Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 6

ETNOGRAPIYA

Ni Justine Clear Areño


Nagmula sa mga salitang griyego na: ethnos = ‘mga tao’ at grapiya = ‘pagsusulat’
Ito ay pananaliksik na kadalasan ginagamit sa larangan ng agham panlipunan, partikular
na sa antropolohiya at sa ilang mga sangay ng sosyolohiya.
Ang Etnograpiya ay pagsulat tungkol sa umiiral na paraan ng pamumuhay o kultra ng isang
grupo ng tao sa isang particular na Lugar sa loob ng itinakdang panahon (Mc. Neil at Chapman
2005).
Wika nga ni Baos (1943,314), ang nagpasimula ng etnograpiya sa larangan: "If it is our
serious purpose to understand the thoughts of people, the whole analysis of the experience must
be based on their concepts, not ours".
Sa partikular, isa itong sangay ng antropolohiya na nagbibigay ng sistematiko o siyenpikong
paglalarawan ng isang komunidad. Subalit hindi lamang sa antropolohiya magagamit o
ginagamit ang metodong etnograpiko, kundi maging sa iba pang disiplinang may kinalaman sa
lipunan at kultura gaya ng sosyolohiya, kasaysayan, oral, edukasyon (lalo nasa service
learnings), kaalamang baydan (folklore), at etnomusikolohiya, sa business administration,
komunikasyon, social welfare, at Public health, mailalapat din ito bilang sekondaryang opsyong
metodolohikal (Emerson et Al. 1995).
May tatlong antas ng pakahulugang maibibigay sa Etnograpiya
1. Bilang pangunahing metidolohiya ng antropohiya.
2. Pinapakahulugan ang Etnograpiya bilang dokumentasyong isinisagawa ng isang anthropologo
o ng sinumang nagsasagawa ng sistematikong pagtatala ng mga kultura.
3. Tumutukoy rin ang Etnograpiya sa isang estilo o paraan ng pagsulat.
Bilang isang Metodolohiya, Paano ba isinasagawa ang Etnograpiya?
Dahil kinasasangkutan ito ng pag aaral ng mga grupo ng tao o institusyon sa kanilang
pang- araw- araw na buhay.
May dalawang pangunahing gawain ang nakapaloob dito?
• Una, papasok ang etnograper sa isang lugar o komunidad at kikilalanin ang mga taong
nananahan dito o mga taong bahagi nito (kung institusyon ang pinag- usapan).
• Pangalawa, isusulat ng etnograper ang kanyang naobserbahan at natutuhan habang
patuloy na nakikimuhay sa komunidad.
Sa madaling sabi, partisipasyon sa isang grupo at dokumentasyon o produksiyon ng
nakasulat na tala mula sa nasabing partisipasyon ang pinakabuod ng etnograpikong pananaliksik.
1. Partisipasyong etnograpiko- tinatawag ni Emerson et Al. (1995)", ang pakikibahagi ng
mananaliksik sa komunidad bilang ethnographic participation. Mas kilala ito sa taguriang
participant observation na kinikilala bilang pangunahing metodo ng Etnograpiya, maging ng
antropolohiya sa kabuuan (Reich 1998).
A. Pahalagahan higit sa lahat, ang interest ng mga importante. Isangguni sa kanila kung
gusto nilang pangalanan o ikubli ang kanilang udentidad; kung nais nilang magkaroon ng
kopya ng isinagawang pag- aaral; at kung alin sa mga inpormasyong kanilang ibinigay
ang maaaring isama sa pinal na ulat. Sapagkat bawat datos ay may implikasyon, hindi
lahat ay maaaring ipaalam sa publikong babasa ng pananaliksik.

B. Ipaalam at ipaunawa sa kanila ang pakay ng pagpunta sa komunidad sa simula't simula


pa lang. Hindi dapat ikubli ang identidad ng mananaliksik. Mahalaga ang pakikiugaling
pagmamasid sapangkat pinahihintulutan nito ang mananaliksik na magkakaroon ng sapat
na panahong masiyasat kung ano talaga ang nangyari sa lugar. Mula 12 hanggang 18
buwan ang iminimungkahing tagal ng paglagi sa lugar, kung sobrang iksi ang inilagi ng
mananaliksik, hindi niya mapagtitibay ang mga datos: kung sobrang haba naman, may
panganib sa masyado na siyang malubog sa komunidad at mabitbit na rin niya ang mga
pakiling ng mga tao rito.
