Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 8

PANITIKAN SA KASALUKUYANG PANAHON(handouts)

SANLIGANG KASAYSAYAN

Mabilis ang pagbabago ng panahon, kapaligiran at pamumuhay ng tao. Kaugnay nito nagbabago
rin ang damdamin, saloobin, at pagpapahalaga ng mga tao bunga ng kanilang mga karanasan.
Sumasabay ang panitikan sa ganitong mga pagbabagong nagaganap kaya’t malaki ang na ang
kaibahan ng nagdaang panahon sa kasalukuyang panitikan. Mababakas ang naturang kaibahan sa
mga nilikhang kathang tula ng nobela, maikling kuwento, sanaysay, tula, at dula. Pumapasok sa mga
kathang pampanitikang sinusulat ng mga makata at manunulat sa panahong ito ang mga kaisipan,
paniniwala, damdamin, at pilosopiyang umiiral sa sambayang Pilipino.

KALAGAYANG PAMPANITIKAN

Isa pang makulay na kabanata ng panitikang Filipino ang kasalukuyang panahon. Dahil sa unti-
unting pagkamulat ng sambayanang Pilipino sa kahalagahan ng pagkakaroon ng isang wikang
pambansa, dili iba’t ang Filipino, mabilis na lumawak ang sakop at saklaw ng ating panitikan.

Buhay pa rin sa panahong ito ang ating mga katutubong salawikain at kasabihan, bagama’t
makabago na ang paksa at aliw-iw nito. Patuloy na namayani ang tula, sanaysay, nobela, maikling
kuwento, at pelikula. Bahagyang nanlamig ang dula, ngunit muling sumigla ito sa pamamagitan ng
mga dulang itinatanghal sa telebisyon. Anupa’t sa kabila ng modernisasyon ng buhay, nanatili pa
ring mahalagang sangkap ng kulturanfg Pilipino ang panitikan.

MGA AWITING PILIPINO SA KASALUKUYANG PANAHON

Maraming awiting makabayang naging bantog sa panahon ng rebolusyon sa EDSA. Ang mga
awiting ito ay nagpapahayag ng mabubuting saloobin ng mga Pilipino na napatampok habang
isinasagawa ang pagpapamalas ng lakas ng bayan upang matamo ang tunay na kalayaan.

Magmula sa panahon ng himagsikan sa Edsa hanggang sa kasalukuyan ay napakalaki na nang


iniunlad ng mga awiting Pilipino. Higit ang pagtangkilik ng mga mamamayan sa mga awiting kung
tawagin nila ay OPM-mga orihinal na Pilipinong musika. Ang mga ito’y likha ng mga Pilipinong
kompositor at nasusulat sa wikang Pilipino ngunit ang himig ay makabago at napapanahon, isang
kakaibang pagtatagpo ng kanluranin at silanganing kultura sa awitin. May ilan na gumagamit ng mga
katutubong instrumentong panugtog at nagbibigay ng mga komposisyon ng natatanging tunog na
kung tawagin ay etniko, tulad ng matatagpuan na musika ni Joey Ayala.

Iba’t iba ang pinapaksa ng mga awitin. Bagaman marami pa rin ag nauugnay sa pagpapahyag ng
pag-ibig, naritong paboritong tema ng mga komposisyon ang mga suliraning panlipunan at
pagkapaligiran, tulad ng ipinahahayag ng mga awitin ni Francis Magalona at ng grupong Asin.
Naririto ang ilang bahagi ng isang popular na komposisyon ni Francis Magalona na maituturing na
makabayang awitin.

Mga kababayan ko, nais kong malaman ninyo


Bilib ako sa kulay ko, ako ay Pilipino
Kung may itim at may puti, mayro’n namang kayumanggi
Isipin mo na kaya mong abutin ang ‘yong minimithi.

Suliraning pangkapaligiran naman ang pinapaksa ng sumusunod na komposisyong inawit ng


isang grupong may pangalang “Asin”. naririto ang ilang bahagi.
Masdan Mo ang Kapaligiran

Wala ka bang napapansin


Sa iyong kapaligiran
Kay dumi na ng hangin
Pati na rin ang ilog natin.

Hindi na masama ang pag-unlad


At malayu-layo na rin ang ating narating
Ngunit masdan mo ang tubig sa dagat
Dati kulay asul ngayo’y naging itim.

Ang mga duming ating kinalat sa hangin


Sa langit huwag na nating paabutin
Upang kung tayo’y pumanaw man
Sariwang hanging sa langit natin matitikman.

Mayroon lang akong hinihiling


Sa aking pagpanaw sana ay tag-ulan
Gitara ko ay aking dadalhin
Upang sa ulap na lang tayo magkantahan.

Lahat ng bagay na narito sa lupa


Biyayang galing sa Diyos kahit nung ika’y wala pa
Iingatan natin at huwag nang sirain pa
Pagkat pag kanyang binawi tayo’y mawawala na.

