Professional Documents
Culture Documents
Fil 11-Pagbasa-K4-M1
Fil 11-Pagbasa-K4-M1
Filipino
Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t Ibang
Teksto Tungo sa Pananaliksik
MODYUL 1: Pagsusuri ng Pananaliksik
Filipino – SHS
Pagbasa: Kwarter 2/4– Modyul 1: Pagsusuri ng Pananaliksik
Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anumang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayunpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito
ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay
ang pagtakda ng kaukulang bayad.
Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name,
tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay
nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang
makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at
mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anumang gamit maliban sa modyul na ito ay
kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.
Walang anumang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anumang
paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.
Para sa Tagagabay:
Upang lalong kagiliwan ng mag-aaral at maging kapaki-pakinabang
ang modyul na ito, tiyaking makapagbigay ng oryentasyon sa mga mag-
aaral, magulang, o sinomang miyembro ng pamilya kung paano gagamitin
at iingatan ang modyul na ito.
Ipabatid na kailangang magkaroon ng sariling sagutang papel ang
bawat mag-aaral para sa paunang pagsubok, mga gawain sa bawat bahagi
at panapos na pagsubok. Kung tapos nang sagutin ang modyul na ito,
ipaalala sa mag-aaral na kaagad itong ibalik sa guro para sa kaukulang
tunguhin.
Para sa mag-aaral:
Inihanda ang modyul na ito para sa iyo.
Kailangan mong sundin at saguting mag-isa ang mga
gawaing nasa loob nito. Huwag kang mag-alala,
kayang-kaya mo ito. Tiniyak kong matutuwa
ka habang natututo.
Ingatan mo ang modyul na ito. Huwag mong
susulatan at iwasang mapunit ang mga pahina.
Gumamit ka ng sagutang papel o ang iyong
kuwaderno. Sige, simulan na natin!
ii
PAGSUSURI SA
PANANALIKSIK
PANIMULA:
Magandang araw!
May mga bagong salita na dapat mong kilalanin para sa araling ito.
Magagamit mo ang mga ito upang ganap mong maunawaan ang mga
susunod na talakay tungkol sa ating paksa.
Talasalitaan
Basahin natin.
* pagsusuri
ito ay ang matalinong pagtingin sa isang teksto na walang kinikilingan, maaari magbigay ng
positibo o negatibong puna (https://www.merriam-webster.com/dictionary/critique)
* pagsulat
isa sa mga makrong kasanayan na dapat malinang sa isang indibidwal; proseso ng paggamit ng
mga simbolo para maipahayag ang kaisipan at ideya sa pormang nababasa.
(https://www.englishclub.com/writing/what.htm)
* gabay
ito ay isang kagamitan para bigyan ng linaw kung ano ang sunod-sunod na hakbang na gagawin
o kung paano gagawin ang isang bagay (https://www.dictionary.com/browse/guide)
1
* pananaliksik
isang malayuning imbestigasyon na may sinusunod na mga hakbang na humahantong sa
pagkakadiskubre ng mga bagong impormasyon o konsepto (Sanchez, 1999)
* layunin
mithiin o tunguhin. Ito ang nais makamit sa isang
gawain(https://www.dictionary.com/browse/objective)
* metodo
ito ay proseso o hakbangin sa pagkamit ng layunin ng isang gawain (https://www.merriam-
webster.com/dictionary/method)
* gamit
* etika
ang nagdidikta kung ano ang dapat gawin ng tao bilang kaniyang obligasyon, karapatan, katuwiran, at
halaga (https://quizlet.com/273039187/filipino-sa-piling-larangan-etika-at-pagpapahalaga-sa-pagsulat-sa-
akademiya-flash-cards/)
Panimulang Pagsubok
subukin
Panuto: Suriin ang isinasaad ng bawat talatangmo
halawnga?
sa mga nagawang pag-aaral. Lagyan
ng letra ang patlang sa unahan ng talata ng L kung layunin, M kung metodo, G kung gamit, at
E kung etika ang isinasaad nito.
____1.
Gabay na talatanungan at video recorder ang dalawang pangunahing
instrumento ng pag-aaral na ito.
Ang mga tanong sa talatanungan ay nakaayos ayon sa tamang daloy ng
pagsasagawa ng panayam. Sinuri muna ito at dumaan sa validation para sa kabisaan
nito.
Ang video recorder naman ay inihanda bago isagawa ang mga panayam sa
bawat kalahok. Humingi muna ng pahintulot para sa pagkuha ng record ang
mananaliksik.
Halaw sa pag-aaral ni Fungo (2015)
2
____2.
Ang pag-aaral na ito ay sasagutin ang mga sumusunod na katanungan ayon
sa:
1. Ano ang pagkakakilanlan ng mga batang ina ayon sa:
1.1 Antas ng Edukasyon;
1.2 Edad ng Unang Panganganak;
1.3 Marital Status; at,
1.4 Tumigil o Pinagpatuloy ang Pag-aaral.
2. Ang mga pinagdadaanang karanasan ng mga batang ina ayon sa iba't ibang salik.
2.1 Emosyonal;
2.2 Espiritwal;
2.3 Mental;
2.4 Pinansyal;
2.5 Relasyonal; at,
2.6 Sosyal.
3. May pagkakaiba ba ang mean score ng mga respondente kapag grinupo ayon sa
pagkakakilanlan.
