Bayo Gra Piya

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 42

University Of Mindanao Tagum College

Konseptong Papel

Ipinasa ni: Shielamie T. Maway

Ipapasa kay: Dr.Rammel Bayani


Ang sining ay iba’t ibang uri ng pag-likha ng biswal, nadidinig, o kaya isang pag tatanghal na
pinapakita ang kahusayan ng isang manlilikha sa kanyang imahinasyon, malikhang pag iisip, o
teknikal na husay na nag-nanais mapahalagahan dahil sa kanilang kagandahan o sa kakahayan
nito mag pa antig ng damdamin. Ang mga gawain na ito ay maaring pag likha ng sining,
kritisismo ng sining, pag aaral sa kasaysayan ng sining, at ang astetikong paglaganap ng sining.
Musika, teatro, pelikula, sayaw at iba pang uri ng pagtanghal kasama narin ang literatura at iba
pang uri ng media ay saklaw sa malawak na kahulugan ng sining.

Ang mga sumusunod ay kilala bilang mga batikang alagad ng iba't ibang sining sa Pilipinas.

1.Fernando, Amorsolo

Ang sining na kanyang

kinasasangkutan ay:

 Pagpipinta

(1892-1972)

Narito ang ilan sa mga kilalang obra ni Fernando Amorsolo

Maiden in a stream Dalagang Bukid


Lavanderas Rice Planting

Lumikha rin siyá ng mga obrang nagtatanghal sa kasaysayan ng Filipinas gaya ng:

Burning of the Idol Traders

Sikatuna Early filipino

State Wedding

Talambuhay
 Si Fernándo C. Amorsólo na kinikilalang "Ang Maestro" at "Grand old Man " ng sining
sa Pilipinas ay isinilang noong Ika- 30 ng Mayo 1892 sa Calle Herran sa Paco, Maynila.
Siya ay anak nina Pedro Amorsolo na kilalang tenedor de at Bonifacia Cueto. Ang
malaking bahagi ng kaniyang kabataan ay ipinamalagi niyá sa Daet, Camarines Norte.
Nag-aral siyá sa Unibersidad ng Pilipinas School of Fine Arts na pinagturuan din ng
kaniyang tiyuhing pintor na si Fabian de la Rosa.
 Si Fernándo Amorsolo ang pinakaunang ginawaran ng karangalang Pambansang Alagad
ng Sining sa Pintura noong 1972. Si Amorsolo ang pinakamaningning na kinatawan ng
panahong klasiko sa sining biswal sa Filipinas.
 Ang malikhaing paggamit ng liwanag, sa partikular, ng back-lighting, ang pinakamalaking
kontribusyon ni Amorsolo sa pagpipinta sa Filipinas. Ang tingkad ng maningning na
liwanag na nagmumula sa likuran ng kaniyang mga paksa ay nagtatampok sa isang
bahagi ng kaniyang kambassa mga dahon ng mga punò, tikwas ng buhok, ngiti sa mga
labì, at umbok ng dibdib ng dalagang Filipina.
 Masaklaw ang larangan ng mga obra ni Amorsolo mula sa mga portrait ng mga kilalá at
mayayamang tao, larawan ng mga tanawin, hanggang sa dibuho sa mga pabalat ng libro
at magasin. Ngunit naging tatak ng likhang Amorsolo ang pagtatanghal ng mga payak,
payapa, at pangaraw-araw na búhay ng mga naninirahan sa kanayunan.Si Amorsolo ay
lumikha pa ng mga obra hanggang sa mamatay noong Abril 24,1972.

2.Napoleon, Abueva

Ang sining na kanyang

kinasasangkutan ay:

 Pag-iiskultor

Ilan sa mga obra ni Abueva na matatagpuan sa mga espasyong publiko ay ang mga
sumusunod:
Kaganapan (1953) Kiss of judas(1955)

Transfiguration (1979) Siyam na Musa sa UP

Faculty Center (1994)

Talambuhay

 Si Napoleon Abueva o kilala sa palayaw na Billy Abueva ay ipinanganak sa


Tagbilaran, Bohol noong ika- 26 ng Enero 1930. Ang kanyang mga magulang ay sina
Kinatawan Teodoro Abueva at Purificacion Veloso na parehong hinatulan ng
kamatayan ng mga Hapones noong 1944 dahil sa kanilang mga gawaing panggerilya.
Noong bata pa lamang siya, si Abueva ay naturuan na ni Fidel Araneta, isang
Cebuanong iskultor.
 Nang pinagkalooban siya ng iskolarsip ni Pura Villanueva Kalaw, nag-aral siya sa
Paaralan ng Pinong Sining ng Pamantasan ng Pilipinas, kung saan naging guro niya si
Guillermo Tolentino. Pagkatapos, kumuha siya ng dalubhasaang pantas sa
Akademiya ng Sining ng Cranbrook sa Michigan sa pamamagitan ng paggawad ni
Smith Mundt-Fulbright. Nagpasanay siya bilang karagdagang kaalaman sa iskultura
at seramika sa Pamantasan ng Kansas at kumuha rin siya ng kursong pantag-init sa
Harvard noong 1956. Nagpakasal siya kay Sergia Valles at nagkaroon ng tatlong
supling, isa na rito si Mulawin na isa na ring iskultor.
 Noong 1976, itinanghal na Pambansang Alagad ng Sining para sa Eskultura si
Napoleon V. Abueva. Sa edad na 46, siyá ang pinakabatang nagkamit ng parangal na
ito. Kinikilála rin siyáng “Ama ng Makabagong Eskultura sa Filipinas.”
 Bihasa si Abueva sa iba’t ibang larangan ng eskultura. May kakayahan din siyáng
gamitin ang iba’t ibang uri ng materyales tulad ng kahoy, metal, at bato. Noong
1978, hinirang si Abueva bilang Dekano ng College of Fine Arts sa
Unibersidad ng Pilipinas, at nanatili sa posisyong nito hanggang 1989.

