Sanaysay Karapatang Pantao

You might also like

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 4

SANAYSAY TUNGKOL SA KARAPATANG PANTAO

ni Johnny Suico

“Bawat tayo ay mahalaga, kaya naman bawat isa ay may karapatan. Kaya tayo, bilang
tao ay may sarili tayong karapatan na dapat nating tinatamasa!”
Ang karapatang pantao ay bahagi na ng pagiging tao. Hindi na kinakailangan
pang ito ay kilalanin ng pamahalaan o ng batas. Mahalagang mulat tayo sa karapatang
pantao upang tamasahin natin ito. Ang pag-agaw at pagkait ay paglabag din rito. Maaari
itong idulog sa kinauukulan. Ang pagkilala sa karapatang pantao ay pagkilala at
paggalang din sa karapatan ng iba. Kung lahat ng mamamayan ay kumikilala sa
karapatan ng bawat isa, malaki ang posibilidad ng kapayapaan sa lahat ng aspekto ng
ating buhay sa lipunan. Ang karapatang pantao ay isang batayang karapatan at
kalayaan na “inalienable” at “inherent” sa bawat tao, mula kapanganakan hanggang
kamatayan. Nangangahulugan ang “inalienable” na karapatan at kalayaang hindi

m
maaaring mapawalang bisa o mapigilan ng ano mang batas na gawa ng tao

er as
samantalang ang “inherent” ay likas at awtomatiko niya itong nakukuha bilang

co
pribilehiyo o entitlement dahil sa kanyang pagiging tao mula sa kanyang kapanganakan

eH w
hanggang kamatayan.

o.
rs e
Ang Karapatang Pantao o Human Rights ay dapat malaman ng isang simpleng
ou urc
mamamayang Pilipino. Ito ang mga kalayaang nararapat na matanggap ng isang tao.
Dahil sa mga karapatang ito, malalamannatin kung tayo ba ay namumuhay nang
pantay-pantay sa lipunan. Dahilsa lugar na ito, tayong lahat ay pantay-pantay mula sa
o

batas at kaninoman. Simula nang isilang tayo sa daigdig, bilang tao, kasama na ring
aC s

isinilang ang ating mga karapatan. Sinisiguro nito na magiging produktibo tayong
vi y re

bahagi ng lipunan at magiging ligtas ang pananatili saan mang bahagi ng mundo.

Katunayan naniniwala ang mga tagapagtaguyod ng karapatang pantao na


pagkatapos ng mahabang panahon mula nang inilabas ang UN Universal Declaration of
ed d

Human Rights, ang mga layunin ng pagsugpo ng paglabag sa karapatang pantao ay


ar stu

nananatiling mailap. Laganap ang paglabag sa karapatang pantao, sa Pilipinas man o


sa maraming bahagi ng mundo.
is

Gayunpaman, isa sa mga halimbawa ng paglabag sa karapatang pantao na


Th

naipresenta ng mga kaklase ko tungkol sa kwento at awit na tumatalakay sa karapatang


pantao na makikita sa may akda na kanilang binigyang buod ay karapatang makamit
ang kalayaan o ang pag control ng makapangyrihan, pagkawal ng boses ng
sambayanan, karapatang mabuhay, paglabag sa pisikal at sekswal na pananakit,
sh

makapagtapos ng pag-aaral, pag-akusa ng isang kasalanan ng walang ebidensiya,


karapatan sa kalusugan at isang malinis na pamayanan, pagpatay ng walang proseso,
karapatan sa pagsasabi ng katotohanan at gumawa ng tama, pag-aalipusta sa mga
Pilipino sa kamay ng mga dayuhan, pagnanakaw at pasira ng yaman ng bayan,
pagkulong sa walang sapat na dahilan, karapatang sa pantay na paglilitis, karapatang
magkaroon na kapayapaan, karapatang mamuhay at magpahinga, karapatang