3.1 Antas ng Edukasyon;
3.2 Edad ng Unang Panganganak;
3.3 Marital Status; at,
3.4 Tumigil o Ipinagpatuloy ang Pag-aaral.
____3.
Ang pag-aaral na ito ay sumailalim sa Quantitative method sapagkat mas
angkop itong gamitin dahil sa laki ng sample size na kailangan ng pag-aaral. Ginamit
din ang Sarbey method sa pag-aaral na ito upang malikom ang panayam ng mga
respondent ukol sa mga katanungang nakasaad sa survey questionnaire. Nakalikom
ng siyamnapu’t walong (98) tugon ang sarbey. Sa bilang na ito, apatnapu’t apat (44)
ay babae, at limampu’t lima (55) naman ang lalaki. Ang mga tumugon naman na mula
sa labingdalawang baitang ay apatnapu’t isa (44), at limampu’t pito (57) ang sumagot
mula sa ikalabing-isang baitang.
Halaw sa pag-aaral ni Carillo, et.al. (2019)
_____4.
Ang ilang mga hakbang na ginawa sa pag-aaral ay una, humingi ng
pahintulot ng pananaliksik ang mananaliksik sa administrador, mga magulang ng
kalahok, tagapangasiwa, at mga gurong kasangkot sa isinagawang pag-aaral.
Sumunod ay binuo ang talatanungan tungkol sa pananaw ng mga mag-aaral hinggil
sa espasyo ng wikang Filipino sa klase ng Matematika at talatanungan para sa
panayam sa mga piling mag-aaral ng baitang 9 sa pamamagitan ng focus group
discussion (FGD). Matapos mabuo ang mga talatanungan ay ang pagpapakita at
pagpapabalido sa mga eksperto. Nagsagawa ang mananaliksik ng dalawang ulit na
tiglilimang pagmamasid sa klase ng Matematika.
3
_____5.
Nangolekta ang mananaliksik ng mga sulatin ng mga mag-aaral mula sa
Pamantasan ng Ateneo de Manila na kumukuha ng klaseng Filipino for Non-Filipino
Speakers. Labinlimang mga mag-aaral na mula sa antas ng intermediate o
panggitnang lebel ang mga kalahok sa pag-aaral na ito. Sa pagtatapos ng
ikalawang semestre (akademikong taong 2015-2016), pinasulat ang mga mag-aaral
ng maikling sanaysay sa wikang Filipino tungkol sa paglalarawan sa kanilang sarili,
ginawa noong nakaraang bakasyon, mga balak sa darating na bakasyon at mga
ginagawa sa pang-araw-araw. Pinili ang mga tanong upang makakuha ng mga
pangungusap na magtataglay ng mga pang-uri at iba’t ibang aspekto ng pandiwa.
Wow!!! Galing!!!
PAGSUSURI NG PANANALIKSIK
4
Bakit kailangan ang pagsusuri ng pananaliksik?
________________________________________________________________________
Ano ang mga hakbang sa pagsusuri ng pananaliksik?
Mahalagang Ideya!
“Ang mga mahahalagang elemento sa
pagsusuri ng pananaliksik ay mapagsasama-
sama sa magkakasunod na mga tanong para sa
proseso ng pagsusuri ng pananaliksik.” (Boswell at
Cannon, 2009)
5
__________________________________________________________________________________
Ano ang uri ng mga tanong sa pagsusuri ng pananaliksik?
Nakuha mo! Ang mga tanong sa pagsusuri ng pananaliksik ay nahahati sa iba’t ibang
uri (Burns at Groove, 2001):
1. Suliranin at Layuning mga Tanong
Suliranin: Ano ang suliraning inilalahad sa pananaliksik? Ano ang suliraning
nais bigyan ng solusyon?
2. Metodolohiyang Tanong
Respondents: Ano ang target na populasyon para sa pananaliksik? Paano
pinili ang mga respondents? Sino ang mga kasali? Sino ang hindi? Gaano
karami ang sample?
MAHAHALAGANG PUNTO
7
Mabuti kung ganoon. Natutuwa akong unti-unting nagiging malinaw sa iyo ang
pagsusuri ng pananaliksik batay sa layunin, gamit, metodo, etika gayundin sa mga dapat
pang isalalang-alang sa pagsusuri nito.
Lubos na naunawaan
Naunawaan
Naguluhan
8
9
10
11
12
13
Dahil madali mo lang nasagutan ang unang pagsasanay,
heto pa ang isa pang gawaing magpapatibay ng iyong
kaalaman.
COMPLETE ME!