ANG TULA
Mahalagang bahagi ng panitikang Filipino ang panulaan. Sabihin nang katutubong mahilig sa
pagtula ang mga Pilipino kaya’t matatagpuan ang tula sa bawat panahon ng ating kasaysayan.
Kapansin-pansing hanggang sa ngayon ay patula pa rin ang kinagigiliwang paraan ng pagpapahayag
ng mga Pilipino. Kahit ang mga babala, paalaala, at paksa ng mgapagdiriwang ay gumagamit ng
patulang pagpapahayag. Karaniwang mababasa sa loob ng mga dyipning pampasahero ang ganitong
mga kasabihan.
“Bayad muna, bago baba.”

“Kapag seksi-libre,
Kung mataba-doble.”

“Iyong sigarilyo ay huwag hithitin,


Pagkat iyang usok ay masamang hangin.”

Pati mga islogan ng mga programa at proyekto ng pamahalaan ay patula rin ang
pagpapahayag nagyon.

Halimbawa:
“Ang pamayanang malinis,
Kaunlaran ay mabilis.”
“Ikarangal ang Filipino,
Kaluluwa ng bansa mo.”

“Mapalad ka, Pilipino,


Magiting ang lahi mo.”

Sa paglipas ng mga taon, sa loob ng maraming dekada, hindi nanghinawa ang ating mga
makata sa pagkatha ng mga tula. Lalo na ang mga kabataang may malikhaing diwa at tunay na
nagpupuyos ang damdamin dahil sa kanilang nakikita sa paligid. Ilan sa ating mga makata sa
kasalukuyang panahon ang nagkamit ng Gawad Palanca. Kabilang sa mga ito ay ang
sumusunod:

1. Ruth Elynia Mabanglo - “Mga Liham ni Pinay at Iba Pang Tula ”- 1986-1987
2. Ariel Lim Borlongan - “Malungkot na Taludtod”- 1987-1988
3. Rolando S. Tinio - “Himutok at Iba Pa”; 1988-1989
4. Tomas T. Agulto - “Batanes at Iba Pang Pulo”- 1988-1989
5. Ruth Elynia Mabanglo - “Anyaya ng Imperyalista”- 1989-1990
6. Franklin Cimatu - “Desperacido/Desperadico”- 1990-1991

Makikita pa rin ang hilig ng mga Pilipino sa pagtula sa mga balagtasang patuloy pa ring
ginaganap ngayon sa mga paaralan, pagdiriwang at mga seminar. Paminsan-minsan nagtatanghal
din ng mga duplo, karagatan, batutian bilang bahagi ng isang pangkulturang pagtatanghal.
_________________________________________________________________________________

1. Ibigay ang mga pagbabagong naganap sa iba’t ibang sektor ng buhay-Pilipino sa kasalukuyang
panahon.
_________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________
_____________________________________.

2. Ilarawan ang panitikang Filipino sa ngayon. Tiyakin ang mga katangiang taglay nito.
_________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________
______________________________________.

3. Bakit sinasabing makulay ang Panitikang Filipino sa kasalukuyan?


_________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________
______________________________________.
4. Patunayang katutubong hilig ng mga Pilipino ang pagtula. Magbigay ng halimbawang
nagpapatunay nito.
_________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________
_____________________________________.

5. Nagkaroon nga ba ng panibagong mukha ang panulaang Filipino? Pangatwiranan ang sagot.
_________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________
___________________________________.
PAGKAT AKO’Y MALAYA NA
Isang Salin

Huwag kayong mangalungkot pagkat ako’y malaya na,


Tinatalunton ang landas, Diyos ang nagpakita
Inabot ko Kanyang kamay nang marinig ang tawag Niya
Agad ko Siyang nilingon at iniwan ang balana.

Hindi makapaghihintay kahit na mga isang araw


Upang gumawa’t maglaro, humalaklak at maglibang
Gawaing hindi natapos ay iiwan ko na lamang,
Sa paglubog nitong araw, payapa na yaring buhay.

Sa paglisan sa daigdig, naiwan ang kahungkagan


Sikaping punuing muli ang ligayang naranasan
Isang ngiti, isang halik ng iyong mahal sa buhay
Bahagi ng nakaraang babaunin hanggang hukay.

Huwag kayong mabahala sa pighating nadarama,


Ang liwanag nitong bukas ang dalangin ko sa tuwina,
Yaong masaganang buhay na masayang tinamasa,
Mabubuting kaibigan na laging kasa-kasama.

Panahon ko sa daigdig ay sadyang napakaikli,


Huwag nang palawigin pa ng labis ninyong pighati
Muling buhayin ang puso, pawiin ang dalamhati,
Pagkat ako’y malaya na, Panginoon ang nagmithi!

SA KAMATAYAN MO, RIZAL


Ni Pat Villasan Villafuerte

Sa kamatayan mo, Rizal


Ay aking ginugunita
Ang iyong kabayanihan
Na sa baya’y naipunla;
Nang ang buhay mo ay ihandog
Sa ‘ting bansang minumutya
Ikaw’y lalong napamahal
Sa puso ng mga dukha.

