Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 44

K

Kindergarten
Ikalawang Markahan- Modyul 13
Ika-13 Linggo:
May Pagkakaiba at Pagkakatulad ang
mga Pamilya

Kindergarten Modyul
Ikalawang Markahan Ika-13 Linggo: Modyul 13:
May Pagkakaiba at pagkakatulad ang mag Pamilya

Republic Act 8293, section 176 states that: No copyright shall subsist in
any work of the Government of the Philippines. However, prior approval of the
government agency or office wherein the work is created shall be necessary for
exploitation of such work for profit. Such agency or office may, among other
things, impose as a condition the payment of royalties.

Borrowed materials (i.e., songs, stories, poems, pictures, photos, brand


names, trademarks, etc.) included in this book are owned by their respective
copyright holders. Every effort has been exerted to locate and seek permission
to use these materials from their respective copyright owners. The publisher
and authors do not represent nor claim ownership over them.

Regional Director: Gilbert T. Sadsad


Assistant Regional Director: Jessie L. Amin

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul


Manunulat: Jocelyn S. Bara; Jenny B. Begino; Rannel B. Buenabajo; Glennis J.
Bongalon; Amerisa Joy B. Cariso; Gracezel May B. Bolo; Geshiel B.
Ballaran; Zyndy D. Bitadora; Melinda B. Cañon; Sheena B. Bornilla;
Marie Grace E. Cornelio; Marjo B. Miranda; Maria Elena T. Bootan;
Ma. Odessa C. Bogñalbal; Catherine B. Mayor

Editor: Jennifer B. Bordeos

Tagaguhit: Glennis B. Bongalon; Sheena B. Bornilla; Marjo B. Miranda; Ma.


Odessa C. Bogñalbal; Geshiel B. Ballaran

Tagalapat: Brian Navarro


Ikalawang Markahan
Ika-13 Linggo

Content Focus for the Week: Nagkakaiba at nagkakatulad


ang bawat pamilya.

DAY 1

Message for the Day: Nagkakaiba at nagkakatulad ang bawat


pamilya ayon sa bilang ng kasapi nito.

I. Panimula

Ang modyul na ito para sa unang araw ng ikalabing-tatlong linggo


ay inihanda upang matutunan ng mga bata ang konsepto tungkol sa
pagkakatulad at pagkakaiba ng pamilya ayon sa bilang ng kasapi.
Binibigyang-halaga rin ang kahalagahan ng pamilya at ang
magandang samahan ng mga kasapi nito.

II. Mga Layunin

A. Pagpapaunlad sa Kakayahang Sosyo-Emosyunal


1. Pakikisalamuha sa iba Bilang Kasapi ng Pamilya
 Natutukoy ang pagkakaiba at pagpagkakatulad ng pamilya
ayon sa bilang ng kasapi nito.
1
 Natututukoy kung sinu-sino ang bumubuo ng pamilya

B. Language, Literacy and Communication (LL)


 Tell the title of the story, the author and the illustrator)
 Listen attentively to stories
 Recall details of the story listened to
 Give the sound of letter Nn
 Identify objects whose names start with /n/
C. Mathematics (M)
 Recognize and identify numerals 0-4
D. Kagandahang Asal
 Nakapagliligpit ng sariling gamit
E. SINING
 Nakakalikha ng iba’t ibang bagay sa pamamagitan ng
malayang pagguhit
 Nakaguguhit ng bawat kasapi ng pamilya

III. Mga Kagamitan


 Kopya ng Kuwento (Isang Masayang Umaga)
 Lapis
 Activity sheets

IV. Gawain sa Pagkatuto

A. Literacy /Story Reading


2
1. Bago Magbasa
a. Book and Print Knowledge
Para sa Facilitator:
 Ipakita sa bata ang kopya ng kuwento.
 Sabihin ang pamagat ng kuwento.
 Sabihin kong sino ang sumulat at gumuhit nito
b. Paghawan ng Balakid
hapag-kainan- lugar sa loob ng bahay kung saan sama
samang kumakain ang mag-anak.
c. Motivation Question
Itanong sa bata:
Pang ilan ka sa inyong magkakapatid?

d. Motive Question:

Sabihin ng Facilitator: Sa kuwentong babasahin ko, alamin


kung pang ilan si Toti sa kanilang magkakapatid.

