Professional Documents
Culture Documents
Summary Kabanata 1 22
Summary Kabanata 1 22
Summary Kabanata 1 22
B. Magulang
1. Francisco Mercado
- Ipinanganak noong Mayo 11, 1818
- Nag-aral ng Latin at Pilosopiya sa Colegio ng San San Jose
- Lumipat ng Calamba upang maging kasama sa Haciendang
Dominicano sa Calmba.
- Namatay noong Enero 5, 1898.
2. Teodora Alonzo
- Ipinanganak noong Nobyembre 8, 1826 sa Maynila
- Nag-aral sa Colegio de Santa Rosa
- Mayroong interes sa literatura at mahusay sa wikang Espanyol.
- Namatay noong Agosto 16, 1911
C. Magkakapatid na Rizal
1. Saturnina 7. Jose
2. Paciano 8. Concepcion
3. Narcisa 9. Josefa
4. Olympia 10.Trinidad
5. Lucia 11.Soledad
6. Maria
D. Mga Ninuno
1. Ninuno sa Ama
- Domingo Lamco (Mercado) napangasawa si Ines de la Rosa naging
anak si Francisca Mercado at napangasawa si Cerila Bernacha
naging anak si Juan Mercado at napangasawa si Cerila Alejandro at
1
naging anak si Francisco Mercado at napangasawa si Teodora
Alonzo at naging anak si Jose Rizal
2. Ninuno sa Ina
- Eugenio Ursua napangasawa si Benigna at naging anak nila si
Regina na naging asawa ni Manuel de Quintos at naging anak nila
si Brigida na napangasawa ni Lorezo Alberto Alonzo at naging anak
nila si Teodora Alonzo na napangasiwa ni Francisco Mercado at
naging anak nila si Jose Rizal
E. Pamilyang Rizal
1. Ang Kabuhayan ng Pamilya
Ang pamilya ay kabilang sa pangkat na principalia at isa sa mga
kinikilalang pamilya sa Calamba.
Ang ama ay nangungupahan sa lupain na pag-aari ng hacienda ng
mga Dominicano sa Calamba at tinataya na ang kaniyang lupang
sinasaka ay umaabot ng 600 na hektarya. Ang lupa ay
tinataniman ng palay mais at tubo.
Maliban sa pagsasaka ang pag-aalaga ng hayop ay isa sa kanilang mga
hanapbuhay.
2. Ang ina ni Rizal ay mayroong isang tindahan sa ilalim ng kanilang
bahay, gilingan ng trigo para maging harina, at gawaan ng hamon.
3. Ang pamilya ay isa sa mga unang nakapagpagawa ng bahay na bato sa
Calamba.
4. Nagmamay-ari sila ng isang karwahe na isang karangyaan sa
panahong iyon.
5. Mayroon silang isang aklatan sa bahay na naglalaman ng 1,000 aklat.
6. Naipadala ng mga Rizal ang kanilang mga anak sa Maynila para mag-
aral.
B. Pagpunta sa Biñan
1. Hunyo 1869 - si Rizal ay umalis ng Calamba para magtungo sa Biñan para
mag-aral.
2. Sinamahan siya ng kaniyang kapatid na si Paciano.
3. Justiniano Aquino Cruz - ang naging guro ni Rizal sa Biñan.
4
C. Mga Naging Gawain sa Pag-aaaral
1. Sa unang pagkikita niya sa kaniyang guro ay sinabi niya ang kaniyang
kakauntian ng kaalaman sa Espanyol at Latin.
2. Sinabi ni Rizal na ang kaniyang guro ay may kahusayan sa balarilang
Espanyol na sinulat nina Nebrija at Gainza.
3. Nakaaway ni Rizal si Pedro na anak ng kaniyang guro.
4. Nagkaroon din siya ng away sa mga bata sa Biñan isa na rito si Andres
Salandanan na tumalo sa kaniya.
5. Nag-aral si Rizal ng pagpipinta kay Matandang Juancho na dito ay
nakasama ng kaniyang kaeskuwelang si Jose Guevarra.
6. Sa pagsapit ng ilang buwan si Rizal ay nanguna sa kaniyang mga
kaeskuwela sa mga Espanyol, Latin at iba pang mga aralin.
7. Sa kabila ng kahusayan ni Rizal sa pag-aaral, siya ay napapalo ng kaniyang
maestro halos araw-araw dahilan sa mga sumbong laban sa kaniya ng
kaniyang mga kamag-aral.
8. Nilisan ni Rizal ang pag-aaral sa Biñan noong Disyembre 1870 pagkatapos
ng halos isa at kalahating taon.
9. Nilisan ni Rizal ang Biñan sakay ng Barkong Talim na naghatid sa kaniya sa
Calamba.
D. Ang Gomburza
1. Sa kaniyang pag-uwi sa Calamba ay nabalitaan niya ang Pag-aalsa sa
Cavite at ang pagbitay sa tatlong paring martir na sina Jose Burgos,
Mariano Gomez, at Jacinto Zamora.
2. Ang kaniyang kapatid na si Paciano ay naging malapit na mag-aaral ni
Padre Jose Burgos.
3. Si Paciano sa maraming pagkakataon ay naibahagi kay Rizal ang mag
ideya at pilosopiya ni Jose Burgos.
5
3. Pagkatapos na madakip ni Donya Teodora, ito ay pinaglakad mula
Calamba hanggang Santa Cruz, Laguna na ang layo ay 50 kilometro.
4. Ang ina ni Rizal ay nakulong sa loob ng dalawa at kalahating taon.
6
C. Unang Taon sa Ateneo (1872-73)
1. Padre Jose Bech S.J. – ang guro ni Rizal sa kaniyang unang taon sa
Ateneo.
2. Nagsimula siyang nasa mababang ranggo sa imperyong Cartago ngunit sa
paglipat ng mga linggo ay nagawang makapanguna sa kaniyang mga
kamag-aral.
3. Napanalunan niya ang kaniyang unang gantimpala sa kaniyang pag-aaral
– isang larawang pangrelihiyon.
4. Upang mapagbuti ni Rizal ang kaniyang kaalaman sa wikang Esanyol siya
ay nagpaturo ng aralin sa Colegio de Santa Isabel sa panahon ng
kaniyang pamamahinga sa tanghali.
5. Sa kalagitnaan ng taon si Rizal ay hindi nagbuti sa kaniyang pag-aaral
upang mapanatili ang kaniyang pangunguna sa klase ito ay dahilan sa
kaniyang sama ng loob sa hindi makatwirang puna ng guro sa kaniya.
6. Sa bakasyon ng 1873, si Rizal ay hindi naging masaya dahilan sa nasa
bilangguan ang kaniyang ina. Lihim na pumunta sa Santa Cruz para
dalawin ang kaniyang ina at kinuwentuhan niya ang ina ukol sa kaniyang
pag-aaral sa Ateneo.
I. Likhang Lilok
1. Imahen ng Birheng Maria na ipagkakaloob sana ni Rizal kay Padre
Lleonart.
8
1. Segunda Katigbak – ang babaeng unang minahal ni Rizal.
2. Mariano Katigbak – kapatid ni Segunda at kaibigan ni Rizal.
3. La Concordia – ang paaralan na pinapasukan ni Segunda Katigbak.
4. Manuel Luz – ang lalaking takdang mapangasawa ni Segunda.
9
Si Rizal ay naging biktima ng isang opisyal na Espanyol noong 1878. Si Rizal
ay pinalo ng sable sa likod ng nasabing opisyal.
Noong 1879, si Rizal ay lumahok sa paligsahan ng Liceo Artistico-Literario. Sa
nasabing paligsahan ay nanalo ng unang gantimpala ang kaniyang tulang
sinulat na may pamagat na A La Juventud Filipina.Ang paligsahan ay para
lamang sa mga Pilipino.
Noong 1880, si Rizal ay lumahok sa paligsahan ng Liceo Artistico-Literario
ukol bilang pag-paparangal sa ika-400 taon ng kamatayan ni Miguel de
Cervantes. Sa nasabing paligsahan ang kaniyang ginawang akda na may
pamagat na El Consejo de los Dioses ay nanalo ng unang gantimpla. Ang
paligsahan ay bukas sa mga Pilipino at Espanyol.
Kampeon ng mga Estudyante – Nagtayo sina Rizal ng isang samahan na
tinatagwag na Compañerismo sa layunin na ipagtanggol ang kanilang sarili
laban sa mga pang-iinsulto ng kanilang mga kamag-aral na Espanyol.
Hindi naging masaya si Rizal sa UST bunga ng mga sumusunod na
kadahilanan;
a. Galit sa kaniya ang mga guro ng UST
b. Minamaliit ang mga mag-aaral na Pilipino ng mga Espanyol
c. Makaluma ang sistema ng pagtuturo sa UST
10
B. Singapore
1. Mayo 8, 1882 – narating ni Rizal ang Singapore.
2. Hotel de la Paz – hotel na tinuluyan ni Rizal sa Singapore.
3. Dinalaw ni Rizal ang mga sumusunod:
a. Harding Botaniko
b. Distritong Pamilihan
c. Templong Budista
4. Estatwa ni Thomas Stanford Raffles – tagapagtatag ng Singapore.
5. Nilisan ni Rizal ang Singapore sakay ng barkong Djemnah.
C. Colombo
1. Maraming iba’t ibang lahi ang nakasabay ni Rizal sa barko Djemnah at
binalak ni Rizal na magsalita ng Pranses ngunit hindi siya naintidihan ng
mga ito.
2. Ang kaniyang sinabi sa Port Galle ay masyadong malungkot ang lunsod.
3. Nakarating siya sa Colombo at sinabi niyang maganda ang lunsod kaysa
sa Singapore, Port Galle, at Maynila.
D. Suez Canal
1. Suez Canal – isang lagusang tubig na nag-uugnay ng Red Sea at
Mediterrenean Sea.
2. Ferdinand de Lesseps – isang diplomatikong Pranses na nagplano ng
pagtatayo ng Suez Canal.
3. Nakarating si Rizal sa Port Said na dulong bahagi ng Ehipto. Dito nakita ni
Rizal ang mga tao na nagsasalita ng iba’t ibang mga wika.
E. Naples at Merseilles
1. Nagtungo ang barkong Djemnah sa Europa at noong narating ni Rizal ang
Naples noong Hunyo 11, 1882.
2. Kinabukasan ay narating niya ang daungan ng Merselles at kaniyang
binisita ang Chateu d’If na siyang lugar na binanggit ni Alexander Dumas
sa kaniyang nobelang Count of Monte Cristo.