3.Alejandro Abadilla

Ang sining na kanyang

kinasasangkutan ay:

 Pagiging manunulat

(1906-1969)

Ilan sa kanyang mga aklat ng tula ay ang mga sumusunod :

 Ako ang Daigdig (1955)-Isa sa pinakatanyag na lathalain ni Alejandro.


 Piniling mga tula ni AGA(1965)
 Tanagabadilla(1964-1965)

Ang kanyang mga Nobela ay:

 Singganda ng Buhay (1947)


 Pagkamulat ni Magdalena (1958)

Talambuhay

 Si Alejandro G. Abadilla o mas kilala sa kanyang palayaw na "AGA" ay isinilang sa


Salinas, Cavite noong Marso 10, 1906 sa isang simpleng pamilya. Nagtapos siyá sa
Mababang Paaralan ng Baryo Sapa at sa Mataas na Paaralan ng Cavite. Nakamit niya ang
titulong Batsilyer sa Sining ng Pilosopiya mula sa Unibersidad ng Santo Tomas noong
1931. Nagsilbi siyáng konsehal sa munisipyo ng Salinas hanggang 1934, at pagkaraan ay
naglaho ng seguro para sa Philippine-American Life Insurance. Nagkaroon siyá ng
walong anak sa asawang si Cristina Zingalava. Taong 1969 Agosto 26 siya ay pumanaw sa
edad na 63.
 Si Alejandro G. Abadilla ang kinikilalang “Ama ng Modernistang Pagtula sa Tagalog.”
Bukod sa pagiging makata, isa rin siyáng nobelista at kritikong pampanitikan.Sa kaniyang
mga akda, hinamon at sinalungat ni Abadilla ang dikahong paggamit ng tugma at sukat
sa tula at ang labis na romantisismo sa panitikang Tagalog. Isa siyá sa mga tagapagtatag
ng Kapisanang Panitikan, at editor-tagapaglathala ng magasin nitóng Panitikan upang
isulong ang pagpapaunlad ng panitikang Tagalog.
 Itinuturing ang tula niyang ”Ako ang Daigdig” na hudyat ng pagsilang ng Modernistang
pagtula sa Tagalog bukod sa lumikha ito ng malaking kontrobersiya sa nilalaman at sa
anyong may malayang taludturan.Nagsimula siyáng makilála bilang kontrobersiyal na
manunulat noong buksan niya ang isang kolum sa pamimilì ng mahuhusay na maikling
kuwento at tula. Pinamagatan niya ang kolum na Talaang Bughaw at minarkahan sa
pamamagitan ng isa hanggang tatlong asterisko ang ipinalalagay niyang husay ng isang
nalathalang akda. Maraming nagalit na katandaan at popular na manunulat dahil
malimit na mababà ang kanilang markang asterisk.
4.Juan Luna

Ang sining na kanyang

kinasasangkutan ay:

 Pagpipinta

(1857-1899)

Narito ang ilan sa mga pinakamagaling na obra ni Juan luna

Spoliarium(1884) The Death Of

Cleopatra (1881)
The blood compact Odalisque(1885)

(1886)

The Parisian life(1892)

Talambuhay

 Si Juan Luna y Novicio ay kilalang pintor at bayani. Kilala siya sa kanyang larawang
spolarium, isang dibuho ng pagkaladkad ng mga bangkay ng mga natalong gladyator sa
Colosseum sa Roma.
 Si luna ay ipinanganak noong ika-23 ng oktubre 1857 sa Badoc Ilocos Norte, ikatlo siya sa
pitong anak nina Joaquin Luna at Laurena Novicio. Lumipat ang pamilya sa Maynila
noong 1861 upang makakuha ng mabuting edukasyong ang mga anak. Nagkainteres si
Luna sa pagpipinta dahil sa impluwensya ng kanyang kuya Manuel, na magaling na
pintor.
 Nag-aral si Luna sa Ateneo de Manila, at pagkatapos sa Escuela Nautica. Naging
manlalakbay-dagat siya. Sa pamamagitan nito, nakita niya ang magagandang tanawin sa
Hongkong, Amoy, Singapore, Batavia, at Colombia. Kapag nasa Maynila siya
nagpapaturo pa rin siya kay Lorenzo Guerrero ng pagpipinta. Pumasok siya sa Academia
de Dibujo Y Pintura sa Maynila ngunit ipinaalis, marahil dahil ang kanyang estilo ay hindi
umaayon sa kagustuhan ng kanyang maestro.
 Noong 1877, sa rekomendasyon ni Guerrero, pinaaral siya ng kanyang magulang sa
Escuela de Bella Artes sa Madrid. Subalit, hindi niya nagustuhan ang paraan ng pagturo
rito.
 Noong Oktubre, 1884, lumipat siya sa Paris kung saan niya ipinagpatuloy ang
pagpipinta.Taong 1897 siya ay napagsuspetsahan na isa sa mga kasangkot sa
pagpapasimula ng rebolusyon kaya’t siya ay hinuli at ikinulong. Subalit sa di
kalaunan pinatawad din naman siya ng Espanya.
 Sa taong 1898, si Luna ay itinalaga ni Heneral Aguinaldo na isang sugo sa
Europa para ipresenta ang panig ng mga Pilipino sa usaping pangkapayapaan.
At noong ika-7 ng Disyembre 1899 si luna ay inatake sa puso at namatay.

