Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

Filipino 14- Old Curriculum

( Kulturang Filipino )
Ikalawang Mahabang Pagsusulit

Pangalan: Jay Mark F. Lastra___________ Petsa: _________ Iskor: _______

I- Pasanaysay
Panuto: Sagutin at ipaliwanag ang mga tanong sa bawat bilang.
1. Bakit sinasabing kakaiba ang lahing Pinoy kumpara sa lahi ng ibang bansa?
-Sinasabing kakaiba ang lahing Pinoy kumpara sa ibang lahi. Ito ay sapagkat merong tayong
mga ugali, kultara, mga katangian, mga ginagawa na sa atin lang makikita. Meron tayong
natatanging mga kagawian, kaugalian at pamumuhay. Tulad na lamang ng sama-samang
pagtutulungan ng taumbayan sa mga nangangailangan na tinatawag nating Bayanihan. Isa sa
magandang mga kaugalian ng Pilipino na talagang ipinagmamalaki ng mga Pinoy ay ang
bayanihan- ang paglilipat-bahay kung saan nagtutulungan ang mga kapitbahay na magbuhat
ng mga gamit. Hanggang ngayon ay buhay na buhay pa rin iton tradisyon ng mga Pilipino.
Isa pang tradisyong nakaukit sa kulturang Pilipino ay ang panghaharana. Karaniwan itong
ginagawa ng lalaki para sa kaniyang nililigawan. Ginagawa ito sa pamamagitan ng pagkanta
ng lalaki sa babaeng kaniyang sinusuyo. Puwede itong gawin nang may tugtog o acapella.
Kaya kung naghahanap ka kung ano ang kaugalian ng mga Pilipino para sa mga romantiko,
harana ang sagot d’yan. Iilan lamang ito sa mga kultura ng mga Pilipino na sa kanila mo lang
makikita Tunay ngang kakaiba at maganda ang kutura ng mga Pilpino.
2. Paano napukaw ng pambansang awit ng Pilipinas ang isipan ng mga Pilipino sa panahon
ng kolonyalismo?
-“Lupang Hinirang” ang pamagat ng pambansang awit ng Pilipinas. Isinasalaysay ng awit
ang pakikipaglaban ng mga Pilipino para sa kalayaan. Ipinahahayag din nito ang pagmamahal
sa bayan at ang kahandaang ipagtanggol ito sa anumang pagkakataon. Mula noong nagkaroon
tayo ng sarili nating pambansang awit ay hindi makakaila na tayo ay nabigyan ng kalayaan.
Tayo ay nabigyan ng pagkakilanlan bilang isang Pilipino. Dapat madamdamin ang pag-awit
ng Lupang Hinirang bilang paggalang. Bilang pagpupugay, ilagay ang kanang kamay sa tapat
ng kaliwang dibdib mula sa unang nota ng awit hanggang matapos ito.Hindi dapat
makaligtaan ng bawat Pilipino ang layunin ng pagkakalikha ng Lupang Hinirang na pag-
alabin ang damdaming makabayan ng mga Pilipino, sa panahong di pa taglay ng Pilipinas
ang wagas na kalayaan. Dapat alalahanin na maraming bayani ang nagbuwis ng buhay upang
makamtan natin ang tinatamasang kasarinlan. Nang dahil sa Pambansang awit ng Pilipinas
napukaw ang isip at puso ng bawat Pilipino na hindi kailanman magpapaalipin sa kamay ng
kolonyalismo at handang ialay ang buhay sa tinubuang bayan.

3. Sumulat ng repleksyon tungkol sa Katangian ng 100% Pinoy.


Katangian ng 100% Pinoy
Ang sistema ng kaugaliang Pilipino ay tumutukoy sa mga kaugalian na
ipinapahalaga ng karamihan ng mga Pilipino. Itong sistema ng kaugaliang Pilipino ay may
katangi-tanging katipunan ng mga ideolohiya, moralidad, kabutihang asal, wastong
kagawian, at kahalagahang personal at kultural na itinatakda ng lipunan. Katulad ng lahat ng
lipunan, ang mga pinapahalagahan ng isang indibidwal ay naaapektuhan ng mga salik katulad
ng relihiyon, antas ng kabuhayan, at iba pa.Kahit saang sulok ng mundo, kilala ang Pilipinas
hindi lang sa natatanging tanawin kundi maging sa magagandang kaugalian ng mga Pilipino.

Kilala ang mga Pilipino bilang isa sa may magagandang katangian sa


mundo. Hindi lamang sa asal, mayaman din ang ating bansa sa kultura at tradisyon. Nasakop
man ng mga dayuhan ang ating bansa nanatili pa rin ang mga katangian iyon. Noong panahon
pa ng ating mga lolo’t lola, ang panliligaw at pakikipagtipan ay isang sagradong pangako na
kailangan ng basbas ng magulang. Noon din ay ang pagsisibak ng kahoy at pag-iigib ng
tubig ng isang binata ay isang paraan upang maipakita niya sa magulang ng dalaga ang
katapatan at pagmamahal sa kasintahan. Madalas din ang paggawa ng liham, pagbibigay
mababangong bulaklak at ang pag haharana gamit ang gitara at awit ng pusong handang
maghintay at kahit sariling buhay ay iaalay.

Isa din sa magandang katangian ng pilipino noon ay ang pagsasalo-salo


sa hapag kainan tuwing hapunan. Habang ang ilaw ng tahanan ay nagluluto ng hapunan. Ang
magkakapatid ay tulong tulog sa paghahanda ng kubyertos at kasangkapan na gagamitin
habang hinihintay ang kanilang ama na pagod galing trabaho. Sasalubong ang buong pamilya
para bumati at magmano. Hindi natatapos ang araw ng pamilya sa sasalo-salo lamang, dito
ay ibinabahagi nila ang naganap sa araw nila. Masama man o mabuti, ang magulang ay
laging handang gumabay sa kanila, sa bawat desisyong at landas na kanilang tatahakin ng
kanilang mga anak. Hindi din makakalimutan ng pamilya ang mananalangin upang
magpasalamat sa mga biyaya at pagpapala na tinatanggap ng bawat isa mula sa Diyos.

Kilala din ang mga batang pilipino sa larangan ng palakasan, dahil


simula pa ng pagkabata, naging palaruan na nila ang kanilang bakuran. Pagsasarangola,
patintero, tumbang-preso, luksong baka, taguan, palo sebo at paglalaro ng trumpo ang
kadalasan nilalaro ng mga batang pilipino noon. Malaki din ang respeto ng mga anak sa
kanilang mga magulang, na isang tawag lamang ay agad na sumusunod ang mga ito.
Itinuturo rin ng magulang na ang anumang uri ng panlalait sa kapwa ay itinuturing na
masamang gawain. Walang mang pormal na edukasyon noon hindi naman ito naging
handlang upang maging kilala ang pinoy sa pagiging mahusay sa pakikipagkapwa-tao.
Sa pangkalahatan, nakaugat ang sistema ng kaugaliang Pilipino sa
relasyon at pakikipagkapwa, lalung-lalo na ang pakikipagkapwa sa pamilya, mga obligasyon,
pakakaibigan, relihiyon at pangkalakal.

Inihanda ni: Roberto Tagose Jr. LPT

___________________________________________________________________________
_____

You might also like