosesong komunikasyon. Bigyan ng malalin na pagtalakay


ang sumusunod na mahahalagang salik ng komunikasyon na matatagpuan sa
sitwasyong binasa:

1. Ingay ng komunikasyon;
Ang “Ingay ng komunikasyon sa sitwasyong ito ay tinatawag na “Internal na ingay”,
sapagkat ang ingay ay nagaling mismo sa loob ng naghatid ng mensahe, at ang
naging ugat marahil ay ang wika sa post na “ Kahit saanmang gubat ay may ahas” at
marahil mayroon silang nakaraan na di pinagkaunawaan na dahilan ng palitan at
sagutan na to sa social media. Hindi nila ito maayos at mailabas ng harapan sa isa’t
isa kaya’t sa social meadia ito ipinadaan. Sa aking palagay kaya lumalim ang hidwaan
ng magkakaibigan, sapagkat umani ng maraming komento ang palitan nila ng post sa
social media, at ito ang kanyang sagot sa unang post na winika, “Kung ahas ako ay
ano ka na?” kaya’t marahil lalong tumindi ang inis at galit nila sa isa’t-isa.
 Mungkahi: Madalas kang magbasa ng status ng iyong mga kaibigan sa facebook
at madalas mo itong ini-la-like. Subalit nakatawag ng pansin sa iyo ang post ng
isa sa iyong mga kaibigan na ang wika: “Kahit saanmang gubat ay may ahas.”
Hindi mo nagustuhan ang tono ng kanyang post, kaya’t nagparating ka ng
personal na mensahe bilang tugon sa kanyang post, ito ang nilalaman ng iyong
personal na mensahe sa kanya, “kung may problema ka saakin maigi pa na
kausapin mo ako ng personal at wag na natin idaan sa social media, nais ko na
maayos natin ito sa sarili nating paraan at hindi pamamagitan ng social media at
ng ibang tao, bukas naman ako sa lahat ng saloobin na nais mong sabihin.
Hihintayin ko ang iyong tugon.
 Sa pamamagitan ng ganitong pagtugon at hindi padalos dalos na kilos maaaring
maiwasan ang malaking gulo at hindi na lumalim pa ang hindi pagkakaunawaan
at hidwaan. Maging maayos ang relasyon at hindi humantong sa mas malaki
pang problema.

2. Kontekstong komunikasyon;

 Pisikal - Ang lugar o paraang komunikasyon na ginamit sa sitwasyong ito ay


ang social media sa pamamagitan ng Facebook.
 Sosyal - Ang personal na ugnayan ng mga kalahok sa komunikasyong ito ay
magkakaibigan
 Kultural - Ang prinsipyo at paniniwala ng magkakaibigan sa sitwasyong ito
“kahit kaibigan hindi dapat pagkatiwalaan.” “ hindi lahat ng problema
nadadaan sa usapan.”
 Sikolohikal - galit sa isa’t isa at mataas na tingin sa sarili ang emosyong
nangibabaw sa magkaibigan sa sitwasyon na ito.
 Historikal - hindi nailathala ang ugat ng kanilang alitan ngunit aking nabatid
na mayroon silang personal na problema na naging sanhi upang magpalitan
sila ng masasakit na mensahe sa social media.

You might also like