Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 34

Ito ay masistemang balangkas ng sinasalitang tunog na pinili at isinaayos sa paraang

arbitraryo upang magamit sa komunikasyon ng mga taong kabilang sa isang kultura.

-Henry Gleason

Iba pang pagpapakahulugan sa WIKA: 

 Ang wika ay masistemang kabuuan ng mga sagisag na sinasalita o binibigkas na


pinagkaisahan o kinaugalian nang isang pangkat ng mga tao at sa pamamagitan
nito’y nagkakaugnayan, nagkakaunawaan at nagkakaisa ang mga tao.

              -Hemphill

 Ang wika ay isang likas at makataong pamamaraan na paghahatid ng mga


kaisipan, damdamin at mga hangarin sa pamamagitan ng isang kusang-loob na
kaparaanan na lumikha ng tunog.

-Sapiro

 Ang wika ay sistema ng mga arbitraryong simbolo ng mga tunog para sa


komunikasyon ng tao.

-Edgar Sturtevent

 “Ang wika ay sumasalamin sa mithiin, lunggati, pangarap, damdamin, kaisipan o


saloobin, pilosopiya, kaalaman at karunungan, moralidad, paniniwala at mga
kaugalian ng tao sa lipunan.”

-Alfonso O. Santiago

  “Ang wika ay isang kalipunan ng mga salita at ang pamamaraan ng pagsasama-


sama ng mga ito para magkaunawaan ang isang grupo ng mga tao”.

-Pamela C. Constantino at Galileo S. Zafra

 Ang wika ay isang proseso ng pagpapadala at pagtanggap ng mensahe sa


pamamagitan ng simbolong cues na maaaring berbal o di-berbal.

-Bernales

KAHALAGAHAN NG WIKA
1. Instrumento ng komunikasyon
2. Nagpapanatili, nagpapayabong at nagpapalaganap ng kultura ng bawat grupo
ng tao.
3. Tagapagbandila ng pagkakakilanlan ng isang bansa at ng mga mamamayan.
4. Tagapag-ingat at tagapagpalaganap ng mga karunungan at kaalaman.
5. Ito ay nagsisilbing lingua franca  o tulay para makausap at magkaunawaan ang
iba’t-ibang grupo ng taong may kani-kaniyang wikang ginamit.

 KATANGIAN NG WIKA

 Upang pag-ugnayin, inilahad naman nina Paz et. al. (2003) ang mga sumusunod na
katangiang makapagpapakilala sa wika:

 Sistema ng mga rule o tuntunin


 Sistema ng mga arbitraryong vocal symbol
 Malikhain
 May gramatikang pantay-pantay
 Nagbabago     

May sistema ng mnga tuntunin.

Pansinin ang mga pahayag sa ibaba.

    *Dinala nang patago sa Senado ang akusado.

    *Dinala sa patago ang Senado sa akusado.

May kakayahang ayusin ng taong gumagamit ng wika ang kanyang pagpapahayag kahit
gamit ang sub-malay na akwisisyon. Ito ay dahil sa ang wika ay nagtataglay ng sistema
ng mga tuntunin.

Mula sa mga tuntuning ito, maaaring malay rin naman ang gumagamit, nalalaman niya
ang obhetibong pagsusuri sa mga pahayagaula

    *Pinaratangan ng saksi ang akusado.

    *Pinaratangan ng akusado ang saksi.

Bilang pagsusuri sa pahayag, maaaring paratangan ng saksi at akusado ang isat isa
batay sa pagiging tao nila ngunit sa usaping semantika ang tanging makapagpaparatang
ay ang saksi laban sa akusado.
Samantala, makikita rin ang kakayahan ng wikang magkaroon ng tuntunin sa
pamamagitan ng kaalaman sa kaayusan ng karaniwan at di karaniwang mga
pangungusap. Bahagi rin ng katangian ng wikang Filipino ang pagtiyak sa mga
pangungusap kahit hindi nagtataglay ng pandiwa.

    *Ang mga politiko ay mahuhusay.

    *Mahuhusay ang mga politiko.

Ang wika bago pa maging bahagi ng pakikipagtalastasan ay nabuo muna bilang isang
tunog. Sa pagsasama-sama ng tunog, makalilikha ng mga panlapl, santang-ugat
hanggang sa maging ganap na salita. Ang mga salita'y magiging pangungusap na
magagamit sa komunikasyon. Kapag8 nagkaroon ng paltan ng pangungusap,
naisasakatuparan ang diskurso.

May sistemang arbitraryong-simbolo.

Ang mga wikang napagkakasunduan ay may taglay na konseptong kinakatawan ng mga


simbolong rumerehistro sa isip ng mga gumagamit nito.

May kumakatawan sa bagay (papel, pagkain, pera), sa ideya (pag-ibi8 katotohanan,


katapatan) at sa function/pangkayarian (ni, si, ng, dahil).

Sa usapin ng napagkakasunduang kultura, iba-iba ang imahen at kaisipang malilikha


kung mababanggit ang mga salitang bahay (Filipino), casa (Kastila) at house (Ingles)

Ang Filipino rin ay onomatopoeic. Sa simbolong kumakatawan sa wika, taglay nito ang
tunog o paghihimig. Maibibilang na halimbawa ang lagaslas, kumakaripas, palakpak at
iba pa.

Sa pagiging arbitraryo ng wika, mailalahad na tao lamang ang nakagagamit ng wika


sapagkat nilikha na may mga aparato o salik sa paglikha ng tunog sa pagsasalita.
Kinabibilangan ito ng mga bahaging baga na pinanggagalingan ng lakaso enerhiya,
kumakatal na bagay o artikulador at patunugan o resonador.

Malikhain ang wika.

Ang malikhaing aspekto ng wika ay makikita sa paggamit nito. Maibibigay na halimbawa


upang maipakita ito ay sa pamamagitan ng lexical cohesion (Halliday at Hasan, 1976).
Ito ang ugnayan ng semantika sa mga pangungusap.

    *  Nakatulog ako habang isinasagawa ang paglilitis.


    *Tinulugan ko ang paglilitis.

Ang mga pangungusap sa itaas ay dumaan Sa malikhaing proseso ng Tinatawag na


paraphrasing. Hindi nasasakripisyo ang kahulugan sa muling pagbuo ng pahayag.

  Malinaw ring makikita ang pagiging malikhain ng wika sa neolohismo. Ang neolohismo
ay paglikha ng mga salita  (Dr. Salazar sa Pagpapayaman sa Wika: Ang Panghihiram sa
mga Wikang Kamag-anak at Banyaga at ang Paglikha ng Neolohismo; Pagtatakda ng
Hangganan nito, 2010).

Mula sa etimolohiya sa wikang Griyego na  neo  na nangangahulugang bago, ang


terminong ito ay tumutukoy sa bagong salita na nilikha upang maglahad ng bagong
konsepto, magbigay-ngalan sa bagong bagay o magbigay ng bagong kahulugan mula
sa  kombinasyon ng mga pantig o kaya ay salita, akronim, panghihiram at pagpapaikli,
paglalapi, paggamit ng Parngalan, paggamit ng ngalan ng produkto  (Batnag & Petras,
2009).

Sa paglikhang ito makikita ang iba't ibang baryasyon ng Wika.

BARYASYON NG WIKANG FILIPINO


kombinasyon ng mga pantig o kaya ay salita

·         banyuhay (bagong anyo ng buhay)

·         blog (web log)

·         dalubwika (dalubhasa sa wika)

·         Kathniel

·         JaDine
Akronim

·         FB (Facebook)

·         YM (Yahoomail)

·         OL (on-line)
Pag-uulit

·         Paulit-ulit? Paulit-ulit?
·         ‘wag maingay! Quiet!

·         Major! Major!
Panghihiram at Pagpapaikli
·         apir (up here)

·         spag (spaghetti)

·         imba (imbalance sa isang laro sa kompyuter)

·         tarpo (tarpauline, entri ni Jelson Estella Capillos sa SAWIKAAN 2010), naging tarp
kalaunan

·         Emo (dati’y larang ng musika ngunit binigyan ng malawak na kahulugan patungkol sa


taong sentimental, entri ni Marielle Dy sa SAWIKAAN 2010)
Panghihiram at Pagbibigay ng bagong kahulugan

·         salvage (sa kultura ng bansa ay patayin)

·         trapik (sa kultura ng bansa ay mabagal na paggalaw ng anumang transportasyon

·         carro/karo (sa kultura ng bansa ay sasakyang gamit sa paghatid ng patay sa huling


hantungan)

·         Sampol! Sampol! (paghiling na magpakita ng nakaaaliw na presentasyon)

·         Party! Party! (magkasiyahan)

·         Madlang Pipol (pangkat ng mga  tao/ audience)


Pagbibigay ng bagong kahulugan

·         tulak (nagbebenta ng pinagbabawal na gamot)

·         hataw (mahusay sumayaw?)


Pagbaliktad

·         astig

·         dabarkads

·         etneb
Paglalapi

·         mag-textan (resiprokal na palitan ng mensahe gamit ang cellphone)


·         mag-Tweet (gumawa ng mensaheng mababasa ng mga follower)

·         pa-tag (pakiusap na lagyan ng pagkilala ang nasa larawan sa usapang FB)

·         Koreanisasyon (tinutukoy ni Schedar Jocson bilang [henom,enon ng pagpasok ng


kulturang Korean sa bansa)
Paggamit ng pangalan (eponyms)

·         Noranian

·         Rizalista

·         Sharonian

·         Na-Ondoy  (binagyo ng malakas, mula sa ngalang Ondoy, entri ni Jayson Petras sa


SAWIKAAN 2010)
Paggamit ng ngalan ng produkto

·         Colgate (ginagamit para katawanin ang lahat ng uri ng toothpaste)

·         Pampers (ginagamit para katawanin ang pangklahatang tawag sa diaper sa usapang sari-
sari store)
Paggamit ng ngalan/pamagat ng programang pangmidya

·         i-Youtube (hanapin o ilagay ang video)

·         i-Google (hanapin ang sinasaliksik)

·         pang-Maalala (madrama ang buhay)

·         pang- Showtime (may talentong kakaiba)

Inuri din di Dr. Salazar ang nelohismo sa pormal at di-pormal. Maibibilang sa pormal na
pagbuo ang kaniyang tinawag na pantayong pananaw at Maugnaying Talasalitaang
Pang-agham, Ingles-Pilipino (1964/1974) ni Gonsalo Del Rosario ng Gregoria Araneta
University Foundation. Ang pormulasyon ay pinag-ugnay-ugnay na magkakamag-anak
na salita.

