LAS in Filipino 5 (3rd Quarter) With No Answers

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

GAWAING PAGKATUTO

Filipino 5
Kwarter 3

Pangalan ng Mag-aaral: _________________________________________


Asignatura/ Antas: ______________________________________________
Petsa: _______________________________________________________

I. Panimulang Pagkatuto
Ang Pangkalahatang Sanggunian ay ang mga bagay na maaari nating
mapagkukunan ng impormasyon. Kadalasan ang mga ito ay mga libro,Ito ay
tinatawag na pangkalahatang sanggunian dahil malawak ang sakop nito na
impormasyon. Ang mga sumusunod ay ang mga halimbawa:
1. Diksyunaryo- pinagkukunan ng kahulugan, baybay o ispeling, pagpapantig,
bahagi ng pananalitang kinabibilangan ng salita, pinanggalingan ng salita, at
nakaayos ito nang paalpabeto.
2. Encyclopedia- set ng mga aklat na nagtataglay ng mga impormasyon tungkol sa
mga bagay-bagay at mga artikulo tungkol sa katotohanan.
3. Atlas- aklat ng mga mapang nagsasabi ng lawak, distansya at lokasyon ng lugar.
Ipinakikita rito ang mga anyong- lupa at anyong tubig na matatagpuan sa isang
lugar. Ito ay nakayos ayon sa pulitika, rehiyon o estado.
4. Almanac- aklat na nagtataglay ng pinakahuling impormasyon tungkol sa mga
punto ng kawilihan, mga pangyayari sa isang bansa, palakasan, relihiyon, pulitika at
iba pa.
5. Internet – ito ang isa sa pinaka malawak at epektibong halimbawa ng
pangkalahatang sanggunian. Ito ay dahil halos lahat ng mga katanungan mo tungkol
sa kahit anong paksa ay madaling makikita sa internet. Bukod dito, halos lahat ng
tao ay may kakayahang gamitin ito. Teknolohiyang maaring pagkunan ng
impormasyon gamit ang kompyuter, tablet o piling telepono.
6. Mapa – isang palapad na drowing ng mundo o ng bahagi nito.
7. Globo – isang maliit na replika ng mundo.

II. Kasanayang Pampagkatuto mula sa MELCs

Nagagamit ang pangkalahatang sanggunian sa pagsasaliksik tungkol sa isang isyu.


F5EPIIIb-6
III. Mga Gawain
Gawain A. HULA-RAWAN
Panuto: Suriin ang mga larawan na inyong makikita at hulaan kung anong
pangunahing sanggunian ito.

1. ________________ 4. __________________

2. _________________ 5. __________________

3. _________________

Gawain B. Panuto: Piliin sa loob ng kahon ang pangunahing sanggunian na


gagamitin mo sa pagsasaliksik ng isyu.

Diksyunaryo atlas mapa


Encyclopedia internet
1. ______________ Inatasan si Mario ng kanyang guro na magsaliksik tungkol
sa mga sintomas ng sakit na Covid19 sa pamamagitan ng video. Alin sa mga
pangunahing sanggunian ang gagamitin niya.
2. ______________ Gustong malaman ni Alma ang kahulugan ng salitang
pandemiya. Alin kaya sa mga sumusunod na pangunahing sanggunian ang
gagamitin niya.
3. ______________ Magtatrabaho bilang nurse si Ben sa China at nais niyang
malaman ang lawak,distansiya at lokasyon nito. Anong pangunahing
sanggunian ang gagamitin niya.
4. ______________ May proyekto si Ana na kinakailangang ng makatotohanang
impormasyon at artikulo tungkol sa bakuna. Anong pangunahing sanggunian
ang mainam niyang gamitin.
5. ______________ Magbabakasyon ang magkakaibigang Judy at Shane sa
Batanes. Nais nilang malaman kung saan at gaano kalayo ang lugar buhat sa
Albay. Ano ang kanilang sasanguniin.
Gawain C. Panuto: Sagutin ang mga sumusunod na tanong tungkol sa pangunahing
sanggunian.

1. Anu-ano ang mga panunahing sanggunian na maaaring gamitin sa


pagsasaliksik ng isyu? (2 puntos)
2. Paano nakakatulong ang mga pangunahing sanggunian sa pagsasaliksik ng
isyu? Ipaliwanag. (2 puntos)
3. Sa palagay mo aling pangunahing sanggunian ang mas mainam gamitin
ngayon,ipaliwanag.(1 puntos)

IV. Susi sa Pagwawasto

Inihanda ni:

MERYL MARIE O. MORON


Teacher II, Guinobatan West Central School

You might also like