Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

Tula tungkol sa gender equality-LEAN MAE

Sa ating mundo ay may iba't-ibang uri ng pagkatao,

Llahat ng tao ay may kanya-kanyang bitbit na sariling kwento

Madalas kinabibilangan ng dalaga at binatilyo

Di rin pahuhuli ang mga lalambot-lambot at titibo-tibo

Pahabol pa itong isang kasariang nakakalito

Karahasan sa kasarian dito,

Karahasan doon ...

Walang katapusang karahasan at diskriminasyon

Wala na ba itong solusyon?

Ngayon palang tanggalin na ang inggit at pangungutya

Iwasan ang ugaling maging dusta’t mapanghusga

Pagka’t lahat ng tao ay may kanya-kanyang karapatan

Karapatang mabuhay, magmahal, respetuhin at igalang anuman ang kasarian

Panahon na upang mas palawakin pa ang saklaw ng ating mga isipan

Panahon na para lahat ay maging patas at pantay sa kasarian

lalaki, Babaeo LGBTQ+ man ang iyong kinabi-bilangan,

Lahat ay may karapatang mabuhay ng masaya sa lipunan

Dahil sa mata ng Diyos, pantay ang lahat ng nilalang.

You might also like