F. Barcelona
1. Hunyo 15, 1882 nilisan ni Rizal ang Merseilles aty narating ang Barcelona
sakay ng tren galing Pransiya.
11
2. Narating niya ang Barcelona noong Hunyo 16, 1882.
3. Hindi maganda ang unang impresyon ni Rizal sa Barcelona dahilan siya ay
napatira sa hindi magandang bahagi ng lunsod.
4. Sa bandang huli ay nagbago ang kaniyang pananaw sa Barcelona dahilan
sa nakita niya ang lunsod ay nagtataglay ng kalayaan at liberalismo, ang
mga tao ay palakaibigan, at magagalang.
5. Plaza de Cataluña – ang paboritong kaininan ng mga mag-aaral na
Pilipino sa Barcelona at dito binigyan si Rizal ng isang piging bilang
pagbati sa kaniyang pagdating.
G. Amor Patrio
1. Amor Patrio – ang unang akda ni Rizal sa labas ng bansa. Dito rin ginamit
ni Rizal ang pangalan sa panulat na Laong Laan.
2. Diariong Tagalog – isang mapangahas na pahayagan sa Maynila na
naglathala ng kaniyang mga artikulo.
3. Basilio Teodoro – ang patnugot ng Diariong Tagalog.
4. Marcelo H. Del Pilar – ang nagsalin ng Amor Patrio mula sa wikang
Espanyol sa wikang Tagalog.
5. Iba pang mga artikulong ipinadala ni Rizal sa Diariong Tagalog
a. Los Viajes
b. Revista del Madrid
H. Paglipat sa Madrid
1. Sa Barcelona ay nabalitaan ni Rizal ang balita ukol sa epidemya ng kolera
sa Pilipinas.
2. Nakatanggap siya ng sulat mula kay Jose Cecilio na nagbabalita ng
malungkot na kalagayan ni Leonor buhat ng siya ay umalis.
3. Pinayuhan ni Paciano si Rizal na lumipat ng Madrid.
I. Buhay sa Madrid
1. Nagpatala si Rizal sa Universidad Central de Madrid sa mga kursong:
a. Medisina
b. Pilosopiya at Pagsulat
2. Nagsikap na Matutunan ang mga sumusunod:
a. Pagpipinta at Paglilok sa Academy of Fine Arts of San Fernando
b. Nagsanay ng eskrima at pagbaril sa Hall of Arms of Sanz y
Carbonell
12
3. Nag-aral ng mga wikang:
a. Pranses
b. Aleman
c. English
4. Namamasyal sa mga galerya ng sining at mga museo
5. Nagbasa ng maraming mga aklat
6. Naging matipid si Rizal sa kaniyang pagastos
7. Ang tanging sugal na tinayaan ni Rizal ay ang lotto
8. Nagpapalipas ng mga libreng oras sa bahay ng mga Paterno
L. Paghihirap sa Paris
1. Nagkaroon ng paghihirap si Rizal sa Madrid dahilan sa hindi naging
maganda ang ani sa kanilang lupa. Dahilan dito ay hindi nakarating ang
sustento ni Rizal sa Madrid.
2. Ipinagbili ni Paciamo ang bisiro ni Rizal para may maipadala lamang kay
Rizal.
13
3. Kumuha si Rizal ng pagsusulit sa kaniyang aralin sa Griego na hindi man
lamang nag-aalmusal at nananghalian.
N. Pagtatapos sa Pag-aaral
1. Natapos ni Rizal noong 1885 ang kaniyang kurso sa Medisina at
Pilosopiya
B. Heidelberg
1. Pagkatapos ng kanilang mga gawain sa Paris si Rizal ay nagtungo ng
Alemanya para sa pagpapatuloy ng kanyang pag-aaral sa optalmolohiya.
2. Pebrero 3, 1886 - dinalaw ni Rizal ang makasaysayang lunsod ng
Heidelberg na kilala sa kanyang unibersidad. Naninirahan siya sa isang
boarding house na tinitirhan ng mga mag-aaral ng abogasya.
14
3. Sa Heidelberg si Rizal ay naglingkod bilang katulong sa klinika ni Dr. Otto
Becker, isang kilalang doktor ng optalmolohiya sa Alemanya.
4. A Las Flores de Heidelberg - ang tulang sinulat ni Rizal sa kagandahan ng
mga bulaklak ng Heidelberg.
5. Sa nasabing lunsod inabutan si Rizal ng selebrasyon ng Ikalimang Daan
Taon ng Pagkakatatag ng Heidelberg.
C. Wilhelmsfeld
1. Wilhelmsfeld - isang bayang bakasyunan sa Alemanya kung saan si Rizal
ay tumigil ng tatlong buwan.
2. Karl Ullmer- pastor protestante na tinigilan ni Rizal habang siya ay
nagbabakasyon sa Wilhelmsfeld.
3. Napamahal kay Rizal ang pamilya ni Pastor Ullmer at ito ay kaniyang
ipinadama niya sa pamamagitan ng pagsulat sa anak nito na si Friedrich
Ullmer na nagpapasalamat sa kabutihan ng nasabing pamilya.
E. Leipsig at Dresden
1. Leipsig - isang lunsod sa Alemanya na kaniyang binisita upang dumalo ng
aralin sa Kasaysayan at Sikolohiya.
2. Dito ay kanyang naging kaibigan si Friedrich Ratzel na kilalang
mananalaysay at si Dr. Hans Mever na isang kilalang antropologo.
3. Isinalin din ni Rizal ang akda ni Hans Christian Andersen.
4. Dresden - binisita ni Rizal ang lunsod na ito at dito ay kaniyang nakilala si
Dr. Adolph Mever ang direktor ng Museo ng Antropolohiya at Etnolohiya.
15
1. Berlin - hinangaan ni Rizal ang lunsod na ito dahilan sa pagkakroon nito
ng siyentipikong kapaligiran at malaya sa pagtatangi ng lahi.
2. Dr. Feodor Jagor - nakatagpo ni Rizal ang nasabing manlalakbay na
sumulat ng isang akalt tungkol sa Pilipinas.
3. Dr. Rudolf Virchow - isang kilalang antropolohistang Aleman na nakilala
ni Rizal sa Berlin.
4. Dr. W. Joest - isang kilalang heograpong Alemanya na nakilala ni Rizal sa
Berlin.
5. Dr. Karl Ernest Schweigger- isang kilalang optalmolohista ng Berlin at dito
si Rizal ay naglingkod sa klinika.
6. Dr. Rudolf Virchow - kanyang inimbitahan si Rizal na magsalita sa isang
pagpupulong ng Ethnographic Society ng Berlin.
7. Tagalog Verskunt - ang pamagat ng papel panayam na binasa ni Rizal sa
isinagawang pagpupulong ng Ethnographic Society ng Berlin.
3. Paghihirap sa Berlin
a. Walang dumating na padalang pera mula sa Calamba
b. Kumakain lamang ng isang beses sa isang araw
c. Naglalaba ng kaniyang sariling damit
d. Naghihinala siya sa pagkakaroon ng sintomas ng sakit na
tuberkulosis
16
KABANATA 8 - PAGPAPALIMBAG NG NOLI ME TANGERE
A. Ang Ideya at Pagsulat ng Noli
1. Uncle Tom's Cabin - isang nobela na sinulat ni Harriet Beecher Stowe na
tumatalakay sa buhay ng mga aliping itim sa Amerika.
2. Enero 2, 1884 - petsa ng pagtitipon kung saan pinanukala ni Rizal sa
grupo ng mga Pilipino na magsulat sila ng isang nobelang ukol sa
kalagayan ng Pilipinas.
3. Paghahati ng Pagsulat ng Noli Me Tangere
a. 1/2 sa Espanya
b. 1/4 sa Pransya
c. 1/4 sa Alemanya
4. Wilhelmsfeld - dito tinapos ni Rizal ang mga huling kabanata ng Noli Me
Tangere.
5. Maximo Viola - ang nagsilbing tagapagligtas ng Noli Me Tangere sa
pamamagitan ng pagpapahiram niya kay Rizal ng halagang P300 upang
magamit sa pagpapalimbag ng nasabing nobela.
6. Pebrero 21, 1887 - petsang natapos ang Noli Me Tangere at inihanda
para sa pagpapalimbag.
7. Berlin Buchdruckrei-Action-Gesselschaft - ang palimbagan na tumanggap
upang ilaathala ang Noli Me Tangere sa halagang P300 sa daming 2,000
kopya.
8. Marso 21, 1887 - lumabas ng palimbagan ang nobelang Noli Me Tangere.
9. Mga Unang Pinadalahan ni Rizal ng kopya ng Noli
a. Ferdinand Blumentritt
b. Dr. Antonio Ma. Regidor
c. Graciano Lopez-Jaena
d. Mariano Ponce
e. Felix Resurrecion- Hidalgo
10.Kinuha ni Rizal ang pamagat ng Noli Me Tangere mula sa ebanghelyo ni
San Juan.
11.Inihandog ni Rizal ang Noli Me Tangere sa inang bayan.
12.Elias at Salome - ang isang kabanata na inalis ni Rizal sa Noli Me Tangere
upang makatipid siya sa presyo ng pagpapalimbag ng nobela.
17
1) Ang kanilang paglalakbay sa Dresden ay napataon sa
Eksposisyon ng mga Bulaklak.
2) Binisita ni Rizal si Dr. Adolph Meyer sa Museo ng Sining.
3) Prometheus Bound - isang obra maestrang pinta na labis na
hinangaan ni Rizal sa Dresden.
4) Dr. Jagor - nagpayo kay Rizal na padalhan muna ngg telegrama
si Blumentritt bago siya pumunta ng Leitmeritz.
b. Leitmeritz
1) Mayo 13, 1887 - dumating si Rizal sa Leitmeritz at dito siya ay
sinalubong ni Prof. Ferdinand Blumentritt sa istasyon ng tren
dala ang larawan na pagkakakilalanan kay Rizal.
2) Hotel Kreb - dito tumira sina Rizal at Blumentritt habang
bumibisita sa Leitmeritz.
3) Nakilala ni Rizal ang pamilya ni Blumentritt
a) Rosa ang asawa ni Blumentritt
b) Dolores - anak
c) Conrad - anak
d) Fritz - anak
4) Burgomaster - ipinakilala ni Blumentritt si Rizal at kaniyang
hinangaan ang katalinuhan ni Rizal sa madaling pagkatuto ng
wikang Aleman.
5) Dr. Carlos Czepelak - isa sa mga kilalang siyentipiko ng Europa
nma nakilala ni Rizal sa Leitmeritz.
