Professional Documents
Culture Documents
Filipino SHS Week 1 (Dry Run)
Filipino SHS Week 1 (Dry Run)
ARALIN1
KONSEPTONG PANGWIKA
LAYUNIN:
Natutukoy ang mga kahulugan at kabuluhan ng mga konseptong pangwika,
Naiuugnay ang mga konspetong pangwika sa sariling kaalaman, pananaw, at mga karanasan,
Nagagamit ang kaalaman sa modernong teknolohiya sa pag-unawa ng konspetong
pangwika, at
Naiuugnay ang mga konspetong pangwika sa mga napakinggan at napanood na sitwasyong
pangkomunikasyon sa radyo at telebisyon.
PANIMULANG GAWAIN:
Panuto: Isulat sa loob ng bilohaba kung ano ang wika para sa iyo. Tignan ang una bilang
halimbawa. Ilagay ang mga kasagutan sa iyong notbuk.
midyum ng
komunkasyon
WIKA
PAGTALAKAY NG ARALIN:
Wika
Ang wika ay isang matibay na sandata tungo sa pagkakaunawaan at pagkakaisa. Isa itong
napakahalagang susi sa larangan ng pakikipagkomunikasyon sa iba’t ibang lahi o lipi.
Sa pinakapayak nitong kahulugan, ang wika ay tumutukoy sa sistematikong instrumento ng
pagpapahayag ng kaalaman, paniniwala, opinyon damdamin at iba pa, ng isang grupo ng tao.
Ayon kay Gleason ang wika isang masistemang balangkas ng sinasalitang tunog na pinili at
isinaayos sa paraang arbitraryo upang magamit sa komunikasyon ng mga taong nabibilang sa isang
kultura. Sa pagbibigay kahulugan nito, matutukoy na rin ang katangian at kalikasan ng wika.
Maraming kahulugan ang wika lalo na sa mga dalubhasa sa larangang linggwistika ngunit iisa
din lamang ang diwa na kanilang ipinababatid ito ay ang komunikasyon.
Ang totoo, ang wika ang pinakamahalagang instrument na taglay ng tao. Ginagamit natin ito
sa lahat ng pagkakataon. Tayo bilang lumilikha at lumilinang ng wika mula sa pagsasalita hanggang sa
naimbento ng pagsulat, naitala ang kabihasnan o kasaysayan dahil sa wika
Gawain 1.1
Tanong: Anong mga pangyayari o bagay sa iyong paligid ang nasasabi mong malinaw na
nagsimula sa wika? Bakit? Kumuha ng mga patunay sa internet. (Bigyang pagpapahalag ang siniping
reference o source). Ilagay ang iyong nasaliksik sa notbuk.
1
Katangian ng Wika
Gawain 1.2
Panuto: Ipahayag ang iyong pagkakaunawa sa mga sumusunod na katangian ng wika. Ilagay ang
iyong mga kasagutan sa iyong notbuk.
2
Barayti ng Wika
Gawain 1.3
Tanong: Ang bawat isa ay may kani-kaniyang kaparaanan ng paggamit ng wika, ito ay idyolek na
tumutukoy sa dayalek na personal ng isang tagapagsalita o ispiker. Magbigay ng sampung (10)
personalidad na prominente ang kanilang idyolek. Isulat rin ang kanilang tagline o madalas bitawan
na salita. Itala ang iyong kasagutan sa notbuk.
PANGKALAHATANG GAWAIN:
Pangalan: _________________________________________________________________________________________________
Taon at Grupo: ___________________________________________________________________________________________
PAGSUSURING WIKA:
Pangalan: _________________________________________________________________________________________________
Taon at Grupo: ___________________________________________________________________________________________