Ingles Maugnaying Pilipino Pormulasyon


Philosophy Batnayan batayan at hanayan
Mathematics Sipnayan isip at hanayan
Social Sciences Ulnayan ulnong at hanayan
Physics Sugnayan kusog at hanayan
Biology Haynayan buhay at hanayan
Chemistry Kapnayan sangkap at hanayan
Metamorphosis Banyuhay bagong anyo ng buhay

May Gramatikang Pantay-pantay

                  May kakayahan at nalalaman ang tao sa kanyang wika (linguistic competence)


kaya taglay niya ang gramatika ng wika (linggwistika). Ito ang makapagpapatunay na
may unibersal grammar ang wika ng tao (Chomsky, 1970) Mailalahad dito na tunay nga
na walang superior na wika.

Nagbabago ang wika

                    “Naniniwala akong hindi sa utak ng paham tumutubo at umuunlad ang mga


salita…kundi sa ‘bibig ng magla’,” ani Lope K. Santos.

                  Malaki ang gampanin ng tao upang manatiling buhay at dinmaiko ang wika.

                  Malaki rin ang sampanin ng nagpapabagong teknolohiya sa dibersidad ng wika.


Bahagi nan g diskurso ang mga sumusunod na ilang halimbawa:  i-twit, wifi, pa-load,
blog at iba pa.

Patuloy ang pagbabago ng wika. Hanggat may gawain ang tao- ginawa, ginagawa at
gagawin, nagiging hudyat ito ng walang katapusang buhos ng modipikasyon ng wika.

  Nagiging midyum ang panghihiram ng wika para magkaroon ng bagong kahulugan.

·                  querida (pinakamamahal na babae) - kerida (iba pang pinakamamahal)

·                  boundary (limitasyon) - bawnderi (ang dapat nakitain sa pamamasada)

·                  leche (gatas) - letse (pag-uyam sa sinuman)

·                  Inday (pinakamahalagang babae) - inday (suhetibong iniuugnay sa katulong

Ang wika ay ekspresyon ng mga  gawain  ng tao. Maaaring malay o hindi malay ang tao
sa pagbabago ng wika. Maraming itinatawag ang tao sa kanyang mga nakaugaliang
gawin at mga bagay na pinanghahawakan at pinaniniwalaan niya. Kargado ang
talasalitaang Filipino ng mga salitang ikinakabit sa bawat pagkilos at pag-aari.

Sa larang agrikultural, maraming itinutumbas ang mga Pinoy sa rice ng mga Kano. Si
Juan de la Cruz ay may palay, bigas at kanin. Maaari pa niyang idagdag dito ang binhi,
punla, malagkit, sinuman, nilugaw at iba pa na ayon sa ginagawa niya sa rice na tawag
lamang ni Uncle Sam.

Multikultural ang bansa, utang din sa ibang lahi at wika ang mga salitang naging bahagi
rin ng pambansang pagkakakilanlan. Maibibigay na halimbawa ang mga buhat sa
Ingles  (dyip, kompyuter, komiks, lider, iskolar at iba pa),  sa Sanskrit na mula rin sa Java
at Malay  (bansa, maharlika, mukha, bathala, katha at iba pa),  sa Pranses  (debutante,
madam, kudeta, morge, buletin at iba pa),  sa Intsik  (bakya, siyansi, diko, pansit, tikoy at
iba pa)  at sa marami pa.

Sa iba pang rehiyon at pangkat etniko sa bansa, maibibigay na halimbawa ang bana  (ng
Hiligaynon at Cebuano),  butanding  (ng Bicol),  imam  (ng Tausug),  cañao  (ng
Igorot),  gahum  (ng Cebuano, Hiligaynon at Waray)  na mga katutubong wika sa Pilipinas
na pinanatili ang orihinal na baybay batay sa Gabay sa Ortograpiyang Filipino (2009) ng
Komisyon sa Wikang Filipino.

lto ay makapangyarihang midyum sa komunikasyon.

Ang anumang uri ng komunikasyong berbal ay ginagamitan ng wika. Kaugnay nito ang
mga kasanayang reseptibo (pakikinig panonood at pagbasa) at produktibo (pagsasalita at
pagsulat) na ayon sa pagtawag ni Nunan (2009).

Ang wika ay nakapaghahatid ng ibat ibang emosyon, positibo man O negatibo.


Napagagalaw ito ang isip, napasisigaw nito ang puso at napasusunod nito ang tao.

May politika ang wika.

Batay sa papel  (Pulitika ng Wika, Wika ng Pulitika)  na binasa ni Randy David sa Unang
Pambansang Kongreso ng Sanggunian sa Filipino (SANGFIL) ang politika ng wika ay
isang perspektiba na sumusuri sa mga epekto sa wika ng tagisan ng kapangyarihan. Ang
tagisan ay bunga ng mga nakatagong motibong politikal tungkol sa pagkakaroon ng
mga patakarang pangwika.

Ganito rin ang tinunton ng kasaysayan ng wikang pambansa na pinatunayan ni Almario


(1997) sa akdang  Mga Estratehiya ng Pagsasalin sa Agham at Ibang Makabagong
Larang.  Sinabi niya na ang politika sa wika ay bahagi ng mga sitwasyong dinanas ng
wikang pambansa upang kilalanin at isulong bilang komon na wika/Lingua Franca. May
tagisan sa pagitan ng mga puristang Tagalog  (ang mga higit na makiling sa Tagalog)  at
ng mga hindi Tagalog  (maaaring buhat sa ibang mga wikain sa Pilipinas kasama ang
mga makiling sa Ingles at Espanyol).
Dagdag pa, nagkaroon ng paglalaban sa isyu ng Tagalog laban sa Pilipino,
Tagalog/Pilipino laban sa Filipino, unang wika laban sa ikalawang wika at bilinggwal
laban sa pagiging multilinggwal. Patunay ito na may politika ang wika.

Sa usapin pa rin ng Ingles na malinaw na nagiging katunggali ng Filipino sa


preperensyang gamitin, nakalilikha ng mga penomena sa proseso ng komunikasyon.
Nagaganap ang  code switching  at  mixing.  Kung hindi na maipahayag sa direktang
Filipino ay idinadaan na lamang sa pagpalit tungong Ingles (switching). Sa ilang
pagkakataon naman, sa kakulangan ng kaalamang semantika/pagpapakahulugan,
isinasangkap ang haluang mga terminong Filipino at Ingles (mixing).

ILAN PANG KAALAMAN HINGGIL SA WIKA

Ayon sa mga lingguwista, may mahigit 5,000 wika na sinasalita sa buong mundo. Ang
Pilipinas ay isa sa mga bansang biniyayaan ng maraming wika: di kukulangin sa 180 ang
wikang sinasalita sa Pilipinas. Heterogenous ang sitwasyong pangwika sa Pilipinas dahil
maraming wikang umiiral dito at may mga diyalekto o varayti ang mga wikang ito.
Homogenous ang sitwasyong pangwika sa isang bansa kung iisa ang wikang sinasalita
ng mga mamamayan dito. Gayunman, hindi naiiwasan ang pagkakaroon ng mga
diyalekto kahit isang wika lamang ang ginagamit sa isang bansa dahil likas lamang sa
mga tagapagsalita ng isang wika na magkaroon ng ilang pagbabago sa bigkas ng mga
salita, at sa pagbubuo ng mga salita at mga pangungusap. Nagkakaintindihan pa rin ang
mga taong gumagamit ng iba't ibang diyalekto ng isang wika.

Wika, Diyalekto, Bernakular

Ang Tagalog, Sinugbuanong Binisaya, Ilokano, Hiligaynon, Samar-Leyte, Pangasinan


Bikol, at iba pa ay mga  wika, hindi diyalekto at hindi rin wikain (salitang naimbento
upang tukuyin ang isang wika na mas mababa kaysa sa iba).

Ang  diyalekto  ay nangangahulugang varayti ng isang wika, hindi hiwalay na wika.


Kapag hindi nagkakaintindihan ang dalawang nag-uusap na gumagamit ng magkaibang
wika, ibig sabihin, bawat wikang ginagamit nila ay hiwalay na wika.

Ang halimbawa ng diyalekto ay ito: Ang mga nagsasalita ng isang wika, batay sa lugar
na pinanggalingan, ay maaaring magkaroon ng bahagyang pagkakaiba sa bigkas, pag-
gamit ng panlapi, o ayos ng pangungusap. Dahil dito, may tinatawag na Tagalog-
Bulacan, Tagalog-Cavite, Tagalog-Metro Manila, at iba pa. Ngayon, dahil maraming
gumagamit ng pambansang wika na galing sa iba't ibang rehiyon, nagkakaroon na rin
ng iba't ibang diyalekto ng Filipino, tulad ng Filipino-llokano, Filipino-Hiligaynon, at iba
pa, na bawat isa ay nagpapakita ng natatanging pagkakakilanlan ng unang wika ng
tagapagsalita ng Filipino.

Bernakular  ang tawag sa wikang katutubo sa isang pook. Hindi ito varayti ng isang wika
tulad ng diyalekto, kiang          undi isang hiwalay na wika na ginagamit sa isang lugar na
hindi sentro ng gobyerno o ng kalakal. Tinatawag din itong  wikang  panrehiyon.

BILINGGWALISMO
 Hinihingi nito ang kahusayan ng paggamit ng dalawang magkaibang wika. Bilang
bahagi ng programang akademiko sa bansa, ipinatupad ang Patakarang
Edukasyong Bilinggwal.

Kautusang Pangkagawaran Blg. 25 (Hulyo 10, 1974)

Itinakda ang mga panuntunan sa pagpapatupad ng Patakarang Edukasyong Bilinggwal


sa mga paaralan na nagsimula sa taong panuruan 1974-75. Ang patakarang ito ay nag-
uutos ng magkahiwalay na paggamit ng Pilipino at Ingles bilang midyum ng pagtuturo
ng mga tiyak na asignatura.