2. Dokumentasyong Etnograpiya- tumutukoy ang dokumentasyon sa dalawang bagay: a)
paggawa ng mga tala sa larangan, b) pagsusulat ng etnograpiya mismo.
A. Paggawa ng mga tala sa larangan ( feild notes)- bago matawag na etnograpiya ang
isang produkto ng pananaliksik etnograpiko,mga tala sa larangan o feild notes ang
taguri sa mga ito. Gumagamit ang mga etnograper ng maraming katawaganpara dito:
headnotes, scratch notes, feildnotes records, texts, journals, dairies, at reports
( Emerson et al. 1995).
May aspekto ng kultura ng mga pamumuhay ng mga tao: ang materyal at di material.
Ang materyal na aspekto ng kultura ay ang mga gamit sa bahay, pati na rin ang bahay
mismo, lalo na yaong kusina na labis na pinahahalagahan dahil sa pagbibigay nito ng
ideya tungkol sa pag-iral ng mga tao. Nariyan din ang kasuotan,kasangkapan sa
pakikidigmaat ng ritwal panrelihiyon, mga gamit sa hanapbuhay gaya ng pagsasaka,
pangingisda, paglililok, paggawa ng balut,at iba pa, at mga akdang sining.
Ang di- materyal naman ay binubuo ng paniniwala, tradisyon, kaalamang bayan, biruan,
simpleng usapan, kaugalian, ritwal o mga pagdiriwang, at iba pang katulad ng mga ito.
Kung tutuusin, walang pormal na panuntunan sa pagsulat ng mga tala sa larangan sa
pagkat iniinterpreta ng mga etnograper ang kahulugan ng mga bagay- bagay mula sa direkta
niyang karanasan sa mga ito ito. Ang pagsusulat ay nasa pagitan ng intuwisyon o malalim na
pakiramdam sa bagay- bagay na naoobserbahan at pagmumuni sa kabuuang konteksto ng
sinasaliksik. Gayunpaman maaari pa ring magmungkahi ng ilang hakbang upang maisagawa
ito nang maayos at sistematiko. Ilan sa mga ito ay ang mga sumusunod:
Habang matamang nagmamasid sa mga nangyari sa paligid, isaulo ang mga panimulang
impresyon tungkol dito. Head note ang taguri sa mga talang nasa isipan pala.
Hangga't maaari, isulat agd ang mga talang ito. Kung nasa publikong lugar, maaaring
magdala ng maliit na kwaderno para dito. O maaaring pumunta saglit sa palikuran lara
kagya't na maitala ang mga naobserbahan.
Hangga't maaari, huwag ipahalata sa mga tao o impormante ang pagtatala upang
maiwasannang posibleng interbensiyon nila sa makakalap na datos. Maaari ring gumamit
nga mga di- pansining bagay gaya ng nakatupin papel.
O di kayay ng ibang estratehiyang natural ang dating, gaya ng pakikibahagi sa umpukan o
inuman sa kaso ng kalalakihan (Castro 2007). Tiyakin lamang na mapanatili ang distansya sa
anumang pakikisangkut na gagawin.
Unahin o higit na isaalang-alang ang sariling kategorya o taguri na mga tao tungkol sa
mga bagay-bagay.
Paminsan-minsan, makatutulonng din ang pagdadala ng kamera at tape recorder sa
pagtatala. Sa ganang ito, humingi ng permiso sa mga tao sa pagkuha ng larawan at
pagrerekord ng kanilang mga pinag-uusapan.
Magsagawa ng araw-arawna pagtatala ng mga nangyaari sa komunidad. Huwag
kalilimutang ilagay ang petsa, araw, maging ang oras ng pagtatala.
Araw- araw, habang isinasagawa pa ang pananaliksik, pasadahan at basahinang mga tala
upang mapag munimunian ang mga ito. Sa pamamagitan ng pagmumuni - muni,
makabubuo ng mga padron ng gawain o pangyayari sa komunidad. Matutukoy rin kung
ano- anong mga puwang ang nakikita sa mga tala at mapaplano kung paano mapupunan
ang mga ito sa susunod na pagpunta sa larangan.
Pagsikapang mailarawan nang tapat ang mga pangyayaring nasasaksihan nang hindi
kinakailangang gumamit ng mapanghusgang salita. Halimbawa, sa halip na " pangit na
lumang bahay" sabihing "kinakalawang na tarangkahan at kupas na pintura ng dingding".
Ang mga salitang mas matapat na nagsasabi na kung ano ang nqkikita sa isang lumang
bahay.
