LP Week 26 Filipino 9

You might also like

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 3

RICH GOLDEN SHOWER MONTESSORI CENTER

Junior High School Department


Taong Panuruan 2020-2021

MODYUL SA FILIPINO 9

IKA- 26 NA LINGGO: ABRIL 12-16, 2021

I. Pinakamahahalagang Kasanayan sa Pagkatuto (MELC)


Napapatunayang ang mga pangyayari sa binasang parabula ay maaaring mganap sa tunay
na buhay sa kasalukuyan
II. Aralin
Parabula
III. Pag- aralan
Basahin at unawaing mabuti ang aralin

ANG TALINGHAGA TUNGKOL SA MAY- ARI NG UBASAN


Mateo 20: 1-16

Ang kaharian ng langit ay maitutulad sa isang taong lumabas nang maagang- maaga
upang humanap ng manggagawa para sa kanyang ubasan. Nang magkasundo na sila sa upa na
isang salaping pilak sa maghapon, ang mga mangagawa ay pinapunta niya sa kanyang ubasan.
Lumabas siyang muli nang mag- aalas nuwebe ng umaga at nakakita siya ng iba pang tatayu-
tayo lamang sa palengke. Sinabi niya sa kanila “Pumunta din kayo at magtrabaho sa aking
ubusan, at bibigyan ko kayo ng karampatang upa”. At pumunta nga sila. Lumabas nanaman siya
nang mag- aalas dose ng tanghali at nang mag- aalas singko na ng hapon, siya’y lumabas muli at
nakakita pa ng mga ibang wala ring ginagawa. Sinabi niya sa kanila, “Bakit tatayu- tayo lang
kayo dito sa buong maghapon?”
“Kasi po’y walang magbibigay sa amin ng trabaho.” Sagot nila.
Kaya’t sinabi niya, “Kung gayon, pumunta kayo at magtrabaho sa aking ubasan”
Nang gumagabi na, sinabi ng may- ari ng ubasan sa kanyang katiwala, “Tawagin mo na
ang mga manggagawa at bayaran sila magmula sa huli hanggang sa unang nagtrabaho.” Ang
mga nagsimula nang mag-aalas- singko ng hapon ay tumanggap ng tig- iisang salaping pilak.
Nang lumapit ang mga nauna, inakala nilang tatanggap sila nang higit doon; ngunit ang
bawat isa’y binayaran ding tig- iisang salaping pilak. Nang magkagayo’y nagreklamo sila sa
may- ari ng ubasan. Sinabi nila, “Isang oras lang gumawa ang mga nahuling dumating,
samantalang maghapon kaming nagtrabaho at nagtiis sa nakapapasong init ng araw. Bakit naman
pinagpare-pareho mo ang aming upa?
Sumagot ang may- ari ng ubusan sa isa sa kanila, “Kaibigan hindi kita dinadaya. Hindi
ba’t nagkasundo tayo sa isang salaping pilak? Kunin mo ang para sa iyo at umalis ka na. Ano sa
iyo kung nais kong bayaran ang nahuli nang tulad ng ibinayad ko sa iyo? Wala ba akong
karapatang gawin sa ari- arian ko ang aking maibigan? Kayo ba’y naiinggit dahil ako’y
nagmamagandang loob sa iba?”
At sinabi ni Hesus, “Ang nahuhuli ay mauuna, at ang nauuna ay mahuhuli.

Pinagkunan www.angbiblia.net

1
PANGALAN: ___________________________________________ LINGGO: _____________
ANTAS AT SEKSYON: ___________________________________MARKA______________

IV. PAGSASANAY 25 .1
Panuto: Sagutin ang sumusunod na tanong kaugnay sa parabulang binasa.

1. May dalawang uri ng manggagawa sa ubasan. Ano ang kaibahan ng dalawang ito?
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________

2. Gumamit ang kuwento sa ubaan bilang tagpuam. Saan ito maaaring ihalintulad? Ipaliwanag
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________

3. Tama baa ng desisyon ng may- ari ng ubasan na iparehas lamang ang suweldo ng mga
manggagawang nagtrabaho maghapon at manggagawang nagtrabaho ng isang oras lamang?
Pangatwiranan.
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________

4. Kung ikaw ang manggagawang nagtrabaho maghapon ngunit naigyan lamang ng suweldong
katu;ad ng suweldo ng nagtrabaho ng isang orass, magagalit ka ba at magrereklamo? Anong
aksiyon ang iyong gagain?
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________

5. Anong uri ng teksto ang iyong binasa? Ibigay ang mga katangian ng ganitong uti ng teksto.
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________

V. GAWAIN 25.1

Ang parabulang binasa ay ukol sa may- ari ng ubasan ay gumamit ng matalinhagang


pahayag. Basahin tong mabuti ay subukang iugnay sa sariling karanasan.

1. “Wala ba akong karapatang gawin sa ari- arian ko ang aking maibigan? Kayo ba’y naiingit
dahil ako’y nagmamagandang loob sa iba?”
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________

2. “Ang nahuhuli ay nauun, at ang nauuna ay nahuhuli.”


______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________

Ihinanda ni: Iwinasto ni:

Bb. Maria Janice R. Pascual Gng. Valentina V. Villa


Guro sa Filipino Punongguro sa JHS

Pinagtibay ni:

Gng. Margaret T. Bueno, MAEd.


Pangulo at Tagapamatnugot ng Paaralan
2
3

You might also like