Kautusang Pangkagawaran Blg.54, (1987) - Isinaad ang pagbabago sa Patakarang


Edukasyong Bilinggwal nang ganito... Ang patakarang Bilinggwal ay naglalayong
makapagtamo ng kahusayan sa Filipino at Ingles sa antas pambansa, sa pamamagitan
ng pagtuturo ng dalawang wikang ito bilang mga midyum ng pagtuturo sa lahat ng
antas."

Ang oryentasyong pangwika at paggamit ng Filipino sa mga paaralan ay dumadaan sa


hamon ng ibat ibang salik na dulot pa rin ng nagbabagong panahon.

Hamong maituturing ang konsentrasyon ng mga institusyong akademiko (mula


batayang edukasyon hanggang sa kolehiyo) sa layuning internasyonal at global. Malaki
ang potensyal ng Ingles na gamiting midyum lalo at idinidikit dito ang pagturing na
global na wika ng trabaho at global na kalakaran. Mataas ang pagtingin sa Ingles kaya
nalilikha ang antas ng wikang mataas para katawanin ito, samantalang mababa naman
sa Filipino.

lto ang tinutukoy ng paliwanag ni Ocampo sa Peregrino et.al. (2005) Sa konsepto ng


diglossia. Inilalarawan ng terminong ito ang sitwasyong may dalawang napakaibang uri
ng wilka sa loob ng isang komunidad ng pagsasalita na ang bawat isa ay may
katungkulang panlipunan. Ang isa nga ay mataas (Ingles) at isa ay mababa (Filipino).

Ganito rin ang tinutunton ng sinabi ni Constantino sa Peregrino (2005), tungkol sa


tinatawag na Deficit Hypothesis ni Bernstein. Hindi pantay ang pagtingin sa wika ng
mataas na uri (elaborated, masuri, abstrakto) at mababa (restricted, detalyado,
deskriptibo).

Malinaw ang presensya ng ganitong kaisipan sa panahong ito ng pakikipag-unahan sa


global na tagisan. Lalo, Ingles ang midyum ng internasyonal na komunikasyong
hinaharap at haharapin ng kanilang mga produktong mag-aaral.

Bago tiyakin ang sinasabing globalisasyon, mahalagang makamit din ang lokalisasyon.

MULTILINGGWALISMO SA BANSA
 

Ang Mother Tongue-Based Multilingual Education (MTBMLE) ay bunga ng


proyektong Lubuagan, Kalinga Mother Toungue/ First Language Education Experiment
kung saan inilahad sa ulat nina Stephen L. Walter at Diane E. Dekker (2008) ng Summer
Institute of Linguistics International na mabisa ang paggamit ng unang wika ng bata
bilang wikang panturo sa mga asignaturang Filipino, English at Mathematics sa
elementarya. Kung gayon, ang MTBMLE ay paggamit ng higit sa dalawang wika para sa
hangaring literacy at pagtuturo.

Binanggit na gaganmitin ang unang wika ng mag-aaral bilang midyum sa pagtuturo


simula sa pre-school hanggang sa Ikatlong baitang, kasama rin ang nasa Alternative
Learning System (ALS) habang ituturo ang Ingles at Filipino bilang mga asignatura. Ang
tunguhin ng multilinggwalismo sa akademya ay palakasin sa simula ng pag-aaral ang
unang wika upang magkaroon ng matibay na pundasyon sa paggamit ng wikang
pambansa (Filipino) at ng iba pang wika (tulad ng Ingles) o yaong mga ikalawang wika.

Pinatunayan ni San Juan (2008) sa kanyang sanaysay na sanaysay na Multilinggwalismo:


Salbabida ng Wikang Filipino at mga Dayalekto, Bagon8 Kahingian ng Globalisadong
Mundo na ito ang trend sa mundo tulad sa Estados Unidos, Europa at ilang bahagi ng
Asya.

Sa Estados Unidos, may isinagawang pag-aaral sina Thomas at Collier (1997) na naging
batayan ng paglinang ng multilinggwal na pagtuturo dito sa Pilipinas. Sinuri ang epekto
ng unang wika sa pag-unlad ng mga mag- aaral. Pinatunayan iyon sa kaugnay na pag-
aaral ni Walter na mayhinuhang tataas ang pagkakataong maging ganap na
propesyonal sa hinaharap ang mga mag-aaral na dumaan sa edukasyong gamit ang
unang wika. Ipinakita rin niya na ang mga bansang gumamit ng unang wika sa
pagtuturo ay higit na maunlad. Mula rito, nakita ang halaga ng MTBMLE sa suliranin sa
di angkop na ugnayan ng industriya sa sistema ng edukasyon sa bansa. Hindi kasi
nagiging makabuluhan ang edukasyon kapag nakapagtapos na ang mag-aaral sa
nakalipas na mga kalakaran sa pagtuturo.

Ito ang tinutunton ng binanggit ni Dr. Ricardo Ma.Duran Nolasco sa primer na kanyang
inihanda (2010), tinukoy niya na ang MTBMLE ay naglalayong makalikha ng mag-aaral
na multiliterate, multilingual at multicultural.

Ipinahayag din ng United Nations Educational, Scientific and Cultural Organization


(UNESCO, 2003) ang kanilang paninindigan panig sa multilinggwalismo. Nakabatay sa
inihanda nilang mga simulain sa papel na Education in a Multilingual World ang
kanilang posisyon sa tunguhing ito.

1.    Napauunlad ng pagtuturo gamit ang unang wika ang kalidad ng edukasyon na


nakabatay sa kaalaman at karanasan ng mag-aaral at guro.

2.    Ang bilinggwal at multilinggwal na edukasyon sa lahat ng antas ay nakatutulong sa


pagtataguyod ng pagkapantay-pantay sa lipunan at kasarian. Ito rin ay susi sa
pagkakabuklod ng magkakaibang lipunan na may magkakaibang wika.

3.    Ang wika ay napakahalagang elemento sa inter-kultural na edukasyon. a


pamamagitan nito, makahihikayat ng unawaan sa pagitan ng magkakaibang lahi at
makasisiguro na ang mga karapatan ay iginagalang

 Sa Kongreso, isinusulong naman ni Kinatawan Magtanggol Guinigundo I ng Valenzuela


City upang maging ganap na batas ang House Bill 162 na kaugnay rin sa Multilingguwal
na pagtuturo. Lamang ay hanggang sa Ikaanim na baitang ang paggamit ng unang wika
ng mag- aaral bagamat gagamitin pa rin ang Ingles at Filipino sa Ikaapat hanggang
Ikaanim na baitang sa ilang bahagi ng kurikulum.

Sa paniwala ni Almario (2010), may dagdag na kabuluhan ang mga batas tungkol sa
multilingguwalismo kung magiging totoo sa diwa ng multilinggwal na pagtuturo at
hindi lamang sa ilang assigned languages (partikular sa walong wikang rehiyonal)
gagawin. Ayon pa rin sa kanya, sa totoo lamang naman na kahit walang batas ang
maisakatuparan/ mapagtibay ay matagal nang ginagawa iyon ng maraming guro sa ibat
ibang panig ng bansa.
Katulad ng nabanggit na sa unang bahagi ng aklat na ito, ayon sa Komisyon sa Wikang
Filipino, may tinatayang 176 at higit pang wika mayroon ang bansa. Narito ang patunay
ng pagiging multilinggwal ng bansa.Top of Form

Homogenous na Wika
Ang katangiang homogeneity ay mailalarawang pagkakaroon ng isang estruktura o
paraan ng pagkakabuo ng wika. Sa Pilipinas na multilinggwal ang konteksto, ang
pagkilala sa homogenous na wika ay makikita sa mga espisipikong katangiang pekulyar
sa bawat isang wika.

Ganoon pa man, bahagi ng layong pagkakamit ng intelektwalisasyon at pagpaplanong


pangwika ang tinatawag na estandardisasyon ng wikang Filipino.

Kailangang dumaan muna sa estandardisasyon o pagiging magkakaanyo o uniporme ng


isang wika para sa higit na malawakang pagtanggap at paggamit nito (Fortunato, 1991).

Kaugnay sa hakbang ng unipormeng wika ang kawalan ng kalituhan sa palabaybayan.


Sa sitwasyong pangwika sa Pilipinas, naging banta Sa estandardisasyon ang isyu tungkol
sa 2001 Revisyon na inilahad ni Ruth Elynia S. Mabanglo (2009) sa papel na Pagtuturo
ng De-Kalidad ng Linggwistika at Literaturang Filipin0 sa Ikadalawampung Siglo: Hamon
sa PSLLF. Ang pabagu-bagong patakaran sa palabaybayan ng KWF at ang pagtatakda
ng iba't ibang unibersidad ng kani-kanilang ispeling na walang Datayan sa lohika at
kakanyahan ng wika ay itinurong dahilan.

Upang matugunan ang mga katulad na suliranin, may nabanggit na mungkahi si Paz
(1995). Kailangang linawin ang pagbaybay ng mga salitang hiram, maging bukas sa
language replacement o palit-wika at language shift o lipat-wika, pag-aralan ang mga
barayti ng Filipino, at bigyang-pansin ang sosyo-kultural at politikal na konteksto.

Bilang bahagi ng akademikong larang, ang estandardisasyon ay bilang tumutukoy rin sa


pagtiyak sa wikang gagamitin sa mga prosesong pagtuturo at pagkatuto. Para kay
Cubar (1985) ang estandardisadong wika ay mas malapit sa kasanayang pasulat,
sopistikado, istrikto sa paggamit ng mga salita sa diskurso at hindi tulad ng wikang
pasalita na gamit sa pang araw-araw.

Maaari ring pag-ugnayin ang mga kasanayang pasalita at pasulat sa pamamagitan ng


paglinang ng mga babasahing akademiko sa Filipino. Sa ganoong gawain, malilinang
ang literasiya para sa marami.

Tinukoy naman ni Mabanglo (2009) sa nabanggit na papel sa itaag ang suliranin sa mga
nakalimbag na midyang alipin ng sensasyonalismo at komersyalismo. Kung mababasa
ng mga mag-aaral ang gamit ng mga salitang slang lalo sa tabloid na nakasisira sa
patakaran ng pagsulat ng balita at editoryal, lalabnaw ang kanilang bokabularyo. Sa
kabila nito, tinanggap niya na ang kalakarang iyon ay bahagi nga ng sensasyonalismo.

