Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 168

Bachelor of Secondary Education- Major in Filipino

Kompilasiyon ng mga Aralin sa


Malikhaing Pagsusulat
2st Semester, A.Y.2021-2022

Ipinasa ni:
Happy Sweet T. Casas

Ipinasa kay:
Dr. Amparo Fernandez
Panimula

Deskripsyon ng Kurso: Lilinangin ng kurso ang kasanayang praktikal at malikhain sa pagbasa at pagsulat;
ipauunawa at tatalakayin ang mga pundamental na teknik sa pagsulat ng maikling kuwento, tula, at dula na
ginamit ng mga kilalang manunulat ng nabanggit na mga anyo. Tutuon ang klase sa matalas na pagsusuri sa
mga teknik at worksyap ng mga burador ng mga mag-aaral sa lalo pang ikaiinam ng kanilang mga manuskrito.
Matutuhan ng mga mag-aaral ang pagsasanib ng inspirasyon at rebisyon at ang malalim na pagkaunawa sa mga
anyo.
Ang malikhaing pagsusulat (Ingles: creative writing) ay anumang pagsusulat na lumalabas sa mga hangganan
ng karaniwang prupesyunal, pampamamahayag, pang-akademiya, o teknikal na mga anyo ng panitikan, na
pangkaraniwang nakikilala sa pamamagitan ng pagbibigay ng diin sa kagalingan o kasanayang
pangpagsasalaysay, pagpapaunlad ng tauhan, at paggamit ng mga tropong pampanitikan. Dahil sa kaluwagan ng
kahulugan, maaari para sa pagsusulat na katulad ng mga tampok na kuwento upang maituring bilang malikhaing
pagsusulat, bagaman nakapailalim ang mga ito sa pamamahayag, dahil sa ang nilalaman ng mga tampok ay
tiyakang nakatuon sa pagsasalaysay at pagpapaunlad ng tauhan. Ang mga akdang kathang-isip at hindi kathang-
isip ay kapwa sumasailalim sa ganitong kategorya, kasama na ang mga anyong katulad ng mga akdang-buhay,
mga talambuhay, mga maiikling kuwento, at mga tula. Sa kapaligirang pang-akademiya, ang malikhaing
pagsusulat ay karaniwang pinaghihiwalay-hiwalay sa mga uring kathang-isip at panulaan, na may pagtutuon sa
pagsusulat na nasa estilong orihinal, na salungat sa paggaya ng dati nang umiiral na mga henerong katulad
ng krimen o katatakutan. Ang pagsusulat para sa pelikula at entablado— pagsusulat ng senaryo (screenwriting)
at pagsusulat ng dula— ay itinuturo nang magkahiwalay, subalit naaangkop din sa kategorya ng malikhaing
pagsusulat.
Ang malikhaing akda ay isinusulat upang magbigay-aliw sa mambabasa at bigyan sila ng pag-unawa sa
kanilang buhay at sa lipunang kanilang ginagalawan. Ang mga sumusunod ay ilang anyo ng malikhaing sulatin:

 memoir
 awtobiyograpiya
 nobela
 nobeleta (mahabang maikling kuwento o maikling nobela)
 maikling kuwento
 dagli o flash fiction (napakaikling kuwento na binubuo lamang ng ilang daang salita)
 tula
 personal na sanaysay
 epiko
 komiks o graphic novel
 dula (panteatro, pampelikula, pantelebisyon)
 kanta o awit
Kasiya-siya ang pagbasa ng mga malikhaing akda. Isa itong sining na pumupukaw sa ating damdamin at isipan
habang binibigyan tayo ng iba’t ibang anggulo upang sipatin ang ating sarili at ang ating kapaligiran.
Nagbabasa tayo ng tula at kuwento dahil may nakukuha tayong kakaiba sa pagbabasa sa mga ito, ang kasiyahan
na hindi karaniwang nakukuha mula sa ibang uri ng sulatin.
Bachelor of Secondary Education- Major in Filipino

Kompilasiyon ng mga Aralin sa


Kulturang Popular
2st Semester, A.Y.2021-2022
Ipinasa ni:
Happy Sweet T. Casas

Ipinasa kay:
Dr. Amparo Fernandez

Panimula
Deskripsyon ng Kurso: Mula sa paggising sa natutulog na kamalayan ng bawat Pilipino, tinatayang ang substansya ng
kulturang popular ang siyang gumagaya sa ating buhay – paghinga, pagtibok ng pulso’t puso, pagtunay ng pagkain at
pagkagutom, pagkaantok at pagsigla, pagtawa at pag-iyak. May malaking pagtataya ang kulturang popular sa ating katawan
bilang behikulo para maisulong ang pagdanas sa lipunan, kasaysayan at (post) modernisasyon. Bibigyang pansin sa kursong
ito ang tatlong antas ng krisis na isinasaad sa panitikan ng kulturang popular. Sinasaklaw rin ang aralin sa pag-aaral at
pagsusuri ng iba’t ibang kulturang popular e.g, pelikula, musika, komiks at pahayagan, mga programang panradyo at
pantelebisyon na nakakaimpluwensya sa paghugob ng kamalayan at kaakuhan o identidad.Bunga ng Pagkatuto

 Ang kulturang popular ay ang tinatangkilik ng karamihan sa lipunan, halimbawa ang mga pelikula at ang mga teleserye,
sa mga damit na sinusuot at ang mga artista na tinitingalaan namin – lahat ito ay nasa sakop ng kulturang popular. Ang ng
ginagawa naming, sa mga salita at ang mga akysons – ito ang subconscious na pagnanais sa mga bagay na popular sa
karamihan. Ito ang isang simpleng paliwanag para sa kulturang popular, pero ano talaga ANG ‘kulturang popular?’ May
maraming ideyas na lumikha ang tinatawag naming ‘kulturang popular.’ Isa, tumatakbo ang kulturang popular sa
prospekto ng kita. Kung walang kita o potensyal na negosyo mas maliit ang impluensya ang mga kompanya sa
komunidad. Laging nagdadala ang mga kompanya ng mga bagay na nakatingin nila may potensyal na maging popular
dahil ito ang paanong tumatakbo ang mga kompanya – nagdala ng mga produkto na lilikha ng pinakamaraming kita. Dahil
sa itong pananaw, karaniwan maganda ang mga produkto na dinadala ng mga kompanya, katulad sa mga damit o mga
restawrans, at ito ay gumagawa ang trend na sinusundan naming.  Gumagawa ang pagnanais na umiral sa kulturang
popular ang konsepto ng sado-masokismo. Ito ang kagustuhan para makukuha ng kasiyahan sa pagkuha ng mga bagay na
tinatawag naming ‘kulturang popular.’ Isang halimbawa ay ang kagustuhan ng bagong tatak ng Nike o Adidas na sapatos .
Kahit mataas ang presyo nila, ang pangangailangan ng mga bagay na ito ay lumamang ng mas importanteng at
mapakikinabangan na bagay. Ito ang negatibong aspekto ng sado-masokism sa kultura namin. Ito ang dahilan kung bakit
may mga bagay na may pekeng tatak katulad sa mga bagay na binebenta sa Greenhills. Ang layunin ng mga ito ay para
lang matutupad ng kasiyahan sa pamamagitan ng kahulugan na binibigay ng isang tatak.

       Nagmula ang kulturang popular sa mga sentro ng lipunan. Ang Maynila, ang kapital ng Pilipinas, ay isang halimbawa
– dumadaloy ng maraming internasyonal na negosyo sa mga sentro ng bayan dahil maraming ginaganap na mangalakal
dito . Dahil iyon, malaki ang impluensya nila sa lipunan at ang pagkalantad sa mga internasyonal na produkto.
Tumutulong ang nosyon na laging maganda ang mga dayuhang produkto sa pagkalat ng trend sa lipunan. Sa huli,
dumadaloy ang impluensya ng mga ito sa mga iba’t ibang estado ng buhay. Ito ang ilang mga ideyas na bumubuo ng
tinatawagang naming kulturang popular, pero may mas malalim na pananaw na naroroon. Hindi pareho ang kulturang
popular sa lahat ng mga tao na sinusunod ito. Kahit na may isang particular na trend, maaring mayroong iba’t ibang
kahulugan. Kahit na may isang partikular na bagay na itinuturing naming bilang isang ‘kulturang popular,’ ang mga tao ay
may sariling pananaw sa pagkita ito. May iba’t ibang mga kategorya kung saan naming tingnan ang mga ibang ng mga
tao.

       Isang pananaw ay ang paghati ng itaas at ibaba o mga ibang estado ng buhay. Maaring tingnan ang isang tao sa isang
partikular na trend depende sa kapasidad sa kanilang kaya para makabili ito. Isang halimbawa ay ang iPhone. Tinitingnan
ng mga taong may kayamanan ng iPhone bilang isang normal na telepono at walang masyadong importansya sa kanilang
bagay kundi iyon. Pero ang mga taong na wala masyadong kayaman at nagsakripisyo para makukuha nila ang iPhone ay
bumubigay ng higit pang importansya at mas lalong silang magbigay ng kahalagaan so ito. Halimbawa ito sa isa sa mas
maraming pananaw sa kulturang popular, may kultural na kategorya, na nakikita naming ng mga bagay sa pamamagitan
ng mga sosyal na kaalaman. May global at lokal na kategorya na bumubigay ng relasyon ng dalawa sa ating lipunan
katulad sa iHop, isang restawran. Mas maliit ang kanilang mga servings ng pagkain para makibagay sa mas maliit na
apetito ng mga Pilipino.May mas malalim na bagay sa pag-uunawa ng kulturang popular kasya sa kung ano ang maari
naming makikita sa labas. Importante ang pag-aaral ng kulturang popular dahil bumibigay ito ng mas malaking kamalayan
sa aming lipunan at ang kulturang naapekto ito. 
Bachelor of Secondary Education- Major in Filipino

Proyekto sa Asignaturang
Dulaang Filipino
2st Semester, A.Y.2021-2022

Ipinasa ni:
Happy Sweet T. Casas

Ipinasa kay:
Dr. Amparo Fernandez
"BAKIT BABAE ANG NAGHUHUGAS NG PINGGAN"
-isa itong uri ng komedya na patungkol sa dalawang pasaway na mag-asawa.
Characters:
Yoh - asawa ng bungangera na si Anna.
Anna - ang bungangerang misis.
Hao siginoong albularyo mula sa kabundukan ng Tralala,
Ren - mayamang ginoo.
Horo-horo - kapitbahay nina Yoh at Anna.
Tamao - isa pang kapitbahay.
Manta - isang extra.

Sa isang maliit na barangay na hindi ko alam kung saan, may roong naninirahan na mag-asawa. Yun
nga sina Yoh at Anna. Si Yoh ay isang tamad na asawa (alam nating lahat iyon) at si Anna ay
bungangera (alam din natin yon). Isang araw.
Anna: Yoh! Magsibak ka ng kahoy!
Yoh:.
Anna: (lapit sa asawa sabay sigaw) YOH! HINDI BA SABI KO SA IYO MAGSIBAK KA NG
KAHOY!
Yoh:(nagulat at nahulog mula sa upuan) Ha? Ahoo nga sabi konga chehehe. (sabayalis)
* salabas ng bahay habang nagsisibak ng kahoy si Yoh. *
Horo-horo: Aba! Kumpareng Yoh! Kamusta ka na?
Yoh: Eto ganun pa rin.
Horo-horo: Bal Hindi ako makapaniwalang hanggang ngayon ay under ka pa rin dyan kay Anna!
Akala ko kapag kasal na kaya eh babait na yon. (napakamot sa ulo)
Yoh:cheheh. ganon lang talaga yon.
Horo-Horo: Alam ko na bakit hindi mo kaya subukang sabihin sa kanya na sawa ka na sa pang uunder
nya sa iyo?
Yoh:Huh? Hmm. O sige pag-iisipan ko.

Horo-horo: yan ang lalaki! (sabay alis)


* Pagkatapos ni Yoh na magsibak ng kahoy ay pumasok na siya sa bahay. Doon nya naabutan si Anna
na nanonood ng Dolphin Bay.
Yoh:Anna! Tapos na akong magsibak!
Anna: buti naman. Magluto ka naman ngayon.
Yoh:Pero. (biglang tumitig si Anna)
Anna: Pero ano?
Yoh: ah? Wala wala. Hehehe. Sige. (sabay alis)
* Nagluto na nga si Yohan pagkatapos nilang kumain ni Anna."
Anna: 0, linisan mo na yang mga plato.
Yoh:Ha eh ikaw na lang.
Anna: (gulat) Aba! At sumasagot ka na ngayon! Ako ang asawa mo kaya dapat mo akong pagsilbihan!
Hindi pwede ang tatamad-tamad sa pamamahay na ito! Naiintindihan mo?
Yoh:(takot perosige pa rin) Eh masyado mo naman akong inaabuso!
Anna: (Shocked)Inaabuso? Hoy para sabihin ko sa iyo, hindi kita nire-rape! Kapal ng apog mo!
Yoh:(Natawa) Hindi yun ang ibig kong sabihin. Dapat gumagawa ka rin sa bahay.
Anna: Ayoko nga.
Yoh: Ah alam ko na. Pustahan na lang tayo. Kung sinong unang magsasalita o gumalaw ang siya ang
maghuhugas nga mga pinggan simula ngayon.
Anna: Sige.
* At nagsimula ang pustahan. Si Yoh ay nanatili sa kanyang upuan at nakatitig lamang kay Anna. Si
Anna naman ay nakaupo rin medyo malapit kaya Yoh. Maya-maya."
Ren: Heto na naman ako. Hoy utang nyo bayaran nyo na!
Anna at Yoh:.
Ren: Hello! May kausap ba ako dito?
Anna at Yoh:.

Ren: Huh? Magsalita naman kayo. Tinatakot nyo naman ako eh.
Anna at Yoh:.
Ren: Yikes! Tatawag na ako ng albulary o! Baka sinapian na itong mga ito! (sabay takbo) *Tumawag
nga si Ren ng albularyo na nagmula pa sa mahiwang kabundukan ng Tralala. Ito ang pinakamahusay na
albularyo. Si Hao.
Hao: (Tinitingnan ang mag-asawang hindi gumagalaw) Ngayon laman ako nakakakita ng ganito!
Tamao: (habang nakiki-usyoso)Naku kawawa naman sila!
Horo-horo: (nakiki-usyoso rin) Oo nga.
Hao: hmmm. Sa tingin ko kailangan nilang sumailalim sa isang banal na seremonya. (daan si Manta)
Hoy bata, pwede mo bang kunin ang mga ito para sa akin? (Sabay abot sa isang listahan kay Manta).
Manta: Ha, o sige po. (sabay alis)
Hao: Ang kailangan lang nating gawin ay maghintay para sa pagbabalik ng batang iyon. * Makalipas
ang ilang saglit, bumalik si Manta bitbit ang isang malaking supot.
Manta: Tatang, etona po yung pinapakakuha ninyo.
Hao: (nagalit) Hoy! Wag na wag mo akong tatawaging tatang! For your information, 18 pa lang ako.
Pero kung pagbabasehan mo yung past life ko, pwede mo na akong tawaging tatang.
Manat a: Eh di ganun din po iyon! Sige po! Babay! (takbo)
Hao: Diyaskeng bayayunah. Bueno, magagawa ko na ang seremonya. Ah! Eto na ang mga kailangan
ko: Dragon Katol! Siguradong lamok ay tepok! (May American accent)(sinindihan ang katol) At eto rin
ang tawas! Uyang dami pa! Tekanga, makadek wat nga ng kaunti para may magamit ako.
Horo-horo: Haha! Tawas lang pala ginagamit mo eh!
Hao: (napahiya) Eh bakit ikaw, anong gamit mo ?
Horo-horo: Ako Secret Platinum! Spring Breeze yung scent!
Hao: (natawa) E pambabae yun diba?

Tamao: Oo nga kasi akin talaga yun! Gumagamit siya pag hindi akonakatingin kaya pala ang bilis
maubos!
Hao: Teka nga. Sisimulan ko na nga itong seremony al Tama na ang diskusyong tungkol sa deodorant!
* Nagsagawa ng seremonya si Hao. Ang dami dami na niyang nasindihang katol kaya ang baho.*
Anna: (sa isip) yuck! Ang baho baho naman ever!Yoh: (sa isip rin ang bantot! Amoy putok! Ayokong
masinghot dahil mas malala pa ito sa utot ngtaong may kinaing bulok! (galing kong mag-rhyming no!
joke jokejoke)
*Wala pa ring nangyayari dahil hindi naman sinapian sina Yoh at Anna. Wala nang maisip si Hao
kaya ito na lang ang huli niyang maisip.*
Hao: Eto na lang ang alam kong solusyon. Ang paggamit sa mahiwagang baston na mula sa
mahiwagang bundok. Ang bundok ng Smokey Mountain!
Tamao at Horo-horo: Yuck!
Hao: He! Manahimik kayo! Eto na! Idinadalangin ko sa mga banal na espiritu ng Smokey mountain na
iligtas ninyo itong mag-asawang ito mula sa mga masasamang kal uluwa! Yaaah! (hahampasin ng
bastonsi Anna kaso biglang tumayo at nagsalita si Anna)
Anna: (inis) Hoy ginoong albularyo, wag mo nga akong mahampas-hampas! Baka sampalin kita dyan!
Wala akong balak magkaroon ng pasa noh! Paano na ang aking flawless skin kung magkakapasa ako?
Horo-horo at Tamao: Yehey! Ang galing-galing ni ginoong albularyo! Napagaling niya si Anna!
Yoh:Yehey rin kasi si Anna ang unang nagsalita! Siya ang maghuhugas ng plato simula ngayon!
Yehey! (nagpagulong-gulong sa lupa)
Anna: Kainis kasi kayo! Napaka pakialamero talaga ninyo!
Horo-horo, Hao at Tamao: Huh?
Anna: Nagpupustahan lang kami ni Yoh na kung sinong unang magsalita o gumalaw ang maghuhugas
lagi ng plato! Bwisit talaga kayo!
Horo-horo: Pasensya na po madam Anna.
Anna: Hmmph!
Narrator: At iyan ang dahilan kung bakit babae ang naghuhugas ng Pinggan!
Tapos na po
Bachelor of Secondary Education- Major in Filipino

Kompilasiyon ng mga Aralin sa


Istraktura ng Wika
2st Semester, A.Y.2021-2022

Ipinasa ni:
Happy Sweet T. Casas

Ipinasa kay:
Dr. Amparo Fernandez
Istruktura ng Wikang Filipino

Ang wika ay isang masistemang balangkas dahil ito ay binubuo ng mga makabuluhang tunog (fonema)
na kapag pinagsama-sama sa makabyluhang siwens ay makakalikha ng mga salita(morfema) na bumabagay sa
iba pang mga salita (semantiks) upang makabuo ng mga pangungusap. Ang pangungusap ay isang istraktyur
(sintaks) na nagiging basehan sa pagpapakahulugan sa paggamit ng wika.

Ang pag-aaral ng istruktura ng wikang Filipino ay nagsisimula sa pag-aaral ng ponolohiya, ito ay ang
pag-aaral ng fonema o makabuluhang yunit ng binibigkas na tunog sa isang wika.

Ang Morpolohiya o morfoloji naman ay ang pag-aaral ng morfema; ito ay tawag sa pinakamaliit na
makabuluhang yunit ng salita sa isang wika. Sa Filipino, mayroong talong uri ng morfema, ito ay ang salitang –
ugat, panlapi at fonema. Halimbawa sa salitang “mag-laba, ang salitang ugat ay ang “laba”, “mag” naman ang
panlapi at ” a” ang fonema”

Sintaksis ang tawag sa pag-aaral ng sintaks o ang formasyon ng mga pangungusap sa isang wika. Sa
Filipino, maaaring mauna ang paksa sa panaguri at possible naming pagbaligtarin ito. Samantalang sa ingles ay
lagging nauuna ang paksa. Bilang halimbawa ay gamitin natin ang pangungusap na “Ang puno ay mataas”.
Maaari natin itong balgtarin na “Mataas ang puno.” Sa ingles ito ay The tree is tall, at ito ay hindi maaring
baligtarin na “Tall the tree”.

Ang Semantiks ay ang pag-aaral ng relasyon ng salita sa bawat isa sa iisang pangungusap; ang mga
salita sa pagbuo ng pangungusap ay bumabagay sa iba pang salita sa pangungusap upang maging malinaw ang
nais ipahayag.

Ang Sintaks ay tumutukoy sa set ng mga tuntunin na pumapatnubay kung paano maaring pagsama-
samahin o pag-ugnayin ang mga salita sa pagbuo ng parirala o pangungusap. Ang parirala ay tawag sa lipon ng
mga salita na walng paksa at panaguri na ginagamit para makabuo ng pangungusap. Sugnay ay ang lipon din ng
mga salita na maaring may diwa at maari ring wala. Maaari rin itong magkaroon ng paksa at pang-uir at maari
ring wala. Mayroog dalawang uri ng sugnay, ito ay ang sugnay na makapag-iisa, ang sugnay na ito ay
mayroong diwa at ang sugnay na hindi makapag-iisa na tinatawag ding pantulong na sugnay sapagkat ito ay
walang diwa kung hindi ito isasama sa punong sugnay o sugnay na makapag-iisa.

Ang Hugnayan naman ay nagpapahayg ng isang punong kaisipan at isang pantulong na kaisipan.
Halimbawa ; Magiting na ipinagtanggol ni Benjie ang kanyang kakayahang kumanta nang siya’y pagtawanan
ng buong klase. Langkapan naman ang tawag sa isang punong kaisipan o dalawa o higit pang pantulong na
kaisipan. Halimbawa: Nagalit sa amin si Sir Enarle dahil maingay kami at hindi nakikinig.

Ang Pangungusap ay bahagi ng pananalitang nagsasaad ng diwa. Ito ay binubuo ng simuno o paksa at
ang panaguri. Ang simuno ay tumutukoy sa pinag-uusapan sa pangungusap samantalang ang panaguri naman ay
ang nagbibigay kaalaman o impormasyon sa paksa.

You might also like