Pamagat ng Pananaliksik
Impormasyon ng Mananaliksik
Paglalarawan ng sample
Paglalarawan ng etika sa
pananaliksik
Pagtalakay sa paglalahad ng
resulta, rekommendasyon at
konklusyon ng pananaliksik
14
Balikan ang mga nagawa sa mga naunang pagsasanay. Ihanda ang iyong mga
nagawa para sa susunod na gawain.
WRITE, RIGHT!
(Pamagat ng Sulatin)
____________________________________________________________
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________
________________.
____________________________________________________________
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________
___________.
____________________________________________________________
__________________________________________________________________
________________________________.
____________________________________________________________
__________________________________________________________________
___________________.
15
Nasagutan mo lahat na pagsasanay.
☺
Panapos na Pagsubok
EXCHANGE PAPER!
16
KARAGDAGANG GAWAIN:
• Makipagpalitan ng ginawang pananaliksik sa Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika
at Kulturang Pilipino sa iyong kamag-aral. Suriin ito at gumawa ng suring-papel ng
hiniram na pananaliksik. Sa may access sa internet, maaaring pumili ng isang
pananaliksik sa Filipino na makikita sa isang website at gawan ng suring papel.
• Maging gabay pa rin ang rubric sa pahina 21. Isumite ang iyong suring papel sa
susunod na linggo na maaaring computerized, type-written o handwritten.
Yehey!
Epic di ba!!!?
Oh, hanggang sa muli!
17
18
Panimulang Pagsubok
1G
2L
3M
4E
5G
Pagsasanay 1, 2, & 3 Panapos na Pagsubok
Magkakaiba ang kasagutan ng mga mag-aaral.
Gagamitin ang Rubrics sa pagmamarka ng awtput.
Susi sa Pagwawasto
Sanggunian
Averion, Gisella et.al. (2015). Karanasan ng batang ina: isang pananaliksik. LPU Laguna
Journal of Arts and Sciences: Psychologival Research Journal Vol. 2, No. 2 September 2015.
Research and Staticstics Center LPU Laguna. lpulaguna.edu.ph/.../KARANASAN-NG-ISANG-
BATANG-INA-ISANG- PANANALIKSIK.pdf
1. Balunsay, Jovert R. (2020). Maunlad na pananaliksik sa Filipino. 61 Murralla St., Intramuros,
Manila: Mindshapes Co., Inc.
2. Baraceras, Esther l. (2016). Practical Research 1 (First Edition). Quezon City: Rex Bookstore.
3. Boswell, C., & Cannon, S. (2009). Critique process. In C. Boswell & S. Cannon (Eds.),
Introduction to nursing research: Incorporating evidencebased practice (pp. 291-316).
Retrieved from http://samples.jbpub.com/ 9780763794675/Critique_Process.pdf
4. Brink, P. J., & Wood, M. J. (2001). Basic steps in planning nursing research from question to
proposal (5th ed.). Boston, MA: Jones and Bartlett.
http://virtual.clemson.edu/group/odce/summer1_03/nursT807/pdf
5. Broadway, M. & Zamora, C. (2018). Ang Filipino Bilang Wika sa Matematika: Isang
Palarawang Pagsusuri sa Kaso ng isang Pribadong Paaralan (Filipino as a Language of
Mathematics: A Descriptive Analysis in the Case of a Private School in the Philippines)
Philippine Normal University. The Normal Lights Volume 12, No. 1
(2018)https://pdfs.semanticscholar.org/.../
cd3e951c82c11bc0890a386bf77a6a3f3bee.pdf
6. Carillo, RC. et.al (2019). Epekto ng paggamit ng social media sa paggamit ng wika. Mapua
Univeristy.
https://www.researchgate.net/.../340953850_Epekto_ng_Paggamit_ng_Social
_Media_sa_Paggamit_ng_Wika
7. Fungo, Charina.(2015). Information and Computer Technology gamit sa pagtuturo ng florante
at laura. Unpublished Masteral Thesis. Sorsogon State College, Sorsogon City.
8. Holder, B. (2003). The research critique. Available at
http://virtual.clemson.edu/group/odce/summer1_03/nursT807/pdf
9. Pasion, Raymond M. (2014). Varyasyong Leksikal sa mga Dayalektong Mandaya.Davao
Oriental State College of Science & Technology. Mati City, Davao Oriental, Philippines.
Published Thesis. Asia Pacific Journal of Multidisciplinary Research. Vol. 2, No.6 (December
2014). oaji.net
10. Polit D. Beck C (2006) Essentials of Nursing Care: Methods, Appraisal and Utilization. 6th
edn. Lippincott Williams and Wilkins, Philadelphia
https://www.unm.edu/~unmvclib/cascade/handouts/critiquingresearchpart1.pdf
12. https://www.ausmed.com
13. https://www.dictionary.com/browse
14. https://www.englishclub.com
15. https://www.merriam-webster.com/dictionary
16. https://quizlet.com
19
Para sa iba pang tanong at puna, maaaring sumulat o tumawag sa: