Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 16

_

Grade & Republic of the Philippines

Section:
Department of Education
Regional Office IX, Zamboanga Peninsula
________
_________
_________
_
Name of
School:
7 Zest for Progress
Z Peal of artnership

________
_________ Filipino
_________ Ikalawang Markahan – Modyul 8
_ Panitikang Bisaya: Repleksiyon ng Kabisayaan
Paggamit ng Kumbensiyon

Name of Learner: ___________________________


Grade & Section: ___________________________
Name of School: ___________________________
Filipino – Ikapitong Baitang
Support Material for Independent Learning Engagement (SMILE)
Ikalawang Markahan – Modyul 8: Paggamit ng Kumbensiyon
Unang Edisyon 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring


magkaroon ng karapatang-sipi sa anumang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas.
Gayonpaman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng
pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga
maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang
bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o
brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa
modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang
matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi
inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang
anomang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga
orihinal na may-akda ng mga ito.Walang anomang parte ng materyales na ito ang
maaaring kopyahin o ilimbag sa anumang paraan nang walang pahintulot sa
Kagawaran.

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul


Manunulat: Sandra S. Dimasuhid
Editor/ Tagasuri: Arnie P. Taclap, Shyrl Z. Tano
Tagaguhit:
Tagalapat: Dave D. Cubero
Tagapamahala: Virgilio P. Batan, Jr., CESO VI- Schools Division Superintendent
Lourma I. Poculan - Asst. Schools Division Superintendent
Amelinda D. Montero - Chief Education Supervisor, CID
Nur N. Hussien - Chief, Education Supervisor SGOD
Riela Angela C. Josol - Education Program Supervisor- Filipino
Ronillo S. Yarag - Education Program Supervisor, LRMS
Leo Martinno O. Alejo - Project Development Officer II, LRMS

Inilimbag sa Pilipinas ng
Department of Education – Region IX – Dipolog City Schools Division
Office Address: Purok Farmers, Olingan, Dipolog City
Zamboanga del Norte, 7100
Telefax: (065)212-6986 and (065) 212-5818
E-mail Address: dipolog.city@deped.gov.ph
Alamin

Sa modyul na ito maipapamalas din ng mga mag-aaral ang kanilang


nilalaman sa asignatura na ito sa pangkalahatan. Dito malalaman ang dapat
gawin sa pagsulat ng isang sulatin at kung papaano ang kanilang mga ideya
ay maiuugnay sa pangungusap. Sa pagtatapos ng leksyon na ito,
maiintindihan, amtututo, malalaman ang kahalagahan at makakasulat ng
isang panimulang pananaliksik.

Pamantayang Pangnilalaman Pamantayan sa Pagganap


Naipamamalas ng mag-aaral ang Naisusulat ng mag-aaral ang sariling
pag-unawa sa mga akdang awiting - bayan gamit ang wika ng
pampanitikan ng Kabisayaan kabataan

Gamit ng modyul na ito, ikaw ay inaasahang:

Nagagamit ang mga kumbensiyon sa pagsulat ng awitin (sukat, tugma,


tayutay,talinghaga, at iba pa)
F7WG-IIj-12

Inaasahang din na ikaw ay:


a. Natutukoy ang mga kumbensiyon.
b. Nasusuri ang tula ayon sa elemento nito

1
Aralin Paggamit ng mga Kumbensiyon
8

Balikan

Sa nakaraang modyul ay natutunan mo ang tungkol sa pagsulat ng isang


editoryal na naghihikayat.

Mga Katanungan:
1. Ano ang kaibahan ng isang editoryal na naghihikayat sa
editoryal na nagpapatid?
2. Bakit kinakailangang hikayatin ang mga mambabasa?
3. Ano ang binibigyang-diin sa editoryal na ito?

Tuklasin

Sa modyul na ito ay makikilala mo ang mga kumbensiyon


at ang paggamit ng mga ito sa pagsulat ng awitin.

