Filipino 2 - Pananaliksik - Semi Final

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 43

NATIONAL COLLEGE OF SCIENCE & TECHNOLOGY

Amafel Building, Aguinaldo Highway, Dasmariñas, Cavite


Tel. No.: (046)416-6278 ● Telefax: (046)416-0166 ● Mobile No.:+63918-888-6278
www.ncst.edu.ph

KABANATA I

ANG SULIRANIN AT KALIGIRAN NITO

Introduksyon

Sa lalong bumibilis na mundo na ating ginagalawan ngayon, pati na rin sa dami at

iba’t-ibang pangyayari sa ating buhay at kapaligiran, ang kakulangan sa pahinga ng mga

tao ay lalo ring naging kapansin-pansin. Ang kakulangan sa pahinga ay isang bagay na

hindi mahihiwalay sa buhay ng tao. Ayon kay Whitman, ang kakulangan sa pahinga ay

tumutukoy sa di balanse o kapos na pahingang kinakailangan ng isang tao sa isang

sitwasyon. Sa isang araw, dapat mayroong 7 o 8 oras na tulog ang isang tao, ang kawalan

ng balanse o kontrol sa oras ng kilos at pagpapahinga ay maaaring magdulot ng iba’t-

ibang komplikasyon sa mental, pisikal, sosyal, at pisyolohikal na estado ng buhay ng

isang tao. Ang kakulangan sa pahinga ay maaaring magresulta sa parehong mga panloob

at panlabas na mga kadahilanan. Ang panloob na dahilan ay iba't-ibang sikolohikal at

physiological na problema. Madalas itong nararamdaman ng mga taong nagtatrabaho at

ng mga taong nag-aaral. May mga iba’t ibang dahilan sa pagkaranas ng kakulangan sa

pahinga at hindi dapat isipin na iisa lang ang uri at sanhi ng kakulangan sa pahinga na

madalas na nagdudulot ng pagkahapo o stress na nararanasan ng lahat.

Ayon naman kay Edilberto Gonzaga, isang propesor sa Department of

Psychology ng College of Science, bukod sa panghihina ng katawan, may dalawang

epekto ang kakulangan sa pahinga. Ito ay pawang sikolohikal at pisyolohikal. Dapat

1
NATIONAL COLLEGE OF SCIENCE & TECHNOLOGY
Amafel Building, Aguinaldo Highway, Dasmariñas, Cavite
Tel. No.: (046)416-6278 ● Telefax: (046)416-0166 ● Mobile No.:+63918-888-6278
www.ncst.edu.ph

maging mapanuri at dapat tuklasin ang mga sanhi, kung ano nga ba talaga ang mga

dahilan at ano-ano ang mga epekto ng kakulangan sa pahinga hinggil sa usaping sa

kursong arkitektura. Sa pag-aaral na may pamagat na “Pag-aaral Tungkol sa Kakulangan

ng Pahinga ng mga Piling Mag-aaral Sa Ikalawang Antas ng Kursong Arkitektura ng

National College of Science and Technology”, masusing tinalakay ang epekto sa

kakulangan sa pahinga sa buhay ng mga mag-aaral. Inalam ng pag-aaral na ito ang mga

naidudulot ng kakulangan sa pahinga sa kani-kanilang kalusugan at pamumuhay. Sa pag-

aaral na ito ay tinalakay rin ang mga iba’t-ibang pamamaraan ng mga mag-aaral upang

mabawasan ang kakulangan sa pahinga at kung ano ang epekto ng mga pamamaraang ito

sa kanila.

2
NATIONAL COLLEGE OF SCIENCE & TECHNOLOGY
Amafel Building, Aguinaldo Highway, Dasmariñas, Cavite
Tel. No.: (046)416-6278 ● Telefax: (046)416-0166 ● Mobile No.:+63918-888-6278
www.ncst.edu.ph

Layunin ng Pag – aaral

Ang pamanahong papel na ito ay nagbibigay ng impormasyon hinggil sa Isang

Pag-aaral Tungkol sa Kakulangan ng Pahinga ng mga Mag-aaral Sa Ikalawang Antas ng

Kursong Arkitektura ng National College of Science and Technology at naglalayong

matugunan ang mga sumusunod na katanungan.

1. Malaman ang mga sanhi ng kakulangan ng pahinga ng mga mag-aaral sa

kursong arkitektura

2. Malaman ang mga epekto ng kakulangan ng pahinga sa kursong arkitektura

3. Mangalap ng mga opinyon ng mga mag-aaral tungkol sa kakulangan sa

pahinga sa kursong arkitektura

3
NATIONAL COLLEGE OF SCIENCE & TECHNOLOGY
Amafel Building, Aguinaldo Highway, Dasmariñas, Cavite
Tel. No.: (046)416-6278 ● Telefax: (046)416-0166 ● Mobile No.:+63918-888-6278
www.ncst.edu.ph

Paglalahad ng Suliranin

Ang pananaliksik na ito ay ukol sa Isang Pag-aaral Tungkol sa Kakulangan ng

Pahinga ng mga Mag-aaral Sa Ikalawang Antas ng Kursong Arkitektura ng National

College of Science and Technology. Sawakatuwid, hinahanap nito ang kasagutan sa

mga katanungan na ito:

1. Ano-ano ang mga sanhi ng kakulangan ng pahinga ng mga mag-aaral sa

kursong arkitektura?

2. Ano-ano ang mga epekto ng kakulangan ng pahinga sa kursong arkitektura?

3. Ano-ano ang opinyon ng mga mag-aaral tungkol sa kakulangan sa pahinga sa

kursong arkitektura?

4
NATIONAL COLLEGE OF SCIENCE & TECHNOLOGY
Amafel Building, Aguinaldo Highway, Dasmariñas, Cavite
Tel. No.: (046)416-6278 ● Telefax: (046)416-0166 ● Mobile No.:+63918-888-6278
www.ncst.edu.ph

Kahalagahan ng Pag – aaral

Ang pananaliksik na ito ay maaaring maging dagdag na kaalaman sa bawat tao

tungkol sa tunay na estado ng mga mag-aaral ng nasa kursong arkitektura at higit sa lahat

upang malaman kung ano-ano ang mga nagiging epekto ng kakulangan sa pahinga ng

mga mag-aaral sa kursong arkitektura.

Mahalaga ang bawat detalye sa pananaliksik na ito dahil matutulungan nito ang

mga mag-aaral, para magbigay impormasyon ukol sa kakulangalan sa pahinga ng iba

pang mga mag-aaral at ma mga rekomendasyon para makatulong sa mga mag-aaral.

Sa pamamagitan din ng pananaliksik na ito, maaari itong maging dagdag na

batayan para sa mga susunod na mananaliksik at sa mga susunod na henerasyon.

5
NATIONAL COLLEGE OF SCIENCE & TECHNOLOGY
Amafel Building, Aguinaldo Highway, Dasmariñas, Cavite
Tel. No.: (046)416-6278 ● Telefax: (046)416-0166 ● Mobile No.:+63918-888-6278
www.ncst.edu.ph

Saklaw at Limitasyon

Ang pananaliksik na ito ay nakatuon sa pag-aaral tungkol sa kakulangan ng

pahinga ng mga mag-aaral na nasa kursong arkitektura. Saklaw nito ang mga piling mag-

aaral na nasa ikalawang antas sa kursong arkitektura.