5.Lisa Macuja

Ang sining na kanyang

kinasasangkutan ay:

 Pagbaballerina

Talambuhay
 Si Lisa macuja ay isinilang noong Ika- 3 ng Oktubre 1964, sa Lourdes Hospital sa Lungsod
ng Maynila, Pilipinas. Siya ay anak na babae nina Cesar Macuja at Susan Pacheco. Si Lisa
ang pangalawa sa apat na magkakapatid. Ang kanyang kuya, si Julio II ay ipinanganak
noong 1963. Nagkaroon siya ng isang nakababatang kapatid na lalaki na aktor at musikal
na artista na nagngangalang Jerome na ipinanganak noong 1967, ngunit ito ay namatay
sa isang aksidente sa kotse noong Setyembre 30, 1984, tatlong araw lamang bago ang
kanyang ika-20 kaarawan, sa kanyang mga unang panahon sa Kirov Ballet. . Bilang isang
Katoliko, si Lisa ay nag-aral sa St. Theresa's College sa Quezon City, kung saan siya ay
isang honor student sa grade school hanggang sa siya ay nagtapos ng salutatorian sa
kanyang klase sa high school.
 Sa edad na 8, sinimulan niya ang kanyang unang klase ng ballet kasama si Felicitas
Layag-Radaic bilang kanyang tagapayo, na nagbantay sa isang maingat na mata sa
kanyang mga unang taon bilang isang ballerina, at nakita siya sa pamamagitan ng limang
pagsusuri sa syllabus ng Royal Academy of Dancing (RAD) sa sampung taon habang siya
ay nasa ilalim ng kanyang paaralan. Sa edad na 11, sumayaw siya sa on stage sa kauna-
unahang pagkakataon sa isang ballet recital na tinawag na Twinkle Toes sa Tinsel Land
na ipinakita noong Pebrero 29, 1976 sa Meralco Theatre, Pasig City, Philippines.
 Siya ay isang baguhan at batang soloista ng Dance Theatre Philippines (DTP).
Natanggap niya ang kanyang advanced na sertipiko mula sa Royal Academy of Dancing,
at nakakuha ng isang iskolar sa Vaganova Choreographic Institute sa Leningrad .
Sumayaw siya kasama ang kilalang Kirov Ballet sa pagitan ng 1984 at 1986.
 Bumalik siya sa Maynila noong 1986 at naging kauna-unahang artist-in-residence ng
Cultural Center of the Philippines (CCP) habang sumasayaw sa Ballet Philippines. Noong
1988, siya ay naging isang ballerina ng Philippine Ballet Theatre (PBT) at mula noon ay
nanatiling nakabase sa Pilipinas, na gumaganap bilang pangunahing ballerina sa mga
pangunahing lokal na produksiyon.
 Noong 1995, itinatag niya ang kanyang mismong kumpanya ng ballet, ang Ballet Manila.
At Pinangunahan niya ang kanyang kumpanya sa paglabas ng pagganap ng mga
paglilibot ng higit sa 45 lungsod at bayan sa buong Pilipinas.
6.Nora Aunor

Ang sining na kanyang

kinasasangkutan ay:

 Pag-awit
 Acting
 Film producer

Ilan sa higit sandaang awitin ni Nora Aunor ay mga sumusunod :

 Pearly Shells(1971)
 Handog(1991)
 Bongga ka Day(1980)
 Langit pala ang umibig(1994)

Ilan sa kanyang mga pelikula ay:

Bongga ka day(1980) Himala(1982)


Tatlong taong walang Diyos (1976) The Flor Contemplacion Story

(1995)

Talambuhay

 Si Maria Leonora Teresa Cabaltera Aunor na mas kilala bilang Nora Aunor ay
ipinanganak noong May 21, 1953 sa Baryo San Francisco, Iriga, Camarines Sur. Ang
mga magulang niya ay sina Eustaquio Villamayor at Antonia Cabaltera. Si Nora
Aunor ay isang mang-aawit na Pilipino, artista at film producer na
tinaguriang Superstar. Naging artista din siya sa maraming palabas sa
entablado sa telebisyon at mga concert. Siya ang unang artistang babae na
nagwagi ng International Best Actress Award sa Cairo International Film
Festival para sa pelikulang "The Flor Contemplacion Story".
 Siya ay ang nag-iisang artistang babae ng pelikula na napabilang sa 100
Centennial Honor for the Arts na iginawad ng Cultural Center of the
Philippines noong 1999. Naging asawa niya si Christopher de Leon at
dalawang beses pang ikinasal ngunit sa kalunan, naghiwalay ang dalawa.
 Ang awiting A Poor Man's Roses ay inawit ni Nora Aunor noong 1972.
Isinaplaka naman ng Alpha Records. Ang "Bakit di mo Nadarama" ay isang
awiting Filipino na inawit ni Nora Aunor at ginamit rin sa kanyang pelikula.

