Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 2

Pangalan:_______________________________________Baitang/ Pangkat:_________Iskor:__________

Paaralan:_______________________________________ Guro:__________________ Asignatura: ESP 9


Manunulat: Irene C. Atis Tagasuri: Cleopatra M. Ruiz,
Pablo L. Eulatic Jr. Ph.D.Lorna T. Padua, PSDS
Paksa: Katangian ng Kasipagan- Pag-iimpok Q3 Week 7 LAS# 2
Layunin: Natutukoy ang mga indikasyon ng taong masipag, nagpupunyagi sa paggawa, nagtitipid
at pinamamahalaan ang naimpok
e. Natutukoy ang kahalagahan ng pag-iimpok. ESP9KP-IIIe-12.1
Sanggunian: Gayola, S.T. et.al.2015. Edukasyon sa Pagpapakatao. Modyul para sa Mag-aaral 5th
Floor.Mabini Bldg., Deped Complex, Meralco Avenue, Pasig City:FEP Printing Corp. pp.175- 176.
Katangian ng Kasipagan – Pag-iimpok

Nilalaman

“Kapag may isinuksok, may madudukot” Ito ay isang kasabihan na nagpapaalaala sa bawat isa ng
kahalagahan ng pag-iimpok. Kung mapangangasiwaan nang wasto ang iyong mga pinaghihirapan ay hindi
masasayang ang kasipagan at pagpupunyagi ng isang tao. Dahil dito, kailangan ang pag-iimpok upang
makapag-ipon ng pera na siyang magagamit sa ating pangangailangan sa takdang panahon. Ayon sa teorya
ni Maslow, The Hierarchy of Needs, ang pera ay isa sa makatutulong sa taong makaramdam ng seguridad sa
buhay lalo na sa hinaharap kung kaya gastusin lamang ito sa wasto at makabuluhan upang huwag mawala.

May tatlong paraan kung bakit kailangan na mag-impok ang tao ayon sa isang financial expert na si
Francisco Colayco, ito ay ang mga sumusunod: proteksyon sa buhay, hangarin sa buhay,at pagreretiro. Upang
magkaroon ng masaganang bukas, mahalagang mag-ipon din para sa pagtanda sapagkat hindi sa lahat ng
oras ay kakayanin pa ang magtrabaho. Ayon pa rin kay Franciso Colayco, ang pag-iimpok ay dapat gawing
isang pananagutan at hindi opsyonal.

Halimbawa:
1. Pagtatabi ng pera o pag-aalkansya mula sa iyong baon araw-araw.
2. Pagkakaroon ng savings account sa bangko at regular na pag-iipon dito.

GAWAIN 1. Panuto: Sa loob ng kahon isulat ang iyong nabuong ideya kung bakit kailangan mag-impok o mag
save ng pera para sa hinaharap.

Rubriks:

5 3 2

Pagkakaugnay Magkakaugnay ang Di-gaanong Ang mga ideya sa loob ng pangungusap


ng mga ideya mga ideya sa loob ng magkaugnay ang ay nangangailangan ng paglinang
pangungusap mga ideya sa loob
ng pangungusap

Lawak at lalim Nailahad ng mahusay Di gaanong Nangangailangan ng paglinang ang


ng pagtalakay ang ideya tungkol sa nailahad ang ideya nabuong ideya tungkol sa pag-iimpok.
sa paksa pag-iimpok. tungkol sa pag-
iimpok.

GAWAIN 2. Panuto: Gamit ang google, maghanap ng isang personalidad na sumisimbolo ng pagiging mahirap
subalit dahil sa pag-iimpok ay gumanda ang uri ng pamumuhay. Isulat ang mga nakalap na impormasyon sa
kwaderno.

You might also like