Sa paliwanag naman ni Paz sa sanaysay na Ang Standardisesyon Bilang Isyu (1995), ito
ay hindi lamang tungkol sa wikang gagawing uniporme. Ito ay pagtugon din sa mga
gagamit ng istandard na wika- - ang mga bumubuo sa larang akademiko at ang
karamihan sa iba-iba pang larang.

Inilahad sa Kartilya ng Wikang Filipino bilang Wika ng Edukasyon/ Primer on the Filipino
Language as Language of Education (2004) ng Pambansang Komite sa Wika at Salin ng
Pambansang Komisyon para sa Kultura at Sining (NCCA) ang paliwanag ng mga iskolar
sa wika at globalisasyon. Sa kasalukuyan, sabay-sabay na pinauunlad ang
pandaigdigang wika, rehiyonal na wika, at lokal na wika. Ngunit napauunlad din ang
mga rehiyonal na wika o wikang magsisilbing lingua franca ng magkakalapit na bansa.
Hindi na lamang sa Ingles nakatuon.

Kaya, lilitaw naman ang hamon kung kakayanin naman ng wikang Filipino na magtungo
at makinabang sa globalisasyon (Miclat sa Constantino, 2005). Tinugunan naman ito ni
Almario sa Zafra (2008) ng estratehiyang gamitin ang Wikang Pambansa sa lahat ng
sektor ng kapangyarihan sa lipunan sa ika-21 siglo. Maisasagawa lamang ito sa
pamamagitan ng tinawag niyang simulaing pluralista. Nangangahulugan itong hindi
lamang isang paraan ang gamitin kundi maluwag sa ibat ibang paraan ng
pagpapaunlad at pagpapalaganap ng wika tulad ng pagsasaln a ebalwasyon.

Kaugnay nito, nakikitang suliranin ni Fortunato sa Villafuerte et. a (2009) ang kakulangan
sa kasapatan ng tuntunin para mapapasok an karaniwang terminong ginagamit sa pag-
Filipino, pasalita at pasulat. Matapos ang estandardisasyon, handa nang ipalaganap ang
WI Ito ay maisasakatuparan sa pamamagitan ng pagpapakilala nito sa katutubong
nagsasalita o sa karamihan sa pasulat at pasalitang anyo.

Heterogenous na Wika
 Ang pagiging heterogenous ng wika ay bunga ng nalilikhang ugnayan ao sa iba.
Nabubuo ang variety o pagkakaroon ng ibat ibang wika. ng t Bunga ito ng pagiging
sosyal na penomena ng wika ayon sa paglalarawan ni Saussure sa tinatawag na langue
(sistema ng wika).
Binanggit ni Constantino sa Peregrino (2005), may nagaganap na linguistic convergence
salig sa teorya ni Giles na teorya ng akomodasyon (accomodation theory). Sa
kondisyong ito, nagkakaroon ng pagkakataong gumaya o bumagay sa pagsasalita ng
kausap para bigyang-halaga ang pakikiisa, pakikilahok o kayay pagmamalaki sa
pagiging kabilang sa grupo. Taliwas ito sa tinatawag na linguistic divergence na
nangyayari kapag ang gumagamit ng wika ay tumatangging gayahin ang wikang
namamayani sa pangkat na sinasamahan.

Ang switching at mixing ay bunga naman ng interference at interlanguage


phenomenon. Nakakaimpluwensya ang unang wika sa pagkatuto ng iba pang wika
(interterence) at nakabubuo ng mental grammar ang tao kayat nakalilikha ng
pagsasama ng dalawang wika sa isang salita o pahayag (interlanguage).

Ang salitang dugyot ng Ilocano ay bahagi na ng talasalitaan sa Tagalog- Maynila/


Filipino. Ang pagpalit ng gitlaping -um-para sa unlaping mag-o na- sa pandiwa (kumain
tungo sa magkain/ nakain) ay halimbawa rin ng nangyayaring interterence.

Ang sinasabing mental grammar ay tuntuning nabubuo mula sa pagsasama ng wika sa


penomenang interlanguage (paggamit ng panlapi sa Filipino sa salitang Ingles- i-text,
mag-mall, nag-internet).

Ang pagkakaiba ay makikita sa katangian ng wika na manghiram/ panghihiram. yasyong


Antropolohiko: Pagsilip sa mga Hiblat Habi ng Wika, Kultura at Sinabi ni Dr. Fermin
(2005) sa kanyang akdang Mga Varayti at wika o kaanyuang pangwika kung ihahambing
sa iba pa ay variation. Lpunan, ang tawag sa mga pekulyar na katangiang mayroon sa
isang Samantala, antala, variety naman ang aktuwal na wika o kaanyuang pangwika na
Btataglay ng mga partikular na katangiang tangi sa iba pa.

Katulad ng nabanggit na, ang wika ay dinamiko. Ito ay sa dahilang buhay at nagbabago.
Kaya, hindi maaawat ang mga wikang sumu- sulpot, hinihiram at nagiging bahagi ng
pamumuhay ng mga tao sa iba't ibang larang o panig sa bansa. Ang pagkakaroon ng
pagkakaiba o baryasyon (na maaaring panghihiram) ay hindi dapat lumikha ng ingay ng
pagtatalo-talo sa dapat na linangin o maging superyor sa lahat. Ito ay dapat na ituring
na kaangkinan ng isang wikang buhay. ng Inuri ni Zorc (1990) ang baryasyon ng slang
sa Filipino. Hiram mula Kastila (aqua de pataranta) . Hiram mula Ingles (alaska) Hiram
mula ibang wika (bakya) Pagpapalit-tunog (/ka.ibigan/) Pag-alis/pagdaragdag-pantig
(muchacha, bagito) Palit-kahulugan (kabit) Pag-imbento (walastik) Paghahalo-halo
(ander de saya) Pagpapaiksi/ truncation (altanghap) Abbreviations (PG, KKB) Binaggit
naman ni Abello sa Peregrino (2005) ang mga baryasyon ng iba pang salita sa
Filipino. .Artificial coinage (praning, dyeling) Importations (erase, award, deadma)
Attempts at verbal humor (hataw, hirit) Novelty assignment of meanings (tumabo,
tigbak, tuhog)

UNANG WIKA
          Ang bansang Pilipinas ay binubuo ng maraming rehiyon. Bawat rehiyon ay may
sariling dayalektong ginamit na siyang nakagisnan ng mga taong naninirahan sa
partikyular na rehiyon.

          Ang unang wika ay nagangahulugan na wikang ginamit at natutunan sa bahay at


sa komunidad. Ito ang wikang natutunan natin nang tayo’y isinilang. Ginagamit ito sa
pakikipag-usap sa kapwa sa loob ng isang komunidad. Tinatawag natin itong “Mother
Tounge”, ang wikang kinagisanan natin.

PANGALAWANG WIKA
          Ang Pilipinas ay binubuo ng maraming kapuluan. Bawat pulo ay may kanya
kanyang linggwaheng ginamit. Ang pagkakaroon ng iba't ibang wikain sa bansa ang
siyang naging sanhi ng hindi pagkakaunawaan at hindi pagkakaisa ng bawat
mamamayang Plipino. Kaya napagpasyahan ni Pangulong Manuel L. Quezon na bumuo
ng Surian ng Wikang Pambansa na siyang susuri kung anong wika ang dapat gamitin at
nang sa gayuy magkakaroon ng pagkakaunawaan ang bawat isa. Ayon sa pagsususri,
Tagalog tumugma at pumasa sa kanilang mga tuntunin. Kaya ito ang naging batayan sa
pagpili ng pambansang wika na ngayo’y tinatawag na Filipino.

Ang pangalawang wika ay tumutukoy sa pambansang wika ng bansa na dapat


matutunan ng lahat upang magkaroon ng pagkakaisa at pagkakaunawaan at sa
pagpapanatili sa pakikipag-ugnayan sa kapwa.

Ang wikang Filipino ang tinatawag nating pangalawang wika. Ito ang wikang ginagamit
ng lahat sa pakikipag-ugnayan sa kapwa Pilipino mula sa iba't ibang rehiyon.

Sa tulong ng pangalawang wika, kahit saan tayo magpunta maging sa Luzon, Visayas o
Mindanao man ay magkakaintindihan tayo kapag ginamit natin ang pangalavwang wika.
Kahit pa nga sa ibang bansa, ang ginamit ng mga Pilipinong nagpunta roon sa ibang
bansa ay wikang Filipino upang magkaintindihan sila sa isa't.

PABATID NG GURO

Ang wika ay isang bahagi ng pakikipagtalastasan. Kalipunan ito ng mga simbolo, tunog,
at mga kaugnay na batas upang maipahayag ang nais sabihin ng kaisipan. Ginagamit
ang pamamaraang ito sa pagpapaabot ng kaisipan at damdamin sa pamamagitan ng
pagsasalita at pagsulat. Isa rin itong likas na makataong pamamaraan ng paghahatid ng
mga kaisipan, damdamin at mga hangarin sa pamamagitan ng isang kaparaanang
lumilikha ng tunog; at kabuuan din ito ng mga sagisag sa paraang binibigkas. Sa
pamamagitan nito, nagkakaugnayan, nagkakaunawaan at nagkakaisa ang mga kaanib
ng isang pulutong ng mga tao. Kung wala ang wika, mawawalan ng saysay ang halos
lahat ng gawain ng sangkatauhan, sapagkat nagagamit ito sa pakikipag-ugnayan
katulad ng sa pakikipagkalakalan, sa diplomatikong pamamaraan ng bawat pamahalaan,
at pakikipagpalitan ng mga kaalaman sa agham, teknolohiya at industriya.

WIKANG PAMBANSA
  “Ang wikang pambansa ay Filipino. Samantalang nililinang itoy dapat Dayabungin at
pagyamanin pa salig sa umiiral na mga wika ng Pilipinas at sa iba pang mga wika. (amin
ang pagbibigay-din)
  -Saligang Batas ng 1987, Artikulo XIV, Seksyon 6

Malinaw na sinagot sa Konstitusyon ng Pilipinas ang malimit na ipagkamaling sambitin


kapag tinatanong ang isang mag-aaral tungkol sa wikang pambansa. Karaniwang ito'y
sasagutin niya ng Tagalog o di kayay Pilipino.

