Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

NOTES in Araling Panlipunan 1

Week 12- September 21-25, 2020

Mga Tradisyon sa Pamilya.

• Pagmamano sa Nakatatanda.
◦ Ito ay tanda ng paggalang sa nakatatanda. Sa kasalukuyan, ang ilang kabataan ay humahalik sa pisngi ng
nakatatanda.

• Pagsasalo-salo ng Pamilya.
◦ Isa ito sa palatandaan ng pagiging malapit sa isa't isa ng mga miyembro ng pamilya.

• Pamamanhikan
◦ Ang pamamanhikan ay ang "paghingi ng kamay" ng lalaki sa mga magulang ng babae.
◦ Ang ibig sabihin ng "paghingi ng kamay" ay gusto niyang pakasalan ang babae.

Mga Mahahalagang Pangyayari sa Buhay ng Pamilya.

• Kaarawan
◦ Mahalaga ito dahil ito ang araw na namulat sa mundo ang isang miyembro ng pamilya.

• Anibersaryo
◦ Ipinagdiriwang ng pamilyang Pilipino ang iba-ibang anibersaryo lalo na ang kasal ng nanay at tatay. Ito
ang simula ng pagkakaroon ng sariling pamilya.

• Pagtatapos
◦ Mahalaga rin ang araw ng pagtatapos. Ito ang hudyat ng panibagong pahina sa buhay ng anak.

Tandaan natin!
• Mayaman sa tradisyon ang pamilyang Pilipino.
• Maraming mga mahahalagang pangyayari sa buhay ng pamilyang Pilipino .

You might also like