Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 4

Republic of the Philippines

Department of Education
REGION V
SCHOOLS DIVISION OF CAMARINES SUR

Gawaing Pagkatuto sa Edukasyon sa Pagpapakatao (EsP)


Grade 9 (Q3, Linggo 5, Modyul 5: Wastong Pamamahala sa Oras)

Pangalan : __________________________________________ Petsa: ____________

l. Panimulang Konsepto
Natalakay sa aralin na ang tamang pamamahala ng oras ay mahalaga upang
maisakatuparan ang mga gawain na may kagalingan. Napag-aralan din sa araling ito
ang mga katangian na dapat taglayin ng isang tao upang maisabuhay ang pagkakaroon
ng kagalingan sa paggawa.

Sa gawaing ito ay matutukoy ang mga katangian ng Oras na magbibigay halaga


upang maunawaan ang epekto nito sa pagkakaroon ng kagalingan sa paggawa.

ll. Kasanayang Pampagkatuto mula sa MELCs


11.3 Naipaliliwanag na kailangan ang kagalingan sa paggawa at paglilingkod
na may wastong pamamahala sa oras upang maiangat ang sarili, mapaunlad ang
ekonomiya ng bansa at mapasalamatan ang Diyos sa mga talentong Kanyang kaloob.

11.4 Nakapagtatapos ng isang gawain o produkto na mayroong kalidad o


kagalingan sa paggawa at wastong pamamahala sa oras.
.
lll. Mga Gawain

Gawain 1
Panuto: Magbigay ng limang katangian ng Oras at isulat sa talaan na nasa ibaba. Mula
sa naging kasagutan, ano ang nahinuhang mensahe sa katangian ng oras kaugnay sa
pagsasabuhay ng kagalingan sa paggawa.

MGA KATANGIAN NG
ORAS

Schools Division of Camarines Sur


Freedom Sports Complex, San Jose Pili, Camarines Sur
www.depedcamsur.com
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION V
SCHOOLS DIVISION OF CAMARINES SUR

Gawain 2
Panuto: Magbigay ng mga pamamaraang iyong ginagawa upang maipakita ang sa
pagpapahalaga sa oras. Layunin nito na maisabuhay ang mga katangian sa kagalingan
sa paggawa tungo sa pag-unlad ng sarili, ekonomiya at pagbibigay pasasalamat sa
Diyos. Gamitin ang graphic organizer sa ibaba.

IV. Pagpapalalim

Ang kagalingan sa paggawa ay naisasabuhay kung tataglayin mo ang mga


sumusunod na katangian:

Nagsasabuhay ng mga Pagtataglay ng positibong Nagpupuri at


pagpapahalaga kakayahan nagpapasalamat
• Kasipagan • Pagkatuto Bago ang Paggawa sa Diyos.
• Tiyaga • Pagkatuto Habang ginagawa
• Masigasig • Pagkatuto Pagkatapos Gawin ang
• Malikhain isang gawain
• Disiplina sa sarili

Schools Division of Camarines Sur


Freedom Sports Complex, San Jose Pili, Camarines Sur
www.depedcamsur.com
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION V
SCHOOLS DIVISION OF CAMARINES SUR

Mga katangian na makatutulong din upang magkaroon ng matalinong pag-iisip


na kailangan upang maisabuhay ang kagalingan sa paggawa.

• Pagiging Palatanong (Curiosita)


• Pagsubok ng Kaalaman Gamit ang Karanasan, Pagpupunyagi (Persistence) at
ang Pagiging Bukas na Matuto sa mga Pagkakamali (Dimostrazione)
• Patuloy na Pagkatuto Gamit ang Panlabas na Pandama Bilang Paraan Upang
MabigyangBuhay ang Karanasan (Sansazione)
• Pagiging Bukas sa Pagdududa, Kawalang Katiyakan (Sfumato)
• Ang Paglalapat ng Balanse sa Sining, Siyensa, Lohika at Imaginasyon
(Ante/Scienza)
• Ang Pananatili ng Kalusugan at Paglinang ng Grace/Poise (Corporalita)
• Ang Pagkilala sa Pagkakaugnay-ugnay ng Lahat ng Bagay (Connessione

Sagutan ang mga sumusunod na tanong:

1. Paano nakatutulong sa iyo ang wastong pamamahala mo sa oras upang


magampanan ang iyong mga gawain?
2. Bakit itinuturing na isang mahalagang sangkap sa pagtatagumpay ang
wastong pamamahala sa oras?

V. Sanggunian

• EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO 9, Kagamitan ng Mag-Aaral


• Daily Lesson Plans: Edukasyon sa Pagpapakatao Grade 9 Kwarter 3 (Division of
CamSur), 2019, pahina 32

Inihanda ni:

EMMALENE ELOPRE MATA


ROLANDO R ANDAYA SR MEMORIAL HIGH SCHOOL
Division of Camarines Sur

Schools Division of Camarines Sur


Freedom Sports Complex, San Jose Pili, Camarines Sur
www.depedcamsur.com
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION V
SCHOOLS DIVISION OF CAMARINES SUR

Schools Division of Camarines Sur


Freedom Sports Complex, San Jose Pili, Camarines Sur
www.depedcamsur.com

You might also like