This study source was downloaded by 100000820350070 from CourseHero.com on 04-23-2021 00:39:10 GMT -05:00

https://www.coursehero.com/file/84138790/SANAYSAY-KARAPATANG-PANTAOdocx/
ipahayag ang kanilang saloobin at ipaglaban ang sa tingin nila ay nararapat at tama,
karapatang bigyang pansin ang pananawagan ng kanilang hinihingi, karapatang ibigay
ang kasaganahan para sa mga batang lansangan, karapatang panlipunang seguridad,
karapatang magkaroon ng hanapbuhay, karapatang magkaroon ng maayos na trabaho,
karapatang makakain araw-araw, karapatan sa partisipasyon sa buhay kultural ng isang
pamayanan at pagkilala sa karapata ng pamilya at pagpapalakas ng pamilya. Ang mga
ito’y sumasalamin sa paglabag sa karapatang pantao na makikita sa mga akda na
binigyang buod na aking mga kaklase kung saan ito ang patunay na kahit sa mga
akdang pampanitikan ay nanatiling nagkakaroon padin ng mga samo’t saring paglabag
sa ating karapatang pantao.

Sa kabilang banda, ito naman ang mga bunga o resulta ng paglabag sa


karapatang pantaong binanggit sa akda na naipresenta na aking mga kaklase. Ang mga
ito ay ang pag-aasam sa kalayaang inaasam na hinahangad maibigay sa sarili, pag-
apak sa karapatang mabuhay ng masaya at mapayapa, patuloy na umaasa na makamit
ang katarungang magkaroon ng maayos na buhay, madami ang nawala sa kanilang

m
er as
karapatan bilang isang tao, nakalimutan na ng mga nasa mataas na posisyon

co
karapatan ng mga taong nasa mababang uri ng pamumuhay, pilit na ipinapaalala sa

eH w
bawat indibidwal ang tunay na kahalagahan ng kanilang karapatan, marami ang
naghirap at nagdusa sap ag-apak ng kanilang karapatang pantao, mamulat na sa tunay

o.
rs e
na katotohan kabila’t kanang pag abuso sa kanilang mga hinangad na kagustuhang
hindi man lang maibigay, takot ang sambayan na labanan ang huwad na pamahalaan,
ou urc
walang boses o sapat na tapang upang ipahiwatig sa sambayanan ang mga nararapat
na gawin, walang sapat nap era para upang makapasok sa pribadong pa-aralan,
walang tahanan at sapat na pagkain, naghirap, nagtrabaho sa gabi habang nag-aarala,
o

nagkaroon ng walang sapat na pahinga at walang sapat na aruga sa magulang, pinatay


aC s

ang isang inosenting bata, dinakip na walang dahilan, nakakaranas ng kalupitan at


vi y re

matinding gutom ang kanilang pamilya, nagdudulot ng malaking problema, pagkamatay


ng bata, kawalan ng karapatang mabuhay ang isang tao, naging sunodsunoran sila nsa
sistema ng mga dayuhan, nahirap ang mga Filipino sa kamay ng mga dayuhan,
ed d

maraming namamatay sa gutom, maraming mga mamamayang naghihimagsik para sa


kalayang makapagsalita, kawalan ng pagiging malaya sa kasalanang di ginawa, hindi
ar stu

nabigyan ng pagkakataong patunayan na siya ay inosente, nasintensiyahan siya ng


kamatayan at pagkabitay, nagging masalimuot ang kanyang buhay, walang pag-unlad
na natatamasa sa kanilang buhay at nagkaroon ng hindi pagkakaunawaan sa kabila ng
is

paglabag sa karapatang pantao. Ang mga ito ay ilan sa mga naging resulta ng paglabag
sa karapatang pantao na binanggit.
Th

Sumakatuwid, ito’y nagpapatunay na mahalagang malaman natin ang ating


karapatan upang matamasa natin ang mga pangunahing pangangailangan natin bilang
sh

tao. Sinumang umagaw sa ating mga pangangailangan o kumitil sa ating buhay ngang
walang dahilan ay lumabag as ating karapatan bilang tao. Maaari tayong dumulog sa
hukuman kung sakaling nahahadlangan ang ating karapatan.

Ang pagkilala sa karapatang pantao ay pagkilala din sa karapatan ng iba. Ang


pagkilala sa karapatan ng iba ay nasasaad ng ating obligasyon na igalang ang

This study source was downloaded by 100000820350070 from CourseHero.com on 04-23-2021 00:39:10 GMT -05:00

https://www.coursehero.com/file/84138790/SANAYSAY-KARAPATANG-PANTAOdocx/
karapatan ng lahat ng tao. Kung lahat ng mamamayan ay kumikilala sa karapatan ng
bawat isa, malaki ang posibilidad ng kapayapaan sa lahat ng aspeto ng ating buhay sa
lipunang Pilipino.

