Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

Morato, Eugene C.

BSBA-OM1A
1. Ano ang mga pagpapakahulugan na ibinigay tungkol sa Public Display of Affection?
Ang mga pagpapakahulugan na ibinigay tungkol sa PDA o Public Display of Affection
na ayon kay Wu ay ang namamagitan sa dalawang tao na kumukuha ng atensyon ng
publikodahil sa kanilang ginagawa. Ito ay maaaring paghawak ng kamay o iba pang bahagi ng
katawan. Sa maikiling salita ang PDA ay isang gawin ng isang kahit sinumang tao (kahit
anumang kasarian) na kumukuha ng atensyon ng publiko na walang pinipiling lugar at oras.
Ayon naman kay Jameson, ang PDA ay mailalarawan bilang isang pagpapakita ng
paglalambing sa mga lugar na pampubliko ng dalawang tao na may pagmamahal at
pagkalinga sa isa’t-isa.

2. Paano nagkakaiba ang PDA sa mga bansang nabanggit sa teksto?


Ang bansang Iran mayroong pananaw tungkol sa PDA. Ayon kay Cohen, ang mga pulis
sa Iran ay nanghuhuli ng mga tao na gumagawa ng hindi magandang kilos sa publiko. Ayon
sa batas ng bansang Iran, bawal makita sa publiko ang mga kababaihan na may kasamang
lalaki na hindi niya kapamilya.
Ang isang pananaw pa ay sa bansang USA sa New York City, ang PDA ay ginagawa
kahit saan: mayroon sa likod ng sasakyan, sa kalye, bar o sa kahit anong lugar. Ang ganitong
Gawain ay sa pampublikong lugar ay isang normal na Gawain sa mga naninirahan doon.
Ayon pa sa sarbey na 22% ng mga Amerikano ay nakikipagtalik sa harap ng pampublikong
lugar. Kaya’t ang lugar na New York City ay may pinakamaraming liberal na tao.
Sa bansang Ghana naman ay hindi makikita ang PDA sa mga tagaroon. Hindi sila
humahalik o yumayakap ng kapwa taga-Ghana sa pampublikong lugar kundi ang paglalabas
ng galit ay kadalasang makikita sa mga tao roon.
Ang Pilipinas na itinuturing na bansang konserbatibo, ang PDA sa pagitan ng magnobyo
ay di lubusang tinatanggap.

3. Bakit sinasabing tinatanggap ang PDA sa Pilipinas? Patunayan.


Para sa akin, ang tinatanggap na PDA sa Pilipinas ay ang mga simpleng halik o pagyakap
lamang sa magkarelasyon. Ngunit may konsiderasyon parin sa paggawa ng PDA sa
pampublikong lugar. Tulad na lamang ng nasa escalator na naghaharutan, bakit pa doon sa
lugar na yon? May mga tamang lugar na pampubliko na pwedeng gawin ang paghalik at
pagyakap, ngunit ang paglagpas sa linya at sa tingin natin na sumusobra ang Gawain ay sana
ihinto o pigilan. Sa huli, para sa akin hindi parin tinatanggap ang PDA dahil halos lahat ng
Pilipino ay relihiyoso at konserbatibo.

4. Paano sinimulan ang teksto? Paano ito winakasan?


Sinimulan ang teksto sa pagbibigay ng kahulugan ng PDA o Public Display of Affection
ayon sa ibat’-ibang tao, kasunod ay ang kahulugan o pagkakaiba ng PDA sa iba’t-ibang klase
ng lugar o bansa tulad ng Iran, New York City sa bansang USA, Ghana at sa Pilipinas. At
tinapos ito sa pagpapalawig ng kahulugan ng PDA sa bansang Pilipinas sa akademikong
usapan, at ang mga mag-aaral na gumagawa ng PDA at ang kaukulang parusa nito.

5. Ano ang layunin ng may-akda sa isinulat na teksto?


Ang layunin ng may akda sa isinulat na teskto ay upang mapalawig ang kahulugan ng
PDA ayon sa iba’t-ibang tao at ang pagkakaiba ng kahulugan nito sa iba’t-ibang lugar o
bansa. Ito ay para mas mapalawak ang pagkakaunawa ng mga tao patungkol sa usaping PDA.

6. Ano ang pananaw mo sa PDA?


Ang aking pananaw sa PDA ay dapat gawin ito ng tama at may limitasyon. Sana ay
habang ginagawa ito lalo na sa pampublikong lugar ay magkaroon ng konsiderasyon sa mga
taong nakakakita at nakakasaksi sa ginagawa ng mga taong nagsasagawa ng PDA. Alam
naman natin na ipinaakita niyo lamang ang pagmamahal sa isa’t-isa ngunit sana ay huwag
humantong sa ikakainis ng mga taong nakakakita lalo na ang mga taong konserbatibo. Alam
kong may tamang oras at lugar para sa paglalambingan, halikan at ano pa man. Maaari naman
nating ipakita ang pagmamahalan sa pamamagitan ng simpleng paghawak kamay.

You might also like