Talasan din ang mata lalo nasa mga bagay- bagay na pamilyar upang makita ang mga ito
sa panibagong perspektiba.
Pagsusulat ng etnograpiya- sa pagtatapos ng pananaliksik sa larangan, matapos na maiayos,
mapag- ugnay- ugnay, maiproseso, at masuri ang mga tala, maaari nang isulat ang
etnograpiya mismo. Nagbibigay sina Emerson et al. (1995) ng ilang bagay na isinasaalang-
alang ng isang etnograper kaugnay ng pagsusulat.
Ipinakiklala ang paksa sa pamamagitan ng isang pamagat na nagtataglay ng kabuuang
tema nito. Ayon kay Atkinson (1990), isinasagawa ito sa pamamagitan ng pag-uugnay ng
pariralang nagpapahiwatig ng pangkalahatang paksa sa isang pariralang nagpapahiwatig
naman ng espesipiko at kongkretong isyu gamit ang tutuldok.
Halimbawa: “Mga Panandalian at Pangmatagalang Epekto ng Pandarayuhan: Ang Kaso
ng Ilang Piling Sambahayan ng Lumban”.
Bago pa tuluyang ilahad ang mismng etnograpiya, ipinakikilala rin ang tagpuan o lugar
kasama na ang mga taong kanyang nakadaupang- palad at ang mga particular na
etnograpikong metodong ginamit. Sa pagtalakay ng kanyang metodo, ipinakikita ng
etnograper ang iba’t ibang antas o kalidad ng kanyang pakikibahagi at pakikipag-ugnayan
sa mga tao. Inaalam kung ano ano- ano kapwa ang mga bentahe at limitasyon ng kanyang
papel bilang mananaliksik sa isang tiyak na lugar.
Sa paggawa ng kongklusyon, kadalasang sinisiyasat ng mananaliksik ang mga teoretikal
at substantibong usapin o isyung inilahad sa introduksiyon. Kung tutuusin magkakawing
ang introduksiyon at kongklusyon, subalit sa una, ipinakikilala at inihahanda pa lamang
ang mambabasa sa mga kaisipan at usaping tatalakayin. Samantala, sa huli, higit na
pinag- uugnay- ugnay ng mananaliksik ang mga ideya upang makapagbigay ng isang
ganap na pahayag ukol sa mga natuklasan sa pag- aaral.
Usapin ng Katumpakan (Accuracy) at Kapaniwalaan (Validity)
Paano masasabing walang kinikilingan, kapani-paniwala at tumpak ang pananaliksik-
etnograpikokung tag- labas o dayuhan ang mananaliksik sa kultura at lipunang kanyang
pinag-aralan?
Kung taga- labas, maaaring magkaroon siya ng ibang batayan o pamantayan ng
pagpapakahulugan sa kanyang mga naoobserbahan, gaya ng nangyari sa panahon ng
ekspansiyonismo at kolonyalismo ng mga bansang kanluranin. Dahil taga- labas o
dayuhan at kolonisador ang etnograper, inilarawan niya ang mga sinakop batay sa
kanyang sariling
Kung taga-loob naman o kabilang sa grupong paksa ng pag- aaral, may panganib na
maging napakasubhetibo ng kanyang paglalahad. Subalit kung tutuusin, wala diumanong
mananaliksik na nyutral, ganap na walang kinikilingan, tiwalag o hiwalay sa kanyang
pinag- aralan (Pollner at Emerson 1988). Ang kanyang pagkiling, laban o pabor mn, sa
mga taong pinag- aralan ay pagkiling pa ring matuturingan.
Sa ganang ito, kailangang mapatibay (validate) ang mga datos, kung kaya, nagsasagawa ang
etnograper ng ilan pang teknik o metodong etnograpiko gaya ng mga sumusunod:
1. Pakikipanayam ng Susing Impormante (Key Informant Interviewing)
“Susing impormante (key informant)” ang tawag sa mga taong nagtataglay ng superyor
na kaalaman tungkol sa komunidad. Kadalasan sila ang mga lokalna historyador, espesyalista, o
pinapipitaganang matatanda sa komunidad na dahil sa kanilang sapat na gulang o edad, tagal ng
pamamalagi, at katayuan sa lipunan, ay karaniwang sinasangguni ng taumbayan para sa kanilang
payo at gabay (Jacona et al. 1994).
May nabubuo ring malapit na ugnayan sa pagitan ng mananaliksik at susing impormante.