2. Habang Nagbabasa
Para sa Facilitator:
 Basahin ang kuwento na may pamagat na
“Isang Masayang Umaga.”
(see Appendix A)
 Paminsan-minsan, habang nagbabasa, hihinto ka para
magtanong sa bata tungkol sa bahagi ng kuwento na binasa
mo.
3. Pagkatapos Magbasa

3
(Magtatanong ang Facilitator pagkatapos basahin
ang buong kuwento.)
 Pang ilan si Toti sa kanilang magkakapatid?
 Sino sino ang kasama niya sa bahay ?
 Bakit kaya tumutulong ang magkakapatid sa gawaing bahay?
 Kung ikaw si Clara o si Lita o si Toti, tutulong ka rin ba sa
mga gawaing bahay ?
 Anong gawaing- bahay ang kaya mong gawin? Ipakita ito.
B. Literacy Activities
 Family Tree (See Appendix B)
 Mga bagay na Nagsisimula sa titik Nn (See Appendix C)
C. Numeracy
 Pictograph (See Appendix D)

V. Panapos na Gawain

Para sa Facilitator:
Itanong:
 Ano ang natutunan mo sa kuwentong ating binasa ngayon?
 Tumutulong ka rin ba sa mga gawaing-bahay? Bakit?
 Inililigpit mo ba ang mga gamit mo? Bakit?

VI. Takdang Aralin

Turuan /gabayan ang bata at matuto na:


Gumamit ng mga magagalang na pananalita tulad ng po/opo
at pagtawag sa nakatatandang kapatid na ate o kuya.

4
Gabayan din sila na maging matulungin sa mga gawaing-
bahay.

Appendix A

Isang Masayang Umaga


Kuwento ni: Jennifer B. Bordeos
Iginuhit ni: Glennis B. Bongalon

Ako si Toti. Panganay ako sa magkakapatid. Isang araw


ng Sabado, ginising kami ni Nanay upang mag almusal.
Iu56jpsd6

Bumangon kaming tatlo at nagdasal. Lumabas na kami


ng kuwarto. Naghihintay
5 na sa amin sa hapag-kainan
sina Nanay at Tatay.
“Nanay, ako na po ang maghuhugas ng pinagkainan natin”,
sabi ni Clara.
“Ako po ang magpupunas ng mesa”, sabi ni Lina, ang
aming bunso.

“SaLamat, Clara at Lita.” Ako na ang bahalang mag walis


sa ating bakuran.

“Ako na po ang magsasalok ng tubig. Ako na rin po ang


magkukuskos sa mga kaldero at kawali”, alok ko.

Paglabas ko ng kusina nakita ko si Tatay na abala sa


pagpapakain ng mga alaga naming manok at baboy.

“Tatay, pwede po ba akong tumulong sa pagpapakain ng mga alaga


natin?”
“Salamat, Toti. Halika tulungan mo na ako para matapos na ito.”

Tuwang tuwa sina Nanay at Tatay sa ginawa naming


magkakapatid. Masaya naming tinapos ang mga gawain
namin sa araw na iyon.

6
Appendix B

FAMILY TREE
Panuto:
1. Iguhit ang larawan ninyong magkakapatid. Iguhit
ito sa mga kahon na nakasulat ay “Anak”’
2. Iguhit ang larawan ng iyong mga magulang. Iguhit

7
sila sa kahon na nakasulat ay Tatay at Nanay.

Anak
Anak Anak

Tatay Nanay

Mga gabay na katanungan:


Ano ang pangalan ng iyong nanay/tatay? Anak
Sino sino ang iyong mga kapatid?
Appendix C

Panuto: Kulayan ang larawan ng mga bagay na ang pangalan ay


nagsisimula sa tunog na /n/.

8
nota

natong niyog

Nene nigo

Appendix D

Pictograph
Panuto:Pag-aralan ang larawan ng dalawang pamilya. Bibilangin ang
kasapi ng pamilya sa tulong ng facilitator. Kulayan ng dilaw ang
bilang ng pamilya Abalos at asul naman sa pamilya Bendal.

9
Abalos Bilang ng Pamilya

4
Bendal
3

Itanong ang mga sumusunod:


1. Ilan ang myembro ng pamilya Abalos?
2. Ilan ang myembro ng pamilya Bendal?
3. Sinong pamilya ang mas marami ang myembro?
4. Sinong pamilya ang mas kaunti ang myembro?

Ikalawang Araw

Message of the Day: Nagkakaiba at nagkakatulad ang pamilya ayon


sa hanapbuhay ng magulang.

I. Panimula

Tumutukoy ang aralin sa ikalawang araw sa pagkakaiba at


pagkakatulad ng pamilya ayon sa hanapbuhay ng magulang.

II. Layunin 10
A. Pagpapaunlad sa Kakayahang Sosyo-Emosyunal
 Natutukoy ang pagkakaiba at pagkakatulad ng pamilya ayon sa
hanapbuhay ng magulang
B. Language,Literacy and Communication
 Tell the title of the story, the author and the illustrator
 Listen attentively to stories
 Recall details of the story listened to
 Give the sound of letter Nn
 Name objects whose names begin with /n/
 Express simple ideas through symbols
C. Mathematics (M)
 Recognize and write numerals 0-4
 Count object with one to one correspondence up to qualities of
4
 Recognize and identify number 0-4
D. Kagandahang Asal
 Pinagmamalaki ang trabaho ng kanilang mga magulang

III. Talasalitaan

hanapbuhay- trabaho o pinagkakakitaan ng isang tao

IV. Mga Kagamitan

 Activity Sheets lapis


 Crayons bond paper
 Paste Gunting
11
 Coupon bond Larawan ng Nanay at Tatay

V. Gawain sa Pagkatuto

A. Literacy
1. Book and Print Knowledge
Balikan ang kuwento na binasa kahapon. Banggitin uli ang
pamagat ng kuwento, ang sumulat, at ang gumuhit.
2. Balik aral
Mga tanong:
 Tungkol saan ang kuwento natin kahapon?
 Sino ang gumising kina Toti, Clara at Lita?
 Ano ang mga ginawang tulong ng magkakapatid?
 Anong gawain ang tinapos ni Nanay?
 Ano ang ginawa ni Tatay sa labas ng bahay?
 Kung maraming alagang hayop si tatay, ano kaya ang
kanyang hanapbuhay?
3. Literature-Based Activity

Activity 1- Job Talk


Gamit ang larawan ng Nanay at Tatay, itanong sa bata ang
mga sumusunod:
a. Ano ang trabaho ng iyong Tatay/Nanay?
b. Ano ang ginagawa o gampanin ng tatay/nanay mo sa
bahay?

Activity 2- Poster of words that begin with Nn


(See Appendix A)

12
 Magpakita ng outline ng letrang Nn. Itanong kung anong
letra ito at ituro ang tunog ng letrang Nn.
 Itanong sa bata kung anong mga bagay na makikita sa
kanilang tahanan ang nagsisimula sa tunog na /n/.
 Iguhit sa loob ng outline ng letrang Nn ang mga bagay na
nagsisimula sa tunog na ito.
 Tulungan ang bata sa pagsusulat ng mga pangalan ng mga
larawan.
B. Numeracy

Find, Tally and Graph (Appendix B)

VI. Panapos na Gawain

Gagabayan ng Facilitator ang bata na buuhin ang


pangungusap nang pasalita.

Ang gusto ko paglaki ko ay maging isang______________


dahil ____________________.

VII. Takdang Aralin

Turuan/gabayan na matuto ang bata na:


 ipagmalaki ang hanapbuhay ng magulang
 magsumikap upang maabot ang kanyang pangarap

13
Appendix A

Poster of words that begin with /n/


Iguhit sa loob ng outline ng letrang Nn ang mga bagay na ang
pangalan ay nagsisimula sa tunog na /n/.

Nn 14
Appendix B

Find Tally and Graph


Panuto: Bilangin ang magkakaparehong larawan sa taas ng kahon at
isulat ang bilang nito sa Tally Chart. Ipakita sa graph ang bilang ng
bawat larawan.

Tally
Chart

15
Ikatlong Araw

Message of the Day: Nagkakaiba-iba at nagkakatulad ang


pamilya ayon sa tungkulin o gampanin ng bawat kasapi.

I. Panimula

Tatalakayin sa ikatlong araw ang konspeto ng pagkakaiba at


pagkakatulad ng pamilya ayon sa tungkulin o gampanin ng bawat
kasapi. Bibigyang diin din ang kahalagahan ng pagtutulungan ng
bawat isa.

