Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

INTRODUKSYON SA PAMAMAHAYAG

Paksa: Mahahalagang Konsepto ng Pagbabalita

Pangalan: Joshua Rogador


Antas at Kurso: BSED-II Filipino
Guro: Adam Helson G. Elardo

Panuto: Komprehensibong talakayin at ipaliwanag pagkakaiba o pagkakatulad ng mga sumusunod


na ideya. (Magsagot ayos na napag-aralan at natutunan. Iwasan ang mag-copy-paste mula sa
internet.)
1. dalawang uri ng balita ayon sa pagtalakay: ang anyong tagilo at mapanuring anyo.
Sagot:
ang anyong tagilo ay tinatawag a tradisyunal na anyo ng balita, ang pagkakaiba ng tagilo sa
mapanuri, ito ay may saklaw kaysa sa mapanuri. Ito ay tuwirang balita na nahahayag din ang mga
mahahalagang pangyayari ng balita. Ito ay may baliktad na piramide na ibig sabihin walang wakas.
Ito ay nasa anyong pasulat na pamamahayag kaysa sa mapanuring anyo dahil sa paglipas ng
panahon, umuunlad ang ating komunikasyon, teknolohiya, ekonomiya at iba pang saklaw na
maaaring mabago sa Sistema ng balita. Kung sa paghahalintulad, sila ay nagbibigay ng kapaki-
pakinabang na impormasyon.
2. mapanuring anyo at mapagsiyasat na anyo ng balita
Sagot: ang pagkakatulad nilang dalawa ay may siyentipikong pamamaraan, may pananaliksik
at sensitibong pamamahayag. May eksperimentong pamamaraan. Ang pinagkaiba lamang ng
mapagsiyasat na anyo ng balita ay nagbibigay ng makabuluhang paunang rebyu sa isang teksto ng
balita.

3. tradisyonal na anyo at mapanuring anyo ng balita ayon sa kahalagahan


Sagot: Ang pagkakaiba ng tradisyunal na anyo sa mapanuri ay mayroong pamatnubay na
anyo na nilalaman. Ibig sabihin, maaaring tiyak o hindi tiyak ang nilalaman, maaaring karaniwan o
hindi karaniwan, maaaring napapanahon o hindi ngunit sa kasamaang palad hindi kumpletong
detalye ang balita. Maaaring ito’y opinion, haka-haka, tsismis, at iba pa. Ang pagkakaiba naman ng
mapanuring anyo ay nagbibigay ng tiyak at kumpletong detalye dahil meron itong pinagmulan,
mayroong sources at sense ang balitang inihahatid, may kinalaman din ang agham, kultura at pulitika
atbp. Kung atin silang ihahalintulad, sila’y parehas nagbibigay ng kapansin-pansing balita at
nagbibigay ng magandang pahayag sa mambabasa ngunit sa paghahambing, mas detalyado ang
mapanuri kaysa sa tradisyunal na anyo.

4. balita ayon sa saklaw at balita ayon sa nilalaman


Sagot:
May pagkakaiba din naman ang balita ayon sa saklaw at balita ayon sa nilalaman. Ang mga balita na
naaayon sa saklaw ay nagpapakita ng mga pamatnubay na karaniwan ay nagaganap sa loob at
labas ng ating bansa, banyaga, mga panahon at lugar na detalyado, ibig sabihin nilalahad ito dahil
meron itong sources o pinagmumulan o pinangyayarihan. Maaaring ito ay naganap na, nagaganap o
magaganap pa lamang, maituturing natin silang may pamanahong balita. Ang pinagkaiba naman ng
balita ayon sa nilalaman, ito ay malaman, kumpleto, mayroong mga teorya at pananaliksik,
ebidensya, mga pagpapahalaga sa kalusugan, may pagpapaunlad at motibasyon at mga kapansin-
pansing balita katulad ng balitang pampalakasan at iba pa. Kung sa paghahalintulad sa kanilang
dalawa, sila ay nagkakapareho ayon sa malaman na content o impormasyon, nagkakaroon ng
magandang pahayag at kapansin-pansin para sa mambabasa.

5. pamatnubay na kombensiyonal at pamatnubay na di kombensiyonal


Sagot:
Sa aking pag-aaral at pagsisiyasat, ang kombensyonal na pamatnubay ay nahahati pala sa
dalawang uri: ang pamatnubay na pang-tanong at pangretorika na kung saan ginagamit pala sila sa
natura at di tuwirang pamamaraan. Ibig sabihin, ang ang bensyonal na pamatnubay ay direkta at
tiyakan sa paraan batay sa nilalayon nito. Kapag sinimulan ko sa tanong na ano, sino, saan, kalian,
bakit at paano ay maaring tuwiran ang pagsasagot ng ito. Nagpapakita lang pala ito ng pagbubuod.
Maaari rin pala na mailapat naten ang graphic organizer sa pagbabalita. Ang di- kumbensyunal na
pamatnubay naman pala ay nagpapakita ng pag-iibang estratehiyang pamamaraan sa pagbabalita o
maaaring may pagkakaroon ng di karaniwang bahagi. Makabago ito at para maging kapansin-pansin
ang pamatnubay na ito ay ginagamitan pala ng pagganyak na pamamaraan sa loob ng lathalain.
Bagama’t alam natin na ang pagbabasa ng article ay hindi ganun kapansin-pansin at ganun kainteres
ngunit may mga di karaniwang estratehiya na ang ginagamit dito upang maging kapaki-pakinabang
na ito sa mambabasa. Kung sa kanilang pagkakahalintulad naman ay parehas silang nagbibigay ng
balita, nagpapakita ng impormasyon at nagpapahayag ng kapaki-pakinabang at kapansin pansin sa
mambabasa o makapanood ng balita.

You might also like