7.Nick Joaquin

Ang sining na kanyang

kinasasangkutan ay:

 Pagiging Manunulat

(1917-2004)

Ang ilan sa mga sumusunod ay akda ni Nick Joaquin

Prose and Poems The Woman Who had (1952)

Two Navels (1961


La Naval de Manila and Tropical Gothic(1972)

Other Essays(1964)

Talambuhay

 Si Nicomedes Márquez Joaquín ay ipinanganak noong Mayo 4, 1917 sa Paco,


Maynilana. Siya ay anak ni Leocadio Joaquin, isang abogado at koronel sa
himagsikang pilipino at Salome Marquez. Si Joaquin ay kinikilala ng karamihan
bilang Nick Joaquin, ay isang Pilipinong manunulat, mananalaysay ng
kasaysayan at mamamahayag at kilala sa pagsusulat ng mga maikling kuwento
at nobela sa wikang Inggles pagkatapos ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig.
 Kinikilala rin siyang Quijano de Manila bilang pangalang-panulat. Isinilang si
Joaquin sa Paco, Maynila. Siya ay anak ni Leocadio Joaquín, isang abogado at
koronel sa Himagsikang Pilipino at Salome Marquez.
Siya ay ipinalalagay na isang higante sa larangan ng pagsusulat. Ang wika ng
kanyang panulat ay malambing at masining.
 Sumakabilang-buhay si Joaquin dahil sa atake sa puso sa umaga ng ika- 29
ng Abril 2004 sa kanyang tahanan sa San Juan, Kalakhang Maynila. Sa
kapanahunan ng kanyang kamatayan, siya ay patnugot ng magasing
(Philippine Graphic at tagalathala ng pahayagang (Mirror Weekly, isang
magasing pangkababaihan.
 Sumulat din siya ng mga lathalaing Small Beer para sa Philippine Daily
Inquirer at Isyu, isang tabloyd na pang-opinyon.
 Ang katipunan ng kanyang mga sinulat na tula at kuwento ay makikita sa
isang aklat na may pamagat na Prose and Poems. Ito ay nagtataglay ng
labing-siyam na tula na nagsisimula sa tulang The Innocense of Solomon at
nagtatapos sa tulang Landscape Without Figures.
 Hinangaan nang taimtim ni Joaquin si Jose Rizal, ang pambansang bayani
ng Pilipinas, kaya hinandog niya sa pamamagitan ng pagsusulat ng mga aklat
tulad ng The Storyteller's New Medium - Rizal in Saga, The Complete Poems
and Plays of Jose Rizal, at A Question of Heroes: Essays in Criticism on Ten
Key Figures of Philippine History. Isinalin rin niya ang tula ng pamamaalam
ng pambansang bayani, "Land That I Love, Farewell!"

8.Lea Salonga

Ang sining na kanyang

kinasasangkutan ay:

 Pag-awit
 Acting

Ang ilan sa mga sumusunod ay awitin ni Lea Salonga :

 Bakit labis kitang Mahal(1992)


 Sariling Awit natin(2015)
 I am but a small Voice(1997)
 The journey (1993)

Ilan sa kanyang mga pelikula at Tv shows ay:


Sana maulit muli(1995) Mulan(1998)

Les Miserables(2010) Miss Saigon(2016)

Bayograpiya

 Si Maria Ligaya Carmen Imutan Salonga na mas kilala bilang Lea Salonga ay
ipinanganak noong ika- 22 ng Pebrero 1971 Sa Medical Center Manila. Si Lea Salonga
ay ang anak nina Ganuino Feliciano Salonga at Ligaya Alcantara Imutan. Siya ay may
isang kapatid na nagngangalang Gerard Salonga na isang kompositor.
 Nanirahan sila sa Angeles City nang anim na taon. Noong oras na para siya ay mag-
aral, dinala silang magkapatid sa Maynila upang mabigyan ng mas maayos at
mahusay na edukasyon. Si Lea ay nag-aral sa O.B. Montessori Center sa Greenhills,
Manila mula elementarya at hayskul. Isa siya sa mga aktibong estudyante sa
produksiyon ng paaralan at nagtapos bilang isang Valedictorian. Pumasok rin siya sa
Unibersidad ng Pilipinas sa isang programa ng Kolehiyo ng Musika kung saan
naglalayong magsanay ng mahuhusay na mga bata sa musika at pag galaw sa
entablado. Si Lea ay nag-aral din ng Pre-med o BS Biology sa Ateneo De Manila
University. Siya ay naniwala at umasa na magiging isang doktor ngunit ito ay
napigilan dahil sa kanyang patuloy na pagsikat.
 Una siyang nakilala sa The King and I ng Repertory Philippines noong siya ay pitong
taong gulang pa lamang. Sa edad na sampung taon, inerekord naman niya ang
awiting Small Voice at ito ang naging simula nang pagiging mabango ng kaniyang
karera bilang isa sa mga sikat na aktres at mang-aawit sa Filipinas. Nagsimula ang
kaniyang katanyagan sa ibang bansa noong siya ay napiling gumanap bilang Kim sa
tagumpay na musical na Miss Saigon nonng 11989. Si Lea Salonga ay nagtamo ng
gantimpala mula sa pinaka respetadong tagapaggawad ng parangal at itinanghal
bilang kauna-unahang Filipina na nagkamit ng Laurence Olivier, Tony, Drama Desk,
Outer Critics Circle at ang Theatre World Award para sa natatanging niyang
pagganap bilang Kim. Noong 1993, siya ay gumanap bilang Eponine, isang batang
ulila sa Broadway production na Les Misérables. Siya rin ang umawit ng A Whole
New World sa pelikulang Aladdin sa boses ni Princess Jasmine at Fa Mulan para sa
Mulan at Mula II noong 1998 at 2004. Ang kaniyang tagumpay sa Filipinas at sa iba
pang mga bansa ang siyang nagbukas ng oportunidad sa ibang Filipino entertainers
upang makilala at kinalaunan ay nag alay din ng karangalan sa ating bansa.
 Sa gitna ng kaniyang kasikatan, nakilala niya ang kanyang napangasawa na si
Roberto Chien. Sila ay nagkakilala sa pamamagitan ng pinsan ni Robert na si Cristine.
Nang sila ay lubos nang magkilala at makalipas ang ilang taon ay hiningi ni Robert
Chien ang kamay ni Lea para pakasalan siya noong Hulyo taong 2002.
 Bilang pagkikila nilang mag-asawa sa musika, isa sa kanilang ibinahagi sa mga bisita
ay isang cd na naglalaman ng kanilang paboritong kanta kasama ang espesyal na
kanta na kanilang isinulat para sa araw ng kanilang kasal. Ang cd na iyon ang
sumisimbolo ng kanilang wagas na pagiibigan at panigurado ito ang kanilang
paboritong kantahin. Biniyayain rin sila ng isang anghel na nagngangalang Beverly
Salonga Chien. Nang dumating sa buhay ni Lea ang kaniyang asawa at anak nabago
ang kaniyang paningin sa buhay. Ang kaniyang pamilya ang ginawa niyang
inspirasyon para siya ay mas lalong mag pursugi at magpatuloy ang kaniyang
pagiging mahusay na aktres at mangaawit ng ating bansa.

