Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

PAUNANG SALITA

Isang suliranin ng mga guro kung papaano higit pang mapayayaman at


mahasa ang isipan ng mga mag-aaral ngayon malaki ang kakulangan ng mga
kagamitang pampagkatuto na makatutulong sa mga estudyante. Isang hamon
din sa mga guro ang gumawa ng isang mabisang kagamitan na mas madaling
makita ang resulta ng pagtataya upang agad itong mabigyan hakbang at tugon.

Hangad ng modyul na ito ang mapataas ang antas ng kaalaman,


pagkatuto at matukoy ang kakayahan at kahinaan ng mga mag-aaral. Kaya sa
pagbuo ng modyul na ito ay isinasaalang-alang ang domeyn ng pagkatuto sa
pagsasagawa ng mga gawain at ebalwasyon. Kinapapalooban naman ng tatlong
gawain: una (1) may labing limang pagsusulit, pangalawa (2) may sampung
pagsusulit, pangatlo (3) may isanng daang porsyento na may batayan batay sa
performance-based na gawain.

Ang nilalaman ng modyul na ito ay may labing siyam na mga akdang


pampanitikan tulad ng maikling kwento, epiko, tula, awit, talumpati at iba pa.
Makikita at mababasa ditto ang mga akdang isinulat na may mga nakapaloob na
mga teorya at konsepto na higit na makatutulong sa pagpapalawak sa kaisipan
ng mambabasa o estuyante.

Samantala, dahil sa kinakaharap na krisis ng buong mundo na dulot na


COVID 19 (Corona Virus Disease 2019) ang karamihan na gunawa ng modyul
na ito ay naging pangunahing sanggunian ang Internet sa pangangalap ng mga
datos at akdang pampanitikan. Dahil ditto kinakailangan na ipasuri ito ng
mairebisa kung kinakailangan bago ganap na iimprinta.

Inaasahan ng mga gumawa sa modyul na ito na mapapayaman ang


kaalaman at pagkatuto hinggil sa binasang akdang pampanitikan at tumaas ang
antas sa domeyn ng pagkatuto na siyang pangunahing target sa pagbuo ng
modyul na ito.

You might also like