II. Layunin

A. Pagpapaunlad sa Kakayahang Sosyo-Emosyunal


 Nailararawan kung paano nagkakaiba at nagkakatulad ang
bawat pamilya ayon sa gamapanin o tungkulin ng bawat kasapi
 Naikukuwento ang mga ginagawa ng pamilya nang sama-
sama.
 Nailalarawan ang nagagawa ng mga tagapag-
alaga/Nanay/Tatay/atbp.
B. Language, Literacy and Communication
 Tell the title of the story, the author and the illustrator)
 Listen attentively to stories
 Recall details of the story listened to
 Give the sound of letter Ee
16
 Name objects whose names begin with /e/
 Trace the letters of the alphabet
C. Kagandahang-Asal
 Nakasusunod sa mga utos/gawain nang maluwag sa kalooban
 Nakasusunod sa mga itinakdang tuntunin at gawain
D. Numeracy
 Create simple pictographs
E. Sining
 Nakagugupit at nakapagdidikit ng iba’t ibang hugis na may
iba’t ibang tekstura
F. Kalusugang Pisikal at Pagpapaunlad ng Kakayahang
Motor
 Naisasagawa ang mga sumusunod na kasanayan
- pagtiklop ng papel
- paggupit/pagdikit ng papel

III. Talasalitaan

Pictograph - Ito ay isang uri ng graph na gumagamit ng


mga larawan.

IV. Mga Kagamitan

Storybook paper, crayons activity sheet


Pencil glue, scissors plastic bottle (recycle)
colored papers or used magazines

V. Gawain sa Pagkatuto

A. Literacy
17
1. Book and Print Knowledge
 Balikan ang kuwento na binasa noong nakaraang araw.
Balik-aralan ang pamagat, nagsulat, at gumuhit ng
kuwento.

2. Balik-Aral
Itatanong ng Facilitator:
 Anong gampanin o tungkulin ang ginawa ni Tatay,
Nanay, Clara at Lita, at si Toti?
 Anong gampanin /mga gampanin ang nagagawa mo sa
loob ng inyong tahanan?
 Mahalaga bang gampanan ang mga ito na may
pagkukusa? Bakit?
 Ano ang maaring mangyari kung hindi magampanan
ang mga tungkuling ito?
 Ano ang dapat gawin upang magampanan ang iyong
mga tungkulin?

3. Literature-Based Activity

Gawain:
Picture Match (see Appendix A)

Introduction: Target Letter Ee

 Magpakita ng larawan na nagsisimula sa tunog ng letrang


Ee. (Tingnan ang Appendix B)

18
Hal. eroplano

Itanong ng Facilitator:
 Ano ang pangalan ng nasa larawan?
 Ano ang unang tunog na maririnig sa salitang eroplano?
 Magbigay ng iba pang salita na nagsisimula sa tunog na
Ee.

Gawain:

Worksheet: Letter Ee (see Appendix C)

Add-on Activity: Arts and Crafts


Eroplano: Banko ng Barya

Materials Needed:
 bond paper
 colored paper
(maaring gumamit
ng scrap papers o
lumang dyaryo at magazine)
 gunting
 glue/scotchtape
 bote na plastik (recycle)

Mga Tagubilin:
1. Ihanda ang mga kailangan na mga materyales.
2. Maaring gayahin ang pattern o gumawa ng sariling
design.
3. Sundin ang proseso o mga hakbang sa paggawa.

 Tupiin ang bond paper sa dalawang pantay na


bahagi.
19
 Lagyan ng marka (katulad ng nasa larawan)
ang bahaging gugupitin.

 Ilapat ang bond paper sa bote at idikit gamit


ang glue.

 Kunin ang colored paper. Maaaring gayahin


ang pattern sa larawan o gumawa ng sariling
disenyo para sa mga parte ng eroplano.

 Idikit ang mga iba’t ibang bahagi gamit ang


glue.

 Butasan ang ibabaw na bahagi ng bote at


maaari nang gamitin ang Eroplano: Banko
ng Barya.
B. Numeracy
Gawain:
Tsart ng mga Tungkulin (see Appendix D)

VI. Panapos na Gawain

Sabihin ng Facilitator:
 Magbigay ng iba’t ibang halimbawa ng mga gampanin o
tungkulin na ginagawa sa loob ng iyong tahanan.

20
(Turuan o gabayan ang bata o ipakita sa kaniya kung
paano magligpit ng mga bagay na ginamit sa session na
ito.)

VII. Takdang Aralin

Turuan/gabayan na matuto ang bata na:


 tumulong sa mga gawaing bahay (hal. pagpunas ng mesa,
pagdilig ng halaman, etc)

APPENDIX A

21
APPENDIX B

eroplano

APPENDIX B

eroplano

22
elepante

embudo

elisi

23
Edgar Eva
APPENDIX C

APPENDIX D

24
APPENDIX D

25
Ikaapat na Araw

Message of the Day: Nagkakaiba at nagkakatulad ang pamilya ayon


sa uri ng pananampalataya.