9.Ang kiukok

Ang sining na kanyang

kinasasangkutan ay:

 Pagiging Modernong
Pintor
(1931-2005)

Ang mga sumusunod ay ilan sa mga likha ni Ang Kiukok:

Thinking Man(1979) Cockerel(1976)

.
Screaming Figures(1985) Mother and Child(1984)

Talambuhay

 Si Ang Kiukok ay ipinanganak noong ika-1 ng Marso 1931 sa lungsod ng Davao City.
Ang kanyang mga magulang ay mga migranteng chinese na sina Vicente Ang at Chin
Lim. Nag-aral si kiukok ng pagpipinta sa estilong Tsino habang nasa murang edad pa
siya. Nag-aral siya ng pagpipinta sa Unibersidad ng Santo Tomas noong 1952
hanggang 1954.
 Si Ang kiukok ay isang Pilipinong modernong pintor na kilala para sa kanyang mga
dibuho na may mga nakakatakot at nakakaistorbong imahen sa estilong cubist at
expressionist. Noong 2001, hinirang siyang Pambansang Alagad ng Sining para sa
Sining Biswal. Ang mga likha ni Kiukok ay may matingkad na partikularidad sa
estilo, disenyo, at pamamaran.
 Mayroon itong tiyak na kaisahan, identidad na biswal, at sistema ng
metapora kayâ ang mga obra niyá ay kagyat na nakikilála. Mahalagang
bahagi ng mga obra ni Kiukok ay ang serye ng krusipiho. Malayò sa taimtim o
realistikong kopya ng importanteng sagisag na ito ng Katolisismo, sa sining ni
Kiukok ay naging mabisang pagpapahayag ng pighati at pagpapakasákit ang
krusipiho. Naging mabisang behikulo ito sa sining na nakagigitla, umaantig, at
sa proseso ay nagmumulat.
 Nagtamo si Kiukok ng mga gawad mula sa Arts Association of the Philippines
(AAP), pambansang patimpalak sa sining ng Shell, National Museum of
Modern Art sa Hawaii, at Sentrong Pangkultura ng Pilipinas. Kinilala rin
siyáng Outstanding Overseas Chinese (1961) at pinagkalooban ng Araw ng
Maynila Award (1976).

10.Basti Artadi

Ang sining na kanyang

kinasasangkutan ay:

Bayograpiya
11.Fernando Zobel

Ang sining na kanyang

kinasasangkutan ay:

 Pagpipinta

(1924-1984)

Ang ilan sa mga sumusunod ay mga obra ni Fernando Zobel

Ornitoptero(1962) Still Life with Palm

tree(1974)
La Piedra IV(1973) Flight in Pink(1966)

Bayograpiya

 Si Fernando Zóbel de Zangróniz Arrieta - Róxas de Ayala y Montojo de Torróntegui na


nakikilala rin bilang Fernando M. Zóbel de Ayala, ay ipinanganak noong ika-27 ng Agosto
1924 sa Ermita, Maynila sa Pilipinas sa mag-anak ng mga Zobel, mga imigranteng Hudyo
mula sa Alemanya na nanatili na sa Pilipinas. Si Fernándo Zobel ay anak na lalaki nina
Enrique Zobel at Fermina Montojo y Torrontegui, at isa siyang kasapi ng nakikilalang
mag-anak ng mga Ayala.
 Nag-aral si Zobel ng araling pangmedisina sa Pamantasan ng Santo Tomas sa Maynila.
Pagdaka, nagkaroon ng kakulangang panggulugod si Zobel na pumuwersa sa kaniyang
maging nakaratay sa higaan noong taong iyon. Upang mapalipas ang oras, nagbanghay-
banghay ng mga guhit si Zobel ng anumang bagay na mahuhuli ng kaniyang paningin.
Nagtapos siya ng pag-aaral mula sa Santo Tomas at nagpunta sa Pamantasan ng Harvard
noong 1946 upang makakuha ng degri sa kasaysayan at panitikan.Pagkaraan ng dalawa
niyang seryeng pangsining, nagsimulang magpinta si Zobel ng mga tanawin habang nasa
ilog ng Júcar.
 Sa panghuling mga taon ng kaniyang buhay, nilikha ni Zobel ang Museo de Arte
Abstracto Español (Museo ng Kastilang Sining na Abstrakto) sa Casa Colgadas sa bayan
ng Cuenca, Espanya noong 1963. Naging isang tutor si Zobel at tumulong sa mga karera
ng mga magpipintang Kastila, na ang ilan ay sina Antonio Lorenzo, Eusebio Sempere,
Martín Chirino López, Antonio Saura at maraming pang iba. Hanggang sa pagsapit ng
kaniyang kamatayan, gumagawa si Zobel na may kaugnayan isang seryeng tinawag na
"Dialogos" (Mga Diyalogo) na mga pagtugon sa mga maestro ng sining na nakita niya sa
mga museo sa palibot ng Europa. Noong 1983, pinatawan siya ni Haring Juan Carlos ng
Espanya ng Medalla de Oro al Mérito en las Bellas Artes (Medalyang Ginto para sa mga
Nagawa sa Magandang Sining). Namatay si Zobel dahil sa atake sa puso habang nasa
Roma, Italya noong ika-2 ng Hunyo 1984.
 Noong 2003, isang naglalakbay na eksibit na nagbalik-tanaw at nagpaparangal kay Zobel
na ginanap sa Cuenca at Seville, Espanya. Noong ika- 21 ng Mayo 2006, binigyan siya ng
parangal ng dating Pangulo ng Pilipinas na si Gloria Macapagal-Arroyo sa pamamagitan
ng isang Presidential Medal of Merit dahil sa kaniyang mga naiambag sa sining noong
habang nabubuhay pa. Noong 24 Mayo 2008, ang isang akdang-sining ni Zobel na
pinamagatang "Noche Clara" ay naipagbili sa Christie's ng Hong Kong sa halagang PHP
6,000,000, na nakagawa rito na maging pinakamahal (may mataas na halaga) na akdang-
sining mula sa Pilipinas.