6) Robert Klutschak - isang bantog na naturalista na nakilala ni
Rizal sa Leitmeritz.
c. Prague
1) Dinalaw ni Rizal at Viola ang lunsod na ito noong Mayo 17 -19,
1887.
2) Dr. Willkom - ang professor ng natural history ng Unibersidad
ng Prague na dinalaw ni Rizal sa lunsod dala ang sulat ng
pagpapakilala ni Blumentritt.
3) Binisita ni Rizal at Viola ang libingan ni Copernicus - ang
dakilang astronomo sa kasaysayan ng sangkatauhan.
4) Binisita din nila ang kuweba na nagsilbing bilangguan ni San
Juan Nepomuceno pati na ang tulay na pinaghulugan nito.
18
d. Vienna
1) Binisita ni Rizal sa lunsod na ito si Norfenfals na isa sa mga
pinakadakilang nobelista ng Europa noong panahong iyon. Sa
dakong huli hinangaan din niya si Rizal sa katalinuhang taglay
nito.
2) Hotel Metropole - hotel na tinigilan nina Rizal at Viola sa
Vienna.
g. Switzerland
1) Geneva - kay Rizal ang lunsod na ito ang pinakamaganda sa
buong Europa.
2) Mga wikang sinasalita ng mga taga-Switzerland
a) Aleman
b) Pranses
19
c) Italyan
3) Dito niya natanggap ang isang telegrama ukol sa isinasagawang
Eksposisyon sa Madrid na ang ipinapakita sa Pilipinas ay ang
mga tribo ng Igorot na suot na bahag at mga makalumang
kagamitan ay pinagtatawanan ng mga taga- Madrid.
4) Sa Geneva inabutan si Rizal ng kanyang ika-26 na taong
kaarawan at kanyang pinakain si Viola ng isang masaganang
pagkain.
5) Dito sa lunsod ng Geneva naghiwalay sina Rizal at Viola. Si Rizal
para ipagpatuloy ang kanyang paglalakbay sa Italya at si Viola
naman para magbalik sa Barcelona.
h. Italya
1) Mga lunsod ng Italya na binisita ni Rizal
a) Turin
b) Milan
c) Venice
d) Florence
e) Rome
2) Roma - nakarating si Rizal sa "lunsod ng mga Caesar" noong
Hunyo 27, 1887. Hinangaan ni Rizal ng labis ang karangyaan ng
nasabing lunsod.
3) Mga kahanga-hangang tanawin na binisita ni Rizal sa Roma
a) Capitolium
b) Bato ng Tarpeian
c) Palatinum
d) Forum Romanum
e) Ampiteatro
f) Simbahan ng Santa Maria Magigiore
20
A. Desisyon na magbalik sa Pilipinas
1. Mga Tumangging magbalik si Rizal sa Pilipinas
a. Paciano Rizal
b. Silvestre Ubaldo
c. Jose Cecilio
2. Mga Dahilan ng Pagbabalik
a. Tistisin ang mata ng kanyang ina
b. Paglingkuran ang kanyang mga kababayan
c. Makita ang epekto ng kanayng nobelang Noli
d. Itanong kung bakit hindi na nasulat si Leonor Rivera
3. Hunyo 29, 1887 - tumelegrama si Rizal sa kaniyang ama ukol sa kanyang
pagbabalik sa Pilipinas.
C. Pagbabalik sa Calamba
1. Agosto 8, 1887 - petsa ng makarating si Rizal sa Calamba.
2. Paciano - hindi niya hiniwalayan si Rizal sa mga unang araw ng
pagbabalik nito sa Calamba dahilan sa kanyang pag-aalala sa kaligtasan
ng kanyang nakababatang kapatid.
3. Nagtayo si Rizal ng isang klinika sa Calamba upang maka-paglingkod sioya
bilang manggagamot.
4. Ang kanyang unang naging pasyente ay ang kanyang ina, nguni't hindi
niya ito inoperahan sa dahilang ang katarata nito ay hindi pa noon hinog.
5. Tinawag si Rizal na Doktor Uliman ng mga taga -Calamba at naging
bantog sa Calamba at mga karatig bayan at dinayo ng mga tao ang
kanyang klinika.
6. Kumita si Rizal ng P900 sa unang buwan ng kanyang paggagamot at sa
buwan ng Pebrero 1888 ang halaga ay umabot ng P5,000.
21
7. Nagtayo si Rizal ng isang gymnasium sa Calamba upang mailigtas ang
kanyang mga kababayan sa bisyong tulad ng sugal at sabong.
8. Hindi nadalaw ni Rizal si Leonor Rivera dahilan sa pagtutol ng kanyang
mga magulang na dalawin ang dalaga. Ang mga magulang ni Leonor
Rivera ay ayaw na makatuluyan ng kanilang anak na si Rizal.
22
1. Padre Jose Rodriguez - prayle ng Guadalupe na naglabas ng walong
polyeto na bumabatikos sa Noli Me Tangere. Ang mga polyetong isinulat
niya ay ipinagbibili sa mga nagsisimba.
2. Mga Senador ng Espanya na bumabatikos sa Noli Me Tangere.
a. Jose Salamanca
b. Luis M. de Pando
c. Fernando Vida
3. Vicente Barrantes - kanyang binatikos ang Noli Me Tangere sa kanyang
inilathalang artikulo sa pahayagang La Espana Moderna.
23
pag-aari ng mga prayle upang maituwid ang mga pagmamalabis na
nagaganap dito.
2. Tumulong si Rizal sa kanyang mga kababayan sa Calamba sa pagkuha ng
mahahalagang datos ukol sa suliraning agraryo sa kanyang bayan.
3. Lumabas sa pag-aaral na ginawa ni Rizal ang mga sumusunod:
a. ang hacienda ng mga paring Dominikano ay sumasakop sa buong
bayan ng Calamba.
b. Ang tubo ng mga paring Dominikano ay patuloy na tumataas
dahilan sa walang taros na pagpapalaki ng binabayarang upa sa
lupa.
c. Ang hacienda ay hindi man lamang nagkakaloob ng anumang
tulong pinansiyal para sa mga pagdiriwang ng mga kapistahan, sa
edukasyon ng mga kabataan, at pagpapabuti ng agrikultura.
d. Ang mga kasama na siyang nahirapan ng labis sa paggawa sa
hacienda ay pinapaalis na lamang mula sa lupa sa dahilan lamang
sa mga mababaw na kadahilanan.
e. Sinisingil ng mataas na tubo ang mga kasama sa hacienda at kung
hindi nakapagbabayad ay kinukumpiska ng mga tagapangasiwa ng
hacienda ang mga hayop, kagamitan, o maging ang bahay ng mga
kasama.
I. Pag-alis sa Calamba
1. Dahilan sa Noli Me Tangere at pakikialam ni Rizal sa suliraning agraryo sa
hacienda sa Calamba, si Rizal ay labis na kinamuhian ng mga prayleng
Dominikano.
2. Pinilit ng mga prayle ang Gobernador Heneral Terrero na iligpit si Rizal sa
pamamagitan ng pagpaptapon sa kanya ngunit ang gobernador heneral
ay hindi sumunod sa kagustuhan ng mga prayle.
3. Nakatanggap ng mga pagbabanta sa buhay ni Rizal ang kanyang mga
magulang at pinaki-usapan siya ng kanyang mga kamag-anakan pati na ni
Tenyente Jose Taviel de Andrade na umalis na muna ng Pilipinas.
4. Pinatawag si Rizal ni Gobernador Heneral Terrero at pinayuhan siya na
umalis ng Pilipinas para sa kabutihan ng una.
5. Napilitang umalis si Rizal sa Pilipinas bunga ng dalawang pangunahing
kadahilanan.
6. Napapasanganib na rin ang buhay ng kanyang mga magulang, kapatid at
mga kaibigan.
7. Mas higit siyang makalalaban para sa kapakanan ng byan kung siya ay
magsusulat na malaya sa ibang bansa.
24
25
26
KABANATA 11 HONGKONG AT MACAO
2. Jose Sainz de Varanda - isang opisyal na Espanyol na sumusubaybay o nagmamanman kay Rizal
sa Hongkong.
3. Nakatagpo ni Rizal sa Hongkong ang mga Pilipinong takas mula sa Marianas na hinuli ng mga
Espanyol noong 1872.
4. Nakatagpo ni Rizal sa Hongkong si Jose Basa isang abogadong tumakas sa Marianas aat biktima
ng terorismo ng Espanya ng 1872.
A. Pagbisita sa Macao
1. Kiu Kiang - ang barkong sinakyan ni Rizal at Basa patungo sa Macao noong Pebrero 18, 1888 at
nakita niya dito si Jose Sainz de Varanda na sumusunod sa kanya.
A. Karanasan sa Hongkong
c. Ang masaganang piging kung saan ang mga panauhin ay inaanihan ng labis na pagkain.
d. Ang mga Dominikano ang pinakamayamang ordeng pangrelihiyon sa Hongkong dahilan sa pag-
aari ng maraming mga bahay paupahan, at malaking halagang salapi na nakadeposito sa mga bangko
na tumutubo ng malaking interes.
A. Paglisan sa Hongkong
27
1. Pebrero 22, 1888 - nilisan ni Rizal ang Hongkong sakay ng barkong Oceanic na pag-aari ng mga
Amerikano at kanyang patutunguhan ay ang bansang Hapon.
2. Mula sa Yokohama nagtungo si Rizal sa Tokyo na siyang punong lunsod ng nasabing bansa.
A. Si Rizal sa Tokyo
1. Juan Perez Caballero - opisyal ng Espanya sa Tokyo na bumisita kaay Rizal sa hotel at
inanyayahan si Rizal na manirahan sa gusali ng legasyon.
1. Sa kaniyang paninirahan sa legasyon ay naging matalik niyang kaibigan si Juan Perez Caballero at
kanyang sinabi na ang diplomat ay isang bata, matalino, at mahusay na manunulat.
2. Sa unang araw ni Rizal sa Tokyo ay napahiya si Rizal sa dahilan na napagkamalan na isang Hapon
na hindi marunong magsalita ng nihongo.
3. Napilitan si Rizal na mag-aral ng wikang nihongo at natutunan niya ito sa loob ng ilang araw
lamang.
A. Si O-Sei-San
28
1. Seiko Usui - ang babaing inibig ni Rizal noong siya ay nasa bansang Hapon at mas kilala siya sa
katawagang ibinigay ni Rizal na O-Sei-San.