Gawain: (Gawaing papel)


Sa pamamagitan ng Word Concept ay bigyan ninyo ng sariling
kahulugan ang tula.

TULA

2
Suriin

Ano nga ba ang tula?

Ito ay isang anyo ng panitikan na naglalayong maipahayag ang


damdamin sa malayang pagsusulat. Binubuo ang tula ng saknong at
taludtod.
-https:www.sildeshare.net- (8/28/2020)

MGA ELEMENTO NG TULA


1. Sukat
- Isa sa mga mahahalagang elemento ng tula ang sukat. Ito ay tumutukoy sa
bilang ng pantig sa bawat taludtod. Ang karaniwang bilang ng pantig sa isang
tula ay labindalawa, labing-anim at labinwalo.

Halimbawa:

or / ga / nong / sa / lo / ob ng i / sang / sim / ba / han


1 2 3 4 5 6 7 8 9 10 11 12

ay / na / na / na / la / ngin sa ka / pig / ha / ti / an
1 2 3 4 5 6 7 8 9 10 11 12

Ang halimbawang mababasa sa itaas ay mula sa tulang “isang


Punongkahoy” na may sukat na lalabindalawahing pantig. Kapag binasa ang bawat
taludtod ay nagkakaroon ng saglit na tigil sa gitna o sa ikaanim na pantig. Ang saglit
na tigil na ito ay tinatawag na sesura.

2. Tugma
-Isang mahalagang elementong nagbibigay ng higit na rikit o ganda sa isang
tulang may sukat at tugma ay ang pagkakaroon ng magkakapareho o magka-
kasintunog na dulumpantig na tinatawag ng tugma. Ang tugma ay mauri sa
dalawa:

a. Tugmang di ganap
-may magkakaparehong patinig sa huling pantig o dulumpantig subalit
nagkakaiba ang huling katinig sa bawat taludtod. (b,k,d,g,p,s,t)
(l,m,n,ng,r,w,y)

3
Halimbawa:

Pinipintuho kong bayan ay paalam,


Lupang iniirog ng sikat ng araw,
Mutyang mahalaga sa dagat Silangan,
Kaluwalhatiang sa ami’y pumanaw.

Mula sa “Pahimakas” ni Jose P. Rizal

b. Tugmang Ganap
-may magkakaparehong tunog ang huling pantig o dulumpantig ng bawat
taludtod.

Halimbawa:

Aling pag-ibig pa ang hihigit kaya


Sa pagkadalisa’y at pagkadakila
Gaya ng pag-ibig sa tinubuang lupa?
Aling pag-ibig pa? Wala na nga, wala.

Mula sa “Pag-ibig sa Tinubuang Lupa” ni Andres Bonifacio

3. Talinghaga (Paggamit ng Tayutay o Idyoma)


-Ito ang paggamit ng masining na salitang nagbibigay ng higit na kariktan sa
tula. Dito’y sadyang inilalayo ang paggamit ng mga karaniwang salita upang
higit na maging mabisa at kaakit-akit ang tula. Mga tayutay ang isa sa
karaniwang ginagamit sa pagbibigay ng talinghaga sa tula:

a. Pagtutulad (Simili)
-paghahambing ng dalawang magkaiba subalit may pagkakaugnay na mga
bagay at ginagamitan ng mga pariralang tulad ng, paris ng, kawangis ng,
tila, sing-, sim-, magkasing-, magkasim-, at iba pa.

Halimbawa:

Ang pag-ibig ay tulad ng isang ibong kailangang pakawalan


upang pag nagbalik, ito’y sadyang sa iyo nakalaan.

b. Metapora (Metaphor)
-tulad ng pagtutulad, ang metapora ay naghahambing din subalit direkta
ang pagha-hambing ng dalawang bagay at hindi na ginagamitan ng mga
panlapi at salitang naghahambing.

