Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

ULIRANG PILIPINO

“Isang traysikel drayber na nagngangalang Sofio A. Alo Jr. mula sa Davao Del Norte
ang nagsauli ng pera at tseke na nagkakahalaga ng P20- milyon. Hindi siya nag alinlangan
na ibalik ito sa pasahero na bumaba sa isang bangko. Hinanap niya agad ang may ari bag
ng mapansin nito na puno ito ng lamang pera. Kinilala siya ng mga guro at nakatanggap
siya ng pabuya at parangal ng paaralan”

Upang makagawa ng mabuti para sa iyong kapwa, mahalaga na taglayin mo ng


kabutihang loob. Ang matapat na tao ay hindi kailanman magsisinungaling, hindi kukuha ng
bagay na hindi niya pag-aari at hindi manlilinlang o manloloko ng kaniyang kapwa sa
anumang paraan. Ang pagsasabi ng totoo ang nagsisilbing proteksyon para sa mga
inosenteng tao. Ito ay ang susi sa mabuting ugnayan sa kapwa at ito ay isa sa
magagandang asal na dapat nating isabuhay.

Tunay nga na kahanga-hanga ang kaniyang ipinakita na hindi siya nasilaw sa


malaking halaga na perang kaniyang nakita. Pinahalagahan niya ang kanyang pagkatao at
pinanindigan ang pagiging matapat. Bilang isang tagasunod ng Diyos ay hindi siya lumabag
sa utos nito. Naging isa siyang mabuting halimbawa sa mga mamamayan at nagsilbing
inspirasyon na dapat gayahin ng marami sa atin. Anoman ang hirap ng buhay ay nararapat
na ipagtuloy pa din sa paggawa ng mabuti sa ating kapwa at patuloy na linangin ito para sa
pagyabong ng ating pamumuhay. Ang pag-ibig ang dapat manahan sa puso ng bawat
nilalang. “ Katotohanan, katotohanang sinasabi ko sa iyo, Nang ikaw ay bata pa, ikaw ay
nagbibihis at ikaw ay lumalakad kung saan mo ibig; ngunit pagtanda mo’y iuunat moa ng
iyong mga kamay, at bibigkisin ka ng iba, dadalhin ka kung saan hindi mo ibig”- John 21:18

Ngunit bakit nga ba may taong nasisilaw sa pera? Ito ay marahil sa kakapusan sa
buhay. Ginagamit nila ito sa kanilang pamumuhay dahil sa kakulangan ng kanilang
pangangailangan. Ngunit bilang isang indidibwal ay tungkulin natin na magsumikap ng
buong puso at lakas para sa ating pangangailangan. Responsibilidad natin na maging tapat
at gawin ang nararapat. May kasabihan na “ Ang magandang asal ay kaban ng bayan”

Ang pagkakaroon ng malawak na kaalaman at sapat na kakayahan ang magiging


sandata upang maging kaisa sa pagpapanatili ng buhay at kinang nito. Ang malinis na
kalooban ay walang kinatatakutan.#

You might also like