Sa paglilinaw ni Almario (Punong Komisyoner, KWF) sa kanyang sanaysay na Hindi patay


ang Tagalog.

                    ... Hindi naman natin kailangan magtila-Balagtas o Lope K. Santos sa ating


pagsasalita. Hindi na iyon wika ngayon kahit ng mga taal na Tagalog. Umunlad na ang
ating kamulatan at dila kayat kinakailangang baguhin kahit ang ating abakada at
balarila. Ngunit sa pagtawag na "Filipino" sa ating wika, hindi nangangahulugang
pinatay na natin ang Tagalog. Sa paggamit ng titser, hindi natin binubura ang guro.
Pinayayaman lamang natin ang ating bokabularyo at binibigyan ang ating dila ng
pagpipilian sang-ayon sa ating pangangailangan.

Narito ang paglalarawan sa Filipino, na ipinalabas ng KWF sa Resolusyon blg. 96-1


(2013) bilang tugon din sa hinihingi ng mga pagbabago ng panahon.

Ang Filipino ay ang katutubong wika na ginagamit sa buong Filipinas bilang wika ng
Komunikasyon sa isa't isa ng mga pangkating katutubo. Katulad ng alinmang wikang
buhay, ang Filipino ay dumadanas ng paglinang at Pagpapayaman sa pamamagitan ng
mga panghihiram sa mga katutubong wika ng Filipinas at mga di-katutubong wika at sa
pamamagitan ng ga pagbabago sa nagiging gamit ng Filipino sa iba't ibang sitwasyon at
Pangyayari, pasalita man o pasulat na pahayag ng ibat ibang pangkating panlipunan at
pampolitika, sa loob at labas ng kapuluan, at sa iba't ibang paksain at disiplinang
akademiko (KWF Resolusyon 96-1, 2013).

Sa resolusyon, ipinaliwanag na kahit napanatili nito ang diwa ng dating kahulugan,


kinikilala ng binagong paglalarawan ang pagiging aktibo at buhay na wika ng Filipino at
ang malalim na ugnayan sa buhay-Filipinon mga nagsasalita nito. Ang
pagsasapananong ito sa batayang deskripsyon ng Filipino ay isa pa lamang sa maraming
hakbang ng pamunuan KWF kaugnay ng aktibong kampanya sa Wikang Pambansa
makapangyarihang larang (KWF, 2013).

Sa mas lalo pang paglilinaw ng salitang Filipino, narito ang iba no ang pagpapakilala.

Filipino ang pambansang wika


ang kursong (subject) pinag-aaralan mo
ang iyong lahi sa kontekstong Ingles
Pilipino ang iyong lahi sa kontekstong Filipino
 

Samantala, sinabi ni Almario sa kanyang aklat na F_l_p_no ng mga F_L_pino (2009) na


kakatwa na ang wika natin ay  Filipino  samantalang ang pagtawag sa bansa ay
"Pilipinas". Nagbigay siya ng panukalang magkaroon na ang bansa ng opisyal na
pangalan na tatawaging "Filipinas".

Ibinigay niyang pangunahing dahilan na mas nauna at orihinal ang Filipinas" nang
ibininyag ni Villalobos sa bansa noong 1543. Ito rin ang magbubuklod at magbibigay-
daan sa konsistensi ng ispeling mula sa dalawang pagtawag sa mamamayan sa ating
bansa. Kung "Filipinas" ang susunding ngalan, tiyak nang Filipino ang pagtawag sa tao at
sa lahat ng katangiang pambansa. Maiiwasan pa ang likha ng kalituhan tulad ng mga
ganitong tanungan-pagtatalo - Pilipino ba o Filipino?

WIKANG PANTURO AT WIKANG OPISYAL


Tiyak din ang pagbanggit sa gampanin ng Filipino bilang wika ng opisyal na talastasan
at pagtuturo sa domeyn-akademiko. Tinutukoy ng sa bahaging opisyal na komunikasyon
ang transakyong maisasakatuparan sa loob ng anumang Institusyong akademiko
samantalang ang konsentrasyo ng pariralang wika ng pagtuturo ay gawaing instruksyon.
Malinaw ans kahingian na ang oryentasyong pangwika sa mga sistema ng edukasyon ay
Filipino.

Pinagtibay pa ito ng Seksyon 7 (ng Konstitusyon ng 1987) na nagsasaad ng ganito:

  Para sa komunikasyon at pagtuturo, ang mga opisyal na wika ng Pilipinas ay Filipin0 at,
hanggat walang ibang itinatakda ang batas, Ingles.

Ang mga wika ng rehiyon ay pantulong na mga wikang opisyal sa mga rehiyon at
magsisilbing opisyal na pantulong na na midyum ng pagtuturo.
Dapat na itaguyod nang kusa at opsiyonal ang Kastila at Arabic.

Masasabing pangunahing konsiderasyon bilang opisyal na wika naman ay Filipino. Nais


tukuyin na ang pagtawag na opisyal na wika ay tumutukoy sa midyum na ginagamit sa
mga tanggapan ng pamahalaan, paaralan at sa hukuman.

Sa pagiging wikang panturo ng Filipino, bahagi ng patuloy na paglinang ng Filipino ang


mga gawaing isinasakatuparan sa mga paaralan na maituturing na bahagi ng
kumokontrol o makapangyarihang larang/ domeyn. Para kay Almario (2008), Punong
Komisyoner (2013) ng KWF, mas mabuting magsimula sa itaas-pababa. Ang mga aksyon
ay nararapat na magmula sa kolehiyo/unibersidad. Sinabi pa niya na mabilis ang
paglaganap ng anumang wika mula sa sentro ng karunungan tungo sa mababang antas.

Nabibilang sa makapangyarihang domeyn o larang pangwika ang kolehiyo/unibersidad.


Inilahad pa rin ni Almario (2008) na may suliranin sa nabanggit na domeyn. Ang mga
suliraning ito ay pagtanggap at pagpapatanggap. Hindi nagtitiwala ang karamihan at
hindi sila naniniwalang kailangan ang Filipino sa kapakanan ng larang ng Lalong Mataas
na Edukasyon (Higher Educational Institution).

Sinabi naman ni Sibayan sa Brigham at Castillo (1999), na upang magtagumpay ang


hakbang sa programang pagpapaunlad ng Filipino bilang bahagi ng pagpaplanong
pangwika, magmumula ang pagkilos sa mga iskolar sa pamamagitan ng pagsusulat sa
Filipino at sa mga Institusyon sa tersarya na hinihikayat lalo ang paggamit ng Filipino.

Dagdag pa, kung ang wika ay ginagamit lamang sa loob ng silid-aralan at hindi aktibong
sinusuportahan at pinahahalagahan ng nasa paligid nito, ang pag-unlad ng wika at
motibasyon sa pagpapaunlad ng wika ay bababą mga HEI ay hindi lamang nakatuon
bilang midyum ng pagtuturo, kaagapay nito ang malawakang paggamit at pagsuporta sa
loob ng Institusyon.

Naniniwala sina Brigham at Castillo (1999) na kung gagamitin ang Filipino sa antas-
tersarya at sa iba pang kumokontrol na domeyn makakamit nito ang mas mataas na
estado ng pagkilala. Dagdag din ang
pagkilala sa mga sa mga HEI.

Kailangang humarap ng wikang pambansa sa laban sa Ingles pakikiayon ng wikang


Filipino sa mga wikang bernakular at tunggalian sa paglinang nito (Almario sa Ibarra
sa  http://www.academia.edu/2115074
Estratehiya_ng_Pagpaplanong_Pangwika_sa_Filipinas,  nakuha noong Mayo, 19, 2013).
Mapanghamon ang Ingles lalo idinidikit dito ang taguring internasyonal na wika at wika
ng globalisasyon. Sa kabilang panig, sa pahayag ni Miclat sa Constantino (2005), hindi
naman nababatay sa kaalaman sa
Ingles ang globalisasyon. Binanggit niya na ang kaunlaran ng mga bansang hindi
gumagamit ng Ingles tulad ng South Korea, Japan, Israel, Malaysia, Vietnam, India, China
at Thailand. Kasama pa ang Germany, France,
Czechoslovakia at marami pang ibang bansa sa Europa.

Inilahad sa Kartilya ng Wikang Filipino bilang Wika ng Edukasyon Primer on the Filipino
Language as Language of Education (2004) ng Pambansang Komite sa Wika at Salin ng
Pambansang Komisyon para sa Kultura at Sining (NCCA) ang paliwanag ng mga iskolar
sa wika at globalisasyon. Sa kasalukuyan, sabay-sabay na pinauunlad
ang pandaigdigang wika, rehiyonal na wika, at lokal na wika. Ngunit napauunlad din ang
mga rehiyonal na wika o wikang magsisilbing lingua franca ng magkakalapit na bansa.
Hindi na lamang sa Ingles nakatuon.

Kaya, lilitaw naman ang hamon kung kakayanin naman ng wikang Flipino na magtungo
at makinabang sa globalisasyon (Miclat sa Constantino, 2005). Tinugunan naman ito ni
Almario sa Zafra (2008) ng estratehiyang gamitin ang Wikang Pambansa sa lahat ng
sektor ng kapangyarihan sa lipunan sa ika-21 siglo. Maisasagawa lamang ito sa
pamamagitan ng tinawag niyang simulaing pluralista. Nangangahulugan itong hindi
lamang isang paraan ang gamitin kundi maluwag sa ibat ibang paraan ng
pagpapaunlad at pagpapalaganap ng wika tulad ng pagsasalin at ebalwasyon.

Kaugnay nito, nakikitang suliranin ni Fortunato sa Villafuerte et. al. (2009) ang
kakulangan sa kasapatan ng tuntunin para mapapasok ang karaniwang terminong
ginagamit sa pag-Filipino, pasalita at pasulat.

Lektura sa gamit ng Wika


Simulan Natin

                Tungkulin ng bawat taong pangalagaan at pagyabungin ang wikang kaniyang


ginamgamit sa pakikipag-ugnayan sa kapwa at sa lipunang kanyang ginagalawan.
Ngunit ang wika ay may tungkulin ding ginagampanan sa tao.