Ang mga mananaliksik ay naglalayong makakuha ng apatnapu’t-walong (48)

respondente o mag–aaral na nasa sangay ng BS in ARCHITECTURE sa National College

of Science and Technology.

6
NATIONAL COLLEGE OF SCIENCE & TECHNOLOGY
Amafel Building, Aguinaldo Highway, Dasmariñas, Cavite
Tel. No.: (046)416-6278 ● Telefax: (046)416-0166 ● Mobile No.:+63918-888-6278
www.ncst.edu.ph

Konseptuwal na Balangkas

Input Process Output


Mag-aaral sa NCST Sarbey Kwestyoneyr Malalaman ang
kasagutan sa
Kaalaman ng mga Obserbasyon suliraning
Estudyante kinakaharap nito.
Interbyu
Malaman ang mga
paraan upang
matugunan ang
kakulangan sa
pahinga ng mga
mag-aaral.

Pag-aaral Tungkol sa Epekto ng Kakulangan sa Pahinga


ng mga Mag-aaral Sa Ikalawang Antas ng Kursong
Arkitektura ng National College of Science and Technology

Ang mga mananaliksik ay nagkasundo sa pagkandak ng sarbey, dahil ito ang

pinaka-epektibong paraan upang magsaliksik ng husto at makakukha ng masaganang

impormasyon tungkol sa pag-aaral sa epekto ng kakulangan sa pahinga ng mga

estudyante na magiging pundasyon ng pamanahong papel.

7
NATIONAL COLLEGE OF SCIENCE & TECHNOLOGY
Amafel Building, Aguinaldo Highway, Dasmariñas, Cavite
Tel. No.: (046)416-6278 ● Telefax: (046)416-0166 ● Mobile No.:+63918-888-6278
www.ncst.edu.ph

Depinisyon ng mga Terminolohiya

 Arkitektura - ang pamamaraan at produkto ng pagpaplano, pagdidisenyo, at

pagtatayo ng mga gusali o ng ibang mga pisikal na istraktura.

 Emosyon – ang damdamin ng pagkatuwa, pagkalungkoy, pagkatakot,

pagmamahal, atbp.

 Kakulangan - isang kawalan o walang sapat na mga rekurso upang magamit para

sa mga pangangailangan ng tao

 Kapaligiran – ang mga bagay-bagay na pumapalibot sa isang tao; isang lugar na

nakapaligid sa isang tao o bagay.

 Karamdaman – ito ay ang estado ng pagkakaroon ng sakit resulta ng

karamdamang pangangatawan o pang-isipan.

 Karanasan – ang pag-oobserba o pag-eengkwentro sa mga bagay-bagay habang

ang mga ito’y nagaganap sa kurso ng oras.

 Kontrol – maehersisyo ang kontrol o pagbibigay ng direksyon sa iba o mga

bagay: mangibabaw. Isang kakayahan ng paggamit ng isang bagay, sarili o

pagkakataon.

 Memorya – ang kakayahan ng pag-iisip na alalahanin at panatilihin ang mga

impormasyon, impresyon, pangyayari, mga nakaraang engkwentro, atbp –

 Pagkahapo - sobra o higit na pagkapagod, madalas nagreresulta sa mental o

pisikal na karamdaman.

 Pisyolohikal – tumutukoy sa iba’t-ibang bagay na umuuri sa pangangatawan ng

isang indibidwal.

8
NATIONAL COLLEGE OF SCIENCE & TECHNOLOGY
Amafel Building, Aguinaldo Highway, Dasmariñas, Cavite
Tel. No.: (046)416-6278 ● Telefax: (046)416-0166 ● Mobile No.:+63918-888-6278
www.ncst.edu.ph

 Psychological o Sikolohikal - ay isang pang-uri na tumutukoy sa paraan ng pag-

iisip ng isang indibidwal at kung paano ito nakakaapekto sa pagkilos ng isang tao.

 Sosyolohikal – tumutukoy sa atensyon, konsentrasyon, pag-iisip at pagiging

sensitibo sa loob ng dimensyon na nasa paligid ng isang indibidwal.

9
NATIONAL COLLEGE OF SCIENCE & TECHNOLOGY
Amafel Building, Aguinaldo Highway, Dasmariñas, Cavite
Tel. No.: (046)416-6278 ● Telefax: (046)416-0166 ● Mobile No.:+63918-888-6278
www.ncst.edu.ph

KABANATA II

MGA KAUGNAY NA PAG-AARAL AT LITERATURA

Ayon kay Whitman, ang kakulangan sa pahinga ay tumutukoy sa di balanse o

kapos na pahingang kinakailangan ng isang tao sa isang sitwasyon. Sa isang araw, dapat

mayroong 7 o 8 oras na tulog ang isang tao, ang kawalan ng balanse sa oras ng kilos at

pagpapahinga ay maaaring magdulot ng iba’t-ibang komplikasyon sa mental, pisikal,

sosyal, at pisyolohikal na estado ng buhay ng isang tao. Ang kakulangan sa pahinga ay

maaaring magresulta sa parehong mga panloob at panlabas na mga kadahilanan. Ang

panloob na dahilan ay iba't-ibang sikolohikal at physiological problema. Ngunit sa labas

ay ang mga iba't-ibang mga pangyayari na hindi nagpapahintulot ng oras upang pumunta

sa pagtulog o relaxation. Isaalang-alang ang pinaka-basic kadahilanan na madalas ay

humahantong sa hindi pangkaraniwang bagay ng talamak kakulangan ng pagtulog.

Ayon kay Edilberto Gonzaga, isang propesor sa Department of Psychology ng

College of Science, bukod sa panghihina ng katawan, may dalawang epekto ang

kakulangan sa pahinga. Ito ay pawang sikolohikal at pisyolohikal. Sa sikolohikal na

aspekto, naaapektuhan ang haba ng atensyon, konsentrasyon, tamang pag-iisip at

nagiging sensitibo. Kapag tayo ay puyat mabilis tayong mapikon at mainis sa ating

paligid, mabilis din tayong mapagod at mawalan ng pokus sa ating mga ginagawa. Isa sa

mga sanhi ng kawalan ng tulog ng isang indibidwal ay ang kanyang personal na buhay,

mga personal na problema, at mga problema sa trabaho. Lahat ng mga naaapektuhan

[atensyon, pag-iisip at pokus] ay hindi dapat balewalain ng isang indibidwal; ito ay

10
NATIONAL COLLEGE OF SCIENCE & TECHNOLOGY
Amafel Building, Aguinaldo Highway, Dasmariñas, Cavite
Tel. No.: (046)416-6278 ● Telefax: (046)416-0166 ● Mobile No.:+63918-888-6278
www.ncst.edu.ph

makakasama sa kanya kung babalewalain. Sa pisyolohikal na aspeto, naapektuhan ang

pangangatawan ng isang indibidwal, dahil sa ating biological clock, ang kawalan ng tulog

ay makakapinsala sa ating biological rhythm.

Ang tulog, pag-katuto, at memorya ay magulo na pangyayari na hindi ganap na

naiintindihan. Gayunpaman, ang pag-aaral sa tao at hayop ay magungkahi na ang dami at

kalidad ng pagtulog ay may isang malalim na epekto sa pag-aaral at memorya.