2. Nakita ni Rizal si O-Sei-San sa labas ng legasyon ng Espanya sa Tokyo na kung saan malapit ang
tinitirhan ni O-Sei-San.
5. Napamahal si Rizal kay O-Sei-San dahilan ang una ay bigo kay Leonor Rivera at biktima ng
kawalan ng katarungan.
7. Nakita ni Rizal kay O-Sei-Sanang kaniyang ideal na babaing iibigin. Si O-Sei-San ay maganda,
mapanghalina, mahinhin at matalino.
10. Ang kagandahan ni O-Sei-San ay halos bumihag kay Rizal na manirahan sa Hapon at
tanggapin ang magandang hanapbuhay na inaalok ng legasyon ng Espanya sa Tokyo.
12. Naging tapat si O-Sei-San kay Jose Rizal nag-asawa lamang ito noong 1897
pagkatapos na bitayin si Rizal. Napangasawa ni O -Sei-San si Alfred Charlton na isang Ingles na isang
guro ng kemistriya sa Tokyo.
A. Pag-alis sa Hapon
1. Abril 13, 1888 - petsa ng umalis si Rizal sa Yokohama patungo ng Amerika sakay ng barkong
Belgic.
3. Techo Suhiro - isang Hapon na nakasabay ni Rizal sa barko. Siya ay mamamahayag, nobelista, at
tagapagtanggol ng karapatang pantao sa Hapon.
29
c. Nagtungo sila sa ibang bansa upang doon ipagpatuloy ang kanilang pakikipaglaban para sa
karapatan ng kanilang mga kababayan.
d. Kapwa sila mayroong misyon na palayain ang kanilang bansa sa mga mapaniil na pinuno ng
pamahalaan.
1. Abril 28, 1888 - dumating ang barkong Belgic sa daungan ng lunsod ng San Francisco.
2. Hindi pinayagan ang mga pasahero na makababa ng barko at sila ay kinuwarentenas dahilan sa
takot ng mga Amerikano na ang mga ito ay mayroong sakit na kolera.
3. Nabigla si Rizal sa dahilang noong panahong iyon ay walang epidemya ng kolera sa Malayong
Silangan at ang konsul ng Estados Unidos sa Hapon ay nagbigay ng patunay na walang epidemya ng
nasabing sakit sa Hapon.
4. Nalaman ni Rizal na ang dahilan ng kuwarentenas ay upang hind makapasok agad ang mga
manggagawang Tsino sa Estados Unidos na ayaw ng mga Amerikanong manggagawa. Pag pumasok
ang mga manggagawang Tsino ay matatalo ang nakaupong presidente ng Amerika sa nalalapit na
eleksiyon.
5. Kahit na may kuwarentenas ay pinayagan ng mga Amerikano na makapasok ang 700 bales ng
sutla na mula sa Tsina na hindi man lamang pinapausukan ng gamot.
6. Nakaalis si Rizal at mga biyahero mula sa primara klaseng kabina mula sa kuwarentenas
pagkatapos ng isang linggo. Ang mga Hapon at Tsino ay ikinulong pa ng mas mahabang panahon.
8. Mula sa San Francisco ay tinawid ni Rizal ang kalawakan ng Estados Unidos hanggang sa lunsod
ng New York.
9. Narating ni Rizal ang New York noong Mayo 3, 1888 at kaniyang sinabi na ang lunsod ay isang
napakalaking bayan.
10. Mula sa New York si Rizal ay sumakay ng barkong City of Rome na nagdala sa kanya
patungo ng London.
Mabuting Impresyon
a. ang kaunlaran ng Estados Unidos ay makikita sa kanyang malalaking lunsod, malawak ang bukid,
at lumalagong mga industriya at abalang mga pabrika.
Masamang Impresyon
a. Ang kawalan ng pagkakapantay ng mga lahi. Ang Amerika ay isang magandang bayan para sa
mga puti at hindi sa mga taong may kulay ang balat.
2. Pag-aralan at iwasto ang aklat na Sucesos de las Islas Filipinas na isinulat ni Morga.
A. Pagtawid sa Atlantiko
1. Sakay ng barkong City of Rome si Rizal ang nagsilbing interpreter ng mga pasahero bunga ng
kanyang kaalaman sa maraming wika.
2. Pianahanga ni Rizal ang kanyang mga kapwa pasahero sa kahusayan niya sa paglalaro ng yoyo.
4. Dumating si Rizal sa Liverpool, England noong Mayo 24, 1888 at nagpalipas ng gabi sa Hotel
Adelphi.
2. Pansamantalang nanirahan si Rizal sa bahay ni Antonio Ma. Regidor na isang takas na Pilipino sa
Marianas noong 1872 at nagtatrabaho bilang abogado sa London.
4. Ang may-ari ng nasabing bahay paupahan ay ang pamilyang Beckett na isang organista ng
Katedral ng St. Paul.
5. Ang bahay ng mga Beckett ay nasa magandang lokasyon, malapit sa British Museum.
6. British Museum - ang pambansang aklatan ng England na nagtataglay ng napakarami at mga di-
karaniwang mga aklat. Dito ginugol ni Rizal ang kanyang maraming araw sa London sa pamamagitan
ng pagsasaliksik sa nabanggit na aklatan.
b. pag-uusig laban sa mga kasama sa lupa sa Calamba, kabilang dito ang pamilya ni Rizal dahilan sa
kanilang ginawang petisyon para sa repormang agraryo.
c. Malubhang paninira nina Senador Salamanca at Vida sa Cortes ng Espanya laban sa Noli Me
Tangere , gayundin ng mga manunulat na sina Wenceslao Retana at Pablo Feced sa mga pahayagang
Espanyol.
e. Dinakip ng mga Espanyol si Laureano Viado na kaibigan ni Rizal sa Maynila dahilan sa nahulihan
ng mga Espanyol ng sipi ng Noli Me Tangere sa kanyang bahay.
1. Magandang Balita
a. abalitaan ni Rizal ang ginawang pagtatanggol ni Padre Vicente Garcia sa nobelang Noli Me
Tangere laban sa pagbabatikos ng mga prayle.
1. Sucesos de las Islas Filipinas - isang aklat na sinulat ni Morga noong 1609 ukol sa mga kaganapan
sa Pilipinas.
2. Binasa din ni Rizal ang mga aklat na sinulat nina Chirino, Colin, Argensola, at Plasencia ukol sa
mga dating kaugalian ng mga Pilipino sa unang bahagi ng pananakop ng mga Espanyol sa bansa.
3. Sa kanyang sulat ay sinabi niyang mahusay ang aklat ni Morga dahilan sa wala siyang kababawan
at kayabangan na tulad ng sa mga prayle, simple ngunit ang kanyang mensahe aynasa pagitan ng
bawat hanay ng mga salita.
5. Dahilan sa labis na kaabalahan ay kanyang tinanggihan si Mariano Ponce sa alok nito na maging
patnugot ng isangh pahayagan na sasagot sa mga paninira ng mga Espanyol laban sa mga Pilipino.
6. Habang naninirahan sa London, si Rizal ay gumawa ng saglit na pagbisita sa Paris upang basahin
ang ilang mga babasahing materyal sa Bibliotheque Nationale o pambansang aklatan ng Pransiya.
7. Binisita din panandali ni Rizal ang Madrid at Barcelona upang alamin sa mga Pilipino ang
kanilang ginagawang pagkilos para sa reporma sa Pilipinas. Sa unang pagkakataon ay nakita ni Rizal si
Marcelo H. del Pilar at Mariano Ponce, ang dalawang higante ng kilusang propaganda.
8. Nagbalik si Rizal sa London noong Disyembre 24, 1888 at nagdaos ng Pasko at Bagong Taon sa
tahanan ng mga Beckett . Nagpadala si Rizal ng regalo kay Blumentritt at Dr. Czepelak.
1. Itinatag ng mga Pilipino sa Barcelona ang isang makabayang samahan na tinawag na Asosacion
La Solidaridad na pinasinayaan noong Disyembre 31, 1884.
32
2. Sa pamamagitan ng nagkakaisang boto, si Rizal ay nahalal na Pangulong Pandangal ng Asociacion
La solidaridad bilang pagkilala sa kanyang pamumuno sa lahat ng mga makabayang Pilipino sa
Europa.
4. Noong Pebrero 15, 1889 itinatag ni Graciano Lopez Jaena sa Barcelona ang pahayagang
makabayan na amy pamagat na La Solidaridad na lumalabas tuwing ikalawa at huling linggo ng
buwan at nagsilbing pahayagan ng kilusang propaganda.
c. Labanan ang mga paring Espanyol sa Pilipinas na noon ay siyang kumokontrol ng pamahalaan.
e. Isulong ang makatuwirang karapatan ng mga Pilipino para sa buhay, demokrasya, at kaligayahan.
makatotohanan at tapat sa kanilang mga isusulat upang igalang ng mga mababasa ang kanilang
opinyon. Sinabi din ni Rizal na huwag gayahin ang mga mamahayag na binabayaran ng mga
7. Los Agricultores Filipino - ang unang artikulo na isinulat ni Rizal para sa pahayagang La
Solidaridad at nalathala noong Marso 25, 1889. Sa nasabing artikulo ay kanyang sinabi na
ang dahilan ng pagiging paurong ng mga magsasakang Pilipino ay ang napakaraming balakid
sa kanyang pagsulong tulad ng mga mahihigpit na pinuno, mga magnanakaw, sakunang mula
sa kalikasan, sapilitang paggawa, at marami pang mga salik na hindi magbibigay daan sa pag-
1. La Vision del Fray Rodriguez - isang satirikong polyeto na sinulat nni Rizal laban kay Padre Jose
Rodriguez at kanyang ginamit na pangalan dito ay Dimas Alang, nalathala sa Barcelona. Dito ay labis
na tinuya ni Rizal si Padre Rodriguez sa labis nitong katangahan.
2. Sa polyetong La Vision del Fray Rodriguez ay naipakita ni Rizal ang kanyang (a) mataas na
kaalaman sa relihiyon at (b) kahusayan sa panunudyo.
3. Liham sa mga Kadalagahan ng Malolos - isang sulat na ipinadala ni Rizal sa mga dalaga ng
Malolos na noon ay humiling sa pamahalaan na pagkalooban sila ng pagkakataon na mag-aral ng
wikang Espanyol kahit ito ay laban sa kagustuhan ng prayle paroko ng Malolos, Bulacan.