I. Panimula

Pag-aaralan sa ikaapat na araw ng ikalabing-tatlong lingo ang


konsepto ng pagkakaiba at pagkakatulad ng pamilya ayon sa
paniniwala nila sa Diyos. Bibigyang diin din ang iba’t- ibang paraan
ng pagsamba sa Diyos.

II. Layunin

A. Pagpapaunlad sa Kakayahan Sosyo-Emosyunal


 Nailararawan kung paano nagkakaiba at nagkakatulad ang
bawat pamilya ayon sa uri ng pananampalataya

B. Kagandahang Asal
1.Naipakikita ang pagiging tahimik at maayos sa pagkilos/
pagsunod sa seremonya gaya ng pagluhod/ pagtayo/ pagyuko,
pag-awit kung nasa pook dalanginan

26
C. Sining
1. Nakaguguhit, nakapagpipinta at nakapagkukulay ng iba’t
ibang bagay o gawain
D. Mathematics
1.Match objects, pictures based on properties/ attributes in one-
to-one correspondence
- Picture to picture
2.Identify sequence of events (before, after, first, next, last).
3.Recognize and identify numerals 0 to 10.
4.Recognize symmetry (basic shapes)
5.Identify two to three dimensional shapes like square, circle,
triangle, rectangle
E. Language, Literacy and Communication
1.Talk about one’s personal experiences
2. Tell the title of the story, the author and the illustrator)
3. Listen attentively to stories
4. Recall details of the story listened to
5. Identify letter Ee
6. Retell stories listened to, with the help of pictures.
7. Tell the events in sequence: what happened at the start,
middle, and end in story listened to

III. Talasalitaan
relihiyon- tawag sa paniniwala ng isang tao sa sinasamba
nilang Diyos

IV. Mga Kagamitan

Storybook activity sheets paper


Pencil crayons

27
V. Mga Gawain sa Pagkatuto

A. Literacy
1. Book and Print Knowledge
 Balikan ang kwento na binasa noong Lunes. Balik-aralan
ang pamagat, sumulat, at gumuhit ng kuwento.

2. Balik-Aral
Bilang pagbabalik-aral, ang facilitator ay magbibigay ng
ilang katanungan.

Mga tanong:
 Ano ang ginawa ng magkakapatid ng sila ay
bumangon?
 Tama ba na magdasal pagkagising sa umaga? Bakit?
 Tama ba na palagi tayong magdadasal? Bakit?

3. Literature-Based Activity:

Gawain:
Sequencing Events
Pagsunod sunurin ang mga larawan ayon sa pangyayari sa kuwento.
Lagyan ng bilang 1-5 ang patlang.

________ ________ ________

28
________
________

Magbibigay ang facilitator ng ilang katanungan pagkatapos ng


gawain.

Mga tanong:

 Ano ang ginawa ng mga bata pagkagising sa umaga?


 Nagdarasal ka rin ba pagkagising sa umaga?
 Bakit kailangan muna magdasal?
 Ano pa ang iyong ginagawa pagkagising sa umaga
bukod sa pagdarasal?

Para sa Facilitator:
Sabihin sa bata na maraming paraan at uri ng
pananampalataya. Ipaliwanag din na kailangang igalang ang
paniniwala ng bawat tao.

Gawain:
(see Appendix A)

Para sa Facilitator:
Balikan ang napag aralang letra kahapon (Ee). Tulungan
ang bata na mabigkas ang tamang tunog ng /Ee/ at magbigay ng
mga hailmbawa ng bagay na nagsisimula ang pangalan sa tunog
na ito.

29
Gawain:
(see Appendix B)

B. Numeracy (see Appendix C.1, C.2 at C.3)

Para sa Facilitator: Gabayan ang bata sa pagbibilang mula 1


hanggang 4 at tulungan ang bata na makilala ang iba’t ibang
kulay at hugis.

VI. Panapos na Gawain


Sabihin ng Facilitator:
 Magbigay ng isang paraan na nagpapakita ng iyong
pagsamba sa Diyos.

