Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

Paano ang pagtuturo ng panitikan?

Ano-ano ang mga dapat angkinin ng guro upang


epektibo niyang maituro ang isang akdang pampanitikan?

Para sa akin, ituturo ko ang panitikan sa pamamagitan ng paggamit ng


estratehiya sa pagtuturo. Ayon kay Villafuerte, et al (2008) ay katulad din sa
metodo, ang estratehiya ay isang planadong metodo tungo sa pagkakamit ng
mga layuning pampagkatuto. Dapat ang isang guro ay handa sa kanyang
ituturo at gagamit ng estratehaya upang masmakabuluhan at buhay ang
patuturo ng panitikan. Marahil sa pamamagitan nito ay magkakaroon ng
interes ang mga mag-aaral sa pakikinig o pag-unawa sa paksa. Maari ko itong
simulan sa pagganyak na kung saan magbibigay muna ako ng mga katanongan
na konektado sa paksang tatalakayin upang mabigyan ng ideya ang mga mag-
aaral. Pagkatapos ng pagganyak ay maaari ko ng ilahad ang sa mga mag-aaral
ang paksang tatalakayin at dito magsisimula ang aming talakayan. Pagkatapos
ng talakayan ay magbibigay ako ng gawain upang masukat ko ang kanilang
pag-unawa.

Sa panahon natin ngayon kung saan ang mga mag-aaral ay mahilig sa


makabagong teknolohiya ay kailangan natin sabayan ang kanilang nais upang
mas epektibo ang pagtuturo ng guro sa akdang pampanitikan, maaari nating
gamitin ang teknolohiya upang masmapadali ang pagtuturo. Bilang isang
magiging guro balang araw, dapat ang guro ay may angking kasanayan sa
akdang ituturo upang maging epektibo ang pagtuturo sa panitikan. Ang guro
ay dapat may sapat na kaalaman sa kanyang ituturo upang maibahagi niya ng
maayos ang kanyang mga natutunan at nalalaman. Dapat ang guro ay may
mga nakahandang estratehiya sa pagtuturo upang maging makabuluhan ang
kanyang pagtuturo upang magkaroon ng interes ang mga mag-aaral sa
pakikinig at para masmaunawan nila ang tinatalakay na paksa at higit sa lahat
dapat ang isang guro ay malikhain pagdating sa pagtuturo ng akdang
pampanitikan para mapukaw ang interes ng mga mag-aaral.

You might also like