33
4. Ang nilalaman ng Liham sa Mga Kadalagahan ng Malolos ay ang mga sumusunod na pagpapayo
ni Rizal sa mga kababaihan:
a. Ang mga inang Pilipina ay dapat magturo sa kanilang mga anak ng pag-ibig sa Diyos, bayan at sa
sangkatauhan.
b. Dapat na ang mga inang Pilipina makatulad ng mga ina sa Sparta na nasisiyahan na makita ang
kanilang mga anak na lumalaban para sa kalayaan ng bayan.
e. ang pananampalataya ay hindi lamang ang mahabang dasal, pagsuot ng mga krusipiho at
kagamitang pang-relihiyon sa katawan, kundi bagkus ang pamumuhay ng tunay na Kristiyano na may
mabuting moral at kaugalian.
1. Sumulat din si Rizal ng dalawang artikulo sa Trubner's Record isang pahayagang Ingles sa London
na may pamagat na Specimens of Tagal Folklore at Two Eastern Fables.
1. Gertrude Beckett - anak na babae ng kanyang kasero sa London at tinawag niya ito sa palayaw
na Getie. Naging malapit ang dalawa, dahilan sa tinutulungan ng dalaga si Rizal sa kanyang mga
gawain tulad ng paghahalo ng pintura sa kanyang pagpipinta at paghahanda ng clay para sa kaniyang
iskultura. Tinawag ni Getie si Rizal sa palayaw na Petie.
2. Ngunit bago pa man mabuo ang isang pag-ibig, si Rizal ay lumayo kay Gertrude Beckett dahilan
sa kanyang mas mahalagang misyon sa buhay.
3. Bago umalis si Rizal sa London, kanyang tinapos ang apat na gawang lilok na may pamagat na :
a. Promotheus Bound
1. Marso 19, 1889 - nagpaalam si Rizal sa pamilyang Beckett at nilisan ang London patungo ng
Paris.
A. Pagtungo sa Paris
34
1. Pumunta si Rizal sa Paris dahilan sa gaganapin noon ang Pandaigdig na Eksposisyon na darayuhin
ng libu-libong mga tao mula sa iba't ibang panig ng mundo.
4. Nagpalipat-lipat ng tirahan si Rizal hanggang makakita siya ng isang maliit na silid at nakasama
niya dito ang dalawang Pilipino na sina Capitan Justo Trinidad na dating gobernadorcillo ng Santa Ana
at Jose Albert na isang batang mag-aaral mula sa Maynila.
1. Sa kabila ng kasiyahan sa Paris naging abala pa rin si Rizal sa pagbabasa ng mga aklat sa
Bibliotheque Nationale upang tingnan ang mga datos para sa kaniyang anotasyon ng Sucesos Las
Islas de Filipinas ni Morga.
2. Sa mga malalayang oras si Rizal ay dumadalaw sa bahay ng mga pamilyang Pilipino na sina Pardo
de Tavera, Ventura, Luna, at Bousted. Naging kaibigan niya ang tatlong magkapatid na Pardo de
Tavera, na ang ama ay isa sa mga biktima ng kalupitan ng mga Espanyol noong 1872.
3. Naging ninong si Rizal ni Maria de la Paz Luna na pangalawang anak nina Juan Luna at Luz Pardo
de Tavera.
5. Isa sa umakit kay Rizal sa Eksposisyon ng Paris ay ang Eiffel Tower na may taas na 984
talampakan.
7. Isa sa mga bahagi ng kasaysayan sa Pariss ay ang pagkakaroon ng eksposisyon sa mga likhang
sining na sinalihan ni Juan Luna, Felix Resureccion-Hidalgo, at Felix Pardo de Tavera. Lumahok din si
Rizal sa pamamagitan ng pagsasali ng kanyang gawang iskultura, napasali ang kanyang likha ngunit
hindi nagtamo ng gantimpala.
8. Itinayo ni Rizal sa Paris ang Samahang Kidlat na binubuo ng kanyang mga kababayang Pilipino.
Ang samahan ay panandalian lamang at naglalayon na paglalapitin ang mga Pilipino sa Paris upang
higit silang masiyahan sa panonood ng eksposisyon.
9. Itinatag ni Rizal ang samahang Los Indios Bravos at pinalitan nito ang Samahang Kidlat . Nangako
ang mga kasapi nito ng pagsisikap sa katalinuhan at pagpapalakas katawan upang magtamo ng
paghanga ng dayuhan.
10. Samantalang nasa Paris itinatag ni Rizal ang isang lihim na samahan na nakilala
lamang sa panitik na R.D.L.M. at sinasapantaha na ang kahulugan ay Redencion de los Malayos (Ang
Pagpapalaya sa Malayo) . Ang samahang ito ay nanatili pa ring isang palaisipan sa mga nag-aaral ng
Rizal.
35
A. Ang Paglalathala ng Sucesos de las Islas Filipinas
1. Isa sa pinakamahalagang nagawa ni rizal habang siya ay nasa Paris ng 1889 ay ang
pagpapalimbag ng kanyang anotasyon ng aklat ni Morga na Sucesos de las Islas Filipinas na inilathala
ng Garnier Freres.
2. Isinulat ni Blumentritt ang Paunang Salita para sa Sucesos de las Islas Filipinas at inihandog ni
Rizal ang aklat para sa inang bayan.
3. Isinulat ni Rizal ang anotasyon ng Sucesos de las Islas Filipinas sa layunin na ipakita sa mga
Pilipino ang pagkakaroon natin ng mataas na kabihasnan bago pa man dumating ang mga Espanyol.
4. Nakatanggap si Rizal ng maraming paghanga mula sa kanyang mga kaibigan dahilan sa kanyang
paglalathala ng anotasyon sa Sucesos de las Islas Filipinas ni Morga.
a. Ang kanyang pagsasaliksik sa dalawang dakilang aklatan ng mundo - British Museum (London) at
Bibliotheque Nastionale (Paris) ay nakapagpalawak ng kanyang kaalamang pangkasaysayan.
b. Ang kanyang ginawang anotasyon ng Sucesos de las Islas Filipinas ay kakikitahan ng malawak na
kaalaman ni Rizal sa histograpiya - ang pag-aaral ng pagsulat ng kasaysayan.
c. Ang kaalaman ni Rizal sa maraming wika ay nakatulong sa kanya upang mabasa ang maraming
dokumentong historikal sa kanyang orihinal na anyo.
d. Nabasa niya si Pigadicta sa wikang Italyano: Marsden, Raffles, Lord Stanley, at Wallace sa wikang
Ingles; Blumentritt, Jagor, at Virchow sa wikang Aleman; M. Jacquet, J. Mallat, at A. Marche sa
wikang Pranses; at sina T. H. Pardo de Tavera, Pedro Paterno, Miguel Morayta, at Pi y Margall sa
wikang Espanyol.
e. Ang kaalaman ni Rizal sa kasaysayan ay hindi lamang ukol sa Pilipinas kundi sa kasaysayan ng
kolonisasyon ng mga Europeo sa Asya.
1. Maliban sa anotasyon ng Sucesos de las Islas Filipinas naghanda rin si Rizal ng malathalang
artikulong historikal na gaya ng mga sumusunod:
a. Ma- yi
1. Filipinas dentro de Cien Anos - sa artikulong ito ay hinulaan ni Rizaal ang pagtatapos ng
kolonyalismo ng Espanya sa Pilipinas sa pagtatapos ng ika 19 daantaon.
36
2. Sobre la Indolencia de los Filipinos - tinalakay ni Rizal ang kadahilanan ng katamaran at pagiging
mabagal na pag-unlad ng mga Pilipino sa mga sumusunod na salik.
a. Ang Pag-aalsa ng mga Pilipino at panloob na kaguluhan kasunod ng pananakop ng mga Espanyol
sa Pilipinas.
b. Ang mga digmaan ng Espanya laban sa mga Portuges, Olandes, Ingles, at iba pang mga kalaban
na dito ay naglingkod ang mga Pilipino bilang mga kawal ng hukbong Espanyol.
d. Ang sapilitang paggawa ng libu-libong mga Pilipino na naging dahilan upang mapabayaan ang
pagsasaka, komersiyo at industriya sa Pilipinas.
e. Ang kawalan ng pagsisikap ng mga Pilipino ng magtrabaho ng higit dahilan sa hindi naman nila
ganap na napakanibangan ang bunga ng kanilang paghihirap.
g. Ang masamang halimbawa na ipinapakita ng mga Espanyol ukol sa mga gawaing manwal.
h. Ang pagtuturo ng mga prayle na "mas madaling makapasok sa langit ang mga mahihirap" at dahil
dito ay ninais ng mga Pilipino ang kahirapan sa layunin ng madaliang pagpasok sa langit sa pagsapit
ng kamatayan.
1. Binalak ni Rizal na itayo ang samahan ng mga Filipinolohista sa Paris ngunit hindi ito
naisakatuparan.
2. Ipananukala ni Rizal ang pagtatayo ng isang makabagong kolehiyo ng mga Pilipino sa Hongkong
na ang layunin ay magsanay at magturo ng mga anak ng mga mabubuting pamilyang Pilipino.
a. Ang napakamahal na halaga ng bilihin dahilan sa karamihan ng mga taong dumalo sa Pandaigdig
na Eksposisyon sa paris.
37
1. Umalis si Rizal patungo ng lunsod ng Brussels (1890) kasama ni Jose Albert at nanuluyan sa isang
kainamang bahay paupahan sa 38 Rue Philippe Champagne na pinangasiwaan ng magkapatid na
babaeng Jacoby na sina Suzanne at Marie.
2. Sa Brussels ay sinimulang sulatin ni Rizal ang nobelang El Filibusterimo at nagsusulat din siya ng
mga ipinadadalang artikulo para sa La Solidaridad .
3. Ginugugol din niya ang kanyang mga libreng sandali sa pagpapalakas ng katawan sa gymnasium
at sa pagsasanay sa pagbaril at iskrima.