          Bawat kilos na ipinakita ng tao at bawat bagay na inisip ng tao ay nabibigyang
katuparan sa tulong ng wika. Bawat sigundo, minute o oras na nakikipag-usap ang tao
sa kapwa ay gumagamit ito ng wika. Lingid sa kaalaman ng tao na ang bawat wikang
sinambit sa pakikipag-usap ay may iba’t-ibang tungkulin.
          May mahahalagang gamit ng wika sa lipunan ayon kay M.A.K. Halliday (1973). Ito
ay ang mga sumusunod:

1.   INSTRUMENTAL

Ang wika ay ginagamit bilang instrument sa pagtugon sa mga pangangailangan ng tao


sa lipunan. Naiibigay ang pangangailangan ng bawat isa sa tulong ng wikang kanyang
ginamit tulad ng pagsulat ng liham pangangalakal. Kasama na rin ang pakikiusap.

Halimbawa:

          Pakidala rito ang mga hiniling kong papel.

          Nakikiusap akong huwag ipaglaban ang halalan.

2.   REGULATORYO

Ang paggamit ng regulatory ay pagkontrol at paggabay ng kilos o asal ng iba. Ito ay


kinabibilangan ng pagbibigay panuto, palala, babala o direksiyon.

Halimbawa:

          Tunguhin lamang ang kabilang silid para sa iyong panayam.

3.   INTERAKSYUNAL

Tumutukoy sa relasyong sosyal. Kasama rito ang pangangamusta, pagpapasalamat at


paghingi ng paumanhin.

Halimbawa:

          Mabalos. (Bicol- Salamat.)

          Paanoano ikaw? (Hiligaynon-Kamusta ka?)

4.   PERSONAL

Kapag nakabahagi ng sariling damdamin, ang gamit ng wika ay personal. Kasama rito
ang pagsang-ayon, pagsalungat, pagpuri, paglibak at paninisi.
Halimbawa:

          Pinatototohanan ko ang iyong mga sinabi.

          Taas-noo ang lahat sa iyong nagawa.

5.   HEURISTIKO

Sa pagkalap o pagkuha ng impormasyon sa pamamagitan ng pagtatanong,


pagsasagawa ng sarbey at pagsasaliksik.

Halimbawa:

          Ilan ang sumagot ng hindi?

          Paano nabuo ang mga barayti ng wika?

6.   PANG-IMAHINASYON

Likas sa mga Pilipino ang pagkamalikhain. Sa pamamagitan ng wika ay napagagana ang


imahinasyon ng tao. Nakasusulat sa isipan ng tao ang kanyang mga pangarap na
nagsisilbing gabay sa kanyang hinaharap.

Halimbawa:

          Dumating-umalis ang kahapon.

          Ang kahapon ay kapatid ng ngayon at bukas.

7.   IMPORMATIBO

Kung ang heuristiko ay paghahanap ng impormasyon ang impormatibo naman ay ang


mga kasagutan sa impormasyong hinahanap. Sa tulong ng wika ay naibibigay ang
kaalaman o impormasyong hinahanap ng bawat tao.

Halimbawa:
          Pag-uulat, pagtuturo, pagsulat ng pamanahong papel

Kaugnay ng mga nabanggit sa itaas ang mga tungkulin ng wika sa gawaing


diskurso na ayon kay Searle (1979).

Representatives

Ito ang gampanin kung ipinapahayag sa mga tagatanggap ang estado ng isang bagay o
pangyayari.

Nalalaman ko na alam mo ag pasikot-sikot sa trabahong iyan.  (kakatawan sa hinala ng


nagsasalita, nagsasabi sa kausap na kayang gawin ang aksyon)

Nababasa kong may suliranin ka. (mula sa nakikita ng nagsasalita, nagsasabi sa kausap


na maaaring mahikayat na bumanggit tungkol sa sariling suliranin)

Directives

Ito ang gampaning pangwika kung nagpapakilos ng mga tao upang isakatuparan ang
alinmang gawain.

Iminumungkahi kong magdala ang lahat ng maraming aklat bilang donasyon. Pulutin
ang lahat ng maliliit na papel saka ipunin.

Commissives

Ito ang tungkuling pangwika kapag ang pahayag ay naglalaman no intensyong gawin
ang isang pagkilos sa hinaharap.

Gagawin ko ang proyekto sa kamakalawa.

Babawiin ko ang aking ibinigay kapag hindi kumpleto ang pinagawa.

Expressives

Expressive ang tungkulin kapag nagbubulalas at nagpapahatid ng damdamin tungkol sa


isang kaganapan.

Ikinalulungkot ko ang pangyayari.

Nagpapasalamat ako sa inyong lahat.


Binabati kita sa iyong pagtatapos.

Declaratives

Ito naman ang gampanin ng wika kapag nababago ang kalagayan ng isang pangyayari
sa tulong ng pahayag.

Ikaw ay nahatulang makulong ng sampung taon. (Inaasahan ang kalungkutan.) Hindi


napili ang iyong akda sa timpalak-pagsulat. (Inaasahan ang panghihinayang)

Nagbahagi naman si Jakobson (sa Fortunato, 2003) ng paggamit ng wika na maaaring


isaalang-alang sa ibat ibang kasanayang pangwika.

Emotive/expressived

Nagagamit ang wika sa pagbabahagi ng estado ng damdamin ng sumulat o nagsalita.


Midyum din ito sa pagpapakilala ng sariling karaktel

Natutuwa ako sa iyong nasabi.

Ikinalulugod ko ang inyong pakikiisa sa programa ng pamahalaan.

Conative

Nilalayon na pakilusin ang tumatanggap ng mensahe.

Gawin mo ang tungkulin para sa bayan, bumoto ka.

Kalimutan mo ang kanyang alaala at magbago para sa iyong sarili.

Phatic

Nagiging midyum ang wika sa pagsisimula ng interaksyon sa mga actor ng


komunikasyon.

Mabuti at nagkita tayong muli.

Ano? Nag-asawa ka na ba?

Referential
 Ginagamit ang wika sa mga tekstong nasa larang ng agham.

Ang salt lamp ay ipinagmamalaking imbensyon ng Pilipino na nakita ang bentahe ng


produksyon ng asin sa bansa.

Ngayong taong 2016, may naanngkat na bakuna sa sakit na dengue ang DOH.

Metalingual

Ang wika ay ginagamit sa diskursong may kinalaman sa estruktura ng wika.

Ang acquisition ng wika ay nagaganap sa mga di pormal na konteksto ng komunikasyon.

Taglay ng tao ang universal grammar.

Phoetic

Nagagamit ang wika sa mga genre ng panitikan.

Walang lihim na hindi nabubunyag.

Sa araw ay bumbong, sa gabi ay dahon (banig).

Ang mga inilahad sa itaas ay magkakaibang pagtanaw sa gamit ngg wika sa lipunan.
Magkakaiba man, mula sa pag-unawa sa paglalapat sa sitwasyon, mahihinuhang
maaaring pag-ugnayin at pag-isahin ang mga magkakatulad na konsepto.

PABATID NG GURO:
Pasalita man o pasulat ang wika, ito ay may kanya-kaniyang gamit o tungkulin sa ating
lipunan. Ang wika ay maaaring tumugon o kumontrol sa ating mga pangangailangan at
pag-uugali bilang isang indibidwal.

Ito ay nagpapanatili sa ating relasyong sosyal sa ating kapwa na siyang nagbibigay ng


mga babala o paalala sa ating mga ginagawa. Dahil din sa wika, naipahahayag natin ang
ating mga damdamin at sariling mga emosyon na nais nating iparating sa ating mga
kausap.

Lektura sa Kasaysayan ng Wikang Pambansa


INTRODUKSIYON

Bago pa man dumating ang mga Kastila sa Pilipinas ay pinaniniwalaang ang mga
sinaunang Pilipino ay marunong ng bumasa at sumulat. May alpabeto na sila noon na
tinatawag na Alibata. Nakasulat ito sa mga dahon ng saging o sa balat ng puno gamit
ang mga panulat na pinatulis na kawayan at matutulis na bato. Ang paraan ng kanilang
pagsusulat ay katulad sa mga Malayo na kung saan ito ay natutunan ng mga ninuno
natin mula sa kanila.

Ang baybayin ay mula sa salitang "baybay” na nangangahulugan sa wikang Ingles na "to


spell". Tinatawag itong Alibata ni Paul Versoza noong dalawampung dekada.

Ayon kay Padre Chirino, isang Kastilang mananalaysay, ang matandang alibata ay
pinaghalong kabihasnang Malayo, Arabe, Kambodya, Tsina, Sayam, Borneo at Indiya.
Pinatutunayan lamang ito na noon pa man ay marunong ng bumasa at sumulat ang
ating mga ninuno bago pa dumating ang mga Kastila sa ating bansa

BAGO DUMATING ANG MGA KASTILA

May pangkat na ng mga mandarayuhan ang dumako sa bansa bago pa ang pormal na
pananakop ng mga Kastila noong 1565. Ang palipat-lipat na
mandarayuhang Negrito ay dumako sa mga kagubatan at kabundukan ng Luzon. Sa
tulong ng tulay na lupa nadala ang kanilang kultura. Isa sa mga makapangyarihang
ambag nila sa kasaysayan ng panitikan ang mga pasalindilang anyo tulad ng mga awitin
at pamahiin.

 Mas maunlad na kabihasnan sa nauna ang mga Indones. Naipakalat ang kanila ring
dalang wika sa tulong ng mga alamat, epiko at mga kuwentong bayan.

Samantala, narating ng mga Malay ang Pilipinas bitbit ang kanilang sistema ng


pamamahala (balangay bilang sasakyang pandagat), wika at sistema ng pagsulat
(Alibata). Maituturing iyon na malaking hakbang tungo sa paglinang ng wika nang
panahong iyon.