Halimbawa:

Ang kanyang puso ay bakal na pinatigas ng mga pagsubok ng


panahon.

4
c. Personipikasyon (Personification)
-pagsasalin ng mga katangian ng isang tao tulad ng talino, gawi at kilos sa
mga ba-gay na walang buhay.

Halimbawa:

Lumuha pati ang langit sa kanyang naging kasawian.

d. Pagmamalabis o Eksaherasyon (Hyperbole)


-dito ay sadyang pinalalabis o pinakukulang ang kalagayan o katayuan ng
mga tao o bagay na tinutukoy.

Halimbawa:

Lumuha ng dugo ang anak subalit hindi na niya maibabalik ang


nawalang buhay ng kanyang ama.

e. Pagpapalit-Saklaw (Synecdoche)
-sa pagpapahayag na ito, maaaring banggitin ang bahagi bilang pagtukoy
sa kabuo-an at maaari naming ang isang tao ay kumakatawan sa isang
pangkat.

Halimbawa:

Ninanais ng binatang hingin na ang kamay ng dalaga.

f. Pagtawag (Apostrophe)
-ito ay pakikipag-usap sa karaniwang bagay o isang dinaramang kaisipang
para bang nakikipag-usap sa isang buhay na tao o isang gayong wala
naman ay parang naroo’t kaharap.

Halimbawa:

Pag-ibig, tingnan moa ng ginawa mo sa puso kong sugatan.

g. Pagtanggi (Litotes)
-gumagamit ito ng panangging hindi upang magpahiwatig ng isang
makabuluhang pagsang-ayon.

Halimbawa:

Hindi ko sinasabing matigas ka, subalit nadarama kong pinatigas na ng


panahon ang iyong puso at damdamin.

Baisa-Julian, Ailene, Lontoc, Nestor S., Esguera-Jose, Carmela, Dayag, Alma M. Pinagyamang Pluma 7. 927 Quezon City Ave., Quezon City:
Phoenix Publishing House, Inc. 2017 8/28/2020

5
Mga Katanungan…..
Kayang-kaya ko ‘to!

1. Paano malalaman ang sukat ng isang tula?


_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
__________________
2. Gaano kahalaga ang mga elemento ng isang tula?
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
__________________
3. Ano ang kaibahan sa personipikasyon sa pagmamalabis?
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
__________________
4. Ano ang kaibahan ng metapora at simili?
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
________________

Pagyamanin

Sulong para sa Tagumpay!

Gawain 1: (Gawaing papel)

Panuto: Tukuyin ang mga elemento ng tula. Piliin sa loob ng


kahon ang mga kasagutan.

personipikasyon tugma talinghaga


sukat sesura pagtatanggi

________1. Ito ay nagbibigay kagandahan at kariktan ng isang tula.


________2. Ito ay tumutukoy sa bilang ng pantig sa bawat taludtod ng
tula.
________3. Magkakapareho o magkakasintunog na dulumpantig sa
bawat huling pantig ng mga huling salita sa bawat

6
taludtod.
________4. Kapag binasa ang bawat taludtod ay nagkakaroon ng saglit
na tigil sa gitna o sa ikaanim na pantig.
________5. Pagsasalin ng mga katangian ng isang tao tulad ng talino,
gawi at kilos sa mga bagay na walang buhay.

Gawain 2: (Gawaing papel)

Panuto: Suriin ang mga elemento ng isang tula.