Minumungkahi ng mga mananaliksik na ang pagtulog ay nakakatulong sa pagkatuto at

memorya sa dalawang magkaibang paraan. Una, ang taong kulang sa tulog ay hindi

nakaka pokus nang husto; Ang kakulangan sa tulog ay nakakasira ng atensyon, alerto,

konsentrasyon, katwiran, at pagtugon sa suliranin sa ganoon ay hindi natututo ng

mahusay. Pangalawa, ang pagtulog mismo ay may isangpapel sa pagpapatatag ng

memorya, na kung saan ay napakahalaga para sa pag-aaral ng bagong

impormasyon.Kasama sa lawak ng pag aaral ng mga mananaliksik ang epekto ng

kakulangan sa sapat na tulog sa pagkatuto at memorya. Tuwing tayo ay kulang sa tulog,

ang ating pokus, atensyon, ay pinapahirapan ang ating pagtanggap ng impormasyon.

Nang walang sapap na pagtulog at pahinga ang mga higit na nagtatrabahong neurons ay

maaring hindi na gumana upang makipag koordina sa impormasyon ng maayos, at

nawawala ang ating kakayahang maabot ang mga nakaraang natutunan. (Jill, 2009)

Ang mga panimulang epekto ng kawalan ng tulog sa pangangatawan ay ang

madaling pagkapagod at fatigue. Susunod na dito ang mga somatic pain, kagaya ng mga

sakit sa mga kasu-kasuan at sakit ng ulo. Lalo na sa mga henerasyon ng mga kabataan

ngayon, mabilis ang lifestyle kaya madali silang nagkakasakit. Ang pinakamalalang

11
NATIONAL COLLEGE OF SCIENCE & TECHNOLOGY
Amafel Building, Aguinaldo Highway, Dasmariñas, Cavite
Tel. No.: (046)416-6278 ● Telefax: (046)416-0166 ● Mobile No.:+63918-888-6278
www.ncst.edu.ph

epekto ng kawalan ng tulog ay ang pagkapinsala ng immune system ng isang indibidwal.

Ang ating immune system ang pangunahing proteksyon ng katawan laban sa mga sakit at

impeksyon. Kapag ito ay humina, mas mabilis ang paglala ng isang sakit. (Gonzaga,

2010)

Mayroong dalawang kahulugan ang kawalan ng tulog - kulang ng oras ng

pagtulog at ‘di-karaniwang padron ng pagtulog. Mga salik na napapabilang sa

kakulangan ng tulog ng mga estudyante ay ang iskedyul ng mga klase at mabigat na

gawain sa eskwela. Lalong nahihirapan ang mag-aaral na mag-adjust sa ganitong

iskedyul dahil mula elementarya, umaga ang mga klase. Sa pagkakaroon ng tamang oras

ng pagtulog, mas gumaganda ang ating pangangatawan at kalusugan. Ayon sa matagal na

pananaliksik at pag-aaral, ang pagtulog sa tamang oras ay nakakatulong sa katawan

upang magpakawala ng mga growth hormones. Nakakatulong ang growth hormones sa

mga kabataan upang lalong tumangkad. Kung hindi magkakaroon ng tamang oras ng

pagtulog ang isang indibidwal, patungo ito sa retardation ng ating mga buto ng

nagreresulta sa pagtigil ng pagtangkad. (Gonzaga, 2010)

Ang pagtulog ay tiyak na nagkukumpuni ng ating katawan, mula sa produksyon

ng mga kemikal na nagagamit tuwing paggising sa pagorganisa ng bawat neurons sa

pagbuo at pagpapatibay ng ating isipan. Maraming teorya ang nagpupunto na ang

pagtulong bilang isang mahalagang estado sa memorya at kakayahan ng pag-aaral. Sa

pagaaral ng mga tao at iba pang hayop, ang mga eksperto sa siyensya ay natuklasan na

ang pagtulog ay gumaganap ng isang kritikal na papel sa tungkulin sa immune,

12
NATIONAL COLLEGE OF SCIENCE & TECHNOLOGY
Amafel Building, Aguinaldo Highway, Dasmariñas, Cavite
Tel. No.: (046)416-6278 ● Telefax: (046)416-0166 ● Mobile No.:+63918-888-6278
www.ncst.edu.ph

metabolism, memorya, pagaaral, at iba pang mahalagang tungkulin. Gayunman, may ibat

ibang panloob at panlabas na kadahilanan na maaring makaapekto sa balanse ng sistema

sa pagtulog-paggising, ito ay kinabibilangan ng pagkabalisa, mga mag-aaral na may

tinatapos na takdang aralin, mga problema na iniisip na hindi napapansin ang

kahalagahan ng pagtulog. (Live Science, 2014)

Ang kakulangan ng sapat na tulog ay may negatibong epekto sa kalusugan.

Naaapektuhan ang energy level, mood, mental at physical performance, appetite,

metabolic function gaya ng carbohydrate tolerance, at iba pa. Nagiging matamlay at

kawalan ng gana sa pagtatrabaho o pag-aaral.

Hindi nakapagtataka na kapag walang sapat na tulog ay apektado rin ang decision

making at cognitive function na pumupurol ang memorya. Dahil sa kawalan ng tulog at

pagod ay malaking pangamba sa mental healthy ng indibidwal. Kadalasan ang taong

walang sapat na tulog ay mataas ang tsansang dumanas ng ‘depression’.

Ang ‘depression’ ay inuugnay naman sa iba pang sakit at paghina ng resistensya

ng katawan. I-train ang brain at katawan na magkaroon ng habit na pagkakaroon ng sapat

na tulog. Upang malabanan ang depression na hindi lumalala gaya ng insomia na

pagmumulan din ng anxiety at iba pang sakit. (Violet, 2014)

Ayon sa bagong pag-aaral ng Cognitive Neuroscience Society, kinumpirma ng mga

researcher na ang kakulangan sa tulog ay maaaring makasira sa tinatawag na “selective

attention,” o ang abilidad na mag -focus sa partikular na impormasyon kapag ang nakikisabay ang

13
NATIONAL COLLEGE OF SCIENCE & TECHNOLOGY
Amafel Building, Aguinaldo Highway, Dasmariñas, Cavite
Tel. No.: (046)416-6278 ● Telefax: (046)416-0166 ● Mobile No.:+63918-888-6278
www.ncst.edu.ph

ibang bagay sa iyong mga gawain. Ang klasikong halimbawa ng mga pangyayari na

kinakailangan ng atensiyon ay ang cocktail party, ayon kay Eve Wiggins.

Ang selective attention ay ang kakayahan na mag-focus sa taong iyong kausap sa party,

kahit na naririnig mo rin ang boses ng iba pang mga tao sa party, aniya. Sa nasabing pag-aaral,

nais malaman ng researchers kung paano makaaapekto ang pagpupuyat sa abilidad na makapag-

focus.

Upang magawa ito, hinati-hati nila ang mga partisipante sa dalawang grupo —

ang control group na binubuo ng 10 tao na inatasang matulog sa kinagawiang oras, at iba

pa ay sleep-deprivation group na binubuo ng walo katao na hindi natutulog sa loob ng 24

oras. Pagkatapos nito, ang mga kalahok ay inatasang makinig sa dalawang magkaibang

istorya sa kaparehong oras, ang bawat kuwento ay pinakikinggan ng magkabilang tenga.