12.Aurellio Tolentino

Ang sining na kanyang

kinasasangkutan ay:

 Pagiging Manunulat

(1869-1915)

Narito ang ilan sa mga akda ni Aurellio Tolentino:

Kahapon Ngayon at Bukas La Independencia (1903)


(1898)

Bagong Cristo(1914) Ang Buhok ni Ester 1907

Bayograpiya

 Si Aurelio V. Tolentino ay isinilang noong Ika-13 ng Oktubre 1867 sa Guagua,


Pampanga. Ang kanyang mga magulang ay sina Leonardo Tolentino at Petrona
Valenzuela. Isang sastre, sapatero, mandudula, at direktor ng mga komedya ang
kaniyang ama. Nang mamatay ang kaniyang ama, itinigil niyá ang pag-aaral, bumalik
ng Guagua, at nagturo sa isang pribadong paaralan. Minsan, ininsulto siyá ng isang
Español at napagbuhatan niyá ito ng kamay. Upang hindi maaresto, nilisan niyá ang
Guagua at nagtrabaho sa Tondo bilang klerk. Sa panahong iyong niyá nakilala si
Andres Bonifacio.
 Siyam na ulit na nakulong si Tolentino; una noong pagsiklab ng Himagsikang 1896.
Nakulong sa pangalawa at ikatlong pagkakataon si Tolentino dahil sa pagsusulat niyá
sa La Independencia (1898) at La Patria (1899), at sa Filipinas, na pahayagang siyá
mismo ang nagtatag. Noong 1903, sumáma siyá sa mga puwersang rebolusyonaryo
ni Artemio Ricarte ngunit muling naaresto.
 Si Tolentino rin ang nagtatag ng Katimawan noong 1910, ang kauna- unahang
kooperatiba ng mga manggagawa sa bansa, at El Parnaso Filipino, isang paaralan na
nagtataguyod ng wika, panitikan at kulturang Filipino. Napangasawa ni Tolentino si
Natividad Hilario noong 1918 at nagkaroon silá ng apat na anak. Namatay siyá
noong 5 Hulyo 1915.

13.Paz Cielo Belmonte

Ang sining na kanyang

kinasasangkutan ay:

 Pagiging Mananayaw
14.Amado V. Hernandez

Ang sining na kanyang


kinasasangkutan ay:

 Pagiging Mununulat

(1903-1970)

Ang mga sumusunod ay ilan sa mga aKda ni Amado V. Hernandez:

Ibong Mandaragit(1969) Luha ng Buwaya(1962)


Bayograpiya

 Si Amado V. Hernandez ay isinilang noong Ika-13 ng Setyembre sa Tondo, Maynila. Siya


ay anak nina Juan Hernandez at Clara Vera. Napangasawa niya ang Reyna ng Sarsuwela
at Kundiman at kapuwa Pambansang Alagad ng Sining sa Teatro na si Atang de la Rama.
 Si Amádo V. Hernández ay hinirang na Pambansang Alagad ng Sining sa Panitikan noong
1973. Mas kilala siya bilang Ka Amado sa kaniyang mga kaibigan at kasáma sa kilusang
paggawa. Kinilala siya dahil sa mga akdang makabayan at nakikisangkot sa mga
problemang panlipunan at dahil sa kaniyang totoong paglahok sa organisasyong
pampolitika.
 Nagsimula siya bílang manunulat at editor bago ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig.
Pagkaraan ng digma, naging kinatawan siya ng Newspaper Guild of the Philippines sa
pamunuan ng Congress of Labor Organizations (CLO). Naging pangulo siya ng CLO
noong 1947 at nahalal ding Konsehal ng Maynila noong 1945 at 1947.
 Nang sumiklab ang pag-aalsang Huk, isa siya sa pinaghinalaang Komunista at dinakip.
Kahanga-hanga ang pangyayaring marami siyang nasulat na akdang pampanitikan
habang nakabilanggo at nililitis. Napawalang-sala siya noong 1964 at nagpatuloy sa
pakikilahok pampolitika hanggang mamatay noong 24 Marso 1970.