Sa pagpasok ng mga nabanggit na mandarayuhan sa bansa, mahihinuhang


magkakaugnay at magkakahawig ang mga wikang lumaganap sa bansa at kinikilala sa
kasalukuyan. Katulad ng klasipikasyon ni Gleason (1961) sa mga wika sa daigdig,
inilahad na ang mga wika at wikain sa Pilipinas ay kasama sa angkang Malayo-
Polinesyo na kinabibilangan nga ng mga wikang Indonesian (Tagalog, Visayan, Ilocano,
Pampang Samar-Leyte, Bicol at iba pa sa Pilipinas) at Malay. Kapuwa ay buhat sa
pinakaangkan na Austronesyo. Ang Malayo-Polinesyo ay sumunod 18 laki sa wikang
sakop ng angkang Indo-European (pinakamalaki) a kinabibilangan ng Espanyol at Ingles.

Sumunod na dumayo ang mga Intsik, Bumbay, Arabe at Persiyano na inutangan din ng
mga Pilipino ng mga talasalitaang gamit at inampOn rin sa kasalukuyan sa kultura ng
bansa. Ang layon ng mga nabange dayuhan ay makipagkalakalan.

PANAHON NG KASTILA

   lpinag-utos ng hari ng Epanya na turuan ang mga katutubo ng wikang Kastila. Ngunit
hindi nila sinunod ang utos ng hari bagkus sila ang nag-aral sa wikang katutubo sa
tatlong dahilan:

1.    Avaw nilang mahihigitan ang kanilang talino ng mga katutubo.

2.    Natatakot silang baka maghimagsik ang mga katutubo laban sa kanila.

3.    Nangangambang baka magsumbong sa hari ng Espanya ang mga katutubo tungkol


sa mga kabalbalang ginawa ng mga Kastila sa Pilipinas.

 Sapilitan ang ginawang pag-aaral gamit ang wikang bernakyular.


 lpinagamit ang wikang katutubo at hindi itinuro ang wikang Kastila. Nagbukas sila ng
pribadong paaralan na ang layunin ay ituro ang relihiyon.
 Ang mga prayle ay nagsulat ng mga aklat panggramatika at diksyunaryo sa mga
katutubong wika.

PANAHON NG REBOLUSYONG PILIPINO

 Sa panahong ito ay namulat ang isipan at damdaming makabayan ng mga Pilipino.


 Dito naitatag ang "Kartilya ng Katipunan" na nakasulat sa wikang Tagalog.
 Sa panahong ito ay maraming naisulat na mga akdang pampanitikan na siyang
nagpapagising sa damdaming makabayan at sumibol ang nasyonalismong Pilipino.
 Sa pamamagitan ng Biak na Bato (1896), nakasaad na ang wikang Tagalog ang siyang
magiging wikang opisyal ng Pilipinas.
 Patunay nito, na sa mga bayan ng Rizal, Laguna, Cavite, Quezon, Batanggas, Tarlac,
Bulacan at Bataan kung saan namayani ang KKK ay dilang Tagalog ang naghahari.

PANAHON NG AMERIKANO
 May malaking pagbabagong naganap pagdating ng mga Amerikano sa bansa.
 Kabaligtaran ang nangyari sa panahon ng Amerikano. Pilit nilang pinakalimutan sa mga
katutubo ang wikang bernakyular at sapilitang ipagamit ang wikang Ingles.
 Malugod naman itong tinanggap ng ating mga ninuno sa kadahilanang:

1.    Uhaw ang ating mga katutubo sa edukasyong liberal.

2.    Mabuti ang pakikitungo ng mga Amerikano sa mga Katutubo.

 Nagpatayo sila ng pitong pampublikong paaralan sa Maynila na kung saan ang


mga Sundalong Amerikano ang kanilang guro.
 Monroe Educational Commission (1925)- nagsasaad na mabagal matutop ang mga
batang Pilipino kung Ingles ang gamiting wikang panturo sa paaralan batay sa ginawang
sarbey.
 Panukalang Batas Blg. 577 (1932), gamitin bilang wikang panturo sa mg paaralang
primarya ang mga katutubong wika mula taong panunuran 1932-193

PANAHON NG PAGSASARILI

 Saligang Batas ng 1935, Artikulo Blg. XIV, Seksyon 3 ay nagsasabing ang kongreso ay
gagawa ng hakbang tungo sa pagpapatibay at pagpapaunlad na isang wikang
pambansa na ibabatay sa isa sa mga umiiral na katutubong wika sa kapuluan.
 Pagtibayin ang Batas Komonwelt Blg. 184 (1936). Itinatag ang tanggapan na Surian ng
Wikang Pambansa (SWP) na binibigyan ng kapangyarihang gumawa ng mga pag-aaral
sa lahat ng mga sinasalitang wika sa kapuluan.
 Nobyembre 9, 1937. Isinumite ng mga miyembro ng Surian ng Wikang Pambansa kay
Pangulong Quezon ang kanilang rekomendasyong Tagalog ang gagamiting batayan sa
pagpili ng wikang pambansa.
 Disyembre 30, 1937. Nagkabisa ang Kautusang Tagapagpaganap Blg. 134 na Wikang
Tagalog ang gawing batayan sa pagpili ng wikang pambansang Pilipinas. Ito ay
ipinahayag ni Pangulong Quezon sa pamamagitan ng isang brodkast sa radio mula sa
Malacañang.
 Disyembre 13, 1939. Nailimbag ang kauna-unahang Balarilang Pilipino na SIyang
bunga ng walang pagod na pagsusumukap at pagmamalasakit sa wika ni G. Lope K.
Santos na kinikilalang "Ama ng Balarilang Pilipino."
 Abril 01, 1940. Kautusang Tagapagpaganap Blg. 263, dito ipinalimbag ang
diksyunaryong Tagalog-Ingles at ng Balarila ng Wikang Pambansa upang magamit sa
mga paaralan sa buong kapuluan.
 Hunyo 19, 1940. Dito sinimulang ituro ang pambansang wikang nakabatay sa Tagalog
sa mga paaralang pribado at pampubliko.

PANAHON NG HAPON

 Sumiklab ang ikalawang digmaang pandaigdig at nasarado sa paaralan.


 Pagkatapos ng digmaan ay binuksan muli ang mga paaralan at ipinagamit ang Wikang
Katutubo bilang wikang panturo at pinakalimutan ang wikang ingles.
 Naging maunlad sa panitikan ang Pilipinas
 Inalis sa kurikulum ang wikang Ingles at sapilitang ipinaturo ang wikang pambansa at
wikang Niponggo .
 Binigyang-diin ang Niponggo sa mga paaralan at institusyon.
 Nobyembre 30, 1943. Naglagda si Pangulong Jose P. Laurel ng Kautusang
Tagapagpaganap Blg. 10 na nagtakda ng ilang repormang pang-edukasyon, Isa sa mga
iyon ay ang pagtuturo ng wikang pambansa sa lahat ng pubiiko at pribadong paaralan
ng hayskul, kolehiyo at unibersidad.
 Enero 03, 1944. Binuksan ang isang Surian ng Tagalog na tulad ng Surian ng Niponggo
upang ituro ang Tagalog sa mga gurong di- Tagalog.

PANAHON NG REPUBLIKA

 Hulyo 04, 1946. Ipinalabas sa Batas Komonwelt Blg. 570 na ang wikang pambansa ay
isa nang wikang opisyal sa Pilipinas.
 1946. Ang wikang pambansa ay tatawaging "Wikang Pambansang Pilipino."
 1951. Ang wikang pambansa ay tatawaging "Wikang Pilipino."
 Proklamasyon Blg. 13 noong Marso 26, 1954 ay nilagdaan ni Pangulong Ramon
Magsaysay ang tungkol sa pagdiriwang ng Linggo ng Wika tuwing Marso 29 Abril4
 Proklamasyon Big. 186 noong Setyembre 23, 1955 na nagsasabing inilipat ang petsa
ng Pagdiriwang ng Linggo ng Wikang sa Agosto 13-19 na kung saan itinapat ang huling
araw ng pagdiriwang sa kaarawan ni Pangulong Manuel L. Quezon na binigaynag
karangalang  “Ama ng Wikang Pambansa”
 Kautusang Tagapagpaganap Blg. 7 noong Agosto 13, 1959 na nagsasabing ang
wikang pambansa ay Pilipino.
 Kautusang Pangkagawaran Blg. 96 (1967) na pangalanan ang mga gusali, edipisyo at
tanggapan ng ating pamahalaan.
 Resolusyon Blg. 70 (1970) ay nagsasabing ang wikang pambansa ay naging wikang
panturo sa antas elementary.
 Memorandum Sirkular 488, Hulyo 29, 1971. Humiling sa lahat ng tanggapan ng
pamahalaan na magdaos ng palatuntunan sa pagdiriwang ng Linggo ng Wikang
Pambansa tuwing Agosto 13-19.

PANAHON NG BAGONG LIPUNAN

 Resolusyon Big. 73 (1973)-iniluwal ang patakarang bilinggwal. Ito ay ang paggamit ng


Ingles at Pilipino bilang midyum ng pagtuturo sa mga tiyak na aralin at bilang hiwalay na
asignatura sa kurikulum mula unang baitang ng mababang paaralan hanggang kolehiyo
sa lahat ng paaralan
 Noong 1974-75 ay sinimulang ipinatupad ang Patakarang Edukasyong9 Ipinalabas ang
mga aklat ng "Mga Katawagan sa Edukasyong Bilinggwal" noong 1975 upang mabilis na
maipalaganap ang blinggwalismo.
 Memorandum Sirkular 77 (1977) - pagsasanay ng mga pinuno at kawani ng mga
pamahalaang local sa paggamit ng wikang Pilipino sa mga transaksyon, komunikasyon
at korespondensya
 Lumabas ang Kautusang Pangministri Blg. 22 (1978) na nag-uutos ng pagkakaroon
ng 6 na yunit na Pilipino sa lahat ng kurso sa tersyarya at 12 na yunit sa mga kursong
pang-edukasyon.
 Kautusang pangministri Blg. 40 (1979) - ang mga estudyante sa medisina, dentista,
abogasya at paaralang gradwado ay magkaroon na rin ng asignaturang Pilipino pati na
rin ang mga estudyanteng dayuhan.
 Memorandum Sirkular Big. 80-86 (Nobyembre 1980) - nag-aatas sa lahat ng mga
gobernador at mayor ng Plipirnas sa isa-Pilipino ang mga Sagisag-Opisyal.
 Kautusang Pangministri 5lg. 102- nagtatakda ng mga Sentro sa Pagsasanay ng mga
guro sa Pilipino Diiang midyum ng pagtuturo sa antas tersyarya.
 Constitutional Commission (Setyembre 10, 1983) - nagpatibay na ang Pilipino ay
gagawin bilang wikang Pambansa