Ang istorya ay may kanya-kanyang narrator at nilalaman. Habang inilalahad ang istorya,

sinukat ng mga researcher ang brain activity ng mga partisipante. Sinabihan ang mga

kalahok na ang kanilang goal ay pagtuunan ang isa sa mga istorya. Napag-alaman ng

researcher na mas naging madali para sa control group na umintindi at magbigay

atensiyon sa impormasyong kanilang naririnig kumpara sa grupo na walang sapat na

tulog.

Lumalabas sa brain activity na ang mga taong nasa control group ay

nakapagbigay ng sapat na atensiyon sa isang bagay habang may naririnig ang iba pang

impormasyon. (Wiggins, 2016)

Milyun-milyong tao sa ngayon ang kulang na kulang sa tulog. Ang sanhi ng mga

problemang ito ay ang kakulangan sa tulog, na lumilitaw kapag hindi nagkakaroon ng

14
NATIONAL COLLEGE OF SCIENCE & TECHNOLOGY
Amafel Building, Aguinaldo Highway, Dasmariñas, Cavite
Tel. No.: (046)416-6278 ● Telefax: (046)416-0166 ● Mobile No.:+63918-888-6278
www.ncst.edu.ph

sapat at nakapagpapalusog na tulog ang isang tao na kailangan para sa mabuting

kalusugan. Maaaring sanhi ito ng pagpupuyat dahil sa istilo ng pamumuhay ng isang tao

o di-mapagkatulog nang sapat dahil sa pagkakasakit.

Ang sanhi ng mga problemang ito ay ang kakulangan sa tulog, na lumilitaw kapag

hindi nagkakaroon ng sapat at nakapagpapalusog na tulog ang isang tao na kailangan para

sa mabuting kalusugan. Maaaring sanhi ito ng pagpupuyat dahil sa istilo ng pamumuhay

ng isang tao o di-mapagkatulog nang sapat dahil sa pagkakasakit.

Tinataya ng mga mananaliksik sa medisina na ang haba ng tulog ng mga tao sa

lupa, sa katamtaman, ay kulang ng isang oras bawat gabi kung ihahambing sa kailangang

haba ng tulog. Dati-rati, isang sakit lamang ang kinikilala ng mga nasa larangan ng

medisina pagdating sa nagtatagal na di-pagkakatulog, karaniwang tinatawag na

insomniya. Gayunman, kinilala ng isang komisyong itinatag ng Konggreso ng Estados

Unidos ang 17 magkakaibang sakit sa pagtulog. Sa paanuman, napakaraming sanhi ng

insomniya anupat kadalasang itinuturing ito na sintomas ng iba pang mga problema, kung

paanong ipinahihiwatig ng lagnat na malamang na may impeksiyon. Maging ang

paminsan-minsang kakulangan sa tulog ay maaaring mapanganib. Tinataya ng mga pag-

aaral sa mga aksidente sa dalawang haywey sa Estados Unidos na ang inaantok na mga

drayber ang dahilan ng halos 50 porsiyento ng nakamamatay na mga banggaan. Isaalang-

alang din ang mga panganib sa trabaho dahil sa pagkakaroon ng inaantok na katrabaho.

(Williamson, 2009)

15
NATIONAL COLLEGE OF SCIENCE & TECHNOLOGY
Amafel Building, Aguinaldo Highway, Dasmariñas, Cavite
Tel. No.: (046)416-6278 ● Telefax: (046)416-0166 ● Mobile No.:+63918-888-6278
www.ncst.edu.ph

Mahirap lunasan ang kakulangan sa tulog. Subalit ang pagkaunawa sa kung ano

ang bumubuo sa nakapagpapalusog na siklo ng pagtulog at pagkaalam sa mga sintomas

ng kakulangan sa tulog ay maaaring mag-udyok sa atin na magbago. Makapagliligtas ng

buhay ang pagkilala sa mga sintomas ng malubhang sakit sa pagtulog. (Tom, 2009)

Ang mga bata ay maaari ring pahirapan ng insomniya. Ang mga palatandaan ng

kakulangan sa tulog ay baka lumitaw sa paaralan—pagiging mahina sa klase,

pagkamayayamutin, kawalan ng kakayahang magtuon ng pansin—anupat baka may-

kamaliang masuri ito bilang sobrang pagiging aktibo (hyperactivity).

Nilalabanan ng ilang bata ang pag-aantok, anupat mas gusto nilang umawit,

makipag-usap, o makinig sa nagkukuwento—gagawin ang anumang bagay sa halip na

matulog. Maaaring panlilinlang lamang ito upang makuha ang atensiyon ng mga

magulang. Ngunit sa ilang kalagayan, baka natatakot ang bata na matulog sapagkat

madalas siyang binabangungot dahil sa nakatatakot na mga pelikula, mararahas na

programa sa balita, o pag-aaway sa bahay. Sa pagtataguyod ng mapayapa at mapagmahal

na kapaligiran sa tahanan, makatutulong ang mga magulang upang maiwasan ang mga

problemang ito. Maliwanag, kailangan ang pagpapatingin sa doktor kung nagtatagal ang

mga sintomas. Walang alinlangan, ang mahimbing na pagtulog ay mahalaga kapuwa sa

bata at mga nasa hustong gulang. (Rizzo et al., 2009)

Ang mabuting kaugalian sa pagtulog ay isang paraan ng pamumuhay. Kasali rito

ang regular na pag-eehersisyo sa tamang oras ng araw. Ang pag-eehersisyo sa umaga o sa

16
NATIONAL COLLEGE OF SCIENCE & TECHNOLOGY
Amafel Building, Aguinaldo Highway, Dasmariñas, Cavite
Tel. No.: (046)416-6278 ● Telefax: (046)416-0166 ● Mobile No.:+63918-888-6278
www.ncst.edu.ph

hapon ay makatutulong upang antukin ang isa sa oras ng pagtulog. Subalit ang pag-

eehersisyo na malapit na sa oras ng pagtulog ay makasisira sa pagtulog.

Ang kapana-panabik na mga pelikula o kawili-wiling pagbabasa ay

nakapagpapagising din. Bago matulog, mas makabubuti kung magbabasa ng nakarerelaks

na babasahin, makikinig sa nakagiginhawang musika, o maliligo na maligamgam ang

tubig.

Ayon sa isang eksperto na mula sa New York University Sleep Disorders

Center na si Dr. David Rapaport, matuturuan mo ang iyong utak na iugnay ang kama sa

pagtulog kung basta hihiga ka kapag gusto mo na talagang matulog. Mas nahihirapang

matulog ang mga taong kumakain, nag-aaral, nagtatrabaho, nanonood ng TV, o naglalaro

ng video sa kama.

Ang paghahanda sa iyong katawan para makatulog nang mahimbing ay

nangangailangan din ng pag-iingat sa iyong pagkain. Bagaman makapagpapaantok sa

isang tao ang mga inuming de-alkohol, ang totoo ay makasisira ito sa mabuting pagtulog.