15.Martin Nievera

Ang sining na kanyang

kinasasangkutan ay:

 Pag-awit,
 Pagiging Kompositor
 Tv host
 Pagiging Aktor

Ang ilan sa mga sumusunod ay awitin ni Martin Nievera:

 Kahit isang saglit(1999)


 Forever Unsolo(2009
 Ikaw(2004)
 You are my song(1997)

Ang ilan sa kanyang mga kinompos ay:


The best gift(1984)
Miracle(1987)
Dream(1989)
When love is gone(2005)
Ang ilan sa kanyang mga Tv host ay:
 The Penthouse Live! (1982–1987)
 Martin and Pops Twogether (1987–1988)
 Martin After Dark (1988–1998)
 ASAP (1995–present)

Ilan sa kanyang mga Pelikula ay:

Always and Forever (1986) Stupid Cupid (1988)


Bayograpiya

 Si Martin Nievera o mas kilala bilang "Concert King" ng Pilipinas ay isinilang noong
Ika-5 ng Pebrero 1962 sa Manila, Pilipinas. Si Nievera ay isang kompositor at mang-
aawit. Naka-25 taon na siya sa industriya ng musika at patuloy pa rin siyang
nakapagbibigay ng kasiyahan sa mga Pilipino.Maliban sa pagkakaroon ng
matagumpay na mga konsiyerto dito sa Pilipinas, si Martin ay nagkaroon din
ng pagkakataong magkapagtanghal sa iba't-ibang bansa at nakilala bilang
isang magaling na Pilipinong mag-aawit.
 Si Nievera ay nagsimulang magtanghal sa ibang bansa noong taong 1989
nang siya ay umawit sa The Harrah's Casino Lounge sa Reno, Nevada at sa
The Palace Hotel Ballroom sa Guam noong 1996.
 Hindi lamang sa Amerika siya nagpamalas ng galing kung hindi sa bansang
Australia, Singapore, Hong Kong, the Middle East at maging sa Canada.
Noong 2003, siya ay nakapagtanghal sa iba't-ibang concert halls sa Las
Vegas, Nevada at nabigyan ng standing ovation ng mga dayuhan at kapwa
niya Pilipino bilang tanda ng pagtanggap at pagkilala sa husay ng mga
Pilipino sa larangan ng musika.

16.Jack Salud

Ang sining na kanyang

kinasasangkutan ay:

 Pagpipinta
Ang sumusunod ay ilan sa obra ni Jack Salud:

A Fruitful Quest(2002 Clarity(Millinery series (2017)

Bayograpiya

 Si Jack Salud ay isang pintor ng Filipino Asian Modern & Contemporary na ipinanganak
noong 1964. Ang gawain ni Jack Salud ay inalok sa auction ng maraming beses, na may
natanto na mga presyo mula sa $ 1,020 USD hanggang $ 2,592 USD, depende sa laki at
daluyan ng likhang sining. Mula noong 2017 ang record record para sa artist na ito sa
auction ay $ 2,592 USD para sa A Fruitful Quest, naibenta sa León Gallery, Makati noong
2017.
17.Antonio Doctor Garcia

Ang sining na kanyang

kinasasangkutan ay:
18.Lucrecia Kasilag

Ang sining na kanyang

kinasasangkutan ay:

 Pagiging Kompositor

(1918-2008)

Ang ilan sa mga awitin na ginawa ni Lucrecia Kasilag ay ang mga sumusunod :

Bayograpiya
 Si Lucrecia Kasilag ay isinilang noong 31 Agosto 1918 sa San Fernando, La Union. Si
Kasilag ay ikatlo sa anim na supling nina Marcial Kasilag Sr., na naging direktor ng
Bureau of Public Works at dating manager sa National Power Corporation (Napocor), at
Asuncion Roces na isang guro ng biyolin at solfeggio. Nagtapos siyáng balediktoryan sa
Paco Elementary School at sa Philippine Women’s University (PWU) High School. Sa
PWU din siyá nagtapos na cumlaude ng Batsilyer sa Sining sa Ingles. Nakamit niya ang
diploma bilang guro sa musika sa St. Scholastica’s College of Music at ng Master of
Music noong 1950 sa University of Rochester, New York.
 Itinuturing na “Grand Lady of Philippine Music” si Lucresia R. Kasilag (Luk·rés·ya Ar
Ka·sí·lag) dahil sa kaniyang malaking ambag sa paglinang sa musika sa Filipinas. Kilalá rin
sa tawag na Tita King, iginawad sa kaniya ang Pambansang Alagad ng Sining sa Musika
noong 1989.
 Bilang kompositor, nag-eksperimento siya sa musikang isinasanib ang mga katutubong
instru- mentong pangmusika sa pagtatanghal ng isang orchestra. Bantog dito ang
premyadong “Tocatta for Percussions and Winds,” “Divertissement and Concertante,”
at ang mga musika para sa “Filiasiana,” “Misang Filipino” at “De Profundis.”
 Lumikha siyá ng mahigit 250 komposisyon, mga areglo ng mga katutubong awit, awit
sining, mga piyesang pansolo at instrumental, at mga chamber at orchestral na mga
akda. Bilang tagapagtaguyod ng musika, binigyan niya ng karampatang pagpapahalaga
ang mga artista, kompositor, at manunulat. Hinikayat at ginabayan niya ang mga
kabataang talento sa larangan ng musika. Isinagawa niya ang mga ito sa pamamagitan
ng pagiging presidente at artistic director ng Sentrong Pangkultura ng Filipinas mula
1969-89, at sa pamamagitan ng mga kilalang organisasyon sa musika.

