Professional Documents
Culture Documents
Filipino9 ActivitySheet Kwarter3 Modyul4
Filipino9 ActivitySheet Kwarter3 Modyul4
ELEHIYA
Ang elehiya ay isang tulang liriko o tula ng damdamin na tumatalakay sa paglalarawan ng
pagbubulay-bulay o guni-guning nagpapakita ng masidhing damdamin tungkol sa alaala ng isang
mahal sa buhay.
Sa tulang ito binibigyang-halaga ang mga nagawa ng mga namayapang mahal sa buhay.
1. Tema - Ito ang kabuuang kaisipan sa elehiya. Kadalasan ito ay kongkretong kaisipan o batay
sa karanasan.
2. Tauhan - Tauhang pinapaksa na nakapaloob sa elehiya.
3. Tagpuan - Lugar at panahon kung saan at kailan naganap ang elehiya.
4. Kaugalian o Tradisyon - Mga paniniwala, gawi o mga nakasanayan na lumutang sa elehiya.
5. Damdamin - Pagpapahayag ng saloobin o emosyon ng manunulat sa akda.
6. Simbolo - Ginagamit upang magpahiwatig ng mga ideya o kaisipang nakapaloob sa akda.
7. Wikang Ginamit- Paggamit ng mga salita sa elehiya batay sa dalawang antas:
a. Pormal - Ito ang wikang istandard na kinikilala at tinatanggap ng mga nakapag-aral ng wika.
b. Di Pormal - Wikang kadalasang ginagamit sa pang-arawaraw na pakikipagtalastasan.
Sa pagsulat ng elehiya, narito ang ilang mga paalala upang iyong maging gabay para sa mas
mabisa at mas makabuluhang pagbuo nito.
Hindi napapanahon!
Sa edad na dalawampu’t isa, isinugo ang buhay
Ang kaniyang malungkot na paglalakbay na hindi na matanaw
Una sa dami ng aking kilala taglay ang di-mabigkas na pangarap
Di maipakitang pagmamahal,
At kahit pagkaraan ng maraming pagsubok
Sa gitna ng nagaganap na usok sa umaga
Maniwala’t dili panghihina at pagbagsak!
PAGPAPASIDHI NG DAMDAMIN
Halimbawa:
A. galit__3 B. nagagalak__3 C. nahindik__3
asar__2 nasisiyhan__2 nagimbal__2
inis __1 natutuwa__1 natakot __1
MGA PAGSASANAY
I. Panuto: Basahin at unawain ang mga sumusunod na katanungan. Piliin ang wastong sagot at
isulat sa sagutang papel.
1. Anong elemento ng elehiya ang tumutukoy sa mga paniniwala, gawi o mga nakasanayang
lumutang sa pagbuo nito?
* damdamin *kaugalian o tradisyon * simbolo *wikang ginamit
2. Anong dalawang antas ng wika ang ginagamit sa pagsulat ng elehiya?
* ganap at ‘di ganap *pantangi at pambalana
*ponema at morpema *pormal at ‘di pormal
3. Ano ang ginagamit na kasangkapan upang magpahiwatig ng mga ideya o kaisipang
nakapaloob sa elehiya?
*damdamin *kaugalian o tradisyon *simbolo *wikang ginamit
4. Ano ang tema ng binasang tula?
*kapayapaan *kamatayan *pagkakabuklod *pagbabagong-buhay
5. Ano ang damdaming lumutang sa elehiya?
*kalungkutan *kasiyahan *katatawanan *pagkapoot
6. Ano ang personang nagsasalita sa loob ng tula?
*kuya *nanay *manunulat *nakababatang kapatid
II. Panuto: Ayusin ang mga salita ayon sa sidhi ng damdaming ipinapahayag. Lagyan ng bilang 3
para sa pinakamasidhi, 2 para sa masidhi at 1 para sa di-masidhi.
Halimbawa: 2 saya
1 tuwa
3 ligaya
3. _____ sigaw
_____ bulong
_____ hiyaw
III. Panuto: Sumulat ng isang tulang pandamdamin (elehiya) tungkol sa isang masakit na
karanasan na naganap sa iyong buhay. Sundin ang mga sumusunod sa paggawa.
(10 Puntos)
a. Gawing orihinal o sariling gawa ang tula
b. Lagyan ng pamagat.
c. Binubuo ng 2 o mahipit pang saknong
d. Nagtataglay ng masidhing damdamin o emosyon.
e. Maaaring may sukat at tugmaan o malayang taludturan