VII. Takdang-Aralin
Turuan/ gabayan ang bata na matututo na:

 palaging manalangin
 magsimba tuwing araw ng pagsamba
 igalang ang iba’t-ibang relihiyon
APPENDIX A

30
APPENDIX B
Pangalan: ______________________________________
Panuto: Hanapin ang Titik Ee. Kulayan ng pula ang malaking
Titik E at kulayan ng dilaw ang maliit na titik e.

E e

e E e
E 31
N e n

e E E E e

N e n e
E
e E e

APPENDIX C.1

Pangalan: _______________________________________

Panuto: Kulayan ang larawan ng naayon sa bilang.


Gayahin ang kulay sa bawat bilang.

32
APPENDIX C.2

Pangalan: _______________________________________

Panuto: Kulayan ang larawan ng naayon sa bilang.


Gayahin ang kulay sa bawat bilang.

33
APPENDIX C. 3

Pangalan: _______________________________________

Panuto: Kulayan ang larawan nang naayon sa bilang.


Gayahin ang kulay sa bawat bilang.

34
Ikalimang Araw

Message of the Day: Nagkakaiba at nagkakatulad ang pamilya ayon


sa mga hilig o libangan.

I. Panimula

Tumatalakay ang ikalimang araw sa pagkakaiba at pagkakatulad


ng pamilya ayon sa mga hilig o libangan ng pamilya. Matutunan
din ng bata ang kahalagahan ng pagsasama-sama ng pamilya.

II. Layunin

A. Pagpapaunlad sa Kakayahang Sosyo – Emosyunal


1. Pakikisalamuha sa Iba (PPam)
 Natutukoy ang pagkakaiba at pagkakatulad ng pamilya
ayon sa mga hilig o libangan
35
B. Language, Literacy and Communication
 Naikukuwento ang mga ginagawa ng pamilya kapag sila ay
sama – sama
 Identify the title of the story, author and illustrator
 Recall important details in the story listened to
 Name objects that begin with Nn and Ee
C. Mathematics (M)
 Complete patterns
D. Sining
 Nakalilikha ng iba’t ibang bagay sa pamamagitan ng
malayang pagguhit
 Nakaguguhit, nakapagpipinta at nakapagkukulay ng iba’t
ibang bagay o gawain
E. Kagandahang Asal (KA)
 Nakapagliligpit ng sariling gamit
 Napagtatanto ang kahalagahan ng pamilya

III. Talasalitaan

libangan- isang gawaing nakakalibang na ginagawa ng isang tao


upang maaliw o masiyahan

IV. Mga Kagamitan

Activity sheets coloring materials lapis

V. Mga Gawain sa Pagkatuto

A. Literacy
1. Book and Print Knowledge

36
Balikan ang kuwento na binasa noong Lunes. Balikan
ang pamagat, sumulat, at gumuhit ng kuwento.

2. Balik-Aral
Itatanong ng Facilitator:
1. Ano ang mga ginagawa ng pamilya tuwing Sabado?
2. Tama bang nagtutulungan ang mag-anak sa mga
gawaing-bahay? Bakit?
3. Tama bang maging libangan ang mag alaga ng mga
hayop? Bakit?
4. Ikaw, ano ang hilig o libangan mo?

3. Literature-Based Activity

Art Activity 1
Iguhit sa loob ng kahon kung ano ang iyong hilig o
libangan. Kulayan ang iyong iginuhit.

Activity 2 (See Appendix A)


Activity 3 (See Appendix B)

B. Numeracy Activity
(see Appendix C)

VI. Panapos na Gawain


37
Itatanong ng Facilitator:
Ano ang mga libangan/hilig ng inyong pamilya?
(Hikayatin ang bata na mas paghusayan pa ang isang
bagay na hilig niyang gawin.)

VII. Takdang-Aralin

Gabayan ang bata na maitanim sa murang isipan nito ang


kahalagahan ng pagsasama-sama ng pamilya. Palagi rin siyang
paalalahanan na kailangang gugulin ang oras sa mga kapaki-
pakinabang na bagay.

Appendix A
38
________________________________________________________
________________________________________________________
________________________________________________________
Kulayan ang libangan o hilig ng inyong pamilya.

Appendix B

39
________________________________________________________
________________________________________________________
________________________________________________________
Bilugan ang unang tunog o titik ng pangalan ng larawan.

e n e n n e

n e e n n e

Appendix C

40
________________________________________________________
________________________________________________________
________________________________________________________
Bilangin at isulat ang tamang bilang sa patlang.

1. _______________

2. _______________

3. _______________

4. _______________

5. _______________

41
42

You might also like