Sa kamatayan mo, Rizal


Lubusan kong hinahangad,
Sana, ang iyong pinapangarap
Ay magbunga at matupad;
Yaong mga kabataang pag-as ng bayang liyag,
Sanay maging matagumpay ang gagawing paglalantad.
Sa kamatayan mo, Rizal ang nais kong maging handog
Ay taimtim na dalanging sa puso’y nakabubusog;
Dalangin ko ang buhay mo ay magsilbing isang moog
Upang maging huwaran ka ng bayan kong iniirog.

Sa kamatayan mo, Rizal ang lagi kong inaasam


Ang okasyong tulad nito’y manatili habang buhay;
Kung sakaling makalimot itong mga kababayan,
Umasa kang tanging ako ang sa iyo ay daramay.

Sa kamatayan mo, Rizal tanging pakaasahan mo,


Nakaukit ka sa puso nitong lahing Pilipino;
Ikatatlumpu ng Disyembre tanging nagugunita ko,
Ikaw, Rizal, ay namatay alang-alang sa bayan mo.

Itinuturing na mga tulang liriko o pandamdamin ang elehiya, oda, at soneto sapagkat sadyang
nagpapahayag ang mga ito ng matinding damdamin ng kumatha. Narito ang isang tulang
pandamdaming naglalahad ng ilang hinanakit at hinaing tungkol sa mga nagaganap sa ating bansa.

ITO ANG BAYAN KO?


Ni Nenita P. Papa

Nang muling magbalik sa aking gunita,


Kasaysayan ng aking bayang minumutya,
May dakilang lahi, may sariling wika,
Isang kalinangang tangi’t pambihira.

Bansang Pilipinas, tuwing sasambitin,


Nang taos sa puso’t tigib ng damdamin,
Aking nadarama pag-ibig kong angkin,
Sa bansa kong itong sadyang ginigiliw.

Ang pagmamalaking namahay sa puso,


Likha ng bayaning puhunan ay dugo,
Sapin-saping dusa at luhang tumulo,
Dangal nitong lahi sinikap itayo.

Subalit kaypait, kay saklap isiping


Gumuguhong dangal, kastilyong buhangin,
Sa hampas ng alon, madaling buwagin,
Kusang naglalaho, nawawasak mandin.

Idilat ang mata ating mamamasid,


Hayun tanawin mo’t nasa himapapawid,
Mabangis na ibong aali-aligid,
Agilang dayuhang handang manibasib.
Inang Pilipinas, ako’y nagtataka,
Hindi na nakitang ikaw ay masaya,
Tigmak na sa luha lupang sinisinta,
Bawat salinlahi, puso’y nagdurusa.

Pamimighati mo, ano ang dahilan,


Nais na mabatid nitong sambayanan,
Ang bumabagabag sa ‘yong kalooban,
Sabihin sa amin, bigat ay maibsan.

O, mahal kong bunso, yaring dalamhati,


Ang tanging dahila’y nagbabagong lahi,
Pilit hinahanap maharlikang lipi,
Na putos ng dangal ang anyo’t ugali.

Pilipino noo’y malakas, makisig,


Malusog ang katawan, matikas ang tindig,
Palibhasa’y likas ganda ng paligid,
Ligaya ang dulot sinumang magmasid.

Tiwala sa sarili ng ating ninuno,


Matatag ang loob, pasiya ay buo,
Walang alinlangan ang mga pinuno,
Ugali ang matapat sa pamumuno.

Subalit sa ngayon aking hinahanap,


Sa balintanaw ko ay inaapuhap,
Sa hapo kong diwa di man mabanaag,
Maputlang larawan, Pilipinong hangad.

Ang nakikita ko ay bansang lupasay,


Na lugmok sa hirap, di makagulapay,
Palit nagsisikap umahon sa hukay,
Lalong lumulubog sa balong na lumbay.

Lisyang pulitika, punong mapag-imbot,


Kabuhayang gupo’t ugaling kurakot,
Sirang kapaligira’t kayamang simot,
Anong nalalabi sa bayan kong irog.

Ito ba ang bayan ko, bayang minamahal


Nang higit sa lahat sa mundong ibabaw?
Puso’t kaluluwa sa kanya ay alay,
Ito ba ang bayan ko, aking INANG BAYAN?
_______________________________________________________________________________

1. Ano ang paksang diwang sumusunod na tula -


a. “Pagkat Ako’y Malaya Na”
b. “Sa Kamatayan mo, Rizal”
c. “Ito Ba ang Bayan Ko?”
2. Ibigay ang mensahe ng bawat tula sa itaas.
_________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________
_______________________________________.

3. Uriin ang bawat tula at ipaliwanag.


_________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________
_____________________________________.

4. Sang-ayon ba kayo sa mga kaisipang napapaloob sa tulang “Ito Ba Ang Bayan Ko?”. Pumili ng
isang kaisipang di ninyo sinasang-ayunan at pangatwiranan ito.
_________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________
___________________________________.

5. Humanap ng isang tayutay sa bawat tula at bigyang kahulugan ito.


_________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________
___________________________________.

You might also like