4. Naging kasama ni Rizal sa kuwarto si Jose Alejandrino napansin niya ang labis na katipiran ni
Rizal sa pamamagitan ng pagkain sa bahay at pagluluto nila ng pansit.
b. La Verdad Para Todos - isang pagtatanggol sa mga katutubong pinuno sa Pilipinas sa mga
pamumuna ng mga Espanyol na ang Pilipino ay mangmang at tanga.
c. Vicente Barrantes Teatro Tagalog - ipinakita ni Rizal ang kamangmangan ni Vicente Barrantes sa
tanghalang sining ng mga Tagalog.
d. Una Profanacion - isang artikulo na tumutuligsa sa mga prayle sa pagkakait nito ng isang
Kristiyanong libing para sa kaniyang bayaw na si Mariano Herbosa.
e. Verdades Nueva - sinagot ni Rizal ang akusasyon ni Vicente Belloc na ang pagbibigay ng reporma
sa Pilipinas ay makakasira sa katiwasayan ng pamahalaang Espanyol sa Pilipinas.
g. Diferencias - kaniyang sinagot ang isang artikulo na nanunudyo sa mga Pilipinong humihingi ng
Reporma.
h. Inconsequencias - ipinagtanggol niya si Antonio Luna laban sa ginawang paninira ni Mir Deas.
i. Llanto y Risas - mapait na pagpuna ni Rizal laban sa mababang pagtingin ng mga bayarang
mamahayag ng prayle sa mga kayumangging Pilipino.
1. Binigyan din ni Rizal ng pansin ang ortograpiya ng wikang Tagalog sa pamamgitan ng paggamit
ng k at w at ituwid ang Hispanikong pagsulat tulad ng arao at salacot. Dahilan dito ay sinulat ni Rizal
ang kanyang artikulo Sobre La Nueva Ortografia de la Lengua de Tagala na kanyang inilathala sa La
Solidaridad.
2. Dito isinalin ni Rizal ang akda ni Schiller na William Tell mula sa Aleman sa wikang Tagalog.
3. Nabalitaan ni Rizal kina Juan Luna at Valentin Ventura na ang mga Pilipino sa Madrid ay
nagugumon sa sugal. Sinulatan ni Rizal ang mga Pilipino sa Madrid at sinaway nila ang mga ito sa
kanilang pagkakagumon sa sugal. Nagalit ang ilang mga Pilipino kay Rizal at tinawag nila itong Papa
imbes na Pepe na kanyang tunay na palayaw.
38
4. Sa Brussel ay nakatanggap si Rizal ng masamang balita.
b. Nagharap ng demanda ang mga Dominicano para alisin ang lupang kanilang pinapaupahan kay
Don Francisco Mercado - Rizal.
2. Nagbago lamang ang isipan ni Rizal nang matanggap niya ang sulat ni Paciano na nagsasabing
natalo sila sa kaso at ito ay kanilang iaapela sa korte supremo sa Madrid at dito si Rizal ay nagtungo
para tingnan ang kanyang magagawa sa kaso.
3. Nagkaroon ng romansa si Rizal kay Petite Sussane Jacoby - ang pamangkin ng kanyang mga
kasera.
A. Kabiguan sa Katarungan
1. Sa pagdating ni Rizal sa Madrid ay agad niyang hiningi ang tulong Asociacion Hispano-Filipina at
mga pahayagang liberal sa Madrid tulad ng La Justicia, El Globo, La Republica, at El Resumen upang
matulungan siya sa paghingi ng katarungan sa kanyang pamilya at kababayan sa Calamba.
2. Sa paghingi ni Rizal ng katarungan para sa kanyang pamilya ay tumayo si Marcelo H. del Pilar
bilang abogado kanilang idinulog ang kanilang protesta laban sa kawalang katarungan ni gobernador
heneral Valeriano Weyler at ng mga paring Dominikano.
4. Natanggap ni Rizal ang masamang balita na natanggap na nila ang kautusan ng pagpapaalis sa
mga taga-Calamba mula sa hacienda ng mga paring Dominikano.
5. Ang mga kaibigan Espanyol ni Rizal ay walang magawa kundi ang magbigay lamang ng pananalita
ng pakikiramay. Samantala ipinanukala ni Blumentritt na makipagkita si Rizal sa Reyna Maria Cristina
upang ilapit ang kanyang mga suliranin, ngunit sinabi ni Rizal na siya ay walang kakilala o salapi na
makapagsasama sa kaniya sa Reyna.
39
1. Habang bigo si Rizal sa paghingi ng katarungan para sa kanyang mga magulang ay namatay
naman ang kanyang matalik na kaibigan at kasama sa kilusang propaganda na si Jose Maria
Panganiban.
2. Nang malasing si Antonio Luna ay hinamon niya si Rizal ng duwelo dahilan sa karibalan sa babae.
Nang matanggal ang kalasingan ay naayos ang hidwaan.
a. Habang nanonood sina Rizal at ang kanyang mga kasama sa tanghalang Apolo sa Madrid ay
nawala ang kanyang locket na angtataglay ng larawan ni Leonor Rivera.
b. Nakatanggap si Rizal ng sulat mula kay Leonor Rivera na nagpapabatid ng nalalapit na kasal niya
sa isang inhinyerong Ingles na si Henry Kipping na labis na ikinalungkot ni Rizal.
c. Ang labis na pagdaramdam ni Rizal sa tinamong kabiguan ay naisulat niya kay Blumentritt na
"pipiliin ni Leonor ang pangalang Kipping dahilan sa ito ay malaya at ang Rizal ay isang alipin."
d. Sa sagot ni Blumentritt ay huli kanyang sinabi na "hindi maunawaan ng kanyang asawa (Rosa) na
ang isang babaeng pinarangalan ng pag-ibig ni Rizal ay iiwan siya (Rizal)."
e. Sa isa pang sulat na ipinadala ni Blumentritt sinabi niyang si Leonor ay "tulad ng isang bata,
naipinagpalit ang diamante sa isang karaniwang bato."
a. Sa pagtatapos ng 1890, nagsimulang makilala si del Pilar sa Madrid dahilan sa kanyang pagsulat
sa La Solidaridad . Sa kabilang dako, ang lideratura ni Rizal ay sa aspekto ng ideyalismo na hindi ganap
na maunawaan at matularan ng kanyang mga kasamahan.
c. Upang magawan ng paraan na huwag lumala ang karibalan ay nagka-isa ang mga Pilipino sa
Madrid na may bilang na 90 ay nagkaisang magsagawa ng isang pag-uusapan na kanilang gaganapin
sa Enero 1, 1891.
e. Nagsagawa ng halalan ang mga Pilipino sa Madrid noong unang linggo ng Pebrero 1891 at nahati
ang mga Pilipino sa dalawang kampo -- Rizalista at Pilarista . Sa unang araw ng halalan ay si Rizal ang
nanalo ngunit hindi natamo ang 2/3 na kinakailangang boto at sa ikalwang araw ay nagkaroon uli ng
halalan ay ganito pa rin ang resulta.
40
f. Sa ikatlong araw ay hinakayat ni Mariano Ponce na bumoto na ang karamihan kay Rizal at
natamo ni Rizal ang kinakailangang 2/3 na boto na naghalal sa kanya bilang pinuno ng samahan.
g. Pagkatapos ng pagwawagi ni Rizal ay hindi niya tinaggap ang kanyang posisyon, sa dahilang ayaw
niyang maging pinuno ng hati-hating samahan.
2. Naging malapit si Rizal sa mga anak na dalaga ni Senor Bousted na sina Adelina at Nellie.
3. Ang Bearritz ay isang magandang bakasyunan at nakita rito ni Rizal ang mga turista mula sa iba't
ibang panig ng mundo. Ang kagandahan ng pook ang nagpalimot kay rizal sa kanyang mga kasawian
sa Madrid.
4. Nagkaroon ng namuong pag-ibig sa pagitan nina Rizal at Nellie Bousted. Naakit si Rizal kay Nellie
sa dahilan sa katalinuhan, mahinahon, at mataas na moral ng dalaga. Ipinagtapat ni Rizal sa kanyang
mga kaibigan na nagkaroon siya ng pagnanais na pakasalan si Nellie Bousted.
5. Tinukso na siya ni Marcelo H. del Pilar na palitan ang pamagat ng kanyang nobela na Noli ng
Neli. Si Antonio Luna na minsan ay kanyang naging karibal kay Nellie ay hinikayat si Rizal na pakasalan
na si Nellie.
6. Natapos ang pag-iibigang Rizal at Nellie dahilan sa hindi nahikayat si Rizal na magpakasal sa
dalaga dahilan sa mga sumusunod:
b. Ayaw ng ina ni Nellie kay Rizal na maging manugang dahilan si Rizal ay mahirap na "doktor na
walang pasyente, manunulat na walang pera" at isang repormista na inuusig ng mga prayle at opisyal
ng pamahalaan sa sariling bayan.
2. Tinapos ni Rizal ang nobelang El Filibusterismo ilang araw bago siya umalis sa Biarritz patungo ng
Paris.
3. Sa Paris ay kanyang sinulatan si Jose Basa at sinabing nagnanais siyang manirahan sa Hongkong
at dito nagtrabaho bilang doktor.
4. Nagbalik si Rizal sa Brussels at muli niyang binisita ang mga Jacoby lalo na si Petite Sussane
Jacoby.
41
5. Nagpahinga si Rizal sa mga gawain ng Kilusang Propaganda upang maharap niya ang
pagpapalimbag ng kanyang ikalawang nobela - El Fililbusterismo . Mula sa Brussels ay kanyang
ipinaalam sa Kilusang Propaganda na itigil na ang pagpapadala ng kanyang sustentong P 50 bawat
buwan.
6. Tinigilan na rin ni Rizal ang pagpapadala ng mga artikulo sa pahayagang La Solidaridad sa kabila
ng pakiusap ng kanyang mga kaibigan . Napansin din ni Marcelo H. del Pilar ang panlalamig ng
kilusang propaganda sa pananahimik ni Rizal at dahilan dito ay napilitang sumulat si del Pilar na
nakikiusap kay Rizal na muling magsulat sa pahayagan.
2. Nanirahan si Rizal sa isang mumurahing bahay paupahan at nakasama niya si Jose Alejandrino
na nakapuna ng kanyang labis na katipiran.
6. Nang malaman ni Ventura ang kagipitan ni Rizal, mula sa Paris ay kanyang pinadalhan si Rizal ng
salapi para maituloy ang pagpapalimbag.
7. Noong Setyembre 18, 1891 ay lumabas ng palimbagan ang El Filibusterismo at kanyang ipinadala
ang dalawang kopya sa Hongkong kina Jose Basa at Sixto Lopez. Pinadalahan din niya ang kanyang
mga kaibigang sina Blumentritt, Ponce, Lopez-Jaena, T.H. Pardo de Tavera, Antonio Luna at Juan Luna.
Pinagkaloob ni Rizal kay ValentinVentura ang orihinal na manuskrito ng El Filibusterismo.
