Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 5

Republic of the Philippines

CAMARINES NORTE STATE COLLEGE


F. Pimentel Avenue, Brgy. 2, Daet, Camarines Norte – 4600, Philippines

COLLEGE OF TRADES AND TECHNOLOGY

Yunit 3: Masinsin at
Mapanuring Pagbasa sa mga
PangunahingSanggunian sa
Pagdadalumat/ Pagteteorya
sa Kontekstong P/Filipino

1|Page DALUM AT NG/SA FILIPINO


Republic of the Philippines
CAMARINES NORTE STATE COLLEGE
F. Pimentel Avenue, Brgy. 2, Daet, Camarines Norte – 4600, Philippines

COLLEGE OF TRADES AND TECHNOLOGY

Fil.3 DALUMAT NG/SA FILIPINO

[KRISTEL MAY B. DE ARAO]


[Instructor 1]

Contact Details
Contact Number: [09369324410]
E-mail Address: [kristelmay16.dearao@gmail.com]
Web Address: [fb. Kristel May De Arao]

Consultation Schedule
[Tuesday-Thursday 9:00am -11:00am]

Gawain blg 1: Gumawa ng collage na sumasalamin sa kasaysayan ng Pilipinas.

(HUGIS) NG WATAWAT NG PILIPINAS


COLLAGE

Gawain blg.2
Pagbibigay ng sariling saloobin hinggil sa pagtanggal ng asignaturang Filipino sa kolehiyo. (Sananysay)

2|Page DALUM AT NG/SA FILIPINO


Republic of the Philippines
CAMARINES NORTE STATE COLLEGE
F. Pimentel Avenue, Brgy. 2, Daet, Camarines Norte – 4600, Philippines

COLLEGE OF TRADES AND TECHNOLOGY

Ang collage na ito ay sumisimbolo ng kasaysayan ng Pilipinas na kung saan ito ay hinugis ko sa
ating Watawat ng Pilipinas. Bilang karagdagan, ang collage na ito ay nag lalaman ng iba’t ibang larawan
o simbolo na nagpapakita ng kasaysayan ng Pilipinas. Sa dilaw na parte ng ating Watawat ng Pilipinas
nilagyan ko ito ng tatlong bituin at isang araw, at ang pakikipaglaban ng ating lahi sa mga dayuhan at ang
pag wagayway ng watawat ng Pilipinas ni Emilio Aguinaldo. Sa bughaw na bahagi naman ng Watawat ng
Pilipinas nilagyan ko ito ng larawan ng ating pambansang bayani na si Dr. Jose Rizal at ang kanyang
isinulat na nobela ito ay ang Noli Me Tangere, at nilagyan ko rin ito ng larawan ng heograpiya, kasaysayan,
kultura at ekonomiya ng Pilipinas noon. Sa pulang bahagi ng ating Watawat ng Pilipinas nilagyan ko ito
ng simbolo ng KKK o kataas-taasang, kagalang-galang Katipunan ng mga anak ng bayan na kung saan
ito ay isang lihim na samahan na itinatag sa Pilipinas.at nilagyan ko rin ito ng larawan na si Andres
Bonifacio at nilagyan ko rin ito ng larawan ng ating pamumuhay at pananamit noon at larawan ng digmaan
noon. Bilang pang wakas, ang kasaysayan ng Pilipinas ay ang pagtingin sa nakaraan ng Pilipinas, na
kung saan tumutukoy kung sino tayo, saan tayo nanggaling at saan tayo patungo at ang mahahalagang
pangyayaring naganap ng ating kasaysayan ng Pilipinas.

3|Page DALUM AT NG/SA FILIPINO


Republic of the Philippines
CAMARINES NORTE STATE COLLEGE
F. Pimentel Avenue, Brgy. 2, Daet, Camarines Norte – 4600, Philippines

COLLEGE OF TRADES AND TECHNOLOGY


Gawain blg.2
Pagbibigay ng sariling saloobin hinggil sa pagtanggal ng asignaturang Filipino sa kolehiyo.
(Sananysay)

Ano nga ba ang wika? Wika ay bagaman maikling salita subalit ang kahulugan at katangian ay
napakalawak at napakalalim. Malinaw na ang wika ay isang mahalagang kasangkapan na ginagamit
upang maiparating ang mga nasasaloob na ideya at damdamin ng isang tao. Hindi lamang ito isang
paraan ng pakikipag-usap sa kapwa kundi ginagamit din ito upang makipagkaibigan, makipagtalakayan
at maibahagi ang iba’t ibang opinyon at kaisipan. Sa buong kasaysayan, maraming mga bagay, sitwasyon
at pangyayari na tumutukoy sa kahalagahan ng wika sa mga tao, sa kanyang kapaligiran at higit lalo na
sa kanyang bansa.

Subalit sa paglaon ng panahon, katulad ng buhangin sa dagat, natatangay tayo ng alon ng


pagbabago. Nagpaanod tayo sa pag unlad ng teknolohiya at siyensya. Sumabay tayo sa mabilis at hindi
mapigil na kolonyalismo. Binigyan natin ng mataas na pagkilala ang mga wikang kanluranin at mabilis sa
pagkadalubhasa dito. Labis nating nakalimutan ang ating pambansang wika, mas minatamis natin ang
magsalita ng ingles sa pagkakataong maaari naman tayong magtagalog. Hindi ako tumututol,
ikinararangal ko na tayong mga pilipino ay may angking kagalingan sa pagbigkas ng ibang wika. Ngunit
nais kong ipabatid na hindi masamang umunlad at sumabay sa yumayabong na kasaysayan. Pero hindi
ba't mas masarap na habang nagtatagumpay tayo, ibinabandila natin ay sarili nating wika. Hindi ba
masarap na nakikilala tayong mga pilipino hindi lang sa talento maging sa kultura.