19.Hermes Alegre

Ang sining na kanyang

kinasasangkutan ay:

 Pagpipinta
Ang ilan sa mga obra ni Hermes Alegre ay ang mga sumusunod :

Brown Maiden(2008) The women of

Hermes Alegre (2008)

Bayograpiya

 Ang artistang multi-award na si Hermes Alegre ay isinilang sa Daet, Camarines Norte


noong Marso 7, 1968. Nagtapos siya sa Philippine Women’s University, sa kursong Fine
Arts, kung saan nag-aral siya sa ilalim ng kilalang mga artista na sina Ibarra dela Rosa at
Mars Galang. Inilarawan ng mga kritiko ng sining ang kanyang mga gawa bilang "mala-
portrait na mga rendisyon ng mga kababaihan na may hindi kilalang pakiramdam ng
paggalaw." Sa pagtingin sa kanyang mga kuwadro na gawa, ang isa ay nakakakuha ng
impression na ang mga numero ay talagang buhay.
 Ang kanyang mga kuwadro na gawa ay halos magagandang madilim na mga kababaihan
na itinatanghal sa isang pantasya ng mga dahon na naisakatuparan na may kasaganaan
ng mga kulay at masiglang lakas. Ang mga kababaihan ni Alegre ay napakahalaga at
masugid na hinihintay ng mga kolektor ng sining, na ginagawang isa sa mga
pinakatanyag na artista ngayon.
 Nagkaroon siya ng hindi bababa sa (10) pangunahing mga solo exhibit sa kanyang
kredito, kasama ang isang pangunahing palabas sa Singapore at mga pagpapakita ng
grupo sa New York, Belgium at Germany. Nagwagi siya ng unang puwesto sa National
painting Competition na ginanap ng Philippine Motors Association at kinilala bilang
isang Provincial Treasure Awardee ng Daet, Camarines Norte para sa kanyang ambag
sa arte ng Pilipinas. Ang mga piraso sa album na ito ay mula sa MCA Luna Gallery, isang
kaakibat ng Heritage Arts at Antiquities.

20.Regine Villasquez

Ang sining na kanyang

kinasasangkutan ay:

 Pg-awit
 Akting,
 Tv host

Ang mga sumusunod ay ay ilan sa mga awitin ni Regine Villasquez :

Sa kanya(2014)

Narito Ako(1990)

Isang lahi(1987)

Dadalhin(2001)

Ilan sa kanyang mga pelikula ay:


Of All the Things (2012) Till I met You(2006)

Kailangan ko'y Ikaw Pangako Ikaw

(2000) Lang(2001)

Bayograpiya
(1970-1985 Pagkabata at Pagkatuklas)

 Si Regina Encarnacion Ansong Velasquez Alcasid o higit na kilala bilang


Regine Velasquez, ay isang Pilipinong mang-aawit, aktres, TV host, at
binansagan bilang Asia's Songbird. Ang kauna-unahang Asyanang
manananghal na nagtanghal ng isang solo concert sa (Carnegie Hall sa
Bagong York, bilang bahagi ng serye ng sentenaryong konsiyerto ng
Carnegie Hall, ay panganay na anak nina Teresita at Gerardo Velasquez,
ipinanganak sa Tondo, Maynila, Pilipinas noong Ika-22 ng Abril 1970.
 Si villasquez ay maagang namulat sa musika ang kanyang ama ay madalas umawit ng
mga awitin ni Frank Sinatra sa kanyang mga anak at ang kanilang ina naman ang nag-
gigitara. Labis ang pagkahilig ni Velasquez sa musika at bago pa man siya matutong
magbasa, umaawit na siya kasama ang kanyang pamilya. Isinali siya ng kanyang ama
sa isang patimpalak sa pag-awit sa kanilang lugar. Tinulungan niya ang kanyang anak
na paghusayan ang tinig nito sa pamamagitan ng pagpapa-awit nito sa dagat sa lalim
na hanggang leeg. Tinuruan din siya ng kanyang ina na kung papaano kumilos sa
entablado at paano bigyan-pakahulugan ang mga awit. Sa gulang na anim, lumahok
si Velasquez sa pambansang timpalak sa pag-awit sa telebisyon para sa mga
baguhan, ang Tita Betty's Childer's Show. Ang kanyang inawit, ang "Buhat Nang
Kita'y Makilala", ay nanalo bilang ikatlong pinakamahusay.
 Nagpatuloy si Velasquez sa pagsali sa mga patimpalak sa pag-awit sa mga bayan sa
buong bansa. Nang siya ay siyam na taong gulang, lumipat ang kanilang pamilya sa
Balagtas, Bulacan, kung saan nag-aral siya sa Balagtas Central School. Nag-aral din
siya sa St. Lawrence Academy, kung saan nanalo siya ng mga gantimpala para sa
Vocal Solo at Vocal Duet para sa taunang patimpalak ng BULPRISA (Bulacan Private
School Association).
 Noong siya ay labing-apat na taong gulang, sumali si Velasquez sa senior division ng
Ang Bagong Kampeon. Isang pambansang patimpalak sa pag-awit na
isinahihimpapawid sa telebisyon. Iminungkahi ng kanyang ama na itampok niya ang
"Saan Ako Nagkamali". Nanalo siya ng walong sunod-sunod na linggo at naging
kauna-unahang kampeon ng palabas. Ang direktor ng musika ng palabas na si
Dominic Salustiano, ay iminungkahi na awitin niya ang "In Your Eyes" ni George
Benson bilang awiting pangwagi. Napanalunan niya ang isang kontrata sa ilalim ng
OctoArts, at inirekord ang single na "Love Me Again" bilang Chona Velasquez, ang
kaniyang palayaw noong panahong iyon. Sumali rin siya sa Organisasyon ng mga
Pilipinong Mang-aawit, isang samahan ng mga Pilipinong mang-aawit na
nagtatanghal sa mga lounge sa Kalakhang Maynila. Binibigyan siya ng tulong ng OPM
sa pamamagitan ng pagbibigay ng mga payo at pagpapahiram ng mga kasuotan para
sa kanyang mga pagtatanghal.

You might also like