Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

Banghay Aralin sa Musika 5

(40 minuto)

I. Layunin

Nakakilala sa iba’t-ibang nota at rests na nakikita o naririnig sa isang awitin.

II. Paksang Aralin

Paksa: Pagkilala sa Iba’t-ibang Notes at Rests


Sanggunian: K to 12 MELC page254 (MU5RH-la-b-1) at Self-Learning Module 1 Yunit 1
Kagamitan: PowerPoint Presentation, Projector, Laptop at Module
Pagpapahalaga: Aktibong makilahok sa mga gawaing pangklase

III. Pamamaraan

1. Panimulang Gawain

 Panalangin

 Ehersisyo (Dance Fitness)

 Pagtsek ng Attendance

 Pagsasanay

Panuto: Ibigay ang wastong pangalan ng mga sumusunod na nota at rests na


ipapakita ng guro na nasa PowerPoint Presentation.

 Balik-Aral

Ano-ano ang mga bahagi ng nota?

2. Panlinang na Gawain

 Pagganyak

Awitin ang “ Leron-Leron Sinta” na nasa modyul pahina 3.

Sa awiting “ Leron-Leron Sinta””, ano sa palagay mo ang bumubuo dito kaya ito
ay iyong naririnig?

Clue: May 2 pangunahing elemento ang bumubuo sa isang awit.

Ang isa sa mga elemento na ito ay naririnig ng ating tenga at ang isa naman ay
ang kabaligtaran ng elemento na ito. Ibig sabihin, hindi ito naririnig.

Sagot: Tunog (Sound) at Katahimikan (Silence)

 Paglalahad

2 Pangunahing Elemento na Bumubuo sa isang Awit

 Tunog (sound) na may iba’t-ibang tunog at haba o durasyon;


 Katahimikan (silence) na may iba’t ibang ring haba o durasyon.

 Pagtatalakay

Paano nalalaman ng isang mang-aawit o tumutugtog ng instrument ang haba at


tono ng isang tunog o katahimikan?
Sagot: Sa pamamagitan ng simbolo.

Ang mga note ay sumisimbolo sa tunog o sound. Ginagamit ang mga ito
para malaman ng mga mang-aawit ang haba at tono ng isang tunog.

Ang mga rest ang sumisimbolo sa katahimikan o silence. Ginagamit ang


mga ito para malaman ng mga mang-aawit o musikero ang haba o durasyon ng
katahimikan o silence.
 Paglalahat

Ano-ano ang mga uri ng note?

Ano-ano ang mga uri ng rest?

 Paglalapat

Sagutin ang Pagyamanin Gawain 1 sa pahina 5 ng Self-Learning Module.


Panuto: Kilalanin ang mga nota at rests sa awiting “ Bumalaka ay Buwan”. Isulat
ang iyong sagot sa sagutang papel.

IV. Pagtataya

Sagutin ang Isagawa sa pahina 7 ng Self-Learning Module.


Panuto: Kilalanin ang mga nota at rests sa bawat liny ana nakikita sa awiting
“Tiririt ng Maya”. Ilagay ang sagot sa loob ng lobo ayon sa linya ng nasabing
awitin.

V. Takdang Aralin

Pakinggan ang awiting “Inday Kalachuchi”. Ano-ano ang nota at rests na


bumubuo sa awiting napakinggan? Isulat sa sagutang papel ang pamagat sa a
witin at ang mga nota at rest.

Inihanda ni: Iniwasto at Inobserbahan ni:

CHAUNCEY MAE T. ACSON RONILO M. CELADA


Guro 1 Bihasang Guro 1

Binigyang ni:

MARILYN A. CELADA
Punong Guro 1

You might also like