Kagandahang-Asal
Ayusin mo ang sariling kayabangan
Baka mamansid ng kapwa kabataan
Ipakita mo ang iyong kabaitan
Ito ay maging iyong kaugalian

Dapat gamitin ninyo ang po at opo


kapag ang kinakausap ay si lolo
Matanda na siya, dapat kang magrespeto
Sundin mo siya, marami kang matututo
Ang katapatan ay makabuluhan rin,
Ang mga mali ay dapat mong tanggapin
Ang kahinaan ay dapat din alamin
Tara, dapat nang simulan ang baguhin

Ang mga bata, ito ay ang tungkulin


Matutong paanong maging masunurin
Lahat ng asal ay hindi pwedeng bilhin
Ito ay singganda ng siyam na bituin.

https://dlimm16.wordpress.com/2012/09/06/kagandahang- asal/8/29/2020

7
Gabay ng Tanong:

1. Ano ang sukat ng sa unang taludtod sa ikaapat na saknong


ng tula?
2. Ano ang tugmang ginamit sa saknong 1, 3 at 4?
3. Pang-ilang saknong at taludtod ang ginagamitan ng tayutay?
4. Ano ang tayutay na ginamit sa tula?
5. Ano ang tono ng tula?
6. Ilang saknong ang bumubuo sa tula?

Gawain 3: (Gawaing papel)

Gamitin ang mga kumbensiyon katulad ng sukat, tugma at talinghaga


sa pagsulat ng isang tula na may apat na saknong tungkol sa
tradisyon ng mga Pilipino.

Rubrik
Kriterya Napakagaling (5) Magaling (4) Katamtaman (3)
Napakaayos ang Maayos ang pag- Hindi maayos at
pagkabuo ng tula na kabuo ng tula na walang kaayusan
Pagkabuo ginagamitan ng mga ginagamitan lang ang pagkabuo ng
kumbensyon ng dalawang (2) tula
kumbensyon
Hindi gaanong Hindi mabisa ang
Mabisa ang pagka-
mabisa ang pag- pagkalahad ng
Nilalaman lahad ng mensahe sa
kalahad ng men- mensahe sa na-
nabuong tula
sahe sa tula buong tula
May ka- May kaugnayan ssa May kaunting Walang kaugna-
ugnayan sa paksa kaugnayan sa yan sa paksa ang
paksa paksa nabuong tula
Wastong Angkop na angkop Di gaanong ang- Walang kaangku-
gamit ng ang mga salitang kop ang mga pan ang mga sali-
wika ginamit nito salitang ginamit tang ginamit nito
Napakalinis at Hindi gaanong Hindi malinis at
Malinis at presentable ang malinis at pre- presentable ang
presentable pagkasulat sentable ang pagkasulat ng tula
pagkasulat nito
Kabuoan 25

8
Isaisip

Sa iyong paglalakbay ay malapit mo nang makamtan ang iyong


tagumpay. Ang gaan-gaan ng feeling! Alam kong lubos mo ng naintindihan
ang ating leksyon pero may ibibigay pa akong mga katanungan na susukat sa
iyong kaalaman.

Ang natutuhan ko sa modyul na ito ay


___________________________________________________________________________
__________________________________________________________________
__________________________________________________
___________________________.

Tayahin:

I. Panuto: Basahin at unawaing mabuti. Isulat sa


sagutang papel ang titik na nagtataglay ng tamang
sagot.

1. Ano ang elementong tumutukoy sa paggamit ng masining na salitang


nagbibigay ng higit na kariktan sa tula?
A. talinghaga C. sukat
B. tugma D. pagmamalabis

2. Alin sa ibaba ang tumutukoy sa sa saglit na saglit na tigil sa gitna o sa


ikaanim na pantig habang binibigkas ang tula?
A. tugma C. sesura
B. sukat D. talinghaga

3. Tumatakbo ang ulap sa kalangitan. Ano ang tayutay na ginamit sa


loob ng pangungsap?
A. Pagmamalabis C. Pagtawag
B. Personipikasyon D. Pagtanggi

9
4. Ang Mulberry ay sintamis ng manggang hinog. Ano ang tayutay na
ginamit sa loob ng pangungusap?
A. Pagmamalabis C. Pagtutulad
B. Personipikasyon D. Metapora

5. Ano ang elemento na tumutukoy sa bilang ng pantig sa bawat


taludtod ng tula?
A. tugma C. talinghaga
B. sukat D. sesura

6. Ang hindi magmahal sa kanyang salita


Mahigit sa hayop at malansang isda,
Kaya ang marapat ay pagyamaning kusa
Na tulad sa inang tunay na pinagpala.

