Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

TEORYANG ROMANTISIMO

 Ang teoryang romantisismo na nakabatay sa kasaysayan at paghanga sa

kagandahan ay nagpapakita ng napakaraming pagbabago na naganap sa

panitikan.

 Ito ay makikita sa mga akdang tumatalakay sa mga paksang pag-ibig, mga awit

at korido na ang pinaka paksa ay buhay-buhay ng mga prinsesa at prinsipe.

 Ang layunin ng teoryang ito ay ipamalas ang iba’t ibang paraan ng tao o

sumasagisag sa tao sa pag-aalay ng kanyang pag-ibig sa kapwa, bansa at

mundong kinalakhan. Ipinakikita rin sa akda na gagawin at gagawin ng isang

nilalang ang lahat upang maipaalam lamang ang kanyang pag-ibig sa tao o

bayang napupusuan.

Ang terminong romantiko (“maromantiko”) ay unang lumitaw noong ika-18 siglo na ang

ibig sabihin ay nahahawig sa malafantasyang katangian ng midyeval na romansa.

Romantiko ang itinawag sa paraan ng pagsulat ng mga akdang pampanitikan sa

panahon ng Romantisismo dahil ang mga sanaysay, tula, maikling kwento na naisulat

sa panahong iyon ay may pagkaromantiko ang paksa,tema at istilo. Naniniwala ang

mga romantisista sa lipunan na makatao, demokratiko at patuloy sa pag-unlad.

inspirasyon at imahinasyon ang tanging bumubuo sa pagiging totoo at maganda ng

isang akda.
Dalawang uri ng Romantisismo

1.TRADISYUNAL NA ROMANTISISMO

-humihilig sa makasaysayan at nagpapanatili o pagbabalik sa mga katutubo at

tradisyunal na pagpapahalaga tulad ng nasyunalismo, pagkamaginoo at

pagkakristyano.

2.REVOLUSYUNARYONG ROMANTISISMO

-Ito ay bumabaling sa pagtatatag ng bagong kultura na may pagpupumiglas, kapusukan

at pagkamakasarili.

MAKATANG ROMANTIKO

Panulaang Filipino

 Jose Corazon de Jesus - Pag-ibig

 Lope K. Santos - Pagtatapat

 Ildefonso Santos- Ang Ulap

 Florentino Collanes,

 Inigo Regalado,

 Teodoro Gener at iba pa.

Maikling kuwento at Nobela

 Macario Pineda,

 Jose Esperanza Cruz,

 Fausto Galauran, at iba pa.

You might also like