Gayunpaman, para sa aking pananaw at opinyon para maiiwasan o matigil na


ang mga paglabag sa mga karapatang pantao ay dapat tayong mga tao magkaroon ng
malalim na pananampalataya sa Diyos dahil naniniwal ako na kapag tayo ay nasa
buhay ng Diyos at sumusunod sa kanyang kabutihang taglay ay walang maitatalang
paglabag sa ating karapatang pantao kung tayo ay takot sa Diyos magkaroon ng
kasalanan sa Kanya. Sapagkat naniniwala din ako na kailangang magkaroon ng isang
mas matibay na batas na nagsasaad ng mga karapatang pantao ng mga mamamayan.
Kasabay nito, dapat ay pagmatyagang mabuti ang maigting na implementasyon ng
parusa sa bawat paglabag nito. Ang pamahalaan ay dapat na laging nakatugon sa
anumang pangangailangan ng mga mamamayan nito. Higit sa lahat, dapat ay maging
mas mapagmalasakit ang bawat isa sa kanilang kapwa at pakaisiping ang lahat ay may
pantay na karapatan sa lahat ng ginhawa ng buhay.

m
er as
co
Sumasang-ayon naman ako sa sinulat ni Propesor Jensen Mañebog tungkol sa

eH w
mungkahing paraan niya upang malunasan o malutas ang mga paglabag sa karapatang

o.
pantao. Ayon niya ang isa sa mga paraan para malutas ang mga paglabag sa
rs e
karapatang pantao ay pagbuo ng public assistance programs, paglikha ng mga
ou urc
napapanahong bata, istriktong implementasyon ng mga batas, magkaroon ng mabilis at
makatarungang paglilitis, paglagda ng bansa sa mga internasyonal na tratado at
pagpapalakas at pagdisiplina sa sandatahang lakas. Pawang ang mga ito ay isa ding
o

mabisang paraan para malutas na ang mga paglabag sa ating mga karapatan bilang
tao.
aC s
vi y re

Sa kabuuan, masasabi ko na isa sa mga mabisang paraan para malutas ang


suliranin sa paglabag sa karapatang pantao ay edukasyon. Ang pagkakaroon ng sapat
na kaalaman sa karapatang pantao ay isa sa mga pinakamakapangyarihang paraan ng
ed d

paglutas ng mga paglabag sa karapatang pantao. Kailangan dito ang seryosong


ar stu

pakikilahok ng pamahalaan, paaralan, mga himpilan ng telebisyon at radyo, at lahat ng


sektor ng lipunan. Pangalawa naman ay epektibong pamamahala dahil nakapaloob dito
ang mahusay na pagsulong at pagpapatupad ng pamahalaan sa mga batas na
is

nagbabantay sa karapatang pantao ng mga Pilipino, kasama na ang pagiging modelo


ng mga opisyal ng pamahalaan bilang tagapagsulong ng karapatang pantao sa
Th

pagganap ng kanilang tungkulin at pribadong buhay. Panghuli ay pagpapatupad ng


Batas dahil matapang at patas na pagpapatupad ng mga batas sa mga lumalabag sa
karapatang pantao mula sa hanay ng pulisya at mga hukuman. Sapamamagitan nito
maaaring magkaroon ng solusyon at mahinto ang mga tinutukoy na paglabag sa ating
sh

mga karapatang pantao.

This study source was downloaded by 100000820350070 from CourseHero.com on 04-23-2021 00:39:10 GMT -05:00

https://www.coursehero.com/file/84138790/SANAYSAY-KARAPATANG-PANTAOdocx/
m
er as
co
eH w
o.
rs e
ou urc
o
aC s
vi y re
ed d
ar stu
is
Th
sh

This study source was downloaded by 100000820350070 from CourseHero.com on 04-23-2021 00:39:10 GMT -05:00

https://www.coursehero.com/file/84138790/SANAYSAY-KARAPATANG-PANTAOdocx/
Powered by TCPDF (www.tcpdf.org)

You might also like