-Bahagi sa tulang “Sa Aking mga Kabata” ni Dr. Jose Rizal-8/29/2020


https://www.slideshare.net/CheskaOrtiz25/sa-aking-mga-kabata-ni-jose-riza

Suriin kung ilan ang sukat ng saknong na ito?

A. aaniming pantig C. lalabindalawahing pantig


B. wawaluhing pantig D. lalabinwaluhing pantig

7. O, tadhana! Ibigay mo sa ‘kin ang katiwasayan sa buhay. Ano ang


tayutay na ginamit sa loob ng pangungusap?
A. Pagmamalabis C. Pagtawag
B. Personipikasyon D. Pagpapalit-Saklaw

8. Ang mga bata, ito ay ang tungkulin


Matutong paanong maging masunurin
Lahat ng asal ay hindi pwedeng bilhin
Ito ay singganda ng siyam na bituin.
-Bahagi sa tulang Kagandahang-asal /8/29/2020
https://dlimm16.wordpress.com/2012/09/06/

Alin sa mga taludturan ng tula ang ginagamitan ng tayutay?

A. 1 C. 3
B. 2 D. 4

10
II. Panuto: Gumamit ng mga kumbensiyon sa pagsulat ng
isang awitin. 9-15 (7 puntos)

Gamitin ang mga kumbensiyon katulad ng sukat, tugma, talinghaga sa


pagsulat ng isang awitin tungkol sa kultura ng mga Pilipino.

Rubriks
Krayterya Napakahusay (5) Mahusay (4) Katamtaman (3) Iskor
Napaka-organisa- Organisado ang Di masyadong
Organisado do ang pagkabuo pagkabuo ng tula organisado ang
ng tula pagkabuo ng tula
Mga kumben- Kompleto ang May dalawang (2) Isang (1) kumben-
siyong ginamit mga kumbensi- kumbensiyon ang siyon lang ang
yong ginamit sa ginamit sa pagka- ginamit sa pagka-
tula buo ng tula buo ng tula
May kaunting ka- Hindi gaanong
Angkop ng ang-
malian lang ang angkop ang mga
Gramatika kop ang wikang
mga wikang gina- wikang ginamit
ginamit sa tula
mit nito nito
Masining na Masining ang Di gaanong masi-
masining ang nabuong tula at ning ang nabuong
nabuong tula at medyo may tula at walang
Kasiningan
may kaugnayan kaugnayan sa kaugnayan sa
sa kulturang kulturang Pilipino. kulturang Pilipino.
Pilipino
Kabuoan 20

11
Isagawa/ Karagdagang Gawain

Galingan mo!

Gawain: (Gawaing papel)

Gamitin ang mga kumbensiyon katulad ng sukat, tugma at talinghaga


sa pagsulat ng isang awitin na may apat na saknong tungkol sa
kaugaliang Pilipino.

Rubriks
Krayterya Napakahusay (5) Mahusay (4) Katamtaman (3) Iskor
Napaka-organisa- Organisado ang Di masyadong
Organisado do ang pagkabuo pagkabuo ng tula organisado ang
ng tula pagkabuo ng tula
Kompleto ang May dalawang (2) Isang (1) kumben-
Mga kumben- mga kumbensi- kumbensiyon ang siyon lang ang
siyong ginamit yong ginamit sa ginamit sa pagka- ginamit sa pagka-
tula buo ng tula buo ng tula
May kaunting ka- Hindi gaanong
Angkop ng ang-
malian lang ang angkop ang mga
Gramatika kop ang wikang
mga wikang gina- wikang ginamit
ginamit sa tula
mit nito nito
Masining na Masining ang Di gaanong masi-
masining ang nabuong tula at di ning ang nabuong
nabuong tula at gaanong may tula at walang
Kasiningan
may kaugnayan kaugnayan sa kaugnayan sa
sa kaugaliang kaugaliang kaugaliang
Pilipino Pilipino. Pilipino.
Kabuoan 20