Ang kape, tsa, kakaw, tsokolate, at mga inuming may cola ay dapat iwasan sa gabi

sapagkat pampasigla ang mga ito. Sa kabilang dako, ang pagkain ng kaunting mangga,

kamote, saging, persimon, palm cabbage, kanin, toge, o mga nuwes ay

makapagpaparami sa inilalabas na serotonin  at sa gayo’y mahihilang antukin ang isa.

Isang babala: Ang pagtulog na marami ang kinain sa gabi ay kasimpanganib ng pagtulog

na walang laman ang tiyan.

17
NATIONAL COLLEGE OF SCIENCE & TECHNOLOGY
Amafel Building, Aguinaldo Highway, Dasmariñas, Cavite
Tel. No.: (046)416-6278 ● Telefax: (046)416-0166 ● Mobile No.:+63918-888-6278
www.ncst.edu.ph

Ang kalagayan sa paligid kapag tayo ay natutulog ay mahalaga kung paanong

importante rin ang ating rutin bago tayo matulog. Ang kaayaayang temperatura, madilim

at tahimik na silid, at isang komportableng kutson at unan ay humihila sa atin upang

matulog nang mahimbing. Sa katunayan, kapag gayon tayo kakomportable, baka mahirap

pa ngang bumangon sa kinaumagahan. Subalit tandaan, ang pagtulog nang mas mahaba

kaysa sa kinakailangan, kahit na sa dulo ng sanlinggo, ay makasisira sa nakaugalian mo

nang pagtulog at magiging mas mahirap para sa iyo na matulog sa kasunod na gabi.

(Asuero, 2009)

Tiyak na hindi mo sasadyaing pinsalain ang alinman sa iyong mahahalagang

sangkap sa katawan. Gayundin kahalaga ang pagtulog, isang bahagi ng buhay na hindi

dapat ipagwalang-bahala o maliitin. Tutal, sangkatlo ng ating buhay ay ginugugol natin

sa pagtulog. (Asuero, 2009)

18
NATIONAL COLLEGE OF SCIENCE & TECHNOLOGY
Amafel Building, Aguinaldo Highway, Dasmariñas, Cavite
Tel. No.: (046)416-6278 ● Telefax: (046)416-0166 ● Mobile No.:+63918-888-6278
www.ncst.edu.ph

KABANATA III

DISENSYO AT PARAAN NG PANANALIKSIK

Disensyo ng Pananaliksik

Ang pag – aaral na ito ay isinagawa ayon sa disenyo ng pamamaraang deskriptib

– analitik na Pananaliksik. Tinangkang ilarawan at suriin ng mga mananaliksik sa pag –

aaral nito ang epekto ng kakulangan sa pahinga ng mga mag-aaral sa kursong arkitektura.

Mga Respondente

Ang mga piniling respondente sa pag–aaral nito ay mga mag–aaral sa ikalawang

antas sa kursong arkitektura sa kasalukuyang semestre ng National College of Science

and Technology.

Ang mga respondente ay mayroong tatlong grupo: labing-anim (16) sa unang

seksyon ng ikalawang antas, labing-anim (16) sa ikalawang seksyon ng ikalawang antas,

at labing-anim (16) rin sa ikatlong seksyon ng ikalawang antas. Samakatuwid mayroong

pantay na paghati ng mga respondente batay sa iba’t-ibang seksyon. Gumamit ang mga

mananaliksik ng quota sampling upang magkaroon ng pantay na representasyon ang

bawat seksyon.

19
NATIONAL COLLEGE OF SCIENCE & TECHNOLOGY
Amafel Building, Aguinaldo Highway, Dasmariñas, Cavite
Tel. No.: (046)416-6278 ● Telefax: (046)416-0166 ● Mobile No.:+63918-888-6278
www.ncst.edu.ph

Talahayan 1

Distribusyon ng mga Respondente Ayon sa Edad

EDAD BILANG NG RESPONDENTE


19-20 31
21-22 17
KABUUAN 48

Talahayan 1.2

Distribusyon ng mga Respondente Ayon sa Kasarian

KASARIAN BILANG NG RESPONDENTE


Babae 22
Lalake 26
KABUUAN 48

Instrumento ng Pananaliksik

Ang pag – aaral na ito ay isinagawa sa pamamagitan ng pagsa-sarbey. Ang mga

mananaliksik ay naghanda ng sarbey-kwestyoner upang malaman ang mga epekto ng

20
NATIONAL COLLEGE OF SCIENCE & TECHNOLOGY
Amafel Building, Aguinaldo Highway, Dasmariñas, Cavite
Tel. No.: (046)416-6278 ● Telefax: (046)416-0166 ● Mobile No.:+63918-888-6278
www.ncst.edu.ph

kakulangan sa pahinga ng mga mag-aaral sa kursong arkitektura at interbyu para sa mga

karagdagang impormasyon hinggil sa naturang pamanahong-papel.

Para sa lalong pagpapabuti ng pag – aaral ay minabuti rin ng mga mananaliksik

na mangalap ng mga impormasyon mula sa iba’t-ibang hanguan sa internet at aklatan

tulad ng mga libro, journal¸ pahayagan at iba pa.

Tritment ng mga Datos


Dahil ang pamanahong-papel na ito ay panimulang pag-aaral lamang at hindi

isang pangangailangan sa pagtatamo ng digri, walang ginawang pagtatangka upang

masuri ang mga datos sa pamamagitan ng mataas at kompleks na istatistika. Tanging

pagta – tally at pagkuha ng porsyento lamang ang kinakailangang gawin ng mga

mananaliksik.

Pormulang Slovin

Ang Pormulang Slovin ay ginamit upang makalkula ang sample size

(n) sa pamamagitan ng naibigay na laki ng populasyon (N) at margin of error

(e). Ang kabuuang populasyon ay 90. Ang margin of error na itinakda para

sa pananaliksik ay 90% .Ang resulta ay nakakuha ay 48 na mga respondent.

21
NATIONAL COLLEGE OF SCIENCE & TECHNOLOGY
Amafel Building, Aguinaldo Highway, Dasmariñas, Cavite
Tel. No.: (046)416-6278 ● Telefax: (046)416-0166 ● Mobile No.:+63918-888-6278
www.ncst.edu.ph 15

N
n= n. ay ang bilang ng laki ng sample
1+ N e 2
N ay ang kabuuang bilang ng populasyon
Given: N = 90
e ay ang margin ng error.
e = 90
90
n= 2
1+ ( 90 )( 90 % )
90
n= 2
1+ ( 90 )( 0.10 )
900
n=
19
n= 47.36 or 48 ay ang sample size na gagamitin at ang bilang ng
mga sasagot.

22
NATIONAL COLLEGE OF SCIENCE & TECHNOLOGY
Amafel Building, Aguinaldo Highway, Dasmariñas, Cavite
Tel. No.: (046)416-6278 ● Telefax: (046)416-0166 ● Mobile No.:+63918-888-6278
www.ncst.edu.ph

KABANATA IV

PRESENTASYON AT INTERPRETASYON NG MGA DATOS

Pagsusuri sa mga Datos

Ang mga mananaliksik ay nakapag-likom ng mga datos sa pamamagitan ng

pamamaraang sarbey kwestyoneyr at interbyu sa mga piling mag-aaral sa ikalawang

antas ng kursong arkitektura tungkol sa kakulangan sa pahinga. Sa pamamagitan ng

tabular at grap na presentasyon, nililinaw at binuklod ang mga sarbey kwestyons batay

sa mga pangunahing suliranin na nakasaad sa pananaliksik na ito at kasama nito ang

interpretasyon ng bawat presentasyon.

