Professional Documents
Culture Documents
Modyul 4
Modyul 4
Nilalaman
Ang talumpati ay maaaring maghatid ng tuwa o sigla. Nagdaragdag ng kaalaman o impormasyon,
magpahayag ng katuwiran. Magbigay paliwanag o mang-akit o mang-hikayat sa isang kilusan o paniniwala.
Maaari din namang magbigay papuri ang isang talumpati. Maaaring pagpasyahan ang layunin ng
anumang uri ng talumpati ayon sa pagkakataon. Aksyon ng pagdiriwang o okasyon.
Ang talumpati ay isang buod ng kaisipan o opinyon ng isang tao na pinababatid sa pamamagitan ng
pagsasalita sa entablado para sa mga pangkat ng mga tao.
Layunin nitong humikayat, tumugon, mangatwiran, magbigay ng kaalaman o impormasyon at
maglahad ng isang paniniwala. Isang uri ito ng komukinkasyon pampubliko na nagpapaliwanag sa isang
paksa na binibigkas sa harap ng mga tagapakinig.
Sining ito ng pagpapahayag ng isang kaisipan tungkol sa isang paksa sa paraang pasalita sa harap ng
tagapakinig. Ang panandalang talumpati (extemporaneous speech) ay ang agarang pagsagot sa paksang
ibinibigay sa mananalumpati at Malaya siyang magbibigay ng pahayag ng sariling pananaw. Maaring may
paghahanda o walang paghahanda ang talumpati. Tinatawag na impromptu sa wikang Ingles ang
talumpating walang paghahanda kung saan binibigay lamang sa oras ng pagtatalumpati. Sinusubok ang
kaalaman ng mananalumpati sa paksa.
Maaaring binabasa. Sinasaulo o binabalangkas ang talumpati. Sa binabasang talumpati. Inihanda at
iniayos ang sinusulat muna ang talumpati upang basahin nang malakas sa harap ng mga tagapakinig.
Samantalang ang sinaulong talumpati. Inihanda at sinaulo para bigkasin sa harap ng mga tagapakinig.
Habang naghahanda ng balangkas ng kanyan sasabihin ang binalangkas na talumpati kung saan nakahanda
ang panimula ata wakas lamang.
Pagsasanay
Bumuo ng isang maikling talumpati na may pamagat na “ Kabataan sa Makabagong
panahon” Ivedyo ang sarili habang binibigkas ang ginawang talumpati.
May katumbas na 25 puntos
SAQ ASAQ
Kahulugan ng Kalumpati Ito ay sining ng pagpapahayag ng isang
kaisipan tungkol sa isang paksa sa paraang
pasalita sa harap ng tagapakinig.
Mga Bahagi ng Talumpati Pamagat, katawan at katapusan
Anong kasanayan ang naglilinang sa Tiwala sa sarili, mahuasay sa pagsasalita sa
pagtatalumpati harap ng tagapakinig
Paghahati-hati ng 60 puntos
10 puntos para sa pangkalahatan
20 puntos para sa tamang ayos na talata at linis ng pagkasulat at pagbigkas
15 puntos para sa maayos na pagkakahanay ng mga ideya at orihinal
15 puntos para wastong gamit ng mga salita at batas
__
60 puntos sa kabuuan
Abstraksyon
Ang pagtatalumpati ay sining ng pakikipagtalastasan. Wala itong pinagkaiba sa isang pakikipag-
usap. Ang makipag-usap sa isang tao at makipag-usap sa limampung o sandaang tao ay pareho. Ang
kaibahan lang ay ang paggamit ng malakas na tinig sa pagtatalumpati. Kaysa sa karaniwang pakikipag-usap.
Ebalwasyon
Alamin ang tinutukoy ng bawat pahayag, isulat ang sagot sa unahan ng bilang.
1. Bahagi ng talumpati na naglalayong kunin ang atensyon ng tao.
2. Buod ng kaisipa o opinion
3. Talumpating walang paghahanda
4. Ang pinakasukdulang bahagi ng talumapti
5. Sinaulo o binalangkas.