12
Susi sa Pagwawasto

mag-aaral.
ang iskor ng
sa rubrik
9-15. Base
8. D
7. C
6. C
5. B
4. D
3. B
2. C
1. A
Pagtataya

Sanggunian

Internet:
https://dlimm16.wordpress.com/2012/09/06/kagandahang-asal/8/29/2020

https://www.slideshare.net/CheskaOrtiz25/sa-aking-mga-kabata-ni-jose-rizal 8/29/2020

https://www.slideshare.net/teodosiojohnanthony/tula-elemento-at-uri-nito 8/28/2020

Aklat:

Del Rosario, Mary Grace. Et al. Panitigang Pandaigdigan 10. Quezon City: Phoenix
Publishing House, Inc. 2017
Baisa-Julian, Ailene, Lontoc, Nestor S., Esguera-Jose, Carmela, Dayag, Alma M.
Pinagyamang Pluma 7. 927 Quezon City Ave., Quezon City: Phoenix Publishing House, Inc.
2017

13
Region IX: Zamboanga Peninsula Hymn – Our Eden Land
Here the trees and flowers bloom Gallant men And Ladies fair Cebuanos, Ilocanos, Subanons, Boholanos, Ilongos,
Here the breezes gently Blow, Linger with love and care All of them are proud and true
Here the birds sing Merrily, Golden beams of sunrise and sunset Region IX our Eden Land
The liberty forever Stays, Are visions you’ll never forget
Oh! That’s Region IX Region IX
Our..
Here the Badjaos roam the seas Hardworking people Abound, Eden...
Here the Samals live in peace Every valleys and Dale Land...
Here the Tausogs thrive so free Zamboangueños, Tagalogs, Bicolanos,
With the Yakans in unity

My Final Farewell
Farewell, dear Fatherland, clime of the sun caress'd Let the sun draw the vapors up to the sky,
Pearl of the Orient seas, our Eden lost!, And heavenward in purity bear my tardy protest
Gladly now I go to give thee this faded life's best, Let some kind soul o 'er my untimely fate sigh,
And were it brighter, fresher, or more blest And in the still evening a prayer be lifted on high
Still would I give it thee, nor count the cost. From thee, 0 my country, that in God I may rest.

On the field of battle, 'mid the frenzy of fight, Pray for all those that hapless have died,
Others have given their lives, without doubt or heed; For all who have suffered the unmeasur'd pain;
The place matters not-cypress or laurel or lily white, For our mothers that bitterly their woes have cried,
Scaffold or open plain, combat or martyrdom's plight, For widows and orphans, for captives by torture tried
T is ever the same, to serve our home and country's need. And then for thyself that redemption thou mayst gain

I die just when I see the dawn break, And whe n the dark ni ght wraps the grave yard around
Through the gloom of night, to herald the day; With only the de ad in the ir vi gil to se e
And if color is lacking my blood thou shalt take, Bre ak not my re pose or the myste ry profound
Pour'd out at need for thy dear sake And pe rchance th ou mays t he ar a sad hym n re sound
To dye with its crimson the waking ray. 'T is I, O my country, rais ing a song unto the e .

My dreams, when life first opened to me, And e ve n my grave is re me mbe red no more
My dreams, when the hopes of youth beat high, Unmark'd by ne ve r a cros s nor a s tone
Were to see thy lov'd face, O gem of the Orient sea Le t the plow swe e p through i t, the spade turn it o'e r
From gloom and grief, from care and sorrow free; That my ashe s may carpe t e arthly floor,
No blush on thy brow, no tear in thine eye. Be fore into nothing ne ss at last the y are blown.