Tabular na Presentasyon

TABLE 1: DEMOGRAPHIC PROFILE NG MGA RESPONDENTE AYON SA

EDAD

Edad Frequency Percentage

19-20 31 64.58%

21-22 17 35.42%

Kabuuan 48 100%

23
NATIONAL COLLEGE OF SCIENCE & TECHNOLOGY
Amafel Building, Aguinaldo Highway, Dasmariñas, Cavite
Tel. No.: (046)416-6278 ● Telefax: (046)416-0166 ● Mobile No.:+63918-888-6278
www.ncst.edu.ph

Interpretasyon

Ayon sa Table 1, pinapakita na sa edad labing-siyam (19) hanggang dalawampu

(20) ay mayroong tatlumpu’t-isa (31) na mga piling mag-aaral na may porsyentong

64.58% at sa edad dalawampu’t-isa (21) hanggang dalawampu’t-dalawa (22) na mga

piling mag-aaral na may porsyentong 35.42%. Ang kabuuang bilang ng mga

respondente ay apatnapu’t-walo (48) na may isang daang porsyento (100%).

TABLE 2: DEMOGRAPHIC PROFILE NG MGA RESPONDENTE AYON

SA KASARIAN

Kasarian Frequency Percentage

Lalake 26 54.17%

Babae 22 45.83%

Kabuuan 48 100%

Interpretasyon

Ayon sa Table 2, pinapakita ang bilang at porsyento ng kasarian ng mga

respondente. Ang mga respondenteng lalake ay dalawampu’t-anim (26) na may

porsyentong 54.17%, habang ang bilang ng babae ay dalawampu’t-dalawa (22) na

may porsyentong 45.83%. Ang kabuuang bilang ng mga respondente ay apatnapu’t-

walo (48) na may isang daang (100%) porsyento.

24
NATIONAL COLLEGE OF SCIENCE & TECHNOLOGY
Amafel Building, Aguinaldo Highway, Dasmariñas, Cavite
Tel. No.: (046)416-6278 ● Telefax: (046)416-0166 ● Mobile No.:+63918-888-6278
www.ncst.edu.ph

GRAPH 1: DEMOGRAPHIC PROFILE NG MGA RESPONDENTE AYON SA

EDAD

26%

19-20 21-22

74%

Interpretasyon

Ayon sa unang graph, ipinapakita nito ang dami at porsyento ng mga

edad ng mga respondente. Ang mga mananaliksik ay nakakuha ng 64.58%

na nakapaloob sa edad na 19-20 taong gulang at 35.42% naman sa edad na

21-22 taong gulang.

25
NATIONAL COLLEGE OF SCIENCE & TECHNOLOGY
Amafel Building, Aguinaldo Highway, Dasmariñas, Cavite
Tel. No.: (046)416-6278 ● Telefax: (046)416-0166 ● Mobile No.:+63918-888-6278
www.ncst.edu.ph

GRAPH 2: DEMOGRAPHIC PROFILE NG MGA RESPONDENTE AYON

SA KASARIAN

45%
Lalaki
Babae
55%

Interpretasyon

Ayon sa Graph 2, pinapakita ang posyento ng kasarian ng mga piling

mag-aaral sa ikalawang antas. Ang mga mananaliksik ay nakakuha ng 54.17%

porsyento para sa lalaki, habang ang bilang ng babae ay 45.83%, at ang

kabuuang porsyento ng mga respondente ay isang daang (100%) porsyento.

26
NATIONAL COLLEGE OF SCIENCE & TECHNOLOGY
Amafel Building, Aguinaldo Highway, Dasmariñas, Cavite
Tel. No.: (046)416-6278 ● Telefax: (046)416-0166 ● Mobile No.:+63918-888-6278
www.ncst.edu.ph

GRAPH 3: MGA SANHI NG KAKULANGAN SA PAHINGA NG MGA MAG-

AARAL

40
35
30
25
20
15
10
5
0

Lagi Minsan Hindi

Ayon sa datos na nakapaloob sa Graph 3, pinapakita nito ang iba’t-ibang mga

sanhi ng kakulangan sa pahinga at lumalabas na hindi sapat ang inilalaan ng

mga mag-aaral na oras para sa kani-kanilang pahinga na mas pinaglalaanan nila

ang paggawa ng mga gawain. May mga ilang mga mag-aaral na kumikilos kapag

malapit na ang pasahan at mayroon namang mas nauuna ang ibang gawain

kaysa sa dapat unahin.

27
NATIONAL COLLEGE OF SCIENCE & TECHNOLOGY
Amafel Building, Aguinaldo Highway, Dasmariñas, Cavite
Tel. No.: (046)416-6278 ● Telefax: (046)416-0166 ● Mobile No.:+63918-888-6278
www.ncst.edu.ph

GRAPH 4: MGA EPEKTO NG KAKULANGAN SA PAHINGA NG MGA

MAG-AARAL

40

35

30

25

20

15

10

Lagi Minsan Hindi

Ayon sa graph 4 na ipinapakita, sa sularining nakapaloob nito ay tungkol

sa mga epekto ng kakulangan sa pahinga. Lumalabas na hindi balanse ang

iba’t-ibang responsibilidad na mayroon ang mga mag-aaral. Nagagawa ng

mga mag-aaral na gumawa pero hindi lubos o madalas nakakapag-focus sa

ibang bagay na kailangan din nilang pagtuunan ng pansin at gawan ng kilos.

28
NATIONAL COLLEGE OF SCIENCE & TECHNOLOGY
Amafel Building, Aguinaldo Highway, Dasmariñas, Cavite
Tel. No.: (046)416-6278 ● Telefax: (046)416-0166 ● Mobile No.:+63918-888-6278
www.ncst.edu.ph

GRAPH 5: MGA OPINYON NG MGA MAG-AARAL TUNGKOL SA

KAKULANGAN SA PAHINGA

35

30

25

20

15

10

Lagi Minsan Hindi

Ayon sa representasyon sa Graph 5, nakapaloob ang iba’t-ibang

opinyon na kumakatawan sa mga mag-aaral, ipinapakita na hindi lang

tungkol sa akademiko o gawaing arkitektura ang nagiging dahilan ng

kakulangan nila sa pahinga, bagkus minsan sumasabay din ang personal,

konpidensyal at mga sitwasyong sila’y nagkakaproblema. Hinggil pa dito,

nahihirapan silang balansehin ang kanilang mga sarili sa pagitan ng mga

gawain at kanilang pagpapahinga.