PANAHON NG KASALUKUYAN

 (Oktubre 12, 1986) - pinagtibay ang implementasyon ng paggamit ng r Dllang


pambansang wika, gaya na isinasaad sa 1987 Konstitusyon ng Pilipinas (Artikulo XIV,
Seksyon 6). "Ang wikang pambansa ng Pilipinas ay Filipino. Samantalang nililinang ito ay
dapat payabungin at pagyamanin pa salig sa umiiral na wika sa Pilipinas at iba pang
wika."
 Kautusang Tagapagpaganap Blg. 117 (Enero 1987) ang dating Surian ng Wikang
Pambansa (SWP) ay pinalitan ng Linangan ng mga Wika sa PIipinas (LWP).
 Kautusang Pangkagawaran Blg. 84 (1988) nag-aatas sa lahat ng opisyal sa DECS na
isakatuparan ang Kautusang Tagapagpaganap Blg. 335 na nag-uutos na gamitin ang
Filipino sa lahat ng komunikasyon at transaksyon ng pamahalaan.
 (Marso 19, 1989)- ipinalabas ni Kalihim Isidro Cariño ng Edukasyon, Kultura at
Palakasan ang Kautusang Pangkagawaran Blg. 21 na nagtagubilin na gamitin ang
Filipino sa pagbigkas ng panunumpa ng katapatan sa Saligang-Batas at sa bayan natin.
 Batas Republika Blg. 7104 (Agosto 14, 1991) - nilikha ang Komisyon sa Wikang
Filipino (KWF) bilang alinsunod sa Artikulo XIV, Seksyon 9 ng 1987 Konstitusyon.
 CHED Memorandum Blg. 59 (1996) nagtadhana sa panuntunan sa pagpapatupad ng
New General Education Curriculum (NGEC) para sa antas tersyarya, 9 na yunit para sa
mga estudyante ng kursong Humanities, Social Sciences at Communication (HUS0COM),
6 na yunit para sa estudyante ng kursong Engineering, Marine, Science, Mathematics,
Business, Agriculture, atbp. At nagbabago sa deskripsyon at nilalaman ng mga kurso sa
Filipino 1 (Sining ng Pakikipagtalastasan), Filipino 2 (Pagbasa at Pagsulat sa lba't lbang
Disiplina) at Filipino 3 (Retorika).
 Hulyo 15, 1997 nilagdaan at ipinalabas ni Pangulong Eidel V Ramos ang Proklamasyon
Blg. 1041 na nagpapalayag ng taunang pagdiriwang ng Buwan ng Wikang Pambansa
mula Agosto 1-31 na dating Linggo na Wika.
 Taong 2001 ininalabas ng Komisyon sa Wikang Filipino (KWF) ang awtput ng proyekto.
Nirebisa ang 1987 Patnubay sa lspeling na 2001 Revisyon ng Alfabeto at Patnubay sa
lspeling ng Wikang Filipino.

PABATID NG GURO:

Bakit mahalagang pag-aralan ang kasaysayan? Ang pagaaral ng kasaysayan ay isang


paraan ng pagbabalik tanaw sa ating nakaraan, pagtuklas sa ating pinanggalingan at
pagigiging maalam sa ating makulay na tradisyon at kultura.

Mahalaga ito sa pagbuo hindi lamang ng isang bansa kundi mahalaga din ito sa pagbuo
ng ating pagkatao. Sa pagtuklas natin ng ating nakaraan ay malalaman natin ang ating
pinanggalingan mas lalo nating mauunawaan ang ating pagka Pilipino.

Sa pagkakaroon ng iisang wikang gagamitin ng sambayanan ay makatutulong ito sa


atin upang magkaroon ng pagkakaintindihan at pagkakaunawaan ng bawat isa. Sa
pamamagitan din nito, magkakaroon tayo ng malalim na pagmamahal sa ating bansa na
mag bubunga upang tayo ay maging isang mabuting mamayan ng bansang Pilipinas.

Sa bahaging ito, ilalahad ang sitwasyong pangwika sa Pilipinas. Ilalahad ang paggamit
ng wikang Filipino sa iba’t-ibang konteksto. Ito ay para sa layuning mataya ang lawak ng
pagtatanggap sa wikang pambansa at kapasidad nito ng maging bahagi ng ib’t-ibang
larang. Ilalapit nito ang mag-aaral sa oryentasyong pananaliksik o magbubukas ng
pagkakataon para sa maka-Filipino at para sa Pilipinong pananaliksik.

Pag-usapan natin ang sitwasyong pangwika sa bansa.

                    Sa bawat larang, sikaping pag-usapan (maaaring malayang talakayan, porum,


pangkatang diskusyon) ang dahilan at paraan ng pagkakabuo ng mga salita/pahayag
batay sa karanasan at konteksto ng kasalukuyang panahon. Maaaring dagdagan ang
tala ng mga pahayag na ito.

MGA PILING SALITA/ PAHAYAG SA LARANG NG TELEBISYON


madlang pipol Kilig much. Paki-explain. Push mo ‘yan!

Labyu!
Handa na ba kayo? Pak na pak Pa-epek. Now na!
PBB teens Kara-karaka …pa more May chance
I-Dawn Zulueta mo Eksaherada Dabarkads KathNiel
ako!
Waley! Ansaveh! MaAlden kita. Kalyeserye
MGA PILING SALITA/ PAHAYAG SA LARANG NG PELIKULA
Actors cue Tumabo Direk Produ
Apple box Takilya Ka-double Shot
Artista Cut Kaeksena Trailer
Audience Credit Idiout board Off-cam
Behind the scenes Crew meal Oa patok

MGA PILING SALITA/ PAHAYAG SA LARANG NG SOCIAL MEDIA


GGSS nag-viral bashers famous
i-facetime pa-selfie mam-bash RK
Netizens i-search I-dm mo ako hahtag
Mag-skype Mag-groupie i-RT mag-net
pa-share YOLO Ni-like ko na Ol ka?

MGA PILING SALITA/ PAHAYAG SA LARANG NG RADYO


Kalirkey Chris Tsuper famous  
Hayahay ang buhay Kelangan pa bang i- RK
 
memorize ‘yan?
Tambayers Chorvahin mo ako hahtag  
Nicole Hyala Palusot.com mag-net  
Papa jack   Ol ka?  

MGA PILING SALITA/ PAHAYAG SA LARANG NG BATAS/ GOBYERNO AT


ADMINISTRATION
boykot Kabarilan Sa sala ng hurado Tuwid na daan
Cory magic Parak Star witness Hindi ako ang aking
nakaraan
FVR PNoy Tiger City kasuhan
Na-Janet (Napoles) Himas-rehas Buwisan nag-SONA
Erap Pork scam Mag-file ng kaso Dining ng korte

MGA PILING SALITA/ PAHAYAG SA LARANG NG NEGOSYO


pa-buo (perang Komisyon sukli pasuweldo/ pasahod
papel)
Imbentaryo Pasahod resibo kumota (quota)
GC Produksyon i-sales talk may discount
Capital Tumpok tumubo mag-franchise
Kinsenas Supply-an Lugi tinda

MGA PILING SALITA/ PAHAYAG NG MGA BAKLA


Bagelya Eksenadora keme Pabebe ka
Warla Kabog imbyerna Bet mo?
lukring Shokot borlog Thunders sila.
Portugal Beh ampalaya Itech
Nagmamaasim Gandara Anek ‘yan Bonggangvilla

MGA PILING SALITA/ PAHAYAG SA LARANG NG PAMILIHAN


Pabili! Magkano, tumpok? Suki! Kaliskisan teh?
Walang bawas? Ang mahal naman! Pili lang. Gulay kayo!
Murang-mura lang Lilinisin? Presyong kaibigan Last price na ‘yan.
‘yan
Tapat na po. Paplastik. Pwede isukat? Ano sa’yo ganda?
Ilan, ganda? Patimbang. Saglit. Babaan mo naman?

MGA PILING SALITA/ PAHAYAG SA LARANG NG CLAN


Coda Sabog  ang inbox gobas (sabog) soya (ayos)
Pa-flood Pauga (manlilibre) Tagasan? nakipindot
Peymut (famous) i-welcome pasabit Dial kita.
Boka Unlitots sibak Mag-quit
Adik nanghuhugot laylo Pasponsor

MGA PILING SALITA/ PAHAYAG SA LARANG NG PAMPUBLIKONG SASAKYAN


Lisensya Magkano, RTU? sabit Senior?
Pila Break Pasada Estudyante po.
usad-pagong Tabi lang po. kandong Teketan
Kaskasero Break Makikiusog Maluwag po
Toda Tatawid? Pambawnderi ruta

MGA PILING SALITA/ PAHAYAG SA LARANG NG FASTFOOD


Dine in o to go po? May drinks po? Na-punch ko na po. Double time
Change po. Less ice po. Sa side na lang po. Magandang umaga.
Ok na po. Ice please. Serve na lang po. Next please.
Pa-void! Side na lang po. Balik po kayo/ sila. Table number
Ilan po ma’am? Pahinging pambalot. Extra Rice po. Out pending

Malayo na ang nalakbay ng wikang Filipino sa kasalukuyan. Ang wika ay


makapangyarihang instrumento na makatutulong sa bawat indibidwal. Ang mga iba’t
ibang sitwasyong ito ay may malaking tulong sa pag-unlad ng wika at maging sa taong
gumagamit nito. Sa larang ng Telebisyon, Radyo, Diyaryo, Pelikula at mga social media
ay nakakatulong sa pamamagitan ng mga salitang maaaring magamit sa pang-araw-
araw na pakikisalamuha. Sa larang ng telebisyon, radio, diyaryo at pelikula, Filipino ang
siyang lingua franca. Ito ay isang mabuting sensyales para sa lalong pag-unlad at
paglago ng ating wikang pambansa. Malaking tulong ang paggamit ng wikang Filipino
sa anumang karamangan sapakat mas makatutulong ito sa mga manunuod o
mambabasa na maintindihan ang nais ipabatid o ibahaging mga impormasyon.

You might also like