Dream of my life, my living and burning desire, The n wil l oblivion b ring to me no care
All hail ! cries the soul that is now to take flight; As ove r thy vale s and plai ns I swe e p;
All hail ! And sweet it is for thee to expire ; Throbbing and cle anse d in thy space and air
To die for thy sake, that thou mayst aspire; With color a nd lig ht, wi th song and lame nt I fa re ,
And sleep in thy bosom eternity's long night. Eve r re pe ating the fai th that I kee p .

If over my grave some day thou seest grow, My Fathe rland ador'd, tha t sadne ss to my sorrow le nds
In the grassy sod, a humble flower, Be love d Filipinas, he ar now my last good -by!
Draw it to thy lips and kiss my soul so, I give the e all: pare nts and kindre d and frie nds
While I may feel on my brow in the cold tomb below For I go whe re no slave before the oppre ssor be nds,
The touch of thy tenderness, thy breath's warm power. Whe re faith can ne ve r kill , and God re igns e 'e r on h igh!

Let the moon beam over me soft and serene, Fare we ll to you all, from my soul torn awa y,
Let the dawn shed over me its radiant flashes, Frie nds of my childhood i n the home disposse sse d!
Let the wind with sad lament over me keen ; Give thanks tha t I re st fro m the we arisome day!
And if on my cross a bird should be seen, Fare we ll to thee , too, swee t frie nd that lighte ne d my way;
Let it trill there its hymn of peace to my ashes. Be love d cre ature s all, fare we ll! In de ath the re is re st!

I Am a Filipino, by Carlos P. Romulo


I am a Filipino–inheritor of a glorious past, hostage to the uncertain I am a Filipino, child of the marriage of the East and the West. The
future. As such I must prove equal to a two-fold task–the task of East, with its languor and mysticism, its passivity and endurance,
meeting my responsibility to the past, and the task of performing was my mother, and my sire was the West that came thundering
my obligation to the future. across the seas with the Cross and Sword and the Machine. I am of
I sprung from a hardy race, child many generations removed of the East, an eager participant in its spirit, and in its struggles for
ancient Malayan pioneers. Across the centuries the memory comes liberation from the imperialist yoke. But I also know that the East
rushing back to me: of brown-skinned men putting out to sea in must awake from its centuried sleep, shake off the lethargy that has
ships that were as frail as their hearts were stout. Over the sea I see bound his limbs, and start moving where destiny awaits.
them come, borne upon the billowing wave and the whistling wind, I am a Filipino, and this is my inheritance. What pledge shall I give
carried upon the mighty swell of hope–hope in the free abundance that I may prove worthy of my inheritance? I shall give the pledge
of new land that was to be their home and their children’s forever. that has come ringing down the corridors of the centuries, and it
I am a Filipino. In my blood runs the immortal seed of heroes–seed shall be compounded of the joyous cries of my Malayan forebears
that flowered down the centuries in deeds of courage and defiance. when first they saw the contours of this land loom before their eyes,
In my veins yet pulses the same hot blood that sent Lapulapu to of the battle cries that have resounded in every field of combat from
battle against the first invader of this land, that nerved Lakandula Mactan to Tirad Pass, of the voices of my people when they sing:
in the combat against the alien foe, that drove Diego Silang and “I am a Filipino born to freedom, and I shall not rest until freedom
Dagohoy into rebellion against the foreign oppressor. shall have been added unto my inheritance—for myself and my
The seed I bear within me is an immortal seed. It is the mark of my children and my children’s children—forever.”
manhood, the symbol of dignity as a human being. Like the seeds
that were once buried in the tomb of Tutankhamen many thousand
years ago, it shall grow and flower and bear fruit again. It is the
insignia of my race, and my generation is but a stage in the
unending search of my people for freedom and happiness.

You might also like