29
NATIONAL COLLEGE OF SCIENCE & TECHNOLOGY
Amafel Building, Aguinaldo Highway, Dasmariñas, Cavite
Tel. No.: (046)416-6278 ● Telefax: (046)416-0166 ● Mobile No.:+63918-888-6278
www.ncst.edu.ph

KABANATA V

LAGOM, KONGKLUSYON AT REKOMENDASYON

Lagom

Ang pag – aaral na ito ay isang pagtatangkang malaman ang damdamin,

pananaw at kaalaman ng mga mag – aaral na kasalukuyang nasa ikalawang antas ng

National College of Science and Technology – BS Architecture

Gamit ang deskriptib – analitik, ang mga mananaliksi ay nagdisenyo ng sarbey –

kwestyoner na pinagsagutan sa apatnapu’t-walong (48) respondente, labing-anim (16) sa

unang seksyon ng ikalawang antas, labing-anim (16) sa ikalawang seksyon ng ikalawang

antas, at labing-anim (16) rin sa ikatlong seksyon ng ikalawang antas sa National College

of Science and Technology – BS Architecture

Kongklusyon

Batay sa mga nailahad na datos, ang mga mananaliksik ay humantong sa mga

kasunod na kongklusyon:

1. Umaabot ang mga mag-aaral ng higit sa oras ng pahinga at mas inuuna nilang

gumawa at makatapos kaysa magpahinga muna at ipagpaliban ng ilang oras o

araw. Hinggil pa dito, may mga mag-aaral na gumagawa kung kailan malapit na

30
NATIONAL COLLEGE OF SCIENCE & TECHNOLOGY
Amafel Building, Aguinaldo Highway, Dasmariñas, Cavite
Tel. No.: (046)416-6278 ● Telefax: (046)416-0166 ● Mobile No.:+63918-888-6278
www.ncst.edu.ph

ang pasahan, inuuna ang ibang gawain at may mga nagsasabay-sabay ng gawain.

Hindi na sapat ang oras ng pahinga na mailalaan nila sa kanilang mga sarili.

2. Nababawasan ang lakas ng mga mag-aaral sa paggising, pagbangon at pagpasok

sa kani-kanilang mga klase. Minsang nawawalan sila ng pokus sa klase at

inaantok sa mismong oras ng pagtuturo. May ibang mga mag-aaral na nahuhuli sa

oras ng klase at sa huli, di rin nila agad nagagawa ang mga dapat gawin at unahin.

May iba ring nawawalan ng gana sa paggawa.

3. Hinggil sa opinyon ng mga mag-aaral, hindi lang sa larangan ng kursong

arkitektura sila nahihirapang magbalanse, dagdag rito ang mga personal at

konpidensyal nilang mga sitwasyon at mga problema. Minsang nangingibabaw

ang mga problema kaya’t mas natutuunan nila ng pansin iyon kung kaya’t

napapatagal sila sa paggawa. Dahil dito, nahihirapan silang balansehin ang oras

ng kanilang pahinga.

Rekomendasyon

Kaugnay ng mga kongklusyong nabanggit, buong – pakumbabang

inirerekomenda ng mga mananaliksik ang mga sumusunod:

 Para sa mga mag-aaral na kasulukuyang hinaharap ang mga karanasan na

kakulangan sa pahinga, isaisip ang mga pamamaraang gaya ng mga

pinagkakaabalahan o hobbies at mga gawaing pangkalakasan.

 Maglaan ng sapat na pahinga o hihigit sa oras na nakasanayan.

31
NATIONAL COLLEGE OF SCIENCE & TECHNOLOGY
Amafel Building, Aguinaldo Highway, Dasmariñas, Cavite
Tel. No.: (046)416-6278 ● Telefax: (046)416-0166 ● Mobile No.:+63918-888-6278
www.ncst.edu.ph

 Gumawa ng ‘to do list’ o ‘set of reminders’ bilang tanda na sa ganitong araw o

oras ay kailangang gumawa o kailangan nang magpasa upang mabago at

mabawasan ang kaguluhan sa mentalidad.

 Hindi biro ang kakulangan sa pahinga, magkaroon ng ‘self-check’ araw-araw para

mabigyan ding pansin kung sumosobra na sa kaukulang oras ng paggawa.

 Bigyang pansin ang buong kalusugan mula sa iba’t-ibang estado ng katawan,

uminom ng maraming tubig at bigyang sustansya ang sariling pangangatawan.

 Mag-relax minsan sa isang araw, ang pagtulog ay isang napakalaking bagay para

sa pagpapahinga.

32
NATIONAL COLLEGE OF SCIENCE & TECHNOLOGY
Amafel Building, Aguinaldo Highway, Dasmariñas, Cavite
Tel. No.: (046)416-6278 ● Telefax: (046)416-0166 ● Mobile No.:+63918-888-6278
www.ncst.edu.ph

33
NATIONAL COLLEGE OF SCIENCE & TECHNOLOGY
Amafel Building, Aguinaldo Highway, Dasmariñas, Cavite
Tel. No.: (046)416-6278 ● Telefax: (046)416-0166 ● Mobile No.:+63918-888-6278
www.ncst.edu.ph

APENDIKS

34
NATIONAL COLLEGE OF SCIENCE & TECHNOLOGY
Amafel Building, Aguinaldo Highway, Dasmariñas, Cavite
Tel. No.: (046)416-6278 ● Telefax: (046)416-0166 ● Mobile No.:+63918-888-6278
www.ncst.edu.ph

APENDIKS A
LIHAM SA PAGHINGI NG PAHINTULOT SA PAGSASARBEY

Nobyembre 28, 2019

AR. CARLO MADRONA,uap,rmp


Course Adviser, National College of Science and Technology

Mahal naming Propesor,

Maalab na Pagbati!

Kaugnay ng isinusulat naming pamanahong – papel sa Filipino 2 tungkol sa


Pag-aaral Tungkol sa Kakulangan ng Pahinga ng mga Piling Mag-aaral Sa
Ikalawang Antas ng Kursong Arkitektura, nais po sana naming humingi sa inyo
ng pahintulot upang kayo ay aming makapanayam sa petsa, oras at lugar na inyong
itatakda.

Lubos po ang aming paniniwala na ang inyong pagkadalubhasa sa nasabing


paksa ng aming pag – aaral ay makakatulong sa amin nang lubos tungo sa
matagumpay na pagsulat ng aming pamanahong – papel.

Dalangin po naming ang inyong pagpapahintulot sa aming pakiusap.

Lubos na gumagalang,

Anthony S. Lopera
Lider ng pangkat

APENDIKS B

35
NATIONAL COLLEGE OF SCIENCE & TECHNOLOGY
Amafel Building, Aguinaldo Highway, Dasmariñas, Cavite
Tel. No.: (046)416-6278 ● Telefax: (046)416-0166 ● Mobile No.:+63918-888-6278
www.ncst.edu.ph

LIHAM SA PAGHINGI NG PAHINTULOT SA PAGSASARBEY SA MGA

RESPONDENTE

Mahal naming Respondante,

Maalab na Pagbati!

Kami po ay mga mag – aaral ng Filipino 2 na kasalukuyang nagsusulat ng isang

pamanahong – papel tungkol sa Isang Pag-aaral Tungkol sa Kakulangan ng Pahinga

ng mga Mag-aaral Sa Ikalawang Antas ng Kursong Arkitektura

Kaugnay nito, inihanda naming ang kwestyoner na ito upang makatanggap ng

mga datos na kailngan naming sa aming pananaliksik.

Kung gayon, mangyari po lamang na sagutan nang buong katapatan ang mga

sumusunod na aytem. Tinitiyak po naming magiging kumpidensyal na impormasyon ang

inyong mga kasagutan.