42
9. Inihandog ni Rizal ang El Filibusterismo sa ala-ala ng GOMBURZA .
a. Ang Noli ay isang romantikong nobela na gawa ng puso, damdamin, sariwa, makulay at may
taglay na tuwa. Ang Fili ay isang nobelang politikal gawa ng ulo, isip, naglalaman ng pait, pagkamuhi,
sakit, karahasan, at pagdurusa.
b. Ang orihinal na kagustuhan ni Rizal ay gawing mas mahaba ang Fili kaysa sa Noli ngunit dahilan
sa kakulangan sa salapi ay naging maikli ang Fili (38 kabanata) kung ikukumpara sa Noli (64
kabanata).
1. Sumulat si Rizal kay Blumentritt na nagsasabi ng kanyang balak na gumawa ng ikatlong nobela.
Ito ay hindi na masyadong ukol sa politika kundi sa etika.
2. Sa kanyang paglalakbay patungong Hongkong ay kanyang sinimulang sulatin ang ikatlong nobela.
1. Kawalan ng kasiyahan sa Europa dahilan sa pagkakaiba ng paniniwala niya kay del Pilar at sa
ilang mga Pilipino sa Europa.
A. Pamamaalam sa Europa
1. Nagpaalam ng maayos si Rizal kay del Pilar sa paglalayon na mapanatili ang kaisahan ng mga
Pilipino sa Europa.
3. Nakatagpo ni Rizal sa barko bilang mga pasahero ang mga babaeng Aleman na nangmamaliit sa
kanya sa usapan na hihiya ni Rizal sa pamamagitan ng maginoong pamamaraan.
A. Hongkong
1. Dumating si Rizal sa Hongkong ng Nobeyembre 20, 1891 at sinalubong ng mga kaibigan at dito
ay nanirahan sa 5 D' Aguilar Street No. 2 Rednaxola Terrace. Sa nasabi ding tirahan si Rizal ay
nagbukas ng isang klinika.
2. Bago magpasko ng 1891 dumating sa Hongkong ang kanyang ama at bayaw na si Silvestre
Ubaldo. Sumunod na rin ang kanyang ina, Lucia, Josefa, at Trinidad.
43
3. Nakasama na muli ni Rizal ang kanyang pamilya sa kapaskuhan sa ibang bansa.
A. Panggagamot sa Hongkong
1. Ginamit na rin ni Rizal ang kanyang propesyon bilang isang manggagamot upang masuportahan
niya ang kanyang pamilya. Sa tulong ni Dr, Lorenzo Marquez na kanayang kaibigan. Inilapit niya kay
Rizal ang kanyang mga pasyenteng may sakit sa mata.
2. Nakilala si Rizal sa Hongkong sa kanyang kahusayan at ang mga pasyente niya ay mga British,
Tsino, Portuges, at Amerikano.
1. Binalak ni Rizal na magtayo ng isang kolonya sa Borneo na bubuuin ng mga walang lupang
Pilipino mula sa ating bansa .
2. Nagpunta siya sa Sandacan at kinausap ang mga pinunong British at nagtagumpay siya na
mapagkalooban ang kanyang proyekto ng 50,000 hektaryang lupa, na malapit sa daungan, at
mahusay na pamahalaan upang magamit sa loob ng 999 na taon ng walang bayad.
3. Ipinaalam ni Rizal ang kanyang proyekto sa mga Pilipino sa Europa na nagpakita ng pagnanais na
ito ay maisakatuparan.
4. Sinulatan ni Rizal si Gobernador Heneral Despujol ukol sa kanyang Proyektong Borneo ngunit
hindi ito sinagot. Sa ikalawang sulat ni Rizal ay hindi pa rin sinagot ngunit ipinarating sa kanya sa
konsul ng Espanya sa Hongkong ang pagtutol dito.
1. Ang mga Karapatan ng Tao - isang pagsasalin ni Rizal ng proklamasyon ng Rebolusyong Pranses
ng 1789.
2. A la Nacion Espanola - isang artikulo na umaapela sa Espanya na ituwid ang kamaliang nagawa
sa mga magsasaka ng Calamba.
4. Una Revisita a la Victoria Gaol - artikulo ukol sa kanyang pagbisita sa kulungan ng Hongkong
kumpara sa malupit na kulungan sa Pilipinas.
5. The Hongkong Telegraph- isang pahayagan kung saan si rizal ay nagpapadala ng mga artikulo.
6. Ang pinakamahalagang isinulat ni rizal sa Hongkong ay ang saligang Batas ng La liga Filipina.
44
c. Patunayan kay Eduardo de Lete na ito ay mali sa kanyang paniniwala na matapang si Rizal
dahilan sa siya ay malayo sa mga Espanyol.
1. Tinutulan ng mga kamag-anak ni Rizal ang kanyang nais na pagbabalik sa Maynila dahilan sa itoo
ay mangangahulugan lamang ng kamatayan.
2. Ginawa ni Rizal ang mga sumusunod na sulat bago umalis ng Hongkong na iningatan ni Dr.
Marquez na bubuksan lamang kung siya ay mamamatay .
1. Nagbalik si Rizal kasama ni Lucia sa Maynila. Kasabay naman ng pag-uwi ng Rizal ay pagsasampa
naman ng kanyang mga kaaway ng kaso.
1. Hunyo 26, 1892 - nagbalik si Rizal sa Maynila kasama ng kanyang kapatid na si Lucia at tumigil sa
Hotel de Oriente.
4. Kinabukasan, sumakay si Rizal ng tren at dinalaw ang kanyang mga kaibigan sa Malolos, Bulacan;
San Fernando, Pampanga; Tarlac, Tarlac; at Bacolor, Pampanga. Ang kanyang mga paglalakbay ay
sinusundan ng mga Espanyol at mga bahay na kanyang binisita pagkatapos ng ilang araw ay sinalakay
ng mga kawal Espanyol.
1. Hulyo 3, itinatag ni Rizal ang La Liga Filipina sa bahay ni Doroteo Ongjungco sa Kalye Ylaya, tondo
Maynila.
b. Domingo Franco
c. Jose Ramos
d. Ambrosio Salvador
e. Bonifacio Arevalo
f. Agustin de la Rosa
45
g. Moises Salvador
h. Luis Villareal
i. Faustino Villaruel
j. Mariano Crisostomo
k. Numeriano Adriatico
l. Estanislao Legaspi
m. Teodoro Plata
n. Andres Bonifacio
o. Juan Zulueta
A. Pag-aresto at Pagpapatapon
1. Noong Hulyo 6, 1892 - sa isang pakikipag-usap ni Rizal kay Despujol ay inaresto siya sa dahilan sa
bintang na pagdadala ng mga polyetong kontra-simbahan.
1. Hulyo 15, 1892 - nakarating si Rizal sa Dapitan at ipinagkaloob kay Kapitan Ricardo Carnicero ang
komandante ng hukbong Espanyol sa lugar.
2. Dala ni Rizal ang sulat ni Padre Pablo Pastells na superior ng mga Jesuita para kay Padre Antonio
Obach ang paring Jesuita sa Dapitan. Ang sulat ay naglalaman ng mga kondisyon upang si Rizal ay
makatira sa kumbento.
4. Setyembre 21, 1891 - nakatanggap sina Rizal, Carcinero at isang Espanyol ng Dipolog ang
gantimpala na ang kanilang ticket bilang 9736 ay nanalo ng ikalawang gantimpalang P20,000. Ang
naging hati ni Rizal ay P6,200. Ibinigay niya ang P2,000 sa kanyang ama at P200 kay Jose Ma. Basa sa
Hongkong at ang natira ay kaniyang ginamit sa pagbili ng lupa sa Talisay na isang kilometro ang layo
sa bayan ng Dapitan.
5. Ngkaroon ng isang mahabang sulatan sina Rizal at Pastells ukol sa usapin ng relihiyon na
naglalaman ng mga paniniwalang pangrelihiyon ni Rizal.
46
b. Ang sariling pagpapasiya ay biyaya ng Diyos sa lahat ng tao.
2. Hinamon ni Rizal ang isang Pranses na si Mr. Juan Lardet ng duwelo dahilan sa pagbebenta kay
Rizal ng mga kahoy na mababa ang kwalidad.
3. Inilipat ni Padre Pastells si Padre Francisco Sanchez sa Dapitan upang muling akitin si Rizal na
magbalik sa simbahan. Ngunit hindi rin ito nagtagumpay.
4. Nakatanggap na rin si Rizal ng mga panauhin sa Dapitan at nakasama niya ang kanyang mga
kapamilya at nagpatayo na ng bahay sa Talisay.
5. Nagpadala ang mga prayle ng isang tao na may alyas na Pablo Mercado (Florencio Namanan)
upang isangkot si Rizal sa mas malaking kaso.
6. Nagtrabaho si Rizal sa Dapitan bilang isang manggagamot. Ang kanyang mga pasyente ay mga
mahihirap na hindi makabayad at mga mayayaman na nagbabayad ng malaki sa kanyang
paglilingkod. Nang tumira ang kanyang ina sa Dapitan sa loob ng isa at kalahating taon, ginamot din
ito ni Rizal. Nakilala ang kahusayan ni Rizal sa panggagamot kahit na siya ay nasa Dapitan, sinasadya
sya ng mga pasyente mula sa iba't ibang panig ng daigdig. Naging interes din ni Rizal ang mga lokal at
halamang gamot.
7. Itinayo ni Rizal ang isang sistema ng patubig sa Dapitan upang magkaroon ng malinis na tubig sa
bawat bahay ng Dapitan.
1. Ang malaking panahon ni Rizal ay ginamit din niya sa pagtuturo ng mga kabataan sa Dapitan.
Tinuruan niya ang mga ito ng mga aralin sa wika, heograpiya, kasaysayan, matematika, gawaing
industriyal at iba pa. Ang oras ay mula alas 2:00 hanggang 4:00 ng hapon.
a. Pinasok ni Rizal ang mga kagubatan at baybay dagat ng Dapitan para sa paghahanap ng
c. Natagpuan niya ang species ng Draco rizali Apogonia rizali at Rhacophorus rizali.
1. Ang pag-aaral ng mga wika ay ipinagpatuloy ni Rizal sa Dapitan. Sa panahong ito ay natutunan
niya ang wikang Bisaya, Subuanin, at Malayo.
2. Ang kahusayan sa larangan ng sining ay makikita pa rin kay Rizal sa panahon ng pagkakatapon
niya sa Dapitan. Gumuguhit siya ng mga bagay na nakaakit sa kanya at nililok niya ang (1)
Paghihiganti ng Ina: (2) ang ulo ni Padre Guericco; (3) estatwa ng isang babaeng taga-Dapitan.