Ang problemang kinakaharap ng wikang filipino laban sa larangan ng edukasyon. Hindi


pinapahalagahan ng mga paaralan ng pang kolehiyo ang pag aaral ng wikang Filipino. Kumbaga
manganganib ang wikang Filipino, pinapatay nito ang intelektuwalisasyon, ang pagsulong, at pag laganap
ng Filipino bilang isang akademikong gawain sa mga pamantasan.

Bilang pang wakas, Hindi dapat alisin ang Filipino o ang wikang Pilipinas bilang core subjects sa
kolehiyo. Sa halip, dapat pa nga itong patuloy na pagyamanin at pag-aralan nang malalim sa buong buhay
natin bilang Pilipino. At bilang mag aaral, pabor pa rin akong magkaroon pa ng asignaturang Filipino sa
Kolehiyo, sapagkat ang wikang Filipino na ating ginagamit dito tayo nagkakaroon ng pagkakakilanlan.
Kung tatanggalin ang wikang Filipino ano pa kaya ang saysay na ipinaglaban ng ating mga bayani para
lang magkaroon tayo ng kalayaan sa mga dayuhang sumakup sa atin?. Ano pa kaya ang saysay na itinayo
ng ating watawat na sumisimbolo ng ating bansa kung ang sariling wika na nagpapakilala kung sino at
ano tayo ay tatanggalin? Ikaw, ako, tayong lahat makaisa tayo na ipaglaban ang wikang Filipino dahil ito
ang daan tungo sa puso nating nga Pilipino.

4|Page DALUM AT NG/SA FILIPINO


Republic of the Philippines
CAMARINES NORTE STATE COLLEGE
F. Pimentel Avenue, Brgy. 2, Daet, Camarines Norte – 4600, Philippines

COLLEGE OF TRADES AND TECHNOLOGY


RUBRIK PARA SA SANAYSAY

KATE-GORYA HIGIT NA NAKAMIT ANG BAHAGYANG HINDI NAKAMIT ANG WALANG MARKA
INAASAHAN INAASAHAN NAKAMIT ANG INAASAHAN NAPATUNAY
(5) (4) INAASAHAN (2) AN
(3) (1)
Introduk-syon Nakapanghihikayat Nakalahad sa Hindi gaanong Hindi malinaw ang Hindi nakita sa
ang introduksyon. introduksyon ang mataas Nakalahad introduksyon at ang ginawang
Malinaw na nakalahad pangunahing paksa sa introduksyon ang pangunahing paksa. sanaysay.
ang pangunahing gayundin ang pangunahing paksa Hindi rin nakalahad
paksa gayundin ang panlahat na subalit hindi sapat ang panlahat na
panlahat na pagtanaw pagtanaw ukol dito. ang pagpapaliwanag pagpapaliwanag ukol
ukol dito. ukol dito. dito

Diskusyon Makabuluhan ang Bawat talata ay may May kakulangan sa Hindi nadebelop ang Hindi nakita sa
bawat talata dahil sa sapat na detalye. detalye. mga pangunahing ginawang
husay na ideya 20-34 sanaysay.
pagpapaliwanag at
pagtalakay tungkol sa
paksa.
Organisa-syon Lohikal at mahusay Naipakita ang Lohikal ang Walang patunay na Hindi nakita sa
ng mag ideya ang pagkakasunud- debelopment ng pagkakaayos ng organisado ang ginawang
sunod ng mga ideya; mga talata subalit mga talata subalit pagkakalahad ng sanaysay.
gumamit din ng mga hindi makinis ang ang mga ideya ay sanaysay.
transisyunal na pagkakalahad. hindi ganap na
pantulong tungo sa nadebelop
kalinawan ng mga
ideya
Konklusyon Nakapanghahamon Naipakikita ang Hindi ganap na May kakulangan at Hindi nakita sa
ang konklusyon at pangkalahatang naipakita ang walang pokus ang ginawang
naipapakita ang palagay o pasya pangkalahatang kongklusyon sanaysay.
pangkalahatang tungkol sa paksa palagay tungkol sa
palagay o paksa batay batay sa mga paksa batay sa mga
sa katibayan at mga katibayan at mga katibayan at mga
katwirang inisa-isa sa katwirang inisa-isa katwirang inisa-isa
bahaging gitna sa bahaging gitna. sa bahaging gitna.
Mekaniks Walang pagkakamali Halos walang Maraming Napakarami at Hindi nakita sa
sa mga bantas, pagkakamali sa mga pagkakamali sa mga nakagugulo ang mga ginawang
kapitalisasyon at bantas, bantas, pagkakamali sa mga sanaysay.
pagbabaybay. kapitalisasyon at kapitalisasyon at bantas, kapitalisasyon
pagbabaybay pagbabaybay at pagbabaybay)
KABUUAN

Prepared by: Reviewed by:

KRISTEL MAY B. DE ARAO AIDA C. CALDIT


Instructor I BTVTE Program Chair.

Approved by:

GIL VICTOR G. ZALDUA, MA.Ed


College Dean

5|Page DALUM AT NG/SA FILIPINO

You might also like