Maraming salamat po.

- Mga Mananaliksik

APENDIKS C

36
NATIONAL COLLEGE OF SCIENCE & TECHNOLOGY
Amafel Building, Aguinaldo Highway, Dasmariñas, Cavite
Tel. No.: (046)416-6278 ● Telefax: (046)416-0166 ● Mobile No.:+63918-888-6278
www.ncst.edu.ph

SARBEY KWESTYONEYR

Direksyon: Punan ng angkop na impormasyon o datos ang mga kasunod na patlang.

Kung may pagpipilian, lagyan ng tsek ang kahon na tumutugma sa inyong sagot.

Pangalan: Kasarian: Babae

Edad: Lalake

Seksyon:

LAGI MINSAN HINDI


1. Inaabot ang paggawa ng mga gawain sa higit
na dapat na oras ng pahinga.
2. Gumagawa kung kailan malapit na ang pasahan
ng mga gawain.
3. Nauuna ang mga di muna dapat pagtuunan ng
pansin kaysa sa mga dapat gawin.
4. Pinagsasabay aang iba’t-ibang gawain.
5. Nawawalan ng gana sa paggawa ng mga
gawain.
6. Inaantok o hindi lubos nakakapagpokus sa oras
ng klase.
7. Nahuhuli sa oras ng klase.
8. Hindi makapagpokus sa mga dapat gawin.
9. Personal o konpidensyal na isipin o sitwasyon
ang mas nangingibabaw kaysa ang mga dapat
nang gawin
10. Nahihirapang balansehin ang paggawa at oras
ng pahinga

37
NATIONAL COLLEGE OF SCIENCE & TECHNOLOGY
Amafel Building, Aguinaldo Highway, Dasmariñas, Cavite
Tel. No.: (046)416-6278 ● Telefax: (046)416-0166 ● Mobile No.:+63918-888-6278
www.ncst.edu.ph

Respondante Mananaliksik

APENDIKS D

38
NATIONAL COLLEGE OF SCIENCE & TECHNOLOGY
Amafel Building, Aguinaldo Highway, Dasmariñas, Cavite
Tel. No.: (046)416-6278 ● Telefax: (046)416-0166 ● Mobile No.:+63918-888-6278
www.ncst.edu.ph

TALLYGRAM NG RESULTA NG SARBEY

Bilang Tally
IIIII- IIIII- KABUUAN
10 IIIII- IIIII- IIIII- IIIII- 48
IIIII-IIII
LAGI IIIII-I
MINSAN HINDI
IIIII- IIIII- IIIII- IIIII-IIII I 48
1 IIIII- IIIII- IIIII-
IIIII-III
IIIII- IIIII- IIIII- IIIII- IIIII- IIIII-II 48
2 III IIIII- IIIII-
III
IIIII-II IIIII- IIIII- IIIII- 48
3 IIIII- IIIII- IIIII-
IIIII IIIII-I
IIIII- IIIII IIIII- IIIII- IIIII- IIII 48
4 IIIII- IIIII-
IIIII-IIII
IIIII- IIIII- IIII IIIII- IIIII- IIIII-I 48
5 IIIII- IIIII-
IIIII- III
IIIII- IIII IIIII- IIIII- IIIII- 48
6 IIIII- IIIII- IIIII- III
IIIII- II
IIIII- IIIII- IIII IIIII- IIIII- 48
7 IIIII- IIIII
IIIII- IIIII-
IIII
IIIII- IIIII- IIIII- IIIII- IIIII- I 48
8 IIIII IIIII- IIIII-
IIIII-II
IIIII- IIIII- IIIII- IIIII- IIIII- I 48
9 IIIII- IIIII-I IIIII- IIIII-
I

39
NATIONAL COLLEGE OF SCIENCE & TECHNOLOGY
Amafel Building, Aguinaldo Highway, Dasmariñas, Cavite
Tel. No.: (046)416-6278 ● Telefax: (046)416-0166 ● Mobile No.:+63918-888-6278
www.ncst.edu.ph

CURRICULUM VITAE

1. Personal Data

1.1 Name: Anthony Salgado Lopera


1.2 Birth date: November 15, 1999
1.3 Birthplace: Imus, Cavite
1.4 Civil Status: Single
1.5 Parents:
Father: Sancho L. Lopera
Mother: Analiza S. Lopera

2. Educational Qualifications

2.1 Year Completed: Grade 11 Completer


2.2 Course : STEM
2.3 School

Secondary National College of Science and Technology


Dasmariñas, Cavite
June 2016 - Present
Beatitudes Technological and Theological
College
Imus, Cavite
June 2014 – March 2016
Magallanes National High School
Magallanes, Sorsogon
June 2013 - March 2014

40
NATIONAL COLLEGE OF SCIENCE & TECHNOLOGY
Amafel Building, Aguinaldo Highway, Dasmariñas, Cavite
Tel. No.: (046)416-6278 ● Telefax: (046)416-0166 ● Mobile No.:+63918-888-6278
www.ncst.edu.ph

Beatitudes Technological and Theological


College
Imus, Cavite
June 2012 – March 2013
Primary Beatitudes Technological and Theological
College
Imus, Cavite
June 2010 – March 2012
Anabu II Elementary School
Imus, Cavite
June 2006 – March 2010

Honors/Awards Received

2.4 Honors
 Grade 12 With Honors
 Grade 11 Class 6th Honor
 Grade 10 Class 1st Honor
 Grade 9 Class 1stHonor
 Peacemaker Award
 Elementary Salutatorian

2.5 Local/Regional Awards


 Leadership Award
 Peacemaker Award

41
NATIONAL COLLEGE OF SCIENCE & TECHNOLOGY
Amafel Building, Aguinaldo Highway, Dasmariñas, Cavite
Tel. No.: (046)416-6278 ● Telefax: (046)416-0166 ● Mobile No.:+63918-888-6278
www.ncst.edu.ph

3. Personal Data

1.1 Name: Mark Chelsie D. Cacal


1.2 Birth date: July 20, 1998
1.3 Birthplace: Cauayan, Isabel
1.4 Civil Status: Single
1.5 Citizenship: Filipino
1.6 Gender: Male

4. Educational Qualifications

Tertiary National College of Science and Technology


Bachelor of Science in Criminology
June 2015 - Present
Secondary Paliparan National High School
Graduated at year 2014
Primary Salawag Elementary School
Graduated at year 2010

42
NATIONAL COLLEGE OF SCIENCE & TECHNOLOGY
Amafel Building, Aguinaldo Highway, Dasmariñas, Cavite
Tel. No.: (046)416-6278 ● Telefax: (046)416-0166 ● Mobile No.:+63918-888-6278
www.ncst.edu.ph

5. Personal Data

1.1 Name: Janrel Sumiyaya Algarme


1.2 Birthday: December 7, 1999
1.3 Birthplace: Dasmariñas City, Cavite
1.4 Civil Status: Single
1.5 Citizenship: Filipino
1.6 Gender: Male

6. Educational Qualifications

Tertiary National College of Science and Technology


Bachelor of Science in Architecture
June 2018 - Present
Secondary STI College of Dasmariñas – Senior High
2016-2018
Dasmariñas West National High School
2014-2016
Primary Dasmariñas High School
2006-2012

43

You might also like