3. Ginamit din ni Rizal ang kanyang panahon sa Dapitan bilang isang magsasaka. Umabot ng 70
hektarya ang lupang kanyang pag-aari na tinaniman niya ng abaka, niyog, punong kahoy, tubo , mais,
47
kape, at cocoa. Ginamit din ni Rizal ang modernong pagsasaka sa pamamagitan ng pag-aangkat sa
Estados Unidos ng mga makabagong makinarya.
4. Ang pagnenegosyo ay isa sa mga naging gawain ni Rizal sa Dapitan. Nakipagsosyo siya kay
Ramon Carreon , mangangalakal na taga-Dapitan sa negosyo ng pangingisda, koprahan at abaka.
Itinayo din ni Rizal ang kooperatiba ng mga magasasaka sa Dapitan upang mabawasan ang
monopolyo ng mga Tsino sa lugar.
1. Si Josephine Bracken.
b. Dumating si Josephine Bracken (edad 17) sa Dapitan upang samahan ang kanyang ama-amahan
na si George Tauffer upang mapagamot kay Rizal. Dala nila ang isang tarheta ni Julio Llorente.
c. Nagmahalan sina Rizal at Josephine at nagbalak na magpakasal ngunit ayaw silang ikasal ni
Padre Obach ng walang permiso ng arsobispo ng Cebu.
d. Umalis si Tauffer sa Maynila at naiwan si Josephine sa Dapitan upang makisama kay Rizal.
1. Dumating sa Dapitan noong Hunyo 1896 si Dr. Pio Valenzuela upang ipaalam kay Rizal ang ukol
sa Katipunan. Hinikayat ni Valnzuela ang pamumuno ni Rizal sa Katipunan na tinaggihan naman niya.
2. Nagboluntaryo si Rizal upang maglingkod sa hukbong Espanyol bilang isang seruhano sa Cuba.
Ang kanyang kahilingan ay tinugon naman ni Gob. Hen. Ramon Blanco na sumagot sa kanyang sulat
noong Hulyo 1896 na nagsasabi ng pagsang-ayon sa kanyang plano.
3. Nilisan ni Rizal noong Hunyo 31, 1896 sakay ng barkong Espana kasama nina Josephine, Narcisa,
at pamangking si Angelica.
a. Nagdaan ang barkong Espana sa Dumaguete at binisita dito ni Rizal ang isa niyang kaibigan na si
Herrero Regidor na hukom ng lalawigan. Inoperahan niya sa mata ang isang kapitan ng guardia civil.
b. Dumaan sa Cebu at inoperahan niya ang mag-asawang Mateo na kanyang nakilala sa Madrid.
48
1. Sa pagdating ni Rizal sa Maynila ay nakaalis na ang barkong Isla de Luzon na sasakyan sana niya
patungo ng Espanya. Napilitang tumigil si Rizal sa barkong Castilla sa loob halos ng isang buwan
bilang panauhin ni Enrique Estalon, ang kapitan ng barko.
2. Habang nasa barko si Rizal ay sumiklab ang himagsikang Pilipino laban sa mga Espanyol.
Nalaman ni Rizal ang pagsiklab ng himagsikan sa pamamagitan ng pagbabasa ng mga pahayagan sa
barko.
3. Sa petsang Agosto 30, 1896 natanggap ni Rizal ang isang sukat ni Blanco na nag-eendorso sa
kanya sa Ministro ng Digma.
7. Sa Suez Canal ay narinig ni Rizal ang balita ukol sa pagbitay sa mga Pilipinong naghihinalang
kasangkot sa himagsikan.
8. Setyembre 28, 1896 - narinig ni Rizal ang bali-balitang siya ay aarestuhin pagdating sa Barcelona.
9. Setyembre 30, 1896 - ipinaalam kay Rizal ni Kapitan Alemany ang kautusan na siya (Rizal) ay
idedetine sa loob ng kanyang kabina hanggang hindi nakakabalik sa Maynila.
11. Oktubre 3, 1896 - nakarating ang barkong Isla de Panay sa Barcelona at ipinadala sa Munjuich
Castle na noon ay pinamumunuan ni General Eulogio Despujol . Oktubre 6, 1896 - inilabas si Rizal ng
kulungan para ibalik sa Maynila sakay ng barkong Colon.
1. Sa Barkong Colon si Rizal ay binigyan ng isang kabuna at nasa ilalim ng mahigpit na pagbabantay.
2. Nalaman niya sa isang opisyal na siya ang sinisisi ng mga Espanyol ukol sa nagaganap na
madugong himagsikan sa Pilipinas.
4. Sa pagdating ng barkong Colon sa Singapore ay sinikap ni Dr. Antonio Regidor at Sixto Lopez sa
pamamagitan ng isang abogadong Ingles na si Attorney Fort na bigyan si Rizal ng habeas corpus
ngunit hindi ito naipagkaloob sa dahilang ang barkong Colon ay nasa ilalim ng bandila ng Espanya.
5. Nobyembre 3, 1896 - Nakarating ang barkong Colon sa Maynila at tahimik na inilipat si Rizal sa
Fort Santiago. Sa panahong ito ang mga Espanyol ay nangangalap na ng ebidensiya laban kay Rizal.
Pinahirapan ng mga Espanyol ang maraming mga Pilipino para isabit si Rizal sa nagaganap na
himagsikan.
49
6. Nagkaroon ng isang Preliminary investigation sa kaso ni Rizal na pinamumunuan ni Colonel
Francisco Olive . Si Rizal ay sumailaliam sa limang araw ng mahigpit na imbestigasyon.
7. Pinili ni Rizal ang pangalan ni Tinyente Luis Taviel de Andrade bilang abogado sa gaganaping
paglilitis sa kanya.
8. Nagsimula ang paglilitis kay Rizal noong Disyembre 26, 1896 at sa nasabi ding araw ay nagpasiya
ang hukuman na bitayin si Rizal sa pamamagitan ng pagbaril.
9. Noong Disyembre 28, 1896 nilagdaan ni Gobernador Heneral Camilo Polaviela ang kautusan ng
pagbaril kay Jose Rizal.
1. Sa ganap na ika -6:00 ng umaga ay binasa ni Kapitan Rafael Dominguez ang kapasiyahan na siya
ay bitayin, sa Bagumbayan sa Disyembre 30, 1896 sa ganap na ika- 7 ng umaga.
2. Alas 7:00 ng umaga - Tinanggap niyang bisita sina Padre Miguel Saderra Matta (Rector ng
Ateneo) at Padre Luis Viza, isang Jesuitang Guro.
3. Alas 8:00 ng umaga - Pumalit kay Padre Viza si Padre Antonio Rosell, inimbitahan siya ni Rizal na
mag-almusal. Pagkatapos na mag-almusal dumating si Tinyente Luis Taviel de Andrade at
nagpasalamat si Rizal dito sa ginawang pagtatanggol niya.
4. Alas 9:00 ng umaga - Dumating si Padre Federico Faura at sinabi ni Rizal na tama ang sinabi ng
pare na mapuputulan siya ng ulo sa pagsulat ng Noli Me Tangere .
5. Alas 10:00 ng umaga - Dumating si Padre Villaclara (guro ni Rizal sa Ateneo) at Padre Vicente
Balaguer (kura paroko ng Dapitan). Dumating si Santiago Mataix at kinapanayam si Rizal para sa
pahayagang El Heraldo de Madrid.
7. Alas 3:00 ng hapon ay nagbalik si Padre Balaguer sa Fort Santiago at kinukulit si Rizal na gumawa
ng isang retraksiyon sa kanyang isinulat na laban sa simbahang Katoliko.
8. Alas 4:00 ng hapon - dumating ang ina ni Rizal sa Fort Santiago. Lumuhod dito si Rizal at
hinalikan ang kanyang ina. Sumunod si Trinidad at dito ay ibinigay niya ang lutuang alcohol na
naglalaman ng Mi Ultimi Adios .
9. Sa pag-alis ng mga magulang at kapatid ni Rizal ay nagbalik pa rin ang mga Jesuita sa pangungulit
kay Rizal na gumawa ng retraksiyon.
10. Alas 6:00 ng gabi - Patuloy pa rin sa pangungulit ang mga Jesuita at mga prayle na
gumawa na si Rizal ng isang retraksiyon.
50
11. Alas 8:00 ng gabi - nagsagawa si Rizal ng kanyang huling hapunan sinabi niya kay
kapitan Dominguez na pinatatawad na niya ang lahat ng kanyang mga kaaway .
12. Alas 10:00- ipinadala ng Arsobispo Nozaleda ang isang kopya ng retraksiyon na
pipirmahan ni Rizal ngunit ito ay tinaggihan ni Rizal. Dahilan sa hindi napapirma si Rizal sa
retraksiyon, ang paring Jesuita ay hinuwad ang lagda nui Rizal at pagkamatay ni Rizal ay sinabi nila na
si Rizal ay lumagda ng isang retraksiyon.
13. Alas 3:00 ng umaga- sinasabi ng mga paring Jesuita na si Rizal ay nakinig ng misa at
tumaggap ng komunyon. Ngunit ito ay walang basehan.
14. Alas 5:30- kinain ni Rizal ang kanyang huling almusal pagkatapos ay sinulat niya ang
dalawang sulat para sa kanyang kasambahay at sa kapatid na si Paciano.
16. Alas 6:00 ng umaga - habang naghahanda para sa martsa sa Bagumbayan, inihanda
ni Rizal ang kanyng huling sulat para sa kanyang ama at ina.
17. Alas 6:30 - nagsimulang umalis ang martsa mula saa Fort Santiago patungo ng
Bagumbayan. Apat na sundalong Espanyol na nakabaril at bayoneta ang nasa harapan, sa likuran si
Rizal na mahinahong naglalakad kasabay ni Tinyente Luis Taviel de Andrade sa isang tabi at si Padre
March at Villaclara sa kabila. Sa likuran ng maraming mga sundalong Espanyol na nasasandatahan. Sa
panabi ng martsa ay ang hanay ng mga taong nanonood.
18. Sa pagdating ni Rizal sa Bagumbayan mas maraming bilang ng mga tao ang
naghihintay upang saksihan ang gagawing pagbitay kay Rizal.
19. Nagpaalam si Rizal kay Luis Taviel de Andrade . Pinulsuhan siya ni Dr. Castillo isang
manggagamot ng hukbong Espanyol at humanga sa normal na tibok ng pulso nito.
21. Pagkatapos ng barilin ng firing squad isang opisyal ng hukbo ang lumapit sa kanyang
katawan at binaril na malapitan sa puso. Upang tiyakin na patay na ito.
51