Art 1

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

𝘕𝘢𝘨𝘴𝘪𝘯𝘶𝘯𝘨𝘢𝘭𝘪𝘯𝘨 𝘢𝘬𝘰 no’ng sinabi kong makita lang kitang masaya, masaya na rin ako.

Ang totoo, nalulungkot pa rin ako. Nalulungkot ako na mas pinili ko na lang magpaubaya kaysa
ipaglaban tayo. Nagtatampo ako na ibang timpla na ng kape ang paborito mo. Nasasaktan ako
na isa ka na lamang estranghero sa tahanang minsang naging kanlungan mo—ako. Naiinggit ako
na sa iba mo mas nahanap at nakilala ang sarili mo.
Naaawa ako sa sarili ko kaya minsan nga hinihiling ko na sana maramdaman mo rin lahat-lahat
ng sakit. Pero alam mo ba kung kanino ako mas nagagalit? Sa sarili ko, kasi sa kabila ng lahat
hindi pa rin kita magawang kasuklaman. Hindi kita kayang kamuhian.
𝘋𝘢𝘩𝘪𝘭 nananatili, mahal pa rin kita.
𝘔𝘢𝘩𝘢𝘭 𝘯𝘢 𝘮𝘢𝘩𝘢𝘭 𝘱𝘢 𝘳𝘪𝘯 𝘬𝘪𝘵𝘢 kaya mas pipiliin ko na lang ang magsinungaling at magkunwari.
Ang paniwalain kang masaya na ako kahit hindi. Wala naman akong ibang pamimilian kundi ang
ikubli na lang ang pighati; ayaw ko namang awa na lang ang tanging dahilan para ka pa manatili.
Ilang daan pa ba ang pipiliin nating likuan para lang hindi natin makasalubong ang isa't isa?
Ilang mensahe pa ba ang buburahin natin ng mabilis para lang hindi na tayo makagambala?
Ilang pagyuko pa ba ang gagawin natin sa tuwing makikita natin ang isa't isa na mag-isa?
Ilang tula pa ba ang isusulat natin para lang itago natin ang mga gusto nating sabihin sa isa't isa?
Ilang tingin pa ba ang ipupukol natin para lang palihim nating asamin muli ang hindi na natin
makukuha?
Ilang beses pa ba?
Kasi kung ilang beses kong tinanong ang sarili ko kung saan ako nagkamali, ganoon rin karaming
beses kong hiniling na sana balang araw..
Patawarin mo rin ang sarili mo.
—Aki

You might also like