Kayraming nabago noong nagsimula ang pandemyang ito.
Ang mga kinagawian nating pagsasalo-salo
tuwing may mga nagkakaroon ng kaarawan at ang paggala nating magkakaibigan ay nabago na. Ang simpleng pakikipag-usap lamang ngayon sa taong kakilala mo rin ay mahigpit nang ipinagbabawal dulot ng nakakamatay na sakit ngayon. Kung dati ay ang mga kinakailangan mo lamang dalhin kapag ikaw ay lalabas ng iyong bahay ay ang iyong selpon at iyong pera, sa ngayon ay nabago na ito. Hindi ka na maaaring lumabas ng inyong pamamahay ng walang dalang face mask, face shield, at alcohol na makakatulong sa iyo upang hindi ka mahawaan ng malubhang sakit na covid. Tila kayrami ang nabigla sa pangyayaring ito at hindi parin nasasanay sa ganitong sitwasyon kaya naman ang bawat isa ay naghanap ng paraan upang libangin ang kanilang sarili. Sa nakaraang taon ay marami akong napagtanto, tulad na lamang ng pag workout upang gumanda naman ang hugis ng aking katawan dahil napansin kong hindi na pala ito maganda tignan. Naghanap rin kami ng iba pang paraan upang kaming magkakaibigan ay magkamustahan parin at magkaroon parin ng bonding namin kaya naman kinaugalian na din naming magkaroon ng movie night kung kalian ang isa samin ay may kaarawan. Ang bawat isa sa atin ay may kaniya-kaniyang paraan upang maka cope sa pandemyang ito at upang libangin ang kanilang sarili, at ito na ang iba sa aking mga ginagawa upang maka cope sa pandemyang ito.