Sa karanasan ni Prill- Brett (1987) sa pagsasagawa ng etnograpiya ng pechen (kasunduang
pangkapayapaan) sa mga Bontoc, mga amam- a (matatandang lalaki) ang naging konsultant
niya sa larangan. Hindi gaya ng sarbey na minsanan lamang, pinahihintulutan ng ganitong uri ng
pakikipanayam ng paulit- ulit na beripikasyon ng mga impormasyong nakalap.
2. Pag- aaral ng Isang Karanasan (Case Study)
Kinasasangkutan ito ng malalimang pag- aaral ng isang partikular na grupo ng mas
malawak na komunidad o paksang pinag- aralan. Maaaring ito may isang tao, grupo, o
institusyon.
Hal. Kung nais pag- aralan ang mga tagasubaybay ng magasing Cosmopolitan sa Pilipinas,
maaaring pagtuunan lamang ang grupo ng mga estudyante sa isang espesipikong unibersidad.
3. Kuwentong- buhay
Isang uri ito ng case study subalit higit na nakapokus sa buhay ng isang indibiwal.
Sapagkat ang buhay- komunidad ay kabuuan ng buhay ng bawat indibidwal, ipinapakita
sa mga kuwentong- buhay kung paanong ang mga indibidwal na naratibo ay nakatahi o
nakakawing sa mas malaling konteksto ng mga pangyayari.
Hal. Kung may labanan ang mga angkan, kailangang makuha ang mga kuwento ng pinakapinuno
ng angkan o tagapamagitan.
4. Kaalamang bayan
Kung walang nakasulat na dokumento tungkol sa kaugalian, tradisyon, at halagahin ng
komunidad, ang mga kaalamang bayan na binubuo ng panitikang pasalita (gaya ng alamat, mito,
epiko, salawikain, atbp), ang nagsisilbing batayan ng epikong pag- unawa kung paano umunlad
at nalinang ang mga ito.
Hal. Hudhud hi Aliguyon ng mga Ifugao, idinadambana ang halaga ng pagpapangasawahan
bilang resolusyon sa labanan ng m,ga angkan.
5. Paggamit ng Wikang Lokal
Ang wika ang sinasabing “impukan- kuhanan ng mga kahulugan ng anumang kultura”
(Salazar 1996). Ito, kung gayon, ang susi sa kamalayan, kaisipan, damdamin, damdamin,
at pananaw sa daigdig ng mga tao. Kung pangunahing pakay ng etnograper na
magaganap ang mga kahulugan ng mga tao tungkol sa kanilang buhay- buhay,
napakaimportante kung gayon, namalaman at matutuhan ang kanilang wika. Kung wika
ng mga tao gagamitin, mababawasan ang pakikialam o manipulasyon sa
pagpapakahulugan sa mga pangyayaring kinapapalooban ng mga tao.
Hal. Karaniwang inilalarawan ng mga etnograper na Amerikano noong unang hati ng siglo 20
ang pamumugot ng ulo ng mga Igorot bilang “head- hunting” isang uri lamang ng kabangisan.
Sa pagsusuri ng validity o kapaniwalaan ng mga datos etnograpiko, may naitalang ilang salik
na nakaapekto sa persepsyon ng mga impormante sina Dean at Whyte (1958) gaya ng kanilang
damdamin, opinyon, saloobin, mga halagahin,. At reaksyon o tendensiya na tumugon o kumilos
sa mga partikular na estimulo. At dapat itong bantayan ng mga etnograper upang maiwasan ang
napakasubhetibong pag- uulat ng datos. Maaari ring itanong sa mga impormante ang mga
sumusunod upang mawari ng mananaliksik kung nagsasabi nga ban g totoo ang kinakapanayam
(Jocano et al. 1994):
• May ulteryong na motibo ba sila o hinihintay na kapalit sa pagsagot ng mga tanong?
• Mayroon bang hadlang sa malayang pagsagot ng impormante, gaya halimbawa ng
presensiya ng nakatataas sa kanya?
• May malapit na ugnayan ba ang kinakapanayam sa etnograper?
• Nasa sarili bang katinuan ang impormante?
Dahil hindi basta- basta nakapamimili ang mananaliksik ng mga datos na ibibigay sa
kanya, mahalagang maitala niya ang mga salik na nabanggit sa itaas upang mabigyan ng babala
ang sarili kung paano muling ilalahad ang mga ito sa pagsusulat niya ng pinal na ulat o
etnograper.

You might also like