Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 2

Alamin Natin

Mga Inaasahang Matutuhan


Pagkatapos ng araling ito, ang mga mag-aaral ay inaasahang:
1. maipaliwanag ang tinatalakay ng teoryang feminismo;
2. matukoy ang layunin ng teoryang peminismo; at
3. makasuri ng isang pelikula gamit ang teoryang peminismo.

Alamin 4- Feminismo

Feminismo
• Ang teoryang Feminismo ay ang kilusan na ang layunin ay
✓ ipatupad ang mga karapatan ng mga kababaihan sa pulitika, ekonomiya, at
lipunan;
✓ ipakilala ang mga kalakasan at kakayahang pambabae; at
✓ iangat ang pagtingin ng lipun an sa mga kababaihan
• Ang kritisismong feminismo ay may layuning muling iakda ang babae sa pagsusulat
man o sa pagbasa ng panitikan. Sa ganitong layunin ay maiaangat ang estado ng
babae, mabibigyan ng boses, makalilikha ng sentro, mabigyang kapangyarihan at
mailalagay sa di establing posisyon ang sistemang patriyarkal na ang lalaki ang may
control ng lipunan, na ang papel na ginagampanan ng babae’y tagasunod lamang sa
lalake sa lahat ng larangang kultural gaya ng relihiyon, pamilya, politika. Ekonomiya,
lipunan, batas, sining (Mendiola, 1991).
• Lumaganap ang Feminismo dahil sa mga sumusunod:
✓ maling pagtrato sa mga kababaihan;
✓ pagkulang sa karapatan ng babae;
✓ diskriminasyon; at
✓ “stereotypes.”
• Madaling matukoy kung ang isang panitikan ay feminismo sapagkat babae o sagisag
babae ang pangunahing tauhan ay ipinamayagpag ang mabubuti at magagandang
katangian ng tauhsan.
• Tinatalakay ng teoryang feminismo ang mga sumusunod:
✓ ang pagsalungat sa ideya na mahihina, marupok, pantahanan, masama,
emosyunal at tanga ang mga babae; at
✓ pagtuligsa sa patriyarkal na lipunan.
• Naglalayon itong mawala ang de-kahong imaheng ibinibigay sa babae.
✓ Sa paksa, makatotohanang inilalarawan ang mga karanasan ng kababaihan
sa matapat na pamamaraan.

5
✓ Sa estilo, malaya ito at karaniwan ang ginagamit na pananalita.
✓ Sa porma, mabisa ang monologong dramatiko at realistiko.
✓ Sa tauhan, hindi na de-kahon ang mga kababaihan kundi aktibo na.
• Susuriin ang isang pelikula sa mga sumsunod na katanungan:
1. Sinu-sino o anu-anong pwersa ang humahadlang sa plano o pagtatagumpay
ng babaeng karakter?
2. Paano inilarawan ang mga babaeng karakter: bida ba o kontrabida ang nang-
api o inapi, ang nagsamantala o pinagsamantalahan?
3. Paano bumangon s a ka apihan o sitwa syong mapagsamantala ang mga
babaeng karakter?
4. Paano nila sinalansang ang sistemang patyarkal?
5. Paano sila nagpaalipin sa sistemang patyarkal?
6. Mapagpalaya ba sa aspektong pangkasarian ang pelikula?

You might also like